Image 1
Image 2

« May 2003 | Main | August 2003 »

July 31, 2003

Tapos na ang July.



Tapos na ang July. Maraming aktibidades twing buwan na ito. Una, kasi nga kalagitnaan ng summer itong buwan na ito dito sa Timog Jameyrika, punong-puno ng kung ano-anong pwedeng gawin - festivals, swimming, at sabi nga nila "christmas in july" kasi kalagitnaan ng taon, anim na buwan bago magpasko, ewan.. basta yun yun.


Sa pamilya Zaragoza (kami yun), ebent-pul din ang July. Birthday ni Itang ng July 10, anibersary nila ni inang ng July 18 at birthday ni Ringo ng July 31. Ka-birthday ni Itang ang aking bespren Remy (at ka-birthday ko naman ang kapatid ni bespren Remy na si Sarah).


So nung birthday ni Itang, nag-gift daw sya sa sarili nya ng laptop. Tawang-tawa ako kay inang kasi ang sabi sa akin, pati raw sa trabaho ni itang, dala-dala daw nya ang laptop nya. Ang sweet nga ni Itang kasi padadala na lang daw nya sa akin ang bagong laptop nya kesa ipapadala ko sa UPS ang PC ko. Siempre, decline ako kasi siempre, regalo ni Itang yun sa sarili nya eh kunin ko ba? Pero siempre touch ako :)


Nung anibersary naman nila, por da pers taym, eh naghanda sila at nag-imbita ng mga kaibigan. Andun ang mga tiyuhin at tiyahin ko at mga pinsan at konting kaibigan. Siempre, 39 years na silang kasal (isipin nyo yun???? yun ata ang "trulab" kasi natiis nila ang idiosyncracies ng isa't-isa ng ganun katagal ng walang iwanan). Ang daming niluto daw ni Inang. So happy naman ako kasi siempre, for almost 40 years nandito sila sa tabi naming magkakapatid at ang dasal naming lahat, sana hanggang sa susunod pa na 40 years :) (hehehe... sana nga abutin pa sina itang ng mga edad nubenta ng masigla at walang sakit)


At huling-huli - ang kapatid kong si Ringo! Syet na malagket, treynta'y dos na kapatid ko! Parang hindi ko ma-take. Eh naalala ko pa ang itsura nya nung kasing-idaran sya nina Popoy at Mokong at unang pumasok sa St. Mary's sa Pasay. At yung araw ng gradweyshen nya ng kinder at kumanta sya ng "Ako'y Pinoy" sa madlang gradweyting klas ng kinder. Nag-text ako sa kanya kanina at binati ko sya, tinanong ko rin kung ano ang handa nya dahil alam kong ipaghahanda nga sya nila Greta ng dinner. Kare-kare daw, pansit, at kung ano-ano. Maya-maya, may tawag ako sa selpown at sya na pala yun! At isa sa una kong nabanggit sa kanya eh "Miss ko na ikaw, pukito ka...". At nagkwentuhan kami ng konti... tinanong ko kung matutuloy ang punta nya ng Jameyrika sa Oktubre at sabi ko, excited na akong magpunta ng disneylang ulit na kasama sya. Maya-maya, may girlet syang pinakausap sa akin sa telepono. (Hmmmm... yun lang ang masasabi ko tungkol dun, hehehe. Tsaka ko na sya aasarin tungkol dun pagkatapos kong makakuha ng details kina Greta at Patring tungkol sa girlash at kapag nagkausap na kami sa YM bukas).


So yun nga... last day of July, the middle of summer... AT importante sa lahat ng may trabaho - SWELDO DAY TODAY!!!!








Replies: 4 Nagpansit



sharon, hehehe.. tanong mo sa kanya kung sino ang gf nya... hehehe


Pinost ni ate sienna @ 08/03/2003 11:19 AM MST


hello, jet-ay!! ateng, di ko pa natatanggap ang email mo ng address mo.. bakit ganun???


Salamat sa mga bati, ha :) sayans, di na makakapunta si fafa. kainis ha!


Pinost ni ate sienna @ 08/03/2003 11:19 AM MST


binati ko si RInggo nung Miyerkoles, ang sagot sa akin, biyernes daw bday niya... parang last year pa ang kalendaryo nila sa bahay dahil Huwebes pala ang bday niya... di kaya dahil sa girlash kaya nalito? SINO YUN?!?!? GUSTO KO MAKILALA!!!


