Image 1
Image 2

« March 2004 | Main | May 2004 »

April 25, 2004

Kikay's last entry about


Kikay's last entry about Melay's birthday spurted a LOT of comments from the friends in Calgary. Of course, the usual birthday wishes for Melay were there (Happy Birthday, Melay-girl!) but it also weaved comments about Pinoy slang/gay lingo. Elle, one of the girlies, is practicing her Filipino having not spoken and practised the mother tongue. No blames on her, she just never had the chance during her younger years to be with Pinoy-speaking friends who encouraged her to do so. And so, now, she's having the time of her life discovering the flowery language.

We do have one more friend, the pretty Belle, who was also not that fluent with Filipino. But eversince she's been part of the group can now understand and even write Pinoy! To top it off, this girl now LOVES watching TFC and all the pinoy movies out there. Mas matindi pa kesa sa mga lumaking Pinoy sa 'Pinas.

I taught Elle some gay lingo/pinoy slang on Kikay's comment board. I figured, since she's learning, she might as well learn the "other flowery" language in the Manila. This is also for Belle, para lumawak pa ang bokabularyo mo! (hehehe)

Autistic - introverted, doesn't care about anything
Sentence: Hoy... wala kang masabi dyan, na-autisitic ka na naman!


Badex - corny, walang katuturan
Sentence: Kahit kelan ang mga jokes nya purobadex!


Bertdey - lucky, sinuswerte
Sentence: Mangungutang ka ng pera sa akin?? Ano ka, binebertdey!??!?


Babush, Babushka - goodbye
Sentence: O sya, aalis na ako! Babushka sa inyong lahat!


Boploks - stupid, tanga
Sentence: Boploks ka talaga! Bakit pinagsama mo ang puti ay may kulay na labada???


Chipangga - cheap, low-class
Sentence: Makipag-away daw ba?? So chipangga talaga that girl!


Chaka - ugly, pangit
Sentence: Super-duper chaka talaga yang suot mo, madir! Pampalengke!


Abubot - Stuff, paraphernalia, accessories, kagamitan
Sentence: Susme, paanong magkakasya yan sa Louis Vuitton mong fake, eh ang dami mong abubot??


Amats - Effect (as in beer or drugs), tama
Sentence: Pare, ang dami mong nainom no? Ang lakas ng amats mo!


Gwaping - Fine guy, handsome
Sentence: Eh sabi nya, gwaping daw si Piolo.


Hataw - To hit the dance floor or stage, do something real hard, bigay-todo
Sentence: Wow, Dancing Queen, hataw na hataw!


Japorms - 'in style', porma or nakaporma
Sentence: Hoy, Ryan! Pupunta ka ba ng party? Bakit naka-japorms ka?


May Sayad - Crazy, Jerk, may sira
Sentence: Basta ako, ayaw ko nang makipag-friends sa mga may sayad.


Nenok - To steal, to jack, nakaw
Sentence: At ayaw ko rin ng friends na nag-ne-nenok ng gamit ng may gamit!


Over - Expression meaning too much, masyado
Sentence: Wow, ang laki ng place na ito! Over!!!


Papa, Fafa - Boyfriend, sugar daddy, nobyo
Sentence: Have you all met Belle's papa, Bido?


Pokpok - Easy, flirt, malandi, madaling makuha
Sentence: Eh kasi Pokpok ka eh! Hindi lang isa ang boylets mo!


Putok - Body odor, anghet
Sentence: Hoy, maligo na ang may putok ha! So baho here!


Sangdamakmak - A lot of, a bunch of, maraming marami
Sentence: Naku, call-ya mo ako sa cell, sandamakmak ang chisms ko sa'yo!


Senti - Sad, blue, lonely, malungkot
Sentence: O, bakit mukha ka na namang malungkot? Senti ka na naman?


Superdooper Mega Over Toooo much - sobra, masyado
Sentence: Hayyy ayaw ko nang kumain, super-dooper mega over too much na akong busog!


