Image 1
Image 2

« August 2003 | Main | October 2003 »

September 26, 2003

My family and I



My family and I would like to give our condolences to the family of a great woman, Lourdes Carvajal, who passed away Friday (Philippine Time).


She will be missed...








Replies: 12 Nagpansit



Prayers to the family... death is just the beginning.


Pinost ni Sinta @ 10/04/2003 03:26 AM MST


tita luds has touched many lives - both known and unknown to the public. We had nothing but good words about her then and more so now. Just like yours, mel, my family - specially my mom, will miss her so much.


Pinost ni ate sienna @ 10/02/2003 08:56 AM MST


on the 2nd day of my arrvl in manila, i got the news from inday's secretary at her office LOCA production that she has passed away. i was not able to attend the wake and give her a visit. i was advised that my condolence will be relayed to Inday's daughter. Inday and i were friends for a long time. during the turbulent years with his beau BO, we met in Hkg, when she was having a hard time checking her bags with the cathay pacific agent, who was so rude to her and her daughter.we were seated together inside the PAL flt to Manila and everybody inside the plane was asking me if i was a show biz person also, Inday kept on telling them i was her "office consultant". prior my getting hospitalized in Manila, we had dinner at the Galleria with her sister who is a Doctor. she was telling me that she wanted to keep the friendship a secret cuz of show biz tabloids. my wife got jealous but Inday assured her by calling her in the states, that this is Platonic friendship.i came to her rescue not knowing she was a clebrity. i helped her her with her campaign for her charities, and when i got kidney stone problem in manila, i was confined at cardinal santos hospital in greenhills and she kept on telling me to get well in her radio talk show and wrote some messages in her column. Lolit Solis was so intrigue about it, kept on asking Inday who i was. we never told her anything, nor did her daughter. we were together in the campaign to help and aid the wife of Panchito Alba, when he became comatose at home and run out of money. the foundation of my brother in law helped in some way. i wrote a narrative poetry for Inday in her turbulent times with Bo and her daughter called me up when I was still working for our company in Manila and told me her mother framed my poetry, with the signature "IN FRATERNAM MEAM".one thing good about Inday is she has a heart that is not "Show Biz" when it comes to Ideology and Love for the country. we always have long chats about it, her father was the former ambassador of the Phils. and she is a well educated person. here's one of the passages of my narrative poetry that i have written for Inday.....
"the smile that you hae planted and the kiss that you have blown in the wind i......"
and i singed it...
"'tis to a lady called Inday"


my family will miss you...Lady Inday.


Pinost ni in fraternam meam @ 10/02/2003 05:15 AM MST


that's true, kengz. kaya lang nga siempre shocking sya kasi kumbaga icon na syang matatawag and all my growing years, ate luds na sya. i guess kapag tumatanda ka na, and people around you are leaving you already, you feel old na...


Pinost ni ate sienna @ 10/01/2003 09:26 AM MST


well, it happens... my prayers for the bereaved family of ate luds...


Pinost ni kengkeng @ 10/01/2003 03:31 AM MST


siguro nga ateng, marunong talaga ang Dyos kasi nga hindi na nya pinaghirap ang kapatid mo atsaka dininig Nya din ang kagustuhan ng kuya mo.


sa PCS nga ako, ateng. kung nagtuloy-tuloy ako dun, batch 81 sana ako pero hindi ako gumradweyt dun eh. nung 3rd year ako, lumipat kami sa kainta kaya dun ako napa-aral. alam ko mataas na batch ka (pero konti lang, hehehe) sa akin.


pero kabatch ko yung kapatid ni allan alvarez atsaka marissa pilar.


Pinost ni ate sienna @ 09/29/2003 09:27 PM MST


ateng, virus ba kamo? sana, nagtanong sila sa mcafee o kaya ay sa symantec kung hindi nakaya ng mga doctors nila? (j/k)


well, kidding aside, basta na lang bumagsak kuya ko nun eh. kaso, walang nakapag-bigay ng first aid kaya walang oxygen na umakyat sa brain nya. kaya sabi, mabuhay man daw, totally vegetable na daw kuya ko.


totoo ka ateng, hindi na nga sya naghirap. pero lam mo ba nung nabubuhay pa sya, may nakita syang na-stroke na naglalakad sa harap ng bahay nya. sabi daw nya dati nun, pag daw sya inatake, ayaw daw nya ng ganun. gusto daw nya, dedo na daw sya agad. sus!


musta ka na ateng? sa pcs ka ba gumradweyt? ano bang batch mo? di ka ba a-attend ng homecoming sa december? :)


Pinost ni kiwipinay @ 09/29/2003 02:12 PM MST


may virus na pumasok sa brain ni Ate Luds at di malaman ng mga doctors kung paano ito gagamutin.


