Image 1
Image 2

« February 2005 | Main | April 2005 »

March 31, 2005

On Addiction

Nung minsan nag-uusap kami nung isang kasamahan kong Koreano dito sa upisina. Napag-kwentuhan namin yung kapatid nya na may addiction problem raw. Isip ko naman, drug addict o alcoholic. Sabi ko tuloy, "Oh no, I'm sorry about that, Pat. So which hospital does he go to for rehab?"

"No, it's not substance addiction," sabi nya sa akin "it's gambling!"

Medyo nagulat ako. For lack of something to say, sabi ko na lang, "I hope your brother gets well soon."

Nagkibit lang sya ng balikat at ang sabi sa akin "I don't know how it even started. All I know is that he's hard up on money now, his family is practically broke and some of our relatives and families have begun avoiding him because he's owing them money and can't pay them back... Big money!!!"

Tinulungan ko si Pat na maghanap ng mga websites tungkol sa Grambling Addiction. Sana naman, sabi ko sa sarili ko, makakita sila ng lunas para sa kapatid nya.

Sa iyong may mga kamag-anak o mahal sa buhay na may ganitong problema, baka makatulong din sa inyo ang mga websites na ito:

Center for Addiction and Mental Health - Canada
California Council on Problem Gambling
Twenty Questions of Gamblers Anonymous

Posted by atesienna at 11:29 PM | Comments (18)

March 28, 2005

May I Brag?

Nais ko lang pong ipaalam sa inyo na ako po ay nabanggit sa Blog-O-Rama column ni ka-blogkada, Ms. Annalyn Jusay sa Manila Bulletin. Annalyn (or Ajay), sent the blogkadas questions last week about blogs and how we started off with blogging. I sent her back my short history of how I became a blog-a-holic.

Also in the said article is Lauren Dado (who I think, is the neice of my high school classmate, Lani Dado), Bikoy, Yuga, the famous Sassy Lawyer and the hilarious Blogger of the Year, BatJay.

Thank you very much, Ajay, for featuring my answers to your questions.

At, sa mga nagtatanong, oo... nabilin ko na kay Greta na bumili ng kopya ng Manila Bulletin - isang daang kopya! Ipagyayabang ko lang sa sarili ko. hehehe.

Posted by atesienna at 08:52 PM | Comments (33)

March 23, 2005

Ang Barkadang BLOGKADAHAN

Bago ang luma, isa munang patalastas...

MARAMING-MARAMING SALAMAT PO sa lahat ng nag-comment sa entry ko tungkol sa aking midlife crisis. It's very heartwarming to know na despite the busy life we all have a lot of people can still take the time to drop me a line and give me words of encouragement, of funny lines to say or just anything and everything else to uplift my spirits. Maraming-maraming salamat.

(It just goes to show, marami mang tarantado sa internet, mas marami pa rin ang mabubuting tao.)

Naging busy rin po ako these past few weeks. Nag-aasikaso ng pag-uwi ko sa pinas, ang aking mega-trip recently sa SF na ikukwento ko sa inyo soon (kaya basahin nyo muna ang mga kwento ni g at ateng jet).. at ang pinaka-nakakakuha ng sandamakmak na atensyon sa aking waking hours... ang kwelang-kwelang... BLOGKADAHAN!

Most of you have probably visited this site: www.blogkadahan.com. And I'm sure naaliw kayo sa mga nababasa ninyong mga entries sa blog na ito. Just to give you a small backgrounder on it...

This group started out with the magic 7 - Doc Emer, Sassy Lawyer, Batjay,The Cat, Jet, Tito Rolly and Polo emailing each other. Naisip ni Doc Emer na gawin syang email group sa gmail (para nga naman hindi mahirap i-type lahat ng email addresses nila.) From the original 7, dumami nang dumami ang mga members hanggang maging 33! Eh siempre pa, blogger's group ito, pwede ba namang, walang group blog? kaya after a few tweaking here and there of the webpage, a lot of contributed icons, a lot of avatars flying around, a lot of good suggestions for a blog title, so much laughter in between, the bloggingberks have come up with "BLOGKADAHAN - REBELS WITHOUT BECAUSE".




