Image 1
Image 2

« September 2004 | Main | November 2004 »

October 30, 2004

Current Praises... Haunting Night...

Current Praises...

Bipor eyniting els, mag me-may-i-thank you lang ang lola ninyo sa mga namamahala at bumubuo ng Pinoyblog.com dahil pinarangalan nila ang pansitan ng lola ninyo na Pinoy Blog of the Week. Pag-gising ko pa lang nung umaga eh nakita ko na ang meseyds ni Fafa Batjay at talaga nga namang kay gandang simula ng araw.

Maraming salamat sa makers ng PINOYBLOG! (Feeling ko, para akong nanalo ng Urian Awards na pati hairdresser ko at designer ko gusto kong pasalamatan. hehehe)

AT may blog man kayo o wala, join na kayo sa Pinoyblog.com. Marami kayong makikilala at makakausap na mga Pinoy na nakakatuwa, nakakatawa at nakakaaliw :)

Haunting Night...

Mamayang gabi, may holloween (o halloween???) party kami ng mga kaibigan ko. May costume na ako, nung isang linggo pa nabili. Dadalhin ko ang camera ko at kukunan ko sila. Abanngan ninyo yung mga pictures dito ha... :)

Posted by atesienna at 04:01 PM | Comments (15) | TrackBack

October 27, 2004

My Favorite Books of All Time

Simula ng matuto akong magbasa, lahat ng pwede kong basahin, binabasa ko. Naalala ko nung five years old pa lang ata ako, ang hilig-hilig ng mga matatanda sa bahay namin na pagbasahin ako ng dyaryo at kyut na kyut ata sila sa akin na pinipilit kong basahin yung mga mahahabang salita.

"P-p-p-hi-li-pi-nes"
"No, that's Philippines."
"Ah... okey"
"Eh, this, how do you read this word?"
"P-p-pre-si-dent. Inang, president. Ay, diba that's Marcos?"

"Yes. That's Marcos. This, what's this?"
"Vi-et-nam. Viyetnam, Inang."
"This one, I know, Inang. N-N-No-ra Aw-nor Su-per-s-s-star. Inang, that's Ate Guy..."

Sabi sa inyo, eh. Lahat, binabasa ko.

Nung matuto pa akong magbasa ng mabilis, ultimo yung mga komiks na tagalog na dala ng Lolo Tuding ko galing Olongapo linggo-linggo, hindi ko pinalalagpas. Pinababayaan naman ako ni Inang para nga raw matuto na akong magsalita ng Pilipino. (Bobbing kasi ako nun sa Pilipino kasi nga ang turo sa amin ng inang kong salita nung lumalaki kami eh ingles para raw pagdating sa eskwela hindi kami mahirapan sa Language and Reading. Nakalimutan ni Inang, may Pilipino pala na subject, hehehe)

Bandang onse o dose anyos ako, na-uso sa eskwela ang Nancy Drew, Bobbsey Twins at Hardy Boys na mga libro. Mabuti na lang at yung isang kostumer ni Lola Idad na si Mrs. Ting, may anak na kasing idad ko. Maraming ganung libro si Rina na minana pa nya sa mga kapatid nyang sina Patty at Gerry kaya naman isang hapon, nung magsusukat ng damit ma pinatahi si Mrs. Ting, dala-dala ng driver nya ang isang kahon ng gatas na puno ng Nancy Drew! Naloka ako nun! Ni hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Pero siempre, dahil avid fan ako, alam ko kung ano ang sunod-sunod na dapat basahin.

Ilang buwan ko ring binuno yung buong isang kahon na yun. Proud na proud pa ako sa sarili ko kapag natatapos ko ng dalawang araw lang yung mga libro. Pero dahil nag-aaral din ako ng leksyon ko (dahil may palo ako kay inang kung mababa ang mga test ko), nakahiligan kong magbasa bago matulog. Dun nagsimula ang aking napakasamang bisyo na hindi ako makatulog ng walang binabasa (kung wala akong kaharap na TV). At nakakatulog akong hawak-hawak pa rin ang libro ko na akala mo eh gising pa ako! Kaya naman, maaga pa lang, sira na ang mata ko. Ako lang sa magkakapatid ang nagsasalamin hanggang ngayon.