Ganun din ba nangyari sa kapatid mo, ateng kiwi? naku, ang hirap talaga ano? pero at least, hindi na masyadong naghirap ang kapatid mo.


kakalungkot talaga...


Pinost ni ate sienna @ 09/27/2003 07:11 PM MST


unga. nag search pa nga ako kagabi. ganung-ganun ang nangyari sa kuya ko. total brain damage. na-comatose din kapatid ko nun. buti pa nga si ate luds, nagtagal ng mahigit isang buwan pa. kuya ko nun, tatlong araw lang. haaayyy...


Pinost ni kiwipinay @ 09/27/2003 01:39 PM MST


Sya nga yun, mga ateng... prenship kasi sya ni inang eh kaya alam ko, sad si inang na pass away na sya. hindi ko sya madalas na nakikita nun, pero kapag nakikita ko sya, feeling ko larger than life sya. talagang one and only sya...


i'm sure maraming malulungkot sa pagpanaw nya. marami din kasi syang natulungan eh.


Pinost ni ate sienna @ 09/27/2003 06:44 AM MST


I think so Ateng KiwiP. Binalita din nga ng kapatid ko kanina saken.


Parang ang hirap ding isiping wala na siya no? Di ba parang siya ang original sa lahat ng movie talk shows ngayon?


Pinost ni Jet @ 09/27/2003 05:13 AM MST


ateng, yun bang si Lourdes Carvajal ay si Ate Luds or Inday Badiday?


Pinost ni kiwipinay @ 09/27/2003 04:33 AM MST


--------

Posted by atesienna at 02:51 PM | Comments (0)

September 24, 2003

...pero dahil ayaw ko



...pero dahil ayaw ko kayong iwan na mag-isa habang ako ay busy, eto pa muli ang pabaon ni ate sienna *porgib me, aya at chingching ko...*



Nahanap na si Nemo!!





Salamat, Socorro, sa picture...








Replies: 10 Nagpansit



i'll never look at sushi the same way again! hehe.


Pinost ni aya @ 10/02/2003 08:05 PM MST


by the way, tungkol dun sa comment mo sa blog ko... bakit kami nde ako namyamot? may nakasalubong kasi ako na nagpawala ng kayamutan... nde ako mag-isa natulog sa motel... nde ko na lang pinost dahil baka mabasa ni inang. hehehe


Pinost ni juan @ 10/01/2003 08:21 AM MST


ang sawapppp naman ni nemo!


Pinost ni mart @ 09/28/2003 09:42 PM MST


ateng, happy weekend din!! oo nga.. nag-email na sa akin si fafa at mag-uusap nga kami kung kelan kami magkikita. sana nga ilagay ka na lang nya sa maleta nya... :)


Pinost ni ate sienna @ 09/26/2003 07:55 AM MST


Hi Ateng! Happy weekend sa inyo ni Andres. E kung matutuloy, baka nga magkasama kayo ng fafa ko sa weekend... hu! hu! hu! inggit na naman ako. :(


Pinost ni Jet @ 09/26/2003 02:33 AM MST


si crush nga at si squirt, yung mag-amang pagong na tumulong sa tatay ni nemo.


ninang, kita tayo sa linggo ng lunch?


Pinost ni BatJay @ 09/25/2003 09:05 AM MST


eh sinong turtle ang gagamitin natin??? hehehe


hmmm.. hanapin nga natin sina leonardo, michaelangelo, raphael at donatello. saan na naman ba nangangarate yung mga yun???


Pinost ni ate sienna @ 09/25/2003 08:31 AM MST


wow nemo maki! sarap yan ah.


samahan natin ng "crush" and "squirt" turtle soup. para mas masarap dude!


Pinost ni BatJay @ 09/25/2003 05:38 AM MST


hehehe...


