Image 1
Image 2

« December 2004 | Main | February 2005 »

January 28, 2005

Nung Isang Gabi

Panawagan: GUMAGANA NA PO ANG COMMENT BOX KO!!!

Ok.. in ader noos...

One night, napanaginipan ko si Richard Gomez. Dapat sana masaya ako kasi huwanenonli kong labs yang si Goma (kung pinoy na artista ang pag-uusapan. Siempre behind all that, kay Keannu pa rin ako, hehehe). Pero hindi ako masaya kasi ang panyet ng panaginip ko.

Sa panaginip ko, naging mahirap na raw sya. Alam nyo yung itsura nya nung ginawa nya yung pelikulang may alaga syang ahas? GANUN!!! (Grabe! Ano nga ba pangalan nung pelikulang yun??? Ang pumapasok sa isip ko eh "Ula" pero alam ko si Juday yun, eh)

Pero hindi naman sya baliw, weird lang. Di ko alam kung bakit kami napunta dun sa lugar nya na typical nyong nakikita sa mga pelikula kapag low-to-middle income ang pinapakita nilang surroundings. At nasa bubong na yero daw kami ng bahay nya, pero may sofa sa bubong! At kahit na lapit pa sya ng lapit sa akin, hindi ko na sya feel!

Hindi dahil sa mahirap sya.. kundi weird na syang kausap! Kasing weird nung kapitbahay ni Fafa Rodge sa trabaho... minus the british accent. Pero mas weird ata ako... ako yung nananaginip eh.

Posted by atesienna at 12:41 AM | Comments (16) | TrackBack

January 26, 2005

Nananahimik...

Bago ang lahat, gusto lang pong ipaalam ng kaibigan naming si Albert na may correction dun sa Obituary ng aking sumakabilang buhay na Tito Louie. Humihingi po ng dispensa si Albert, na nung mga panahon na yun eh sobra po ang kalungkutan sa puso, sa mga minamahal nila na hindi po nabanggit sa nasabing Obituary.

"Loreto is survived by his two sons, Francis and Spencer; his brothers, Chris, Joemel and Alberto; his sisters, Penny, Naty and Fely; and his granddaughter Leah. He was predeceased by his parents Ciriaca and Francisco and his sister Dely"

May my Tito Louie rest in peace.

-------------------------------------------------------

Medyo nanahimik ako these past few days.

Unang-una, dahil maraming trabaho sa opis kaya't pagdating ko sa balay, plakda na ako. As in!! Mega-kayod sa opis kasi nag-re-org at ang super-"ganda" kong bossing na si Tangkad eh na-promote kaya naman mega-dagdag din ang trabahong pinasa sa amin. Ang ganda, diba? Otsentang tickets ng user requests at kung ano-ano pa ang binigay sa amin. Eh tama bang ratatatin kami ng pagpasa ng mga tickets na yun?

Pangalawa, busy ako mag-prepara para sa pagdating ng mahal na mahal na mga kaibigan na isang taon na magmula nang makita ko. Tatlong araw ko rin silang makakasama at excited na excited na akong makasama silang muli. Hmmm... pwede pa kaya kay sister ang sushi? Alam ko, si Fafa, mega-laway na yun sa mga gagawin kong sushi masterpiece. Hehehe

Pangatlo... nagpapahinga lang muna ako. Pagkatapos ng matinding pagharap sa internet sa pag-pili ng mga bagong makakasama sa pansitan, medyo pinahinga ko muna ang mga mata ko. Pakiramdam ko, the past few days, parang bigla, lumalabo ang paningin ko. Kelangan ko nang gamitin ang salamin ko sa mata mas madalas kumpara sa dati na mistulang pang-ja-porms lang ang salamin ko kahit na far-sighted ako at may astigmatism ever since the world begun ata.

Pero bago ko kayo iwan, may ikukwento ako sa inyo na matagal ko nang gustong ikwento pero hindi ko lang nagagawa (kasi nga, ano?? basahin muli ang mga rason sa taas...) Umupo kayo, mahabang kwento ito...

Alam nyo ba, nung unang linggo ng Enero, nagpunta ako ng Chinatown ng LA. Kasama ko ang diva at ang pamilya nya at si Maricel. Kumain kami ng dimsum na super sarap at saksakan ng muring. Pramis! Pagkatapos naming kumain at mabundat, rumampa-rampa kami sa Santee. Duon ko napurbahan na ang kataas-taasang diva eh mas matindi pa pala sa akin pagdating sa shapingan dahil umaatras na ako sa mga stalls ng damit dun, pero ang diva, umaatras man, pero pabalik! Binalik-balikan pa ang mga nadaan na namin na mga stalls! Matindi, diba?