From then on, yung mga iba pang libro na pinahihiram ni Mrs. Ting sa Lola Idad ko, binabasa ko na rin. Pero no matter what I do, hindi ko nakahiligan yung mga binabasa ng mga kaibigan ko na mga Mills and Boons at ang mga kamag-anak nun. Ewan ko ba, kanya-kanya nga kasing hilig siguro. Habang nagbabasa ang mga kaibigan ko ng Silhouette, Harold Robbins naman ang binabasa ko.

Marami.. marami na akong nabasa na gandang-ganda ako. Meron din namang pagkabasa ko ng huling chapter ang nasabi ko lang "Ano??? Yun na yun???" at may mga librong nasa kalagitnaan pa lang ako, alam ko na ang ending kaya di ko na inaksaya pa ang oras kong tapusin sila. May mga librong nagpaiyak na sa akin, pinatawa ako hanggang huli at pinag-isip.

Pero sa dinami-dami ng mga librong nabasa ko, may mga paborito ako na binabalik-balikan ko kahit na ilang beses ko nang binabasa. At kahit na ilang beses ko nang binabasa, hindi pa rin ako nabo-bored. (Hindi ko na i-e-explain ang mga plots nyan, dahil for sure, alam nyo rin sila.)

The Shogun by James Clavell
The Thorn Birds by Colleen McCullough
One by Richard Bach
The Vampire Lestat by Anne Rice Part of the Vampire Chronicles na paborito ko, pero itong book na ito ang pinaka-paborito ko.
Flowers in the Attic by V.C. Andrews
The Little Prince by Antoine de Saint-Exupery

Si Harry Pot-pot, labs ko rin yan. Pero naipadala ko kasi sa kapatid kong si Patring ang set ko, kaya hindi ko pa sya nababasa ulit. Hmmmm.. makabili na nga nun ulit...

Kayo, ano ang PINAKAPANGIT na librong nabasa ninyo? (hehehe, akala nyo ang question for the week eh favorite books nyo, no? Por a tseynj lang naman, hehehe).

Posted by atesienna at 02:20 AM | Comments (39) | TrackBack

October 22, 2004

Find Your Happy Place

It has been very stressful at work lately...

Suffice to say na the stress got to me so much that it really affected me emotionally. This rarely happens to me. Ikanga, "The Reigning Miss Close-up Smile and Laughter" nga ako, diba? But I guess, it's things like this that make you step back and assess things. I know I am doing that right now. Ano ang problema, tanong nyo? Wa ko na expound ang drama'ng pang "Ina ng Awa". Wag kayong mabahala, ok na ako.

Pero itong mga ganitong panahon, kapag parang ang feeling eh magkaka-panic attack, ang iniisip ko na lang, saan kaya mabilis makakapunta ang utak ko para hindi ako bumigay? (Ano nga bang pelikula yung "Go to your own, personal happy place".)

Actually, sa tutuo lang, ang pumasok sa isip ko nun nung talagang istress na ako - Pilipinas. Bigla kong naisip yung huling picture na pinadala sa akin ni itang na andun yung apat naming chikiting-gubat. Bigla akong nag-isip na andun ako sa Pilipinas, kasama ko silang lahat sa may Quezon Circle kasi nag-ro-rollerblades si Popoy at Mokong at nag-bibisikleta ng tatlong gulong si Chingching habang nasa stroller si Coco. Iniisip ko na lang nasa Libis kami at kumakain o nasa Rockwell at nag-sho-shopping. O hawak ko sa kamay si chingching habang hinahatid namin sa school si Popoy at Mokong at umiiyak si chingching kasi wala raw syang school ID na katulad nung dalawa nyang pinsan.

Naisip ko rin na nagswi-swimming kaming lahat sa Boracay at sabay kaming nagpupunta ni Popoy sa may malalim na. Tapos sumisigaw sya sa akin "Ninang, you know how to swim na! I told you, diba, it's easy naman?"

O di kaya eh pasko na pala at nandun ako kasama nila habang nagbubukas sila ng mga regalo nila galing sa akin at panay ang "wow!" at "this is nice!" at "thank you, ninang!" sila sa akin habang pinaglalaruan yung mga bigay ko.

Habang iniisip ko kasi kanina kung ano ang isusulat kong hideaway, ang ini-imagine kong isusulat ko sana eh isang secluded beach na may hawak akong malaking-malaking baso ng margarita kontodo naka-beach hat pa ako at puting bikini. Pero habang tumitikla na ang mga daliri ko sa keyboard ko, iba na ang naiisip ko.

