Image 1
Image 2

« July 2003 | Main | September 2003 »

August 30, 2003

Nung bandang huling linggo



Nung bandang huling linggo ng July, napag-usapan namin ng kapatid kong si Patring na pagkatapos ng birthday ng pamangkin naming si Mokong (na bunsong anak ng kapatid naming si Greta), susunod na ang birthday ng anak nyang si Chingching.


Eh di siempre, first birthday ng kutinggot na bata sa Sept 10 so excited kami. Pinagusapan namin kung ano ang theme, saan gagawin, ano ang handa, etc. "Finding Nemo" ang gusto ni Patring na theme party dahil si Chingching daw tuwang-tuwa dun sa action figure na Nemo na nakuha nila sa McDo. So ako naman, dahil ninang ako at gusto kong maganda ang birthday party nya, nag-pati-una na akong ako ang bibili ng mga favors na Nemo na idedecorate nila sa party. Hindi pa kasi lumalabas sa Divisoria ang mga ito. Hanap pa kaming magkapatid sa internet - banners, invitations, loot bags, balloons, etc. Sabi ko kay Patring, sa susunod na Linggo bibili na ako at ipadadala ko na kaagad para nga maaga pa lang eh dumating na sa Pilipinas.


So go na ako ng party supplies... kulang-kulang na $30 ang napamili kong kung ano-ano - lootbags, isang happy birthday banner, table cover para sa table ng cake nya atsaka malaking-malaking blow-up balloon ni Nemo at tatay nya. Pagkabili ko nun, karag-karag si Andres ko, punta na kami sa post office. Regular mail daw ba o special? 3 linggo daw sa regular mail at 1 linggo kapag special. Magkano ikako ang special mail (parang special halo-halo na may ice cream sa taas)? Forty dollars daw (sus, mas mahal pa sa laman, anubayun!) So sabi namin ni Andres, regular mail na lang tutal, aabot naman ang package bago pa man din mag-Septiembre. Sige na kako.. regular na lang (wala nang ice cream).


Unang linggo... "Ayan, Patring, napadala ko na, ha?"
Pangalawang linggo... "Uy, padating na, Patring!"
Pangatlong linggo... "Any monument na darating na ang Nemo ni Chingching..."
Pang-apat na linggo... "Hmmmm... ba't ang bagal ata..."
Habang dumadaan ang panlimang linggo... "$@%@ nawala na ang padala ko!"


Nasabi sa akin ng kaibigan namin ni Greta na si Sharon na ang Ate nya pinapaki-padala ang mga padala sa kanila dahil nga raw ang mga kartero sa atin, hindi mo mapagkakatiwalaan. Nayamot akong bigla.


Tapos bigla kong naalala yung napanood ko sa "Magandang Gabi, Bayan". Yung mga kartero na ni-raid ang bahay at nakitang tambak-tambak at sako-sakong mga sulat na galing sa ibang bansa para sa mga taga-Pilipinas ang nasa bahay nila - bukas at binulatlat na ang laman. Ang iba may nakasingit na pera (na nakuha na nila), ang iba may mga kung-ano-anong gamit na hindi na nakarating sa dapat puntahan na mga kamay dahil naharang na ng mga makakating kamay ng mga taong ito. Naalala ko rin yung mga kwentong darating daw ang sulat pero wala na yung pera sa loob.


Apat na taon nang nakaraan yun. Akala ko ginawan na ng aksyon ng Postmaster General. Hindi pa rin pala nagbabago...


Postmaster General, Diomedio Villanueva, pagmasdan na lang po ninyo ang itsura ng pamangkin kong si Chingching, ano po... Hindi ba nakakaawa na itong maliit na batang ito eh tinanggalan pa ng kartero ninyo ng pambirthday??? Eh kung si Chingching ko nga, ito lang hindi na umabot sa kanya, eh di mas lalo na ang mga iba pang nagpapadala sa mga kamag-anakan nila ng mas mahahalagang bagay. Eh di mas lalo na yun!!


Nakaka-alis ng tiwala... Nakakahiya... Ni hindi ko alam kung paano ko i-e-explain sa isang hindi taga-Pilipinas (Si Andres ko) na ang mga kartero sa atin nakakagawa ng Federal Offiense ng walang-ka-gatol-gatol, na hindi marunong rumispeto ng karapatan ng isang kapwa-Pilipino.


Kaya para sa inyo, Postmaster General, Diomedio Villanueva at sa mga kartero ninyo, kakantahan na lang kayo ng pamangkin kong si Chingching. Sana, gawan naman ninyo ng paraan itong mga katiwalian na ito.


Please Mr. Postman
Mr. postman look and see (oh yeah)
Wala na nga ba si Nemo in your bag for me (please please Mr. po-o-o-stman)
Paano na ang birthday party (oh yeah)
Hindi na dumating ang padala ni Auntie.


So many days you passed me by-y-y
Ako naman, hintay ng hintay
You didn't stop to make me feel better
Hinarang mo na si Nemo kong letter.


Mr. postman
Mr. postman look and see
Wala na nga ba si Nemo in your bag for me (oh yeah)
Hinarang mo na ba ang aking pam-party?
Wala kang patawad, kahit pam-baby!


Hoy, Gising!!!!








Replies: 21 Nagpansit



buti pa ing mga foreign na pambatang kwento meron sa internet ung buong kwento. samantalang ung mga local childrens story wala sa internet kung meron man may bayad pa. ano ba yan nakakahiya dapat nga libre lng locals kaysa sa foreign para makatulong sa pagtaas ng edukasyon ng mga pilipino. paano tataas nyan e puro pera ang gusto ng mga nasa autoridad. walang kwenta. tapos ung iba dyan magagalit pa sa mga taga ibang bansa. tignan nyo muna saliri natin. baka nga mas masahol pa tayo sa iba.....


Pinost ni akotopinoy @ 10/01/2003 01:38 PM MST


nako tama ka ate sienna, ang sasama talga ng mga kartero sa atin...grabe naaliw ako sa entry na 'to...wagi at may matching song number pa. o ha!