Pinost ni Ate Sharon @ 08/01/2003 10:15 AM MST


Belated happy birthday po kay Itang.


Belated happy anniversary po kay Inang at Itang.


Belated happy birthday po kay Ringgo.


Sensya na po kung feeling close ako hehe.


Ateng, buti ka pa nakakatikim ng suweldo... wehehe.


Ingat ka dyan at happy weekend ha. Sad news nga pala, di na matutuloy dyan si fafa Jay. Nagbago isip ng boss niyang kalbo. Buset. Kundi sa kaniya, nagkita na sana kayo.


Pinost ni Jet @ 08/01/2003 12:56 AM MST


--------

Posted by atesienna at 02:32 PM | Comments (0)

July 28, 2003

Para sa mga kamag-anakan



Para sa mga kamag-anakan at mga usi kong mga prenships, eto na po ang mga pictures na pinagkukukuha ko magmula nang dumating ako dito sa So Cal! (Kung hindi kayo interesado eh dito na lang kayo magpunta.)


Andito po ang lamyerda namin ni Andres sa Venice Beach


... ang karugtong at pinsan ng Venice Beach na Santa Monica Pier


... ang bago naming palasyo


... ang loob at labas ng aming apartment complex


... ang dedikeyted ko kay inang na mga bulaklak sa paligid


... ang ang mga paliguan ng mga ibon


Enjoi!!!


PS... sa mga nag-email sa akin at nagsulat sa DB, maraming salamat:


Hello kay pren Cecil (miss ko na ang shoppingan natin, ateng... wala pa akong shopping-mate dito eh),


To Alma May (Hey girl, I missed you the last time I was there... hope you can visit me here)


Kay Brendalie, maraming salamat sa pag-email sa akin at pagbisita sa site.. sana lagi kang pa ring dumalaw. (pwede bang libreng unit ng easycall??? hehehe)


Kay TinTin, (ang "Dancing Queen" ng Radyo Pinoy sa Kuwait) more power sa Radyo Pinoy at sa programang "DagDag Kaalaman". Nawa'y dumami pa ang mga listeners ninyo kasi mukhang marami nga silang matututunan na kung ano-anong bagay na taken for granted nila (tipong parang "How Stuff Works" yan ah!) at mapapatawa nyo pa sila. Diba, pinaka-effective na paraan yan para matuto ang mga tao? Daainin sa sense of humor? Kamusta sa lahat ng mga kababayan natin dyan sa Kuwait!


Hi din kay Ell Rika, Firewoman, Teswa, Cyrill, Annmarie, Dags, kiwipinay, eka at kay. Kay Mayo at Annie rin siempre!


At (*hingal*) kay Batjay (op kors!), Neil, Belle, Shane, AnP.


...AT HIGIT SA LAHAT, kay prenship Jet. Miss na kita, pren. Sana magkausap na tayo dis wkend no? Hmmm.. makahanap nga ng pongcan na pwedeng pang-tawag sa Singa.








Replies: 11 Nagpansit



ateng, na-extra pala ako dine. tenshu ha? natanong mo na ba kay inang? wala pa? ok lang. antay lang ako dito. =))


Pinost ni kiwipinay @ 08/30/2003 06:27 PM MST


teynks, ell rika... ay hop lagi kang mabuti at maganda :)


Pinost ni ate sienna @ 08/05/2003 05:41 PM MST


ate sienna,tats ako dahil binati mo ko,mor pawer kili-kili pawer,natuwa ako dahil yor bak in sayt na,God bless you and yor andres na rin.babayu,till next.


Pinost ni ell rika @ 08/04/2003 08:36 PM MST


Bat-JAAAAAYYYY!!!! nabalitaan mo ba yung gumawa ng 7-minute na movie na Batman na kasama si Joker? Gusto raw kasi nyang magkaroon ng chance na makapag-gawa ng batman movie. mahanap nga sa internet at ise-share ko sa'yo :)


Pinost ni ate sienna @ 07/31/2003 01:23 PM MST


ninaang! hehehe...kamusta na kayo diyan?


Pinost ni BatJay @ 07/31/2003 07:35 AM MST


kapag less 40%, magkano na lang yun?


Pinost ni ate sienna @ 07/30/2003 12:46 PM MST


ganda....sana makarating ako dyan..ipon muna ako ng plane fare na less 40% courtesy of Pauline.