Hindi pala yung secluded beach at margarita ang happy place kong gusto... mga pamangkin ko pala.

Sila ang "Place to Hideaway" ko...

...At pagkasabi ko nun, tumayo na ako sa upuan ko sa may computer at habang naglalakad papalayo tumutugtog sa background ang "A Place to Hideaway" ni Karen Carpenter at naka-flash sa isang sulok ng screen ang picture ng mga chikiting ko... (Hehehe, parang final scene sa Ma-Alala Mo Kaya at ako si Ma'am Charo.)


4kiddies.jpg


Kayo, sino, ano o saan ang inyong "happy place?"

Posted by atesienna at 01:30 PM | Comments (37) | TrackBack

October 16, 2004

Childhood Toys

Lately, I have this pressing need to remember my childhood.

Hindi ko alam kung dahil pakiramdam ko nagiging makakalimutin na ako (dahil sa operasyon ko at sa isa, dalawa, tatlong gamot ko) o dahil sa sobrang pag-iisip ko ng iba't-ibang bagay. Natatakot tuloy akong nawawala na ang pagkabata ko sa memory ko... o tanda na ba ito na tumatanda na ako :(

Isa sa pilit kong inaalala, ano nga ba ang paborito kong laruan nung bata ako? Lahat ng bata may isang natatanging laruan na paborito nila. Alam ko meron ako nun, pero kung ano yun, hindi ko maalala.

Kaya nung isang gabi, tinawagan ko si Inang. Kwento-kwento muna kami, life-life (buhay-buhay), ang for everyday-everyday (pang-araw-araw). ang mga people-people (tao-tao). Pakatapos, sinegue-way ko na sa tanong ko...

"Mader, ano paborito kong laruan nung bata ako?"

"Marami... Yung walking doll mo, yung manyika mong negra..."

"Eh Mader, doesn't ring a bell sa utak ko yun eh. Wala ba ako nung katulad ng manyika ni Patring na karay-karay nya kahit na saan sya magpunta?"

"Marami ka kasing laruan, eh. Lahat naman napag-lalaruan mo..."

"Eh si Patring din naman ganun, ah," sabad ko bigla.

"Si Patring naman kasi, alam mo namang nung maliit yan, may sariling mundo yan." Tatawa-tawang sabi ni Inang. Tahimik kasi si Patring kahit nung bata, taliwas sa aming tatlong nauna sa kanya.

"Yung bike mo na tatlong-gulong na galing sa Filipinas Life? Yun paborito mo yun," sabi ni Inang, "naalala mo, kapag Pasko, lahat kayo may regalo lagi gaing sa Filipinas Life?" Sa Filipinas Life kasi matagal na nagtrabaho si Itang nun at lahat ng mga anak ng mga empleyado na wala pang trese anyos, nireregaluhan ng kumpanya tuwing pasko.

"Ay... oo nga, yung bike ko."

"Meron pa... Yung Barbie mo, naalala mo yun?", dagdag pa ni Inang.

barbie1.jpg
Nung binanggit ni Inang ang Barbie, dun pumasok lahat ng ala-ala ko. OO nga.. si Barbie. Lintek, nakalimutan ko na si Barbie ko. Hindi ko sya baby-toy pero pinakapaborito ko nga syang laruan.

Nag-flashback sa akin yung mga panahon nung mga taong 1972, 1973, seven, eight yrs old ako. Dala-dala ang Barbie ko at isang latang bilog na pinaglagyan ng biskwit na puno ng mga damit na tinatahi ni Lola Idad at Inang para kay Barbie, susuot na ako sa ilalim ng narra naming kainan habang si Lola Idad naman eh nagtatabas ng mga patahi sa kanyang damit. Gustong-gusto ko dun sa ilalim ng mabigat na mesang yun kasi pati mga kwentuhan ng mga mananahi naririnig ko. Paminsan-minsan, kung nasa mood si Greta'ng sumali at nasa mood din akong pasalihin sya at ang Barbie nya, pareho kaming nandun sa ilalim ng mesa habang naririnig namin ang gunting ni Lola Idad na tumatama sa narra habang naggugupit sya. Inaabangan ko yung mga retasong nahuhulog at binabalot ko kay Barbie ko na parang damit. Minsan, ginugupit ko na rin sya para magkaroon ng butas na pang-leeg, pang-kili-kili at tinatahi ng pakamay ang mga piraso.