Pinost ni denden @ 09/06/2003 02:41 PM MST


nako tama ka ate sienna, ang sasama talga ng mga kartero sa atin...grabe naaliw ako sa entry na 'to...wagi at may matching song number pa. o ha!


Pinost ni denden @ 09/06/2003 02:40 PM MST


CHIEF!!!! miss na kita ah... parang ang tagal na nating hindi nag-uugnay, hehehe.


eh susko naman, nagtaka ka pa ba eh premium ang komiks na ingles sa pinas???? hayyyy naku....


Pinost ni ate sienna @ 09/06/2003 08:15 AM MST


Bwahahaha! akala ko ako lang ang paboritong biktimahin ng Post Office e. hindi pala ako nag-iisa. Kahon-kahong comic books na rin ang nadugas sa ken.


Pinost ni Chief @ 09/06/2003 06:24 AM MST


AYA, ayun.. eh di wala nang nemo galing kay ninang. kakainis talaga. Nabasa ko nga na favorite mo rin si nemo eh.. pareho pala kayo ni chingching :)


Pen, very sticky the fingers, very itim pa the budhi. pati pambata ninanakaw na nila...


Pinost ni ate sienna @ 09/03/2003 11:08 PM MST


ayyy mr. postman got sticky fingers!!! kawawa naman si chingching :(


Pinost ni pen @ 09/02/2003 08:03 PM MST


grabe naman yung post office! wawa si baby :( ano ng nangyari sa birthday nya? pareho pala kaming favorite ang finding nemo hehehe


Pinost ni aya @ 09/02/2003 05:32 PM MST


kakainis talaga, din! tapos akala ko may Hoy Gising pa sa atin, wala na pala sabi ni Patring. Eh di saan ka pa pwedeng magreklamo ngayon?


Pinost ni ate sienna @ 09/02/2003 01:27 PM MST


Kaya naman ate sienna, sa susunod, ikaw na lang ang mag-uwi ng goodies... para naman makapag-kape pa tayo. pasensya ka na't corrupt ang ate and ang kuya... manuod ka ng news sa TFC... sssssshhhhhhhhhiiiiiiiieeeetttt!!!


Pinost ni dindin @ 09/02/2003 08:03 AM MST


kengz, anopangaba... kakainis talaga ang post office sa atin. sana may makabasa nito na mapakita kay Villaneuva.


Batjay, sige... baka before Christmas or after Christmas makapagpadala sa Pilipinas.


Hoy, minicake! yun nga eh... kung magkikita kami ni tita angge mamaya, padala ko sa kanya ha...


Pinost ni ate sienna @ 09/01/2003 09:07 AM MST


matet, sept 1 na wala pa ren ang package mo!!! kabado nako!! 12 days na lang party na ng pamangkin mo.


Pinost ni minicake @ 09/01/2003 08:06 AM MST


naalala ko nga pala ninang... classmate ko ay nariyan sa LA at ang business niya ay magpadala ng mga package from LA to Manila. kung magpapadala ka ng package next time, sabihin mo sakin, bigay kong number niya. mas safe ito.


Pinost ni BatJay @ 08/31/2003 06:31 PM MST


haay naku ate sienna, daming beses na ring nangyari sa akin iyan... kakalungkot nga eh...


Pinost ni kengkeng @ 08/31/2003 01:12 PM MST


lunacy girl, college of science ako sa UST. pareho kami ni ateng Jet. wag mo na nga lang kaming tanungin kung anong year, hehehehe.


hello welcome to pansitan, Ler! At hello sa inyo, ateng kiwipi, ateng Jet-ay at fafa Bat-jay!


Pinost ni ate sienna @ 08/31/2003 08:49 AM MST


hay naku.. maraming salamat sa mga pakikiramay ninyo, mga prenships ko. diba ang kartero dapat ang isa sa numero unong nagseserbisyo sa mga OFW?? hayyyy.... ang buhay nga naman. isusumbong ko talaga ito sa hoy gising eh!


Pinost ni ate sienna @ 08/31/2003 08:31 AM MST


ninang, nangyari na rin saamin ito. maraming taon na eh umorder kami ng libro galing sa US. regular mail din ang ginamit. tagal kong hinintay pero di dumating. lumabas sa credit card ko ang bill pagtagal. hehehe... reklamo ako with additional instruction to use DHL.


Pinost ni BatJay @ 08/30/2003 08:30 PM MST


E buti nga kayo at least may laman yung mga padala nyong nawala. E ako nga, birthday card lang sa bata na cutie-cutie, yun bang may pop ups dahil nga bata ang may birthday... hindi pa nakarating. Ang nakakataka, 2 cards ang pinadala ko sa parehong address. Yung isa simple lang, Yung simple nakarating pero yung cutie hindi. E bakit, magagamit pa ba nila uli yung card na yon?!? Kundi ba naman garapal na e saksakan pa ng engot. Kahit man lang sana pinadala pa rin kahit bukas na.


Pinost ni Jet @ 08/30/2003 08:16 PM MST


cute nung beybi!! hay nako... kay bagala naman nian.. sayang... nemo pa naman un.. :c..


ate sienna, anu ba po college nio sa ust?


Pinost ni lunacy @ 08/30/2003 07:33 PM MST


ate sienna, feel na feel ko yang sentiment mo ha dahil kami nga, pictures lang ng anak ko ang ang aming pinadala, di pa nakarating! abot langit ang ang aking ngitngit. PICTURES lang! ni hindi nga kilala ng mga karterong yan ang anak ko pinag-interesan pa... hay buhay. minsan di mo maiwasang mawalan ng pag-asa sa mga kababayan natin diba? ayaw mong lahatin pero it seems lahat sila ganuon ang gawa. isa pa ngang instance ay ng magpadala ng tv ang aking pinsan. maniniwala ka bang antenna na lang ang natanggap ng mga tiyahin ko? grabe no? anyway, nakikiramay na lang ako sa feelings mo. alam na alam ko ang feeling na yan kaya... don't worry, di ka nagiisa.


