Image 1
Image 2

« February 2003 | Main | April 2003 »

March 30, 2003

I'm back in Calgary!


I'm back in Calgary! Pagkatapos ng 3 days of darkness na byahe sa Greyhound at dalawang gabing puyat, bumalik akong tahimik na tahimik at walang kamalay-malay ang mundo. (Naku, Inang at Itang, patawarin nyo sana ako sa pagsabing nalulungkot ako sa paguwi kong ito.) Masaya ako at nakita ko sina Itang ulit, nasa ibang floor na kami ng aming apartment building (26th floor) at kitang-kita mo na ang timog na bahagi ng siyudad sa kinaroroonan ng PC ko (pero ililipat na namin ni Itang ang computer ko sa kwarto ko simula bukas), at may bagong TV si inang na super ganda at may dalawang pusa silang cute na rin (aso kasi ang hilig ko talaga eh).

Sa kabila ng lahat ng ito ay ang lungkot ko. Magkalayo kami ni Andres ngayon. Kailangang umuwi muna sya ng Arizona at ako naman ay kailangang bumalik ng Calgary. Pansamantala lamang... hindi magtatagal... Mahabang salaysayin pero alam namin ni Andres na sandali lang itong pagkahiwalay namin at magkakasama kaming muli. Kinukurot talaga ang puso ko kapag naiisip kong hindi sya makakarating kaagad sa tabi ko kapag tinawag ko sya o hindi sya ang makikita kong naka-tanghod sa computer kapag lumabas ako sa salas. Ang apartment namin na halos anim na taon din naming naging apartment ay bahagi na lang ng kahapon namin. Ngayon hanggang sa magkita kaming muli, maiiba samandali ang ritwal naming dalawa.

"...Sa umaga, pagkatapos ko syang asikasuhin, makikita ko syang aalis papuntang trabaho, mag-lalagi na ako sa harap ng computer sa paghanap ng trabaho o pag-surf sa internet; mga bandang alas-singko, magluluto na ako ng hapunan namin habang nanunod ng mga reruns na sitcoms hanggang alas-sais; at mga bandang alas-syete, magsisimula na ang puso kong intayin syang umuwi. Mga alas-syete hanggang alas-otso, maririnig ko na ang kotse nyang paparada sa garahe, papasok na sya sa bahay at sasalubungin ako ng matamis na ngiti. Kakain kami ng hapunan, hahalikan ako at magpapasalamat sa akin sa paghanda ng hapunan nya, magkwekwentuhan habang nanunuod ng reruns ng "That 70's Show" at kung ano pang mga bagong palabas hanggang alas-diyes ng gabi. Mag-huhugas sya ng mga pinggan at pagkatapos dideretso sa computer nya habang ako naman eh dun sa isang computer pupunta. Kapag napagod ako at nasa computer pa sya, hihiga na ako at manunuod ng reruns ng "Married with Children". Mga bandang alas-dose ng gabi, papatayin na nya ang computer nya at papasok na sa kwarto. Mag-gugudnight sa akin at kung hindi pa kami inaantok, magkwekwentuhan pa kami ng mga nangyari buong araw at kung kailangang pumasok sya ng maaga o may interview ako kinabukasan, matutulog na kami..."

Ganito kami araw-araw kapag may pasok sa upisina. Ritwal na namin ito. "Rites" ikanga sa ingles...

Alam nyo ba ang Chapter 21 ng Little Prince? Eto ang pinakapaborito kong bahagi ng librong ito ni Antoine de Saint-Exupery. Sa ngayon, eto ang naiisip ko habang tinitipa ko itong blog entry na ito. Palagay ko, kung mababasa nyo ito, maiintindihan ninyo ang nararamdaman ko ngayon...