Pinost ni ate sienna @ 09/24/2003 01:20 PM MST


type ko seafood. pero nde ko yata malunok ito.


Pinost ni juan @ 09/24/2003 09:44 AM MST


--------

Posted by atesienna at 02:50 PM | Comments (0)

September 20, 2003

While I am busy



While I am busy organizing pictures and putting up another website, check nyo muna ang site na ito(whether or not napuntahan nyo na, at mas lalo na kung hindi pa!):


Da Two


Wala lang... kakaaliw lang kasi ang mga kids. yun lang... :)


see you soon!










Replies: 3 Nagpansit



Aba, bago na lay-out ni Greatch? Galing ah. Teka's magbabasa muna ako dun kung may bago ha. Balik ako para sa pics mo. mwah!


Pinost ni Jet @ 09/22/2003 02:54 AM MST


salamat sa plugging!at wag mo ng baguhin ang pics at nagawa ko na...


Pinost ni GretA @ 09/21/2003 09:11 AM MST


aww.. cute pics..


Pinost ni lunacy @ 09/21/2003 03:55 AM MST


--------

Posted by atesienna at 02:49 PM | Comments (0)

September 14, 2003

Bago ang lahat, isang



Bago ang lahat, isang personal na pabati magmula sa inyong Ate Sienna...


"Nagpapasalamat ako kay itang ko.


Touched na touched ako sa pagpapadala nya sa akin ng laptop nyang bago (kabibili lang nya nung July), samantalang ang pinapa-ship ko sa kanila eh ang desktop kong luma. Nung makita ko yung laptop naluha ako halos sa gulat at sa sobrang... touch (nga!). Sabi ko pa naman sa kanya dati nung naisip na nyang yung laptop na lang nya ang ipapadala nya sa akin, na wag ikako at siempre bagong buys nya yun at dinadala nya sa trabaho nya. Nakakapanood kasi sya ng DVD dun, pampalipas oras sa trabaho, ba... Kaya alam kong gustong-gusto nya yung laptop nyang yun. *sigh*


THANK YOU, ITANG. I LABS YU VERY MUCH ALWAYS EN POREYBER! (knows mo yun, diba?)


Pagkatapos ng munting pabati galing sa puso, mabalik tayo sa istudyo ng pansitan for our regular programming:


Piktsur-piktsur ulit!! Last weekend nga, nagpunta kami ni Andres ko sa Beach. Sandamakmak na piktsur ulit ang pinagkukukuha ko. Ang sarap ng feeling kasi ang tagal ko na ngang hindi nakakapag-beach magmula nang umuwi ako sa motherland last 2001 nung kinasal si Patring namin. Kaya naman this year, panay ang yaya ko kay Andres na mag-beach kami. Una nga Venice Beach.. las wik, Newport naman.


Kung nanunuod kayo ng The O.C. sa Fox, malamang alam ninyo na sinu-shoot yun sa pali-paligid ng mga beaches ng Orange County. Isa ang Newport kung saan sila nag-shu-shoot minsan kung may beach scene sila.


klik nyo na lang ang mga litrato para go kayo sa page na yun...






Sa susunod yung punta naman namin sa Getty Museum...








Replies: 12 Nagpansit



kala ko exagg lang na "sandamakmak" na pictures ang kinuha nyo... di pala! haha. nice pics though :)


p.s. ang bait bait naman ng itang mo


Pinost ni aya @ 09/18/2003 05:33 PM MST


huhuhuhu... bakit wala nagyaya sa akin mag-walking-walking at holding hands sa beach? lagi na lang ako mag-isa walking walking sa beach, napagkakamalan tuloy ako pokpok ng mga puti na DOG (dirty old gays)


Pinost ni juan @ 09/17/2003 06:17 AM MST


Thank you, MELAY. Wala kami picture.. camera-shy kami eh :) hehehe


Pinost ni ate sienna @ 09/16/2003 07:31 PM MST


danda danda naman ng mga pekchurs pero bakit wala man lang close up ni sienna at andres?


Pinost ni AnP @ 09/16/2003 02:45 PM MST


Salamat, ha, Jet-ay... hayaan mo, pupuntahan natin ito pag punta mo dito. Excited na ako talaga! sinabi ko na nga kay Andres ko na go kayo dito eh. :)


Na-swertehan namin yung fog pictures... aliw nga ako eh kasi hindi ko akalain na ganun sya lalabas.


