Image 1
Image 2

« October 2004 | Main | December 2004 »

November 27, 2004

In the Rays of a New Sun

Farewell...
I pass as all things do
dew on the grass.

A Japanese Haiku

For the past four days or so, I have been having a very "heavy" heart. Inang informed me Wednesday morning that my Tito Louie del Rosario, who in his early 50s and had been suffering from his first stroke since Monday night has, sadly, left us that day.

If you know me and you know how my family is with Tito Louie, his family, and his brothers, you would know how much the news of his demise affects all of us.

I pray, Tito Louie, for your peace. You will sorely be missed by so many people whose lives you've touched. I will very much miss you... noone will call me "Ate Gi" anymore with the same funny secret that name always meant to the both of us.

May you rest in peace...

(Also, dear readers, please pray for the repose of the soul of the dad of my new but much-loved friend, Ralph.)

From the obituary at McInnis and Holloway:

It is with great sadness that we announce the sudden passing of our beloved son, father, brother, uncle, grandfather and friend, Loreto Perez Del Rosario, of Calgary on Wednesday, November 24, 2004 at the age of 52 years.

Loreto was born December 8, 1951 in Hagonoy, Bulacan, Philippines. He tirelessly dedicated twenty years of service as a Corporate Controller at Bantrel, to the Bulacan Association of Calgary as President, and to his family whom he loved most of all. He will be sadly missed but lovingly remembered.

Loreto is survived his two sons, Francis and Spencer; his brothers, Chris, Joemel and Alberto; his sisters, Naty and Fely; and his granddaughter Leah. He was predeceased by his parents Ciriaca and Francisco and his sister Dely.

Those wishing to pay their respects may do so at McINNIS & HOLLOWAY'S Park Memorial Chapel (5008 Elbow Drive S.W.) on:

Saturday, November 27, 2004 from 6:00 p.m. to 9:00 p.m. with prayers at 7:00 p.m.
Sunday, November 28, 2004 from 6:00 p.m. to 9:00 p.m. with prayers at 7:00 p.m.

Funeral Mass will be celebrated at St. Anthony's Catholic Church (5340 - 4th Street S.W.) on Tuesday, November 30, 2004, at 10:00 a.m. with the Rev. Eulogio S. Estaris, Presider. Forward condolences through www.mcinnisandholloway.com.

In living memory of Loreto Del Rosario, a tree will be planted at Nose Creek Valley by McINNIS & HOLLOWAY FUNERAL HOMES, Park Memorial Chapel, 5008 ELBOW DRIVE S.W., CALGARY. Telephone: (403) 243-8200.

Posted by atesienna at 08:58 PM | Comments (29) | TrackBack

Sanamagan ka... Teynk Yu, Ha-ker!

Nung Huwebes, pagkatapos naming kumain ni Andres ko ng tarkey, naisipan kong check-in ang selpown ko. Aba, may miskol ako at textt! Tsinek ko yung tawag at si Fafa Batjay at Ateng Jet. Sinabihan nila ako na inatake ng hacker ang Pansitan.net. (Basahin nyo kay Ateng Jet kung paano nya nalaman.) Hindi kasi ako nagbukas ng komfyuter ko buong araw dahil mega-busy kami ni Andres mag-luto ng tarkey at iba pa naming kakainin for teynksgibing.

Nung makita ko ang site ng HaringLiwanag, high-blood na ang lola ninyo! Tiningnan ko ang site ng kapatid kong si Greta, at dun ko naisip. Bw^k%n^ng^n#!!! Confirmed ko na - nadale ng hacker ang buong pansitan nga! Dali-dali akong nagbukas ng WS_FTP ko para matsek ko kung ano-anong files ang tinamaan nya. Mukhang puro index.html ang sinira nya. Sabi ko, ok... katulad nga ng sabi ni Fafa BatJay, kung yung file lang na yun, madali ngang ma-republish ng mga bloggers ng pansitan yun at babalik na ang site nila.

Katulong si Dyaris na online that time, nag-experimento ako kung ano ang mangyayari nung tinanggal ko ang lahat ng index.html nya. Medyo magulo yung webspace ni Dyaris nung una kasi maraming nasave na index files. Pero naisip namin na mukhang may ginagawa ang blogger kaya may file akong hindi ko ma-delete. Ni-republish nya ang site nya at gumana. Tinanong ko rin ang chikaMars na kasalukuyangs may thanksgiving party kasama si fafa rodge kung ano ang userid at password nya sa blogger para ma-republish ko sya at makita kung ano ang ginagawa ng blogger. So ok naman. Hindi ako nag-erase ng index nya at in-overwrite lang ng blogger yung huling index file.

So nag-email na ako sa mga taga-pansitan. Sinabi ko kung ano ang nangyari at assured them that they just need to republish their whole blog site. Kung may problema pa rin, binigay ko ang email address ko at YM ko at cell ko sa kanila.

