Image 1
Image 2

« December 2003 | Main | February 2004 »

January 31, 2004

A blogger friend of


A blogger friend of almost two years now, who my other friends and I consider to be a bunsong "alaga" (kasi mas bata sya sa amin) made a comment on my entry about Friendster. I'm glad he did kasi it made me realize that I needed to clarify what I meant to say. I'm posting here his well-intended comment and part of my answer to his comment.

"Pasensya na po ate siens, pero hindi ko po type yung dating ng last parts ng entry mo ngayon - either tinamaan ako o masyado pong preachy, hindi ko po sigurado. Malamang tinamaan lang ako hwehehe (sino ba dito ang pinaka-"golden" ang mga testimonials? *tingin sa pader*)"

I didn't mean to sound preachy, my prend.. Pasensya ka na kung ganun ang dating, ha. Pero, believe it or not, talaga kasing may mga experiences ang mga iba sa friendster na talaga namang hurting din kasi. Maraming messages ng "everlasting friendships no matter what happens" tapos malingat ka lang, nagbago na ang ihip ng utak, iba na ang mga tinuturing na best friends nila sa friendster. Kapag may narirnig akong ganung stories, nalulungkot ako talaga. Kasi I know what it's like to trust supposedly good friends na in the end, ni-u-use ka lang pala all along. And hindi lang sa friendster nangyayari ito - sa mga text messages din, mga christmas at birthday cards, at kahit na sa slumbook ganun din (hehehe).

Pero I also know na hindi lahat ng nasa friendster ganun. I know of real life friends na nasa friendster na hanggang kamatayan, pangangatawanan ang mga nilagay nilang mga testimonials. And when I read those, for me, it's a promise that there are still people out there na totoo and good people are still all around. At kung bibilangin, malamang mas marami pa rin ang may alam kung ano ang tutuong ibig sabihin ng salitang "kaibigan".

Ang entry ko naman is not for those who know that in their hearts, they have found true friends and they juat want the other surfers of friendster to know that. My entry is just to vent my disappointments about some real life incidents on "friendships" that fail to make the grade.

--------

Posted by atesienna at 12:00 PM | Comments (0)

Etong friendster na ito,


Etong friendster na ito, I've been influenced by MizBelle and Kikay to join it about a few months ago (actually, more like coerced to join, hehehe). And for awhile, I've been so hooked to it that I would search and search and search for people I know. (Uy, si ano.. kilala ko ito *click*. Ay, andito sya?? Hmm.. sige, i-add natin yan *click*. Ay, add mo naman ako *click*.) Without me knowing, mas marami pa akong friends sa listahan ko kaysa kay MizBelle at Kikay (hehehe, wagi ang lola ninyo!).

Friendster was put up mainly to hook up your single friends. Mistulang Dating Service sana sya. I have a friend na single and I have this other friend na single din. Kung wala pa sa Friendster ang single friend ko, papa-join ko sya tapos ipe-pair ko sya sa friend ko na nasa listahan ko. Boy, meet Girl. Girl, meet Boy. Sige, ilink nyo ang mga profile nyo together ha, tapos usap kayo ha, tapos date kayo. Ay, winner tayong lahat!

I'm pretty sure that some love relationships are now happening because of Friendster. Everything can happen now on the internet. So hindi ako magtataka kung minsan eh may mabasa na lang akong love testimony na "We meet on Friendster.com, chu-chu-chu-chu..." Parang yung mga testimonial nuon about relationships blooming because of ICQ or IRC.

Pero for the Pinoys, Friendster is a way to gather up all your friends, to try and look for missing and long-lost friends, to make new friends and the ultimate goal - to see how many friends you can come up with.

I'm guilty of the charge of trying to search for people I know that I can include in my list. Kaya naman ultimo mga anak-anak ng mga prenships ko na naka-link sa profile ko, nasa friendster list ko rin. Ultimo mga kapatid nila, mga asawa nila, mga kaibigan ng mga kapatid ko, lahat sila nasa Friendster list ko.