Pinost ni LER @ 08/30/2003 07:11 PM MST


Ateng, naluknot naman ako para kay cutiepie Chingching. Masakit ngang isipin na mawawala sa makakating kamay ng mga kartero. Pero wag kang mawalan ng pag-asa. Baka sakaling na-trapik lang? =))


Pinost ni kiwipinay @ 08/30/2003 07:04 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:42 PM | Comments (0)

August 24, 2003

Jet's entry last August



Jet's entry last August 20, got me thinking (scary yun kasi hindi ko madalas gawin ang mag-isip, hehehe).


Yang sina Jet at ang kanyang butihing asawang si Jay kasi, mga mababait na tao yan. Sinasabi nila lagi na kung hindi raw dahil sa kin hindi dadami ang prenships nila sa internet, pero ang iniisip ko lagi, in return kasi, thoughtful, pala-bati at sincere din kasi sila sa mga nakakasalamuha nila sa internet na kumbaga, nata-transcend nila ang boundaries ng internet at nararamdaman ito ng mga nakakakilala nila.


Nasa sa tao pa rin talaga.


AT naalala ko rin ang mga pangaral ni Inang sa aming magkakapatid tungkol sa pakikipagsalamuha sa tao. “Showbiz na showbiz” si Inang, pero hindi siya “Tupperware” na tao. Alam lang kasi nya kung paanong magtimpla ng kausap at sobra-sobrang pasensya yan talaga sa mga nakapaligid nyang mga palpak na mga nilalang. (Si Itang ko pa ang kabading kaming magkakapatid minsan kasi kabaligtaran yan ni Inang. Sobrang prangka kasi si Itang na hindi yan mangingimi na sabihin sa’yo ang nasa isip nya.)


Si Inang, imbes na paguluhin pa ang istorya at patulan at makipagdakdakan pa ba, huwag na lang daw pansinin ang mga lukring sa mundo. Ikatatanda raw ng walang kabuluhan. Pero wag mong ismolin din si Inang, kung laban ang gusto mo, lalabanan ka rin nyan kapag pinuno mo ang salop dahil, sa tutuo lang, tao lang naman sya at hindi siya si Mother Teresa..


So mabalik ako sa mga kinalakihan naming pangaral ni inang. Gusto ko lang ipamahagi sa inyo at baka may matutunan rin kayong aral… O ikanga nga..


What I Learned in Life, I Learned from My Inang.


1. Eto, nakulili ang tenga naming magkakapatid ditto habang lumalaki kami. Pero as usual, tama si Inang:


“Lagi mong pakatatandaan ang mga buting nagawa sa iyo ng kahit na sino. Susuklian mo rin ito ng kabutihan. Mas mabigat sa pusong tulungan ang isang taong hindi marunong magbalik ng kabutihan.”


Kapag may nabigay raw sa iyong tulong, malaki man o maliit, lagi mo raw tatandaan ito at papahalagahan. Pipilitin mo raw na gantihan ito sa kahit na anong bagay. Hindi dahil kailangang gantihan o nag-e-ekspek ng ganti ang nagbigay, kundi para may kunswelo din naman daw sa iyo ang nagbigay. “Ay, masarap palang tulungan si ganito kasi marunong syang mag-afresheyt ng kindness mo. Tinutulungan ka rin nya. Hindi sya nakakalimot.”


2. Etong sumunod ang kapatid ng lesson number 1:


“Kung ikaw naman ang nagbigay ng tulong, kalimutan mo nang ginawa mo yun pagkatapos.”


In other words, wag mong dalhin sa puso mo na nagbigay ka ng tulong at ulit-ulitin mo sa mga kaibigan at kakilala mo na tinulungan mo sya. Kahit na banggit na “Nagtutulungan naman kami…” o “Tinulungan naman kita, ah!” Bad daw yun, sabi ni Inang, kasi lagi kang naghahanap ng kapalit sa mga ginagawa mo at ikaw ang nagmumukhang tanga dahil nagbibilang ka. Nilalagay mo rin sa kumpromiso ang kausap mo dahil pinipilit mo syang tapatan ang ginawa nya sa’yo na tulong.


Kung balikan nya ang pabor na binigay mo, magpasalamat ka sa pag-alala nya. Masarap yun sa puso, tutulugan mo syang muli. Kung hindi man gantihan, tigilan mo na ang pag-reklamo. Dahil, ang tulong dapat galing sa puso, hindi dahil gusto mong may kapalit sa’yo. Kung ganun ka, ang tawag sa’yo “manggagamit” o ikanga ng kapatid kong si Greta “user-friendly” ka.


3. Eto, lagi kong naririnig na pangaral nya kay Patring (may pagka kasi ang kapatid kong yun):


“Wag kang magsusuplada kasi wala kang rason para magsuplada.”


Kahit na raw gaano ka kaganda (at mas lalo na kung hindi), kahit gaano ka kayaman (at mas lalo na kung hindi) at kahit na gaano ka raw katalino (at mas lalo na kung hindi), walang taong may karapatan na mag-ismid o magpaka-taas sa kahit na kaninong tao. Pantay-pantay lang tayong lahat. At ikanga ni inang, hindi mo kilala ang tunay na pagkatao ng lahat ng mga nakakasalamuha mo. Kaya para safe ka, magpakumbaba ka.


Alam kong may ibang taong hindi naman talaga pwedeng tumakbong Mayor ng Kinabalu dahil hindi sila pwedeng manalo ng “Miss Friendship”. Pero iba ang tahimik lang na nasa isang tabi sa isang laging nakasimangot o naka-taas ang kilay. Ang mga taong simangot daw, sabi ni Inang, mabigat sa puso na lapitan – ng ibang tao man o ng grasya.


At kung sobrang ganda ka, o sobrang yaman mo, o sobrang talino mo, mas lalo na na hindi ka dapat magsuplada. Hindi lang ang yaman, kagandahan o talino ang mahalaga sa mundo. Kung masama ang ugali mo, wala kang kwentang tao. Binigay sa’yo ng Dyos ang talento/kagandahan na yan, kaya gamitin mo sa pagpaparangal sa KANYA sa pamamagitan ng pakikipagkapwa-tao at pagtulong sa kapwa mo tao. Baka bawiin Nya yan, ma-afreyd ka…


4. At ang laging dinudukdok ni Inang sa kukote naming magkakapatid:


“Wag na wag kang magsisinungaling!”