Tapos naisip ko, teka... pansitan.net lang nga ba ang nadale ng tinamaan ng lintek na hacker na yun???

Tiningnan ko ang face painting site ni greta at patring, ang website ng kapatid kong si Ringo, AT ang Manilena.com. Lintek!!! Lahat dinale nya! Iisa ang date at timestamp nung mga index.html na files. May program syang ginamit para mag-crawl. At hindi lang pala index.html, kundi lahat ng filename na may "index" sa pangalan. Kaya yung mga graphics ko na may index sa pangalan, nadale din nya. At ang manilena.com, lahat ng templates ko na index.html ang pangalan, nabago lahat!

Talagang uminit na ulo ko! Feeling ko talaga parang gusto ko nang patayin yung davidu na yun! Isa-isa ko na namang binalik lahat ng files. Hanggang mga alas diyes ata ng gabi nagrerestore ako. Hindi ko pa nga tapos lahat. Hanggang ngayon, nag-aayos pa rin ako ng iba. At hanggang kahapon, may mga nadidiskubre pa ako at ang mga nagbabasa ng pansitan.

Nag-email ako sa may-ari ng server para sabihin na na-hack ako. Nag-email din ako sa kung sino man ang webmaster na nagho-host nung graphic files nung hacker. Naisip namin ni Andres, kung napasok ako nung hacker, at nag-lagay ng hacked na file, pwede rin syang pumasok sa ibang server at dun ilagay yung graphic file na ginamit nya. Binibigyan ko pa rin ng benefit of a doubt yung may-ari nung url na yun na biktima din sya. Yung davidu2@gmail.com na nakita ninyo, malamang hindi rin sya yun o malamang may gumagamit nung email na yun para sa spam naman. Kung ako sa inyo, HUWAG ninyong padadalhan ng email at baka ma-span kayo dahil malalaman nyang buhay ang email address ninyo. Wala akong natatanggap pa na email dun sa may-ari ng url Oh well, jo-well...

Unfortunately, wala rin akong natanggap na email galing sa server host ko. Dun din ako yamot. Ni ha-ni ho, dedma ang server ko. Kaya ngayon, talagang desidido na akong maghanap na ng iba pang server host. Kung meron lang mag-o-offer ng unlimited sub-domain, unlimited mysql database, more than 5 addon domains, monthly ang bayad, tutulungan akong i-transfer lahat ng files ko at mura lang, paki-sabi sa akin. Lagi naman akong on the lookout sa servers eh. Pero dahil dito, medyo mas dibdiban na ang paghahanap ko.

Some things are in order for apologies or thank you's

1. Op kors, Kay Jet at Jay sa inyong walang sawang pag-mamalasakit :)

2. To my friends who were having a thanksgiving party at Arlene and Chet's, sorry po. Pagpasensyahan nyo na po na hindi ako naging "miss amity" na tulad ng dati. Nung tumawag kayo, nalaman ko na po na na-hack sina Mars, Rodge at Hoho at mainit na ulo ko nun kasi medyo nagkaka-idea na ako kung ano ang extent nung damage ng hacker. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa inyong pagtawag at sa pagpa-alam sa akin nang nangyari. Belated happy thanksgiving sa inyo ulit!

3. To Polo, for telling Jet and Jay that Jim's site was also hacked. If not for you, they wouldn't have an idea to look around the other pansitan bloggers.

4. To chikaMars and Dyaris, for helping me do some experiments with their sites.

5. To Prada Mama for giving me a call and letting me know personally what repairs she has done and giving me an update on her other site. Pasensya ka na at hindi na ako nakapag-return ng call. Tulog na ako nung tumawag ka pero I worked on 87 gentle street right away when I woke up, while I was having my morning breakfast of... turkey again. hehehehe

6. To Ayeza, pasensya ka na at hindi na ako naka-text back. Tulog na rin ako nun pero salamat pa rin sa pag-understand mo.

7. Sa lahat ng bloggers ng pansitan.net, for all your emails of support, for your understanding, your level-headedness, your patience. Tama nga si Jet sa pagsabing mababait kayong lahat because you didn't think it was a big deal and you took everything with a grain of salt and that everything was all well :)

8. Sa lahat po nang nag-text, nag-email, nag-iwan ng message sa tagboard at sa comments box informing me of what happened and are still discovering places where the hacker went. Alam nyo, ang galing-galing talaga ng suporta nyo - taga-pansitan man kayo o hindi! Touched na touched ako. Maraming-maraming salamat sa walang sawa ninyong pagtulong, to care enough to let me or anyone at pansitan know when things like this happen.

Was it a sign that this stupid hacking incident happened on Thanksgiving? Maybe it was... so that I can personally thank all of you, too, for caring about our little community and making it grow to what it is now.

Maraming salamat po!

