Image 1
Image 2

« July 2004 | Main | September 2004 »

August 27, 2004

My Boy...

... I have fallen in love with you all over again as I watch you sleep tonight.




--------

Posted by atesienna at 04:07 PM | Comments (0)

August 22, 2004

Konting Ipit Lang Po sa Kaliwa

Hokey...

Ang ganda-ganda ng araw sa labas, pero eto ako, nasa loob ng apartment dahil nagtrabaho po ako. May mga auditors kasi na darating bukas sa opisina kaya may kinailangan akong tapusin. Binigyan ako ng connection ng mga bossing ko para nga naman hindi na ako pumasok pa sa opis at pwede na lang akong magtrabaho sa balay (salamat, Ina Magenta!)

O sya, tama na ang boring na trabaho... Habang nagbabantay ng mga jobs na tinatakbo, naisipan kong mag-ayos na ng husto ng pansitan ng inyong Ate Sienna. Una, dahil sa marmai na ang naglilink sa ating maliit na pansitan (teynchu po sa inyong lahat!), eh naiayos ko na po ang mga Megalinks. Take-away ko na sya sa main peyj, dahil, owver na sa dami eh mabuti nang bigyan ko na kayong lahat ng inyong sariling links page, di po ba? Andyan na ang mga bagong prenships, at yung mga wala na, as much as I can, eh naiallis ko na po. Kung ang inyong website eh hindi na tama ang URL sa listahan, paki-sabi na lang po sa akin at aayusin ko po. At kung wala kayo sa links page at gusto nyong magpadagdag, sabihin nyo lang po at ilalagay ko kayo :)

Pangalawa, dahil nainggit, este, na-inspire ako ng mga kapatid ko, muling binubuksan ng Ate Sienna's Pansitan ang (drumroll, flis, tan-da-da-dannnnnnn!!!!) Awtsayd da Windo. Pagkatapos po ng forty years, (medyo) tapos na po ang "Awtsayd Da Windo" na soooooooooobrang tagal nang hindi nailalabas. (Lumabas, nawala, lumabas, nawala, at ngayo'y lumabas na muli!)

Maraming bagong mga litrato, maraming bagong pikstyurs ng mga prenships. Kaya upo na kayo ng maayos as i-klik nyo lang ito or click nyo yung link sa kaliwa na may nakalagay na "Pikstyurs" (obvious, diba?)

Pangatlo, matagal na syang nakalabas, pero kung hindi nyo lang naman napansin, andyan ang mga sulat-sulat ng inyong lola na baka mapulutan ninyo ng aral, kutob, kagaguhan o katatawanan, andun po sya sa may bandang taas sa kaliwa. Ayun po o, yung may mga numero sa 1-9. Yun po sila.

Sya, tapos na yung mga jobruns ko, magluluto na ako. Alas-singko na. Pumasok na si Andres at nagpahiwatig na mag-va-vacuum na raw sya. In ader words, pinaaalis na nya ako sa kinauupuan ko dahil maglilinis na sya. hehehe (uy, ha... naglinis ako ng kusina kaninang morning. Amanos na kami! hahahah!)

Babushka!

--------

Posted by atesienna at 04:43 PM | Comments (0)

August 09, 2004

Ringo and Greta's Photography

Ang aking bradir na si Ringo eh kumuha ng photography class kasama ng kapatid kong si Greta. In fairness, may angking talino naman yung mga yun pagdating sa mga ganito. Si Greta, magaling yung mag-absorb ng mga bagong ideas - basta nasa mood sya. Si Ringo naman, ilang beses na ring nag-e-eksperimento yun sa pag-gawa ng mga music videos. Nagawan na nya ng music video ang kasal ni Patring, ang outing nila ng mga kasamahan nya sa Subic at kung ano-ano pa. Ikanga nila, may "mata" (an "eye" sa ingles, hehehe) sya na magconceptualize. At yun eh purbado na. (Kung kilala nyo ang kapatid ko, at alam nyo kung ano ang trabaho nya, alam nyo kung ano ang sinasabi ko.)

Mga ilang linggo na nga ang nakaraan, nasabi sa akin ni Inang na mag-aaral nga raw sila ni Greta ng photography. Gusto raw kasi ni Ringo na magtayo ng business at since ito naman ang hilig nya, maganda ngang matuto na sya ng tamang technicalities.

Nag-email sa akin si Itang ngayong umaga at sinabi nga nya na nanalo ng 1st place at 2nd place si Ringo dun sa photo contest ng klase nila. (Hmmmm... si Greta kaya, nanalo rin?) Pinadala nya sa akin ang first place at second place na mga litrato.Yung isa pang litrato na kuha din nya eh mga pamangkin ko at yung isa ay ang dyowa-labs ni Ringo na si Chin.

... hehehe, Mana talaga sa akin ang mga kapatid ko. :)




1st Place




2nd Place




Kulit Bulilits




Si Chin-chin


Para fair ako, eto naman ang mga pictures ni GretA.

Pinakapaborito ko yung picture ng dalawang bagets atsaka nung dalawang matanda na yung isa eh nagte-text pa.

Ang ganda ng mga kuha nila. (Isfel nyo nga ang 'proud sister'!)




Cute, diba?




Nagte-text si apo.




Panning assignment daw nila ito.


Sa mga nagtatanong kung saan sila nag-classes, sabi ni GretA "...yung lessons namin nung nakaraang weekend sa Intramuros, yun under Renz Sevilla, Nonong Abinuman and Melo Balingit..."

--------

Posted by atesienna at 08:13 AM | Comments (0)