Image 1
Image 2

« April 2003 | Main | July 2003 »

May 23, 2003

Palagay ko, obvious na



Palagay ko, obvious na obvious na sa madlang people of the world ang pagkalukring ko ngayon sa Matrix. Sabagay, nakakaaliw talaga ang pilikula. 'La lang... nakakarelate kasi ako. Nakaka-kulta ng utak yung mga symbolism nila ng mga bagay-bagay dun.


Nung umpisang Matrix pa lang naman kasi, talagang sinisid ko ang buong internet sa kababasa ng mga kuro-kuro sa kaunlaran ng mga netizens tungkol sa mga symbolism ng Matrix. Pa-profound ang mga kapitbahayan kung bakit sya tinawag na Neo, bakit Trinity, ano ang symbolization (hehehe) ng pagiging mag-dyowa nila, bakit Nebuchadnezzar ang piniling pangalan ng ship nila, etc... Aliw talaga - from the religious to the technical to the most stupidest (sabi ng teacher ko, "most" na "stupidest" pa! Engri si titser!).


So siempre pa, kyuryus ang lola ninyo sa Reloaded kung masu-sustain ng magkapatid na Wachowski ang kanilang paghabi sa pagkalukring ng lahat ng tao. So go akong manood kasama ang mga prenships. (Kunwari pa ako, eh siempre ang habol ko dun, ang Lolo Keanu ninyo.) Hindi naman ako nadisappoint kasi consistent sila. Talaga namang naka-tunganga ako the whole 2 and something hours ng pilikula. Muntik na akong pahiran ni bestpren Remy dahil tila daw naglalaway na ako. (Sus, hindi ba naman super delisyus ng Lolo nyo!)


Pinag-usapan nga namin ni Andres ang pelikula. Hindi ko kinwento ng buo dahil ayaw magpakwento ni Andres dahil panunuorin pa raw nya. (Yes, kiddies, alam nyang kapag hindi niya tinuloy-tuloy ang pagiging matino nya, eh hahalughugin ko ang buong mundo para hanapin si Keanu at sasama na ako sa kanya ng tuluyan! hehehe) Sabi nga nya, ang Matrix nga raw pwedeng symbolism (eto na naman sa mga symbayotik na yan...) ng Gnosticism. Basahin nyo na lang.. may point naman si Fafa dun.


Nakwento ko nga sa sisteraka kong si Greta na na-sight ko na ang mubi. Sabi ko sa kanya kapag natuloy ako ng punta sa LA talagang yayayain ko na ang lolo ninyo na magsama na kami.


Greta: Sige, ituloy mo yang balak mo. Sobra namang ganda mo, eh.
Sienna: Talaga, yayayain ko na syang magsama na kami.
Greta: Ay kaya lang, baka hindi sya pumayag.
Sienna: 'lol (hindi LOL yan ha... tagalog yung 'lol ko na yun) Bakit naman???
Greta: Hindi mo sya mabibigyan ng susunod na mga lahi dahil wala ka nang Matrix!!!!


Yun lang... Buset talaga yang si Greta. Panira!








Replies: 12 Nagpansit



talagang tinuloy na ni ate sienna ang pang-aagaw ke lolo. :( magkatabi pa sila sa fiktyur. taksil talaga yang mamang yan.


Pinost ni belle @ 05/25/2003 01:40 AM MST


oo nga, characteristic ng mga bad boy yang maagang namamatay e hwehehe.


Pinost ni Neil, ang bad boy ng pateros @ 05/24/2003 09:39 PM MST


hahaha!!! fafa and neil, natawa ako dun sa neo and morpheus na kissing scene.. parang nakakadiri naman ata yun.


lunacy, orig na bad boy yang si river phoenix.. too bad wala na siya.


Pinost ni ate sienna @ 05/24/2003 09:28 PM MST


river pheonix?! ung ang mahal ko noon.. ehehe.. kaya lang... sumalangit na nag kaluluwa nia...