Pinost ni ate sienna @ 09/15/2003 10:13 PM MST


Ateng, inggit ako! Inggit ako sobra. Miss ko na rin ang beach. Ang huling swimming ko nung uwi pa namin nung June pero sa pool lang.


Ganda ng mga pictures mo, lalo na nung nagka-fog. Gustong-gusto ko rin nung kinunan nyo yung reflection ng beach sa bintana... parang silhouette painting... naks! Hehe... may ganun daw o.


Pinost ni Jet @ 09/15/2003 04:07 PM MST


BATJAY: Salamat ha... Marami pa nga lang akong kakaining bigas pa bago ko makatulad sina Ansel Adams (hehehe, ambisyoso!).


Excited na nga ako sa pagpunta ninyo eh. Sige, para makapag-body board tayo, mag-aaral na akong mag-wiming para di ako malunod. :)


Pinost ni ate sienna @ 09/15/2003 09:08 AM MST


MEL: That may be true... prto mabait lang talaga ang mga parents ko (in so many innumerable ways). And now that I'm old enough - I can appreciate them more as persons that they've "grown" into. (They got married very, very young). My siblings and I are lucky and proud to have them as parents, and we would not want to have it any other way.


Pinost ni ate sienna @ 09/15/2003 09:06 AM MST


PEN: hooked ka na rin sa OC, ano? Ewan ko nga ba kung bakit type namin yang show na yan, eh pagka-bubblegum na bubblegum naman ang istorya. hehehe (pintasan pa ba??)


Pinost ni atre sienna @ 09/15/2003 09:01 AM MST


galing ninang ng mga pics mo. balang araw punta kami diyan ni jet, bodyboarding din tayo sa newport ha?


bait din ni itang. buti pa kayo, may daddy pa.


Pinost ni BatJay @ 09/15/2003 08:51 AM MST


aling sienna(st.catherine)
this is how i see you about what u said about ur itang.


"WE DONT SEE THINGS AS THEY ARE, WE SEE THEM AS WE ARE"
by Anais Nin..


say mo?


Pinost ni infraternam meam @ 09/14/2003 11:14 PM MST


awwww sweet naman ni itang mo ate sienna *sniff, sniff*


hehehe THE OC! kakanood ko lang ng tape kagabi (kasi nasa skul ako pag tues night) - lintik, na-huk talaga ako sa show. nakikipagsabayan tuloy ako makipagchikahan sa teeners.


Pinost ni pen @ 09/14/2003 08:58 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:48 PM | Comments (0)

September 10, 2003

While on the subject



While on the subject of stealing, what about peer-to-peer (P2P) sharing of music?


We didn't buy the CD, or we did and we ripped it off and saved it on an MP3 file and shared it with the whole world. The RIAA thinks we're violating copyright laws and now they're suing people left and right (even a 12 year old girl) because their songs are being distributed thru Napster, KAZAA, Morpheus and other P2P clients, and that, they say, is infringement of copyrights.


Ok... so it is. But have you recently bought a CD because you liked the artists' cover song? And after listening to the cover song about 3 times, you decided to listen to the other songs on the CD and you just got disappointed because nothing else sounded good???? You spent $15 and even upto $27 (Canadian dollars) for a CD and all you can enjoy was just one song? That's a rip-off!


And now they're telling us that the public is ripping them off of their royalties.


hmmmm....


Kung ako ang tatanungin ninyo, kung maganda ang halos lahat ng songs ng isang artist, bibilhin ko ang CD nya. I definitely will support that artist. Para sa susunod pa nyang mga album mas maging inspirado sya. Walang kaso sa akin ang gumastos para sa CD - basta sulit ang bayad ko. (proof: sandamakmak na original CD ang nasa apartment namin sa Calgary na hindi ko pa napapadala dito sa US) Ang hirap kumita ng pera. Tapos, ibibigay ko lang ba sa kanila ang dolyar ko kahit na hindi naman nila pinaghirapan ng husto ang pag-gawa ng ibebenta nila sa akin? Parang rip-off ata yun...


