Image 1
Image 2

« October 2003 | Main | December 2003 »

November 29, 2003

Sa mga nasa Jameyrika,



Sa mga nasa Jameyrika, Happy Thanksgiving sa inyo! Hehehe, peborit ko itong araw na ito kasi ngayon ako nakakakain ng masarap na tarkey. Nitong hwebes nga cook si Andres ko ng tarkey. Eh yun ang isa sa kokonting araw ng taon na siya ang in-charge magluto kasi mas masarap syang magluto ng tarkey kesa sa akin.


Ilang pounds nga ba yung tarkey... hmmm... 18lbs ata. Isipin nyo, buong huwebes, habang di pa luto yung ibon, kanda-gutom na kami. Di nga kami kumakain para kapag naluto na sya eh masarap ang kain namin. Gumawa din ako ng sarili kong cranberry sauce. Sinubukan ko lang kung mas masarap sya kesa yung delata, at true enough, mas masarap ang luto ko! (hehehe) Limang oras ata bago naluto ang dambuhalang ibon at sa wakas, tanannnnn, kumain na kami ng mga bandang alas-syete ng gabi! (Ganun katagal!!)


Habang naluluto ang ibon, may I gawa naman ako ng mga dapat kong gawin para matuloy na ang PANSITAN.NET na pag-babahayan ng mga boarders. Medyo nagkaproblema pa ako ng konti sa pag-assign ng server specs, pero naayos naman namin ni Andres at ng may-ari ng bago kong server (Xstreamhost.com). So in another week siguro, makokontak ko na ang mga bagong boarders ng PANSITAN.NET at makaka-lipat na sila! Ang saya-saya!!!


Byernes, go shopping naman ako. Ayaw ko sanang umalis ng balay pero sabi ni Andres, kung gusto ko raw ng sale, ngayon ang pinakamagandang araw magpunta at sangkatutak ang sale. So ako naman, nagbihis at naglakad, tumawid ng freeway ng 10 at nagsimulang tumakbo (hehehe) papunta ng mall. Sobrang dami ng tao. Magmula alas dyes at nag-ending ng alas kwatro ng hapon, super pagod sa kakalakad, eto ang mga award ko:


1. Platinum Edition DVD ng Lion King - ang aking all-time favorite na memorized ko ata lahat ng dialog ($11)
2. Collector's DVD ng Sleeping Beauty ($11)
3. CD ng The Best of Incognito ($9)
4. CD ni Najee na "Embrace" ($9)
5. Dambuhalang Mouse ni Andres ($29)
6. Lalagyan ng discman ko habang naga-walk-walk ako twing lunchtime (o diba.. ispiking of witch, panay na ang lakad ko ng tanghali) ($14)
7. Kawali ng Calphalon - pandagdag ng cookware kong Calphalon na iniipon ko ($19)
8. Lalagyan ng mga sandok ($5)
9. Matching patungan ng mga sandok habang nag-ku-cooking ($3)
10. Walong basong inumin. Inis ang Andres kasi akala nya kung ano lang baso ang binili ko. May gusto kasi kaming korte ng baso na pinagusapan na namin dati, wala kaming makita. Eh ulyanin ako, di ko naisip sabihin sa kanya na yun din yung korte na nakuha ko). Hehehe, SUPRAYS!!! Nakita na lang nya sa paminggalan na yun ding gusto namin ang binili ko... "Huway dint yu tel mi???" "Eh Ay porgot, eh!"


10. ATTTTTT ang pinakaimportante sa lahat - The SIMS (Double Deluxe) - 4 CDs - Original, Livin' Large, House Party, at isa pang bonus na di ko alam kung ano yun - ($29)


(* Ngayon, Greta, maiinstall ko na yung mga padala mong SIMS sa akin. Di ko malaro kasi nawala ung No. 1 kong Sims eh. Sister Pren Jet, di nagana yung klapaucius na cheat, why-liwayway????)


