Image 1
Image 2

« September 2002 | Main | November 2002 »

October 31, 2002

Nadito na ako sa


Nadito na ako sa Jameyrika. Magkasama na kami ng aking labs na si Andres. This weekend, mag-wi-weekend ako kasama si Soccorro. Ang kaibigan ko, labing-anim na taon na ata. Sus, anubayun??? Ganun na ba kami katatanda. Siya, kasama nila Alita, Gemayma, Portia, Josefa, nagkakila-kilala kami nung sabay-sabay kaming pumasok sa isang opisina sa Makati. Lahat kami nun bagong-gradweyt sa koleyj. Nag-asawa na, nagka-anak na, nagninang na kami sa mga anak-anak ng isa't-isa, magkakasama pa rin kami. Ang sarap lang ng may mga kaibigan na thru mataba at payat (thick and thin, ikanga ni Soccorro), eh magkakasama kami.


Kaya nga itong weekend, magkasama kami ni Soccorro. Feeling home ako... :)

--------

Posted by atesienna at 09:43 AM | Comments (0)

October 23, 2002

paalis na ako ngayong


paalis na ako ngayong alas sais ng gabi. masaya ako kasi magkakasama na kami ulit ni andres ko. malungkot dahil maiiwan ko ang mga kaibigan ko at mas lalo na si inang at itang. mas malungkot ako ngayon kesa nung una akong umalis. siguro dahil feeling ko, ngayon talagang mag-kakabuhay na ako sa amerika. dasal.. dasal... yun lang ang pinapakiusap ko sa lahat ng mga kaibigan ko. (salamat nga pala sa despedida... touched ako talaga).


marami naman akong pagkakaabalahan habang naghahanap ako ng trabaho dun. handa na ako... haharapin ko na ulit ang buhay ko.

--------

Posted by atesienna at 09:43 AM | Comments (0)

October 03, 2002

Listening ako ngayon sa


Listening ako ngayon sa "one2one" ni GaryV.. Padala sa akin ni Greta kasama ng sangkatutak na droop earring at bracelets na ginagawa nila ni Patring para sa bagong raket nila sa face painting nila. Ikanga ni Popoy, "Send Ninang 2 earrings because she has two ears, eh". (O diba, very observant.. hehehe)

Speaking of pamangkin, si Mokong naman naririnig ni Greta isang umaga na nakikipag-away kay Ate (tawag namin sa yaya niya). Eh di tinanong ni Greta si Ate kung bakit sila nag-rerebulusyong mag-alaga. Sabi ni Ate, "Eh kasi si Mokong, Ati, nagpaluto ng iskrambold egg. Nung niluto ko hindi raw yun iskrambold eggs. Eh, Ati, binati ko yung itlog at nilutu, eh di iskrambold.. hindi raw... ayan, nagngangangawa..."

Eh di tinanong ni Greta kung ano talaga ang gusto ni kulit. Hindi ko alam kung paano nila nalaman, pero hindi pala iskrambold eggs ang gusto kundi sunnyside up (yung nasa gitna ang pula). Eh di in-explain ni Greta na ang gusto niya eh sunnyside up. Sinabi pa niya, "see, there's a round egg yolk like the sun, diba? That's sunnyside up." Akala nyo ba naniwala sa ina ang Mokong? Hindi! Skrambold eggs daw tawag dun.. Ayun, nayamot si Greta at sabi hindi sya igagawa hangga't hindi nya sinabi na sunnyside up yon.. "Ok, Ate..make me SUNNY DAY UP SIDE".

Sya, sya.. pwede na rin.. at least hindi skrambold eggs.

--------

Posted by atesienna at 09:42 AM | Comments (0)

October 02, 2002

ok ba 'to, wala


ok ba 'to, wala na akong trabaho. tapos na ang kontrata ko dito. ang huling TF (talent fee) ko darating sa huling linggo ng oktubre. pagkatapos nun, "tipid movement" na ako. buti na lang nakapag-ipon ako ng konti para kina madir at padir habang wala pa akong trabaho. sana naman, pag lipat ko sa jameyrika makakuha ako agad ng trabaho..

--------

Posted by atesienna at 09:37 AM | Comments (0)