Pinost ni GretA @ 07/29/2003 11:30 PM MST


*singhot sabay pahid luha* Opo Ate. :D


Pinost ni Jet @ 07/29/2003 06:16 PM MST


jet, pero wak ka na klay-klay na... hapi-hapi tayu ol dapat, olrayt? hokey? hehehehe


Pinost ni ate sienna @ 07/29/2003 01:01 PM MST


sige, preship, email ko sa'yo ang aking number ha.. pero send mo sa akin ulit number mo rin para malay mo, baka tumawag din ako :)


Pinost ni ate sienna @ 07/29/2003 09:14 AM MST


Naiiyak ako...


kasi natutuwa ako at magkasama na kayo ni Andres, ganda ng apartment niyo ateng, feel na feel na lab is in di eyr...


kasi feel ko haping-hapi ka ngayon, nasagot na ni Batman ang mga dasal namin para seyo...


kasi miss na miss na kita, may landline ka na ba? wag ka nang maghanap ng ponkard, ako na lang tatawag...


kasi tats ako sa ispeyshal menshyon


Pinost ni Jet @ 07/29/2003 08:55 AM MST


--------

Posted by atesienna at 02:34 PM | Comments (0)

July 13, 2003

Susginoo!! Apter 60 days



Susginoo!! Apter 60 days of darkness, nabuhay po akong muli!!!


Superduper mega-over bisi po ang ate ninyo sa paglipat, pag-hakot, pag-asikaso at pagpapakitang-gilas sa mga reyna at hari ng bagong engkantasia na kinabibilangan ng abang-lingkod ninyo. Why-laway ikanyo? Sa mga may-care lang naman (tulad ng mga kamag-anakan ko at mga klows prends.. na kokonti lang..) maupo ka't kukwento ko sa iyo. Kung hindi naman tayo klows, eh umorder ka na lang ng pansit dyan at makipag-landian ka na lang sa super-alalay kong si Be-be (aksent on da las Be) at baka swertihin ka pang i-date nya (kung lalaki ka) o hanapan ka ng papa (kung babae ka).


O sya, prends en reylatibs, I-itemize ko na lang para madaling pagkwentuhan ha?


1. Nung mga kalagitnaan ng May, may tumawag sa aking consulting agency na nag-o-offer ng trabaho para sa akin sa California. Naturalmente, ang lola ninyo, excited dahil siempre, trabaho na, sa California pa, despues (o-ha, Spanish 101 ko yan...), magkakasama na kami ulit ni Andres ko. So ininterbyu ako ng kumpanya. No guarantees raw, 2 months-chu-chu-chu na muna tapos depende kung maganda ang performance ko, i-e-extend ang kontrata ko. Payag na ako. Isip-isip ko, tutal, kung maganda ang performance ko, kukunin nila ako at hindi ako takot dun. Pangalawa, sa hirap ng trabaho ngayon, mabuti nang meron kesa wala. Pangatlo, naintindihan ko rin sila. Paano nga naman kung hindi nila type yung papasok sa kanila, eh di natali sila sa kontrata... (altho alam kong pwede ka rin naman nilang patalsikin kahit na kelan nila gusto, contract or no contract)


Ang catch: June 2 dapat nandun na ako.


So ang byuti ko, nataranta. Nag-asikaso ng mga pag-iiwanang mga kutikutitos, mga bayarin, ang mga outfit na gagamitin, ang plane fare ko (salamat, Tita Melba Crame!) at mga papeles ko. Naloka ako nung huling linggo ko na yun. Paano nga madalian... Entonces, araw ng June 1, apir ang byuti ko sa Costa Mesa kung saan nakatira yung may-ari ng consulting agency at kung saan makikitira ako pansamantala habang nag-hahanap ng apartment.


2. Sa Development team ang trabaho ko (hayyyyy salamat!). Sa mga hindi po taga-IT at hindi alam, kapag development, ibig pong sabihin nun eh nag-i-improve, nag-e-enhance o gumagawa kayo ng sistema. As opposed to sumusuporta ng systema na syang nag-hahandle ng mga everyday problema ng mga sistemang inenhance o ginawa ng developers.


Bakit "hayyy salamat"? Eh kasi, Ilang taon na akong nasa support eh nakaka-praning minsan. Kapag-oncall ka, kahit na nasan ka, anumang oras kang i-page, dapat, go ka at sulusyunan ang problema nila. May mga napasukan akong 24/7 na system support na kakabit na ng panty ko ang pager nila. O, di ka ba ma-lukring nun??? (Uy, ha, I know huwat yur tinking... mas marami akong dapat gawin kesa i-page ko ng i-page ang sarili ko, no?!!??)