So ayun... byernes, kanda puyat ako ng kakalaro ng Sims. Alas Dose na ata ako nakatulog. Alas singko pa lang ng umaga ngayong sabado, gising na ako at naglaro na ako ulit. Maya-maya, pinuwersa ko na ang sarli kong magtrabaho. May kailangan akong isubmit na General Systems Design ng isang sistemang i-e-ehance ko kaya tatapusin ko muna ang lekat nang ma-i-send na kay Reyna Magentang bossing ngayong umaga at pagkatapos, happy weekend ulit... may Linggo pa ako - isang araw pang bakasyon...


Sige.. dyan muna kayo. Tatapusin ko pa yung report ko... teka, kakain muna ako ng tarkey - pang-almusal! nyakyakyak... hehehe








Replies: 13 Nagpansit



Fafa, marami na nga ang nagsabi sa akin na maganda ang spirited away. hihiramin ko nga sa blockbuster eh. curious ako.


hala, wala kang type pabili sa akin? hehehe.. sana may sale pa... :)


Pinost ni ate sienna @ 12/02/2003 08:58 PM MST


mayron na akong lion king ninang. mayron din kaming... lilo and stich, snow white special edition, shrek, toy story, ice age at finding nemo.


pero ang mga peborit ko eh: ghost in the shell, animatrix, princess mononoke, vampire hunter d and my personal pinakapeborit: spirited away. puro mga japanese anime na may english overdub. kung makakita ka diyan bilin mo, maganda ang mga ito.


Pinost ni BatJay @ 12/02/2003 08:14 AM MST


PREN JET, hehe, may sa magik, diba.. naghocus-pocus. Pero ang tutuo, baka naman ang nakita ng browser mo eh yung cache ng page na wala yung bagong entry kaya yun lang ang nakita mo. nangyayari yun minsan kaya pag doubtful ka, hit mo lang yung "refresh" button ng browser.


musta ka na??? kelan uwi nyo ulit? sa 20 na ba?


Pinost ni ate sienna @ 12/02/2003 05:52 AM MST


NEIL, oo nga.. nag-research ako sa internet at hindi na nga klapaucius kundi rosebud na ang gagamitin. ayun... ang ganda-ganda ng bahay ko. hehehe...


Pinost ni ate sienna @ 12/02/2003 05:50 AM MST


Hindi na pwede yung "klapaucius" sa House Party.


"rosebud" na ang bagong cheat. kaparehas pa rin ng klapaucius ang gamit hehe.


Pinost ni Neilencio @ 12/01/2003 10:51 PM MST


Teka, teka... ano'ng majik meron itong site mo at araw-araw ako'ng sumasaglit dito e hindi ko nakita itong blog mo? Ah alam ko na... weekend mo sinulat... Nov. 29. E pag weekend kasi si fafa lang ang bukod tanging nauupo dito sa may computer. Kaya naman pala. Pero ba't di ko pa rin nakita kahapon?


Ateng, e wala naman akong cheat sa SIMS, bukod nga dun sa isang wicker chair na after 24 hrs. e nagiging $34K ang value. SIMS deluxe din ang gamit ko, gumagana siya. Gusto mo, padala ko sayo ang file? Wala ka nang problema sa pera basta meron ka nung silyang yun.


Pinost ni Jet @ 12/01/2003 09:15 PM MST


Sharon, bisi sa mga karaketan ang Greta. hehe, lakas nga raw ng kita nya eh. galing, diba?


Pinost ni ate sienna @ 12/01/2003 08:20 AM MST


oo nga, ateng kiwipi, sa sobrang ok sumakit ang paa ko kakalakad. :)


Pinost ni ate sienna @ 12/01/2003 08:20 AM MST


hehehe, oo nga, fafa jay, mukhang i-fre-freezer ko yung iba. musta ka na? kelan nga pala alis nyo?


hehehe.. gusto mo ba talaga ng DVD ni Sleeping Beauty at Lion King?


