Image 1
Image 2

« December 2002 | Main | February 2003 »

January 31, 2003

And just like that,


And just like that, natapos na ang unang buwan ng 2003. Grabe.. ganun na lang yun? Bakit ba ang panahon parang hinihila ng mabilis na windmill?

Maraming nangyari na ng buwan pa lang ng Enero. May mga nadiskubre ako at mga natutunan. Isa na dun ang muli kong pagdiskubre ng samahan ng magkapatid. Maswerte ako at mababait ang mga kapatid ko. Siguro nga kasi dahil matatanda na kami at mas na-eenjoy na namin ang isa't-isa as grown-ups. Proud ako sa mga kapatid ko at handa ko silang ipaglaban kung kinakailangang umabot sa ganun. Marami din akong natutunan tungkol sa pagkakaibigan at pagtitiwala. At mas napurbahan ko sa sarli ko na hindi kumpleto ang mundo ko kung wala si Andres ko. As much as mahal ko ang mga magulang ko at mami-miss ko sila na wala sila sa piling ko, may sarili pa rin akong buhay na kailangan kong intindihin. Mabuti na lang mabait at hindi madamot sina Inang at naiintindihan nila ako. Sana nga, tuloy-tuloy na ang pagsasama namin ni Andres ko itong taon na ito. Napakalaking sakit ng puso kung maputol na naman ulit ang pagsasama namin dahil lang sa materyalistikong bagay na hindi mo naman talagang maiiwasan. Eto na lang ang pinagdadasal ko sa Kanya.

--------

Posted by atesienna at 09:55 AM | Comments (0)

January 06, 2003

Sus, tama bang paluhain


Sus, tama bang paluhain ka ng isang pelikula ng walang humpay?? As in prom bigining tu ending eh walang katapusan ang agos ng luha ko?? Alam ko, sasabihin nyo, super-over OA ako at cry to death ako sa A.I (Artificial Intelligence) ni Stanley Kubrick at Steven Spielberg. Pero, ate, anong magagawa ko? Sabi nga ni Andres, why daw ako cry eh robot lang naman sya. Hindi ko nga rin alam kung bakit eh pero awang-awa ako talaga kay David Swinton (Haley Joel Osment ang batang parang matanda na napanuod ninyo sa isa pang makabagbag-damdaming pelikulang "Sixth Sense"). "Very dark" para sa akin ang tema ng pelikulang ito (magtaka pa ba ako eh brainchild ito ni Kubrick?). Hinuhugut ang lahat ng damdamin mo, pinag-iisip ka ng mga "paano nga kaya" o "ethical ba?". Sa galing ng akting ni Haley talaga namang mararamdaman mo ang lahat ng kanyang hinagpis at nais. It dealt with the age-old question na: "are you forever responsible for the people who love you?" o ang walang kamatayang tanong na "Talaga nga bang gamitan na lang sa mundo?" Eto't pagkatapos na gamitin sya para mapunuan ang mga damdaming magulang ng kanyang adoptive parents, sukat na lang ba syang itatapon ngayong bumalik na ang tunay nilang anak? Dahil wala na syang saysay? Nasa isip ko pa rin yung eksenang nagmamakaawa sya sa kanyang ina na wag syang iwan sa gubat. Napapalunok pa rin ako.

Hanggang ngayon, habang pinanonood ni Andres ang mga extra features nung DVD, tatlong araw na makalipas naming mapanood ang pelikula, hindi ko pa rin madala ang sarli kong manuod ulit. Grabe... sobra akong affected, ha... Tama ba? Siguro dahil may mga pamangkin akong maliliit. SA ibang eksena nga, habang pinapanood ko si Harry, naaalala ko si Mokong namin. Mas lalo akong napapa-emote.

Kung gusto nyong mag-isip at hindi nyo pa napapanuod ang A.I., hiramin ninyo. Hindi ko masasabing pareho tayo ng magiging reaksyon, pero at least alam nyo kung ano ang pinagkakawindangan ko.

--------

Posted by atesienna at 09:53 AM | Comments (0)