Image 1
Image 2

« July 2002 | Main | September 2002 »

August 29, 2002

Naalala nyo ba itong


Naalala nyo ba itong mga ito? Tawang-tawa ako nang mabasa ko ito sa site ng kaibigan kong si Batman Kaya pa-kangkong ha, bats!
.
J.A.P.A.N Just Always Pray At Night.

H.O.L.L.A.N.D Hope Our Love Lasts And Never Dies.

I.T.A.L.Y. I Trust And Love You.

L.I.B.Y.A. Love Is Beautiful; You Also.

F.R.A.N.C.E. Friendships Remain And Never Can End.

C.H.I.N.A.Come Here.. I Need Affection.

B.U.R.M.A. Between Us, Remember Me Always.

I.N.D.I.A. I Nearly Died In Adoration.

K.E.N.Y.A. Keep Everything Nice, Yet Arousing.

C.A.N.A.D.A. Cute And Naughty Action that Developed into Attraction

K.O.R.E.A. Keep Optimistic Regardless of Every Adversity.

E.G.Y.P.T. Everything's Great, You Pretty Thing!

Y.E.M.E.N. Yugyugan Every Morning, Every Night.

R.U.S.S.I.A. Romance Under the Sky & Stars is Intimate Always.

M.A.N.I.L.A. May All Nights Inspire Love Always.

B.A.L.I.W.A.G. Beauty And Love I Will Always Give.

M.A.L.A.B.O.N. May A Lasting Affair Be Ours Now.

I.M.U.S. I Miss U, Sweetheart.

P.A.S.I.G. Please Always Say I'm Gorgeous.

C.E.B.U. Change Everything... But Us.

P.E.R.U. Porget Everyone... Remember Us.

P.A.R.A.N.A.Q.U.E. Please Always Remain Adorable, Nice And Quiet Under Ecstacy.

T.O.N.D.O. Tonight's Our Night, Dearest One.

P.A.S.A.Y. Pretty And Sexy Are You.

M.A.R.L.B.O.R.O. Men Always Remember Love Because Of Romance Only.

P.H.I.L.I.P.P.I.N.E.S. Pumping Hot.. I Love It! Please Please.. I Need Erotic Stimulation!

--------

Posted by atesienna at 09:30 AM | Comments (0)

Ano ba yun.. Tsusdey


Ano ba yun.. Tsusdey pa pala ako huling naglagay ng entry dito. Kaya naman si pareng Neil eh panay ang kulit na sa akin na magdagdag na ng entry at kung hindi eh lalatiguhin ata ako (hehehe). O sya Neilencio.. eto na nga.. para sa'yo:


Makukumpleto ko na yung mga pinag-kukukuha kong mga litrato nung alis namin papuntang Panorama. Alam ko na ang sasabihin ninyo: "My gulay!!!! Wala na bang katapusan yang mga litratong yan eh wala naman akong nakikita sa site mo!!" Ang masasbai ko lang eh "True ka dyan!" Pero pasensya na kayo at talaga lang na medyo wa ako sa mood mag-update ng site ng Pansitan ng ura-urada. Kaya nga puro kalokohan ang mga nalalagay ko leytli para lang ba wag masabing "Ano ba yan.. Mas nilalangaw pa ang site mo kesa sa huling comedy na pelikula ni Ate Guy!!!" Bakit si Ate Guy ang nasabi ko? Vilmanian kasi ako. (Hehehe) Ayoko na ngang sabihin na malapit na at baka "mapako na naman ang pangako" (parang title ng sine yon, ah!). Ay derpor konklud, ma-kakaraos din ako.. yun lang...


Patayin kaya ako ni bespreng Remy kapag nalaman nya na pareho kami ng shades??? Baka sabihin nun sa akin "Hayuf ka, madrasta! Ikaw pa naman ang bumili ng shades ko nung berdey ko tapos gagayahin mo.. you're nothing but a second-rate trying hard pussycat!" At sasabihan ko naman sa sya ng: "Same shades, pareho din ba ang nakalagay?!" Wala lang.. eh sa maganda kasi eh atsaka kung nandito sya at nanduon naman ako sa kabilang ibayo eh di ok lang siguro, ano? hehehe.. hindi ko pa nga nasasabi sa kanya eh.. i'm sure, boboldyakin ako nun!