Supot - Uncircumcized, 'di pa tuli
Sentence: Sobrang yabang nya, if i know, supot yan!


So Belle and Elle (ay, bongga, they rhyme!) Marami pa ako nyan! Let me know kung namemorize nyo na yan ang I will give you more.

Kayo, mga prenships, may knows pa kayong mga gay- at pinoy-speak na wala dito? Share nyo naman kina Belle and Elle!

--------

Posted by atesienna at 09:34 AM | Comments (0)

April 22, 2004

You can't imagine how


You can't imagine how stressful it is for me whenever I go through immigrations at the US-Canada border going to the US. Lagi na lang yan, twing makikita ko na ang mga US immigration officials, may kumakalam na sa sikmura ko. Wala naman akong ginagawang masama. Wala naman akong dalang contrabando. Pero lagi na lang, makita ko lang ang bandera ng Amerika, parang isang-daang kabayo na ang tumatakbo sa loob ng katawan ko - at nagkatrapik pa silang lahat sa dibdib at puso ko.

Marami kasing tanong ang mga immigration officials. Yung mga kwento-kwento nila na mamali ka lang ng sagot sa mga tanong nila, idedeny ka na nilang pumasok, hindi bibigyan ng visa o mas malala, i-ban ka pang pumasok sa amerika por-eyber en eyber - lahat yun tutuo. Hindi po kathang isip ng mga kakwentuhan ninyo ang mga horror stories ng mga taong humaharap sa mga immigration officials ng US at dine-deny for the smallest of reasons. Lahat po yun may malaking bahid ng katotohanan.

Canadian citizen ako. Under the NAFTA, hindi ko na kailangang kumuha pa ng visa para pumasok sa US. Canadian passport lang ang ipakita ko, pwede na akong um-enter - that is, subject sa approval ng US immigration and deportation. Si Andres man, under the same agreement, proof of US citizenship lang ang ipakita nya, hindi na nya kailangan ng visa para pumasok sa Canada. Pitong taon na kaming mag-bi-ep ni Andres ko, pitong taon na naming ginawagawang mag-dyowa ito - labas-pasok, panik-panaog. Iisipin ninyo kakilala na kami ng mga opisyales sa bawa't border - ola! Hindi pa rin! May sakit po silang amnesya. Kaya't lagi pa rin, kabado pa rin kaming dalawa.

Mas lalo na si Andres - danga't walang US passport; driver's licence lang at birth certificate ang pinapakita nya, madalas syang pahirapan pumasok ng Canada at kahit sa Amerika din. Mas lalo na nung mahaba pa ang buhok ni Andres nun. Akala kasi ng magkabilang officials eh durugista o ilegal ang pinagkakakitaan. Awa ng Dyos, wala pa rin syang passport hanggang ngayon. Pero since uuwi kami (siguro) ng pilipinas itong pasko, kelangan na nya talagang magpagawa ng pasaporte - KUNG mapapabilis ang kuha namin ng iba pang kelangan nyang mga papeles.

So eto nga, for the nth time around, dahil na-absorb na ako ng employer ko at permanente na ako, kelangan ko uling dumaan sa kinatatakutan kong immigration officials - my own private "Nightmare on Elm Street" - para kumuha ng bagong TN status. Again, under the same NAFTA, hindi ko na kailangan ang working visa to work in the US. Kelangan ko lang ng employer na mag-o-offer sa akin ng trabaho.