Posted by atesienna at 05:43 PM | Comments (12) | TrackBack

November 22, 2004

Some Things to be Thankful for this Thanksgiving

Thank You, Almighty One, for the following blessings in my life for the past year:

1. A regular job that pays for our everyday and provides for my medical and prescription bills without any out-of-pocket expenses from me. Thank You for providing me a "stable"-enough job that can pay for all these and still have some to spare for some other things.

2. Thank You for the love of my life. May you continue to guide him, shower him with patience and strong will and the light that life is always worth living :)

3. My nephews' and niece's good health and jolly disposition. Special thanks for my newest newphew, Coco, who was born this year. They are the joys of our lives, the air we breathe, the extensions of all our beings. Thank You for making them healthy, bright and intelligent kids (even if they're sometimes too intelligent for words, hehehe).

4. My mom and dad's continued good-naturedness and so-far, good health. Altho they may be experiencing some slight "signs of old age", thank You for them still being with us right now. We can never be old enough to be cared for, doted upon and "babied" by them.

5. My grandmother's gracious life. Thank You for continuing to keep her healthy as she continues to enjoy her great-grand kids.

6. My sisters' and brother's good lives. Thank You for continuing to shower them with blessings of good kids, loving partners. Thank You for keeping them all strong in the face of any adversity, whether they tell us about it or not. Thank You for being with them during their own individual tough times and being with them when they most need You. Thank You for giving them to me. For without them, I wouldn't know what "sharing with your siblings" or "loving your siblings" mean.

7. My gift of good friends near and far. They may not be as numerous as before, but the ones that have survived the test of time are my best, most cherished, most loved ones. Thank You for the ways that I can keep in touch with them - emails, snail mails, phone calls, cars, airplanes, etc.

8. For more recent friends. My found friends that have enriched my life, broadened my horizon, widened my knowledge, expanded my visions of the world. Thank You for the internet. For it is thru this medium that I have met most of them or kept in touch with them. Thank You for friends that I've met outside of the world wide web. They've kept me adventurous, young and happy.

9. For all my prayers, heard or unheard, granted or not. I know that things happen because they have to, things will happen in their own time and not mine. Thank You. Because the granting and the ungranting constantly teaches me to be thankful, to count my blessings, be patient, be more wise and more accepting.

10. For the continued well-being of most of our relatives, young and old. For those who we've found to be ill and sick, thank You still for not forgetting them, for comforting them and for continuing to be with them even when sometimes... they think You're not.

11. For my gift of life... Thank You for the everyday that I can still wake up and have the opportunity to experience the new day. To see the sun shine, to see the rain fall, to hear the buzz on the highway, to be with friends, to hear from my family, to go to work or just laze around the house.

When I look around, there are so many things that I am still and should be thankful for - may they be evident or not.

For all these, thank You.

Posted by atesienna at 10:43 PM | Comments (19) | TrackBack

November 14, 2004

New Templates at Manilena.com

Ahayyyyyyyyyy... sa wakas!!! After 10,000 years, at isang-daang litro ng dugong lumabas sa lahat ng parte ng katawan ko, meron na naman pong mga bagong templates sa MANILENA.COM.

Alam ko may mga nag-aabangan na sa inyo ng mga bagong template. Safe po silang i-download. At kung gusto po ninyong magpatulong kung paano sya ilalagay sa blogsite nyo, e-mail nyo na lang po ako sa pukasimba at hotmail dot com. (Refresh nyo lang ang inyong browser kasi baka yung luma pa ang nakikita ninyo.)

Enjoi, kiddies!!!!

Posted by atesienna at 07:04 PM | Comments (35) | TrackBack

November 13, 2004

Tawag Mo 'Ko?

Kami atang magkakapatid ang hinding-hindi mo sasabihing "conventional". Panganay ako sa aming apat, sumunod si Greta, tapos ang nag-iisa kong kapatid na lalaki na si Ringo at ang bunsoy na si Patring.

Silang lahat may "ate" na kakabit ang pangalan ko pag-tinawag ako. Si Greta din, "ate" din sya kay Ringo at Patring. Pero si Ringo, hindi ata natawag ni Patring na "kuya" eber. Kasi naman, siempre nung maliit sya gaya-gaya lang sya kung ano ang tawag nung mga mas matatanda. Eh si Ringo, wala namang tumawag na kuya, kaya "Ringo" lang ang tawag nya dun. Minsan pa nga, "hoy!".

Pero sa pangalan lang yung "ate". Pagkatapos nun, kung ano man ang lumabas sa mga bibig nila, hindi na sakop nung "term of respect" na yun.

Lahat ng mga kapatid ko, mapang-asar. Mas lalo na si Greta at Ringo. Kapag pagod na silang mag-inisan na dalawa, ang primary target nila, eh kaming dalawa ni Patring. Kung pagod na silang yamutin si Patring at umiiyak na, ako naman ang napagdidiskitahan nila at bise-bersa.