Bisitahin ninyo kaming lahat dun. Nakatapos na ang unang cycle namin ng topic kung saan nagpakilala kami sa inyo and we're in the middle of our second cycle. Abangan ninyo palagi, (i-bookmark nyo na, kung ako kayo) dahil marami pang surpresang ibibigay sa inyo ang napakagulong grupong ito.

Posted by atesienna at 08:14 PM | Comments (19)

March 01, 2005

Mid-Life Challenge

May isang website akong napuntahan na nagsabing: "In life we have two major identity crises. The first, occurring in adolescence, is to establish an identity. You must get a sense of who you are. The second identity crisis is at midlife when you must give up who you think you are so you can become who you were meant to be. This transition is not easy and is greatly resisted. Midlife is ultimately about the search for true meaning in life. Whenever we ask about meaning we have asked a spiritual question. Midlife is an opportunity for an awakening into a deeper spirituality." - "What is Midlife?"

Sabi nila midlife daw refers to the age from 40-50. Sabi nila it is a normal part of maturing. You feel the need to have a change, sometimes a radical one. You question the meaning of life, the validity of decisions and the confusion on who you are, where you're going.

Marami pa akong nababasa tungkol dito na kung ilalagay ko lahat eh aabot ako ng ilang pages kaya hahayaan ko na lang kayong mag-research sa google tungkol dito.

Pero ang suma-tutal lang sa akin nyan ngayon, at kung bakit ko nababanggit, pakiramdam ko kasi, medyo nagmi-midlife "challenge" na ata ako. (Ayokong sabihing "crisis" ito kasi gusto kong i-psyche ang sarili ko na hindi ako papatalo sa ano man ang nangyayari sa akin ngayon.) Unti-unti nag-iisip na ako ng malalim ng kung tama ba ang takbo ng buhay ko, ano ba ang kulang, ano ba ang dapat. Natatakot na ako minsan sa kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap at kung handa na ba akong harapin yung mangyayari bukas. Minsan, naiiyak na rin ako at nadedepress kasi tipong naiisip ko, parang walang nangyayari sa buhay ko. Parang walang direksyon.

Iniisip ko minsan, kung hindi ako natakot kay inang ko nun, knowing now how good my mom is and knowing now na kahit na ano pa ang mangyari sa amin eh tatanggapin naman nya kami (kahit na alam kong makukurot ako ng husto), at nagtuloy akong mag-asawa ng maaga sa aking pers lab nung ako eh disi-sais lang nun, may mga anak na sana ako ngayon. Kung nagka-anak ba ako, mas makikita ko kaya ang rason kung bakit kelangan kong mabuhay sa mundo? Kahit para na lang sa naging mga anak ko sana, mas nakita ko kaya ang direksyon ng buhay ko ngayon?

Pero hindi ganun ang nangyari, at hindi ko na malalamaan pa kung ito nga ang magbibigay sa akin ng solusyon sa mga tanong ko ngayon. Kaya, sa daloy ng pag-iisip ko, alam ko, hindi na dapat na pag-aksayahan ng effort na isipin ko yun.

So saan na dapat ang punta ng buhay, Sienna?

Tsk, minsan kasi, sa sobrang bilis ng takbo ng panahon nakakalimutan mo nang huminto sandali para amuyin ang mga rosas. Iniisip mo ang deadline mo bukas, yung regalo para sa party na pupuntahan mo, kailangan mag-grocery, magbayad ng upa sa bahay, magbayad ng mga bills. Kaya tuloy kapag napatigil ka, medyo na-o-overwhelm ka sa mga pinag-iiisip mo.

Pero sa ngayon, ito ang nasa puno ng utak ko: makauwi ng Pilipinas para makasama ang mga kapatid ko, makilala ang mga bagong pamangkin na hindi pa ako nakikita at makasama lahat ng mga bata, makasama ang aking lola na sa agam-agam ko minsan, natatakot akong mawala sya ng hindi ko man lang sya nayayakap ulit...

At makapag-nilay-nilay ng ano na ang dapat ko pang gawin sa buhay ko...

Pag-balik ko sa Amerika, pag-yakap ko muli kay Andres, may idea na siguro ako kung saan ko sisimulan ang pagpunta sa bagong bukas ko.

Posted by atesienna at 06:18 PM | Comments (33)