At ayun nga, nakakuha na ako ulit ng employer. Ang saya-saya ko, kasi ngayon, may benefits na ako - medical, insurance, 401K (sabi ng isang pinay for-o-wonk daw, hehehe), etc. Binigyan ako ng human resources ng letter of offer nila na syang ipapakita ko sa immigration. Ilang beses kong tsi-nek ang letter of offer - ano ang kulang, ano ang dapat ilagay, etc. Ilang beses akong nakikipag-usap sa kanila kung ano pa ang kailangan ko. Ilang beses na rin akong nagpapalit ng letter na yan para lang tumama sa requirements - job title, duration ng employment, etc. Bumili na ako ng plane ticket ko. Kinakailangang bumalik kasi ako ng Calgary at mag-re-enter sa US para matatakan ang passport ko ng bago TN status ko para sa bagong employer. Mahal ang plane fare ko - $435US kasi isang linggo lang ang palugit ko. Pero the longer I wait to be permanent, the longer before I avail of the benefits. Ok na yun, babalik sa akin ang binayad ko a hundred-fold, tulad nga ng laging sinasabi nila inang at itang. In fairness, mabait ang human resources namin. Lahat ng nirequest ko na ilagay sa letter of offer, nilagay nila. Binigyan kasi ako ng warning ng isa ko pang kaupisina na canadian din at TN status din. Kinuwentuhan ako ng mga horror stories nya ng mga punta nya ng border. Kaya kabado ako, kelangan maayos lahat ng papeles ko dito pa lang sa LA. Naayos ko naman lahat, so far. So akala ko, pag-board ko ng eroplano papuntang calgary, canada ayos na ako.

Masaya naman ang stay ko sa Calgary. Nakita ko ulit sina inang at itang - bonding moments yun. Halos lahat ng mga kaibigan ko, mga kamag-anak na malapit nakasama ko't nakapiling kahit na sandali lang. Naayos ko na rin ang lahat ng kalat ko, nagtapun ako ng mga gamit kong hindi ko na kailangan at pinatabi na kay inang ang mga damit kong hindi ko na gagamitin. Nilagay sa extra na bagahe ang mga damit kong pwede na lang dalhin nila inang pag punta nila sa LA ng July.

Ok na ako para sa pagbalik ko sa LA ng April 20. Wala na siguro akong magiging problema.

Yun ang akala ko.

Alas dos ng hapon ang flight ko. Alas onse pa lang ng umaga nasa airport na ako dahil iniisip ko, iinterview-hin pa kasi ako ng immigration. Andun pa rin ang kaba ko, nagsisimula nang kumabog ang dibdib ko. Hindi pa bukas ang boarding desk ng Delta Airlines kaya umupo muna ako sandali at inayos ko ang papeles ko.

Bigla kong napansin - wala akong resume!

Nawawala ang resume ko na nakakabit sa papeles ko! Hinalungkat ko ang hard disk ng laptop ko - baka may kopya ako dun, magpiprint na lang ako somewhere. Wala. 'Nak ng pating... ano gagawin ko??? Naalala kong bigla may kopya ako ng resume ko sa opisina, pwede akong tumawag kina Roger o Maricel at makiusap na i-fax sa akin ang resume ko. Tawag ako kay Maricel - walang sumasagot. Tawag ako ka Rodge, ayun ang lolo, nasa opis na. Nagpa-fax ako ng resume ko sa Mail Box, Etc. After 5 minutes dumating na sa MBE ang resume ko, salamat ng malaki kay fafa rodge.

Maayos pa ang utak ko. Wala namang masyadong glitch. Eto na, nagpunta na ako sa reservation at kumuha na ng boarding pass. Next stop - US Immigration na.

Ayun na naman ang dibdib ko. Kabado na ako. Wala naman akong sasabihin na mali, wala naman akong ipagsisinungaling, pero ewan ko ba, sobrang lakas ng kaba ko. Mistulang makakaenkwentro ko si Taning at sasabihin sa akin na sa impyerno ako pupunta kasama sa kwarto ang lahat ng kagalit ko sa mundo at punong-puno ng lahat ng species ng ibon (kaaway, kaya ko. Ibon?? Takot ako sa ibon)!