Pero hindi yun ang point ng kwento...

Nung magsawa na kaming rumagasa sa ulan, pabalik-balik na sa mga tindahan, makipag-baratan dun sa intsik na may tindahan ng mga pabango, rumampa ang ganda namin sa Rodeo Drive. Ang sabi kasi ni Arturo na kaopisina namin, yung mga ilaw daw na nakasabit sa mga poste sa kahabaan ng Rodeo Drive na pam-Pasko eh tig-fi-fifty-kiyaw raw ($50,000). Tama ba? So drive-by kami at sabi namin, "Ngekkkk!!! Yan ang 50 kiyaw??? Pasalamat na lang sila at naunang nilagay yan kesa sa nangyaring Tsunami, kundi inokray-okray sila ng maraming people of the world!" Nakakaloka!

At eto pa!

So eto na kami. Ginanahan mag-kape kaya go kami ng Starbucks sa may around the vicinity. Naisipan naming dumaan sa simabahan ko sa may Beverly Drive-Beverly Hills. Sus, na-excite ako kasi nakakita ako ng damit na gawa sa magandang materyal, may lining pa at wala pang $19.00 (galing sa presyong $98.00)! Sa BEVERLY HILLS! Naloka ako at mistulang parang sinilaban ang pwet ko sa tindi ng na-ngalap ko! Mistulang ukay-ukay find talaga!

At hindi lang yun!

Nung nakapila na ako para magbayad, may napansin akong babae na sinisilbihan na ng kahera. Isip-isip ko, "Looks family ang mukha nung kanang yun." Naabutan ko pa sya sa kabilang kahera at nung simplified ko syang tiningnan, isip-isip ko ulit, "Aba, si Tori Spellling ba ito???!" Pero sabi ko ulit sa sarili ko "Pero parang hindi kasi iba ang mukha atsaka hindi masyadong kagandahan." Na syang kinontra naman ng pag-iisip ko, "Pero kahawig na kahawig nya, eh!"

Kaya nung nakapagbayad na sya at rumampa paalis, tsinika ko ang kahera, "Was that Tori?" Umo-o ang kahera, "Yeah, that's her." Sabi ko, "She looks different in person." (Read: hindi sya maganda sa personal. Hahaha! Kasi saksakan ako ng ganda, pramis!) Ang kaherang mahadera ang sabi ba naman "They normally don't when you see them in person!" Hahahaha! Laban ka dun?? Mas mahadera pa sa akin ang lukresia kasilag na kahera!

Idagdag mo pa ito!

So go na kami sa istarbucks, uminom ng kape, super kwentuhan pa rin ng walang katuturan at mega-drive na kami papunta ng LAX para sunduin si papa Rodge na manggagaling naman ng Pinas.

Ginutom ata kami dahil sobrang tagal lumabs ni papa Rodge sa waiting area. Nagyayang kumain sa Denny's. So kain, kain, kwentuhan pa rin, pero mas bumabangka ang papa Rodge kasi nga mega-kwento ng mga adventures sa Pilipinas.

Go na kami pauwi pagkakain. Pagdating ko sa housing project, naisipan kong i-check ang cell ko kung may text ako. Aba, missing in action ang kuting-goat na telepono. Naisip ko, hmmm, baka naiwan sa kotse ni diva.

Nagpetek-petek pa ako ng ilang araw bago ko tinanong ang kataas-taasan kung namalayan nya ang telepono ko. Wah raw sa kotse... Putek! Nalintikan na! Naiwan sa Denny's ang telepono. Mega-call ako sa Denny's, wala raw silang napulot.

Entonses, tawag na ako sa T-Mobile. Putek na yan! May nakapulot ng telepono ko at ang kapal ng mukhang mag-long distance pa sa Mexico at Las Vegas! Tama ba????

Ayun, hindi ko ma-contest ang tawag kasi raw late ko nang na-ireport na nawawala. Kaya ayun, pina-stop ko muna ang service ng ilang araw. Tumawag ako sa kaibigan naming si Mimax na swerte namang may binebentang telepono - pay when able pa! So ayun, ito ang istorya kung bakit ngayon, eto na ang telepono ko.

