Image 1
Image 2

« August 2004 | Main | October 2004 »

September 25, 2004

Clean-up Time!

Alas-syete ng umaga gising na ang mga anghel... este, ako lang pala. Balak kong maglinis ng balay, magluto at mag-sushi maya-maya kasi dumating na ang prenship kong si Joystick at bibisita naman si MariaBelen at dito magsisitulog. Kaya naman maaga palang gising na ako kasi excited na akong maglinis ng kusina at banyo (ngek!).

Pero bago ang lahat, siempre bumisita muna ako ng pansitan at baka si Be-be (aksent on da last Be) eh puro ka-tsenesan na naman ang ginagawa dito.

Nag-palipat-lipat ako sa mga links ko sa MEGALINKS dahil matagal ko na ring hindi nagagawang mag-blog hop. Nadiskubre kong marami na pala sa megalinks ang hindi na gumagana! Kaya mamayang gabi (o bukas siguro), mag-uupdate na naman ako.

Marami na akong nakilalang mga bagong bloggers na magaganda ang mga nilalaman ng mga blogs, at maraming nag-link naman sa akin at sa buong pansitan kaya palagay ko nga, it's time for another clean-up. Mailabas na ang walis at basahan...

Kung wala po kayo sa MEGALINKS at gusto nyong sumama, comment lang kayo. Kung mali ang link ko sa inyo, comment lang kayo. Kung iba na ang link nyo... tama kayo, comment na lang din kayo...

Babu por now.. naghihintay na ang kusina.

Posted by atesienna at 03:04 PM | Comments (20) | TrackBack

September 22, 2004

The Happy September Month

Most months of the year for my family is a cause for more than one celebration. Birthdays and anniversaries happen mostly every week within the month. Very rare that a month goes by when only a single event is celebrated. And I'm only talking about my first-degree relatives.

One month in particular that's "star-studded" is September.

It starts off with my neice, Chynna's, birthday on the 10th (which is the same day as my Uncle Nick, Inang's younger brother's birthday).

Exactly a week after that is my sister, Greta's on the 17th.

Come the 20th, my brother-in-law, Paolo, Patring's husband, celebrates his birthday.

The Grande-Dame, my Inang, will be turning 'ty-6 also exactly a week after Greta on the 24th. (Yes, Inang.. the cake books you requested as a birthday gift are coming this week, as I promised :)

These dates alone fill up our September calendars and our dining table with the traditional pansit or spaghetti (the symbol for long life) almost once a week wherever in the world each one of us are.

And again, the Lord has given us another reason to be happy when September comes. My new nephew, Franco, second child of Patring and Paolo, new brother of Chynna, was born last September 20 (yup, same birthday as his dad!). The cutie-boy was born all of 7.9 pounds.

I love September... :)

PS. Greta has informed me that Paolo and Franco's bdays are on the 21st not the 20th. (Blame the time-zone difference for that!)

franco.jpg
My New Newphew, Franco

Posted by atesienna at 07:52 PM | Comments (16) | TrackBack

September 17, 2004

Happy Birthday, Greta!!

bdaygretch.jpg To my much-loved sister. Ang isa sa tatlong pinakamamahal kong mga kapatid at kaibigan sa buhay ko simula pa nung bata kami (si Patring at si Ringo yung dalawa pa), ang kakwentuhan ko ng kung ano-ano lang na walang katuturan hanggang madaling-araw, katsismisan ko, ang nakakaalam ng lahat-lahat ng mga sikreto, ambisyon at kung ano-ano pang pangarap ko, ang nahihingan ko ng payo at gumigising sa akin dahil sa kanyang "other side of the fence" views. Ang nanay ng mga kulit kids na 2/3 ng kasiyahan namin (1/3 kasi si chynna na anak ni Patring), isang importanteng haligi ng pamilya namin (dahil inaasahan namin sya sa lahat ng bagay sa Pilipinas), ang matindi ang sense of humor na minsan hindi namin alam kung saan nanggagaling ang mga ideas nya na namana ng anak nyang si Popoy ("Mom, I have an IDEA...")

I love you, my dear, dear sister. Lagi ka sanang mag-iingat para sa pamilya mo at para sa amin. May all your dreams in life come true (kasama na yung pangarap nating bahay sa tabi ng Divisoria :)

Posted by atesienna at 01:07 AM | Comments (19) | TrackBack

September 13, 2004

Ano Balita?

Hayyy... pasensya na kayo. Wala akong ma-"wento" sa blog ko. Not because walang "wenta" ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon, pero di ko lang makalkal ang utak ko at isipin ang pwedeng i-blog.