Ang ibang madalas na gumagamit ng P2P eh yung mga bagets na wala namang sariling kinikita. Bakit hindi kaya sila bigyan ng "student discount" ng RIAA (parang ang bus or ang sine na may discount din sila). Tutal ang pinakamalaki nilang market eh ang mga estudyante... eh di para naman bumili ng orig na CD ang mga bagets, eh di bigyan ng "bagets discount".


So babala lang - wag muna kayo gagamit ng mga P2P ninyo at naka-monitor sila ngayon. Big Brother is watching...


Kayo.. ano say ninyo?








Replies: 12 Nagpansit



hehehe... lunacy, yun nga ang inisip ko before, kung nasa pinas ka, mahuli ka rin kaya nila? Wala pa naman akong nababalitaang nahuli nila abroad eh.


Remember, ginawa na nila sa Napster yan pero nung makasuhan ang napster, lumipat lang ang mga tao sa ibang P2P. kaya for the recording industry, walang nangyayari.


Pinost ni ate sienna @ 09/14/2003 07:44 AM MST


hala! isa ako sa mga gumagamit ng kazaa.. kasi nga, di ko naman sure kung maganda lahat ng kanta ng isang artist.. haaay..


mahuhuli kaya ako kahit asa pnas ako?


kaya siguro bumibilis ang pag DL ko dun kasi unti n lng ang taong gumagamit...


kung gusto nila mapigil to.. KAZAA or any sharing software program ang dapat nilang pag diskitahan.. at nde ang mga gumagamit nito..


Pinost ni lunacy @ 09/14/2003 12:50 AM MST


reckless drummer, i think, basta hindi ka na lang papasok ng kazaa or any P2P client, ok lang yun.


Pinost ni ate sienna @ 09/11/2003 10:42 PM MST


Koyang, sabi nila hindi naman daw isasara ang kazaa pero yung mga gumagamit na ngayon ang mas responsible for the files that they share. medium lang daw kasi yung mga P2P na applications eh.


mabuti pa nga ang pinoy na cd, more often than not, sulit ang mga kanta sa CD. (o baka naman bias lang ako kasi mas feel ko siempre ang OPM?)


Pinost ni ate sienna @ 09/11/2003 10:41 PM MST


Jet-ay, yun nga ata ang issue nila eh. siempre they're in it first for the money (sunod na lang yung entertainment). nawawalan nga sila ng royalties kung libre nating dina-download yung mga kanta nila. kaya nga dapat, may middle ground talaga for this. I believe that they need to make money out of it, pero sana pasulit naman nila sa atin yung binabayad natin sa kanila, diba?


Pinost ni ate sienna @ 09/11/2003 10:38 PM MST


downloaded over 2000 songs from kazaa.pano na kaya to?siguro puede
ilipat sa zip drive?
John mayer another acoustic rocker.meron bagong acoustic rock band
named jay quinn band.mas matindi kesa.goo goo dolls,dave mathews band john mayer


Pinost ni reckless drummer @ 09/11/2003 11:02 AM MST


ninang. hehehe. nabalitaan ko nga yung hinuling bagets. yung parents nya ang nagbayad ng negotiated fine na $2000+ ata. hmmm. isasara na ba ang kazaa?


nga pala: sa pilipinas, ang laki ng binagsak ng mga CD prices. tumingin ako last time umuwi. yung mga tagalog, may 250 pesos.


Pinost ni BatJay @ 09/11/2003 03:55 AM MST


Ateng, buti na lang marami-rami na kong nakolekta galing KaZaA. Tingin ko dapat pabayaan na lang nila e. Kasi naman, at the price of CDs nowadays, talaga namang pag-iisipan mo yung worth kasi andami pang ibang bagay na mas importante na dapat pagkagastusan. E dahil lang di ka makabili, di mo na mae-enjoy ang music na gusto mo? E eto na nga't may pagkakataon na. Kung siguro well off naman at ang pagbili ng CD sa kanila e parang pagbili lang ng coke, bakit pa sila magtiyatiyagang magdownload di ba? E di bibili na lang sila ng bibili. Baka kala nila madali magdownload... kung hindi ka pa broadband, maghapon kang maghintay dyan, makakaisa o 2 ka lang.


