Image 1
Image 2

« February 2004 | Main | April 2004 »

March 30, 2004

Nakokonsensya ako.. di man


Nakokonsensya ako.. di man lang ako nakakasagot sa mga nag-ta-tag at mga nagko-comment dito sa site ng lola sienna ninyo. Pasensya na kayo. Medyo windang ang byuti ng inyong lola dahil patapos na ang design stage ng aking project at magsa-sign-off na kami with our users...

To keep you all on track, about a month and a half ago, may inassign ang aking team lead sa akin na computer application na kailangang i-migrate from a mere MS Access subsystem to a full-blown mainframe online application with re-engineered databases, reports and processes. Although katulong ko ang aming team lead at IT manager (ang kataas-taasang Ina Magenta) sa pagdesign at pag-discuss with the users, ako pa rin ang nag-i-interpret ng mga ideas nila into something visible. So after a month and a half of brainstorming, discussions and meetings, payag na ang users namin na mag-signoff sa design namin. Masaya naman ang mga users namin. Pinuri pa nga kami sa harapan ni Ina Magenta AT ang pinakaimportante sa lahat, konti lang ang tanong at suggestions ni Ina Magenta tungkol sa design namin. Sinabi ng team lead ko na minsan raw nakakita na sya ng design na tinagpas-tagpas ng walang pakundagan ni Ina Magenta. Take note, magaling ang reyna ng enkantasya - huwag tatawaran ang talino at galing ng pag-ikot ng utak. Mistula atang tulog ang matanda eh mga sistema sa upisina ang napapanaginipan ng hitad! Kaya nga paglaki ko, gagayahin ko ang reyna!

Hindi nga rin ako nakaka-ikot kahit na sa mga kapit-bahay sa pansitan isang linggo na! Kahit nga sa pansitan ng lola ninyo, hindi ko man lang nasisilip. Ang aking dyulalay na si Be-be (aksent on da last Be) lang ang nagtatrabaho rine. Hindi po ako isnabera... hindi lang po ako talaga magkandarapa. Katunayan nga, bulkas ng mga alas-tres ng umaga gigising ako para simulang i-update ulit ang techinical design document ng mga pinagusapan naman ng nakaraang dalawang araw para sa meeting bukas din ng alas tres naman ng hapon. Ang ganda ng lola, diba?

Maraming-maraming salamat sa inyong mga comments at pagkamusta... Hayaan nyo, makaraan lang ang linggong ito, back-to-normal na ulit ang byuti ko, bibisitahin ko kayo ulit at sasagutin ko ulit ang inyong mga koments.

Ingat kayong lahat... Dyabu por naw!!!

--------

Posted by atesienna at 09:18 PM | Comments (0)

March 20, 2004

(Kung medyo mahina ang


(Kung medyo mahina ang kalooban nyo, mga kiddies, I advice you to skip this entry and go elsewhere sa pansitan.net. Medyo adult itong topic na ito... seriously.)

Alam ko, kasalanan ko ito...

Yesterday, after work, nagpunta kami ni Andres sa Hollywood Video kasi matagal na kaming hindi nakakapanood ng movie. Umikot-ikot kami sa video store. Nagpunta si Andres sa hiraman ng Xbox cartridges. Ako naman umikot-ikot sa mga new releases nila. Kinuha ko yung "Lost in Translation", "Charlie's Angels" at "Pirates of the Carribean". Pero naipis-ipis ko, hindi ko sya mapapanood lahat. Kaya ini-mini-mayni-mo, "Pirates of the Carribean" ang nanalo!

Hindi.. hindi kasalanan yung pagpili ko nung pelikula ni Johnny Depp (kahit na hindi ko pa sya napapanood, alam kong gusto ko talagang panoorin yun dati pa). Hindi pa yan ang inaamin kong kasalanan ko.

Katulad ng nakagawian ko, go naman ako ng Foreign Films Section. Kasalanan ni Fafa Rodge yun eh - yung intriga sa loob-loob kong manuod ng foreign films, si Rodge ang nagsimula sa akin nun. Pero hindi pa rin yun ang kasalanang sinasabi ko...

