Image 1
Image 2

« November 2002 | Main | January 2003 »

December 30, 2002

Ok.. pagkatapos ng a-bente'y-singko


Ok.. pagkatapos ng a-bente'y-singko ng disyembre eh a-bente'y sais ng disyembre. (huh???) Nag-gayak na kami ni Andres papuntang Toys 'R Us. Kadilak(ad) na lang kami kasi super lapit lang sa amin ng tindahan ng sandamakmak na mga lauran. Nung paalis na kami, naisip namin, kung ibibili nya ako ng game at ibibili ko rin sya, eh di purbahan muna namin kung maganda nga yung mga kukunin namin. Rentahin muna namin yung laro at kung maganda bibilhin namin. May malapit na Hollywood Video rin sa amin kaya kadilak muna kami dun para hiramin yung video. Ang bibilhin nya kasi para sa akin eh Oddworld: Munch's Oddysee na gusto ko at sya naman Tom Clancy's Splinter Cell. Pagdating sa videohan, nakita ko yung game ko, pero yung game nya nakalabas daw lahat. So umuwing luhaan ang pobre.

Sa balay, nagsimula na akong maglaro. Tugeyder with a walkthrough site. (Ang "walkthrough site" ay isang website na tinuturo sa'yo kung paano mo malalagpasan ang mga levels. Parang cheat pero hindi naman kasi maghihirap ka pa rin para matapos ang laro.) Magmula a-bente'y sais hanggang a-bente'y nwebe ng alas singko ng hapon, pagkatapos ng pagpupuyat hanggang alas-tres ng umaga, pagmumura sa ibang level na hindi ko makuha agad at nakaligtaang mag-save minsan, NATAPOS ko ang laro ng alas-singko ng a-bente'y nwebe! Da pers vidyo geym na natapos ko sa tanang buhay ko! Tinext ko pa si Ringo (ang numero unong gamer ng pamilya namin) at ang text nya sa akin "Magaling, sige, ibili mo na ako ng xbox!" Pukitong yon! nagpapabili sa akin ng xbox at pagpunta nya sa mga inang ko sa Kaneyda itong Enero eh babayaran nya raw ako. (which reminds me, ibang kwento yun...).

So pagkatapos ng lahat-lahat, ano ang masasabi ko? Grabe!! Kaka-adik pala maglaro. Hanggang kagabi patulog na ako, walang laman ang isip ko kundi yung mga itsu ng mga karakter nung laro ko. At, not to mention, nakakaligtaan kong magluto at kumain. Wud yu belib, nung minsan eh nagluto ako ng hapunan ng alas-nwebe na ng gabi? Buti na lang may tira pang hamon at pasta kaya yun muna ang nilalantakan ni Andres. Ayaw nga akong panuurin ni Andres at gusto nyang laruin yung game ng walang spoilers sa kanya.

So ano ang berdik ko? Hmmm.. On one hand, parang ayaw ko nang bilhin yung game at natapos ko na kasi. On the second hand, madalian naman ang tapos ko sa kanya at hindi ko nakuha lahat ng ibang mga slaves at spooce. On the third hand (huh?? ilan ba ang kamay ko???), ayoko na nung adikshen na nangyari sa akin. Ni hindi kasi ako nasikatan ng araw ng buong tatlong araw pagkatapos namin hiramin yung laro! Pero siempre minadali ko lang yun kasi naman kailagan nang ibalik yung laro ng kinalunesan. Kung sa akin yun talaga, hindi naman ako mag-ra-rally ng ganun na halos makalimutan ko nang maligo.

bahala na... (hmmmm.. maganda rin daw itong Toe Jam and Earl III - Mission to Earth. Ito naman kaya ang hiramin ko?)