Pinost ni Jet @ 09/11/2003 01:24 AM MST


st. catherine,
puede ko bang i-say sa yo yan saint na yan?sorry - tanga de mi- john mayer who?what kind of music siya?hanggang classic ako - say nyo' may pansiteria ka sa calgary? i have a sis der. i was der jun n went to banff. ilike it. very japanese. all establishment japok owned. sis ko lives at hampton mews, overlooking the city, nice view.kyo' saan doon.saan ka ba talaga nag pansit - i am confused. i want to buy palabok na may taba ng talangka.sarap 'yon. still i like ur toughness- ikaw gawa ur pansit w/lab?i always read the hibla of ur noodles in between-- very nice and very toughly worded.next time magluto ka naman sa fraternam meam ko. marami na rin akong putahe- baka gusto mo? share tayo ng recife.my 2nd half when she cooks her pansit - just like u. i showed her ur pansiteria- vow sya'not jealous - email lang naman to-its di bah? tito mel mo lavs ur cookingsssss. sayyyyyyy.


Pinost ni meldelossantos @ 09/10/2003 09:01 PM MST


I agree. Siguro ang orig na CD ko mas konti kesa dun sa mga ginawa ko. Kaso kasi 400 ang isang CD sa Pinas, e ang minimum wage dito mas mababa dun. Sayang di ba?


Pinost ni jen @ 09/10/2003 05:46 PM MST


hay.. scary talaga sila ngayon, pen. ngayon tuloy mag-dadalawang isip kang bumili ng CDs kung maganda nga sya or hindi and usually you end up not buying the CD. mas lalo na kung hindi mo alam (or walang nagrecommend) kung maganda sya or hindi.


wala bang site si John Mayer na may sample ng music nya? yun na lang pag-asa mo, pen.


Pinost ni ate sienna @ 09/10/2003 01:25 PM MST


takot na ako mag-kazaa! and agree ako sa yo ate sienna, walang problema magbayad ng $15 for a CD kung sulit nga naman yung mga kanta. speaking of CD, panawagan lang: MAGANDA PO BA ANG BAGONG CD NI JOHN MAYER? (kahit ubod ng kapangit ang cover ng cd nya) tenk you!


Pinost ni pen @ 09/10/2003 09:37 AM MST


--------

Posted by atesienna at 02:47 PM | Comments (0)

September 07, 2003

By now you might



By now you might already know that there's a plagiarist in our midst!


The whole Filipino (and non-Filipino, too?) blogging community is volcanically furious. And there is reason to be. Altho the internet is a free world with a cornucopia of ideas, images and information, respect for someone's original creations should still be upheld and observed. I know it's so easy to copy from another neighbor's garden with just a few mouseclicks and some of us have done our tiny bit of cuts and pastes in our whole internet-webpage-making lives. But to blatantly copy your neighbor's life and claim it as your own is parallel to the "Single White Female" movie - a psychotic gone mad.


This person has issues, maybe even mental "sayds" ("sayad" in Filipino; illness) to pretend, and maybe believe, she is living the life that others have originally posted as their own day-to-day goings-on. Think about it.. WHY WOULD SOMEONE THINK AND ACT LIKE SOMETHING HAPPENED TO THEM WHEN THEY KNOW (or do they?) THAT IT NEVER REALLY HAPPENED? Only a person with mental issues would think this way. This isn't merely just lying anymore... this is psychosis, that person is delusional. She needs to see her shrink right away. And I'm not kidding.


Actually I have to apologize to my blogger friends. At first I thought it was a sniper out to attack just a specific group of people with a goal of making a mockery of their sites. (Why not us? Is there a clique she was targetting?) Because I'm thinking, why would someone pretend about something and even blatantly tell others about it like it really happened to them? It's just... again, insane. But I realized, upon more investigation, her plagiarism isn't just to mock a chosen few.


She's a FAKER, period. And I cannot and will not support FAKERS because if they can't be true to themselves, how can they be true to you? TRUTH is a concept soooooooo alien to them it's not even funny.


So now she's being haunted down with threats of lawsuits and a lot of anger needing of vent, like the theif that she really is. When she gets caught for her lies, she'll definitely need a lawyer.


May I recommend a psychiatrist, too? People with delusional disorders need professional help.


And I'm fucking serious, girl!


