Image 1
Image 2

« November 2004 | Main | January 2005 »

December 20, 2004

Merry Christmas Na!!!

"Merry Christmas" na!!! Ikanga nung kapitbahay naming maliit na bata dati nung nakatira pa kami sa Lantana St. Na ang ibig nyang sabihin sa amin nun, bubuksan na nya yung regalo namin sa kanya kasi pasko na.

Sa inyong lahat, nawa'y walang kasing-ligaya ang inyong mga Pasko. Nawa'y maging matiwasay, puno ng saya kasama ang inyong mga mahal sa buhay. Pero sana, maalala din nating ipagdasal ang lahat ng ating mga kabayan, kakilala man o hindi, na medyo hindi maganda ang pasko ngayong taon dahil sa iba't-ibang kadahilalan.

Kasalukuyang nagbi-bisi-bisihan ang inyong ate sienna sa mga regalo nyang ipamimigay. Dasal ko lang, sana matapos ko lahat bago dumating ang bagong taon :)

Merry Christmas to you and yours!

Posted by atesienna at 06:28 PM | Comments (21) | TrackBack

December 14, 2004

DA King is Dead

It's a sad, sad day for Philippine showbusiness as well as for most of the Filipinos. DA King, Fernando Poe Jr., is dead.

Inang has been shedding some tears, she told me yesterday, ever since she's seen on TFC about him being in a coma. Personally, I'm sad because Da King was a figure of my growing up years. He was "Panday", "Epimaco Velasco", "Lt. Guerrero" to Eddie Garcia's "Judge Valderrama", even "Delfin" to the Mega's "Georgia" and the number one celebrity endorser of San Miguel Beer. He has been copied, idolized, spoofed by so many others, so many times, because, he is, after all, DA one and only King.

He's a consistent icon of things I've known growing up - movies, commercials, famous movie lines. I'm still a little dazed... wala na si FPJ.

Altho, it's true, I was one of those who wished he wouldn't win the previous presidential election in the Philippines and sighed a relief that he didn't. But that wasn't because I had no respect for this man. On the contrary, it was because I didn't want his reputation tarnished, I didn't want him to end up like his buddy, Erap. I would've been so sad if he continued to be the laughing stock. With his stature he didn't deserve that and shouldn't be reduced to that.

I remember this one and only time I saw him in person, he was soooo much larger than life, it took my breathe away. His presence was so overwhelming, "gusto mong lumuhod at humalik sa kamay nya - ala-Godfather". (That's my figure of speech to describe how much respect I have for a person.)

I know my Tita A will be so sad when she goes to see him for the last time during his wake. My friend, EdL, will be there. I'm sure my brother together with a lot of his friends, will also pay their last respects to the one and only King of Philippine Movies.

FPJ, may you rest in peace...

Posted by atesienna at 05:20 AM | Comments (14) | TrackBack

December 07, 2004

Libre ang Mag-Syoni

Malapit na ang pasko... Sa mga nais magbigay o mag-doneyt sa Ate Sienna Make a Wish Come True Foundation, eto po ang mga pwede ninyong i-doneyt:

1. Isang Ka-mera
2. Isang radio
3. Isang computer
4. Isang singsing

5. At siempre... World Peace.

Hindi pa ho huli ang pag-doneyt. Para sa naunang apat sa donations, pwede rin po ang cash equivalent in lieu of gifts. (hehehehe)

Posted by atesienna at 08:25 PM | Comments (19) | TrackBack

Maagang Pasko sa Pansitan.net

Binabati na kayo ng Pansitan dot net ng maagang Maligayang Pasko! (hehehe, bago po kasi ang banner page namin.)

Posted by atesienna at 03:49 PM | Comments (4) | TrackBack

December 02, 2004

Inevitability?

May kaibigan ako from way, wayyyyyy back nung Ayala Life days ko (super bagets pa ako nun!). We've lost contact for a long while pero salamat sa internet, we, together with some more good friends during that same "era", have gotten in touch with each other once again.

Loy is a very, very good friend. "Buchikik" ang tawag sa akin nun - di ko alam kung bakit. Siguro kasi medyo (o sya, super) makulit ako nung bagets ako. (Oy, pero changed woman na ako, ha... kung sinasabi ni Papa Rodge na mukha akong nasususian minsan, pasalamat sya at hindi nya ako nakilala nung kabataan ko! Mas lalo na sya! Hahahaha!)

Mabalik ako. Si Loy nga marami kaming pinagsamahan nito. For awhile, habang nakiki-sakay ako sa kotse nyang Renault pauwi (o pag sinuwerte, yung chedeng ng nanay at tatay nya), lahat ng girlash nya kinukwento nya sa akin. Hindi naman kataka-taka, kasi gwaping yun, mestiso kasi. Sya ang nagturo sa akin na makinig sa "Swing Out Sister" nung hindi pa knows ang SOS at "Acoustic Alchemy". Malay ko dun sa mga Yurofian bands na yun dati. Yun ang nagkukwento sa akin ng iba't-ibang klaseng baril, gun-enthusiast kasi. At nagturo sa akin kung paanong pino-pronounce ang "Renault" na hanggang ngayon, luz valdez pa rin ako dahil hindi ko magawa.