So mabalik tayo sa topic (bago ako na-distract ng pager in da panty na yan...). Mabait naman silang lahat. Nakilala ko ang mga engkantada at engkanto ng kaharian. Ang Reyna Magenta, mabait. May-idad na si Magenta, pero mukhang straight at matalino. Sabi ko sa sarili ko, bongga ang reyna, mukhang ma-eenjoy kong maglingkod sa kanya, ako na isang hamak na tinkerbell lang.


Mabait ang mga tumulong sa akin - userid ko, passwords, email, desk ko, etc.. sa buong isang linggong yun, lahat ng mga may bertud ang mga magic wand tinulungan ako. Feel at home ako talaga. Napabuntung-hininga tuloy ako ala-Alice in Wonderland sabi ko sa sarili ko, "Oh, Otto! I'm back in Kansas again!"


(May mga bad trip na mga duwende sa tabi, pero saka ko na ikukwento yun.. sirain ko ba ang bwena-mano kong entry pagkatapos ng 60 days of darkness??? dehin na!)


3. After 3 weeks, dumating na si Andy galing Prescott, Arizona! Woohoo!!! Ang aking may labs, ang aking rison por bi-ing... ang aking now en poreyber... mabuti naman at naawa sa akin! Naiyak kasi ako (actually, true yun ha...) na ang hirap maghanap ng apartment ng wala sia. Feeling ko kasi Luz Valdez ako kapag wala sya sa tabi ko eh teritoryo nya itong lugar na ito. Huy ha... ang hirap palang mag-haluglog ng buong California ng walang sariling sasakyan! Natutulungan naman ako ng mga kasama kong mga pinoy dito, pero iba pa rin yung si Andres ang kasama kong naghahanap. At least alam nya kung saan namin magugustuhan, at makakapaghanap sya kahit wala ako.


So yun nga, dumating na aking prince charming at nag-gudbay-laway na ako sa tinitirhan ko. Go muna kami ni Andy sa Motel 6 kung saan dun kami naglagi habang naghahanap kami ng apartment. Awa ng dyos, after 4 days, naka-kita na si labyudoods!! Ang galing talaga nun pagdating sa ganyan. Walking distance sa opis ko at maganda sa loob ng compound. May wiming pul, maraming halaman atsaka yung apartment namin, nasa gitna ng complex. Mas tahimik kesa sa mga nandun sa paligid ng complex na katabi ang highway. So sign agad kami ng lease for 6 months at kina-sabaduhan, lipat na ang mga byuti namin sa bagong apartment.


Dali-dali, bumili kami ni Andres ng ilang bagay na kelangan namin - bagong mattress, mga konting gamit sa kusina at banyo, mga panlinis, konting beddings. At ang pinaka-importante naming appliance - refridyider! Ober ha... walang fridge ang mga apartment dito.. KKB sila (kanya-kanyang bili). Hindi kami maka-pag-grocery ng husto ni Andres hanggat wala kaming fridge. Panay tuloy ang kain namin ni Andres sa pinoy turo-turo na kainan dito sa Covina. Ay, which reminds me... kung gusto ninyo ng murang pagkaing pilipino ($2.99) na sobrang sarap at sobrang dami, go kayo sa "Ito Po Ay Atin" sa E Amar Rd, West Covina (malapit sa Seafood Market). Maganda yung lugar. Malinis at mababait pa yung mga nag-se-serve sa inyo. O diba, mura na.. tastes like home pa.


Yun pa nga pala! Sobrang daming pinoy dito parang ang feeling ko, nasa Pilipinas pa rin ako. Atsaka sa sobrang dami ng pinoy, ang daming pam-pinoy na establishments - dun nga sa compound ng "Ito Po Ay Atin", may Max's Fried Chicken, ChowKing, Cebuana Bakery, may singalong, may PNB remittance, at kung ano-ano pa. Sabi ko sa sarili ko ala Alice ng Wizard of Oz (ulit), "Oh Otto...." sabay dismaya. "teka... parang nawala ang Wonderland!"


Nakakaloka!