At hindi lang people ang nasa listahan ko. Andyan din ang mga schools na pinanggalingan ko, ang college na kinabilangan ko, mga lugar na napuntahan ko, mga bars na paborito ko, mga organizations sa internet na kasali ako, etc.

Total profiles in my list as of today: 90. At mababa pa yan, compared sa iba na 400 na profiles na ang nasa Friendster list nila. (Hindi na kaya ng mga powers ko yun, swear!)

Ang masaya kasi sa site na ito, nakakaaliw na halungkatin mo ang mga kaibigan mong di mo na nakikita for sooo long. Plus, andun din ang mga friends na lagi mo ring nakikita. You can send them private messages, you can leave bulletins for your list and you can write testimonials to your friends that other people can also see. Eto.. etong mga testimonials na ito ang pinag-isipan ko ngayong gabi.

Eto na lang, basahin ninyo:

"She's my very best friend in all the world. Wala kaming katulad. Magkapareho kami ng ugali kaya magkasundo kami. I will never ever change and you will always be my best friend forever and ever till death do us part, mamatay man lahat ng tao, magunaw man ang mundo, I will never forget you and you will always be my best friend."

Eto pa:

"I met this guy about 2 months ago in a party. He's so caring, very thoughtful, so fun to be with. We always see each other during gimikan. He's just like a brother to me."

Idagdag mo pa ito:

"True Friend ko yan kahit na hindi ko sya madalas makita. The last time I saw her 6 years old pa lang kami nun, 20 years ago. Pero true friend ko sya, ha, kasi hindi sya nagbabago."

Eto ang peborit ko:

You're my prend for life. I consider you my prend kasi ang dami mo nang nagawa for me. Sana wag kang mag-sawa ng kakatulong sa akin. Pasensya ka na ha, twing lalapitan mo ako because of your problems with your boyfriend lagi akong may meetings sa work. Honest, busy lang ako talaga. Pero promise, friends talaga tayo. I will always be there for you no matter what!"

O, wag kayong matawa. Marami nga akong nababasang ganyan. Meron pa nga dyan ang listahan nila, puro mga artista. Ultimo si Mahal at si Mura nasa listahan nya. At ang nakakatawa, may testimonial pa sya sa mga ito, ha. Makabagbag-damdamin. Parang bespren na bespren sila. "Don't change your cute little ways!" (LITTLE??? Dahil maliit si Mahal at si Mura, ganun???) Alam kaya ng taong ito na yung ibang artistang nasa listahan nya, hindi naman mga tutuong artista ang nasa likod ng mga profile na yun? (Ang knows ko por syur, yung Smokey Manaloto na nandun sa Friendster, hindi talaga si Smokey yun. Promise talaga... I swear!)

Iniisip ko, yung mga "testi" (short for testimonial) kaya na nilalagay ng mga tao sa mga "friends" nila, do they really know what they're talking about? How true are the meanings "Best Friends", "True Friends", "Special Friends", "One and Only Friends", "True Best Friends"? (Teka... meron bang "False Best Friends"? Eh di hindi na best friends yun, diba?) Meron akong mga naririnig dyan, bespren-bespren sa mga testimonial at mga profile nila, pero nahipan lang ng hangin, kinalimutan na ang kaibigan at lahat ng sinulat sa mga testimonial at mga profile nila. Makikita mo na lang, iba na ang bespren nila. Ganun??? Yun pala ang definition nila ng "besfren". Iskeyri yun, ha... walang patumanggang mag-a-a-announce ng prenship tapos nalingat ka lang, wa na. Ikanga ng commercial ng tsinelas, "Wala akong maaasahang tibay sa'yo!"

Ako, di ako nagmamalinis. Pero kung susulat ako ng "testi", gusto ko, tutuo sa loob ko ang sasabihin ko. Hindi sya maibabalik sa akin ng sinulatan ko na nambobola lang ako sa mga sinusulat kong mga salita at papuri sa kanila. Ang gusto ko, magkaroon man kami ng masamang alitan (wag naman, Lord), alam ng sinulatan ko na honest at sincere ako nung sinulat ko yung testimonial na yun dahil alam ng sinulatan ko na I did my best to be a friend to him/her. Hindi ako magsusulat ng mga makabagbag damdaming mga salita kung hindi ko naman sya kayang pangatawanan.