Ayan… ayan na… ayaw na ayaw ni Inang at Itang ang sinungaling. Nung maliliit kami, eto ang laging dayalog ni Inang. Kung may kasalanan ka, umamin ka. Dahil ginawa mo naman talaga eh di pangatawanan mo ang ginawa mo. Duwag raw ang mga taong sinungaling – dahil nagtatago raw sa likod ng Demonyo ng Kasinungalingan.


Nung lumaki kami, hindi lang pag-amin sa kasalanan ang naging katugma ng pagsisinungaling. Kung nagtatahi-tahi ka raw ng maling kwento o istorya, mas lalo na kung tungkol sa ibang tao, (o ang mga tsismosa dyan…) sinungaling rin daw ang tawag sa’yo, ikanga ni Inang.


Kung hindi ka rin tutuo sa mga relasyon mo, sinungaling rin daw ang tawag sa’yo. Kasi nga naman, paano ipapaliwanag sa dyowa ang mga tago’ng pakikipagkita sa kalaguyo, ang mga pabulong na tawag sa telepono o ang patuloy na pagdami ng phonecard na pang load ng cellphone o mga iba pang paraan para makasama ang mga kalukadids?



So ayan… ang mga pangaral ni Inang. Habang tumatanda kami, mas lalo naming naiintindihan ang halaga ng mga salita nya. In a way, tumino na sa isip namin ang mga pangaral na ito at naging gabay sa buhay. Natuto kaming makisalamuha sa tao, ang magpasensya sa ibang tao, ang magbigay ng oras at kakayahan sa iba, at magparaya sa mga pagkakamali (pero hindi pa rin lagi-lagi to the point na kami naman ang magmukhang tanga).


Pero when all else fails, ang lesson number 6 ni Inang ang talagang kinatatakutan naming sa lahat:


“Matakot ka sa karma!”


Yun na!










Replies: 14 Nagpansit



eksakli, kikay... basta dapat, tutuo ka lang sa lahat ng nakikilala mo, and to yourself also. mahirap yung nagsisinungaling o nagpapakaplastik kasi sooner or later, madidiskubre ng mga tao ang tutuo tungkol sa iyo. kapag nagkaganun, ikaw pa rin ang nasira, diba?


Pinost ni ate sienna @ 09/14/2003 07:48 AM MST


Ate Sienns,
Lahat ng rules mo, yan din ang rules ko. Ang pinakaimportante saking bagay ay maging totoo ka sa sarili mo. mahirap maging plastik, niloloko mo lang ang sarili mo.. labs u pa rin.


Pinost ni Kikay @ 09/12/2003 03:18 PM MST


Ako din Ateng, salamat at sobrang taba na ng puso ko sa site mo hehehe. Labs u din, lammo yan... arggghhh! sabay dakma sa dibdib...:)mi atake da fuso hehe


Pinost ni Jet @ 08/25/2003 08:04 PM MST


FAFA!!!! Feeling ko nga parang LVN o Sampaguita pictures eh... yung may Bella Flores atsaka Tessie Agana atsaka Jose Marie Gonzales. Atsaka naalala mo Si Boy Alano? (hehehe)


(ayan, na-miss ko tuloy manuod ng lumang tagalog movies, hehehe)


Pinost ni ate sienna @ 08/25/2003 07:47 AM MST


Ateng KIWIPI, pasalamat talaga ako kay Inang. Pero most of us naman, I'm sure malaki pa rin ang pasasalamat sa mga magulang, kasi no matter how they raised us, we learned something from that and we do the best we can in our lives.


(kamusta na ang dyowa ng roommate mo? hehehe)


Pinost ni ate sienna @ 08/25/2003 07:44 AM MST


True ka dyan, AYA. Kahit naman ako, growing up, kulit na kulit ako kay mother-sung. Pero now na adults na kami, narerealize namin talaga ang value ng mga salita ni Inang ko.


Pinost ni ate sienna @ 08/25/2003 07:42 AM MST


thank you, JET-AY. (uy... si Inang ko, mataba na naman puso nyan, hehehe). Pero I'm sure ganito rin ang mga pangaral sa inyo ni fafa ng mga magulang ninyo.


Mas lalo ikaw, kasi you're a very warm person. Your parents had a hand in that. Very sincere and caring ka. I'm not just saying that ha.. kasi nakikita ko, eh, nararamdaman ko.


kaya nga labs na labs kita :)


(O, hindi lahat ng kakilala ko nasasabihan kong lab ko sila).


Pinost ni ate sienna @ 08/25/2003 07:40 AM MST


awww, REE... sorry ha.. hayaan mo, next time, ingles ulit.


Pinost ni ate sienna @ 08/25/2003 07:36 AM MST


galing mo naman ninang. parang pilikula ni dolphy talaga ang blog mo: may kantahan, may iyakan, maraming comedy tapos may moral lessons pa!


Pinost ni BatJay @ 08/25/2003 07:30 AM MST


makikita daw ang pundasyon sa bunga. kaya pala ganun ang bunga, ay ganun ang pundasyon ni Inang mo. kaya pala ganun yun. yun! =)


Pinost ni kiwipinay @ 08/25/2003 06:18 AM MST


a mother knows best talaga... kaya sometimes kahit nakukulitan na ako sa nanay ko, i try to see her point of view pa rin. saludo ako sa inang mo :)


Pinost ni aya @ 08/25/2003 01:22 AM MST


fi-es nga pala Ateng... tenk yu por da kind werds. Pero uulitin ko nga yung sinabi ko sa blog ko, role model ka nga kasi namin kaya kungbaga e na-project na rin namin. Hokey... maliwanag na yan ha... hehe. :P


Pinost ni Jet @ 08/24/2003 09:17 PM MST


Naku Ate Sienna, napakawa-is talaga ni Inang. E kaya naman maigi ang mga buhay ninyong magkakapatid dahil naturuan kayo ng maigi nina Inang at Itang. The world needs more of them and if there are, perhaps the world will be a better and brighter place.


Pinost ni Jet @ 08/24/2003 08:54 PM MST


kunti lang talaga naintindihan ko.


grrr...


pede magbisaya ka rin? hehe


Pinost ni ree sio mai @ 08/24/2003 06:08 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:39 PM | Comments (0)

August 15, 2003

I miss being a



I miss being a full-time net citizen.