Pero may commandment number 365 si Inang (o, ha, talo si Moses!): "Thou shal not "carry your hand" (magbuhat ng kamay) on your brother en sisters." Dahil ayon sa bibliya ni Inang (KAPITOLO 9 BERSIKULO 22): "Pare-pareho lang kayong anak ko. Hindi kayo ang naghirap na ipanganak ang isa't-isa. Ako lang ang may karapatang mamalo. Kapag inaaway kayo, wag kayong magbubuhat ng kamay. Isumbong nyo sa akin at ako ang magpaparusa." Sus, hindi naman namin ginagawa kasi ang isa pang aral sa bibliya ni Inang (KAPITOLO 13 BERSIKULO "isa hanggang tatlong bilang lang kayo"): "Kapag nag-away kayo at hindi kayo matigil, pare-pareho kayong may palo sa akin!"

O diba, henyo si Inang ko? San ka pa lulugar dun? Yung mga iba pang ala Haring Solomon na mga pangaral ni Inang, huwan op dis deys, ikukwento ko sa inyo. Pang-isang blog entry na rin kasi yun.

Si Itang kanyo? Napakatumal magalit ni Itang sa amin. Pero walang bibliya si Itang. Man of few words yun... PALO agad ang katapat mo! Kaya madalas hindi kami nagpaparinig kay Itang na nag-aaway kami kasi mistulang kidlat galing langit yun kapag namalo - *HUWAPAK!!!!*. Kasing bilis at kasing tindi!

So eniwey, mabalik nga ako sa aming magkakapatid. Dahil nga pakiramdam namin nung mga bata kami na walang matanda-matanda, free-for-all ang mga alias at pang-inis na mga tawagan namin sa isa't isa through the years.

Eto na lang...

Si Patring namin, super-tahimik na bata yan. Walang masyadong imik, walang masyadong daldal. Mas lalo na nung naging dalaga na. Yun ata ang naging coping mechanism nya nung adolescent ages nya kaya N.R. lagi (No Reaction). Minsan pa akala mo, model sa MTV ni Anthony Castello ng kantang "Malayo ang tingin..." kasi mistulang laging nakatingin sa kalawakan. Kaya bininyagan ni Greta at Ringo yun ng "Misty". Ganda, diba? Bakit kanyo? "Misty" - short for "Miss Tingala"!

Eto pa...

Si Greta at si Ringo, dahil magkasunod at babae at lalaki nga, laging nag-aaway yang dalawang yan. Andyang minsan sa sobrang yamot nila sa isa't-isa, nagsuntukan! As in sapakan talaga! (Nung malaman yun ni Inang, pareho silang nasinturon, hehehe. Naalala nyo yung binaggit ko sa itaas na bibliya according to Inang, diba?) Pero wag ka, kapag may nangaaway kay Ringo o may nang-aaway kay Greta, silang dalawa rin naman ang magkakampi. Pero behind close doors, ang tawag ni Greta kay Ringo, "Tasweng" kasi ang laki-laki raw ng ulo ni Ringo. Literally, dahil kasi malaki talaga ang ulo ni Ringo nun, at figuratively, kasi may pagka-brat yun nuong bata sya.

Si Greta naman tinatawag ni Ringo'ng "Sotanghon" kasi sobrang payat daw. As in, "Ang yabang-yabang mo! Patpatin ka naman! Sotanghon!!!" Pero si Greta kasi ang motto nun: "stick and stones will break my bones, but words will never harm me". Kaya nga ang sulusyon ni Ringo para makaganti, sapakan na lang!

Ako?? Heh, change me! Star ako! Hindi sila nagkasya na isang pangalan lang ang binigay sa akin. Naging dalawa pa:

Nung nagsimula na akong magtrabaho, at one time, nauso yung nagpapakulot ng buhok. Eh nung unang bes akong nagpakulot, kay Tony Galvez pa ako nagpunta. Eh, bonus, eh. Winner ang lola ninyo! Pero siempre hindi naman araw-araw eh bonus, kaya nung nauunat na ang buhok ko pero wala na akong pera, dun lang sa may malapit sa amin ako nag-pakulot. Na-tsapter ang buhok ko nung bakla! Grabe, as in kulot na kulot at maigsi pa! Nung umuwi si Ringo galing sa trabaho nya isang gabi, napansin ang hairstyle ko. Sa sobrang aliw nya, nasabi nya, "Ba't nagkaganyan ang buhok mo??? Para kang si Matet!!!"

At dun, ladies en gentlemen, nagsimula ang palayaw kong, hanggang sa ngayon eh tawag sa akin ng mga kapatid kong mababait, "MATET".