Pinost ni ate sienna @ 12/01/2003 08:19 AM MST


happy thanksgiving! kaya ba walang update si greta, busy sa kaka sims? =)


Pinost ni Sharon @ 11/30/2003 04:52 AM MST


Happy Thanksgiving Day, ateng! Mukhang okay yung sale sa mall ah? :)


Pinost ni kiwipinay @ 11/29/2003 03:37 PM MST


ang ibig kong sabihin: HAPPY THANKSGIVING. hehehe. nagkandaengkot na ako.


uy may SIMS ka na rin. baka puro laro lang kayo pag bisita namin diyan.


Pinost ni BatJay @ 11/29/2003 11:36 AM MST


pwede magpabili ng DVD? hehehe.


happy anniversary ninang. problema mo ngayon yan kung paano nyo uubusin ang isang malaking ibon.


Pinost ni BatJay @ 11/29/2003 11:33 AM MST


--------

Posted by atesienna at 02:55 PM | Comments (0)

November 17, 2003

By now, knows nyo



By now, knows nyo na ang tungkol sa aking si bespren Remy, ang bespren ko magmula ng dumating ako sa kaneyda. Alam nyo na rin ang tungkol sa ispeysyal prenship namin ni sister pren Jet. Madalas ko silang nakukwento o nababanggit sa inyo. Pero ang hindi ko pa masyadong napapakilala ay ang aking limang bestpren sisters op 17 yirs - ang logbook girls.


Unang trabaho, pagkatapos ng kolehiyo, dun kami nagkakila-kilala nila Joystick, Augusta, Alita at Socorro. Iisang upisina lang kami, lahat sila sa human resources, ako, marketing. Bond kami agad. Magkakasamang kumakain ng lunch, magkakasamang manuod ng sine, magkakasama sa gimikan. Dala na rin siguro ng ugaling kolehiyo, naipis-ipis naming gumawa ng logbook. Dun namin sinulat ang mga kung ano-ano lang na gusto naming sabihin sa isa't-isa. May mga pictures, may mga stickers, may mga jokes at marami ding seryosong mga entries. Nagmistula syang scrap book. Kung nais nyong malaman ang mga sikreto naming magbabarkada nung ganung edad kami, dun nyo makikita lahat sa logbook na yun. At hanggang ngayon, na kay Socorro pa rin ang dalawang volumes ng logbook namin.


Pagkatapos ng kulang-kulang lang na isang taon, naisip ni Socorro na lumipat ng ibang upisina. Pumalit sa posisyon nya ang Cebuanang si Gemimah. Kakabit sya ni Socorro habang ino-orient at nagtuturn-over bago nga tuluyang lumipat si Socorro. Nakasundo rin namin si Gemimah. Kasama ring naglulunch, nanunuod ng sine, paminsan-minsang Friday lakwatsa sa Greenbelt at Quad (wala pang G4-G4 nun). Si Socorro? Katelebabad pa rin namin, ka-meeting sa mga labas-labas namin.


Nagsimula na silang magsipag-asawa. Nauna si Joystick, pinakasalan ang kaupisina din naming si Chito. Sumunod si Augusta, pinakasalan ang long-time bi-eps na si Jose Amado. Pangatlong nag-asawa si Alita, pinakasalan din ang long-time boypren na si Bong-gets. (Asawa na ni Gemimah si Joey-boy bago pa namin siya nakilala). Nagsilbing abay din kami ng isa't-isa. Di nagtagal, nagsimula na ang datingan ng mga bebis. Dalawa kay Joystick, tatlo kay Gemimah, dalawa kay Alita at dalawa... tatlo... apat... kay Augusta! Kami ni Socorro, siempre, dalaga. Nagsimula na rin kaming lumayag sa iba't-ibang upisina, sa iba't-ibang parte ng mundo. Sa ngayon, ang may loyalty award na lang sa kauna-unahang upisinang pinagtrabahuhan namin ay si Alita. Kami ni Socorro parehong wala na sa Pilipinas. Silang apat ang mas madalas pang nagkikita.