When I was out of work, I spent hours everyday just visiting sites after sites after sites and leaving imprints on each blogsite, either on their tagboards or comment links. Back then, I had the luxury of time and in-between job-hunting hours, I'd check out my favorite sites again and again - all on the same day just to check if they've responded back to my comments.


Then I found work.


And then my life turned around.


Moving to a new place, trying to excel at work so that I won't be next on the boss' chopping block, continuing on from where Andres and I left off when we had to temporarily have different addresses, and just trying to cope with all these changes have left me with no time to surf the net anymore. Even the weekends cannot see me sitting for more than 30 minutes in front of our PC because of all the errands, night-outs and outings we've been doing; the last two because we're just glad that it's summer and we want to get out of the oven-like apartment.


I miss my net friends. I miss tagboard, blogger, greymatter, commentlinks.


I miss writing new articles for new issues of pansitan. I miss creating new website designs for me and my contacts. I also miss photoshop, kazaa, winamp, notetab, ICQ, my scanner, the sims, playsite's monopoly, my own chinese mahjong game.


Sometimes I envy my friends' sites. Most of my their sites get flocked with so many visitors.


I once had that much activity on mine. Now, they've dwindled down to a remaining loyal few (thank God for them!).


But then again, my friends religiously answer all comments and tags on their sites. They welcome their visitors with a warm "Hi" and a sincere "thank you for visiting" and pay the courtesy visit-back to their visitors' sites if they have any. Whereas me, I have to wait for a day or so before I could really get to answering my tags. Delayed affirmation or gratitudes don't do well in real life, moreso in the world-wide-web world where more-than-a-week unupdated blogsite would be considered stale.


Not that I'm being a snob (because I am far from being one, just ask my friends), just that I couldn't find the opportunity to answer comments and tags faster than a speeding bullet these days.


I f*cking miss being a computer geek!!!


...but I have a job now that pays the bills and keeps me and Andres together. I guess with some more significant things, there are just some other things you have to sacrifice. And at this point its obvious what I've chosen to be a priority in my life.


But I will still be here - lurking at your sites every now and then, contributing a few words here and there, adding entries to my blogs as often as I could (altho not as often as before, 'sad to say).


I will remain to be alive.


Maybe, the computer geek will just lay low for awhile in lieu of some more significant aspects of her being.


Please don't forget me... I haven't forgotten you all.








Replies: 27 Nagpansit



salamat sa pagdalaw, linnor!!!


Pinost ni ate sienna @ 08/24/2003 09:36 AM MST


Ree, I love your site since I first saw it... it's deep. Keep Blogging!


Pinost ni ate sienna @ 08/24/2003 09:34 AM MST


Thank you, Jeng, sa pagpaparamdam mo at pagsasabing lurker pala kita! malurk nga rin ang site mo, hehehe.


Pinost ni Ate Sienna @ 08/24/2003 09:33 AM MST


Hi Tanya,


Thank you very much for the visit! Sana nga lagi ka pang dumalaw. I just visited your site too :)


Pinost ni ate sienna @ 08/24/2003 09:31 AM MST


i have to admit, isa ako sa mga lurker sa site mo.. nyehehehe. pero ayan, pero dapat na po cguro akong magpost para malaman mo po na maraming napupunta sa site mo... :D


Pinost ni jeng @ 08/22/2003 07:43 AM MST


Stick around Ree and you'll learn... legit tagalog words or otherwise. I've learned a lot here myself... hehe. :)


Hi Ate Sienna! Happy weekend. :D


Pinost ni Jet @ 08/21/2003 06:35 PM MST


i was wondering who everyone was talking about.. "who's ate sienna" i was thinking.. well it was about time i checked your site. and i must say, i guess i'm goin to be one of those that would regularly visit your site. hehehe! oh yeah, found your link through ate jet's site. :)


Pinost ni tanya @ 08/21/2003 11:14 AM MST


thank you,Jah n Lunacy. Hayaan nyo, I will try to update sooner... hehehe.. sooner than a speeding bullet... hehehe


Pinost ni ate sienna @ 08/21/2003 07:35 AM MST


ate sienna *gives a big hug* nandto lang kme for you.. we understand naman ur situation. Basta, always be happy okay kse masaya kme pag masaya ka! *mwah* God BLess okay? :D


Pinost ni JaH @ 08/20/2003 09:31 PM MST


ei there!!! ate sienna!!! honga.. sana lagi ka update para marami ako mabasa..eheheheh... :D


Pinost ni lunacy @ 08/20/2003 06:08 PM MST


geygah, mukha lang yang flat screen dahil hindi mo suot ang 3-d glasses mong galing i-spy!


saan na happy birthday mokong pictures???


Pinost ni ate sienna @ 08/20/2003 08:39 AM MST


ay drama? gustong humabol sa filmfest? ito lang masasabi ko...walang himala!
at eto pa..naka flat screen ka? aba...


Pinost ni GretA @ 08/20/2003 07:19 AM MST


nakikisilip lang. naaliw ako sa pansitan mo. goodluck sa trabaho!


Pinost ni Linnor @ 08/20/2003 12:19 AM MST


Sana matino din ako sa tagalog. Eh kasi, bisaya yung ilong...


I regularly flunked my Pilipino subjects in high-school. If I had known I'd be reading your blog, I'd probably have tried harder.


I like your design too -- shows that if this was ever a labor, then it was done with much love.


And don't think this is just politeness, returning the favor of a visit. Salut!


P.S. I envy Andres. ;o)


Pinost ni ree @ 08/19/2003 08:33 PM MST


FAFA!!!! hunos-dili ka, fafa! feeling ko tuloy para tayong nasa "Anak Bayan" sa Tondo. hehehe.. labs na labs ko talaga kayo ni Jet-ay! :)


Pinost ni ate sienna @ 08/18/2003 07:55 PM MST


ninaaaaaaaaaaaang!
kamusta ka na diyan? wala ka bang ipagugulpi sa akin? sabihin mo lang, lipad kami diyan na may malaking yantok. hehehe.


ingat!