Yamot na yamot na akong magtrabaho... gusto ko nang bumalik sa jameyrika. Kahit na alam ko wala pa akong trabaho (na naman!) pag balik ko duon. Buti na lang at kaya akong palamunin ni Andres at this taym, mas malaki na ang naipon ko na perang pang-buffer para kina inang at itang. Sana naman, kung may matyagang nagbabasa ng aking hampas-lupang blog eh mabigyan naman nila ako ng tip kung ano ang pinakamagandang paraan para makahanap na kaagad ng trabaho. Ang hirap ng walang 'anda', mother, ha! Hindi ka makakilos.. kapag nakakakita ka ng things na gustong-gusto mo, bigla kang bwelta at sasabihin mo sa sarili mo "ay, wa ka money, loka.. wag kang mag-pretend dyan!" Diba?? Depressing? Kaya sana eh hindi na kasing hirap ng dati ang aking "quest for gainful employment".


Malapit nang manganak ang aking kapatid na si Patring. Excited na kaming lahat kasi nga mujer and baby nya. Pagkatapos ng dalawang saksakan ng kulit na mga boylets, eh meron na kaming girlet na kiddie. Ngayon pa lang tinatawag na nila Popoy at Mokong yung dyunakis ni Patring na "Princess Fiona". Sana nasa motherland ako ngayon, eh di sana makikita kong manganak si Patring bebi. Di bale, nek yir, go naman kami ni Andres sa Pilipinas eh, kasama nga ni Vicky at Jello.


Minsan nakaka-lansi nga ang internet, ano? Kausap mo ng matino sa internet tapos pag magkakaharap na kayo, parang hindi mo mareconcile yung nakilala mo sa internet sa nakilala mo sa true to life.... hambelibabol! Sabagay meron nga dyan, ka-chat mong maliwanag tapos pag nag-EB na kayo, rapist pala! Marami na akong nabalitaang ganyan... Dahil na rin available na sa lahat ang internet, kahit na sino pwedeng mag-online. Kaya naman dapat extra careful kayo talaga sa pag-setup ng ka-EB ninyo. Masarap ang maraming makilala na bagong kaibigan.. Pero just as in real life, medyo siempre kwidaw din kayo sa mga makaka-EB ninyo. I have to admit, si Andres, nakilala ko yan sa IRC (internet relay chat) limang taon na ang nakakaraan. Scared ako nun nung una kaming nagkita... dahil you can never tell talaga, mother. Kaya naman bukod sa kilig ako, siempre ginamit ko pa rin ang dyutak ko (ever!) at say ko sa kanya "it's on my turf or never" at sumunod naman sya... I have to say, hindi lahat ng EB eh ganun ang laging nangyayari kaya naman, boylet or girlash, eh kailangan talaga utak ang pagaganahin. Mabuti na lang ako nung mga panahon na yon, naisipang gumana ng kapiranggot kong utak... (sideline: ano ang tawag sa maliit na goat? kapirang"goat". ano ang tawag sa maliit na pusa? "kat"titing. hehehe.. wala lang..)


O ayan, neilencio.. masaya ka na, ha.. may update na ako.. tantanan mo na ang paghagupit sa akin at mukha na akong nagpepenetensyang katulad nung sa mga litrato ni ibalik.


Babushka!

--------

Posted by atesienna at 09:29 AM | Comments (0)

August 27, 2002

tapos na akong mag-trip


tapos na akong mag-trip ng mga quizzes... papasok na nga ako...

--------

Posted by atesienna at 09:29 AM | Comments (0)

What Pattern Are You?




What Pattern Are You?