Eto pa ang masakit!

Ilang araw din pagka-activate ko ng telepono ko, may mga tumatawag na hindi namin alam ni Andres kung sino. At pag sinagot mo naman, mistulang mag-e-espanol na alam mong mexicano ang nakapulot ng telepono. Ta-inis na yan! Tubuan sana ng sandamukal na pigsa sa puwet ang tarantadong nakakuha ng telepono ko. Luma na nga, pinag-interesan pa!

Kaya mga kiddies, ang moral of the story, wag mang-alipusta ng mga pamaskong ilaw at mga artista dahil ang kapalit nun, mawawala ang selpown mo at makakarinig ka ng halinghing ng meksikanong gago sa bago mong selpown!

Hayyyy buhay...

Posted by atesienna at 03:23 AM | Comments (20) | TrackBack

January 13, 2005

PANAWAGAN!

Email sa akin ni Jing (TransFilipina) at panawagan ko na rin sa mga pinoy bloggers.

ate siens, paki kampanya na lang po sa ating kapwa noypi blogger.

Dahil inintriga nila (nilait, slight lang namn pero di halata) si dok emer(PARALLEL UNIVERSE BLOG) at paki boto na rin... eto po ang URL address http://www.echojournal.org/poll/best_new.php.

but its not only that, magaling po talaga ang blog medical blog nya at naiintidihan ng isang taoong di doctor. magagaling din po ang kalaban, kung may iba kayong choice. he is running close second by .3 percent(if my math is right or left) I WANT HIM TO WIN!!!

Hindi po ito SPAM. Naninindigan lang po sa mga inaapi :-)

Posted by atesienna at 02:31 AM | Comments (14) | TrackBack

Mini Me (Este, Mac, Pala!)

Nagkagulo kami kanina sa opis. Eh piano ba naman binalita ni Papa Rodge na lumabas na pala ang mga latest na gadgets ng Apple. Nataranta ako sa mga bago nilang Ipod Shuffle at Mac Mini.

Matagal ko na kasing gustong bumili ng Mac. Pero yung Power Mac G5 sana ang gusto ko. Baket? Eh kasi mas stable ang sistema ng MAC kesa sa PC. Pero, yun nga, for the price na hinihingi ng Apple for the G5, parang gusto ko silang sabihan ng "Hindi pa rin ako ganun ka-hilo!". Kaya eto, yung laugh-taff (ikanga ni Ringo namin) na bigay sa akin ni Itang pa rin ang gamit ko. Hindi naman ako nagrereklamo at regalo sa akin yun ni Itang (at napakalaking pakinabang ng laughtaff na ito sa akin.

Pero siempre, talagang nilalangit-langit ko talagang magkaroon ng sipa-sa-puwet (kick-ass) na Mac.

At eto na nga, sa muring na halaga ($599), pwede na akong mag-ka-MAC.

Kaya lang, habang nag-iisip-isip na ako, para namang sinasabi ni God na "Alam mo, naa-atat ka dyan, manginig-nginig ka pa. Maghunos-dili kaya??". Dahil habang nag-gu-google ako eh, may nabasa akong news dito at dito.

Napag-desisyunan namin ni Papa Rodge, "Bago pa lang yan.. intayin natin na tumagal pa, baka samahan na nila ng monitor, keyboard at mouse... for the same price!"

Hahaha! Asa pa kami!

PS.
Sa mga nagtatanong kung bakit wala pa rin sila sa links ko (at may na-engri pa nga sa akin na sinita ako sa YM ko na siguro raw hindi ako ang nag-e-email sa kanila tungkol dun sa pramis kong links), pagpasensyahan nyo na po ako. Hindi po birong mag-set-up ng LABING-DALAWANG bagong nagpapansit. Dagdag nyo pa na napaka-toxic din po sa trabaho magmula nung bumalik ako nung Martes galing sa aking leave. Kaya, intay-intay lang po kayo sandali. Sa weekend po, nakalabas na ang mga sites sa Megalinks.

Yun lang.. babush...

Posted by atesienna at 01:03 AM | Comments (7) | TrackBack

January 09, 2005

Eto Na, Eto Na... ang Pinalakas Pang Pansitan!

