Image 1
Image 2

« June 2004 | Main | August 2004 »

July 30, 2004

Kung Manalo Ako ng Lotto

Bago ang luma, Happy Birthday muna sa aking huwan-en-onli-bradir...


Happy Bersdey, Ringo!!!!


... sana lagi kang bine-blesan ni Lord ng maraming biyaya. I'm sure naman na hindi ka NYA pinababayaan kasi mabait kang anak, kapatid, boypren, tiyo (kahit madalas kang magpaiyak ng mga bagets!), apo, pamangkin, kaibigan at tao. At dahil bersdey mo, hindi muna kita lalapastanganin. Balato ko na sa'yo itong araw mong ito!

Ilabsyu, brader!

Ok... pagkatapos ng komersyal, bak tu yor regular frogram.

Seventeen million dollars ang jackpot ng Super Lotto Plus ng California Lottery ngayong Linggong ito. Isipin nyo, $17,000,000US! Sabihin na nating kakaltasin ng gobyerno ang kalahati dyan, meron ka pa ring $8,500,000US. Sa Pilipino, Php467,500,000 umaatikabo!

Lagi naming pinag-uusapang magkakaibigan kung ano ang gagawin namin kung manalo kami ng lotto. Sabi ni Cel, bibili na raw sya ng isla para sa nanay nya. Yung iba kong friends, bibili na raw ng malaking bahay sa Pilipinas at magreretire na. Yung isa kong kaibigan magpapakain ng mga mahihirap forever. Gagawa naman daw ng sariling production company yung isa ko pang kaibigan na ang mga pelikula eh puro daw sya ang bida (hehehe, mukhang maagang mauubos ang panalo nung kaibigan kong iyon).

Ako, naka-tatak na sa utak ko kung ano ang gagawin ko. Naka-Excel Spreadsheet pa yun para alam ko kung magkano pa ang natitira sa panalo ko. Depende kung magkano ang jackpot, nag-iiba-iba minsan kung magkano ang gagastusin ko para sa sarli ko. Pero ang kongkreto eh ang mga sumusunod:

Una, hahatiin ko ang panalo ko at yung kalahati ilalagay ko sa time deposit na pwedeng kumubra buwan-buwan ng interes lang ng pondo. (Kasi, interes lang nun, malaki na, buhay ka na!)

Pangalawa, bibili ako ng mga gamit na gustong-gusto ko nang magkaroon (pero hindi ko kayang bilhin):
a. G5 na Mac with ALL the bells and whistles! (Kasama na dyan ang IPOD na 40 GB)
b. Canon Digital SLR na 11.1 megapixels with all the accessories and chu-chu-chu-chu.
c. 2005 XK na Jaguar.

Pagkatapos nun, bibili kami ng bahay ni Andres ko - CASH! Pero hindi sya masyadong kamahalan ng bahay. Yung may tatlong kwarto lang, malapad yung driveway, malawak ang kusina, bago ang mga gamit. Swimming pool, optional. (hehehe) At kahit na anong kotseng gusto ni Andres, bibili kami.

At habang bumibili ako nun, ibibili ko nang bahay sina Greta at Patring - Magkatabi sila, kumpleto sa gamit, parehong compound para happy-happy. Meresng nagrarambol lagi sina Popoy, Mokong at Chingching. Si Ringo, bibigyan ko ng puhunan na pang-negosyo nang kahit na anong gusto nyang inegosyo - sasagutin ko yun!

Si Inang at Itang ko bibigyan ko nang pera para iayos ang maliit naming lupa sa Iloilo. Para makapag-pahinga na sila at nag-aasikaso na lang sila ng lupa namin, makapagpagawa ng maayos na bahay sa lupa namin dun. Magkaroon ng mga kabayo, manukan, itlugan, palabigasan.