Words are cheap. Ang dali-daling sabihin na kayo na ang pinaka-super-duper-mega-over-ever-after prends of all time pero mas mahirap na ipakita sa kaibigan na ganun nga ang nararamdaman mo para sa kanya.

Teka... actually, naisip-isip ko.. hindi nga pala ganun kahirap na iparamdam mo sa kaibigan mo ang sincerity mo as a friend. Basta ba malinis ang puso mo, ang isip mo at mga intentions mo sa taong ito. At alam mo na kahit na anong mangyari, to the best of your abilities, kung worth it syang kaibigan, ipaglalaban mo ang friendship na ito.

May isang payo lang ako sa mga Friendster addict na katulad ko - bago kayo magsalita o mag-profess ng inyong walang kamatayang pakikipag-kaibigan sa isang tao, alamin nyo muna kung tutuo ngang kaibigan sya. Medyo alamin nyo muna kung honest nga sya at hindi kayo binobola o pinagsisinungalingan. Intayin nyo muna na masubukan ang pakikipagkaibigan ninyo, bago nyo sabihing, pareho kayo ng ugali at magkasundo kayo. Sipatin nyo muna kung karapat-dapat nga ba syang tawaging "Bestfriend".

At kung feel nyo eh magkaibigan nga kayong tagos sa puso, pangatawanan nyo. Be there for your friend, iparamdam ninyo na magkaibigan nga kayo - in the truest sense of the word.

At kung magagawa nyo yan, wagi na ang Friendster sa inyo!

--------

Posted by atesienna at 02:45 AM | Comments (0)

January 25, 2004

I've been working hard


I've been working hard on a lot of templates and some webmaster tasks this weekend that I didn't even see the sun out. Dalawang araw akong naka-harap sa laptop ko. The only connection I had with the outside world is the TV inside our room. So keeping me company the whole time I've been working on my laptop is "The Osbournes" marathon on MTV. Their season premiere is this coming Tuesday. I'm interested to see what Ozzy looks like eversince he's been taken off most of the drugs that he's been on for soooo long. There was a news a few months ago that Ozzy was undergoing a 42-pill-a-day regimen prescribed by his Beverly Hills doctor, which included anti-psychotic drugs and tranquilizers. I wonder what a sober Ozzy would look like. Funny pa rin kaya siya kahit na hindi na sya bangag?

Last Friday night, at 12:00 midnight, we (Papa Rodge, MariaCelia and I) went to watch the cult show Hedwig and the Angry Inch at the Leammle Fairfax sa Beverly Blvd. It was different for me - tipong interactive movie-watching. You watch the movie while, some local actors act out some parts of the movie live. It was fun. nakakaaliw ang mga sisters. The movie ended at 3:00am. Why the ungodly hours? Ganun ata talaga kapag cult movie.

So like I said, habang nagmamarathon ang "The Osbournes", nagmamarathon naman ako ng pag-ayos ng mga websites. To make a small announcement (may big announcement siempre once everything is in order at pag natapos ko ang bagong splash page ng pansitan.net), marami na tayong ka-pansitan! Some of them, kilalang-kilala nyo na, because they're all popular in their own rights. Some are newbies, pero, promise, worth reading din!

I am so proud to announce na we already have the following bloggers on pansitan.net!!


Hu Ar Da Pipol in da Neyborhud

Ang mga Beterano (kung nasa bookmarks nyo sila, it's time to change your links)
Da Two by Gretch*
My Life by Jet*
Ang Haring Liwanag by Apo Jim
Ala-ism by Ala
Pondahan by KiwiPinay
The Prada Mama Chronicles by Prada Mama*
87 Gentle Street by Renee*
A Girl Named Jah by Jah

I-welcome din natin ang mga bagong bloggers... very promising din!
Dawg-Assed Days by Rodge*
Miz B by Belle*
chickaMars by MariaCelia*
Kikay! by Tonineli*


Marami pang susunod...
May mga tatlo o apat pang makiki-bahay na rin sa pansitan.net, kaya abangan ninyo!!