--------

Posted by atesienna at 09:53 AM | Comments (0)

December 26, 2002

Ang tahimik ng pasko


Ang tahimik ng pasko namin ni Andres. Umaga tumawag si Inang at nagkwentuhan kami ng mga isang oras siguro. Pagkaraan ng isang oras sa telepono, nagba-bay na ako kay madir at kumain na kami ng agahan ni Andres. Pagkatapos kumain, agbukasan kami ng mga regalo. May isang kahon ng regalong galing sa mga magulang nya sa Arizona. May bago akong knitted blouse na pampasko ang theme na bigay ng nanay nya (feeling ata ni madir nya eh olds na ako... eh minsan sa isang taon ko lang magagamit ito - pasko nga!). At may regalo rin sya sa aking halaman na bulbs na itatanim. Yun gusto ko kasi maganda. Mailagay sa desk ko kwarto. Si Andres naman may walang kamatayang kalendaryo, walang kapagurang medyas at tseke (yun ang pina-okey sa lahat! hehehe). Niregaluhan ko sya ng dalawang t-shirt at isang khaki na pantalon at mamaya go kami sa toys r us para naman sa xbox game nya. Ano nakuha ko? DVD Player!!! atsaka go rin kami para bumili ng isa pang game para naman sa akin sa xbox. Ang saya, diba? Miss ko na kasi ang dvd dahil aliw na aliw akong manuod nung mga ekstra na nilalagay nila sa mga dvd. O diba, napaka-nerd ko na talaga!

Pagkatapos magbukas ng regalo, naglaro ako sandali ng Jet Set Radio Future sa Xbox. Ok-ok pa nung una eh, hanggang hindi na ako makaalis sa level ko at nagmumumura na ako. Pinagtatawanan na ako ni Andres at tinutulungan na ako sa ibang stunts na hindi ko magawa. At nung talaga namang sobrang banix na ako at hindi na ako makaalis sa level ko, tumayo na ako para magluto. (L*nt*k, inisin ko ba ang sarili ko eh pasko ngayon????) Alas 3 ng hapon, nagsimula na akong mag-cook ng jamon. Oi, ha.. saksespul ang hamon with matching pasta at salad. O diba.. very american. Pero sa bagong taon puro bilog ang handa ko - dimsum, squidballs, siopao, siomai para pera daw atsaka pansit por long layp. Dimsum new year kami ni Andres (nowt to selp: kailangang bumili ng mas malaking steamer.)

so yun lang.. masaya ang pasko. Kahit na wala ang pamilya ko at si Andres lang ang pamilya ko dito, ok na rin ako. Siguro sa susunod na taon, sa pilipinas naman kami magpapasko...

--------

Posted by atesienna at 09:52 AM | Comments (0)

December 23, 2002

Maligayang Pasko tu ol





Maligayang Pasko tu ol da pipol!!!!


('Sensya na kayo, naglaba si Be-be ng outsfits ng dyowa nya. hmmmm... sino naman itong bagong kalukadids ni Be-be??? *taka at kamot ng ulo* Ang costume, ha... don't tell me!)


--------

Posted by atesienna at 09:52 AM | Comments (0)

December 20, 2002

So napanood namin yung


So napanood namin yung huling episode ng The Amazing Race 3 at sa tutuo lang halfly disappointed ako sa team na nanalo. Flo didn't deserve to win because of all her whining and she was a dead weight for Zach most of the time. Sabi nga ni Andres, ball and chain daw ni Zach si Flo. Si Zach ang rason kung bakit sila nanalo. May discussion board akong pinuntahan at halos lahat sila yam na yam (yamot na yamot) kay Flo. Dun nyo na lang basahin yung iba pang comments tungkol sa kanila. Pero as much as sinasabi nila na gusto nila si Zach, yung iba sinasabing push-over din sya at pumapayag sya na ganunin ni Flo. Pero ako, ang iniisip ko, matalino si Zach. Kesa nga naman awayin nya on national television si Flo at dalawa silang magmukhang tanga, eh di pinabayaan nya si Flo na magputak ng magputak at sya ang kakampihan ng mga tao.. likely done, diba? Pero kahit ako, hindi ko kaya yun hehehe. Kaya nga sabi ni Andres, hindi daw ako pang-amazing race, mas lalo naman daw na hindi pang Survivor dahil hindi ako tatagal, I swear... pang "The Mole" daw ako. Kasi minsan hindi daw nila alam kung ano ang nasa isip ko.

