Image 1
Image 2

« January 2004 | Main | March 2004 »

February 29, 2004

Sya... sa mga nagtatanong,


Sya... sa mga nagtatanong, si Andres ko po ay kasalukuyang tulog ngayon. May bad habit po kasi yan na gabing-gabi na natutulog - as in madaling-araw na! Minsan pa nga eh nakukunsumi ako kasi nakakatulog sa upuan! Tama ba??? At kapag nagising mo pa eh akala mo wala sa sarili na kung ano-ano ang pinagsasabi. Sabi nya kasi kapag binibigla ko sya ng gising at nasa gitna sya ng mulat at panaginip eh hindi pa raw sya totally gising nun. Entonces, ayun, parang akala mo nasa ibang planeta kung umasta.

Nung minsang ginising ko, susuray-suray na pumasok ng kwarto at nagtanggal na ng jogging pants. Aba.. maya-maya pinulot ang maong na pantalon nya. Tanong ko, "Huway ar yu putting on yur pants?". Ang sagot ba naman, "So that I won't have to put them on when I take you to work." Sabi ko, "Ha???? Lab, huwatyuseyingder????" At dun lang ata nya na-realize na para syang tanga kaya binitiwan ang pantalon at tumuloy na sa kama para humiga. Diba...

Ilang beses na nangyari ito.. ilang beses ko na ring sinasabihan na kapag inaantok na eh tigilan na ang computer at tumayo na. Eh ganun pa rin, kaya sabi ko sa kanya, hindi na ako gigising para lang sabihan syang matulog na at nakukunsumi ako. Kung makakatulog sya sa silya, bahala sya... hindi naman ako ang magkaka-istipnek. Kaya ayun... awa ng Dyos, mga ala-una-alas-dos pa lang nasa kama na ang mokong! Hayyy naku....

- - - o O o - - -


Nung minsan ihahatid na ako ni Andres sa upisina, kumakanta ako nung kanta ng Vapors na "Turning Japanese". Tinanong ako ni Andres kung alam ko raw ba ang tutuong ibig sabihin nung kanta. Sabi ko, namimiss nya syoting nya kaya, turning Japanee na sya? Natawa siya. Sabi nya, hindi rin daw nya alam kung ano talaga yun until nabasa nya sa internet kung ano ibig sabihin.

That song will never be the same for me ever....

- - - o O o - - -


Maghahanap na kami ni Andres ng ibang apartment today. Medyo mahal na itong apartment namin for the kind of condition it's in. Maganda sana dito, pero not worth the rent. So kukuha ako ng mga pictures at ipapakita ko sa inyo yung mga nakita namin.

- - - o O o - - -


Tanannnnn!!!! Lumabas na po ang isa pang blogsite ng pansitan.net!

Kung naaalala nyo pa ang kwento ko tungkol sa aking mga logbook girls, maalala ninyo na may logbook kaming sinusulatan dati. With the approval of everyone, I have made it into a blog! You can read all about what we used to think and do about 17 years ago. I promise you, they would be interesting reads...

Kaya, eto na po, mga prenships... ang aking mga sister-presnhips - The logbook girls... . I-Bookmark nyo ha!

- - - o O o - - -


O sya, marami pa sana akong isusulat, pero namnamin nyo muna lahat ito. Magbabalik ang inyong Ate Sienna...

--------

Posted by atesienna at 07:27 AM | Comments (0)

February 22, 2004

Do you know that


Do you know that singer/songwriter/author Mr. Jim Paredes of the legendary Apo Hiking Society is also a photographer? And a very good one at that! Lately, I worked with APO Jim to come up with a few of his chosen photographs that he wants to showcase on his site. Check them out, kiddies! The photos are really awesome and full of "character". I'm pretty sure you'd enjoy them as much as I did.

And after you're done checking out APO Jim's photos, balik ka dito dahil may papakita pa ako sa'yo...

Eto pa ang isang bago:

Check out the new banner page for Pansitan.net! I am really so proud of all the members of the Pansitan community! Lahat sila may kanya-kanyang karakter, lahat may kanya-kanyang style. I'm sure that everyone who visits our little blogging community here will definitely enjoy every minute that they spend with us. It's really a melting pot of a lot of individual personas. May mga artists kami, mga writers, mga mothers, mga career-minded people, may students, housewives - lahat meron kami! It's just so bad that altho I would still want to bring in more good bloggers, I just can't anymore due to limited space. Siguro one of these days, when my Andres and I would have our own servers, we'd be able to do so. I'm so honored that they've trusted me enough to host their wonderful sites!