Yung isa pa? Nagtatrabaho na rin ako nun. For some reason, kumain kami ng mga kaibigan ko sa bahay ng isang barkada namin ng sinigang na hipon. Ang saraaaaaaaaaaap nung hipon!!! Sa sobrang taba nung mga hipon, may mga mistulang mga itlog pa sya na ang sarap isama sa kanin. Eh malay ko naman, may allergy pala ako dun. Ayun, namaga ang buong katawan at mukha ko! Pinakain ako ng kaibigan ko ng asukal sa sobrang takot nila na baka ma-constrict ang lalamunan ko at ma-tsugi ang ganda ko. Inuwi nila ako sa bahay at binigyan ako ni Inang ng antihistamine.

So ok na... kinabukasan ng umaga, akala ko magaling na ako kasi wala na akong masyadong hives. Eh putsa, pagtingin ko sa salamin, nawala ang bridge sa pagitan ng dalawang mata ko! Maga pa rin ang paligid ng mga mata ko! Isip ko, hindi ako papasok at baka matakot ang mga kaupisina ko sa akin.

So eto na naman ang Ringo, (napansin nyo ba, very imaginative itong kapatid kong ito?) kagigising naman ngayon at bumaba para mag-almusal. Maiyak-iyak ako ng tinitigan nya ako at sinabing, "Grabe, Matet, ano nangyari sa mukha mo???? Kamukha mo si SIMBA!!!"

At yun, mga kaibigan, ang dahilan kung bakit ang pangalan ng hotmail account ko eh "Pukasimba" dahil sa PUKA'ng kapatid ko na tumawag sa akin ng SIMBA!

PERO don't get us wrong. Nagmamahalan kaming magkakapatid. Makikipag-away ako ng todo kapag ang mga kapatid ko ang mga ino-okray o binabalasubas. Ganun din sila. Kami ang magkakakampi, kami ang nagtutulungan. Mas lalo ngayong matatanda na kami. Palagay ko, nakatulong sa amin yung 365th commandment ni Inang tungkol sa hindi pagbuhat ng kamay kasi we look at each other as equals, pero andun yung respeto at pagmamahal namin sa isa't-isa. Hindi naman kami perpekto kasi minsan nagkakayamutan pa rin kami, pero kumbaga yung mga pang-asar naming mga pangalan nuon, "terms of endearment" na namin ngayon. (At sa tutuo lang, wala kaming pinapayagan na tumawag sa amin ng mga palayaw namin kundi kami-kami lang.)

Kayo, ano ang tawagan ninyong magkakapatid na mistulang yun na ata ang binyagan ninyong pangalan?

Posted by atesienna at 05:03 AM | Comments (30) | TrackBack

November 12, 2004

TAN-TANANNNNNNNNNN!!!!!!!!!!!!!

Sabi ko na nga ba... hindi ako nagkamali! Alam ko na kung may itatanong ako sa mga kasamahan at prenships sa internet, mayroon at mayroong makakatulong sa akin.

Kasi nga kahapon pinost ko yung tanong ko na kung may nakakaalam kung sino at ano ang taytol nung picture sa Nov. 11 post ko.

G confirmed that it is a Degas and even mentioned that it is a "Danseuse". Pero nasabi ko rin sa kanya na "quite but not quite" kasi may hawak na bouquet yung dancer. Bumalik pa nga si G nung gabi at pinost na kung hindi pa raw nalalaman kung anong painting ito, eh pupunta sya talaga ng Getty, mereseng may carpet repair sya. (hehehe, ang sweet talaga ni G.)

Pati si Chard, sabi nga nya "Danseuse" nga raw yun at may binigay pa syang link sa akin ng picture na halos pareho din ang itsura.

Pero si Fafa Batjay ang nagbigay sa akin ng mas malaking avenue for Google search. "The Star" na sabi nga ni Fafa equals "Danseuse" din. Ginamit ko yung "The Star" at "Degas" sa google. Nung una medyo disappointed ako kasi pareho din sya nung picture na sinabi ni G. Sabi ko sa sarili ko "naku, sasabihin ko kay Fafa, luhaan pa rin ako."

Pero further down may link na nagsabing "Dancer with a Bouquet, the Star of the Ballet - Degas art print ..." At...

TANANNNNN!!!! Nakita ko sya! (*doing the Dance of Joy pa rin - hindi po ito pareho ng "dance of joy" ni fafa batjay).

Eto po ang link sa mga gustong makita kung ano nga sya...


Edgar Degas' Dancer with a Bouquet, Star of the Ballet

Thank you din kay Ralph. Huli man daw at magaling, gwapo pa rin :)

THANK YOU VERY MUCH, PRENS!!!! BATANG-PROMIL TALAGA KAYO!!!!

(hehehe.. ang premyo ninyong promil, ibiigay ko kapag nagkita na tayo!)

Posted by atesienna at 02:42 PM | Comments (13) | TrackBack

November 11, 2004

May Tanong Ako...

