Image 1
Image 2

« January 2003 | Main | March 2003 »

February 21, 2003

Bothered na bothered ako.


Bothered na bothered ako. Nanunuod kami ni Andres ng balita sa TV kagabi at nag-flash yung isang news item tungkol sa isang binatang nag-overdose sa harap ng mga ka-chat nya sa internet. Tinanong ko kay Andres kung tama yung narinig ko. Alam na pala nya ang tungkol dito at sinabi nga nya na ang ibang mga ka-chat nung lalaki eh tsina-challenge pa sya kung gaano karami pa ang pwede nyang i-take na gamot. Sinabihan nga nya ako na huwag ko na raw basahin ang chat log (na naka-publish sa ibang website) dahil disturbing raw talaga.

Ganito na ba talaga? Nawawala ata sa isip ng iba na ang mga nakakausap nila sa chat o sa email (at sa blogs) ay mga tao rin. Ewan ko. Nakakadismaya... nakakapanlata... nakakatulala.

--------

Posted by atesienna at 10:01 AM | Comments (0)

February 18, 2003

Nung minsan napag-usapan namin


Nung minsan napag-usapan namin ni Greta habang nagko-collaborate (sus.. kahirap naman i-ispel yun!) kami dun sa ginagawa naming blogsite nya, na ang paboritong kanta ni Popoy ngayun eh yung Superman (It's Not Easy) ng Five for Fighting. Tawang-tawa ako kasi parang super-matured naman ata ang tema ng kantang yun eh four years old lang sya. Pero mas nakakatawa siguro kung sasabihin ko sa inyo na habang kumakanta yan, may hawak pa na mic at binabasa yung videoke. Bilib ka dun???? Poryirs-old lang yun ha... Naloloka nga raw si Patring kapag nakikita nya na parang matandang nag-si-sing-a-long si Popoy. Hindi raw nya ma-take!

Ispiking of Greta's blogsite. Nawa'y malapit na namin matapos. Sa dami kasi ng mga litrato ng mga anakis nya, natataranta kami kung ano ang ilalagay namin sa site. Pero kelangang extra precaution ang kailangan namin para hindi naman ma-delubyo ng mga pedopilia ang mga litrato ng mga bata. Eh bakit kasi nilalagay pa namin? Kaya lang naman namin gustong i-feature ang mga bata eh para dun sa mga kamag-anakan at mga malalapit na mga kaibigan namin na nasa malayo at malapit na sabik na sabik makasagap ng balita tungkol sa mga bata. Pero yun nga.. kailangan ingat. Nag-basa-basa ako ng mga nakalagay na precautionary measures sa internet tungkol dito. Eto ang mga nasagap ko:

1. Hindi namin ili-link ang site ng mga bata sa kahit na kaninong site. Ang puntos namin, para hindi makita ng mga search engine kung matyempuhan na mag-auto-"crawl" ang mga search engines dun sa mga maglilink na sites ng iba na naka-rehistro sa kanila. So kung hindi naka-link ang site, hindi makikita ng search engine.

2. So siempre ang pangalawa dun, hindi namin i-su-submit ang site sa search engines.

3. Walang "right-click" mode ang buong site. So kung makakangkong yung mga pictures, hindi magagawa yun dahil walang right-click. Alam ko sasabihin ng iba, wala ngang right-click pero madali pa ring makita ang source code mo at from there, i-cu-cut and paste lang nila yung URL nung picture sa browser nila at makakapag-download na sila. Which leads me to the next step:

4. I-sa-scramble namin ang HTML source code. Mababasa pa rin sya ng web browser pero mahihirapan na syang mabasa ng tao. So kung henyo sya, baka mabasa pa rin nya kaya lang, mag-tyaga pa ba kung ang makikita sa code eh tipong ganito:

"20in%20the%20world.%20%20So%20cute...%20so%20adorable.%20%20He%27s%20trying%20to%20discover%20the%20world%20around%20him%20-%20quietly...%20all%20by%20himself.%0D%0A%09%09%09%3Cp%3E%0D%0AAnd%20then%2C%20your%20older%20one%2C%20getting%20bored%20and%20feeling%20lonely%20being%20by%20himself%2C%20starts%20looking%20for%20your%20"

Magtyaga ka pa ba?? Kung sleazy ka namang tao, gusto mo yung madali mong pakinabangan. Kaya, pornaw, medyo safe na rin ito. Alam ko, yung kaibigan kong si Ibalik naghahanap din ng ganitong scrambler kasi may kumangkong daw ng code nya at tipong gayang-gaya yung format nya. Isip ko nga, i-demanda nya... intellectual piracy. (Matalino naman si Ibalik kaya pwede sa kanya yung intellectual.. hehehe) Eto yung site ng Dynamic Drive.

Sa pagbabalik ng kwento ko, alam ko sasabihin ng iba, eh bakit hindi nyo na lang i-password protect? Naisip na rin namin ni Greta yan kailangan lang na tanungin ko ang may-ari ng webhost nya kung tatanggap ng .htaccess at .htpassword ang server nya. Kailangan kasing mag-manipulate ako sa loob ng server eh mukhang hindi nila pinapayagan na mag-send ka ng direct unix commands sa server nila. FTP lang ang payag sila. Pero hindi malayong gawin din namin ito...