--------

Posted by atesienna at 10:07 AM | Comments (0)

March 27, 2003

After my usual long


After my usual long e-mail to Jet-ay where I mentioned my fascination with the idea of "Crossroads" (where everyone you meet makes a significance in your life), I knew I had to write this down on my blog before I get out of the mood:

I've once come across the question: are people who hurt you an inconvenient nuisance in the suppossedly quiet life you should've have? Was the pain it gave you something that you can do without? I know it always annoyed, if not pained you when relationships don't work; but for me, I always looked at it as a small amount of sand needed to make a pearl-of-a-life for me. My unsuccessful relationships (friendship, love, business, etc) no matter how long (or short) it lasted, no matter how hard the hurt hit me, made me the person I am right now - stronger, more patient, more accepting, more pragmatic - specially of people around me. In all my relationships - now and in the past, I always give it a chance, I would always give my all and my time - walang dalawang salita, no cause for pleading, and if at the end, that was not a consideration to baselessly disregard the relationship, then the whole thing was probably just plugged into my life as a part of my huge life-learning curve.

You learn, you move on... Would you stop giving your all? Would you stop trusting? Would you just all-together stop welcoming other opportunities to share what you can give? I won't... I might not have been appreaciated that time, but that was not my problem... that was not my fault. As for me, I would do what I enjoy best - being a friend.

I believe in CROSSROADS. I still believe that EVERYONE who touches your life, no matter the length, no matter the impact, makes a significant effect in the course of your life and theirs. The smallest of things that you do (even the time that you're spending reading this right now), will always alter the whole course of everone's life. Everyone brings a lesson for you to learn. And in a way, whether it may be clear or not to you right now what the significance of that person is, later on in life, it will figure itself out to you.

Consequently, because of this cause-and-effect theory, I also believe so strongly in KARMA. I believe that if unfortunate things happen to you because of another person's malicious misdeeds, you need not take revenge or even lift a finger to defend yourself. In the end, it will come into full circle, and you will be justified. It might take time, maybe longer than you expect, but it will happen. And by then, everything about it will be so sweet. The tears you used to cry, your heart's pain - they will all be justified. So when things go wrong my way, I have only the patience and time to let the wheels of destiny and karmaic forces grind justice for me. It always comes - karma is inevitable.

--------

Posted by atesienna at 10:07 AM | Comments (0)

March 23, 2003

Nagkausap kami ni Greta


Nagkausap kami ni Greta sa chat at sinabi nya sa akin na ok na raw si Papa Ric. Ok naman daw ang operasyon pero pagkatapos daw na lumabas ng ICU at dinala sa recovery, hindi na raw pwedeng basta-basta dalawin para ata maiwasan na mahawaan ng kahit na konting sakit. Pero at least nakaraos na ang operasyon at tuloy-tuloy naman daw ang pag-buti nya.

Sa mga naki-duet sa amin ng dasal, maraming salamat sa inyo. God bless you all...

I pray that the US soldiers held prisoners by the Iraqis would be not be mistreated. But what guarantee is there, even with all the promises made by the Iraqi government, that they would follow the rules of the Geneva Convention with regards to POWs. Ngayon pa lang, they've already violated the Convention's mandate by showing footages of the captured allied soldiers on Iraqi TV. At sabi ni Donald Rumsfeld mananagot daw ang Iraq dito. Kung yun nga na-violate na.. paano pa ang rights ng mga buhay na mga sundalo?

Pero eto ang tanong, nung Sabado, nagpakita sa Fox News ng footages ng mga Iraqi na POW. Ilang beses na paulit-ulit na pinakita ito ng Fox news at meron pa sa website nila. Pagkaraan nun, pinatanggal ang balitang yun at in-airbrush na ng Fox ang buong pangyayari. According to the same Geneva Convention article, mananagot din kaya ang America tungkol dito?

I'm really praying for the POW US soldiers pati na ang mga POW na Iraqi soldiers at ang kanilang mga pamilya din. Pinagdadasal ko rin ang mga sundalong namatay at nawawala pati na rin ang kanilang mga pamilya. In this hard and trying times, dasal na lang talaga ang magagawa mo (bukod sapagpunta sa kalye at mag-rally).