Teynk Yu Ispits:

Bago ang lahat, nais ko lang magbigay ng napakalaking SALAMAT sa lahat ng bloggers na nag-submit ng kanilang mga blogs sa akin. Maraming salamat sa inyo sa pagbigay ng panahon na mag-email sa akin. At kahit na po hindi ko kayo makuhang lahat (kahit na gustong-gusto ko na.. pramis talaga), lahat po kayo ay isinama ko sa links ko. Para naman po malaman ninyo na treasured ko ang binigay ninyong pagkakataon sa akin na mabasa ang inyong mga blog. Hindi ko man kayo napili, malay ninyo sa susunod ulit ay makasama na kayo.

Maraming-maraming salamat...

Alam nyo ba ang pakiramdam ng nasa harap ng komfyuter at concentrated na concentrated na magbasa ng mga blogs? Kagabi nga muntik ko pang makalimutang magluto ng hapunan dahil hindi ko namalayan, alas-singko na pala ng hapon at mamamatay kaming dilat sa gutom na magboyfriend (heheh, alam ko, exagg yun). Kasi si Andres naman, inaasikaso ang aming mustang na nasiraan - por da pers taym.

Pero mereseng ilang araw na akong nakababad sa harap ng laugh-taff ko (ikanga ng kapatid kong si Ringo), ilang beses na din akong nakunsumi dahil bigla-biglang namamatay at hindi nakikisama'ng nasabing laugh-taff kagabi, ilang gabing pagpupuyat sa pag-surf ng internet, aliw na aliw naman ako. Sa higit-kumulang na mga 30 na nag-apply sa ina-nawns kong limang slots ng pansitan, lahat sila ay nakakatuwang basahin. Kanya-kanyang istorya, kanya-kanyang istilo. May mga seryoso, may mga komedyante, may english, may tagalog, may taglish. At habang nagbabasa ako, naging proud na proud ako... maraming magagaling magsulat sa mga Pinoy!

Kaya naman, hirap na hirap akong mag-desisyon kung sino-sino ang kukunin ko. May mga bagong pansitan members na matagal ko nang binabasa at ang iba'y kasama na sa mega-links ko dati pa. Nung malaman ko na gusto nilang sumali sa Pansitan, na-isip ko, unfair naman na isali ko pa sila sa listahan ng limang pipiliin ko. Kaya hindi na sila counted sa lima.

Pero kahit tinanggal ko na yung mga kakilala ko sa listahan, talagang napa-yosi pa rin ako sa kakaisip kung sinex-sinex ang kukunin ko. Isip ko, "Putek, kung hindi lang ako nag-iisip ng bandwidth na naman at marami pa akong space, lahat sana ito sinama ko na!" Kaya kahit na masama ang loob, nagbawas pa rin ako ng nagbawas sa unang listahan ko.

Nung maging anim na lang sila, pinilit ko pa rin na magbawas... pero twing magbabawas na ako ng isa, binabalik ko pa rin kasi nanghihinayang ako. Kaya sinabi ko sa sarili ko, (sobrang pag-iisip na talaga ito!) "Hay naku!!! Ipasok na natin itong anim na ito! Hindi naman magugunaw ang mundo kung magdagdag pa ako ng isa pa."

Suma-tutal, 26 bloggers, 32 websites en blogsites later, ito na po ang bagong Pansitan.net!

Pakikilala ko lang po sa inyo ang mga bagong miembro:

Si Abi. Lumang bahay: http://www.livejournal.com/~loonie_bin. Bagong bahay: http://psych0sis.pansitan.net.

Matagal ko nang binabasa si Abi. Natutuwa kasi ako sa style nyang magsulat - very casual atsaka candid. Buhay estudyante, kasama ang buhay-pag-ibig. Feeling ko nga parang bumabalik ang panahon nung college ako nun sa USTe dahil sa kanya.

Si Abster. Lumang bahay: http://ablosh.blogspot.com. Bagong bahay: http://ablosh.pansitan.net.

Si Abster, makulay magsulat. Tuwang-tuwa ako sa mga comparisons nya: carrots and boys, laughter is the same as tears, citrus tears. Hindi ko nga namalayan, marami na palang entries nya ang nabasa ko. Nakaka-aliw syang basahin kasi she makes it a point to give a different perspective of things.

Si Christine. Lumang bahay: http://rockindownunder.blogspot.com. Bagong bahay: http://rockindownunder.pansitan.net.

Matagal nang naka-link sa akin si Christine kasi natutuwa ako sa mga kwento nya tungkol sa buhay nya sa New Zealand kasama ang kanyang asawa at anak. Magaling syang mag-scrapbook kaya naman recently, tinayo na nya ang CreativeXpressions, a hand-made card-making business. Naka-tanggap na ako ng isa sa mga cards nya na galing kay Jet. Needles to say, I was very impressed by it.