Pinost ni BatJay @ 08/18/2003 07:13 PM MST


I hope you find a job soon, emmy (that is, if you're looking for one). I know that the feeling of being "catatonic" about something you've always been passionate about before. But, the enthusiasim to do it will come back soon... More power on your photography. I really love those pictures!


Pinost ni ate sienna @ 08/18/2003 08:20 AM MST


I fully identify with your latest post - as a fellow "more than a week unupdating blogger" myself as of late...but the sad part is that I didn't get a job. I am simply a lazy bastard. :oP Ate Sienna, thanks for dropping by - and likewise! I enjoy every visit to the pansitan!


Pinost ni emmmmmy @ 08/18/2003 12:40 AM MST


alam mo, jet-ay, three of the reasons that the net has been so meaningful to me is, first, dito kami nagkita ni Andres; second, I can communicate with my family for free and third, because I met you and Fafa jay. If only for these reasons, I can never stay away from the net.


I know that some people have made the internet scary, but underneath all the bad things, meron pa ring mangilan-ngilang advantages ito. And we've both discovered that... maswerte pa rin tayo :)


Siempre, labs din kita. I'm really looking forward to your visit here. Halika na!


Pinost ni ate sienna @ 08/17/2003 09:54 PM MST


Ateng, sino ba naman ang makakalimot sa original na 'Ate' sa internet. Lalo ako, dahil kundi sayo, di lalaki ang mundo ko sa internet.


Besides that, pren kita e. Prens never forget each other, kahit hindi sila makapagparamdam... we know that in the midst of life's hurly burly, asa puso nila tayo and we won't be forgotten. That's what you call the ties that bind.


You are always in my prayers... and in my heart. I love you. :)


Pinost ni Jet @ 08/17/2003 06:31 PM MST


thank you at na-miss nyo rin pala ako mga kiddies.


lately nga, (read: this weekend), nagbibibisita na naman ako ng mga sites ninyo habang wala pang malay ang mundo na sumikat na pala ang araw. Yun lang kasi ang oras ko na sarili ko.


Bukod sa madaling araw, yung pabugso-bugsong kunwa;y naghihintay na lumambot ang baboy sa kalan o hindi pa kumukulo ang tubig, dun din ako nakakasingit.


Salamat sa inyong pagdalaw... dadalasan ko na ulit ang bisita sa inyo. Miss ko na kayo eh :))))


Pinost ni ate sienna @ 08/17/2003 04:56 PM MST


uy ate sienna -- (in the words of HEART EVANGELISTA) "and also you are!"


as in nami-miss ka rin namin. just keep on blogging. muwah!


Pinost ni pen @ 08/17/2003 04:07 PM MST


basta keep on blogging...


Pinost ni kingking @ 08/17/2003 12:28 PM MST


ninang. mas maraming importanteng bagay sa pagiging full-time net citizen. katulad mo ngayon, kasama mo yung mahal mo sa buhay.


Pinost ni BatJay @ 08/17/2003 06:56 AM MST


at least happy ka now! mas importante yon :)


Pinost ni ellen @ 08/17/2003 06:18 AM MST


oo nga, minax... miss na rin kita.. musta ka na? go ka here. kulitin natin si Mickey Mouse, hehehe.


Pinost ni ate sienna @ 08/16/2003 03:03 PM MST


Miss ka namin of course seahorse!


Pinost ni MiNA @ 08/16/2003 12:38 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:36 PM | Comments (0)

August 03, 2003

American Adobo's Storyline: Set



American Adobo's Storyline: Set in New York City, "American Adobo" revolves around five friends who have reached a crossroads in their hectic lives. Mike, a former political activist, is caught in a loveless marriage that causes him to question his materialistic lifestyle. Marissa, an ego-driven socialite, is brought down a few pegs by her boyfriend's perpetual infidelities. Raul, a suave womanizer, finds his world catapulted when he is infected with HIV. Gerry, a closeted gay man, is fraught with guilt about his homosexuality and tries to keep his secret life from his friends and mother. Tere, a down-to-earth single accountant, brings her frustrations with the dating scene to her kitchen where she creates magical meals.
The four meetings of this angst-ridden group form the skeletal structure of the film. From their opening reunion which introduces each character and their "problem," to the movie's final dinner gathering at Tere's apartment, "American Adobo" explores the characters as they move to a better understanding of their new country and themselves.


(from http://www.reelmoviecritic.com/2002/id1785.htm)



Lately, nahihilig akong manuod ng mga non-mainstream na pelikula (salamat sa mga bagong kakilala na nagrerekomenda sa akin ng mga ito). In other words, mga pelikulang hindi gawang Hollywood at temang "foreign" ang kategorya. Tulad ng "Farewell My Concubine", "Run, Lola, Run", "Monsoon Wedding" o "Y Tu Mama Tambien". And, 'happy to say, nag-e-enjoy akong panoorin sila. (OO, hindi ko masyadong nagustuhan ang "Amelie" kahit na maraming nagsabi sa akin na maganda sya for the reason na medyo ordinaryong tema ng pelikula ang plot nya.)


Twing napag-uusapan namin ng bago kong kaibigang si Ozlem ang mga pelikulang ito nababanggit ko na sa kanya na ang Pilipinas eh may sarili ding "Hollywood".


"Is it like Bollywood?" (ang sariling Hollywood ng India), tanong nya sa akin.


"No, Philippine movies have gone past the song and dance theme. They haven't made those movies for a while now," sagot ko sabay "cross your fingers" ko kasi bigla kong naalala na baka may mga bagets movies na ganun pa rin.


(Don't get me wrong, walang masama sa song and dance na tema... kung yun naman talaga ang tema. Ang medyo asiwa lang eh yung bigla na lang magkakaroon ng eksenang pupunta ng beach at kakanta at sasayaw dun kasama ang sandamakmak na dancers. Parang gasgas na gasgas na yun, parang mas marunong na ang movie-viweing-audience ngayon.)


"So what movies have you guys done so far?" Nagising ako ni Ozlem sa dasal ko.


"We've had our share of bad movies but we've also done very good ones", sabi ko sa kanya, "I'll see if I can find some and I'll lend them to you."