If you want to follow transcripts of what happened, who the primary people involved are and all other copyright stuff for your sites, here they are:


The Faker's sites:
http://intimidatinglybeautiful.blogspot.com/,


The Hero: Cindy


Some of the victims:
Nocturnal Angel,
Suburbanwit,
Who Am I,
Twinkle
Pangga
Spot my Blog


And the cause is up! Blogger Power


And if you're fearing for your blog's life being owned by someone else, here are some tips:
http://www.brownielocks.com/stopcopying.html
http://www.creativecommons.org/


And.. if you know the Faker's whereabouts, report them here:



i have blogger power!










Replies: 22 Nagpansit



my apologies to the admin of boys_suck.com. I have taken out the link on the blog entry. sorry for any confusion that could've occured because of this.


Pinost ni ate sienna @ 10/05/2003 01:37 PM MST


please check your information. i'm sure you have every right to be angry/seeking revenge on this plagerist, but boys suck is NOT, i repeat, NOT one of her sites. please see our site for a full disclaimer. sorry for any confusion, but like i said, please check your sources.


Pinost ni boys suck admin @ 10/05/2003 01:21 PM MST


hmm.. blonda ka talaga, ha... kasi nga my prend, plagiarist sya. nangopya ng blog entries na hindi naman kanya at pinalalabas na nangyari sa kanya. what would you call someone who tells the world na nangyari sa kanya ang isang bagay pero hindi naman talaga? eh di faker :)


Pinost ni ate sienna @ 09/13/2003 07:49 AM MST


ate sienns,
col me blonde pero di ko gets, i got confused pa nga. fill me in naman.


Pinost ni Kikay @ 09/12/2003 02:43 PM MST


hehehe, bebols, parang naloka ako ng konti nung sinabi mong ikaw si keiko. sana nga sumulat din sya para ma-interbyu ko sya. parang si ate luds.. "kilala mo ba hakooooh???ano pangalan kohh? babalik tayo, saranghameda, bo!"


Pinost ni ate sienna @ 09/11/2003 10:48 PM MST


hoy Greta!!! nakalagay sa wallpaper ko sa opis yung picture ng 3 kids... cute-cute daw sabi ng mga tao sa opis. hehehe


Pinost ni ate sienna @ 09/11/2003 10:46 PM MST


KOYANG!!! SYET! Na-excite naman ako!! may drowing ka ulit? hehehe.. ma-submit na nga yan sa Getty Museum para kasama sa mga work of arts.


Pinost ni ate sienna @ 09/11/2003 10:45 PM MST


ako si keiko lol.. pede pa kapi peyst (hehe nagpapaalam na kow) JK


Pinost ni babols @ 09/11/2003 12:35 AM MST


ay naku..tigilan na yan....lalo lang sumisikat...


Pinost ni GretA @ 09/10/2003 11:17 AM MST


ninang! ninang! ang puso mo! hehehe... hindi nya tayo makokopyahan kasi tagalog ang blog nating dalawa! bwahahaha! kaya lang nag-inglis ka sa entry na ito. ngek. may padala kaming sulat sa iyo!!! may drawing ulit ako. hehehe. ay surprise ata yon sa iyo eh.


Pinost ni BatJay @ 09/10/2003 08:22 AM MST


Hi Mel,


alam ko yung st. catherine of sienna. my sister studied at the St. Catherine of Sienna School (now Sienna College) in Taytay. Plus, coming from a catholic school from elementary to college, napag-aaralan namin si St. Catherine. Amazing nga na hindi pa rin corrupted ang body nya. It truly is one of God's miracles!


I'm not really a tough woman. I would rather say na may convictions ako and I have my basic beliefs that I strongly stick to. (just like any person).


salamat sa pagdalaw mo sa pansitan. ikamusta mo rin ako sa iyong kapatid. I tried to go to the link for your site kaya lang, ang url pala eh http://melsantos.blogspot.com/. hinanap ko sya sa google kasi wala yung http:il.fraternam.mean.