*lol* natawa ako dun sa Neo at morpheus love affair... naalala ko tuloy ung muntikan na kissing scene ni professor x at cyclops sa xmen2 (nung nagsasalita si jeangrey sa pamamagitan ni prof x)


Pinost ni lunacy @ 05/24/2003 07:26 AM MST


ninang... di ba namatay si trinity sa ending ng matrix? tapos si neo at si morpheus ang nagkatuluyan.


baka bukas manood kami ni jet.


Pinost ni Niyo @ 05/24/2003 05:28 AM MST


huwag kayong maniwala sa mga tsismis na gay si keannu, yung boyfriend lang nya ang gay.


Pinost ni neil @ 05/24/2003 03:58 AM MST


actually, lunacy, yun ang $6,000,000 question. may ginawa ata syang mubi nun na kasama si river phoenix tapos may bed scene pa silang dalawa. dun ata nagsimula yung balitang yun. hehehe..


ewan natin... ikanga nga ng kapatid kong si Ringo.. hangga't hindi mo raw nakikita ng dalawang mata mo na nakikipag-sex sa lalaki, lahat daw yan ay haka-haka lamang... hehehe


Pinost ni ate sienna @ 05/24/2003 01:34 AM MST


*lol*.. parang ang raming gustong umangkin kay keanu ha... dba bading yan? ooops... joke lang po... baka masapak ako ng wala sa oras...


Pinost ni lunacy @ 05/24/2003 12:13 AM MST


sus, syoni ko lang yan, Barny. Mukhang tarush, diba?


Ganda site mo, link kita ha? Salamat sa dalaw mo :)


Pinost ni ate sienna @ 05/23/2003 02:19 PM MST


Sus, alam ni fafa Andres na wishing ko syang ipapalit sa kahit na kanino maliban kay lolo. At least knows nya na isa lang ang kakumpitensya nya at "siony" pa ang kakumpetensya. (hehehe) Wah sya masyadong pic kasi ayaw nagpapakuha nun eh. (takot ma-discover) Pero meron ako dito, ma-scan nga.. sige, publish ko minsan.


Pinost ni ate sienna @ 05/23/2003 02:14 PM MST


ahihihi. ang kulit. in fernes may piktyur kaung dalawa ni keanu, huh. tarush! lolz (ang saya saya naman dito. kabadingan ever. hehehe!) pero ung sinasabi mong symbolisms, wa akong idea dun ah. may nabasa na ko somewhere, pero di ko pa rin ma-gets (nahahalata ang kabobohan ng lolo mo). anyway hindi naman ako nanood ng matrix para mag-isip eh. (LOL)


Pinost ni barny @ 05/23/2003 08:50 AM MST


Ahihihahaha!... si Greta talaga kung makapagpatawa. Ateng ha, baka magselos na si fafa Andy. Yung fiktyur ni Lolo Keanu naipablis mo na dito sa site mo pero ang fiktyur ni fafa Andy, hanggang ngayon... weting list pa ren. Magpost ka naman ng fiktyur ni fafa Andy... o kaya padala mo na lang saken sa email kung ayaw mong ma-expose siya...:)


Pinost ni Jetsung @ 05/23/2003 05:51 AM MST


--------

Posted by atesienna at 02:29 PM | Comments (0)

May 22, 2003

Eto na talaga... pramis!



Eto na talaga... pramis! Nakakafrustrate kasi kapag may friends akong hindi makapasok sa site kasi nagkakaproblema sila. Nakakahiya naman kasi binibisita ka nga nga, pinahihirapan mo pa. My apologies talaga sa mga prenships na nagkakaproblema sa previous design. Sana naman mas ok na ito for now... (for now... until toyo-in na naman ako at magbago na naman ako ng itsura ng pansitan)


Atsaka parang ang feeling ko ang sikip-sikip nung unang design (ayoko ng masikip! ayoko ng mabaho! ayoko ng putik!) atsaka parang hindi sya user-friendly (may naging friend ako nung nasa pinas ako, ang tawag namin sa kanya 'user-friendly' kasi mahilig mang-use ng friends.. hehehe). At least ito, mas maayos ang dating atsaka hindi na sya nakakalito.