So pili... pili... binasa ang mga kahon ng DVD. Cannes Film Festival Entry... Winner, Best Foreign Film sa Sundance... Mas binibigyan ko ng pansin yung mga asian movies - Indian, Chine, Japane. Medyo may leaning ako sa ganitong movies. Yung pagkahilig ko sa anything asian, hindi pa yan ang sinasabi kong kasalanan ko....

"In the Realm of the Senses... Banned at its premiere at the New York Film Festival in 1976... Based on one of Japan's most notorious scandals." Uy, controversial. Mahilig ako sa mga kontrobersyal na isyu... na-i-intriga ako kapag ganun.

"... the story of an ex-prostitute who becomes involved in an obsessive love affair with the master of the household where she is employed as a servant. What starts as a casual diversion escalates into a passion that holds no bounds."

Ok... aaminin ko, curious ako sa mga erotic na foreign films. Kasi I try to look at it in retrospect sa mga bold movies na Pinoy na napapanood ko. I want to have a point of comparison and see for myself kung mas basura nga ba talaga ang sensual movies natin kung itutulad sa mga erotic movies ng ibang bansa.

So kasama ng game ni Andres na GTA Vice City na, sa tutuo lang, hindi nya mapagana sa XBox namin kahit na anong gawin nya. Kaya wag kayong masyadong manghihiram ng mga video games sa mga video stores. Madalas, sira na o gasgas na gasgas na at hindi na umaandar. Kawawang Andres, muntik nang itapon sa bintana ang game dahil hindi sya mapaligaya. hehehe.

Teka.. nasaan na ako... Ah.. oo.. so ayun, dala-dala ang "Pirates of the Carribean", "GTA Vice City" at "In the Realm of the Senses" nagpunta kami sa kahera. "Ka-ching", sabi ng kaha ng Hollywood Video na ibig sabihin nahiram na namin ang mga video hanggang Miyerkoles ng gabi.

Hindi pa... hindi pa yan ang kasalanan ko.

Pagdating sa bahay, kumain kami ni Andres ng hapunan at maya-maya, pumuwesto na ako sa harap ng Xbox namin na DVD player din namin (dahil yung DVD player namin eh nasa storage sa Arizona pa rin at yung bigay sa akin'g player ni Inang at Itang eh nasa Calgary pa rin). Pinasak ko ang DVD ng "In the Realm of the Senses" sa Xbox...

DITO... DITO NA NAGSIMULA ANG KASALANAN KO...

So nagsimula na akong manuod. Si Andres, nasa salas at nasa harap ng computer nya. Uy, racy ang pelikula, mga unang eksena pa lang may eksena na ng dalawang haponesang chimini na naghahalikan. Maya-maya, pinakita na yung mga amo naman nila na nag-se-sex. Yung susunod na eksena na nagpakita naman ng male sex organ na hawak-hawak nung isa sa mga haponesa ngang chimini. Sya namang pasok ni Andres at magbibihis sana dahil bibili ng tubig namin sa may Albertson's. Napatigil sya sa nakita nya.

"Meron ang Hollywood Video nito???" sabi ni Andres na gulat na gulat. Alam kasi namin na medyo sine-censor nga ata ng video store na yun ang mga pelikula nila. "O diba," sagot ko sa kanya, "nakalusot yan sa kanila!" Napaupo na si Andres at nakipanood na rin sa akin.

Ok naman yung pelikula. Medyo erotic nga sya. Pero hindi ko pa rin alam bakit iba-ban ng New York Film Festival (at kung susundan nyo yung link mamaya, malalaman ninyo na hinold din sya ng US Customs). Medyo nagiging obsessive na nga yung chimini dun sa amo nyang ka-affair nya. Siguro, sabi ko sa sarli ko, dahil may mga pinapakitang male sex organ at talagang pinapakitang hinahalikan at sinusubo ito ng haponesa. Alam ko, kapag kasi may mga ganung eksena na, bordering on the x-rated side na sya. Hindi na nga ito rated-r lang, isip ko. Pero tanong ko sa sarili ko, ito nga kaya ang dahilan kung bakit sya na-ban??? Halfway along the movie, medyo alam ko na kung bakit pa ito na-ban...