Sa mga boarders ng pansitan.net, maraming salamat sa pagtitiwala ninyong maging parte ng Pansitan community. I am very honored to have all of you. Promise, everyday happy-happy...

* Websites designed by Manilena.com

--------

Posted by atesienna at 11:19 PM | Comments (0)

January 21, 2004

Three-day weekend kami nung






Three-day weekend kami nung January 17 - 19, Martin Luther King, Jr. Day nung Lunes. And for me it was "Meeting Jet and Jay Weekend".

You cannot imagine kung gaano ako kasaya to finally see Jet in person. Nag-come into full circle na ang friendship namin from the time na nag-e-email lang kami sa isa't-isa, nagsasagutan sa mga blog ng isa't-isa, nagpapadalahan ng kung ano-ano by mail at nagtatawagan sa telepono. And this all started 2 years ago. Siguro, iba talaga ang bonding kapag nakaka-emailan mo at nakakausap pa lang sa telepono without knowing yet kung ano talaga ang itsura nya in real life (despite pictures). Jet and I shared stories of our lives long before we even talked with each other over the phone. We've shared life experiences, aspirations, inspirations and sometimes, even disappointments and heartaches. Alam na alam ko ang mga taong pinakamamahal nya and how much she loves them. Alam din nya ang mga taong malapit sa puso ko and she knows the lengths I would go to for the people I love. We've talked about our separate lives' crossroads and how, by God's graces, we were able to surpass them. Alam din namin what makes the other person annoyed and irritated. Malalim na ang pinagsamahan namin ni Ateng na to finally see each other in person, we couldn't help but cry when we've finally embraced.

Seeing Jet and Fafa Jay together made me realize how much they love each other. Jay would indulge Jet in her little paglalambings and Jet, in return, takes care of all of Jay's everyday needs. Pinagsisilbihan nila ang isa't-isa, not out of obligation, but because you can see it in them that they love doing it for each other and take pleasure in doing so. Sabi nga ni MariaCelia, very inspirational sa kanya to look for a papa. (hehehe) ang relationship ng mga kaibigan ko.

Our trip to Hollywood and Santa Monica Pier the next day was just as much fun. Wala kaming ginawa kundi magtawanan. MariaCelia created the day's highlight for me when she showed us the way to the nearest point of the HOLLYWOOD Sign without having to go to the Observatory. Talaga namang puro kami papictorial dun sa lugar na yun! Santa Monica was also fun, sumakit ang tyan namin sa kakatawa sa mga pinagkwentuhang karaoke moments.

My nights with Jet and Jay were my most treasured. Kasi finally, we've known what it feels like to talk and talk seeing each other's reactions and smiles. Kung nuon naiimagine lang namin what each other's reactions will be sa mga email kwentos, ngayon, in person, nakita na namin. And it was soooo much better. Inaantok na kami, hindi pa rin kami matigil ng kakakwento.

Jet and Jay also met my friends, Papa Roger and MariaCelia. I have no doubt in my mind that they would hit it off. It was a big help for me that my LA friends helped me entertain my guests. Roger brought a bottle of white wine and helped me cooked during the first night. MariaCelia brought a box of corona, the red ribbon cakes, and helped me show Jet and Jay around Hollywood. If not for my friends, I wouldn't be able to pull the weekend off successfully. Thank you Roger and MariaCelia!! Oh, and a big thanks, of course, to my ever-lovable, ever-supportive Andres for cooking the beef roast on Monday night and helping me entertain. Ang sarap talaga ng may "other half"

Marami pa ang snippets of stories to tell of my weekend with Jet and Jay. Medyo ihihinto ko muna dito at 8:11 am na eh nandito pa ako sa harap ng laptop ko sa bahay. Abangan ninyo ang kasunod maya-maya...