Wala pa akong tagboard kasi ina-isolate ko yung problema. Kaya kung nakakapasok na kayo sa blog ko this time at dati ay hindi, paki-iwanan naman ako ng message para malaman ko kung ok na. Kung nakakapasok nga kayo, ibig sabihin nun ang !@!@#$#% tagboard ko ang naghasik ng lagim!


Salamat sa mga prenships na nagsabi sa akin na may frovlem sa site ko. Thank you very much for the feedback... :)


ps. alas kwatro na halos ng madaling-araw. (yes, jet, hindi pa rin ako tulog...) pukalalang utak ito, hindi na makatulog ng maaga-aga! Para akong bampira na gising sa gabi at natutulog kapag sumisilip na ang araw. Sabagay kung katulad ko naman ng itsura si Akasha, Queen of the Damned, ok lang, hehehe. (Putek na pilikula yan, sobrang panyet! Basahin nyo na lang yung libro ni Anne Rice, matutuwa pa kayo!)








Replies: 15 Nagpansit



Hi Jah!!! Musta na you, girlie?? Hayaan mo, hanap muna ako ng magandang tag board na hindi papatayin ang site ko.. wait ka lang :)


Pinost ni ate sienna @ 05/22/2003 11:33 PM MST


Jet, ewan ko ba.. plawer na naman tayo. Si Neil kasi, pinaalala na naman sa akin, eh :)


Pinost ni ate sienna @ 05/22/2003 11:32 PM MST


ate sieeennna!! danda talga ng blog mo ever!! asan na pala ang tagboard mo?


Pinost ni JaH @ 05/22/2003 11:17 PM MST


Ay naku ha... yang mga plawer plawer na yan at frontal shots na ikakatuwa... ala lang... hehe. Ateng, kahapon nga habang gumagawa ako dito sa bahay, sus!... patawa-tawa pa ko mag-isa... hahaha...:D


Pinost ni Jetsung @ 05/22/2003 06:59 PM MST


iba naman yung flower na naiiisip ko kaya ako natutuwa e.


Pinost ni neil @ 05/22/2003 06:51 PM MST


belle, ano memory ng pc mo atsaka rate ng modem mo? baka kasi dahil dun kaya medyo mabagal magprocess ang comments. hehehe, trouble-shooting mode talaga ako ngayon :)


Pinost ni ate sienna @ 05/22/2003 12:55 PM MST


Jet, oo nga.. naalala ko tuloy si Ayeza dahil puro plawers nga pala. Ay!!! pati si neil, matutuwa, kasi may plawers na rin dito. (hehehe) enjoi ako talaga sa usap natin. super kabag ako, ateng. :)


Pinost ni ate sienna @ 05/22/2003 12:53 PM MST


sige neil, posing ka tulad ni keanu tapos pakuha ka ha.. ma-pramis mo kayang matuwa din ako? hehehe


Pinost ni ate_sienna @ 05/22/2003 12:52 PM MST


salamat sa mga feedback, ha..


belle, wala ka nang runtime error ngayon? hindi sya baby's breath, lily sya akshully, pinaliit ko lang para magkasya sa design :)


Pinost ni ate sienna @ 05/22/2003 12:51 PM MST


Harinawang ngayon ay nasa dreamlands ka na. Sweet dreams Ateng...:)


Pinost ni Jetsung ulet... hehehe (ulet) @ 05/22/2003 08:44 AM MST


Andandadandaaa!!! Like ko talaga siya Ateng. Sabagay, ako ala namang nagiging problema sa lay-out mo dati pero oo nga, maaaliwalas ito sa mata. And I layk da plawer ha (hmmm... alala ko tuloy si Ayeza.. hehe). Galing talaga ng prenship ko magdisenyo. Isa kang henyo!!! Bow.