Seventeen years... mahirap kasing isulat lahat ng nangyari sa labing-pitong taon na nagiisip kang kakapusin ka ng espasyo sa website mo. Pero eto lang ang masasabi ko... marami na kaming pinagdaang lahat - mga problema sa mga relasyon, problemang pangkalusugan, problemang finansyal, tanong tungkol sa mga anak, sa mga asawa at boypren, sa mga aspetong sekswal, trabaho, buhay-buhay, mga magulang, mga kapatid, mga pagkawala ng mga mahal sa buhay. Nandun kami para sa isa't-isa. Nandun din kami sa mga masasayang okasyon - pabinyag (na pinakamadalas kay Augusta), bagong mga bahay, mga pagkikita pagkatapos magturista ang isa sa amin, mga birthday ng mga anak, mga promotion, mga life changes at kung ano-ano pang milyahe sa buhay.


Bakit nagtagal? Siguro kasi, una sa lahat, ang nararamdaman namin sa isa't-isa ay tunay na pagmamahal kapatid. Pero kahit na magkakapatid ang turingan namin, hindi namin inisip na abusuhin ang tulong o anumang kamay na iaabot sa amin ng isa't-isa. Hindi rin kami nagsisiraan. Ang masasabi namin kapag dadalawa o tatatlo lang na nag-uusap, nasasabi din namin sa harap-harap ng bawa't isa. At sa mga puso namin, ang konting mga pagkakakamali, di na tinatanim, di na pinapansin. Tanggap namin ang bawa't-isa sa kung sino at ano man sya. Ni minsan di kami nagtago ng kahit na ano tungkol sa isa't-isa. Kung sino kami at kung ano pa kami, yun ang pinakita namin. At tinanggap namin ang bawa't isa kung ano man sya. Di uso sa amin ang nagsisinungaling o nagtatago. Ang alam ng isa, alam ng lahat. Kung sino ka sa isa, ganun ka rin sa lahat. Dahil siguro hindi kami natatakot sa iisipin ng bawa't isa. Kampante kaming gumalaw dahil di kami pag-iisipan ng masama ng kahit na isa sa amin.


Siguro din, hindi rin namin dinadagan ng husto sa bawa't-isa ang problema namin. Oo nga't kami-kami ang unang nagtutulungan sa problema ng bawa't-isa pero iniisip din namin na may sarili ding buhay ang lahat. Pero malayo man o malapit, ang problema ng isa, kalungkutan din ng lahat. Hindi dahil pasan-pasan namin ang problema, kundi dahil wala kaming nais kundi ang kaligayahan ng bawa't-isa. At sa tuwina, kung sino ang may problema, sya ang pinagdadasal namin twing matutulog kami sa gabi o sa mga panahong makausap namin SIYA. Kung sino ang may problema, siya ang pinasasaya, laging kinakausap, laging kinakamusta. Bukal sa pusong pangangamusta, honest-to-goodness na pag-uusap, puno nang pagmamahal na pagdamay.


At ang isa pang bagay kaya siguro kami nagtagal ng ganito, dahil ang kaligayahan ng isa, kaligayahan naming lahat. Kahit na ano pa mang magandang pangyayari - bagong bahay, bagong kotse, bagong trabaho, mataas na grades ng mga anak, promosyon sa trabaho, pagbubuntis, bagong damit, bagong sapotos, bagong bag, bagong kung ano-ano, excited kami para sa kung sino man ang may good news. Sinecelebrate namin yun, walang halong inggit, walang pag-iisip na "kelangan meron din akong ganun". Walang inggitan, walang pasiklaban.