--------

Posted by atesienna at 09:29 AM | Comments (0)

I am 34% Internet



I am 34% Internet Addict

I could go either way. Deep into the madness of nights filled with coding CGI-Scripts and online role playing games, or I could become a normal user. Good luck!

Take the Internet Addict Test at fuali.com

--------

Posted by atesienna at 09:28 AM | Comments (0)

Take the What High







Take the What High School
Stereotype Are You?
quiz, by Angel.

--------

Posted by atesienna at 09:28 AM | Comments (0)

--------




--------

Posted by atesienna at 09:27 AM | Comments (0)

Which Peanuts Character Are




I am Snoopy

Which Peanuts Character Are You Quiz


--------

Posted by atesienna at 09:27 AM | Comments (0)

August 23, 2002

Twang-tawa ako ditoSuicidal SandwichThere


Twang-tawa ako dito


Suicidal Sandwich


There were three friends: an Atenean, a La Sallite, and a UP student(so you know this story is fictional). Anyway, everyday, they met for lunch and ate their sandwiches.


UP: Putek!!! Peanut-butter sandwich na naman? Sawang-sawa na ako dito ah. Pag bukas, peanut butter sandwich na naman ang baon ko, magpapatiwakal na ako.


Ateneo: Darn!!! Roast beef sandwich again? I'm sick of this already. If I get another roast beef sandwich again tomorrow, I'm gonna shoot myself.


La Salle: Oh my gosh, grabe!!! Ham sandwich is my baon again. I'm so sawa with this sandwich na, ha? If my baon tomorrow is ham sandwich again, I'm gonna drive my CRV over the cliff.


The next morning, they again met for lunch, and, alas, they had the same sandwiches again.


The UP student went back to his dorm, pulled out a belt, and choked himself to death.


The Atenean went home, got a gun, and shot himself in the head.


The La Sallite drove his CRV off a cliff.


During their funeral, their mothers were interviewed:


UP: Kung sinabi niya lang sa akin na ayaw niya na nang peanut butter sandwich, eh di sana hindi na yun yung pinabaon ko sa kanya.


Ateneo: If he had told me that he didn't want roast beef anymore, I wouldn't have given him roast beef.


La Salle: Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpakamatay, eh siya naman yung gumagawa ng sarili niyang sandwich.

--------

Posted by atesienna at 09:26 AM | Comments (0)

August 22, 2002

shit happens.. dun mo


shit happens.. dun mo maiisip na tao ka rin pala. Sabagay, kahit naman si Darna ako sa tutuong buhay, kapag nag-sa Narda na ako (ang alter-ego ni Darna) eh hindi pa rin malayong ma-itak ako o sipunin. (Isipin nyo: Kapag sinipon kaya si Narda, may sipon din si Darna??) Minsan kapag may mga bad-trip na nangyayari sa buhay ko, naiisip ko, 'Bakit ako? Bakit hindi si Serpentina? Eh mas bad girl naman syang di hamak sa akin!" Pero alam ko isa lang ang sagot dun nga - SHIT HAPPENS.


Hindi ako naniniwala na ang mga nangyayaring masama sa buhay ng tao eh pagsubok ng Dyos, at mas lalo akong hindi naniniwala na galing ang mga kabad-tripan sa Kanya. (Masyado na ata ang impluwensya ni Anne Rice sa akin. Bakit ikanyo? Nabasa nyo na ba ang "Memnoch the Devil"? Hindi pa? Basahin ninyo para maintindihan ninyo ang ibig kong sabihin.) Ang alam ko lang, ang problema, nangyayari yon. Kung may kinalaman ka sa pagkakaroon ng problema sa buhay mo, eh di kasalanan mo yon, sisihin mo pa ba ang Dyos sa kasalanan mo? Kung wala kang kinalaman sa problema at nadawit ka, resbakan mo yung nandawit sa'yo (hehehe.. joks lang... give peace a chance).