Pinost ni Jetsung... hehehe @ 05/22/2003 08:43 AM MST


hi ate sienna! ganda ng bagong template... daming flower... mahalimuyak ang dating...


Pinost ni kengkeng @ 05/22/2003 07:39 AM MST


Ang ganda ng bagong lay-out. Nag post na ako kanina, biglang nawala. Nakakapasok naman sa site nyo Ate Sheens yun nga lang me runtime error. Oks lang naman. Yung plawers sa gilid, parang baby's breath?


Pinost ni belle @ 05/22/2003 06:41 AM MST


Bago na naman. :) Mas maliwanag nga ito at indi masikip, Ate Sheens. Nakakapsok naman sa site mo, yun nga lang me error. Pero ok naman. :)


Pinost ni belle @ 05/22/2003 06:39 AM MST


ang ganda ng bagong design. malamig sa mata wakakakaka!


papakuha rin ako ng pic na kaparehas ng pose ni keannu! ung nakatalikod wakakaka!


Pinost ni neil @ 05/22/2003 04:31 AM MST

--------

Posted by atesienna at 02:28 PM | Comments (0)

May 13, 2003

Dahil tinatamad pa akong



Dahil tinatamad pa akong magsulat at nagmumuni-muni kung babalik na lang ako ng blogger dahil nagkakaruntime error daw ang ibang prenships sa bagong blog ko, pababaunan ko muna kayo ng kwento:


Maritess was born and raised in Olongapo City. She met her husband, John, while he was stationed at Subic Base. Maritess' English is poor. Still, they manage to communicate.


One day, Maritess decided to cook a big dinner, so she called John at work and told him to come straight home from work. John and his co-workers had just finished a big project that day so they decided to go to the ship's chow hall to celebrate.


When John came home around midnight, he realized he forgot about the dinner that Maritess had made for him. As she came out of the kitchen, John began to explain. "Honey, I'm really sorry. The guys decided to celebrate a little bit, so we ended up eating at the ship."


"Ah, like that, ha? I cook the house for you, you eat the ship! From now, you do your do, I do my do!
You harden there!"


Tagalog translation:


Ah, ganon ha? Pinaglutuan kita dito sa bahay, kumain ka naman sa barko! Mula ngayon, gawin mo ang gusto mong gawin, gagawin ko ang gusto kong gawin! MANIGAS KA DIYAN!


(salamat sa aking Tyo Danny na nasa Japan at nag-yu-YU-ES-NE-BI)








Replies: 7 Nagpansit



hahahahahahahahaha!panny! beri panny!.


"it's not my fault anymore, it's your fault anymore." -ate vi to edu manzano.


Pinost ni mart @ 05/20/2003 05:22 AM MST


hahaha... nakakatuwa... itsh ubilibabol...


Pinost ni lunacy @ 05/17/2003 06:31 PM MST


Ricky Belmonte (SNK)to Stewardess: Could I have a hamburger sandwhich please?


Stewardess na pa-impress kasi artista: With pleasure sir.


Ricky Belmonte (SNK): Ah, no... with ketchup na lang.


Pinost ni Jet @ 05/15/2003 08:26 PM MST


Hehehe..


Alma: One Big Mac and one french fries plis.
McDo crew: For here, Ma'am or for take out?
Alma: No.. for Vandolph!


Pinost ni Ate Sienna @ 05/15/2003 02:25 PM MST


aaahhh, parang yung americanong nagpagupit sa barberong di marunong mag-english... sabi nang barbero nung tapos na: "THIS IS YOUR THE END JOE!" habang nakatutuk yung gunting doon sa leeg ng kano.


kakapanood lang kasi niya ng pelikula at nakita niya nung tapos na yung pelikula, nakasulat ang "THE END".