"Mga 8 years old ka lang nun. Pagkatapos nun, natuto ka nang manahi ng damit ni Barbie sa de-pedal na makina ng lola Idad mo." Paalala pa sa akin ni Inang. OO, naalala ko yun... pero nagulat ako... walong taon lang pala ako nun! Akala ko nun, matanda na ako kasi marunong na akong manahi. Ni hindi ko nga maisip na maabot ko na yung pedal nang nakaupo ako sa silya. Pero naisip ko, hmmmm... hindi na rin siguro kataka-taka.

Sabi nga nila, kung ano ang nakagisnan mo, sya mo ring matututunan. Magmula pa nga ng sanggol ako, tunog na ng makina, gupit ng gunting at tawanan ng mga mananahi ang naririnig ko sa bahay namin. Kalaunan natuto na ring magtabas at manahi si Inang ko. Ito ang bloodline ng pamilya namin nun. Dito kami nabuhay, katulong ng kinikita ni Itang sa Filipinas Life at sa pag-ba-bartender naman sa Subic ng Lolo Tuding ko.

"OO nga, Inang... diba, napuno ko na nga yung lata kong bakal ng mga damit ni Barbie?", sagot ko kay Inang habang nakikita ko pa sa isip ko yung asul na bilog na lata ng biskwit na yun, yung dilaw na gabardine na telang tinahi kong damit at yung pantalong double-knit na plaid na tinahi ko rin.

Siguro nakalakihan ko na lang at nawala na sa isip ko magmula nang matuto na akong makipaglaro sa labas ng bahay, medyo nakalimutan ko na si Barbie ko. Hindi ko alam kung nasama sya ni Inang dun sa sako ng mga manyika na nakatago na ngayon sa isang kabinet namin sa Cubao. Pero piling-pili na lang yung mga laruan na tinago ni Inang, kasama sigurado dun yung manyika ni Patring na paborito nya at yung ibang 'pa-tong-pa-tong' na mga laruan ni Ringo. Sigurado ako marami na syang pinamigay sa mga kamag-anakan. Hindi ko lang naitanong kay Inang nung pinagusapan nga namin ito kung naisama nya sa mga tinago nya ang Barbie ko.

Pagkababa nung telepono, natuwa ako at naalala ko na si Barbie. At dahil dun may mga naalala pa ako ng mga paborito kong mga laruan din nuon:

1. Taong 1969-1970, may mga mga jigsaw puzzles ako nila batman, superman, spiderman na lagi akong nakikipagpaligsahan sa mga matatanda sa pagtapos. Mga 5"x7" lang naman sya, pero proud ako nun lagi akong nananalo. Di ko alam, lagi lang pala silang nagpapatalo.

2. Taong 1969-1970 pa rin, may isang set kami ng Reading and Phonics na may kasamang mga 33rpm na mga plaka at libro. Ito ang talagang nakapag-turo sa kaing magbasa. Kasama na ang isang set ko na Dr. Seuss na libro na sabi ni inang, pinagka-hirap-hirapan nyang pagipunan at hulug-hulugan. Awa ng Dyos, dahil wala kaming masyadong lugar at tinatago ni Inang sa kahon, ayun, kinain ng anay at hindi na umabot kay Ringo at Patring.

3. Taong 1975-1976, may isang set ng tea-cup akong babasagin na bawal kong paglaruan araw-araw at nakadisplay pa nun sa ibabaw ng marble na mesita sa apartment namin sa Makati. Nung natabig yung mesita at dumulas yung marble, dumami ang piraso ng tea cup ko. (Naisip siguro ni inang, sana nilaro ko na lang at ako na lang ang nakabasag, sulit pa! hehehe)

4. Taong 1977, nakatira na kami sa Protacio sa Pasay, niregaluhan ako ng bike nila Itang na ang nagturo pa sa akin na mag-bike ay ang Unkel Nick ko. Imaginin ninyong mag-bike kasama ng mga naglipanang jeep na pampasahero. Kung hindi ka ba naman maglakas ng loob kaagad na magpunta ng Cultural Center kasama ng mga kaibigan mong may bike din. (Na sya kong ginawa at pinalo ako ni Inang nung malaman nya ito.)

Ikaw... anong mga kauna-unahang paborito mong mga laruan nung bata ka ang naaalala mo?