On a more webmaster stance:

My apologies to some very valued people because I didn't email them back right away. I guess by now you know why :) But I've replied back to your emails as soon as I could about your questions. If you have any other problems, let me know. And since I am now back to me geek ways, I will be able to reply much quicker.

MizBelle, I will set you up on FTP and give you instructions on how to do that, k? Give me tonight to do that.

Kikay and MariaCelia, your templates are going up soon.

Renee, Jay and I have talked about how to go about your other templates. Abangan mo na lang sila dyan. I will upload your new template soon.


(Note: Hindi po nawawala ang mga comments ninyo sa blog ko. Lumipat lang po kasi ako ng HaloScan kasi di ko na type ang blogback.)

--------

Posted by atesienna at 08:19 AM | Comments (0)

January 15, 2004

Huwebes, tulog. Byernes, tulog.


Huwebes, tulog. Byernes, tulog. Sabado. tulog. Alam nyo yung feeling nyo nung bata kayo na binibilang ninyo ang tulog bago mag-pasko o bago dumating ang araw na pinaka-iintay ninyo? Ganun ang feeling ko ngayon. Tatlong tulog na lang magkikita na kami ni Ateng Jet at Koyang Jay ko. Woohoooo!!!! Basta... basta... talagang di ko na mapigilan ang excitement. Parang feeling ko kapag umuuwi ako ng Pilipinas o makikita ko ang mga kapatid ko o sina Inang at Itang, o nung hindi pa kami magkasama ni Andres ko, kapag makikita ko si Andres ko. Ganun katindi ang excitement ko ngayon. Kaya, excuse lang po.. magtatatalon lang ako sandali. hehehe

Pero ang isa pang nais kong batiin eh ang kapatid ko na kasunod ng birthday ni Ateng Jet ko - Si Patring. Eto ang original kong bebi talaga. Eleven years old na kasi ako ng pinanganak sya. So siempre, marunong-runong na akong mag-alaga ng bata nun.

Nung inaalagaan ko sya nun at mga isang taon na sya, gusto kong gayahin yung mga batang naglalaro na may karga-kargang kapatid nilang bata sa may bewang nila. Kaya nung isang araw, maglalaro ako nun kasama ng mga kaibigan ko, sinampa ko si Patring sa bewang ko at turn ko nang mag-piko, hindi ko magawang tumalon-talon ng nakasampa sa bewang ko si Patring. Ma-giraffe pala yun.

Apat na taon sya nun, wala si Inang, di ko alam kung bakit, naisipan kong putulan ng buhok si Patring dahil nga summer. Sampa na sya silya, excited na excited. Ako naman, dala ang gunting ni Inang, hala... gupit, gupit, gupit. Hanggang kasing-ikli ng gupit ng Beatles na mukhang bao ang ga-bewang na buhok nya. "Nice my hair," tuwang-tuwa pa nyang sabi habang pinagmamasdan nya sa salamin ang bagong-gupit nyang buhok. Tuwang-tuwa din ako kasi hindi madaling mag-gupit ng buhok ng isang apat na taon na bata na makulit!

Eto na... Hindi pa happy ending yan. Ang nawala sa isip ko, ambisyon nga pala ni Inang ko na lumagpas ng pwet ang crowning glory ni Patring. Isipin nyo na lang ang reaction nya ng sumalubong sa kanya si Patring pagkauwi nya! Muntik na syang ma-atake de corazon sa mala-bunot na buhok ng kapatid ko. Halos kalbuhin ako ng nanay ko nang malaman nya kung sino ang may kagagawan nun. Magmula nun, ako, si Patring at ang gunting hindi na pwedeng magkakasama sa isang lugar... EVER!

Maraming-marami pa akong fond memories na kasama ang kapatid ko. Pero no matter how grown up she has become, bebi ko pa rin yan. Pero hindi na nga lang sya bebi. Nanay na ang kapatid ko... nanay sya ng pinakamagandang pamangkin kong babae (dahil nag-iisa lang sya) na si Chingching. At proud ako kay Patring. Kasi napakita nya na responsable syang ina at asawa. Walang ginawa yan kundi sundan ang anak, bihisan na parang barbie doll at alagaan ng husto. At hindi birong magpalaki ng anak.