Ang mga pamangkin ko, bibigyan ko ng mga educational trust fund. Para garantisado na ang pag-aaral hanggang kolehiyo. Si Popoy, pag-aaralin ko ng agriculture para magsaka ng lupa namin sa Iloilo, si Mokong, pag-aaralin ko ng pagka-ninja (meron bang iskul nun???) Para sya ang bodyguard sa Iloilo kasama ng mga goons nya. Si Chingching, pag-aaralin ko ng animal husbandry para sya ang magmanage ng mga bibe at gansa at mga inahing manok. Ang magiging kapatid ni Chingching, pag-aaralin ko ng pagpapalaki ng mahogany sa TLRC para marunong syang magtanim at magpalaki ng mga tig-iisang-milyon-kada-puno na mahogany. Ang mga anak ni Ringo, pag-aaralin ko rin ng pagka-ninja, para sila ang mga goons ni Mokong. LAHAT ng pamangkin ko may scholarship galing sa Ninang at lahat pagyayamin ang lupain sa prubinsya.

Yung natitirang pera, ipang-nenegosyo namin ni Andres ko. Wala lang.. wala na lang kaming gagawin na kasi. Hmmm.. makapagpatayo kaya ng maliit na istarbaks sa Iloilo?

Ang ganda ng pangarap ko para sa pamilya ko, diba?

... ang problema, hindi ako tumataya sa lotto.

--------

Posted by atesienna at 09:47 AM | Comments (0)

July 20, 2004

Patuloy ang inyong pakikinig

Patuloy ang inyong pakikinig sa numero unong drama sa radyo na umaantig sa inyong damdaming-anak at damdaming-ina dito sa seryeng pinamagatang...

"Inang's Elektrik Meyl"

Nung huli ninyong napakinggan ang ating pantanghaling drama sa radyo, kaka-text lang ni inang ng makabagbag-damdaming text message sa inyong Ate Sienna.  Sa sobrang touched, binlog ni Ate Sienna ang tinext nya at ito naman ay nabasa ni Inang.   Kaya't siya naman ay nag-email sa trabaho ni Ate Sienna na sya namang kinaiyak ng inyong napaka-seksing mala-Joyce Jimenez na Ate Sienna.

"Maraming maraming salamat, Nene, sa sinulat mo, with matching ngilid din ng tears ko. Maraming salamat din kay ateng jet at ka-loveteam ng buhay nya na si  batjay at kay tita mega rin. Tnxt forward kona itong mga prayers ko kay BOSSING JESS na d lang 40 years ang bonuin nyo at ibigay NYA... E TIMES 2 PA NYA!"

"OO nga pinanganak kita, 18 lang ako. Habang ang mga kaidad ko ay nagiisip at nag paplano ng kanilang debut, ako naman ay nag iisip din kung papanong gagwin kong pagpapalaki sa'yo. Aaminin ko, sa idad ko wala pa talaga akong alam - pag umiiyak ka nun sinasabayan din kita ng iyak. Sa isip-isp ko, ano ba 'to, kahapon lang naglalaro pa ko ng patintero, piko, tumbang-preso, naliligo sa ulan ng nakasando. Ngayon nag-babahay-bahayan na ko sa tunay na life. May isang batang anghel na 'kong aalagaan. Di lang aalagaan bagkus ay bubusogin mo ng mga pangaral, mapalaki ng maayos na may takot sa Diyos, paliliguan ng pagmamahal, at laging sasabunin pag may nagawang di tama. Sa isip ko, kaya ko kaya to? At yes, nakaya ko sa tulong din syiempre ni Itang mo."

"Naalala mo ba na sa lahat sa inyong magkapatid ikaw ang laging naoospital? Konting pakiramdam ko lang na may sakit ka takbo na kami ni itang sa ospital. At ng ikaw ay nagka-H fever, mga isang taon kalahati ka nun. Habang nilalagyan ng dextrose at kung ilang araw na nakatusok ang karayom sa napakaliit mong kamay na dinadaluyan ng gamot wala rin patid ang pagluha ko hanggan sa nagisnan mo akong umiiyak. At alalang-alala ko pa ang sinabi mo na lalong nagpalakas sa hikbi ko, sa sakit na nararamdaman mo noon, sa napakahina mong boses, pinunasan ng isa mong kamay ang luha ko, sabay sabi ng, "Mommy dong kay,(mommy dont cry)".