Posted by atesienna at 03:51 PM | Comments (45) | TrackBack

October 13, 2004

It's Like An Earthquake!

I hope lahat ng ating mga kaibigan sa Pinas eh hindi naman masyadong nagambala nung nakaraang lindol nung nakaraang Byernes at nitong Lunes. Balita ko kasi sa mga kapatid ko, medyo malakas nga raw ang kabog.

Speaking of kabog...

Hindi ako nakapasok ngayon kasi medyo nagpalpitate ang lola ninyo. Hindi naman sya malaking bagay. Once in a while nga lang napapabilis pa lalo ang heart rate ko na hindi nakakaya nung aking daily dosage ng Digoxin. Kaya naman ako umiinom nun, in the first place, kasi may atrial fibrillation ang lola ninyo. Taking this every day normalizes a speedy heart rate and prevents one from having a stroke.

Kapag nagpapalpitate ako, either umiinom ako ng valium (na-prescribe ng doktor ko) o di kaya eh tinutulog ko na lang sya. Ayaw na ayaw kong umiinom ng valium kasi nga takot akong maging dependent nito. So as much as possible, dinadaan ko sa tulog. Kung hindi gaanong matindi ang palpitations ko, isang tulog lang, nawawala na sya. Kung hindi man, dun na lang ako iinom ng valium, at hindi ako umiinom nito not unless natawagan ko muna ang doctor ko at pinapaalam ko na iinom ako ng valium.

Nakakainis kapag nagpapalpitate ako. Kumakabog nang non-stop ang dibdib ko (mistulang extended remix na long version sa disco) na nagiging bothersome sya sa akin at hindi ko sya ma-ignore. Kaya kapag nagkakaganun, na hindi naman madalas mangyari, mabuti pang lumiban na ako ng trabaho. Hindi ako madalas magpalpitate, the last time this happened was about 6 months ago. Dahil galit na galit ako nun. This time around, siguro lang medyo nag-catch-up na sa akin yung trabaho last week na medyo mentally, physically at emotionally draining kaya para syang after effect ng lindol. hehehe. May mga maliliit akong palpitations, pero mga hapon, o di kaya after another hour's sleep, nakakapasok na ako.

Ano ikanyo ang feeling ng palpitation ko? Imaginin ninyo, nanaginip kayo ng masama na may multong humahabol sa inyo at bigla kayong nagising, o di kaya, may ginawa kayo na takot na takot kayong madidiskubre kayo any monument. Yung instant na kumabog ang dibdib nyo ng matindi, imaginin ninyo na walang tigil, buong maghapon yung instant na yun.

Ganun sya ka-bad trip! Para syang non-stop lindol.

At ispiking of earthquake, pagbigyan nyo na ang joke ko:

"Knock knock"
"Who's there?"
"Taga-dun, taga-dyan"
"Taga-dun, taga-dyan, who?"

Ladies en gentlemen, the Flirtations, with their hit single from the 80's, "Earthquake"

"It's like an Earthquake, (taga-dun, taga-dyan) taking control,
It's like an Earthquake, (taga-dun, taga-dyan), burning my soul..."

Hahahaha!

Yun lang... Babushka!

Posted by atesienna at 04:41 AM | Comments (20) | TrackBack

October 11, 2004

From the Tagboard Ulit...

From Delish:
maraming salamas sa greeting!

Hi Delish, walang inumin. Nawa'y masaya ang imong berdey

From Eye:
hi ate sienna, salamat sa pagbisita sa aking blog! mukhang ngayon ka lang uli nagkaron ng mga bagong posts ahbusy ba sa pagiging bad girl?

Mismo, Eye! Full-time na pinagkakaabalahan ang pagiging bad girl, ha. Otherwise, bumababa ang guage at market value kapag hindi namentain ito. hehehe

From Ganda:
hello! pano po ba mag gawa ng blog dito sa pansitan? tenkyu po! ang happy kc... ehehehehe! gusto ko din dito! pliiss!­

Ay, ang GANDA ng pangalan mo! Medyo sarado ang pansitan sa bagong miyembro ngayon kasi kakaampon ko lang ng pinakahuli at pinagkakahintay-hintay na member (ang tagal kasing gumawa ng website eh, hehehe). Pero hindi ibig sabihin na hindi ka na pwedeng maki-gulo sa mga members. Bisitahin mo lang kami palagi at kahit na saang site ka magpunta, siguradong iwe-welcome ka namin :)

From Kekil:
ateng, salamat po sa paglagay mo sa achuchuchu ko dun sa megalinks mo. lab ya!