Hmmmm.... tama yun... tama yun na hindi nya alam ang lahat ng iniisip ko.. MWAHAHAHAHHA (mala-Taning na tawa) hehehe

--------

Posted by atesienna at 09:51 AM | Comments (0)

December 17, 2002

T'wing naririnig ko itong


T'wing naririnig ko itong kantang ito, naalala ko ang mga kapatid ko. Mas lalo na si Greta at Ringo. Magkakapareho halos kami ng gustong musika. Madalas Jazz fusion at isa dito eh si Benoit kaya nagkalat ang mga Benoit namin na CD. Feel na feel ko ito siguro dahil sa ganda ng boses ni Dianne Reeves na syang kumanta nito at yung kanyang tila lullaby na melody. Pero more than anything dahil sa makahulugang lyrics nya - kung saan may pagmamahal, duon naninirahan ang puso...

Sa mga nagmamahal at may minamahal (hindi nangangailangang maging syota o asawa), para sa ating lahat ang kantang ito...


Land Of The Loving

by David Benoit/Lyrics by Mark Winkler

Deep in your eyes is a promise
Love can be ours if we want it
Starting tonight ev'ry dream I ever knew
Here in your arms I'm believing
Fin'lly my life has a meaning of its own
Here in the land of loving I am home

I was alone in the city
Searchin' for someone to find me
cold empty nights and a million strangers' eyes
Here in your arms I'm beginning
To leave behind all the loneliness I knew
Here in the land of loving there is you

In this simple room magic is made
Though the world seems unchanged
Leave the lights on I'm a bit afraid
This might be just a sweet dream

Deep in the night love is growing
Though I had no way of knowing
That when I found you I found ev'rything I need
Here in your love I'll be staying
Fin'lly my life won't be living all alone

Here in the land of the loving I am home


--------

Posted by atesienna at 09:51 AM | Comments (0)

December 10, 2002

malapit na ang pasko...


malapit na ang pasko... iniisip ko, ano kaya ang mairegalo kay Andres ko? may mga nasa isip akong bilhin pero kasi ito namang isang ito, kahirap pong regaluhan minsan kasi sobrang arte po! hehehe.. ako madali lang - *kumukutikutitap*. hehehe

may konting sakit ang puso ko ngayon, miss na miss ko na ang aking mga kapatid... sana magkasama-sama kaming ulit nila inang at itang at mga kapatid ko one of these days. Balak nila inang na umuwi daw ng pasko next year, pag-iipunan ko na yon... sasama ako. isasama ko rin si andres. :)

--------

Posted by atesienna at 09:50 AM | Comments (0)

December 08, 2002

Tapos na!! Tapos na


Tapos na!! Tapos na ang ika-pitong edishen ng Pansitan.com. Sa wakas, pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, natapos din sya. Ngayon makakagawa na ako ng ibang pagkakaabalahan. (Tulad ng iba pang website na kailangan kong gawin na).

--------

Posted by atesienna at 09:50 AM | Comments (0)

December 04, 2002

Tapos na ang thanksgiving,


Tapos na ang thanksgiving, tapos na ang matinding kainan, pero may tira pa ring tarkey. Nag-iisip nga ako kung ano pa ang pwede kong gawin sa tirang ibon at sayang naman kung masisira sya eh ang daming nagugutom sa ibang bansa (at walang magsasabing ipadala ko na lang sa kanila! hmp!)


naghahanap pa rin ako ng trabaho pero maraming tumutulong sa akin ngayon. Yung mga kaibigan ko na kaibigan ko pa nung nasa pilipins ako. nawa nga'y makakuha na ako ng trabaho at ang hirap ng walang income. Ayoko namang maubos ang ipon ko. *dasal*... *dasal*...


Matatapos na ang neks edishen ng pansitan. abangan nyo na lang at kumpleto na sya ngayon. mga dalawang sulat na lang ako at ok na sya...


--------

Posted by atesienna at 09:47 AM | Comments (0)