Por da biyutipul layf op da me, hindi ko malaman kung sino ang gumawa ng fainting na ito. Naka-display sya sa Getty museum at kinunan ko sya nung minsang nagpunta kami dun. Kung bakit naman, katanga ko, hindi ko kinunan ung nakadikit na note na nakapaskil sa tabi nya na nakalagay lahat ng info tungkol sa larawan (uy... "larawan", very linggo ng wika!). Kaya ngayon, para akong loka-loka na hanap ng hanap sa internet kung sino ang feynter nya.

Ang masakit dun, wala na ata sya sa online collection ng museo. Hinanap ko sya sa collections ni Degas. Kasi isip ko, ay, ballerina, malamang si Fafa Degas nga ito. At guess what, wala yung painting sa koleksyon nya sa internet!

Tapos isip ko, "Hmmm.. impressionistic ang dating. Baka Monet." At tutuo nga - luhaan pa rin ako!

Manet kaya? Mas lalong hagulgol ako! Hayyyyy....

Pakiramdam ko, nagmaganda na naman ako nung kinunan ko ito, eh. Sabi ko sa magandang sarili ko pihado, "Ay, knows ko naman kaagad kung sino fainter nito eh, di ko na fi-fiktyuran yung title ng painting na naka-paskil..."

O, loko, ngayon nawiwindang akong malaman kung sino nga ang gumawa nito. Nag-MAMA at nag-PAPA kasi ako... Nag-MAMArunong at nag-PAPAsikat!

Kayo, alam nyo ba kung sino ang henyong pintor na kung nabubuhay ngayon eh siguradong ookrayin ako dahil wala akong karespe-respeto sa kanya? Ang makapagbigay-liwanag sa kultado kong pag-iisip, bibigyan ko ng Promil! Kasi pakiramdam ko, batang-promil na lang ang makakatulong sa akin. hehehe... (O sya, kung hindi nyo rin knows, anong feynting na lang ang peborit ninyo? O kung wala kayong maisip, sige na nga, magpaligaya na lang tayo sa isa't-isa - joke time na lang tayo. hehehe)

(For more Getty museum fixtyurs, check nyo na lang ang aking online gallery.)

Posted by atesienna at 02:42 PM | Comments (17) | TrackBack

November 05, 2004

The Falling Leaves

Kahapon ng hapon, tumawag sa akin si inang ko. Mga dalawang araw na kaming nagkakasalisihan ng pagtawag sa isa't-isa. Sabi nya kasi sa text nya nung isang araw may news daw sya.

Nung Byernes nga, nagkausap na kami. Chika-chika muna, pagkatapos tinanong ko na sya kung ano yung itsi-tsika nya sa akin.

"Natatandaan mo ba ang Ninang Celia mo?"
"Sus, Inang, oo naman. Diba nga nasa Virginia sya? Bakit papupuntahin mo ba ako dun?" tatawa-tawa akong nagbiro kay inang.

Ang Ninang Celia ko, pinsan ng Inang. Anak sya ni Nanay Toyang na kapatid/pinsan (?) ng Lolo Pendong ko at grand-aunt kong si Nanay Coriting. May kakambal si Ninang Celia ko na si Tita Inday na kamamatay lang mga dalawang taon lang atang nakakaraan, breast cancer. Close yan silang magpipinsan. Kaya nga naging ninang ko pa si Ninang Celia sa binyag ko.

"Tumawag sa akin ang Tita Wella mo, sabi raw ng Nanay Coriting, uuwi na raw sina Ninang Celia at Nanay Toyang mo sa Pilipinas. Malala na raw ang cancer ng Ninang Celia mo..."
"Cancer???? Saan sya may cancer?"
"cancer sa utak. Hindi ko nga mahagilap ang telephone number ng Ninang Celia mo sa Virginia eh, gusto ko syang tawagan. Mahahanap mo kaya sa internet?"

(Nang makausap ni Inang si Ninang Celia, lung cancer pala ang sakit nya at hindi brain cancer.)

Tulala pa rin ako. Di ako makapaniwalang may nagkakasakit sa linya ng pamilya ko ng brain cancer. Akala ko sa ibang tao lang nangyayari yun.

"Akina ang address inang at hahanapin ko. Baka makita ko sa 411.com tapos tatawagan kita ha."

Hindi nakapagbigay ng information ang 411.com. Hmmm... Google kaya? Nilagay ko ang pangalan ng Ninang ko at ang kumpletong address nya at baka lumusot sa google at ibigay ang numero (kasi minsan lumalabas yun sa search results nila). Wala rin. Isip ko, hindi pwedeng wala. Sinubukam ko ilagay ang buong pangalan niya at Virginia lang.

Naglabas ng resulta ulit ang google. Isa na dun ang pangalan ng isang simbahan sa Virginia at may link tungkol sa isang charitable organization dun. Nakalagay ang pangalan ng Ninang ko.