Ikanga ni pareng Paul Simon at parang Art Garfunkel, "To everything there is a reason". So kung hindi man klaro (m. recto) ang rason kung bakit nangyayari ang isang bagay ngayon, bigyan mo pa ng konti pang panahon at malalaman mo rin kung bakit nangyari sa'yo ang nangyari... dun.. naniniwala ako... karma-chameleon, ikanga ng inang dyosang si Boy George.

--------

Posted by atesienna at 09:25 AM | Comments (0)

isa pang pandagdag basura


isa pang pandagdag basura sa blogsite habang nag-aayos ako ng mga pictures ko ng trip namin sa panorama:




What is your Alter-Ego
Personality?



hmmmmm......

--------

Posted by atesienna at 09:24 AM | Comments (0)

August 21, 2002

"Ilang ulit na pala


"Ilang ulit na pala akong dapat namatay dahil sa kanyang pagpapabaya. Malaki ang utang ni Don Roman, Inay... ni Donya Monica... ng buo nilang pamilya. Ako ang maniningil, Inay!"


"Kung ngayon mataas sila, 'di maabot, nagkikislapan parang mga tala. Pinangangako ko, Inay... bukas, luluhod ang mga tala!"


- Sharon Cuneta as "Rebecca" sa "Bukas Luluhod ang mga Tala"

--------

Posted by atesienna at 09:23 AM | Comments (0)

August 15, 2002

miss na miss ko


miss na miss ko na ang Swing Out Sister. Naalala ko kasi ang aking pren na si Aloysius kapag nakakarinig ako ang SOS na kanta. Sabi ni Belensky, feeling girlfriend daw ako ni "richboy" kasi nga naman, lagi akong sumasabay sa kanya pagka uwian na nung nagtatrabaho pa ako dun sa upisinang pinagkakilalanan naming lahat (huwer it ol began). Wag ka, ang kotse nun, Renault (paano nga ba ulit bigkasin yon, Aloysius?). Pero minsan ang dala nun, yung chedeng ng nanay at tatay nyang doktor. Ang mga kapatid mga doktor din.. Umalis yon ng opisina namin at nag-aral sa jameyrika sa hartford pero bago pa nun, may nakilala syang maganda, sosyalera at mabait na girlash. (O sya, Belen, talbog ako... mag-ilusyon pa ba ang ate mo??) Napangasawa nya yon. Pagkatapos ng master's nya sa jameyrika, bumalik ng pinas at nagtayo ng bar. (ay, wa na mention ng bar at baka ma-dumog si pogi). Dalawa na nga ata ang dyunakis nun ngayon. Mabait si Aloysius, kahit me pagkasuplado ang bugok minsan. Pero madaling makasundo, walang kayabangan kahit na ereng old rich. Ang daming tinuro sa akin yon na "conotic things". Wala lang.. nakakaaliw lang sya. Kaya nga hindi pa uso nun ang SOS eh naririnig ko na sa kanya yon. Hanggang sa unahan pa kaming bumili ng mga CD (nung kasalukuyang kent apord pa si Mang Gusting ng CD at hindi pa lumalabas ang boombox na may CD player). Kaya hanggang ngayon, d-d-k-ted ko ang SOS kay "boypren" Aloysius (oo na, dicheng Belen, wa na syoni pa!)


Nung minsang umuwi ako ng pinas, binisita ko yung bar nya.. sinamang palad na wala sya nung araw na yon. Ang sarap siguro kung nagkita-kits kami nun. Siguro kilig-to-death ang drama ko, with matching yakap pa yun. (ang bango pa naman nun, hehehe). Hay naku... sa pag-uwi ko na lang ulit.

--------

Posted by atesienna at 09:23 AM | Comments (0)

Don't worry about the


Don't worry about the world coming to an end today. It's already tomorrow in Australia.


'nuff said!


...Makauwi na nga at mamamalengke pa kami ni Mina para sa outing namin!

--------

Posted by atesienna at 09:23 AM | Comments (0)

Dahil bored ako...I Am


Dahil bored ako...