Nung minsan habang nagdadrive kami ni Socorro papuntang mall at napagusapan namin ang mga prenships sa Pilipinas, tinanong nya ako, sino raw sa kanilang lima ang pinaka-close ako. Sabi ko sa kanya, sa labing-pitong taon kong kasama silang lahat, sa kung ano-ano nang pinagsaluhang masaya at malungkot, wala akong itulak-kabigin. Kung sino ang mas may kailangan ng tulong o attention, kung sino ang mas nangangailangan ng kausap, whether masaya o malungkot na conversations, yung mga panahon na yun, sya ang pinakamalapit sa akin. (True yan!) May kanya-kanyang katangian silang lahat na nagpalapit sila sa akin. Lahat sila close ko... Bumuntong-hininga si Socorro at sabi niya, "Tama ka, Siens... ganun din ako."


Kayo, bespren nyo ba talaga ang (mga) bespren nyo ngayon? Anong pagkakataon sa buhay ninyo ang nagpatunay na mag-bespren nga kayo?








Replies: 13 Nagpansit



belle, kung wala kang bestfriend/s, hindi naman ibig sabihin na there was/is something wrong with you. iba lang kasi ang bestfriends, matindi lang talaga ang bonding. Pero yun nga, it takes a while to really nurture it.. plus, swertihan talaga.


Pero if you have friends that you can trust and be comfortable with, that's good, too :) i'm sure within your circle may degrees of trust and comfort ka rin among them :)


Pinost ni ate sienna @ 11/24/2003 07:45 AM MST


Ate Sienna, ako po alang bestfriend/s, only friends and acquaintances. I don't know if the fault is in me cuz I was reclusive back then, mahiyain. Alang gustong magbreak ng aking wall. =) Kaya gustong gusto kong magbasa ng mga ganitong istorya, na tumagal talaga ang pagkakaibigan.


Pinost ni Belle @ 11/23/2003 09:32 PM MST


thank you, everyone, for your comments. kapag nakakabasa ako ng comments ninyo, feeling ko alive na ulit ang pansitan. SALAMAT!


yes, i can say that i've been so blessed to have not just one but 5 very best friends. Ikanga ni Socorro sa electric mail nya sa akin, after she read this entry: "Distance, time and other boundaries- our friendship will transcend all of them!"


So true, diba?


Mel, don't worry.. visit ka lang lagi. for every all naman ang pansitan - girl, boy, feeling girl, feeling boy, etc. And even guys have lasting friendships too. Alam ko si Fafa BatJay, may set of friends din sya na since elementary barkada na nya eh. YUN ang mas matindi!


Batjay, excited na ako, no!!! sana nga bukas andito na kayo!!! (ok lang naman lagay yung picture ko sa site mo. gwaping ka naman dun eh. hehehe..)


Juan, siempre seksi silang lahat, prens ko kasi sila eh :) (ako rin seksi kahit na hindi, mwahahaha)


Ayeza, basta alam mo naman na we are here for you when you need someone. :))) keep smiling!


Pinost ni ate sienna @ 11/22/2003 09:07 AM MST


NINAAAAAANG!!!


nag post ka na ng litrato mo! ipopost ko na rin sa site ko ang picture natin.


tuloy na kami sa enero!!!


Pinost ni BatJay @ 11/21/2003 07:57 AM MST


...ako wala bespren dunnnn... anseseksi naman nila...


Pinost ni juan @ 11/20/2003 09:13 AM MST


i have a good cirvle of friends myself too and we celebrate our friendship bonding through seeing each other once a year just a ritual lang cguro.


on the second thought ill write more about this on my blog.


Thanks for being my friend!


Pinost ni AYEZA @ 11/20/2003 03:09 AM MST


sienna...u have defined prenship to its limits. so very few people cud attain friendships like yours...para kayong nasa kumbento, na walang perpetual vows to God except to one another. mga chicas lang ba ang ganito? mayroong din kayang chicos na may lasting friendhip.?