"Sya kaya ito?" Tanong ko sa sarli ko. Nung pinuntahan ko yung site, tiningnan ko yung mga pictures. Pictures ng isang nagdaang project para sa mahihirap sa Pilipinas at isa sa mga huling picture ang picture ng Ninang Celia ko. Co-founder pala sya ng organisasyong tumutulong sa mga kapus-palad sa Pilipinas.

Nagulat ako sa picture nya. "May sakit nga talaga ang ninang ko." Sabi ko sarili ko. Nung huli kong makita ang Ninang Celia ko, ang ganda-ganda nya. Makinis ang balat, maputi at smarteng-smarte. Gandang-ganda ako sa ninang ko. Yung nakita kong litrato, litrato ng isang taong nag-ke-chemotherapy na. Nalungkot ako... may kumirot sa dibdib ko.

Sabi ni inang, hindi na raw nakapag-asawa ang Ninang. Kaya naman ang kasama nya sa bahay nya sa Virginia ay ang Nanay Toyang, mga 80 yrs old na ata si Nanay Toyang. Naisip na nilang umuwi na sa Pilipinas dahil baka nga naman may biglang mangyari sa isa man sa kanila, wala silang makakasama.

Nung binalikan ko yung search results ng google. May isa pang result na nasa ilalim nung una kong pinuntahang site. Isang page pa rin sya ng site ng simbahan at binanggit pa rin nila ang pangalan ng ninang ko.

"Please remember to keep in your prayers, those who are sick and those who suffer, especially: Celia XXXXXXXX...".

Tumawag ako kay inang ko.

"Inang, may sakit na nga talaga ang Ninang. Pinagdadasal na sya sa simbahan."

Binigay ko kay inang ang URL kung saan nandun ang litrato nya at kung saan nakalagay yung text ng request for prayers ng simabahan. May isa pang link kung saan nakalagay ang telephone number nya. Binigay ko rin kay Inang yun.

Sa boses ni inang sa telepono, alam ko nanlumo din sya sa nakita nyang litrato.
"May sakit na nga si Baby", mahina ang boses nyang sinabi.

"Tawagan mo ang ninang mo. Pero wag mo munang ipaalam sa kanya na alam mong may sakit sya."
"Inang, hindi pwede. Kapag narining ko ang boses ni Ninang, iiyak na ako nun. Ngayon pa lang nga, naiisip ko lang naiiyak na ako. Eh nandito ako sa upisina. Alangan namang mag-i-i-iyak ako dito eh maraming tao."
"Eh kaya nga, hindi ko rin kayang tumawag eh. Maiiyak din ako sigurado."
"Eh at least ikaw, Inang, nasa bahay ka. Walang makakakita sa'yo. Atsaka mother, mas mataas ranggo mo sa akin. Inaanak lang ako, pinsan ka. Kaya dapat mauna ka..."

Diba, ang ganda naming mag-ina? Masakit para sa akin ang tumawag. At alam ko masakit din sa Inang ko yun kaya nagpapasahan kami kung sino ang unang tatawag. Nung huli, sabi ko kay Inang, tatawag ako ulit sa simbahan at tatanungin ko kung tama pa rin ang numero ng telepono na nasa internet at itatawag ko sa kanya.

Nung gabi, kinuwento ko kay Andres ko ang nabalitaan ko. Lungkot na lungkot kasi ako at kelangan kong ilabas yung lungkot ko. Sabi ni Andres, tumawag nga raw ako.

Hindi ko kayang tumawag. Sabi ko, magpapadala muna ako ng card at sa sulat ko muna sasabihin. Ibibigay ko sa kanya ang numero at address ko dito at titingnan ko na lang from there. How do you talk with someone you've been with your whole life and love so much without the thought of her death coming into your mind? Alam ko, in times like this, kung ako ang nasa lugar ng ninang ko, I would like to know that I'm sorrounded by people who love me. I know I have to do the right thing, but the right thing isn't always the easiest thing to do.

May takot ako... I don't handle death well. Ang mga naunang namatay sa buhay ko, biglaan ang pagkamatay nila. Pero I've never come in close contact with a loved one na may taning na ang buhay. Kahit sa kapatid ni Ninang Celia, bigla ko na lang nalaman na sumakabilang-buhay na pala sya. At kahit yung mga biglaang pagkamatay, hirap na hirap pa rin akong maka-recover palagi.

Kung sa sarli ko nga I couldn't come to terms with my own mortality. I can't even think about my own death and dying reality kasi lagi kong iniisip, gusto kong makita ang mga pamangkin ko na malalaki na, may mga sariling pamilya at may mga apo ako sa kanila. Dahil sa karamdaman ko, takot akong isipin na hindi ko makikita ang mga panahon na yun...


Autumn season na... Sa Tagalog, "tag-lagas". Unti-unti nang namamatay ang mga dahon, unti-unti na silang nalalagas. Nagbibigay daan sa mga bagong sibol na mga halaman na siya namang lalaki sa mga susunod pang taon.