Si Erica. Lumang bahay: http://aycstacy.blogspot.com. Bagong bahay: http://aycstacy.pansitan.net.

I often visit Erica's blog. It's kikay because she talks about make-up and how much fun she has applying them to willing friends. Kaya naman fashion and beauty editor sya ng Pink Magazine. But don't that mislead you, it's not all make-up and fashion she writes about. Erica's blog is a good read. Very light, very honest and very candid. Bonus pa - pictures of her pretty daughter, Ananda!

Si G. Lumang bahay: http://micerridwen.blogspot.com. Bagong bahay: http://micerridwen.pansitan.net.

Matagal ko nang ka-email si G at lately, may usapan na nga kami na mag-kikita huwan op dis deys. G writes about her life, her work and I know that keeping a blog has, in more ways than one, helped her reachout more. Her blog became her outlet away from it all.

Si Kramer. Lumang bahay: http://picassosellout.blogspot.com. Bagong bahay: http://picassosellout.pansitan.net.

Kapag nabasa ninyo ang blog ni Kramer, makikita ninyo na very honest ang entries nya. Nabasa ko ang kanyang entry tungkol kay Ola, sa kaibigan nyang kinasal na si Dong, kay Da King, yung isang nilangit-langit nya na babae, at ang kanyang mga tula. Matutuwa din kayong basahin sya.

Si Laura. Lumang bahay: http://tissuepaperworld.blogdrive.com. Bagong bahay: http://tissuepaperworld.pansitan.net.

Unang-una, itatanong nyo siguro, bakit tissuepaperworld? Hindi ko rin alam... Pangalawa itatanong nyo siguro, bakit madalas na may giraffe sa kwento? Kasi paborito siguro nya ang giraffe? Pero ang importante siguro dun, abangan nyo na lang ang kanyang buhay ngayong aakyat na sya ng Baguio.

Si Kramer. Lumang bahay: http://lianner.blogspot.com. Bagong bahay: http://lianner.pansitan.net.

Full-time law student, part-time dreamer. Mas feel daw sana nyang mag-sulat kesa mag-abugada. Matutuwa kayong basahin ang kanyang everyday buhay istudyante na sinamahan din ng mga litratong kinunan ng digital camera nya.

Si Micster. Lumang bahay: http://www.tabulas.com/~micster. Bagong bahay: http://micster.pansitan.net.

Matagal na sa links ko si Micster. I was impressed with the layout kasi at first. And I delved more into her blog, reading here and there, looking at pictures. Silipin ang buhay ng isang recording artist at ngayo'y isang film student na sa Asian Pacific Film Institute.

Si Omar. Lumang bahay: http://milkolate.blogdrive.com. Bagong bahay: http://milkolate.pansitan.net.

Disi-sais anyos, pinanganak tatlong araw bago mag-pasko at addict daw sa milkolate. Isip ko, anubayun? Milo na may gatas??? Basahin ninyo ang blog ng isang batang lalaking nais raw maging writer.

Si Ralph. Lumang bahay: http://whisperedhowling.blogspot.com. Bagong bahay: http://bastardo.pansitan.net.

Ah, itong blogger na ito, magmula ng nabasa ko sya, binabalik-balikan ko na ang site nya. Ang mga comments nya very tongue in cheek, ang humor nya dry pero full of wit. What's more we've become good friends kahit na hindi pa kami nagkikita.

Si Wanda. Lumang bahay: http://warcar.blogspot.com. Bagong bahay: http://warcar.pansitan.net.

Taga-Queens sa New York (USA). She tells us about her life going to school in Vermont and is working her way into publishing her own book. She also freelances as a proofreader for independent publishers.

Sana po, lagi nyo rin silang bibisitahin katulad ng palagian ninyong pagbisita sa mga dati pang bloggers ng pansitan. Asahan ninyo, mas magiging masaya ang inyong pagtambay sa tambayan ng bayan dahil mas marami na kaming magbibigay ng aliw sa inyong lahat.

Sa mga bagong bloggers ng pansitan - WELCOME TO PANSITAN.NET!

Posted by atesienna at 06:34 PM | Comments (43) | TrackBack

January 04, 2005

Pansitan Applicants

Magmula ng in-announce ko sa mga miembro ng pansitan at sa mga suki namin dito na mag-aampon pa ako ng lima pang bloggers, marami na akong natanggap na mga aplikante. Marami nga sa kanila nalaman ito sa blog ni Ala. (Thank you, Ala-girl!)