Pinost ni in fraternam meam @ 11/19/2003 09:45 PM MST


mahirap talaga minsan, ateng kiwipi kapag marami kayong magbabarkada. pero minsan iniisip ko kasi, we came into each other's lives at the right time. fresh out of college, wala pang masyadong iniintindi, and we needed to bond with someone away from the confines of our school lives. Yes, lucky ako talaga... hindi everyday nangyayari sa tao yan :)


Pinost ni ate sienna @ 11/18/2003 06:40 PM MST


marty, it pays to have matalino prends (en rich prends, en byutipul prends and famous prends and influential prends, hehehe).


sayang naman yun, di ka makakasali. pero dibale na, may balato ka naman eh.. hehehe


Pinost ni ate sienna @ 11/18/2003 06:38 PM MST


Ateng Jet.. naiiyak naman ako dyan feeling ko kilala ko kasi. (Teka, tama kaya ang inipis-ipis ko? hehehe)


Pinost ni ate sienna @ 11/18/2003 06:17 PM MST


ateng, ang lucky mo naman sa frends mo. 17years??? bukod sa bespren ng nanay ko since dalaga pa sya, ikaw lang ang nabalitaan ko na may ganyang katibay at katagal na prenship. yung kwento sa nanay ko, kasama nya sa trabaho nung dalaga pa sya. ngayon, 72 na nanay ko, sila pa ring dalawa thru thick and thin. pero tingin ko, mas matindi yung prenship mo kasi marami kayo eh. mas mahirap masubukan ang tatag pag marami. :)


Pinost ni kiwipinay @ 11/18/2003 03:32 AM MST


syempre. si bespren paolo, utol ko na since first year high, kahit bihira kaming magkita o magkausap, ipinakikita pa rin niya ang importansya ko sa kanya. napatunayan ko ito a few weeks ago. tumawag siya sa amin sa bahay, at may isa siyang team contest na dapat salihan. business proposal ito, at ako ang naisip niyang gawing teammate. tinanong ko siya kung bakit di na lang yung iba naming kabarkada ang isali niya dahil magkaiba kami ng kampus (UP diliman siya, elbi naman ako). mas okey daw sa kaniya yung mapagkakatiwalaan. kaya nga lang, nalaman namin a few days later, na di pala natanggap ang organisers ng skuls outside metro manila. he wrote me an e-mail, at sinabi niyang, "i just feel bad that we couldn't work together on this. don't worry, may balato ka pa rin sa akin."


may prend ka na, may kwarta ka pa! hehehehe.


Pinost ni Mart @ 11/17/2003 09:28 PM MST


Nakakainggit ang prenship mo Ateng. Ang sarap sigurong isipin na kahit saan ka mapunta, alam mong may mga taong nakakaalala sayo bukod sa pamilya mo.


May kaibigan ako, a little more than one year na ngayon. Nung nagkaroon ako ng malalim na alalahanin, recently lang din, biglang sunod-sunod ang kontak niya saken, kahit ala akong sinasabi sa kaniya. Di man maliwanag na pagpapatunay, naramdaman kong kunek talaga kami sa puso't isip kasi nabigay niya ang kailangan ko kahit di ako nagsasabi.


Knows mo ba siya ATENG? :)


Pinost ni Jet @ 11/17/2003 08:13 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:54 PM | Comments (0)

November 12, 2003

Ok.. napansin kong nakakapost



Ok.. napansin kong nakakapost na pala ako ulit dito. So inayos na rin pala ng server ko ang access rights nito. (*yamot*) Pero aalis pa rin ako kasi pinatay ng me-ari ang PHP nya dahil daw yung isang command ko na php eh 'dangerous' daw. kakainis!! Kaya kung mapapansin ninyo, walang lumalabas sa ibang links ko. (*yamot* *yamot*) Pinakita ko na ito sa mga kaupisina ko dahil feeling ko, mag-hahanap sana ako ng alternatib sa command. Pero kung papalitan ko na naman ang halos isang-daan ko nang pages, parang nanghihina ako... Sabi pa ng mga opismeyts kong radikal, dangerous man ang statement na ginamit ko, dapat hindi ako ang magbabago ng code kundi sila. May problema sa security nila eh di ayusin nila... (*sa sobrang yamot ko, kulot na ang buhok ko*)