Ikaw pa ang nag palakas ng luob ko sa mga oras na yon. Ibang klase talaga si Ateng Gi. At kahit na ngayon pag nag-iisa ako, nalulungkot at naiiyak at naalala ko ang "mommy dong kay" mo magaan na uli ang pakiramdam ko."

Mahirap ang unang taon ng pag-aasawa lalo na pag bata pa. Kaya nung kayong apat ay papalaki na sabay din ang takot na baka gayahin nyo kami ni itang, inumpisahan ko na rin ang pag darasal na wag kayong mag asawa sa batang idad. Makatapos man lang kayo nang pag-aaral, makamit nyo ang di ko nakamit, at dininig din naman ang mga panalangin ko. Walang nag-asawa ng bata sa inyong magkapatid. Hanggan noong nasa tamang idad na kayo pinaalala sa kin ni Moks na baguhin ko na ang dasal ko. Sumobra na raw. Bawiin ko na raw at baka tumandang binata na siya. Natawa talaga ako don."

O, super haba na tong electric mail ko. May kasama pang "Maalaala mo kaya" episode ng life natin.

Sa tatlong Ana at Pablo ng buhay namin ni Itang, sa tatlong apo na nagsisilbing vitamins, pangpagana, panghimagas sa araw-araw naming pagkain, maaaaaahaaaal na maaaahaaaal namin kayo. Patnubayan tayo lagi ng maykapal. - Inang"
"








I love my mom sooooooooooooo much :)

--------

Posted by atesienna at 02:53 PM | Comments (0)

July 19, 2004

If you're an avid

If you're an avid fan of Pablo Picasso, you'll enjoy this site:
 
http://www.tamu.edu/mocl/picasso/
 
It's a huge collection of his artwork from 1889 to 1973.  (Di ko nga knows na ganun pala katagal nabuhay ang groov'ing pintor!)  I had fun and was totally amused seeing how his artwork evolved all through the years.  
 
I didn't have any particular year that I could say is my favorite kasi lahat ng works nya maganda - despite the variation and evolution.  Kaya lang ang napansin ko sa kanya, kung mayroon syang pinagkaka-interesan na object, labas ng labas ito sa mga artwork nya ng sunod-sunod for a year or two until siguro magsawa na sya at maiba naman ang mapag-ukulan nya ng atensyon nya.  He was into all sorts of media, hindi lang painting.  Nagkaroon sya ng mga clay scupltures, maya-maya meron na syang mga metalworks, maya-maya may mga plato at vases na sya na may mga paintings din nya.  Iba-iba.  A proof kung gaano ka-eccentric at artistic si tandang Pablo.
 
If you're planning on going through all his artwork dun sa site, I suggest kumuha kayo ng magandang upuan, kumuha na rin kayo ng meryenda bago kayo magsimula dahil SOBRANG DAMI talaga! I didn't even have time to check out bigger pictures of the ones I liked dahil wala akong time.  I was just browsing them looking for his art pieces that are also exhibited in the LACMA and even then, may isa syang piece na nasa museum na wala dun sa online exhibit.  (May nakalusot pa rin sa online collection nung site!)  Pero for sure, babalikan ko ito, because I saw pieces that are really interesting, very inspiring.  
   
   
 
Sa isang banda, nag-40th anniversary naman ang aking inang at itang nung July 18.  (Ayan, GretA, 18 at hindi 17, hokey?). 
 
Tinawagan ko sila nung umaga at tinanong kung ano ang gimik nilang dalawa.  Naghanda raw silang konti - relleno, homemade sardinas, kare-kare, pansit at cake (ngekkk.. konti ba yun???) at may mga bisita raw silang inimbita. 
 