Hala, lumapit na ang ganda ko sa officer na nadun sa cubicle. Sinabi kong kailangan ko ng bagong TN status. Inescort ako sa upisina sa loob. Kada-hintay ako habang ini-inspeksyon na ng isa pang officer ang mga papeles ko. After 5 minutes, tinawag ako. Kulang daw ang papeles ko. Sabi ko, huh??? Ano pa ang kulang? Sabi daw kasi ng letter of offer ko, tatanggapin daw ako ng kumpanya pending the results of a consumer investigative report. Kalma ako, ayokong magwala dahil ayokong matandaan ako na masungit ako. Sabi ko lang, ok... pwede ba ang fax copy, ikako at kung hihingi ako nun sa human resources eh siguradong ifa-fax nila sa akin yun. Ok na raw ang fax. Tanong ako ulit, may kailangan pa ba na dapat kong hingin sa head office. Yung lang naman daw so far. So mabait naman ang officer. Ineskortan pa ako pabalik sa desk ng Delta Air Lines para sabihing may kailangan pa akong ayusin.

So ang ganda ko, gamit ang visa credit card ko sa pagtawag ng long distance, tumawag ako sa human resources. Sabi ko kay Stacey, nanghihingi ng results ng consumer investigative report ko. Pwedeng padalhan ako? Sabi ng Stacey sa head office daw ng kumpanya sa Virginia yun. Binigay sa akin ang telepono ng taong kakausapin ko. Dial na naman ako sa telepono ngayon naman sa Virginia. Aba, wala ang kokontakin ko. Dial ako ulit, paki-konek na lang ako sa taong pwede kong kausapin maliban sa hinahanap ko. Maya-maya nakausap ko yung assistant. Wala pa yung hinahanap kong tao. Tawag daw ako after 15 minutes. Sige kako... alas onse y'media pa lang naman. mga 11:45pm, tatawag ako ulit. Hindi ako pwedeng tawagan dahil wala akong dalang telepono. After 15 minutes, tumawag ako ulit. Yung babaing kakausapin ko na ang nakausap ko. Sigurado raw ba ako na yun ang kailangan ng immigration. Sabi ko, oo... yun ang hinihingi sa akin.. sige raw, ifafax daw nila. Hintayin ko lang daw. Aba, 20 minutes na wala pa. Tawag ako ulit. Kakausapin daw ako ng corporate attorney. Ha??? Bakit??? So kinunekta ako... Tinanong na naman ako bakit yun daw ang kailangan ng immigration. Aba, sabi ko, hindi ko alam kung bakit hinihingi nila ang mga hinihingi nila. Ang alam ko, kelangan nila yun ang kung wala nun, hindi ako bibigyan ng TN. Tatawag daw muna sya sa boss ko. Ha???? Tumawag daw ako ulit after 30 minutes. 'Nak ng teteng... alas dose y'medya na. Alas dos ang flight ko. Tama ba??? Hindi na gumagana ang credit card ko sa telepono. Nataranta na ako.. naghanap na ako ng phone card. After 15 minutes hindi ako mapakali na, tumawag ako ulit sa Virginia. Wala pa ang abugada... tumawag daw ako ulit. Sabi ko, phone card na ang gamit ko at hindi na gumagana ang credit card ko. After 10 minutes tumawag ako ulit at nakausap ko na ang abugado. Sabi nya hindi raw nya mahagilap ang bossing ko. Tama ba???? Sabi ko, sige.. magpapalit na ako ng flight ko at binigay ko na ang number sa Mail Box Etcetera dahil dun ako nakatambay.

Nagpalit ako ng flight, inabot ako ng isang daang US dollars. ('Nak ng nanay... nagastusan pa ako!) dahil wala nang eroplanong lalanding sa Ontario Airport. Sa Los Angeles Airport na lang daw. O sya.. ano pa ba ang magagawa ko? Ayaw ko nang bumalik bukas at baka ma-stranded na naman ako. Gusto ko nang umalis at makarating na sa LA.