Pinost ni JayBlues @ 05/14/2003 09:28 AM MST


ahhhh.... parang yung kay alma moreno: "i told you not to go to, you go to. now look at"


BUKNOY'S TRANSLATION:


sabi ko na, huwag kang pumunta diyan, pumunta ka pa rin diyan. ayan tingnan mo tuloy...


Pinost ni BluesJay @ 05/14/2003 09:23 AM MST


Ano'ng wa koment? Sempre kokoment ako.


Kaw talaga, kung ano-ano napupulot mo... at buti na lang kasi lagi mo kong naaaliw... hehehe...:)


Pinost ni Jet @ 05/13/2003 07:45 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:27 PM | Comments (0)

May 08, 2003

Tuwang-tuwa ang lola nyo



Tuwang-tuwa ang lola nyo today! Natanggap ko na yung pinakahihintay kong package na galing sa mga good, good prens kong sina Jet-woman at Bat-Jay. Mas lalo akong natuwa kasi hindi lang isang CD kundi dalawang CD ang pinadala nila sa akin! At natawa pa ako kasi may kasama pang sulat na nakaka-aliw talaga dahil puro drowing ni Bat-jay. Alam ko, kelangan ilagay ko sya sa tackboard ko. Bigla ko tuloy hinanap ang mga drowing ng mga pamangkin kong sina Popoy at Mokong kasi sa true lang, blend silang lahat.. hehehe... (matanong nga ulit kay inang kung nasaan yung mga sulat kong iyon nung nag-impake sila ng mga gamit ko...)


Yung isang CD pa lang ang pinapakinggan ko ngayon, pero naaliw ako kasi iba't-ibang genre ng kanta ang nandun... Magmula Aiza Seguerra hanggang Four Seasons, Gloria Gaynor Heart, JT at Yoyoy Villame pa! Tawang-tawa ako kasi halos pareho pala kami ng mga kantang iniipon (altho mas matindi sila dahil may Yoyoy Villame pa sila.. i tink i dro da layn der.. hehehe)


Maraming-maraming salamat, Jet-Woman at Bat-Jay... (abangan ang surprise ko sa inyo.. ngayon pa lang nag-iisip na ako ng gimik. hehehe :)


At higit sa lahat, maraming salamat sa prenship natin... ingat kayo lagi.








Replies: 5 Nagpansit



naks pati sa drawing andun pa rin si zorro? nakamaskara pa rin. (lol)... how swit naman. pwede ng ihilira yan sa obra ni picasso. :D yun nga lang mas matindi pa kay picasso si zorro. hehehe.


Pinost ni belle @ 05/09/2003 03:39 AM MST


Ha-haay! Ang Inang... bakla talaga... hehehe:D


Pinost ni Jet @ 05/08/2003 09:07 PM MST


alam mo, tuwang-tuwa talaga ako dun sa leytor na iyun. nakaka-alis ng pagkaburniks kapag nakikita ko. kasi very candid sya at alam kong ginawa ninyo talaga por me. Salamat na salamat talaga sa inyong prenship.


Proud pa ako kasi pinakita ko kay inang. Sabi ko, "Inang, ang cute ng mag-dyowa, diba?"


"True!" sabi naman ni Inang :)


Basta... alam nyo naman kung gaano kayo ka-lapit sa akin :) Nid I sey mor?


Pinost ni ate sienna @ 05/08/2003 08:42 PM MST


Dear Ate Sienna na Ninang pa,


Una sa lahat, nagpapasalamat ako at dinatnan ka ng munti naming handog na nasa mabuting kalagayan. Pangalawa sa tira, salamat naman at nagustuhan mo ang suprays namin sayo na matagal na naming binabalita sayo bago nakarating.