Ang mga taong, nung bata ako eh mga bata pa, puno ng buhay, puno ng lakas. Napakarami nilang tinatawag kong Tita at Tito. Unti-unti, isa-isa, nawawala na sila. Ang mga sanggol na nakikita ko nun at kinakarga-karga, mga dalaga at binata na ngayon. Ako na ang tinatawag na "Tita" ng mga batang mas malalalim pa ang boses sa akin at mas matatangkad pa sa akin ngayon. Ang isa sa kanila, may anak na. May apo na rin ako.

Sa isip-isip ko, parang nakikiisa na sa panahon ang buhay ko. Sa ayaw at sa gusto ko, ito na ata ang "tag-lagas" ng buhay ko. Maybe this is one way that God is telling me to come to terms with this thing they call "death".

Tatawag ako sa simbahan sa Virginia, aalamin ko ang numero ng ninang ko. Tatawagan ko ang ninang ko. Di bale nang umiyak ako...

(Sa mga dear readers ng pansitan, sana po masamahan nyo ang pamilya namin na ipagdasal ang mga kamag-anak naming may mga sakit na. Isama nyo po sana ang Ninang Celia ko sa mga panalangin ninyo.)

Posted by atesienna at 01:08 AM | Comments (40) | TrackBack

November 01, 2004

Halloween Night

Una po, TEYNK YU sa lahat ng nag-comment at bumati sa akin ng "Kongratsuleytment" dahil nga sa pagkakapili sa lola nyo na Pinoy Blogger of the week. Sina Unkel Rolly, Joachim, Thess, Ting-aling, Fafa Rodge, Manay Celia, Ces, Fionski, Fafa BatJay, G, Ralph, Jacks, Allan, Eye, Pooh, Valerie, Sachiko, T, KiwiPinay, . Sa mga hindi po nag-comment pero natuwa din para sa akin, Tenchu Beri Mats olso (kilala nyo kung sino kayo). Maraming-maraming salamat sa inyong lahat, kasi kayo naman ang nagbibigay sa akin ng ispirasyon para pagandahin pa ang aking mga entries. Atsaka nga pala Salamat din kay James Cooper for my hair and make-up, Pitoy Moreno for my gown, en Marikina Shoe Expo for my shoes that night. Not to forget, Doktora Belo, for my lovely skin.

At speaking of costumes (huh???), so natuloy nga po ang Halloween party ng Donya "She-Devil" Arlene Latayan-Moran at Don Poncho 'Papy' Moran - ang aming super-host, caterer (dahil ang sarap ng chicken sangwitch) at benefactor, not to mention, giver of all news-worthy chikas!

Medyo late na kaming dumating nila Mars at Daisy kasi nga nag-make-up pa kami. Winner ang lola Mars ninyo kasi super-ganda talaga ng transformation nya from cutesy to BatGirl-Femme-Fatale (wala pong kinalaman kay Fafa BatJay)! Siempre pa, ang Daisy, Diva pa rin ang drama mistulang korona lang ang costume. Feeling Diva pa rin sya. Ang Fafa Rodge, sulit na sulit ang pinambayad sa costume kasi mukha syang Vampire Lestat kahit na naiwan pa nya ang kanyang pinagka-isip-isipan-last-minute-buy-na-pangil.

Naruon na rin sina Jojo "Jason" and Brenda "Poke-me-hontas", Chet "Ah-nold" and Arlene "GI Jane" nung nag-grand-entrance kami. Excited na excited nga kaming lahat kasi ang gaganda namin! (hehehe)

Mistulang haunted house ang labas ng bahay ni Donya Arlene at tuwang-tuwa ako sa mga cobwebs na naglipana sa buong kabahayan.

Of course, helping the Moran couple entertain their guests is the one and only Her Royal Divine-ness, Sabrina "da Witch-y", ang bestfriend ni Donya Arlene eversince way-wayyyyyyyyyy back.

Marami pang bisita, mga friends and relatives ng mag-asawa who came and celebrated Halloween at the Moran household. It was a fun night. Intriguing but one-of-a-kind. I haven't worn a costume for Halloween ever in my entire *ehem*-nine years kaya naman, excited ako talaga na mag-get-up.

Check nyo na lang ang mga pictures namin. So very saya talaga! Lumalaki po ang pictures kapag hinimas ng inyong mouse. (ay, anobayun...)

Yung nakikita nyong ulong mistulang lumulutang-lutang sa paligid namin sa ibang fiktyurs, hindi ho pugot-na-ulo yan. Si Hoho po yan, ang las-bat-nat-da-lis na miembro ng pansitan.net na hindi ko pa naaasikaso ang pag-lipat ng bahay. Kaya po panay ang paramdam sa kung saan-saan. hehehe

Posted by atesienna at 06:23 AM | Comments (54) | TrackBack