Maya-maya balik na ako ng Mailbox. Maya-maya, tumawag na ang bossing ko. Inaayos na raw nya lahat, may mag-fafax na raw sa akin ng papeles ko. Kumalma lang ako ng husto nung makausap ko sya kasi alam ko, inayos na nya lahat sa end nya at inokray na nya ang mga taong dapat okrayin. Maya-maya nga dumating na ang fax ng report ko. Mabuhay talaga si ina magenta! hehehe

Go na ako ng immigration. Sarado pa... Check ako ng papers ko... May isang info sa background report na mali! Hindi ako nagresign sa dati kong trabaho para tumira sa US simula 2002 na katulad ng sabi ng dati kong bossing... Baka makita ito ng immigration, eh kwestyunin ako... dun ako kinabahan ng husto!! Kung makita yun baka hindi na ako papasukin ever sa US. Dahil sa tutuo lang inaabot ako ng 2-4 months sa US nun naghahanap ng trabaho bago ako bumabalik ng Canada. Dun ako natakot ng husto... Sa tutuo lang, may palugit kaming 6 months to stay sa Canada or sa US kung Canadian or American ka. Pero tatanungin ka nila kung bakit ang tagal mo... ayaw ko na ng maraming tanong. Scared ako sa ganun. Eh kung mamali nga kasi ako ng sagot 'no? Eh tama bang, "tumira kasi ako sa kaboyprenan ko"????

Pagdating ko dun, dasal na ako ng dasal na wala nang makita. Nakikipag-tsikahan pa yung officer na nagrereview ng papers ko. Maya-maya after 15 minutes, tinawag ako. Ayun na... sobra na ang kaba ko, pero Miss Universe smile pa rin ako sa officer. Isa lang ang tanong nya: "May $50 ka na bang ready for the processing fee?" Yun lang!!! 'Nak ng engkantasya, YUN LANG ANG TANONG! Smile ako, sabi ko, "Yes, sir.. Here na my money, o!" Kinuha ang bayad ko, binigyan ako ng recibo at tinatakan ang papeles ko... May bago na akong TN status! Tapos ang boxing! Yun lang! Owber! Yun lang ang tanong nila!

Teynk yu Lord!! Hindi nakita yung report.. Wala na silang ibang hiningi.. Ganun lang ka-simple. Pero feeling ko, talagang namula ng husto ang mga kamay ko kakaipit at kakadasal kay Lord.

Naglanding ako sa LAX ng mga 11:00 na ng gabi. Nang makita ko si Andres, ang higpit-higpit ng yakap ko dahil akala ko, hindi ko na sya makikita ulit. Pagdating ko sa apartment namin, sobrang pagod na ako... nakatulog na ako kaagad habang akap si Andres.

Next year, padadala ko na lang sa immigrations ang re-application ko for TN Status. Mereseng magbayad pa ako ng dagdag na $80USD para sa processing fee. Hindi ko na ma-take ang tensyon sa susunod ulit! EVER!

--------

Posted by atesienna at 09:08 AM | Comments (0)

April 17, 2004

Ako po ay nasa


Ako po ay nasa Calgary ngayon. Kahapon pa ako dumating ng ala-una ng tanghali. Putek ha... mukhang miss na miss ako ni old man winter at biglang nag-isnow dito sa Calgary eh ilang araw na raw silang sinisikatan ni Haring Araw. Tama ba?!?!?!? Eh di hindi ako lumalabas ng housing project. Sobrang lamig kasi!

So siempre, bonding moments kami ni mother at father nung unang araw ko. Puro isda ang kinakain ko. Yun kasi ang request ko kay madir. Kagabi, magkatabi kami ni mother sa higaan. Ang mahirap, nakatulog si madir sa side ng kama na mas malapit sa TV kaya dun ako sa sahig na mas malapit sa TV humiga. (Hindi kasi ako nakakatulog ng hindi bukas ang TV.) Ayun, buong araw na masakit ang likod ko dahil mali ang pwesto ng katawan ko habang natutulog! Feeling ko, ang tanda-tanda ko na dahil ang sakit-sakit ng balakang ko. Kinailangan ko pang tumawag kay Dr. Dave para tanungin kung anong gamot ang pwede kong inumin para nga sa muscle pains ko. Siempre pa, Tylenol with Codeine to the rescue!