Eto pa ang isang tanong ko.. diba ang sundalo, sumusunod lang sa utos ng commanding officers nya at ang commanding officers naman nya, sumusunod lang sa mandate ng presidente, paano kung hindi sila sang-ayon sa gustong mangyari ng presidente? Pwede ba silang mag-resign na lang basta? Parang weird naman at na kung ayaw mo ng pinagagawa sa'yo, gagawin mo pa rin (mas lalo na kung isang napakalaking bagay na katulad ng gyera). But then again, siguro kung alam mong magkakaroon ng pagkakataon na hindi ka sasang-ayon sa gusto ng gobyerno, hindi ka na rin siguro magsusundalo...

At kay Kakay, mag-iingat ka, girlie. I'm praying for you and your family's safety there in Kuwait. Stay strong :)

--------

Posted by atesienna at 10:06 AM | Comments (0)

March 20, 2003

So tinuloy din ni


So tinuloy din ni pareng George ang gyera. Nag-txt nga sa akin si Inang at pinauuwi ako ng Canada. Kinalamay (hmmm.. parang masarap yun...) ko na lang ang loob nya at sinabi kong nasa Iraq ang gyera. Pero sinabi ko rin na mag-pray na lang tayo. Scary ang gyera talaga. Feeling ko nga minsan ayaw ko nang makinig ng kahit na anong balita sa TV tungkol dito eh paulit-ulit lang naman ang sinasabi ng mga reporters pagkatapos ng unang bomba. Pero ang nakakainis sa lahat, nung pinakikinggan ko ang speech ni Bush kagabi, kabilin-bilinan ba naman nya eh wag daw sasabotahehin ng mga Iraqi ang mga oil wells nila dahil sa kanila daw yun at hindi kay Saddam. Kakayamot, diba? Parang masyado naman nyang pinapaobvious kung ano talaga ang agenda nya para mag-gyera. Kainis... Tama ba yun???

In other news...

Nag-txt sa akin si Greta at binalita na dadalhin na sa ospital si Papa Ric, tatay ng asawa nyang si Gabo. Kidney transplant. Sana maging successful ang operasyon nya. Txt nga ako kay Greta na pagdadasal ko si Papa Ric. Sa mga makakabasa... paki-sama naman sa mga dasal nyo si Papa Ric.

--------

Posted by atesienna at 10:04 AM | Comments (0)

March 16, 2003

It's a lazy Sunday


It's a lazy Sunday afternoon. (Akshuli, hindi pala "lazy" dahil working ako ngayon sa raket ko, hehehe.) Si Andres, andun sa isang Pc at naglalaro naman. Nakikinig lang ako ng mga CDs na pinagbibibili ko sa Divisori nung huli kong uwi sa Pinas (da best talaga ang Divisori). O, eto.. kung kapanahon ko kayo (take note, Logbook Girls, Jet-ay at Fafa Jay, Reggie (siguro... hehehe) at mga kapatid kong baliw at lahat ng pinanganak na naabutan ang Martial Law), alam na alam nyo itong mga kantang ito:

1. Sometimes a Love Goes Wrong
2. Oooh Baby ni Linda Ronstadt
3. Doors
4. Never Been to Me
5. Touch and Go ni Rupert Holmes
6. Morning, Noon and Nighttime
7. (My Love has) No Walls, No Ceilings, No Floors.
8. Africa ng Toto
9. Fantasy ng Earth, Wind and Fire (naalala nyo ba ito, Logbook Girls?)
10. Baby Come Back

(I need some diversion from the nagging thought and scare of the impending war with Iraq.)

--------

Posted by atesienna at 10:04 AM | Comments (0)

March 09, 2003

ok.. hindi ba kayo


ok.. hindi ba kayo maiinis kapag ang haba-haba na ng sinulat ninyo, isang oras mong pinaghirapan, with matching feelings pa tapos biglang mawawala dahil kasalanan nyo din? bad trip talaga! kanina pa ako mura ng mura. Pero dahil kailangan kong iblog ang nangyari sa aking trip sa San Fo, ililista ko na lang muna yung mga pinuntahan namin ni Socorro:

Maaga pa lang, hinatid na ako ni Andres sa Caltrain Station. Isang oras din halos ang byahe ko papuntang SF at pagkatapos dumiretso ako agad sa bilihan ng camera accessories para bumili ng red filter. Wala silang green pero ok na rin yun.. mas importante yung pula.