So cut to kahapon nga. Like the past Saturdaya, nagpunta kami ni Andres sa Blockbuster kahapon para tumingin ng bagong pelikula. "Gangs of New York" ang napili nya. Ako, lumibot uli ng kahabaan ng display ng mga pelikulang nasa DVD nang mapansin ko sa may bandang baba na shelf sa simula ng display: "American Adobo". Uy, nababasa ko na ito dati. Hindi ko nga lang nabasa na ang mga reviews pero who knows... Boyet de Leon, Dina Bonnevie, Ricky Davao, Cherry Pie Picache, directed by Laurice Guillen, baka naman maganda. So yun ang hiniram namin - "Gangs of New York" at "American Adobo".


So nanuod muna kami ng "Gangs of New York". Maganda... (kahit na, personally, hindi ko type si Leo DiCaprio dahil feeling ko very over-rated sya). As usual, very convincing si Daniel Day Lewis pero pwedeng wala na sa pelikula si Cameron Diaz (I'm sure, marami syang eksenang nawala). After almost 3 hours, natapos din ang pelikula at nagluto na ako ng dinner namin ni Andres.


Pagkatapos naming kumain, nag-ready na akong manuod ng "American Adobo". Excited nga ako kasi feeling ko, baka ito na ang pwede kong irekomenda kay Ozlem na pelikulang Pilipino. Siguro ang tipo nito eh parang light-comedy-dramang tulad ng "My Big Fat Greek Wedding" na sumentro sa buhay ng mga Greko o "Soul Food" siguro ng mga African Americans dito.


So ayun, nanuod na ako.. enjoy naman ako sa mga unang kalahati ng pelikula. Istorya ng apat na magkaibigan - sina Mike, Marissa, Tere at Gerry (de Leon, Bonnevie, Picache, Davao, respectively) at ng pinsan ni Marissa na si Raul (Paolo Montalban) sa New York. Nagsimula ang eksena ng magkita-kita sila dahil may isa silang high school friend na galing ng Pilipinas na bumisita ng New York.


Ok na sana eh… Kaya lang, bakit ba madalas, ang pinoy movie, kina-cram nila lahat ng istorya ng lahat ng tao sa pelikula into 2 hours tapos mamadaliin ang ibang points ng pelikula. Kalagitnaan ng pelikula, nagugulat na lang ako. May eksenang naka-wheel chair na ang boyfriend ni Gerry at nasa ospital na, bigla na lang na may lalaki pala sa buhay ni Tere na lagi syang hinihindian kapag niyayaya nyang kumain sa apartment nya o umuwi na ng Pilipinas ang character ni Sandy Andolong (na pinsan ng asawa ni Mike, samantalang sinabi pa nya na gustong-gusto nya ang buhay sa Amerika) at nagkita sila sa Pilipinas ni Mike nung bandang huli.


Ang daming buhol-buhol ng istorya. Parang lahat ng artista eh dapat bida. Wala tuloy isang character na na-establish man lang o matatanim sa isip mo pagkatapos ng pelikula. Masyadong cliché-ish ang ibang parte ng istorya :


1. Tulad ng AIDS sa mga gays (Namatay ng AIDS ang boyfriend ni Gerry). Oo nga’t may mga homosexuals na nagkaka-AIDS, pero hindi ba pwedeng magpakita ng isang masayang gay couple na na-survive ang sakit na ito? (Tipong “Philadelphia” ni Tom Hanks ata ang gusto nilang palabasin).


2. O, dahil na rin nga sa sakit na ito, iisipin mong mas mag-iingat na ang isang Fil-am boy na mag-sex ng mag-sex sa iba-ibang babae ng walang condom (May AIDS ang isa sa mga naging GF ni Raul at natakot syang nahawaan din sya, na siempre, dahil bida sya, negative din sya tulad ni Gerry)


3. Ang pinoy na bata ba na lumaki sa Amerika eh magiging bastos sa magulang tulad ng anak nila Mike at Gigi? O dahil nahilig sa mahjong si Gigi eh parang nag-utak biya na sya at wala nang alam sa nangyayari sa bahay nya? Parang hindi rin tama. Tutuong may mga batang bastos, pero mas madalas, mababait at magagalang pa rin ang mga Pilipinong batang lumalaki sa labas ng Pilipinas. Mas outspoken, oo, pero hindi bastos. Marami din akong kilalang mga pinoy sa Amerika at Canada na magdamagan at buong weekend kung mag-mahjong, pero hindi naman ganun ang tema ng buhay ng mga anak nila.


4. Kung puno ng “sex” ang relasyon, tulad ng relasyon ni Marissa at ng boyfriend nyang si Sam, masasabi bang hindi ito magtatagal dahil mababaw ang relasyon?


5. At dahil ba hindi seksi o simple lang mag-aayos, hindi ka na makakakita ng boyfriend. May mga kilala akong wala pa ring boyfriend, pero yun naman eh hindi dahil sa ayos nila kundi dahil hindi rin sila masyadong nagso-socialize. Ibig bang sabihin ng pelikula, kusa na lang bang babagsak sa harapan mo ang isang relasyon kahit na wala kang gawin tulad na lang ng tsansang pagkikita ni Tere at ng naging asawa nya? Pwedeng mangyari, pero mas madalas, ginagawan mo pa rin ng paraan yun.


In other words, disappointed ako sa American Adobo. Pilit pa ring pinapasok yung mga lumang tema ng mga pelikula nung araw. Andun pa rin ang makalumang kaisipan ng mga Pinoy tungkol sa homosexuality, sa pag-papalaki ng mga anak sa ibang bansa, sa tipikal na stereotype na majongera o mga biglang yaman, sa mga tumatandang dalaga at sa sex. Wala na bang nagbago???


Sayang… alam kong maraming Pioy na naghintay na mapanood ang pelikulang ito. I’m sure, marami din naman ang natuwa, pero palagay ko mas marami ang nadisappoint. Nag-surf ako sa web tungkol sa pelikula at maraming hindi nagbigay ng magandang reviews. Unfortunately, sang-ayon ako sa halos lahat sa kanila.