Kaninang tanghali, sinurpresa ko naman si Chang Alma namin. Hindi nya kasi alam na dumating ako, kaya sobrang gulat nya nung makita nya ako sa balay nung kumain sya ng tanghali sa min. Puro naman ang kwentuhan namin tungkol sa kung ano-ano. Bukas ng tanghali, go ako sa kanyang apartment para bisitahin sila ni Cecil.

Ngayong gabi binisita ako ni kikay at mizbelle at inabot na kami ng syam-syam sa chikahan at katatawanan. Sa sobrang kung ano-ano ang hinanda ni mother-may-I sa kanila, sumakit na ang tyan ni Kikay sa kakakain. hehehe... Bukas ang buong rekwang mga prenships naman ang kikitain namin sa balay ni Kikay. Excited na akong makita silang lahat. I'm sure, super daming kwentuhan na naman kami...

So what have I been doing since I came back? Nagpapakasawa sa TFC. Nanood ng "Something's Gotta Give" ng aking fafa Keanu, ang tangi at kaisa-isang lalaking ipapalit ko kay Fafa Andres kung makilala ko sya at yayain nya akong magtanan, at nagpa-alam na ako kay Fafa Andres, hehehe ("Leave Andres, Sienna, and shack with me at my hollywood digs!" MWAHAHAHA). Nagpaka-aliw sa "Chicago". At nanuod ng ever popular, pinaguusapang "Tanging Ina". Uy, ha.. ispiking of "Tanging Ina" tawang-tawa ako sa kanya! Ewan ko ba, hindi naman ganun ka-extraordinary ang plot nya, pero siguro kasi katawa-tawa ang mga dialogue nilang kinuha sa ibang pelikula, at si Ai-Ai kasi ang bida, enjoy ako sa kanya.

I still have 3 days bago ako umuwi ng California ulit... Despite the stupid weather, I'm making most of my stay here. The weather might be cold, but being back for awhile, gives me a warm feeling inside.

--------

Posted by atesienna at 12:24 AM | Comments (0)

April 07, 2004

So siempre pa, ang


So siempre pa, ang lola, may follow-up report ng kanyang birthday. (kahit na super late na ito!) Hehehe...

Nung umaga ng birthday ko, pagkagising ko, nag-"thank you" ako agad kay Lord. For every morning I see the sun rise, for every morning that I open my eyes, I know a miracle has happened again - my own miracle of life, a gift of the Lord for me. Ever since kasi ng surgery ko, na-realize ko na hindi ko na dapat i-take for granted ang mga umagang gumising pa ako. Nagpapasalamat ako sa bawa't araw na dumaan na sinasabi ng Dyos, "Sige... hindi mo pa oras." At kapag nagde-desisyon ang Lord ng ganun, alam ko, regalo pa rin nya yun para sa akin. Thankful akong pinaabot pa nya ako ng isa pang birthday... na for another year nakasama ko ang mga mahal ko sa buhay, nakikisalo sa kanilang mga buhay. Nakikita kong lumalaki ang aking mga pamangkin, nakaka-salamuha ko pa rin ang aking mga mahal na kaibigan. Regalo lahat ito ng Dyos sa isang birthday ko pa na dumating. Dapat lang siguro, Siya ang una kong pasalamatan...

Pagkatapos tumawag si Inang at Itang ko ng umagang-umaga. Ok na sana ang kaso akala ng itang ko, mas matanda pa ako ng isa pang taon! (hehehe.. wag muna Dah-deh, nek yir pa yung milestone birthday ko at mas bonggacious na selebreyshen yun. Si Kuya Germs pa ang magho-host, pramis!) Nag-OPM ako (Oh, Promise Me) ako kay inang at itang na magkikita kami soon. Halos isang taon na rin kasing hindi ako umuuwi...