Itong umaga, medyo nag-senti ata si Inang, nag-text sa aming magkakapatid.  At sa tutuo lang, akala ko eh kung ano ang nangyari (oo, praning ako kapag nakakatanggap ako ng ganung kadaming text galing sa pamilya ko kasi baka may nangyari na... *cross my fingers*)
 
Sa haba ng message ni inang, inabot ng 5 sends sa selpown ko.  Ito ang nakalagay sa text nya:
 
"Hi nene, musta u? Namiss ko kayong apat sama na syempre mga retaso. Sobrang miss talaga kung puede lang talaga magkasama sama tayo nx time namagclbrate kami ng aming aniv. wala ng hihigit pang kaligayahan o dba emote to d max nanaman si inang mo. Still very very thankful na naabot namin ang taon nato at salamat din salahat ng mga pagmamahal na binibigay at pinaparamdam galing sainyng magkakapatid kayo ang nagsisilbing liwanag at nag bibigay lakas samn . Salamat lord sa araw nato at salamat din sainyo ate gi, getsay, piatot, tonti at sa inyng mga loves at syempre samga apo namin pancho, makiboy, china, and sa coming soon.  Love u all - mom and dad"
 
Siempre, bigla akong na-cry din kasi touching ang message ni madir.  Makulay talaga ang inang ko mag-salita. Feeling ko nga minsan mas bakla pa sa akin yan eh.  Pinagtatawanan nga ako nila Marcie at Roger kapag naririnig nila kung paano ko kausapin sina inang at itang.  Eh sabi ko, kasi si inang ganun din ang lingo.  Eh di siempre si fadir nababakla ko na rin minsan, hehehe.  
 
Forty years na nga sina inang at itang ko na mag-asawa.  Thru thick and thin, thru plenty and few, thru grief and happiness.  It's not a perfect marriage, but it is these same imperfections that made it a very colorful and interesting marriage. 
 
Kinasal ang mga magulang ko nung disisiete lang si inang at disinuebe (ata) si itang ko.  Eksaktong disi-otso at bente sila respectively nung pinanganak ako.  Iniisip ko, kung ako si inang ko, parang hindi ko ata ma-take na 18 ako at type ko pang mag-party at maglakwatsa eh may inaalagaan na akong anak.  Ma-giraffe yun.  Pero hanga ako sa kanilang dalawa.  Eversince I could remember, kaming mga anak nila ang priority nila sa buhay.  Ni minsan hindi ko sila narinig na nagsisisi sa buhay na pinasok nila.  Mas lalo na nung apat na kami at sabay-sabay nang pumapasok sa eskwela.   Hindi ganun kadali'ng mag-palaki ng mga batang makukulit.
 
Pero heto kaming magkakapatid ngayon.  Lahat may sarili nang buhay, lahat pwedeng tumayo na sa sariling mga paa.  Walang na-pariwara, walang maagang nag-asawa, walang binigay na matinding sakit ng ulo sa kanila.  Despite ang kanilang kabataan nung dumating kami sa buhay nila, they did something right raising the four of us.  And for that, we will always be thankful for them.  It wasn't a bed of roses the whole time, pero for what it's worth, we turned out ok.
 
We love you, inang en itang... For more years ahead of us to enjoy each other more...

--------

Posted by atesienna at 12:35 PM | Comments (0)

July 15, 2004

Splashes and Beeps

Splashes...

Kahapon, tinuruan na kami ng instructor namin ng diving. Admittedly, duwag na duwag ako kasi nga 10 FEET yung tatalunan namin. Hindi nakakatawa yun. Iniisip ko, paano kung malunod ako o hindi ako masagip agad ng teacher?

Anyways, from the near-5 ft mark, sabi ni Teacher Walter swim na raw kami going to the 10 ft edge. SWIM???? Hindi ba pwedeng umahon na lang ako sa pool from the 4ft at maglakad papuntang kabilang dulo ng pool? Baket kelangang i-daan sa langoy?? Eh kung hindi ko makaya??? Eh kung kalagitnaan eh mapagod ako???