Kaya lilipat na ako. Matapos lang ang pag-gawa ni Andres ko ng affidavit para sa URL ko, makakalayas na ako dito. Bakit kanyo apid-abit? eh kasi ang Andres ko, tama ba... kalimutan ang username at password dun sa registration company (kung saan ka nagreregister ng dot kom mo)? Eh di hindi namin mapalitan ang DNS (Data name server) para tumuro dun sa bago kong server. So kinontak ang kumpanya:


"Ano email nyo?"
"Bago na ang email namin."
"Ano address ninyo?"
"Bago na ang address namin."
"Eh.. kelangan namin affidavit nyo!"


So wala silang trace ng identity ni Andres.. kaya ayun.. magpapa-apit-abit pa kami na si Andres chu-chu-chu ang may-ari ng pansitan at legal na owner chubachu nito at siya yung nakatira dun sa dating address na naka-register chuchu. Ang ganda, diba? Pero wag kayong mayamot sa register company. Tama yung move nila na yun. Malaking kaso talaga kung makuha ng iba ang dot com mo. (Tingnan nyo na lang ang kaso ni Pareng Gerry Kaimo sa PLDT.COM. Hello, Pareng Gerry!)


kaya naman, intay na lang kayo.. nag-lilinis-linis na si Ate Sienna... bagong-anyo, bagong-tolda ulit. Atsaka nga pala.. kung type ninyong lumipat ng server at gusto ninyong maging parte na ng pansitan, (as in http://anghaybolmo.pansitan.com) tatanggap na po ako ng boarders sa bagong bahay-server ko. Libre po ang palaba, libre ang kama, libre ang tambay, libre ang upa. Ang requirement ko lang eh may katuturan ang inyong kasalukuyang blog, nakikibahay lang kayo sa blogspot, dairyland o sa kung saan-saan pang bahay ampunan ng mga bloggers at hindi kayo pabigat sa lipunan. (O kung homeless ka ngayon, dapat kilala kita...)


Mag-apply kayo sa aking email (na pinupuno ng i-spam ngayon... isa pa yang papalitan ko na, malapit na!) na ang subject: WANTED BOARDERS. Explain nyo lang sa akin bakit nais ninyong lumipat sa pansitan at pakita nyo lang sa akin ang bahay ninyo. At paglipat sa bagong bahay-server, sasabihan ko kayo - kung matipuhan ko ang website ninyo. Pero wag kayong ma-scared... mababaw lang ang kaligayahan ko, madali akong matuwa. (Ayaw ko lang ng mga hate-sites.) O, bonggah na tayo, dba??


O sya... malapit na ang pasko... malamig na rin dito sa sokal. Buti na lang dala ko ang "pak-mi" boots ko. Babu por naw, children...








Replies: 12 Nagpansit



sienna...akala ko naghiberneyt ka lang kaya hindi ka nagpost at nagpansit. matagal ko ding hindi hinukay ang pansintan mo, akala ko talagang naghiberneyt ka. parating kong bibisitahin ulit ang pansitan mo at titingnan ulit ang mga recife mo..if oks lang sa 'yo. also, pang chicas lang ba ang pansiteria mo? baka pasok ako ng pasok, yong pansit mo pala para sa mga chicas lang!