I Am The Sex Toy:


Hi-Tech Masterpiece: Some say that I was developed in a top secret lab while others say I was developed by aliens for my probing capabilities, but only I know the truth! My mission here on earth is to launch a full out assault on your genitals with my spinning beads, vibrations, and clitoris teaser. My LCD screen keeps you informed, but only with information I want you to have! Mwua-ha-ha!

Find out what sex toy you are.




What magazine am I?

I am Gear: Music, fashion, style, and whatever else is new is what interests me. Don't ask me about politics or the stock market, lifes too short to pay attention.

What magazine am I?

--------

Posted by atesienna at 09:22 AM | Comments (0)

eto pa...What Type of


eto pa...







What Type of Villain are You?

mutedfaith.com /
<ยบ>


...ano ba yan.. lumalabas talaga ang pagka-madrasta ko! tama ba?!?!?

--------

Posted by atesienna at 09:22 AM | Comments (0)

August 14, 2002

Mga pinakikinggan na mga


Mga pinakikinggan na mga kanta:


1. James Taylor Best Live

2. James Taylor Greatest Hits Vol. 2

3. Sting and The Police: The Very Best of Sting and the Police

4. Harry Connick, Jr. Songs I Heard

5. Beverly Craven Promise Me


Mga pinananonood na mga pelikula (Sharon Cuneta Film Festival):


1. Forgive and Forget

2. Bukas Luluhod and mga Tala

3. Sa Hirap at Ginhawa

4. Cross My Heart

--------

Posted by atesienna at 09:21 AM | Comments (0)

August 13, 2002

nagpaka-jologs ako ngayong gabi


nagpaka-jologs ako ngayong gabi - nanuod ako ng "Forgive and Forget" ni Ate Shawie (si Mega) sa VCD. Yung pelikula nyang kasama nia sina Nestor de Villa, Nida Blanca (SLN), William Martinez, Chichay (SLN), Nova Villa, Dencio Padilla (SLN) at Maria Theresa Carlson (SLN). Naalala ko tuloy yung mga panahon na kabisadong-kabisado namin ng mga prenship bonds ko nung high school at college ang mga linya sa mga pelikula nya. Dis wik, magkapag-sharon cuneta film festival nga (parang pilmpest ng cinemanila hwehwehwe.. patawad, prensip dennis at prensip gump.) Kung may malay na kayo nung nagsisimula pa lang si Ate Shawie sa syobis, siguro natatandaan nyo itong mga linya na ito ng "forgive and forget":


1. Nestor: "Yan ang gusto ko sa'yo Ines, eh. As a model you're mabait and very cooperative"

Theresa Carlson: "Tutot? Kahit madaldal si ako? Alam naman ni ikaw, hindi si ako tulad ni Sandra (Sharon). Tahi-tahimik si siya. Para si siya pipi"

Sharon: "Di bale, hindi naman baluktot ang dila ko!"

Theresa: "Labuktot?? Hindi naman labuktot, ah!"


2. Sharon: "Pero, dad, masakit eh... masakit dito (sabay turo sa puso nya). Nasasaktan ako, dad..."

Nestor: "A man needs a woman... gaya ng mommy mo, she needs a man." (hindi ko maintindihan ang flow ng sinabi nya!)

Sharon: "But, dad, you are the man and mommy is the woman..."


3. Sharon: "Mommy, mahal mo pa rin ba ang daddy ko?"

Nida: "Ako ba... mahal pa rin ng daddy mo?"


4. Sharon (to William): "Ano kaya ang gagawin ko kung wala ka?" (sabay sandal sa hita ni William).


5. William: "Am I forgiven?"

Sharon: "It's been forgotten..."