Pero siempre, hindi na ako nagsalita. Feeling nag-mama ako (nagmamagaling). Kabado na ako... Nauna si Marcie, nag-freestyle sya papuntang edge. Mga 2 feet before the edge, medyo napagod, inalalayan na sya ni teacher papuntang dulo (hehehe).

Sinenyasan na ako ni Walter, ako naman daw. Mag-freestyle na raw ako. ANO'NG FREESTYLE???? Kelangan kong huminga nang kahabaan ng lalanguyin. Di ko kakayanin yun sa freestyle. Teka... magba-backstroke ako! Tinanong ko si teacher kung pwede. Sige raw, kung saan ako maligaya. So backstroke na ako. Medyo pumapasok sa loob ng ilong ko ang tubig (dahil sa sobrang excitement nakalimutan kong mag-nose clip) pero sabi ko, ok lang. Kampay lang. Aba, maya-maya nandun na ako sa gilid ng 10 ft!

Winner si Lola!!! Flawless ang beauty ko at ang haba-haba ng buhok ko!

Pinapahinga muna kami ni teacher sandali. Pagkatapos sabi nya, "OK. Next lesson natin, tuturuan ko kayong mag-knee dive." Isa-isa kaming pinatalon. Ganun pala yun, kabading ka kahit na alam mong may sasalo sa'yo. Pag tinitigan mo ang tubig at alam mong malalim, parang iniisip mo, "Putsa, ano ba ginagawa ko sa sarili ko? Eh mabubuhay naman akong di marunong lumangoy!"

Pero naririnig ko si inang ko sa loob ng utak ko, "Si Popoy nga natin kaya ang 10 ft, 'kaw pa? Kaya mo yan." Naiimagine ko ngang lumalangoy kami ni Popoy sa pool - sa malalim na parte! Yun naman talaga ang tanging dahilan kung bakit nag-desisyon na akong matutong lumangoy, makapagswimming kami ni Popoy ko ng sabay. So kagat ang labi, pigil ang hininga, taas ang dalawang kamay, tumalon ako sa pool.

Aaminin ko, ang pakiramdam ko, parang ang tagal-tagal kong hindi maka-ahon sa ibabaw ng tubig pagkatapos kong tumalon. Pakiramdam ko, parang gusto kong mag-panic. Pero naisip ko lang ang laging sinasabi ni Andres at ng dalawang teachers namin sa swimming. "Walang ibang choice ang katawan mo kundi lumutang. Kumawag ka lang pataas."

At true enough, after ilang segundo, nasa ibabaw na ako. Medyo inalalayan pa ako ni teacher Walter pag-ahon, pero feeling ko accomplished ako. Unang bes ko yun na tumalon sa 10 ft at wagi ang beauty ko - amahon nga talaga ako!

Naka-tatlong dive pa kami. Isang patayong dive at isang una paa at ang isang una ang paa pero nakataas din ang kamay.

Yung huling dive na nakataas ang kamay, sabi ni teacher mas malalim daw ang babagsakan mo dahil sa "aerodynamics" ng korte ng katawan mo. Medyo natakot ako. Mas malalim, eh di siempre mas matagal ang pigil mo ng hinga.

Pero ok lang, talon ako ulit. *Splash*

Nung nasa ilalim na ako ng tubig, bigla kong nakita kung ano ang itsura ng tubig sa ilalim ng pool. For a split second, feeling ko nasa ibang mundo ako. Nakita ko ang sinag ng araw nung tumingin ako sa taas. Nakikita ko yung parte ng katawan ng teacher ko kung saan yung kalahati lang nya ang nasa tubig at di mo makita ang taas na kalahati na wala sa tubig.

Nakakaaliw! Ang sarap pala ng nasa ilalim ng tubig. Pansamandali naisip ko, eh di mas lalo pala kung nagsu-scuba ka. Mas matinding trip pala yun.