Maya-maya, baka meron na...

Babalik ako.

Posted by atesienna at 06:59 PM | Comments (3) | TrackBack

September 07, 2004

I Am Such A Sucker for Kiddies

...especially if she's my niece.

Annika Fiona, who we fondly call Chynna (short for "Chynna Cake" - kagagawan ni Mokong yan na ang alias naman sa bahay eh si "Chicken Wings"), is turning 2 this September 10. Nag-joint birthday party na sila ni Mokong nung last Saturday. (Naalala nyo si Mokong, diba? Yung tulog na Ninja Turtle? hehehe)

Prinsesita itong bagets na ito. Soooooo different sa nanay nyang si Patring, also known as "Mini Cake". (Courtesy pa rin ni Mokong yang alias na yan. See the pattern?) Si "Mini Cake" kasi sobrang kyawet nung bata. Ni hindi napapagalitan yun ng nanay at tatay ko nung bagets pa sya (take note: NUNG bagets pa sya).

But like my two other pamangkins before her, si "Chicken Wings" at si "Porky Pie" (alias naman ni Popoy), I am sooooooo in love with this girl.

Ikaw ba, hindi ka mai-inlove sa mukha nitong batang ito? (Kahit na nga raw maldita sya at marunong nang mang-gigil at mangurot sa sobrang gigil!)

"Happy Birthday, Chynna Cake!"

(Kuha ito ng kapatid kong si Ringo)


Posted by atesienna at 06:44 PM | Comments (18) | TrackBack

September 03, 2004

I Never Promised You a Rose Garden

For all my life for the past 30-something years (ehem... di ko na sasabihin ang eksaktong numero), napunta na ako sa magkabilang panig ng have and have not - "Have" or "Have not" a dyowa.

Nung bata-bata pa ako, at natataon na wala akong stable object of my affection, feeling ko, araw-araw valentine's day. Hindi dahil kinikilig ako dahil may ka-sweet-nothings ako, kundi lungkot na lungkot ako sa inggit dahil lahat ng mga kaibigan ko may ka-"HHWW" (Holding Hands While Walking) or worse, may ka-"HHWWUTR" (Holding Hands While Walking Under The Rain). At ako, wala. Lagi akong pa-"L-L" para "I" (Pa-Lonely-Lonely para Ibigin). Ganun ang buhay ko nun - everyday is Valentine's day - dahil lagi akong loveless tuwing.

Hindi naman sasabihin na lagi akong tag-tuyot. May mga panahon din namang may saysay ang mga malalamig na gabi. Yun nga lang, mas matagal pa ang bagyo kesa sa tagal ng mga relasyon ko. Kumbaga nga, I was looking for someone to love but they were just looking away. Kung hindi ako nakakaliwa ng mga dyowa ko, ako ang subject ng pinagkakaliwaan ng mga dyowa ng ibang babae. Pero ang masakit sa ako ang ka-partner in crime ng mga nangangaliwa sa dyowa, hindi pa rin ako ang pinipili nila kapag nakipag-break na sila sa mga girlfriends nila. Asa pa kasi ako. Kaya ang labas, hindi pa rin ako ang may pinakamahabang buhok in all of womenkind.

Kaya during my later years, natanggap ko na na kung mabubuhay akong mag-isa, mabuhay na ako ng maayos. I learned to be independent. To think for myself, to live my life the way I want it to be lived. And for awhile, I was self-sustaining and I enjoyed it. AKO ang bumibili ng mga gamit ko, AKO ang gumagastos kapag lumalabas ako, AKO ang nag-eenjoy ng mga sineng pinanonood ko. Sarili KO ang number one sa buhay ko. Naramdaman kong maging tutuong independent nung nag-Canada na ako. Nagkakalalaki pa rin ako, pero hindi na ako nagkakandamatay kapag nag-goodbye na kami sa isa't-isa. Tumutulo man ang luha ko, hindi na ako mistulang drama ni Ate Vi na silently crying at walang-patid ang patak ng luha. Ikakain ko lang yun, mag-sho-shopping lang ako, itutulog ko at bukas, bagong tao na ako ulit.

Until I met Andres...