O sya.. eto na muna. Baka naman tumulo na ang laway nyo sa kakabasa (o pagkaidlip). Kukunan ko ng pictures ang paligid maya-maya at papakita ko sa inyo ang bago naming munting kaharian. Istey tyund makalipas ang commercial na ito (ika nga sa Eat Bulaga).


PS. Kahapon nga pala, go kami ni Andres sa Venice Beach. Basta.. marami akong pictures at happening sa almost 1 month and 2 weeks kong bagong adven-tures, kaya balik kayo, ha... :)


(hayyy.. kakapagod magmarathon na type...)








Replies: 12 Nagpansit



Hi Ate Sienna! Saan na po ang rest op da istori?...:)


Pinost ni Jet @ 07/23/2003 06:17 PM MST


hi ate sienna. welcome back. =) me update ka na pala. ang tagal kang nawala. miss you!


Pinost ni belle @ 07/23/2003 10:48 AM MST


weeeeeeeeeee ang pagbabalik ni ate sienna woooohooooooooooooooooo


Pinost ni AYEZA @ 07/23/2003 03:54 AM MST


uy, welcome back! ganda pa bagong design! ano yung balita ko na uuwi ka daw sa dec? kita tayo!!! email mo ako kung uwi ka man at wag sa website ko dahil alam mo naman ako, may stalker! haha kapal! missyu!


Pinost ni AnP @ 07/17/2003 06:14 AM MST


webak tbak ate sienna! happy ako kse me work kana at balik blogging ulet ang byuti mo! cant wait for ur stories again! woohoo! mwaaahh! *hugs*


Pinost ni JaH @ 07/17/2003 01:09 AM MST


Te Sienna, nandito ka na pala sa CALi. Sana natandaan nyo pa ako. Yipee! Magkapit-bahay na tayo.... Marami talaga pinoy dito..sana magustuhan mo kahit di wonderland.


Pinost ni Manz @ 07/17/2003 12:34 AM MST


talaga Ate Sienna, malapit na tayong magka-chikahan ulet? Yippeeee!!! *talon! talon!*


Pinost ni Jet @ 07/16/2003 06:11 PM MST


Salamas, salamas!!! Nice to be back.


Na-miss ko rin kayong lahat. Ang hirap ng wala sa sirkulasyon.


Jet, miss na miss na kita. mamya ata may telepono na kami kaya abangan! TA-DANNNNN!!!


Fafa Jay, musta na you? Inaalagaan mo ba si bespren Jet ko?


Oo nga, Pen, mabait naman talaga si Andres ko, eh... mas lalo pag tulog, hehehe :)


Hi Mart, musta na you, bebe?


Pinost ni ate sienna @ 07/15/2003 10:52 AM MST


welkam bak, Ina Magenta!


Pinost ni mart @ 07/15/2003 02:39 AM MST


ate sienna!!! na-miss kita, buti naman nakabalik ka na. sweet talaga ng andres mo, very prince charming rescued his damsel in distress sa apartment hunting!


Pinost ni pen @ 07/14/2003 10:06 AM MST


ninang. alam ko yung lugar mo. natigil din ako diyan pag ako'y nasa ala-eh. hehehe... puro pinoy nga diyan. buti naman at online ka na.


Pinost ni BatJay @ 07/14/2003 07:05 AM MST


Ate Sienna, I'm so glad everything worked out for you. Hindi ka nagkamali... sandali lang ang pagkakalayo ninyo ni Andres. Siguro kung nakikita kita ng personal ngayon, sasabihin kong... 'Aba ang Sienna, blooming na blooming!'... hehe. Welcome back at takam na takam na ko sa mga susunod mo pang kuwento my pren. Ingat ka dyan.


Pinost ni Jet @ 07/14/2003 02:53 AM MST


--------

Posted by atesienna at 02:31 PM | Comments (0)

buhay na ako!!!('tainis kasi



buhay na ako!!!


('tainis kasi eh... nag-down ang server ko eh hindi pala updated ang backup. tapos mali-mali pa ang settings ng greymatter files ko. At lumipat pa ako...)










Replies: 2 Nagpansit



miss na miss na kita, jet-ay!


Pinost ni ate sienna @ 07/16/2003 09:01 AM MST


Yehey! Yehey! *talon talon!!* Andito na uli siya! Nagbalik na uli siya! Miss na miss na kita pren! Nakuuu... pakiss nga. Mwah!


Pinost ni Jet @ 07/14/2003 02:42 AM MST


--------

Posted by atesienna at 02:30 PM | Comments (0)