Pag-ahon ko, bigla kong na-appreciate ang hangin na pumasok sa baga ko. Tutuong "breath of life" sya. Ang sarap talaga ng alive at humihinga...

Pagkatapos ng klase, sabi ni teacher, next lesson daw treading naman.

Appreciated ko na talaga ang swimming :)
 
 



Beeps...

Kaninang umaga, appointment ko ng Echocardiogram (ECG) sa Magan Medical Clinic.  Mga isang taon at kalahati rin akong hindi nakapag-pa-ECG kasi nga mahal kung wala kang medical insurance.  Pero since permanente na nga akong empleyado na may mga benefits na, nakakapag-pagamot at patingin na ako ulit. 
 
Nakakaaliw ang ECG.  Kapag nakikita ko nga ito, nakakabilib talaga ang utak ng tao.  The wonders of man's wisdom and itelligence creates instruments that can view parts that can not ordinarily be seen.  Isa na rito nga ang makita ang puso ng tao at ang loob pa mismo ng mga valves nito ng walang ginagawa sa pasyente kundi idiin ang isang maliit na instrumento sa may bandang dibdib nya. Walang tinuturok, walang pinapasok sa katawan. 
 
Four years ago kasi I was diagnosed with a condition called Mitral Valve Stenosis.  Kinailangan kong magpa-opera sa puso at nilagyan nila ako ng artificial valve.  Pero, despite what other people think na you get too tired after a heart surgery.  I have so much renewed energy! I can do stuff now that I couldn't do anymore when I started having the malady. 
 
Kanina, for the first time (ata), nasilip ko ang metal valve na nilagay nila sa puso ko thru the ECG screen. I didn't see the actual shape of the valve, but I saw it working inside me. May pumipitik everytime my heart beats.  I glad to know na wala na yung regurgitation ng mitral valve ko.   Altho, yung aortic valve ko, like what my previous cardiologist had already told me, medyo may regurgitation din sya, pero my doctor told me it's not as bad as my mitral valve was.
 
Have you ever seen your heart actually at work? It's amazing to see the core of your life pump and beat.  It always blows my mind more when I could see even the cross section of my heart, seeing my other three valves working unaided and see a view of my artificial valve ticking.  I even see an image of my blood flowing thru the valves.  The one organ of my body that pumps the blood all over my body and my brain and helps me function normally, I can actually see!
 
I'm thankful I live in an age when modern technology is there to aid diagnosis and cures of so many ailments.  I'm glad to live in an age when something as alien as a metal mechanical contraption like mine isn't being denied by my body anymore because scientists and doctors have already done enough research about them.   I'm thankful to live in an age when diseases like mine don't have to be fatal anymore so that I can live longer, enjoy life longer and see my little love ones grow older...
 
I'm glad I live in an age when all these are possible so that I can still wake up each morning to thank the Lord for giving me another day...



--------

Posted by atesienna at 11:20 AM | Comments (0)

July 12, 2004

First day ng session

First day ng session 2 ng swimming lessons namin ni Marcie. Tuturuan na kami ng extended freestyle and backstroke and introduction na to breaststroke. Ok lang un eh... ang kabado ako yung DIVING part - sitting, kneeling and standing dives.

Nakita ko yung previous class sa amin na sa may 10 ft na nagda-dive. TAKOT PA RIN AKO SA MALALIM NA TUBIGGGGGG!!!!

Syet... kayanin ko ba??? Tang-inis...

--------

Posted by atesienna at 04:03 PM | Comments (0)

July 10, 2004

It's my Dad's birthday

It's my Dad's birthday today. Kaya...

"HAPPY BERSDEY, FADIR!!!!"

We love you so much. Your family looks forward to more years with you and mom, more apos that you can enjoy watching as they grow up, more good friends to keep you company while fishing :)

Take care, Daddy...