At natapos ang pelikula ng dance number nilang apat (si Mega, William, Nida en Nestor) sa school program ni Mega... O diba.. ang saya-saya! hehehe

--------

Posted by atesienna at 09:20 AM | Comments (0)

Excited na ako sa


Excited na ako sa alis namin sa Panorama, BC. Byernes ng gabi drive na kami at ang balik namin Sandey na. Finally, naayos na namin ang mga "kinks" ng outing. Ang pinagdadasal ko lang sana hindi kami mapa-alis sa Panorama, dahil sa ingay namin (hehehe). Tweynti-tri kami'ng magkaka-ibigan na pupunta dun - eleben gels at twelb boys. Kayo na lang ang bahalang mag-isip kung gaano kagulo yon! (St. Jude.. wag po sana kaming palayasin at kahiya-hiya!). Sa Huwebes, pupunta na kami ni Mina sa supermarket para mamili. Magpapaluto kasi kami kay inang ko ng paksiw na pata at dinuguan. Ka sarap! Sayang nga lang at hindi kasama si bespren Remy dahil may kasal syang pupuntahan naman sa Vancouver. o-wel...


mamaya na ako magpapatuloy nito... baktuwork.

--------

Posted by atesienna at 09:20 AM | Comments (0)

Nakausap ko si Richard


Nakausap ko si Richard Cawaling ng Calexgear kahapon at tinuro nya sa akin kung saan siya nagpapadevelop ng black and white films nya nung kasal ni Vicky. So nung hapon nagpunta ako dun sa shop at ang sabi 7 days daw bago ko ma-gets ang mga pictures. kainis naman! 7 days pa. Pero ok lang yon. Kung maganda naman ang developing nila, worth it yon.. hanggang sa magkapera akong magkaroon ng sarili kong dark room (kung umabot dun ang hilig ko sa fotografi) at makakapagdevelop ako ng sarili kong mga pictures. (asa pa ba ako?!?!) Naloloka na nga ako sa camera! Ilalabas ko na rin yung mga pictures na pinagkukukuha ko - pagkatapos ng outing namin sa British Columbia.

--------

Posted by atesienna at 09:19 AM | Comments (0)

August 11, 2002

In keeping with the


In keeping with the tradition ng pabago-bagong itsu ng website ng pansitan.. malapit na akong magpalit na naman ng trapal. Abangan...


Tuwang-tuwa ako ngayon sa bago kong hobby - fotografi. Pinahiram sa akin ni Andres ang kanyang manual camera. May black and white film dun ngayon at mga dalawang kuha na lang mapapa-debelop ko na sya. Maghahanap lang ako ng lugar na magandang mag-develop ng black and white. Sabi kasi nila hindi raw maganda yung kung saan-saan mo lang padedevelop ang b/w films mo. Hindi lumalabas na maganda ang quality. Ni rekomenda nga pala sa akin ni Papa Jess (boyfriend ni Melay) ang Vistek para sa mga photography equipment. Magtatanong ako sa kanila kung saan magandang mag-develop ng litrato.


Neks wik, pupunta kami ng mga kaibigan ko sa Panorama, BC. Excited na rin ako kasi matagal na akong hindi nakakapag-out of town kapag nandito ako sa Kaneyda. Aalis kami ng Byernes ng gabi at babalik ng Linggo ng hapon. Dadalhin ko ang camera ko, sanlaksang film, sandamukal na mga CDs. At... pagkarami-raming anderwer (baket? wala lang.. ganun lang ako talaga. Di ako mapakali kapag konti lang ang dala ko. Security blanket ko siguro.).


Dalawang buwan na lang babalik na ako sa Jameyrika. Miss na miss ko na talaga si Andres ko. Magsisimula na akong maghanap ng trabaho sa websites itong linggong ito... sana naman mas swertihin ako ngayon kesa nung dati. (Sabagay, mali talaga ang timing ko nun, katatapos lang ng gulo ng September 11.) Sabi ni Vicky, may kamag-anak daw syang makakapag-refer ng recruiter sa akin. Kahit na magbayad pa ako, sigurado lang na makakuha ako ng trabaho. Miss na miss ko na talaga si Andres ko...

--------

Posted by atesienna at 09:17 AM | Comments (0)