Matindi sa pera si Loy. Marunong magpaikot-ikot ng investments. Twing umaga yan, nakapag-basa na yan ng stock exchange sa dyaryo. Siya ang nagturo sa akin kung ano yung "Bull" at "Bear" at kung ano-ano pang pagkakaperahan. Na isip ko naman nun, aba, eh bakit ko naman aalamin yung mga bagay na yun eh wala naman akong perang pang-stocks. Ma-giraffe ako. Sya lang ang mayaman. (hehehehe)

Nung ma-in-love yun sa isang pretty girl, nawindang ako kasi hindi ko akalain na marunong din pala syang magseryoso ng babae. At nung main-lab talaga namang sobra! As in talagang sinuyo niya si Tati. Ang lab apeyr nila mistulang ala-Balagtas na "hahamakin ang lahat, masundan ka lamang". Hinamak talaga lahat! Eventually, si Tati na nilangit nya ng husto, napangasawa din nya. Ganun nga ata ang kaibigan ko - kapag may gustong-gusto, determinado.

Nung nag-resign si Loy ng Ayala Life, nalungkot ako. Na-frustrate kasi syang masyado sa performance rating nya. Hindi nya ma-take. Nalala ko pa ang itsura nya nun nung una nyang sinabing magreresign na sya. Lumong-lumo sya nun. Frustrated na frustrated. Kaya naman pagkatapos ng ilan pang linggo, ayun, umalis, lumipat sa ibang kumpanya.

Pero wake-up call ata kay Aloysius (tawag namin sa kanya minsan) yun. Hindi rin ata sya nagtagal dun sa nilipatan nya kasi nalaman na lang namin pupunta sya ng Amerika at mag-ma-masters ng business. Nagkasulatan pa kami ng isang bes nun nung nasa Hartford sya. Pagkatapos ng masters, nakapag-trabaho pa sya sa Amerika. Mas madalas na silang nagkakausap ni Socorro nun kesa sa akin kasi nasa Amerika din si Socorro at kinukuha naman ang masters nya sa San Francisco.

Nung mapunta sa Amerika at nakapag-trabaho sa Meryll-Lynch, dun na ata lalong tumindi ang utak-business ni Loy. Dun pa sya naging mas determinado na mag-bi-business na sya.

After awhile na nasa Canada na ako, nabalitaan ko kay Socorro na umuwi na si Loy at Tati, kasama ng panganay nila, sa Pilipinas. Nalaman ko na lang nagtayo na pala sya ng bar sa Pilipinas - yung Watering Hole Brewery sa EDSA Shangrila. Nung umuwi ako para sa kasal ni Greta at namimili kami ng mga gagamitin namin sa Shangri-La, nagkabungguan pa kami ni Loy at nabanggit nya na nagtayo pa sya ng Watering Hole Espresso Bar naman sa loob ng mall. At ngayon ngang nagkakabalitaan na kaming magkakaibigan ulit, nalaman ko, nagtayo pala sya ng isa pang business - sa syobis naman. Ang kaibigan ko pala, kasama ng maganda nyang misis, ang producers behind Scribbleworks Productions.

Kung nanunuod kayo sa ABC5 at napapanood ninyo ang "Island Flavors" (Sundays, 9:30am) at "Tahanang Pinoy" (Sundays, 11:00am), gawa ito ng Scribbleworks.

During the last Star Awards for TV, binalita sa amin ni Loy na nominated For Best Lifestyle Show at Best Lifestyle Show Host ang "Tahanang Pinoy" at nanalo naman ng Best Woman Show at Best Woman Show Host ang "Island Flavors".

Nung minsan kong tinanong si Loy kung bakit sinama nya ang syobis sa mga pinasok na business. Sabi nya, hindi naman syobis particularly ang habol nya kundi yung business venture daw. At siempre pa, isip ko, knowing Loy, yung greater potential na kumita ang investment nya.

I'm happy for Loy... he found his niche. He found out early what he was really good at (ang gumawa ng pera, hahaha!). Lucky him - not everyone is given the gift to realize their own potentials or even if they knew, they wouldn't know how to use those potentials to the best of their abilities. Lucky him, too, he had the resources to fulfill his dreams. Which is good, kasi he puts all these blessings to good use.

Natanong ko tuloy sa sarili ko, kung hindi binigyan ng mababang performance rating si Loy nun sa upisina namin at hindi sya na-frustrate, empleyado pa rin kaya sya ngayon? Or would it come to him, no matter what, na hindi corporate life talaga ang niche nya sa buhay kundi sariling business? Would he still have ended up putting up three (that i know of) successful businesses even if the paths towards the end might have been different?

Minsan kasi pumapasok sa isip ko, (uy, meron ako nun... suprisingly), ang kinabukasan ba ng tao eh ginagawa nya o destined ba sya to be what he is, no matter what he does? The age old question of Destiny or Free Will.

And while you ponder on that last thought, manuod kayo ng "Island Flavors" at "Tahanang Pinoy". O di kaya, dalhin nyo na ang mga barkading ninyo sa Watering Hole sa EDSA Shangrila at pag-usapan ninyo ang tanong ko.

Posted by atesienna at 05:30 AM | Comments (15) | TrackBack