1. Nagpunta muna ako ng Japanese Tea Garden.

2. Nakipagenkwentro sa napakaraming ibon na kinatatakutan ko (dahil may ornithophobia ako) sa labas ng garden.

3. Naglakad sa kahabaan ng Geary St., napagod makalipas ang 30-45 minutong paglalakad at nag-desisyong mag-taksi na lang papuntang Union Square.

4. Nagpaikot-ikot sa Union Square habang iniintay si Socorro, kumuha ng litrato ng estatwa, mga paikot-ikot na mga shops.

5. Nagkita kami ni Socorro sa tapat ng Macy's, bumili ng mura pero sobrang sarap na dimsum sa Geary, tumuloy ng Ocean Beach, kinain ang baon, nagkwentuhan at nag-update ng buhay-buhay.

6. Tumuloy sa dating bahay na tinutuluyan nya nang nag-aral sya sa University of San Francisco, nakilala namin si Ken na dyowa ng dating room-mate ni Socorro na si Mari.

7. Hinatid kami ni Ken sa North Beach kung saan kumain kami ng dinner at naglakad na kami papuntang Polly Esther. Ang nakakatawa, napaka-aga naming dumating, wala pang tao, inaantok-antok pa ang bouncer at wala pa kahit ang DJ. Niligid lang namin yung lugar, pinagtawanan ang mga litrato ng mga artista nung 70s at 80s at parang bumalik lahat ng araw namin nung high school at college lang kami.

8. Lumabas kami ng Polly Esther dahil sobrang aga namin talaga at nagkape na lang kami sa malapit na Starbucks. Dun nagkwentuhan na naman kami hanggang alas onse.

9. Bumalik kami sa apartment at inintay naming dumating si Mari. Nagkwentuhan kami hanggang alas dos ng umaga.

10. Kinabukasan, alas syete pa lang gising na kami ni Socorro at naghanda na kaming lumarga ulit. Pagkatapos naming magpaalam sa magdyowa na dobrang bait at lab na lab ko talaga, dimiretso na kami sa University of San Francisco kung saan tinuro sa akin ni Socorro kung saan sya nag-masters.

11. Kumain kami ng agahan sa isang paborito nyang lugar, naglakad-lakad kami ng konti, dumaan ng Haight at Ashbury at tumuloy na sa Palace of Fine Arts.

12. Na-overwhelm ako ng Palace of Fine Arts... gandang-ganda ako sa kanya. Lagi ko ngang inuulit-ulit kay Socorro.. paano ngang hindi mo mamahalin ang lugar na ito... nakaka-inlove naman talaga.

13. Pagkatapos, nagpunta na kami ng Marina, pinakita nya sa akin ang Golden Gate, nag-cable car kami papuntang Powell sa downtown. Pauwi, nag-cable car din kami. Medyo na-idlip si Socorro sa sobrang puyat siguro. Naisipan naming kumain sa Wharf bago mag-lamyerda at pagkatapos, tumuloy kami sa Pier 39.

Pagkatapos namin sa Pier 39, niyaya ko na sya na umuwi dahil ayaw ko ring abutin sya ng sobrang gabi sa daan at dahil papasok nga sya ngayon. Hinatid nya ako sa istasyon ng Caltrain. Sumakay ako ng bus papuntang Palo Alto kung saan naghihintay na sa akin si Andres. Kumain kami sa paborito naming Thai Pepper at pagkatapos eh umuwi na kami. Sobrang pagod ko dahil sa haba ng mga nilalakad namin kaya't walang pang alas-nwebe, tulog na ako!

