Image 1
Image 2

« January 2005 | Main | March 2005 »

February 21, 2005

Wala Lang na Kwento

Sa wakas, nakalabas ako ng bahay! Medyo nakangiti ng pangiwi si Haring Liwanag (hindi po si Jim P., kundi ang araw... the sun, ba?) Kaya mga bandang alas onse, tinawagan ko si Maria para tanungin kung tutuloy nga kami sa Victoria Gardens (hindi Victoria Secret, ha! Mas lalo nang hindi Victoria Court!) So ang pagkarinig ko talaga sa Pukita Diaz (pahiram, fafa rodge) dadaan daw sya ng apartment ko galing Burbank ng alas tres para pik-apin ako. Mga alas-kwatro raw, andun na kami sa bagong bukas nga na outdoor mall sa Rancho Cucamonga. Tawagan ko nga raw si Fafa Rodge dahil type nyang sumama.

Text ako kay fafa. "chuchuchu, chuchuchu, join ka? txt me bk". Text back naman sya na sasama daw sya, magkita raw kami sa apartment ko ng alas tres. (alas tres ha, hindi alas kwatro!)

Bandang alas tres, tawag ang Fafa, "nasa burbank pa ang Pukita Diaz, mauna na raw tayo..." (Hehehe, may bago pa ba? Magpapa-big night ako kung tumama sa oras ang Lukresia Kasilag na Maria!)

Biglang may-i-hurry ang beauty kong mag-ayos. After 10 minutes bumaba na ako at sumakay kay "Sunshine" (ang dilaw na Xterra ni Rodge) at drive na kami ng 20 miles sa mall.

Impressive ang Victoria Gardens Mall. Ang fafa rodge, nag-de-day dreaming na'ng bumili ng housing sa dinedevelop na houses sa tapat. Kahit na raw malayo sa beach. "Magkano kaya dyan", sabi nya? hmmmm.. malapit sa mall na maganda, malapit sa freeway... "$800K hanggang mga $1.2M?" Kaloka!!! Kelan kaya...???

Habang naglalakad-lakad na kami sa mga shops, biglang naisip ng haring araw na magpa-silip-silip lang at mega exposure na naman ang !@$#@$% na ulan! Kaya ang windo-shopping namin, badtrip kasi may karay-karay kaming payong everytime nagso-store hop kami.

Pagkalipas ng mga another 3-deys-en-3-nayts sa tagal na Maria, dumating din habang nasa food court kami. (At alas-kwatro daw ang sabi nya sa akin at hindi alas tress. Sya, hindi ko suot hearing aid ko siguro kaya iba ang dinig ko!) Kada-hanap daw sya kasi ng payong at in-demand bigla ang payong sa sunny LA. Buy muna kami ng tiket sa sine tapos tinuloy ni Mariang Pukita Diaz ang paghanap nya ng payong sa ebriwer habang kami ni Rodge eh nagkakape sa starbucks. Habang mega-wait kami kay Maria ano pa ba ang gagawin namin kundi ang pinag-masters pa namin na pang-o-okray! Mistula...

Mga alas syete nakangiti na si Maria at may bitbit na na payong (na nabili pa sa men's section ng JC Penny) at tumuloy na kaming manuod ng... dyan-dyaran!!!! Pelikula ni Alternate Papa!

Sya.. dito na lang muna ang kwento ko. Yung Alternate-Papa Experience ko deserves another entry. :)

Soon...

Posted by atesienna at 04:43 PM | Comments (14)

February 19, 2005

A Bery So Kaka Entri

Hay naku, so kaka (kakainis), ha! Tama bang pagkagising ko ng alas singko ng umaga (yes, viring, everyday ganun ako gumising - kahit na weekends.) eh naririnig kong kumukulog at bumubuhos ang rain sa labas! Sabado ngayon! Three-day weekend! At sabi nung newscaster ng isang TV station na parang kiti-kiti sa likot, uulan the whole weekend! So kaka (kakayamot) talaga dis weyder! En tu tink, ha... tu tink talaga!

Putek na yan, balak ko pa namang magpunta ng chinatown ng LA para bumili ng Koi na picture (dahil swerte raw sa pera), tsaa at magkukukuha ng litrato. So kaka (kakatamad) kasing lumabas kung ganire ang weyder.

Balak din namin ni Maria kasi na magpunta sa outdoor na Victoria Gardens Mall sa Rancho Cucamonga. Dahil sabi ni sir Dan so kaka (kaka-impress) raw kasi. At panonoorin na nga rin sana namin ang aking alternate papa. So kaka (kaka-miss) na kasi sya eh...

Sabagay, ok lang... marami pa akong pwedeng gawin:
1. Asikasuhin ang mga templates at ang websites. Maayos na nga ang megalinks page ko at marami akong i-u-update na mga sites na nangako akong ilalagay ko plus mga bagong prenships na gusto ko ring ilink.

2. Mag-scrapbook. Huy, ha... eto talaga, naloka ako! Nasimulan ko kasing gumawa ng maliit na mga photo albums para sa mga prenships. Tapos naisipan ko na ang pa-birthday gip ko kay huwan en onli Ateng ko eh yung true na scrapbook. (Si Ateng na ang magpapakita sa inyo nun at nakaligtaan na nga naming piktyuran kasi nga mega-busy kami nung nandito sila ni Fafa sa akin, ever!).

Mistulang maghalughog ako sa Ebay at sa QVC para sa mga pang-scrapbook materials ko. So kaka (kakaloka)!

Ispiking op da bisita ng mag-asawang David, eto po ang mga pictures namin. Ang saya-saya ko nung bumisita sila. Yung punta namin ng Universal Studios was the bestest ever! So kaka (kakatuwa)!

Masaya yung pasyal namin na yun kasi na-meet ko na rin finally ang mga ka-berks na sina G at si Tatang Romes.

O sya... babush na muna. Ang dami ko nang naplanong gawin sa utak ko. So kaka (kaka-tense) pag wala akong natapos this weekend!

Buh-bay!

Posted by atesienna at 04:23 PM | Comments (29) | TrackBack