Papaliwanag ko lang ng konti. Yung parang teddy bear ay si Super Klutz... pinakaunang self-portrait ni Batjay. Yung para namang multo na puting-puti ay si Smarty, pinakaunang portrait ni Batjay saken, ginawa niya nung nasa narsing iskul pa ako. May poster pa nga yan pero das is anader istori.


Tek dat ismol token as a hartpelt tenks por da warm prenship yu hab giben us ol dis taym.


Seryus Ateng, treasured talaga namin ang prenship mo. Di mo lang alam ang saya na dinala mo sa layp namin.


At bago pa ako maluha at maubusan ng space...


Nagmamahal,
Dyet en Batdyay


Pinost ni Jet @ 05/08/2003 07:54 PM MST


nakakahiya naman, pati drawing na isip bata, naka post pa. ngyehehe... hamo sa susunod, gagaling ko nang pagdrawing - water color na ang gagamitin ko!


Pinost ni BuknoyIsipBata @ 05/08/2003 07:36 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:26 PM | Comments (0)

May 05, 2003

Click mo 'to!(D-d-k-tid sa



Click mo 'to!


(D-d-k-tid sa mga namimiss na ang Philippine Movies. Salamat, Sharon...)









Replies: 15 Nagpansit



wow ate sienna ang lutong! para bang crispy pancit canton ng Chow King (masarap daw yon kaso di ko pa natitikman kc tagal na kong di nauwi)... tawa ako ng tawa na-confirm tuloy na baliw nga ako sa opis... tink yu por miyking may di... ay lumabas ang accent ku...


Pinost ni karampot @ 05/22/2003 08:23 AM MST


hmmm.. jet, hindi nagpakilala si jet-lag. pakilala ka, new pren. pero dun sa tanong mo, oo pwede ang istapegi.. kahit na anong noodles, pwede na rin... :)


Pinost ni ate sienna @ 05/08/2003 06:47 PM MST


Sino si jetlag?...:( may kapangalan na ako... di na exclusive... hmmm


Pinost ni Jet @ 05/08/2003 06:27 PM MST


pwede spagh dito?


Pinost ni jetlag @ 05/08/2003 01:50 PM MST


hay.. naunderstang ko rin, sa wakas. salamat, sharon... napaka-low-IQ ko talaga these days :) pero ok naman sa'yong maging p of the f si ms. clauds? hehehe


huy.. musta na si fafa carlo n d kids?


Pinost ni ate sienna @ 05/08/2003 12:27 PM MST


hindi ba mag bilas yung tawag sa mga asawa ng magkapatid? parang si paolo at si chino.. mag bilas sila diba? so future bilas ni dennis si cousin..


Pinost ni SharoN @ 05/08/2003 03:39 AM MST


hehehe.. pinsan ng magiging bayaw ni greta at marjorie.. ok.. kuha ko yun. pero bakit "na ang asawa ay future bilas ng pinsan ko"?


hehehe.. sige na nga.. basta ganun, diba? hehehe


Pinost ni ate sienna @ 05/07/2003 10:29 PM MST


ganito na lang... pinsan ko yung magiging bayaw ni madam greta at marjorie na ang asawa ay future bilas ng pinsan ko... or something to that effect hehehehehehe


Pinost ni SharoN @ 05/07/2003 04:01 AM MST


hmmm.... ang ganda ng mabulaklak na daigdig ni claudine.


Pinost ni TheRingAroundYourYouKnowWhat @ 05/07/2003 12:24 AM MST


actually, mali.. hindi mo nga pala cousin-in-law si dennis, sharon. ewan, compyus ako! basta ganun yun.. pero bakit nga ba talaga?


Pinost ni ate sienna @ 05/06/2003 09:57 PM MST


hmmm.. intrigue ako, sharon ha.. why-bakit mo sya future cousin-in-law?? dahil kay Raymart?!?!?! over!!! so cousin-in-law mo na rin si Dennis Padilla?!?!? mwehehehe


Pinost ni ate sienna @ 05/06/2003 01:30 PM MST


i deny! hehehehehe galing kay bimbo yan...