Sa mga nag-email sa akin, maraming-maraming salamat. Nakakatuwang malaman na marami'ng interesadong maging miembro ng Pansitan. Kung pwede lang talagang ibukas sa lahat ng taong gustong sumali ang pansitan, ginawa ko na. (Hmmmm... Movie line yun ni Ate Vi kay Dina Bonnevie ah: "Para kang karinderiang bukas sa lahat ng gustong kumain!" Hehehe. Alam nyo ba kung anong pelikula yun?)

Sa mga gustong mag-email pa, pwede pa po. January 7 ng 7:00pm (Pacific Time) ang deadline ninyo. Mag-email sa pukasimba [at] hotmail [dot] com o dun sa email na nakalagay sa blog ni Ala. At sa January 9 ng 9pm (Pacific Time pa rin), I-a-announce ko na ang mga bagong miembro.

Binibisita-bisita ko na ang mga sites ng mga aplikante. Medyo mahirap mag-decide kasi marami sa kanila ang magaganda ang mga blogs. (Hindi ko tinitingnan ang layout masyado, altho eye candy yun. Mas tinitingnan ko ang entries nila kung masusutain nila akong magbasa ng mga blogs nila for more than just a few seconds).

So marami ang nagtatanong kung ano nga raw ba ang requirements ko para mamili ng limang boarders? So eto po ang aking mga pointers kapag namili ako:

Unang-una, dapat may sarili kayong comfyuter sa bahay. Hindi naman sa ine-etsa-pwera ko yung nagpupunta sa internet cafe o sa kanilang mga kapit-bahay. Kaya lang nga, ang magkaroon ng sariling blog sa isang non-public hosted site entails a lot more resources. Kailangan mong mag-install ng software sa PC mo to transfer your files up and down the server. Kailangan madali mong mareceive ang mga emails ko sa inyo - mas lalo na kung importante ang mga nais kong ibalita. Kung umaarkila lang kayo ng oras para gumamit ng computer, medyo mahihirapan kayo. Plus, mas virus-prone ang mga internet cafes. At kung may virus ang PC mo at natransfer mo ito sa server ng pansitan, patay tayong lahat nyan! I scan my pc almost every week. Kasi alam ko, maraming apektado kung masaniban sila ng virus na galing sa akin. Mas maingat ang user kung sarili nilang computer ang ginagamit nila. Ask anyone who's been attacked by a virus - halos maiyak ka na sa panlalata at galit dahil feeling mo buong buhay mo ang wi-nayp-out.

Pangalawa, dapat medyo matagal-tagal na kayong nagbo-blog. At least mga 6 months na. At active kayong mag-blog. It takes a lot of patience to really sustain a blog. Minsan tatamarin ka nang mag-isip. Minsan naman, tatamarin ka nang mag-sulat. If you don't have any valid reason for not updating your site maliban sa tinatamaan ka ng tamaritirs, you're better off on a more public site like blogger or livejournal, etc. (Kasi sila they have paying sponsors, and they have their banners on your pages, so ergo, ok lang sa kanila na hindi ka mag-update... ng isang taon).

Pangatlo, dapat may sense ang inyong mga entries. YUN ang tutuong rason kung bakit maraming mga bisita ang mga bloggers ng Pansitan. Kasi ang mga bumibisita sa kanila, nadadala nila sa mga mundo nila at nakikita ng mga readers nila kung ano yung nakikita nila. Iba't-iba ang pananaw sa buhay ng mga bloggers ng Pansitan. Lahat sila may kani-kanyang istoryang nilahahad sa mga readers nila. Ito ang binabalik-balikan ng mga bisita nila - pieces of their lives, fragments of their minds, a peep into their everyday. So hindi po pwede yung ganitong mga entry:

"Jan. 1, 2005 - masaya ako ngayon - wala lang, feel ko lang."
"Jan. 2, 2005 - nagalit ang inang ko sa akin, wala lang, feel lang nya"
"Jan. 3, 2005 - hmmmm... kung kumain kaya ako ng blade masarapan kaya ako?"
"Jan. 4, 2005 - hindi pala masarap ang blade. Lasang dugo."