Labya din, Kekil... mabuti ka pa, panay ang update. Si Mars kaya? hehehe

From Renee:
Hi Ateng! Bakit ang tagal kong hindi mabuksan ang page mo? Hanggang banner lang? What gives? Happy weekend!

Hay naku, Renee, pareho kayo ng froblem ni Inang at Itang ko. di rin daw nila nakikita ang site ko maliban sa banner. Bakit kaya??? Pero haym syur, nakikita mo na sya ulit. Paano mo niremedyuhan? Si Inang ko kasi Firefox naman ang pinagamit ko para mabasa nya ang site ko. Site ko lang naman... weird...

From G:
hi ate sienna..just finished viewing all your awesome picture! IGetty is my quiet time place.It is near our place that I am there often when I want to be alone and free my mind. I never get tired.thanks for visitng too!Its like a royalty visiting ­

Ay, G, labs na labs ko ang Getty Museum. Overwhelmed na overwhelmed ako sa museums kasi yng mga nababasa ko lang nga mga artworks nun sa pilipinas sa mga libro at magazines, hindi ako makapaniwala na makikita ko sya ng harapan. I hope you're feeling better as the days go by :) Hang in there!

From Nette:
t sienna musta ka na miss ka nanamin dito. ako eto ganun pa rin. walang bago. heheheh

miss ko na rin kayo, nette. kelan ka dadalaw dito? bisitahin nyo naman ako ni dondon. kamusta mo ako sa kanila, ha? pssst, ganda raw bahay nila inang mo ah, sabi ni inang ko :)

From Fionski:
ate shenanigan asan na tips on being bad?

Wag kang mag-alala, fionski-girl, marami pang kapatid yang mga sulat ko na yan.. in the words of bongk, "Itutuloy"! mwahahaha

From Rodge:
hello ate siennz! sana ok ka na ulit.

Ok na ako, fafa... pwede na ako ulit bukas. salamat sa pagkamusta. Hinanap ba ako ni Ina Magenta?

Sa susunod ulit... Babushka!

Posted by atesienna at 02:41 PM | Comments (2) | TrackBack

October 04, 2004

The Bad Girl Test

Kung matagal na kayong suki ng pansitan, nababasa nyo na ang mga sinusulat-sulat ko tungkol sa pagiging Bad Girl.

Magmula ng sinulat ko yun may mga nagtatanong-tanong na sa akin kung paano nga raw ba maging bad girl. Bweno, sa mga nagtatanong, bibigyan ko kayo ng test. O wag kayong ma-praning, hindi nyo kailangan mag-review. (hehehe, as if naman magre-review talaga eh alam naman natin na nangongodigo ang iba dyan. *ehem*)

Madali lang, choose the best answer lang kaya hindi pwede ang sagot na "pass". Sa huli sasabihin ko kung kayo ay bad girl o may potential maging. Eto na ang...

Ate Sienna's Walang Mintes na Bad Girl Test

1. Ang huling bes na ako'y nakahubad sa harap ng isang hindi ko boypren o asawa ay
a. nasa gynecologist ako
b. nasa dressing room ako at nagsusukat ng damit
c. nasa nudist beach

2. Paano mo i-i-isfel ang salitang "DE-STRESSING" pagkatapos ng isang nakakayamot na araw:
a. D-I-A-T-A-B-S
b. G-I-N-E-B-R-A
c. O-R-G-A-S-M-S

3. Para makuha ko ang gusto ko...
a. Tinipid-tipid ko ang allowance ko ng isang buwan
b. Inexaggerate ko ang resume ko
c. Binandera ko ang bra ko sa loob ng bar

4. Nung minsang tumawag ako sa opisina at sinabing mag-si-sickleave ako, nasa kama ako at...
a. Sobrang taas ang temperature ko
b. May hangover ako
c. May katabi akong super-gwaping na boylet

5. Ang gumimik para maka-libre ng ladies drink sa bar ay...
a. Super tsipangga, ha!
b. Medyo cheap, pero ok lang, libre eh!
c. Teka... gimik ba tawag dun? It's the norm not an option.