Sana, may DVD ng mga magaganda nating pelikula na may sub-titles sa Ingles. Kahit na luma, basta maganda. May DVD ba ng “Oro, Plata, Mata” o “Insiang”? Kahit na nga ang mga bago-bagong pelikulang tulad ng “Markova”, “Tanging Yaman” o “Mano Po”. Ang dami… ang dami-dami nating mga pelikula na pwede mong isabay sa mga foreign films na nabanggit ko sa taas. In fact, sa mga pelikulang napapadala sa akin ni Greta at Patring recently, kung may mga subtitles nga lang ang mga ito, napahiram ko na sa kaibigan kong si Ozlem. Dahil magaganda na sila. Pwede mo nang itabi sa “Monsoon Wedding” o sa “Y Tu Mama…”. Mas lalo na sa “Amelie” dahil mas maganda ang istorya nila kesa sa "Amelie".


Kung may nakakaalam sa inyo, may makakapagturo ba sa akin kung saan makakakuha ng mga pelikulang Pinoy na may subtitles sa Ingles? Gusto ko lang ipakita sa ibang kaibigan kong hindi taga-Pilipinas (at kahit na taga-Pilipinas pa), na marami tayong mga pelikulang magaganda at worth an international viewership.








Replies: 8 Nagpansit



Yun nga ang hinahanap ko,Yash, eh... yung mga Carlitos Reyna na pelikula. Pero wala akong nakikita nun na may subtitles. may alam ka ba?


Lunacy, hehehe.. oo nga, si Paolo mukhang badboy! hehehe


Pinost ni ate sienna @ 08/19/2003 07:24 AM MST


ate sienna... papanoorin mo sya ng movies na dinirek ni carlos siguion reyna. madalas sa pelikula nya sinasali at nananalo sa mga international film festivals kaya talagang magaganda. ang huli kong napanood na movie nya ay "azucena" o "dogfood." peyborit ko syang direktor.


Pinost ni Yash @ 08/16/2003 11:36 AM MST


ate sienna!! tagal ko na di napadaan dito ha.. eheheh.. hmm.. ang nagustuhan ko sa American Adobo ay si paolo montalban..eheheh... hmm.. i'm plannin to watch this movie.. "the debut".. it's about pinoys sa US.. pinoy ren ang actors e.. pero sa US ata nigawa... hmm.. maganda kaya yun?


Pinost ni lunacy @ 08/14/2003 04:50 PM MST


Pansit malabon!


Salamat po sa pagdalaw sa blog ko. Link ko din kayo.


Mukhang pareho tayo hilig sa foreign films. Dehins ko rin nagustuhan Amelie except na lang dun sa kakaibang kulay nya. Pilit kong ginagaya yung kulay sa Photoshop. Mas gusto ko yung isang movie ni Jean-Pierre Jeunet, yung "Delicatessen", mas baliw yun.


Aliw din ako sa "Run Lola Run", yung tipong pagkatapos ng episode one eh napaanga ako at napamura: putaaaaaa Nietzscheeeeee; kala ko action movie lang to!


Kakahiya pero tagal ko nang dehins nanood ng Pinoy films. Medyo kakasawa din kasi eh. Eh di ko pa naman masyado type ang realism style. Tapos wala naman masyadong eksperimetasyon ang mga Pinoy na direktor pagdating sa estilo. Kung ano yung kikita sa box-office yun lang masusunod. Tapos yung nga puro drama, iyakan. Tanong ng mga kaibigan ko dito na Malaysian Chinese bakit daw mga movies sa Pinas puro sampalan at sigawan? Sagot ko na lang: at least hinde sinesensor ng gobyerno mga kissing scenes sa amin (kadalasan)!


Matagal ko na rin napansin na bakit pag mga bading sa pelikulang Pinoy, either stereotypical na parlorik o malungkot, walang pag-asa at namamatay na sa AIDS. Hang-over pa rin ba ng pagka-katoliko ng ating mga bading na direktor? Hinde naman siguro ganun kalungkot ang kanilang buhay. Alam ko hinde, madami silang boytoys na guapo eh. So bakit hinde nila mailabas ang tamang kwento? Ala "Wedding Banquet" o "Happy Together"?


Medyo madami din ako koleksyon, may listahan dito: http://www.juantamad.com/jasper/hotmovies/hotmovies.php. Gusto nyo magpa-rip sa VCD? Wag lang sumbong sa polis hehehe.


Pinost ni juan @ 08/10/2003 11:11 PM MST


IBALIK!!!! Musta na you??? 'inis, parang ang tagal mong nawala, kiddo. Nasa Cali na ako, nag-send ako sa cell mo ng number ko sa work and home. Nakuha mo ba? miss na rin kita, kainis ka!


Pinost ni ate sienna @ 08/05/2003 01:41 PM MST


Thanks, Bat-jay... Naalala ko nga bigla ang Belle Epoque. I'm sure meron nun sa Hollywood Video. Hihiramin ko this weekend. OO nga eh.. sana merong mga magagandang Philippine movies na nasa DVD na may subtitles... There's so many movies we can be very proud of.


Pinost ni ate sienna @ 08/05/2003 01:38 PM MST


ninang. galing ng review mo ah... walang masyadong magandang pelikula na may subtitles. impak, walang masyadong magandang pelikula na pinoy sa DVD. puro pelikulang bastos, musical, pangbagets at lovetriangle drama lang. yung mga lumang magaganda (eg kung mangarap kat magising, ganito kami nuon paano kayo ngayon, etc) ay di nila nilalabas. sayang.


sa mga non-mainstream, subukan mo yung: "not one less", "raise the red lantern", "belle epoque", "antonia's line", ano pa ba? tingnan ko mamaya ang collection namin ni jet.


Pinost ni batjay @ 08/05/2003 04:59 AM MST


aminado ako, hindi ko pa nababasa ang kabuoan dahil kauuwi ko lang sa byahe. bukas ko tatapusin sa trabaho. pero sa larangan ng pelikulang "indie/fforeign", madami akong ma rerekomenda sayong magaganda/interesanting.


ngapala, antagal na a, me cell ka na ba dyan? o landline? miss na kita.


Pinost ni ibalik @ 08/03/2003 11:30 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:35 PM | Comments (1)