--------

Posted by atesienna at 09:23 AM | Comments (0)

July 06, 2004

Kanina, habang nagi-imis-imis ako...O,

Kanina, habang nagi-imis-imis ako...

O, ha, malalim yun - "imis-imis"! Nakuha ko yun sa Lola Idad ko. Ang ibig sabihin nun, maliliit na linis lang. In ader werds, hindi sya full-scale na paglilinis. Konting pagpag ng alikabok dun, konting tapon ng mga basurang papel dito, konting punas ng computer dyan. "Imis-imis".

So asan na ako... Ayun, kanina nga habang nag-iimis-imis ako bago ako umupo ng tuluyan sa cubicle ko, nahuli ko na lang ang sarili ko na kumakanta ng mahina:

"I got it on sale at a discount store, costs me all of seven cents..."

Sige nga, i-name that tune ninyo... Naalala nyo na? "The Alligator King" yun. Sesame Street na kanta na tinutugtog nila kapag ang number of the day nila ay "7". ("Sesame Street has been brought to you today by the letters "G" and "M" and by the number "7")

Bigla ko tuloy naalala yung mga kanta...

l(1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8 pennies in your hand. Buys eight red balls of bubble gum from the penny candy man...)

O mga sesame street moral lessons...

(...Witches who wash their wigs on windy winter Wednesdays are wacky!).

o mga sketches...

(... "I take the Golden "An", and I put it in the tan van. I take it to Dan, who takes it to Fran. Yeah, that's the plan." "That's the plan?" "What, who said that?" "My name is Stan, I'm the man. You just got 15 years in the can for stealing the Golden "An". Let's go." "Aw, I shoulda ran." )

Pero hindi lang Sesame Street ang naka-line-up sa "must-see-TV' ko nun. Andyan din ang Electric Company na gawa din ng Sesame Street Workshop.

(Heyyyy, You Guyyyyyyyyyyyyyyssssssssssssssssss!!!!!)

Marami pa akong mga memories of my glorious TV days nung dekada 70.

At nandyan din ang mga pinoy commercials ng 70s at 80s.

Naalala nyo pa ba yung "Labadami-labango" ng Mr. Clean? Yung "Magapatuka na lang ako sa Ahas" ni Elizabeth Ramsey ng Superwheel. "Ola", ola... ang sabong pink? (na sumira ng kamay ko nung tinuturuan ako ni inang na maglaba ng sarili kong yuniporme nung elementary).

Knorr Chinese Soup! (There are Chinese soups and there are chinese soups, but there is nothing like Knorr Real Chinese Soup!) ...Just add one egg!

Makakalimutan nyo ba ang commercial ng Coke kung saan pinatanyag nila ang kantang "I'd like to teach the world to sing in perfect harmony..."

Si Danny Vanni pa ng paboritong inumin ng inyong Ate Sienna na Sarsi ng Cosmos? (Sarsi with Egg!)

Ang sarap talaga nung bata ka during the 70s and early 80s. Iba kasi gimik nun. Puro kami laro sa labas na puro takbuhan o dikaya board games o jackstones o chinese jackstones o chinese garter o pick-up-sticks. Eh paano naman, hindi pa uso nung panahon namin ang computer. Isipin nyo, unang handheld electronic game ko nun, game and watch, eh first year college na ako nung mauso yun. (hehehe, Mickey Mouse ata yung amin nun).

Wala lang. Naisip ko lang mag-flash back. Ganito ata talaga pag tumatanda na.

(On semi-hiatus pa rin ang inyong Ate Sienna... marami pa ring trabaho at aktibidades kaya hindi madalas nakakabisita ng mga sites ninyo. Eh inaabot pa ako ng "katam" dis deys. Drained na kasi ako pag-uwi ko ng balay. Hayyyyyy...)

Para maaliw pa kayo... eto pa ang tingnan nyo:

"Where in the World is Spiderman"

--------

Posted by atesienna at 10:55 AM | Comments (0)