6. Kapag naiisip ko ang future ko, ang nasa isip ko ay...
a. Stocks and bonds
b. Ang susunod na magiging dyowa ko
c. Super-duper saya

7. Wala akong _______ at yun ang gusto ko.
a. Mga sobrang kinahihiligan o kinamamatayan
b. STD
c. regrets

8. Nakilala ko ang huli kong naka-date sa
a. Palengke at hindi na nya ako pinagbayad sa tocinong binili ko
b. Cyber-cafe habang tinitingnan ang account ko sa friendster.
c. Friendster


Zero Bad Girl
Kung letter "A" halos lahat ng sagot mo, palagay ko, kelangan mong uminom ng kape na may brandy paminsan-minsan para magkatapang ka ng loob at medyo magkabuhay ng konti ang mga araw mo. Baka huwan op dis deys eh sumabog ka na lang.. ikaw rin, ayaw mo pa naman ng kalat.

Bad Girl in the Making
Kung karamihan sa sagot mo ay "B" ang tawag sa'yo ay "Borderline Bad Girl". May potentials ka. Basta lagi mo lang iisipin na ang ultimate goal ng pagiging bad girl ay ang iyong kaligayahan. Makakatulong din kung ang mga makakasama mo ay mga beteranong bad girl na rin.

Super-Diva Bad Girl
Kung halos puro "C" ang sagot mo, ay, lola, DIVA ka ng pagiging bad girl at very irresistable pa! Inuulanan ng lahat ng mga fans mo ng rosas ang dinadaanan mo at halos paliguan ka ng gatas dahil sobrang haba ng buhok mo! Congratulations! Humayo ka at mamayagpag!

Posted by atesienna at 02:34 AM | Comments (19) | TrackBack

October 01, 2004

Dear Ate Sienna...

Sufer busy sa opis at sa balay. Bisita namin ni Andres ang isa sa mga prenship sisters ko na si Joystick at gabi-gabi pagkakain, wala kaming ginawa kundi magpunta sa balkon, magkape at magkwentuhan. Sa opis naman, may mga ginagawa akong mga trabahong binigay sa akin ni Ina Magenta na kailangan matapos kaagad.

Nakaka-silip ako sa mga paborito kong blogplaces, nakaka-comment ng maigsi, pero yung iba, kasama na ang blog ko, hindi ko masyadong nabibigyan ng pansin. Windang na kasi ako sa opis kaya pagdating sa bahay parang gusto ko mag-relak na lang at tumungga ng beer sa may balkon.

Bago magtampo ang mga bisitors ng ating munting blog na nag-iiwan ng mensahe lately sa tagboard at comments, eh dito na ako babati sa lahat sa kanila...

From Fionski:
hello po ate sienna, di ko na tatanungin si kuya bodjie kse may kuya andres ka na...

Hello rin, Fionski. OO naman... wag na nating ungkatin ang nakaraan. Matagal nang sumakabilang buhay ang tambalang Bodjie-Sienna. Alam ko, hindi ako si Ate Sienna ng Batibot, pero I'm sure, sa isip-isip ng orig na "Ate Sienna" lagi nyang sinasabi pag binabanggit sa kanya si Kuya Bodjie: "OWVER!!!! Tigilan na ang hindi nagwaging tambalan!

Balik ka lagi, ha? Isasama rin kita sa MEGALINKS ko.

From Sundae:
First time ko sa site mo... mmmm, di q sinsadyang mapunta dito... babae ka ba talaga? natutuwa me sa advice mo kase naman pang okray ang dating nde pang drama.. pero may point ka naman sa mga sinsabi mo...

Dear Sundae, uyyyy... sadya ba'ng ang dating ko talaga eh binabae? Siguro nga, pero babae po ako. (At least according sa huli kong pag-check). Pa-okray nga ako minsan, no? Pero lambing ko lang un. Sa tutuong buhay, sweet na sweet ako... Paramis. Tanong nyo pa kay Fafa Rodge at Mama Cel. (Wag lang akong aabutan ng PMS ko.)

Nawa'y bisitahin mo ako ulit, Sundae. Any day is ok :)

From akopoayisangutang:
isa lang pong pagpupugay sa isang kaluluwang patuloy na nagbibigay liwanag sa mukha ng sapot na tinawag na internet...mabuhayka! sana lang po mgklakas dn ako ng loob na mgsulat.. gaya ninyo.. may katuturan man o wala.