May tatlo pang darating na matagal na dapat na nasa Pansitan. Abangan! But for now, enjoy the Pansitan Community, folks! Ito ang inyong BAGONG TAMBAYAN!

--------

Posted by atesienna at 02:10 PM | Comments (0)

February 18, 2004

May project ako sa


May project ako sa opisina ngayon na ako ang gagawing lead (siempre may supervision pa rin ng lead analyst namin). I'm doing the design of the system and right now, I'm doing the design of the online screens. Nagawa ko na itong mga screens na ito before, may mga babaguhin lang kaming konti to suit the operations of the users. Someone else will be doing the programming of the online screens in Natural, I will be doing the backend COBOL programs that will update our databases. Maybe another programmer might join us, too. Pero I might grab the opportunity to get my hands wet again on programming in Natural by doing smaller screens kasi medyo matagal na rin akong hindi nag-po-program sa language na ito. Para lang makabalik ako sa online and learn Construct also.

Excited ako. I've never lead a project for a long time now since I left the Philippines my Philippines. Medyo scary kasi mas malaki ang responsibilities ng lead analyst - timeline ng project, interacting directly with the users, making sure you're adhering to the requirements of the system, administering the testing, making sure the system performs correctly, and the most important thing - finishing the project on time. Pero, kaya ko ito... I was made for this! (hehehe, siempre, lakasan ko na ang loob ko, ano!) i'ts a chance for me to show my worth :)

Preyober nyo na lang ako, hokey?

At dahil sa hirap ng buhay ngayon, kung makikita nyo itong kumakatok sa mga pintuan nyo, utang na loob, paki-ambunan naman ng kabaitan ninyo.



--------

Posted by atesienna at 07:37 AM | Comments (0)

February 11, 2004

Minsan kapag marami kang


Minsan kapag marami kang ginagawa sa trabaho and you try to give your best, specially when it counts the most, medyo maiirita ka kapag feeling mo ang iba hindi malaki ang binibigay na effort for the project. Kahapon ganun ang nangyari sa akin. Medyo nayamot lang ako ng konti.

Ako ang taong akala nila pa-easy-easy lang sa trabaho. Kasi lagi akong nakatawa, lagi akong ma-chica atsaka pwede akong lumaban ng pagka-mayor dahil sa dami ng mga hina-Hi at Hello ko sa opisina. Pero ang di alam ng marami (dahil ata hindi masyadong obvious), kapag nagdibdiban na akong sumubsob sa desk ko, ibig sabihin nun, seryus mode na ako. Multi-tasking ang byuti ng lola nyo - tatlo-tatlong projects, sabay-sabay na pina-aandar, sabay-sabay na pinag-iisipan. Oo nga't may chica pa rin ako on the side kasi katabi ko sa lugar ko si Maria Celia at hindi ata pwedeng hindi kami magkaroon ng pabugso-bugsong chika the whole day, nagagawa ko pa rin ang mga dapat kong gawin. At alam ng bossing ko na maaasahan nya ako.

Kaya kapag nalalaman kong ang ibang taong kasama namin sa project eh puro salita lang pala at wala namang output, medyo nayayamot ako. Iniisip ko kasi, kung ako nga, hindi ko pa masasabing, in all honesty, 100% akong magbigay ng effort (kasi nga madaldal nga ako), paano pa sila na hindi nila nagagawa ang dapat na ginagawa nila??? Kung alam nyo kasi ang development cycle ng pag-gawa ng isang application system, magtataka kayo talaga bakit yun pa lang ang naa-accomplish nila all these months. Nakakatawa sya mas lalo na kung maririnig nyong mga hiritan sa meeting room, pero in the end maiisip ninyo.. teka... eh parte ako ng project. I don't work alone. I work with a TEAM! At kung palpak ang isa, eh di palpak kaming lahat! Ay, lola.. hindi ko ma-take yun!!!

Ganun ata talaga.. may mga taong puro lang satsat, may mga taong pinapasa ang blame sa iba, may mga taong tamad... pero ikanga ni Andres ko, as an individual worker, if you're doing your piece of the work and they're not, then, singly, you still outshine them.

Pero iba pa rin kasi yung feeling na you've done your work and everyone else has done the same...


On a webmaster note:

Pakipalitan na po ang mga bookmark ninyo kay Maria Celia. (http://chikamars.pansitan.net) Lumipat po sya ng ibang kwarto dahil naiingayan daw po sya sa mga ngyaw-ngyaw ng mga pusa sa may binatana nya.

hehehe

--------

Posted by atesienna at 07:45 AM | Comments (0)

February 10, 2004

PLDT loses court bid


PLDT loses court bid to shutdown website
By Chin Wong

AFTER more than four years in court, website owner Gerry Kaimo won the first round in his landmark legal battle with the Philippine Long Distance lTephone Co. (pldt) over the "pldt.com" domain.