Pang-apat, medyo dapat mag-blend ang site ninyo sa mga naunang bloggers ng Pansitan. Kung mapapansin ninyo ang mga bloggers ng Pansitan, kahit na sabihing may kanya-kanyang istilo sila, may mga unifying traits sila na kapansin-pansin. They don't spread hatred, they treat all their site visitors warmly (pwera na lang kung niyayamot sila, and even then, they retort non-violently), they talk about life as it is, but with no intention of putting anyone else down. Minsan mapapamura na rin sila sa mga entries nila. But they never curse on anyone on a personal level. Kaya yun ding trait na yun ang hinahanap ko sa prospective bloggers.

What's more, the pansitan members have gotten to be friends with each other, too.

Pero hindi ibig sabihin na kung hindi ko kayo napili, walang kwenta ang blog ninyo. A blog will always be a personal thing. It's who YOU are. It will always be special. It's your own personal space on the web. Noone has any right to disrespect that. So just in case you don't get picked, there will always be a next time. Kung hindi kayo nakasali, ibig lang sabihin nun, lima lang kasi ang pwede kong kunin talaga... for now.

Again, salamat po sa mga sumulat sa akin para i-share nila sa akin ang blog nila. At sa mga gusto pang sumali, bukas pa po ang applications until January 7, 2005.

Posted by atesienna at 07:38 PM | Comments (21) | TrackBack

January 03, 2005

Padre Pio

I was once reading an article from Manay Ethel Ramos about Padre Pio. According to the article, our good family friend, Ed de Leon, has been an ardent devotee to Padre Pio and the saint has done miracles for him.

Just today, I had been reading a good, good, good friend's blog. She was praying to the Lord about something on her blog that she said she had no control over. I got so worried and immediately e-mailed her and asked her what was it she was heartfully asking for. And she told me that, unfortunately, her mom is going to battle cancer again and that she will be undergoing chemo and radiation next week.

I was typing my reply to her when I suddenly remembered Padre Pio. I searched on the internet and found a prayer and a novena to him. I immediately copied it and sent it to my friend. I also gave her the link to the novena to Padre Pio.

I am publishing the prayer for those of you who are also undergoing a health crisis or who have loved ones who are. I believe that miracles still come true and maybe, this prayer might be able to help you, too. I will also start to pray this novena for my ninang Celia, and my friend's mom.

A Prayer to Padre Pio

Beloved Padre Pio, today I come to add my prayer to the thousands of prayers offered to you every day by those who love and venerate you. They ask for cures and healings, earthly and spiritual blessings, and peace for body and mind. And because of your friendship with the Lord, he heals those you ask to be healed, and forgives those you forgive.

Through your visible wounds of the Cross, which you bore for 50 years, you were chosen in our time to glorify the crucified Jesus. Because the Cross has been replaced by other symbols, please help us to bring it back in our midst, for we acknowledge it is the only true sign of salvation.

As we lovingly recall the wounds that pierced your hands, feet and side, we not only remember the blood you shed in pain, but your smile, and the invisible halo of sweet smelling flowers that surrounded your presence, the perfume of sanctity.

Padre Pio, may the healings of the sick become the testimony that the Lord has invited you to join the holy company of Saints. In your kindness, please help me with my own special request: (mention here your petition, and make the sign of the Cross).

Bless me and my loved ones. In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit. Amen.

Posted by atesienna at 11:12 PM | Comments (8) | TrackBack

January 02, 2005

Happy New Server at Huwanted Boarders na rin!

Happy Nyunir!!! Bagong Taon, bagong server, bagong template, at pwedeng.. mga bagong boarders!

Kung bumibisita kayo ng mga sites ng pansitan (kasama na ang Manilena.com, Coloredsmiles.com at Smokeymanaloto.com) nung matapos ang Pasko, siguro pansin ninyo nawala kaming lahat. Hindi po kami nag-welga sa inyo. Naubos na lang po namin ang bandwidth namin.

Yep, sumobra kami sa bandwidth limit namin na 15 gigabyte a month. Naloka talaga ako kasi hindi ko ine-expect na sosobra kami. Kasi naman, 1 gigabyte (gig) is ekwals 1000 megastars, este megabytes (mb) pala. eh 1 mb is ekwals 1000 kilobytes (kb). O diba, maloka-loka ka nang magbilang ng kilobytes hindi ka pa aabot ng 15 gigabytes!