Partial Strangulation o Erotic Asphyxia - yung someone gets their sexual excitement through being strangled by or strangling the partner. Sabi ko, hindi ko makayang panoorin yung parang mamamatay na yung lalaki habang sinasakal sya nung babae pero nag-se-sex pa rin sila. Tatlong beses ata nilang ginawa yung ganung eksena, yung pangalawang beses, finorward ko na dahil hindi ko ma-take, yung pangatlo, ifo-forward ko na sana ulit, pero sabi ni andres wag raw at baka yun na ang tapos ng istorya. Kaya, ayun, bago yung pangatlo nga nilang eksenang ganun, sinabihan nung hapon si haponesa na ituloy na nya ang pagsakal sa kanya dahil mas masakit ang mabuhay pagkatapos ng muntik-muntikan nang pagkawala ng hininga... at namatay na nga ang hapon.

Namatay ang lalaki... akala nyo ba natapos na dun?

Si haponesa, dahil may syoni'ng sya lang ang makikinabang sa organ ni hapon nung umpisa pa lang, kumuha ng kutsilyo at... ready na kayo??? Tinagpas ang pagkalalaki ni Hapon! Si Andres ko, namimilipit at hindi makatingin at para bang sya ang nasa eksena.

Sabi ng voice over, nahuli raw na palakad-lakad ang haponesa, dala-dala ang tinagpas na ari ng hapon. Nakangiti, tila parang nasa langit. Sa sobrang kontrobersya ng kwento ng mag-dyowa, mas awa raw ang naramdaman ng mga hapon sa kanya. Tutuong istorya pala ito, mga kiddies.

Pagkatapos ng gabing yun, pakiramdam ko latang-lata kami ni Andres. Tawa kami ng tawang dalawa dahil, sa tutuo lang, sa sobrang shock value ng pelikula para sa amin - siya, yung pagtagpas ng ari at ako yung asphyxia idea, wala na kaming outlet kundi itawa na lang yung shock namin.

Pero, sa tutuo lang, disturbing para sa akin ang pelikula. OO, sa tanda kong ito, dapat hindi na ako nasho-shock ng ganun. Ako pa? Eh daring akong manuod ng ganun. Pero siguro nga, masyado akong naging absorbed sa istorya na hanggang ngayon naiisip ko pa rin sya. Parang yung mga horror movies na pinanonood ko nung bata-bata ako na talaga namang ang tagal bago ko kalimutan. (Kaya nga napaka-dalang kong manuod ng horror.) Atsaka siguro, yung pag-build-up nung direktor nung gradual na pag-escalate ng sexual experimentation nung dalawa hanggang mangyari nga ang ending.

Kaya ngayon, iba ang mood ko... medyo worn out ako mas lalo na kapag naiisip ko ang pelikula.

Hehehe.. sabi sa inyo eh... may kasalanan ako sa sarili ko. Sino pa sisisihin ko? Eh di sarili ko...

At yung unang premise ko about bold movies sa Pinas at sa ibang bansa... Kaya kayang gawin sa atin itong ganitong tema ng pelikula, coming up with a movie and showing the sexual acts not just for the kicks it could give the (male-dominated) audience but for what it means underneath all the sex - yung psyche part of it? I'm sure, hindi papasa sa censors natin itong topic na ito. AT I'm sure... magagalit pati simbahan sa kung gumawa ng ganito sina Mother Lily, kahit na nga si Carlo Caparas pa ang direktor.

--------

Posted by atesienna at 04:19 PM | Comments (0)

March 14, 2004

Salamat sa Dyos, medyo


Salamat sa Dyos, medyo nagtatrabaho na si Andres ko. "Medyo", kasi part-time lang yun, until makakuha na sya ng trabaho sa linya nya. Mahirap pa rin ang trabaho dito ngayon. Quality Assurance for Internet applications si Andres ko. Yep, ma-giraffe nga makahanap ng opening para dun ngayon. Kaya nagpa-part time na muna sya.