So para kay Popoy, heto ang lyrics ng kantang Superman:


I can't stand to fly
I'm not that naive
I'm just out to find
The better part of me

I'm more than a bird
I'm more than a plane
More than some pretty face
beside a train

It's not easy to be me

Wish that I could cry
Fall upon my knees
Find a way to lie
About a home I'll never see

It may sound absurd
but don't be naive-
Even Heroes have the right to bleed
I may be disturbed
but won't you concede?
Even Heroes have the right to dream

It's not easy to be me

Up, up and away: away from me
It's all right
You can all sleep sound tonight
I'm not crazy or anything

I can't stand to fly
I'm not that naive
Men weren't meant to ride
With clouds between their knees

I'm only a man in a silly red sheet
Digging for kryptonite on this one way street
Only a man in a funny red sheet
Looking for special things inside of me

It's not easy to be me.

--------

Posted by atesienna at 10:00 AM | Comments (0)

February 16, 2003

Galing ako sa layasan


Galing ako sa layasan today. Kasama ko si Socorro at ang mga pinoy na mga ka-opisina nya na namasyal. Akshuli, nagpunta muna sila ng Winchester Mystery House pero mi-neet ko na lang sila sa paglabas nila dun. For $17.99 na entrance fee, parang hindi ko ata afford ngayon na mag-ganun. Siguro sa susunod na lang. Anyways, magbayad pa ba ako para takutin ko ang sarili ko? (Knowing kung gaano ako ka-duwag sa tutuong buhay.)


Eniweys-hayweyst, from the Winchester Mistery House, tumuloy na kami ng Stanford U. Pinuntahan namin yung kanilang Main Quad, Memorial Church, the Stanford Bookstore at White Plaza. Maganda sya... nakakatuwang kunan ng kunan ng litrato. Nakaubos nga ako ng isang rolyong film na ipapadevelop ko bukas para makita ko sya (at mai-share ko naman sa mga may care). Pagkatapos nun, kumain naman kami sa isang Thai restaurant sa University Drive. Ang sarap talagang kumain!!! Ang mura pa kasi $15 lang sya.. For dinner, mura na yun.


Bukas naman, pupunta sila na ng San Francisco at pagkatapos eh uuwi na ulit sa Sacramento at Folsom. Sasama sana ako pero mukhang hindi ako matutuloy. Bukod sa may anti-war rally bukas sa SF, wala rin akong ride pauwi dahil walang service ang Caltrain pag weekend dahil ginagawa raw ang rails nila. Sayang.. excited pa naman akong magpunta sana dahil makakakuha ako ng mga litrato. Oh, well.. sa susunod na lang siguro. Pag gumanda-ganda ang panahon, mayaya si Andres.


At least nakasama ko ulit si Socorro. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita ng personal altho madalas kaming mag-usap sa phone. That and her very nice co-workers made my day.

--------

Posted by atesienna at 09:59 AM | Comments (0)

February 07, 2003

Balik na ako sa


Balik na ako sa jameyrika. Eto't balik hanap ng trabaho. Problema ko lang, tinatakan ng taga-immigration ang passport ko kung kelan ako pumasok sa jameyrika. Hmmmm... magkaproblema kaya ako dahil dito? Sabagay anim na buwan naman akong pwedeng tumira dito kaya lang, ano naman ang sasabihin ko sa canadian immigration bakit tumagal ako ng ganun sa US? Hmm.. kailangan kong mag-research...

--------

Posted by atesienna at 09:58 AM | Comments (0)

February 03, 2003

Dalawang gabi na kaming


Dalawang gabi na kaming nag-be-brain storming ng kapatid kong si Greta para sa kanyang blogsite. Ako ang gumawa ng layout nya atsaka mga titles pero katulong ko syang nagbabago ng mga html codes atsaka kung ano-ano ang mga graphics ang gagamitin namin. Puro tungkol kay Popoy at Mokong ang pinaka-main idea ng blog nya. Sabi ko kasi sa kanya, at least, kung may ganyan ka, ma-rerecord mo lahat ng mga ginagawa ng mga anak mo, bago mo makalimutan.

A person's life as a child is so precious to the parents and everybody elso who loves them. Hindi na babalik yung mga panahon na yun. Yung mga times na nagsisimula pa lang silang mag-salita, mag-rason, mag-isip... Lahat yun... magandang ala-ala. Kung pwede nga lang na forever na lang silang baby. Kung pwede nga lang na itigil na ang panahon para hindi na sila tumanda at hindi na nila maranasan pa ang hirap ng buhay. Kung pwede nga lang...

Hopefully, matapos na namin ni Greta ang format at ang iba pang mga pages bago matapos ang linggo na ito. Abangan nyo lang.. i-pu-plug ko dito yun, siempre... babushka!

--------

Posted by atesienna at 09:56 AM | Comments (0)