Pero, hindi rin ako nagtataka kasi maraming bloggers ang pansitan.net na maraming visitors talaga araw-araw. Eh isipin nyo lang, por eksampol, ang isang image sa current page nila na may file size na 20kb, kung 50 yung bibisita (on the abereyds pa yan ha!) sa website nila sa isang araw, limampung beses dina-download ng browsers (IE, Firefox, Opera, etc) yung image na yun.

Sige, mag-taymis-taymis tayo - kunwari homework sa Math.

a. Kaya 20kb na file size ng isang image taymis 50 bisitors is ekwals 1000 kb na yun o 1Mb na!

b. Eh ilang sites meron sa serber namin? Mga bente ata. So 20 sites taymis 1 mb a day sa isang image is ekwals 20 mb naman. (Are istil yu wid me?)

c. At kung itutuloy mo: 20mb taymis 30 days sa isang buwan is ekwals 600mb. (helo, helo... andyan pa kayo???)

Entonces, sa bawa't araw na bibisita ang limampung tao sa lahat ng sites na inokupa ko sa serber na yun, dagdag ng dagdag na yun sa nag-a-a-accumulate na bandwidth namin sa isang buwan. At hindi naman po sa pagyayabang dahil hindi lang naman ako ang nasa pansitan, higit-higit pa sa 50, suma-total, ang bisita namin sa araw-araw. At masayang-masaya po kami talaga na marami kaming mga suki.

Ikanyo, eh 600 mb lang naman pala, bakit pa rin kami sumobra? Eh kasi nga...

Alam naman nating lahat na hindi lang isang image file ang lumalabas sa isang ordinaryong website. Maraming images yan - site graphics, mga litrato nila, yung HTMl code mismo, kung may mga naririnig kayong sound files sa site nila kasama din yun na dumadagdag sa bandwidth, etc... At masakit pa nun, kahit na ibang website nila na hindi pansitan na gumagamit ng files na galing ng pansitan, bandwidth pa rin ng pansitan ang nagagastos. Basta kahit na anong file na nanggagaling sa site ng pansitan.net (at mga kapatid nyang websites) na dumarating sa browsers ninyo, counted sa bandwidth ng pansitan.net yun.

Alam kong marami ding ibang sites ang mga bloggers ng pansitan bukod sa pansitan at ok lang naman sa akin dati na i-hotlink nila ang mga files nila na nasa lumang serber kasi mga files din naman nila yun. Pero yun nga, dahil popular din ang iba nilang mga websayts, medyo tinatamaan na ang bandwidth ng pansitan. Kaya hindi ko man gustong gawin, pero sa bagong server namin naglagay na ako ng hotlink protection.

Kaya nga nung lumagpas na nga kami ng allotted bandwidth namin, naisip ko, we've outgrown our old hosting package. At bago ako singilin sa excess bandwidth ng wala ng kwenta'ng server na yun, lumipat na ako dun sa minamataan ko na bagong server. Matagal ko na rin namang balak na lumipat kasi hindi na ako masaya sa server namin. At least ngayon, nagkaroon na ako talaga ng rason para lumipat.

Kaya naman pagkaraan ng ilang araw, ilang gabing pagpuyat para ilipat ang mga files ng mga blogger sa bagong host, bukas na ulit ang Pansitan!

Sa mga bisitors namin, maraming salamat sa inyong pag-hihintay. Sa mga bloggers ng pansitan, maraming salamat sa inyong suporta at pasensya at pag-alay ng tulong o pag-intindi habang down tayo. Konti na lang, nalipat ko na silang lahat at naayos ko na yung iba pang maliliit na problema.

Kung may sarili din kayong host na tulad ko, at gusto ninyong malaman kung paano mag-conserve ng bandwidth ninyo, bisitahin ninyo ang mga sites na itich:

1. The Bandwidth Conservation Society
2. Bad Use of Bandwidth
3. Resource Saving Tips


HUWANTED BOARDERS

Eto na, alam ko maraming naghihintay nito. Mag-da-dagdag pa ako ng limang boarders sa tropang pansitan. Kung nais ninyong sumali sa aming maliit na tropa, padalhan ninyo ako ng email na nagsasabi kung bakit gusto ninyong sumali at ibigay nyo rin sa akin ang inyong URL.

Kung magustuhan ko ang inyong site, at pakiramdam ko eh good girl o good boy kayo, makakasali kayo sa pansitan.net!

Happy Nyunir sa inyong lahat! Here's to more good times for 2005!

Posted by atesienna at 09:18 AM | Comments (19) | TrackBack