Si Andres ang nagbago ng pananaw ko tungkol sa pag-ibig. Sa kanya ko naranasan yung one-on-one na relasyon. Na gagawin ninyo ang lahat para maging successful ang relasyon nyo. Ang problema nun, malayo sya - Canada ako, California sya. Nagkikita man kami, ang pinakamatagal lang na pagsasama namin eh dalawang linggo. Kaya discounting the hours na magka-usap kami araw-araw sa internet, ang mga bisita namin sa isa't-isa, para pa rin akong mag-isa sa buhay ko. Marami pa rin akong oras para sarili ko lang ang isipin ko.

Nung tuluyan na kaming nagsama pagkatapos ng ilan pang taon, dun nagbago ang mundo ko. Unti-unti, na-realize ko, hindi na ako isa, dalawa na pala ako. Hindi na pala sarili ko lang ang iniisip ko. Ang mga binibili ko sa grocery, ang mga importanteng desisyon sa buhay, saan mag-babakasyon, saan pupunta sa weekend, na may naghihintay na pala sa akin kapag hindi ako dumidiretso ng uwi, na ang mga niluluto ko dapat gusto rin ng kasama ko. Na hindi ko sarili ang banyo at kelangan kong magmadaling maligo minsan dahil may taong katok ng katok sa kabilang side ng pinto dahil kelangan nyang gamitin ang banyo, NGAYON NA! Na minsan, mauubos ang Coke sa fridge kahit na isang baso pa lang ang naiinom mo. Na hindi ma makakapanood minsan ng replay ng 'Friends' kasi gusto nyang manood ng last episode ng 'Survivor'.

Na ang mga desisyon ng kung ano ang mangyayari sa araw-araw na buhay, dalawa na pala kaming dapat na nag-dedesisyon tungkol dun.

Hindi ganun kadaling hugutin ang sarili sa mga bagay na pinagkasanayan na. Mas lalo na kung masarap ang pinagkasanayan. Selfish na kung selfish, pero masarap yung concept na "I, Me And Myself" living.

... Pero, iba rin ang may karugtong ng buhay. May karamay ka sa lahat ng disappointments, frustrations, bitterness, sadness at loss sa buhay. May humahawak ng kamay mo kapag pakiramdam mo wala kang pwedeng kapitan. May mga brasong yayakap sa'yo kapag feeling mo takot na takot ka sa mangyayari sa kinabukasan. May mga matang nakakaramdam ng bawa't nararamdaman mo, sabihin mo man o hindi. May isa pang boses bukod sa boses mo na nagsasabi sa'yo ng "Kaya mo pa yan. Kakayanin NATIN yan."

Sa mga sandaling winner ka, masarap ang may ka-share ka ng pagka-winner mo. Na may tao na nandun lang sa kabilang kwarto na kahit hindi mo nakikita maghapon, alam mong nandyan sya para sa'yo. Na kapag may mga tanong ka tungkol sa kahit na ano, may sagot sya para sa'yo o tutulungan ka nyang hanapan ng sagot kahit na ang pinaka-non-sense na mga questions mo. Na kapag nagkakasakit ka, andyan sya at pagiginhawain ang kalagayan mo.

Na kapag pauwi ka na na kasama ang mga kaibigan mo, gustong-gusto mo nang makarating kasi naghihintay sya sa'yo ng may ngiti at yakap. At kukwentuhan mo sya ng mga nangyari sa buong araw mo. Na inspirado kang ipagluto, patikimin ng mga bago mong nadiskubreng putahe, na kasabay mong naglalaba at nagtitiklop ng mga pinaglabahan, na kasama mong nagpaplano ng kung ano ang gagawin nyo kung mananalo kayo ng pitong milyon sa lotto, na katabi mong manuod ng "The Simpsons" at "King of the Hill".

Pero kailangan pala talagang trabahuhin ang relasyon para hindi mapanis. Kailangan pala talaga na pag-gising mo pa lang sa umaga you promise to make a conscious effort na maging maganda ang simula ng araw nya kahit na humihilik pa rin sya sa kama. Dahil sya rin, alam mong hindi sya gagawa ng kahit na ano para deliberately saktan ka.

Na kahit magkaiba kayo ng pananaw, may middle ground kung saan pwede kayong magkatagpo. That the addage "It's my way or the highway" should not even exist between the two of you even if there are many ways to say "Yes, dear".

Sabagay, every good thing in the world takes a lot of work. It took God seven days to create the world, according to the Bible. (Or millions of years for every being to have evolved to what it is now, according to Darwin.)

Ikanga ni Lynn Anderson:

"I beg your pardon,
I never promised you a rose garden.
Along with the sunshine,
There's gotta be a little rain sometime."

--------

Posted by atesienna at 11:03 AM | Comments (17)