Dear akopoayisangutang,
Sana nga magkaroon ka na ng lakas ng loob na sumulat din. Palagay ko, kung galing sa puso mo ang iyong sinusulat, malaon at madali, makakasanayan mo rin ang tumipa sa keyboard mo at isalaysay ang mga nasa isip mo. (Basta wag lang x-rated... hmmm.. pwede ring x-rated pero hindi nga lang kita malilink. Istrik kasi ang feyrents ko eh.)

From Rodel:
sana may koneksyon ka sa boyoyong

Dear Rodel,
Ganun???? hehehe... pwede sigurong gumawa ng fairy tale kung sasama ako sa kanila: Ate Sienna and the 3 Boyoyongs. Pero aanhin ko ang tatlong payaso? Magastos yun sa make-up atsaka pati mga damit kong makukulay eh pag-iinteresan pa nila. Wa na siguro...

*ngiti* rin por yu.

From Meg:
Hi Ate Sienna! Miss you very much!

MEGGGGGGGGGG!!! Miss na miss na rin kita, my prend! Kamusta na ang aking inaanak na si Kevin? Base sa huli kong tingin sa friendster ko, binatang-binata na sya. Magkahalo nga ang aking feelings kapag nakikita ko sila. Masaya ako kasi gwaping sya at ganun na pala katagal ang ating prenship. Pero, lola, nalulungkot ako kasi, napatutunayan lang na tumatanda na talaga ako. HWAHHHHHHHHHH!!! (Nasaan ba yung pangtanggal ko ng rinkols sa mukha???)

I labsyu. Punta ka na dito. Email mo naman ako.

From Justice:
hello! have been lurking in your site for weeks now. paalam lang ako if i can link you up. thanks.

Dear Justice,
Salamat sa pagdalaw mo ha. Na-sa-sight ko na rin ang blog mo at nakikita kita kina Kikay and Mizbelle. Salamat din sa lagi mong pagpunta sa site ng dalawang loka-loka kong mga prends (pero mababait yun, pramis).

Sige.. exchange-links tayo. ingats ka lagi!

From Michelle:
hi po s lhat­

Hi din sa iyo, Michelle. Sana lagi kang nasa mabuting kalagayan. Balik ka, ha?

From Leirs:
isa ako sa mga gumamit ng template nyo..thanks so much ang ganda nya.

Dear Leirs,
Salamat ng sobrang dami sa paggamit ng template ko. Nakita ko nga ang site mo. Gusto ko ang mga entries mo. Isasama kita sa links ko atsaka ilalagay din kita sa Manilena. (hmmm... note to selp: makapaglagay na nga mga bagong layout)

From Mizbelle:
hello ate!! musta na? miss na kita!! i can't believe Pia has another baby!! yippee! he is sooo cute!! i didn't even know she was pregnant! congrats to the family!­

Huy, MizB!!!
Miss ko na kayo. Parang ang dami-dami nyong happening ngayon dyan sa Calgary. Sana naman naiisip nyo rin ako kahit na paminsan-minsan lang. (Parang kanta yun: "Naaalala mo ba ako.. kahit paminsan-minsan lang... Nalulungkot ka rin ba.. na kagaya ko? Hehehe, ang makahula nyan, may premyo. hehehe). Yep... Patring was pregnant and she's got 2 kids na. Anukaba, I mentioned this to you when I saw you last, remember? hehehe.. kasi pag nandito ka super bisi ka eh. I can't blame you. ;)

From Ateng Jet:
Hi Ateng! Nalolongkot ako kasi weekend ala pa si fafa kaya eto, nagbabad muna ako dito... hehe. Thank you for all the sharing. It was a time well-spent indeed. Happy weekend! ­

My prendship sister!!!!
Wala pa rin ba si Fafa BatJay? Di Bale, malapit na syang umuwi. Maglaro ka na muna ng Sims atsaka labas-labas ka lang ng konti. Remember, kelangan mong mag-recharge kasi super subsob ka kapag weekdays. Take it easy my prend. At ingat ka palagi. Labsyu beri match talaga.

Salamat po sa lahat ng mga nagta-tag. Teynchuberimatch. Sana po eh nabigyan ko kayo kahit na konting tuwa at nawa'y balik-balikan nyo ako dito.

Hala.. mag-u-update na ako ng MEGALINKS. Yung iba pang may website na gustong makipag-exchange-links, sabihin nyo lang. ;)

Babushka por naw!

Posted by atesienna at 04:26 PM | Comments (11) | TrackBack