Kaya nung Miyerkoles, unang araw nya dito sa isang Hapon na accounting company. Mag-ta-type lang ng mga dokumento nila. Natunugan na namin ni Andres na "something fishy" sa kumpanya na ito. Sabi ng recruiter nya, ang hinahanap daw ng mga Hapon eh "under 30 Japanese woman". Tatlo na raw ang pinadala ng recruiter dun at lahat sila, nag-first-day-last-day sa kumpanya - unang araw lang, wa na balak mag-return ang mga Japanese dolls kinabukasan.

Alas-dyes pinapunta ng recruiter si Andres ko sa upisina ng Hapon, alas dyes, andun na sya. Chaka-khan ang Hapon. Tipong, "Huwathapen?? Asan ang Haponesang bebot na wala pang lyebo-treynta???" Dedma si Andres. Sabi sa kanya, wala pa raw ang package na ita-type nya. Bumalik daw sya pagkatapos ng isang oras. Hindi naman ganun kalayuan ang upisina ng mga hapon sa amin, pero gagastos ka pa rin ng gas. Mustang ang kotse ni Andres, matakaw sa gaso'. Hindi naman siguro tamang magpabalik-balik sya sa apartment namin at sa upisina kaya naisipan nyang tumambay na lang sa isang coffee shop na malapit sa upisina. Aba, alas onse wala pa raw, alas dose, ala-una, alas dos, alas tres... ALAS-KWATRO na sya pinagtrabaho ng mga Hapon.

Binigay ang makapal na dokumento. I-type raw nya sa MS Word, isa-isa. Nung una, pinaupo sya sa harap na mesa kung saan umupo yung ibang Haponesang nauna sa kanya, pagkatapos ng ilang minuto, pinalipat sya sa likod na kwarto. Dun na lang daw sya magtrabaho.

Napansin ni Andres yung kanilang photo-copier. Bagong model - scanner, printer, fax machine, photo-copier all in one. Sinipat ni Andres na pwedeng mag-scan ng document sa OCR mode. Tipikal kay Andres yun, kung magagawa ng mas mabilis at makaka-tipid sa oras, bakit hindi gawin. Sinabi nya sa isang Hapon kung ano ang gagawin nya. Hindi sya naintindihan, ni hindi naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng OCR. Basta mag-type daw sya ng mga documento nila.

Naisip ni Andres, isa-scan nya at ipapakita nya sa Hapon kung ano ang ibig nyang sabihin ng OCR. Scan, scan, scan... inayos lahat ng dokumento na na-scan sa MS Word at pagkatapos ng isang oras, tinawag ang Hapon. Angry ang hapon, bakit daw ang bilis nya. Sigurado raw maraming mali. Sabi ni Andres, mahirap mangyaring may mali dahil nga ini-scan nya ang mga papeles, kung ano yung nandun, yun ang lalabas sa OCR.

Chi-nek ng Hapon, isa-isa. Nung makitang walang mali, sabi pa sa kanya "So ano ngayon ang gagawin mo? Yung apat na araw na trabaho, ginawa mo ng isang oras. Sige, umuwi ka na!" Ganun lang, walang thank you, walang "pwede pala yung ginawa mo!".

Nung umuwi si Andres tinawag nya sa recruiter ang nangyari. Hindi nagtaka ang recruiter. Parang naisip na nya na hindi naman talaga magugustuhan ng mga Hapon si Andres. Pero ikanga, give them the benefit of the doubt.

Naisip ko, dapat ba sumunod na lang si Andres sa gusto nilang mangyari? O tama bang gumawa sya ng paraan para mapabilis ang trabaho at ipakita sa mga bossing nya na pwedeng padaliin ang kanilang trabaho?

Siguro, mas gusto ko na ang ginawa ni Andres. Nagkataon lang kasi na medyo nga siguro hindi sya gusto ng mga Hapon kaya kahit na anong gawin nya, sopla na sya. Kung napaiba ang napasukan nya, matutuwa pa na naisip nya yun. Na may silbi pa pala ang photocopier, bukod sa mag-kopya lang ng papel.

Pasalamat na lang kami, itong linggong ito, iba na ang papasukan nyang temp. Sana mas mapabuti naman sya dito sa susunod.

Kayo, ano ang hinagap nyo sa nangyari kay Andres ko?

--------

Posted by atesienna at 08:41 PM | Comments (0)