Happy Birthday, Patring! I love you.

Love na love ko si Patring... at si Greta... at si Ringo. Lahat sila malaki at importanteng parte ng buhay ko. Ang mga kapatid ko...




--------

Posted by atesienna at 10:01 PM | Comments (0)

Persopol, maraming salamat po


Persopol, maraming salamat po sa lahat ng nag-iiwan ng messages nila, nag-iiwan ng comments... (Salamat kay sister pren Jet sa pag-ikot sa mga blogs at pag-announce ng bagong tirahan ng pansitan)

Pasensya na kayo at di ako nakakadalaw dahil super busy ang lola ninyo this week. Balik trabaho na kasi ako pagkatapos ng dalawang linggong bakasyon. Busy rin akong mag-asikaso ng mga bagong miembro ng pansitan.net. Masusupresa talaga kayo sa mga magiging bagong kapitbahay natin. Pero it's a welcome suprise ikanga. Medyo bibitinin ko pa nga lang kayo ng konting-konti na lang habang inaayos pa namin ang lahat ng mga kelangang ayusing mga links at kung ano-ano pa. Pero malapit na malapit na...

Pangatlong pinagkakaabalahan ko ay ang pagbisita sa amin ng Sister Pren Jet at Koyang Jay this weekend. Excited na ako talaga dahil por da pers taym eh magkikita na kami ng Ateng ko! Isipin ninyo, after almost two years na panay lang kami email at tawagan sa telepono, sa wakas, magkakaakap na kami. Kaya naman panay ang ayos ko na ng balay, nagiisip kung saan ko sila pwedeng ipasyal at kung ano-ano ang menu ko habang nandito sila. Kaya abangan ninyo ang mga fixtures namin...

Ispiking of fixtures.. inaayos ko pa ang Awtsayd Da Windo. Marami pang links na hindi pa nagana. Actually natigil nga ng konti ang pag-ayos ko ng pages ko dyan kasi nga sa sobrang daming inaasikaso. Pero pangako, malapit na po syang matapos.. konting-konting hinga na lang...

Pansamantala, bisitahin nyo ang mga kapitbahay ng pansitan.net at pihadong mag-eenjoy kayo sa kanila:

Si Papa Rodge
Si Greta
Si Kiwipinay

Siyam pa na kapitbahay ang makakasama ninyo sa pansitan.net... malapit na!!!

--------

Posted by atesienna at 07:03 AM | Comments (0)

January 11, 2004

testing --------


testing

--------

Posted by atesienna at 10:35 PM | Comments (0)

January 09, 2004

Habang naghihintay ng jobrun


Habang naghihintay ng jobrun ko, maka-tsika nga ng konti :) (hehehe.. keep kyawet kayo dyan... wag nyo ako isusumbong... )

Byernes na naman!!!! Marami akong planong gawin this weekend: maglaba, mag-linis ng bahay, mag-luto at gawin ang mga websites ng mga prenship bonds. Marami pa tayong makakasama sa pansitan.net. Excited na akong makasama sila, pero isu-suspengs ko muna kayo kung sino-sino sila ng konti pa! Next week, maglalabasan na silang lahat!

Panawagan: JAH, email mo ako: "pukasimba at hotmail dot com". Para mapagusapan na natin yung gusto mong gawin natin :)

O teka.. babalik na lang ako.. tapos na ang job run ko.. hehehe...


Pahabol pa ulit - Blessed are the innocent...

Yung kasama ko ditong si MariaCelia, kaibigan ko sya mula pa nung nasa Pilipinas kami. Unang nakilala ko yan eh kakagradweyt lang nya ng college sa UST nun - 1993.

Nagkataon, pareho kaming crush na crush namin yung karpintero na si Ty Pennington ng Trading Spaces.

Kanina, tinanong niya kami ni Roger kung pwede raw kaya syang magtrabaho sa Trading Spaces.

Sagot ni Roger, "Eh ano naman ang magiging trabaho mo dun??"