Pinost ni in fraternam meam @ 11/19/2003 09:51 PM MST


Ateng, di ko nareceive ang text mo e. Pero ok lang yun, dami pa namang araw. Yaan mo minsan ako na lang tatawag. Have a great week. Labsyu! :)


Pinost ni Jet @ 11/17/2003 07:18 AM MST


AYEZA!!! Kamusta ka na, girlie??? OO ba.. welkam na welkam kang magboard sa akin. sampu kasi ang hinahanap ko. malapit ko na ngang mapuno yun eh. iniintay ko lang kung ano desisyon ng ibang prenships. sasabihan kita kung kelan pede. dahil may konting problema sa url ngayon ng pansitan eh. pero maaayos din yun...


salamat sa tiwala! kamusta ka na talaga?


Pinost ni ate sienna @ 11/16/2003 08:20 AM MST


naghahanap ng matitirahan...me bakante pa po ba?


Pinost ni AYEZA @ 11/15/2003 06:08 AM MST


ateng kiwipi! sinabi ko na kay mother. ang tanong lang dyan, ilang taon aabutin bago maibigay ang recipe? hehehe... pero hayaan mo at kukulitin ko ulit. op kors, pasado kang flatmate. paaalam ko sa'yo kapag naayos na namin ni andres yung aming server name.


Pinost ni ate sienna @ 11/14/2003 06:42 AM MST


sige belle... basta let me know. nakita ko nga lumabas na ang book mo. sige.. buy ako tapos pa pirma ko sa'yo pag nagkita tayo, ha? balak ko kasing umuwi this coming summer. tamang-tama kasi bakasyon ng mga kiddies. CONGRATS, talaga!!! SO PROUD OF YOU!!!!


Pinost ni ate sienna @ 11/14/2003 06:36 AM MST


sister pren, jet, aba, ok na ok sa akin na maging boarders kayo! kaya lang, iba yung napagusapa namin ni fafa kasi yun sariling web server naman ninyo na may sarili ninyong dot com. pero essentially, ganun din ang mangyayari, ata, nakakabit ang pangalan nyo dun sa dot com na pangalan. pero tanong mo kay fafa kung type nya kasi ang proj nga nya sarili ninyong dotcome. it will be an honor to have you both. :)


Pinost ni ate sienna @ 11/14/2003 06:35 AM MST


atengggggggg!!!! musta ka na? si mama dearest? nasan na yung recipe nung tinapay na ginawang plawer power? nabanggit mo na? yung assignment ko rin para sa yo, lapit na. siguro, bago mag linggo ha? email ko na lang sa yo.


ako? pwede bang flatmate? :)


Pinost ni kiwipinay @ 11/14/2003 04:17 AM MST


Hi Ate Sienna. Yay, nakapag postna ulit. Hehehe. Salamat po sa offer to design my new poetry site. =) Tats na tats talaga ako. Tingnan ko sagot ng isang prenship ko. Kung indi kaya ng bruks, gagambalain kita. Hehe. Lumabas na po yung libro ko. *parinig*


Pinost ni Belle @ 11/13/2003 09:26 PM MST


Ateeeenggg!!! Hay salamat, nakapagluto ka rin ng bagong pansit sa wakas. Tagal ko nang nagtitiis sa instant noodles e... hehe.


Kami ba Ateng ubra maging boarder dito sa pansitan? Puwede ba dito yung type ng hosting na pinagusapan nyo ni fafa dearest?


Sana Ateng, pag naayos mo na, this time e di ka na mawala ulit ha. Nasira tyan ko sa kakakain ng instant noodles e... haaaay. :)


Pinost ni Jet @ 11/13/2003 06:10 PM MST


hoist ibalik!!!! kamusta ka na??? long-time no hear, my prend! siguro bising-bisi ka no? saang host ka lumipat? masaya kasi kapag may mga boarders eh :)


Pinost ni ate sienna @ 11/13/2003 06:13 AM MST


pwede ba akong maging querida dito sa pansitan? ahahaha. oi! kamusta ka na? di na tayo nakakapag usap. ako rin naglipat na ng host, kaya mananawagan rin ng mga boarders.


Pinost ni ibalik @ 11/12/2003 09:22 PM MST


--------

Posted by atesienna at 02:53 PM | Comments (0)