I am publishing your correct URL here para naman ma-enjoy din ng iba pang suki ng pansitan ang site mo... I did! :)


I li-link ko ang site mo sa pansitan this weekend :)


Pinost ni ate sienna @ 09/10/2003 07:33 AM MST


aling sienna! i'm new to this blog thing. i have come to know this thru my kid bro from new jersey.then via jay d.he told me to send my comments to you directly. i hope u don't mind.i am from the north suburbs of chicago, married with two teenage boys. looks like u are a tough woman to deal with - or is it just face. ur page is very nice - so as ur name. i was in sienna /italy last year and it was a beautiful place 2hrs drive from rome. catherine of sienna was underneath the high altar. sienna is attributed to one of the female doctor of the catholic church in doctinal matters and spirituality. byedbye - sorry i dont want to preach-i studied for the priesthood but opted to get married. ok ba sa iyo. going back to sienna-underneath the high altar in sienna the whole body of catherine of sienna lies inside a glass coffin, the whole body is still intact not corrupted by any bacteria or decomposition.u have a beautiful name and beautiful page -impress ako.can u show me ur heart? visit my blog "il fraternam meam" meldelossantos


Pinost ni meldelossantos @ 09/10/2003 04:38 AM MST


DELISYUS, did her posts come from books? hehehe.. parang plagiarist pa rin sya. But i'm glad hindi ka na-victimize... musta ka na dyan?


Pinost ni ate sienna @ 09/09/2003 07:25 AM MST


ahihihi, lam mo ba... was scared to check out her other blog coz i might recognize a post... but the boys-suck one seem to be a more original one (at least there, she quoted from books and stuff)


Pinost ni delisyus @ 09/09/2003 02:49 AM MST


you're welcome, Gabby. we have to be united against FAKERS like her!


Pinost ni ate sienna @ 09/08/2003 07:40 AM MST


hey thanks for the comment. and thanks for the entry.
that cow is going down....


Pinost ni suburbanwit @ 09/07/2003 08:59 PM MST


ATENG JET, sige.. gives mo ako ng fikshur mo at gagawin kong parang yung sa akin at kay fafa keannu.


Kainis... naalala ko na naman si fafa... maka-enganyo nga ng prenship na samahan akong hanapin ang bahay nya sa Hollywood Hills. hehehe. Stalker (pero at least, hindi FAKER, hehehe)


Pinost ni ate sienna @ 09/07/2003 08:32 PM MST


AYEZA, sige, give kita ng kodigo..yung kodigong nakasulat sa ilalim ng uniform kong palda nung high school (hehehe, ibuking ko ba ang sarili ko???)


Pinost ni ate sienna @ 09/07/2003 08:30 PM MST


Ateng KiwiPi, feeling ko nga may iba nang URL yun eh. pero napansin ko rin na yung mga kaibigan nyang naka-post sa links nya hindi na rin nagpo-post sa mga blogs nila. bakit kaya???


Pinost ni ate sienna @ 09/07/2003 08:28 PM MST


Ateng, ako gusto kong kopyahin yung fiktyur mo with lolo... remember? Magawan mo kaya ako nun? Papanggulat ko lang sa mga walang muwang sa prens ko... hehe


Pinost ni Jet @ 09/07/2003 06:32 PM MST


napadaan lang po. seems like ang daming nangongopya lately hehehe penge naman kodigo? *hugs*


Pinost ni AYEZA @ 09/07/2003 04:45 PM MST


yeah, i believe she's sick. but i think she had stopped posting, ei? or, she must be doing it in another url. or baka naman gusto nya mag-compile ng blog entries? or... a ewan! dapat sa kanya, mabigyan ng leksyon!


Pinost ni kiwipinay @ 09/07/2003 01:57 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:45 PM | Comments (0)

September 06, 2003

okey.. ang ganda ko!false



okey.. ang ganda ko!


false alarm ang pagpunta ng beach. nasa daan na kami ng mapansin ni Andres ko na may pag-asang mag-over heat ang mustang kaya balik kami at aayusin muna ni Andres.


Bukas na lang kami go-go.








Replies: 4 Nagpansit



ate sienna...


di bale lagi namang may next time di ba?...


enjoy the sun and the sand!


(*hugs*)


Pinost ni kengkeiko @ 09/07/2003 10:37 AM MST


aminin mo na kasi na may balat ka sa pwet noh!


Pinost ni GretA @ 09/07/2003 06:05 AM MST


Naks! Harinawang matuloy na nga kayo bukas at nang marelak ka naman. Ateng, ang fiktyurs... yung nakabikini ha. :)


Pinost ni Jet @ 09/07/2003 12:26 AM MST


ngyehehehe... di bale ninang. may ibang araw pa naman. medyo malamig na siguro ngayon diyan ano?


Pinost ni BatJay @ 09/06/2003 09:13 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:44 PM | Comments (0)