Walang kakurap-kurap na sagot ng MariaCelia, "Taga-tulong kay Ty. Parang 'Ty, can I carry your WOOD?"

Nagulat pa ang MariaCelia kung bakit kami biglang nagtawanan ni Roger.


--------

Posted by atesienna at 01:08 PM | Comments (0)

January 06, 2004

O sya... Ang tagal


O sya...

Ang tagal ko atang hindi nakapag-blog... nagkaroon ng maraming problema, pero nagkaroon din ng maraming magandang pagbabago. Una, bago na ang Pansitan ng inyong Ate Sienna. Nasa pansitan.net na tayo.

Pangalawa, marami na rin tayong kasama, at marami ang makakasama pa:

1. Si Ateng KiwiPinay ng Pondahan (http://pondahan.pansitan.net) ay, ikanga ni Ateng KiwiPi, "ka-flat-mate" na natin.

2. Ang "Da Two" ni Greta (http://gretch.pansitan.net), ay lumipat na rin. Marami kayong mababasang nakakatuwang kalokohan ng dalawa nyang anak (at labs na labs kong mga bagets) na sina Popoy at Mokong.

3. Ang kaibigan kong si Rodge ng Tagayan (http://tagayan.pansitan.net) ay naimpluwensyahan din nating maging blogger na rin! I-welkam natin sya sa blogging world para naman ganahang mag-blog ng mag-blog at para dumami din ang mga bloggers sa prenster list nya.

At marami pang darating. Andyan pa si Ngyaw-ngyaw, si MizBelle at ang the Drift na coming soon lahat.

Tumatanggap pa po ako ng mga boarders (hmmmm.. mga dalawa o tatlo pa) na gustong sumali sa pansitan.net. Sabihan nyo lang ako. Mag-iwan ng email address kung saan ko kayo ma-ko-contact at pagusapan natin.

Matatapos na rin ang website design site ko na Manilena.com. Kaya abangan nyo rin.

O sya... Happy New Year sa lahat. Pero bago ko kayo iwan, may isang message lang ako na galing sa aking kaibigan at labs na labs na si Antonia. Sinulat nya ito sa kanyang Friendster profile at gusto ko lang i-share sa inyo for the coming year. Bakit feel kong ilagay? Wala lang.. kasi talagang punum-puno ng aksyon ang aming 2003 at yung sulat nya just made me reflect on the past year. Kung medyo na-ko-kompyus kayo sa ispeling nya, hindi po grade 1 si Antonia. Super-texter kasi yan kaya pati sa friendster nya at mga email sa akin eh ganyan na sya mag-sulat. (Pero wag apihin... matalino yan! - hehehe, depensib, eh no?)

"YEAR 2003: d year 2003 is not d best year for me n to a lot of my frends, there were more downs dan ups.. more pains dan joys, more fyts dan makeups.. But arised from it are great lessons in life, dat I would not have learned without these bad experiences. I have learned: dat it takes two to make a misake, it also takes two to build a friendship, dat friendship is about giving n not asking for anything back, appreciation n acknowledgement is enough. I also realized dat I learn from my daughter more dan she learns from me (hehe)..

Year 2003, not only made me a better mom but a better friend.. It's not always agreeing to ur friends, but supporting dem to their happiness whatever dat may be..
Wishing those who parted, sincere happiness.. N accepting old friends uncondionally n with open arms. I have learned dat we cannot judge ppl base on their outside appearance but wat's in their hearts.. I also learned to fyt for the people who matters d most, be true to them, cherish them n NEVER take dem for granted..

So to the ppl who made me not only a better person but a stronger one, u know who u r.. Thank you..If I were to change anything in the year 2003, I would not change anything! No regrets! Year 2003 was a wake up col for all of us, dat shiets do happen n it does take courage to accept your faults n be a bigger person..I wish everyone a better year in d coming 2004, but only YOU can make dat happen.

I'm not planning a lot of changes in the year 2004 may be just "fry free" year, para maka diet.. hehe..



May the coming year be full of good things for all of us!

--------

Posted by atesienna at 06:06 AM | Comments (0)