In an order issued late last month, Judge Reynaldo B. Daway of the Quezon City Regional Trial Court Branch 90 denied pldt's request for a preliminary injunction that would have shutdown Kaimo's satirical website while the case was being decided.

Basahin ang buong balita dito!

--------

Posted by atesienna at 09:10 AM | Comments (0)

February 05, 2004

Bago ang lahat, i-welcome


Bago ang lahat, i-welcome po natin si Ayeza ang pinaka-bagong miembro sa Pansitan.net! Welcome, Ayeza. Nawa'y mag-enjoy ka sa pansitan!

Sho-op ko lang po sa inyo ang galing ni Popoy kong magsulat. Five years old pa lang po yan! Sinulat nya po ito nung paalis na si Itang ko ng Pilipinas, pabalik na ng Kaneyda. Yung isang card, para kay Itang at yung isa ay para sa akin... Diba, so bright my kiddies?









hayyyyy... gustong-gusto ko nang umuwi ng Pilipinas... uuwi na ako talaga! Now na!



Ps. galing kay Greta:


maki was the one who wrote his name on the card...give credit where credit is due..hehehe

--------

Posted by atesienna at 07:37 AM | Comments (0)

February 03, 2004

I believe our country


I believe our country still has hope, but not in the hands of FPJ and Loren Legarda. Don't get me wrong... I like FPJ. He's a decent man with a kind heart who has helped a lot of people in and out of showbiz. But despite all the heroic bida roles he was in, the role of president of a country badly in need of a good leader to survive is one act he could not pull through.

His vice-presidential candidate, Loren Legarda, I have always admired because of her good journalism style. But that is not enough to resuscitate the failing Philippine economy...

Kapag nanalo sila, kawawang bayan ko...



Dear Loren,

A couple of weeks ago, in a bus from Baguio to Manila, I overheard the conductor ask the driver, "Sino pare'ng iboboto mo, si Noli ba o si Loren?" And the driver replied, "Ang ibig mong sabihin, yung tanga ba o yung traydor?"

At about the same time, I saw a newsclip showing you and FPJ, among others, dancing with some gaily costumed people. I saw it for just a minute, maybe even less, but as I watched, the image of you - hands up in the air, face smiling so widely, body moving to a rhythm I couldn't hear - eerily reminded me of another dancing lady senator, only three years ago, looking just so in the august halls of the Philippine Senate-turned-Impeachment Court: Tessie Aquino-Oreta. You were there too. But if I remember right, you were weeping while she did her two-step, and I was weeping with you. Now, uncannily, you were the dancer, and I felt like weeping again.

When I read in the papers that you had left your party, I had goose bumps. And I smelled something not unlike fish. Soon enough, I was reading about you being FPJ's vice presidential candidate. My heart sank.

If you care to know, my heart's been sinking a lot lately. I don't need to detail the issues confronting our country to you, of all people. Though I never really expected it would also sink on account of you.

I will be honest. I did not vote for you when you ran for Senator. I lived in White Plains - that should ring some bells. When you won, I had my doubts. But I decided to give you the benefit of it. I knew you to be intelligent and hard-working, and I believed you would pour those qualities into your service to the nation. When you turned Senator-Judge, I put you on my prayer list. And up until the proceedings were overran by history, you made me so proud: of being an Assumptionista, of being a woman, of being a Filipino. Like you.

There was a recent get-together at Rina Lopez's home, which I missed, where some batchmates expressed their disappointment over your alignment with FPJ. I heard that the long and the short of it is that you had made up your mind and that you believed in FPJ and in Tito Sotto. This should be when I ask the how-could-you question, but having heard also how you made it clear that it was okay for these disappointed batchmates to not support you as they belonged to a mere 1% of the electorate, I have frankly lost all appetite for what might be your answer.

Instead, I will withdraw from you the benefit of my doubts from almost six years ago. For I have doubts no longer.

You are, however, still on my prayer list. Additionally, I will pray that should the future prove me wrong and vindicate your choice, I may have the grace to apologize to you. But first, I will also pray that in the coming elections, for the sake of our nation, you and you running mate may both lose.

I have absolutely no expectation that this letter will affect history one iota, not national history anyway. But in my personal history, it will
affirm that I spoke my piece, and my children might perhaps appreciate that I did not, in conscience, remain indifferent. You see, ako ay Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa. I always have been.

Sincerely, and very sadly,

Annie Panlilio Salvador

--------

Posted by atesienna at 06:23 PM | Comments (0)