Sobrang ganda talaga ang San Francisco kahit na kelan! Sabi ko nga kay Socorro, sana dun na sya tumira ulit. Nagpapasalamat talaga ako sa kanya dahil pinagtyagaan nya akong ilibot. (Hindi ko maasahan si Andres dun.. hehehe.. ). Maraming salamat, Socorro!!! I labs yu talaga! Uulitin natin ito, for sure. Babalik pa rin ako ng San Fran. Marami pa akong black and white film na pwedeng ubusin. Hindi ko pa napupuntahan yung sinasabi ni Ibalik na nag-che-chess daw na mga pinoy sa Powell. Babalik talaga ako... at this time, local color naman ang kukunan ko.

One of these days, dadalhin ko ang pamilya ko dito... matutupad ko yon.

Para sa inyong kaalaman, na-update ko na po ang Awtsayd da Windo ng mga snapshots na kinunan ko ng trip namin. Wala pa dyan ang black en white dahil maghahanap pa ako ng pag-dedevelopan.




At oo nga pala.. pang-aliw lang. Sa Awtsayd da Windo den - ang aking mga klas fikshurs. at mga fikshurs ng bulaklak na bigay ni Andres nung balentaym's hehehe...



--------

Posted by atesienna at 10:03 AM | Comments (0)

March 06, 2003

I'm so excited. Tomorrow


I'm so excited. Tomorrow I head off to San Francisco for a weekend with my long-time-almost-like-a-sister friend, Socorro. When we were both in the Philippines, dream namin na someday, we would both be walking the streets of San Francisco together. And now, after 16 years, that dream will soon come true! Excited na ako talaga. For different reasons, San Francisco became very meaningful for both of us. For her, this is the place where she stayed when she went to school in Berkeley. Para sa akin naman, this is the first place Andy and I went to when I first came to visit him here in California. We both love this place - because of the character, the sights, the whole atmosphere. And now, we're about to spend the weekend together!

Mauuna ako sa kanya because I plan on getting to SF early in the morning. I'm going to take the Caltrain (after akong ihatid ni Andres sa train station). When I get off the train, I'm going straight a camera store to buy me a light red (no. 23A or a no. 25) filter and a green 1 (no. 11) filter for my black and white film. I already have 2 24-shot Tri-X Pan B/W Kodak films pero mukhang bibili pa ako ng dalawa pa. I'm still looking for a camera store nga lang on the internet na nasa SF. Yung isang nakita ko nasa Kearny St. baka dun ako magpunta. Tapos diretso na ako sa liwaliw ko. Kung saan-saan kami makakarating, hindi ko pa masabi dahil hanggang ngayon nag-reresearch pa rin ako. It's impossible to cover all the sights of San Francisco in one day. So I have to make the most of my one day free and have a grand time sightseeing with Socorro the whole day of Saturday and half day of Sunday. If I can, baka Sunday, pagkahiwalay namin, mag-liwaliw pa ako ng konti pa bago bumalik sa Sunnyvale ng gabi ng Linggo. Abangan!!!

--------

Posted by atesienna at 10:03 AM | Comments (0)

March 03, 2003

elektrik meyl sa akin


elektrik meyl sa akin ni Inang pagkatapos nyang mabasa ang sinulat ko tungkol kay Ringo:

"dear ate siena, sus subra. totoo ka walang kaparis si ringgo masuerte tayo at may ringgo tayo sa buhay nato naisp mo ba kung naging iba si ringgo? kaya marami tayong dapat ipasalamat unang una sa Diyos na wag syang pabayaan. pil na pil ko lahat ang mga sinulat mo tungkol sa kanya. maraming maraming salamat sa pag papahalaga. alam ko nag-mana sya sayo ng kabaitan at nag-papasalamat ako na binigyan kami ni BRADER DYES ng mga anak nakagaya nyo .....nagmamahal, si inang"

O diba.. hindi ka ba maiyak kung sulatan ka ng Nanay mo ng ganyan? Ilabsyu, Inang en Itang!

--------

Posted by atesienna at 10:03 AM | Comments (0)

March 01, 2003

yahoo!!! tapos ko na


yahoo!!! tapos ko na ang ika-walong edishen ng pansitan!!!!

--------

Posted by atesienna at 10:01 AM | Comments (0)