Pinost ni SharoN @ 05/06/2003 07:26 AM MST


itong si Sharon pinagkanulo ang future cousin in law nya! hehehehe


Pinost ni GretcH @ 05/06/2003 06:38 AM MST


o diba, demur-a naman sya talaga.. hehehe.. tawang-tawa ako dito nung una ko syang napanood!


Pinost ni ate sienna @ 05/05/2003 09:30 PM MST


HA!HA!HA! Eto siguro yung nabasa ko minsan somewhere na binalita ni Chief. Dinig na dinig pala... hehehe...Demure ah?... DE-MURA kamo...:P


Pinost ni Jet @ 05/05/2003 05:59 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:24 PM | Comments (0)

May 04, 2003

Hindi lang po ako



Hindi lang po ako mapakali sa unang layout dahil pakiramdam ko ang sikip-sikip ng mundo. Kaya naman medyo pina-luwagan ko ang balkonahe para malaki-laki ang lugar ng tsikahan nating. Mas lalo na.. summer na ngayon (o spring, kung nasa ibang parte ka ng mundo), eh masarap yung nagpapahinga sa balkon at naghihintay ng ihip ng hangin.


In other news, nakapagpakabit ng TFC ang aking inang nung isa pang linggo. Nakakaaliw manuod talaga ng Pinoy. Pero yung mga bagets, marami na akong hindi kilala. Pero tuwang-tuwa akong mapanood sina Ate Shawie. Next time, kwentuhan ko kayo ng mga opinyon ko sa mga programa nila.


Nakakamiss talaga ang Pilipinas... sana makauwi kami this Christmas para masaya. Miss ko na silang lahat at sabik na akong makita si Chynna, ang una kong pamangkin na babae na anak ni Patring. Inaanak ko yun. Eh madaldal na raw.. nagpipilit nang makipag-usap - wala pang isang taon yun!


Sa mga nagtatanong, natapos ko na po ang photo shoot ko. Titingnan na namin ang proofs sa Martes at nagpaalam na ako sa aking mga models na ilalagay ko ang mga litrato sa pansitan. (Nababasa mo ba ito, Chief???? hehehe) Kaya abangan nyo na lang!! Enjoy yung shoot, kaya lang dun ko narealize mas maganda talaga kung may sarili na akong ibang gamit. Very cooperative ang aking mga models at walang pangingimi sa mga suggestions ko. Excited na nga rin sila na makita ang mga shots eh. Sana lumabas na maganda halos lahat...








Replies: 4 Nagpansit



o sige, ayeza, samahan mo akong magtanim ng mga plawers. tanong natin si chief kung anong klase gusto nya. hehehe..


jet, anong shows ba inaabangan mo? tabing-ilog, bituin tell me aabangan ko para sa'yo :)


chief, hayaan mo chief, kukuha lang ako ng model release kung ano ang pwedeng ilabas at ipapakita ko agad sa inyo! (alam ko nasasabik ka na.. hehehe)


Pinost ni ate sienna @ 05/05/2003 12:15 PM MST


weee... maluwang na nga... pde na magtanim nga plawer!!!


Pinost ni AYEZA @ 05/04/2003 10:21 PM MST


Buti pa kayo may TFC... miss na miss ko nang manood ng Pinoy shows... grabe. Minsan dito sa balay, iniimagine ko yung sked ng panonood ko ng tv... yung pagkasunod-sunod ng shows. Gusto ko na talagang umuwi... waaa!


Pinost ni Jet @ 05/04/2003 06:46 PM MST


honga, sana lumabas lahat.


este, ang ibig kong sabihin e, sana lumabas na maganda lahat.


congrats ate siens hwehehehe.


Pinost ni Chief @ 05/04/2003 06:00 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:23 PM | Comments (0)