Si Andres pala mas maaga pa kay inang at itang bumati. Gumising, binati ako ng Hafi Berdey at pagkatapos, bumalik sa higaan. hehehe...

Pagdating sa opis, binati ako ng mga ka-upismeyt ko. May gip sa silya ko - galing kay Fafa Rodge! My pers eber Hello Kitty stuff toy! Oh, cute diba? Alam ni Fafa Rodge ang fetish ko kay Kitty. Tanghali, tinreat nila ako sa Japanese Restaurant. Busog na busog ako... sobra!

Pagkagaling ng lunchout, may maganda akong bamboo/fortune plant na halaman. Galing kay Mariacelia! Ang ganda-ganda nya! :) hehehe.. so natupad na ang gusto kong may halaman ako sa cubicle ko...

Nung hapon, tinawag ako ng human resource ng kumpanya. Lumabas na ang papers ko ng permanency ko! Full-time emfloyi na ang ninang ninyo! Super gandang birthday, diba? Isang taon ko ring inintay yun halos. Salamat talaga kay Lord yan. Nung gabing yun, nag-dinner kami ni Andres sa Dockside Grill. Puro isda at hipon ang kinain namin. It was a quiet dinner... kwentuhan lang kami ni Andres ko, nagtatawanan, labing-labing. A very nice ending to a beautiful day. It was indeed a wonderful day for me.

Salamat sa inyong lahat na bumati sa akin, salamat kay Lord!

--------

Posted by atesienna at 07:48 AM | Comments (0)

April 05, 2004

Thank you very much


Thank you very much sa lahat ng mga bumabati. Kung kayo po ay nag-te-text sa akin, pasensya na kayo, hindi ko po sya natatanggap dahil disconnected ang cellphone ko right now. Pina-disconnect ko sya kasi iniisip ko nang magpalit ng cell provider.

Salamat kay bespren Remy (happy birthday din kay Sara-ring na ka-berdey ko), Ate Sharon na hindi nakakalimot ever, Ayeza, Ateng KiwiPi, Cecil na calgary prenship.

Sa gumawa ng tribute pa sa site nya na si Belle, si Kikay na super labs ko, si Melay na alaga ko, si Elle na hindi ko pa nami-meet pero excited na akong makilala. Si Ate Kirsh din na malapit sa puso ko, bumati na yun sa text, I'm sure, di ko nga lang natanggap.

Ang aking mga logbook girls na sina Alitsky, Gemimah, Joystick, Socorro en Augusta.

I know, nagtetext na rin sa akin si prenship-sister Jet at fafa Jay. Ateng en fafa, di ako nandededma, wala na lang akong cell. Miss na miss ko na kayong sobra!

AT SIEMPRE PA, ang kapatid kong si Greta kasama na ang pamilya nyang si Dada, Popoy at Mokong! Pati na rin sa aking Inang at Itang (na i'm sure tatawagan ako sa opis bukas), kay Lola Idad na nagbirthday din nung April 3. Siempre pa rin ulit, si Patring at ang pamilya nyang si Paolo at Chingching at si Ringo at ang aking peborit na Tyong Edong. Alam kong nagtetext sila, teynk yu din sa mga messages ninyong di ko natatanggap, hehehe. Si Tyang Alma, mag-e-email yun bukas, i'm sure...

Dalawang oras pa bago ang birthday ko. Si Andres alam ko, maya-maya, papasok na yan at babatiin ako. Kung may nakakalimot ng birthday, ako yun - mas nakakalimot ako ng birthday nun. Actually, pumasok na si Andres ngayon pa lang at pinapatulog na ako. Alas dyes na kasi ng gabi ang matulog na raw ako dahil may pasok pa bukas. hehehe...

Sya, bukas na lang ulit... Maraming salamat ulit sa inyong lahat!!! Touched ako... sobra!

--------

Posted by atesienna at 10:14 PM | Comments (0)