Image 1
Image 2

« March 2005 | Main | May 2005 »

April 18, 2005

Bulong (Part 2)

Bago ang lahat, nais ko lang sanang i-congratulate ang isa sa mga taong malapit na malapit sa puso ko - si Fafa Jay, sa pagka-feature nya sa Blog-o-rama ng magaling na manunulat na si Ms Annalyn S. Jusay ng Manila Bulletin.

(Fafa, sikat-chupoy ka na talaga... At thank you rin pala sa pagbanggit sa akin, hehehehe)

So, asan na tayo??? Ah.. ok...

Kinalunesan, pag-go ko sa opis ng Kahariang Engkantasia, bumaba ako ulit sa lungga ng Babaeng Patpat (ang tyaga ko pa rin, diba???). Sinabi ko sa kanya ang nangyari at kung pwedeng tulungan nya akong makipagusap sa mga kapatid nya sa Mayamang Birhen na mapabilis na ang papeles ko. Muntik na akong mahulog sa upuan ko dahil umo-o sa akin. At kinausap pa nya si Estepanya para itanong kung nasaan na ang papeles ko. Ani ni Estepanya, na kay Bulak na Singkit na raw lahat nung Byernes pa. In-explain ko kay Babaeng Patpat na kailangan kong magpunta pa sa pintuan ng Tia-Juana para nga magkaroon ako ng bagong bertud na gagamitin sa Kano-plin. At payao na rin ako sa Huwebes pauwing Maynila. OO raw, sabi ng Babaeng-Patpat. Tatawag ako, ikako ng pagkaraan ng dalawang isang oras para itanong nya kay Bulak na Singkit kung ano na ang ginagawa sa papeles ko.

Pagkaraan ng isang oras, tawag ako sa Babaeng Patpat. Hindi pa raw tumatawag sa kanya ang Bulak na Singkit. Kung gusto ko raw para hindi na umikot-ikot pa ang tawagan, tawagan ko na lang raw ng diretso ang Bulak na Singkit para diretso ko nang makausap.

'Taragis na yan. Sinasabi ko na nga ba eh. Walang mga silbi talaga itong mga tyanak na ito! "O sige", ika ko, "akina yang numerong yan at salamat sa lahat ng tulong mo!"

So ang Bulak na Singkit, tinawagan ko. Wala pa raw at nasa meeting. Tiningnan ko ang orasan sa mesa ko - alas dyes ng umaga. Ala-una na ng hapon sa Mayamang Birhen. Mga bandang alas onse, pagtawag ko nakausap ko na sya. OO, aniya, nasa kanya na ang mga papeles at titingnan raw nya. Tinanong ko kung makukuha ko bukas para naman Mierkoles eh makapunta na sa Tia-Juana para sa bago kong bertud. Titingnan daw nya.

Maya-maya, kinuwento ko na kay Bossing Tangkad ang mga nangyayari sa akin simula pa nung isang Linggo. At sinabi kong baka magpunta pa ako ng Tia-Juana para magpabago ng bertud. Kinuha nya ang telepono at tumawag kay Bulak na Singkit. Kinuwento nya kay Bulak na Singkit. As usual, ganun pa rin ang sagot ni Bulak, titingnan nya.

Martes, wa pa rin akong sulat. Nag-iwan ng message si Bulak kay Tangkad at sinabing kailangan raw tingnan ng mga abogago ang sulat mas lalo na at dadaan sa mga gwardiya sibil ng Kano-plin. Patay na, ika ko, dumaan na ng mga abogago. Malamang ito, hindi na ako tutuloy pa ng Huwebes. Pina-iba ko na sa sekretarya namin ang lipad ko. Martes na lang ikako ang alis ko, para kung sakaling gahulin ako at pabalikin ng mga gwardya sibil, may Lunes pa ako.

Nung hapon na yun, nagsabi ako kay Inang Magenta na hindi ako makakatuloy umalis ng Huwebes. Nagulat si Inang, at tinanong bakit. Kinuwento ko lahat-lahat. Tinawag nya si Tangkad at pinaharap sa trono nya. Tinanong nya kay Tangkad kung ano na ang nagawa nyang hakbang. Iiling-iling si Ina Magenta. Mas lalo na nung binanggit namin si Babaeng Patpat. Tawag kaagad sa telepono ang Inang Magenta. Tinawagan ang nanay nila Babaeng Patpat. "Kumare, may tanong lang ako," naririnig namin ni Tangkad na mahinahong sinasabi ni Inang Magenta, "ano ang trabaho ng anak mong si Babaeng Patpat sa kaharian? Ang dami-dami ko nang naririnig na reklamo tungkol dyan sa anak mong yan. May tauhan ako dito na hindi makakalipad sa oras papuntang Pilipinas dahil hindi nya gnawa ang dapat na ginawa nya."

Pagkababa ng telepono ni Inang Magenta, "Sienna, dapat nung una pa lang na pinalayas ka ng Babaeng Patpat sa harapan nya, dapat nagpunta na kayo kaagad ni Tangkad sa akin." Sabay wasiwas ng kanyang magic wand at sabi "O sige, bukas dalhin mo ang original na papeles mo at asikasuhin natin ito."

Kinabukasan, Miyerkoles, dala ang mga papeles, go na ako sa trono ng Inang Magenta. Kinausap namin si Kataas-taasang Tandang Kuba kung pwedeng sya na lang ang pumirma ng mga papeles ko. Omo-o sya. Tinayp ko ang sulat, binigay ang kopya sa sekretarya ng Pinakamataas na Haring Tabakong David para mailagay nya sa magandang papel na may pangalan ng Kaharian ng Enkantasia. Tanghali, binigay ko kay Kataas-taasang Tandang Kuba ang papel, alas kwatro ng hapon, binalik na nya sa akin - May pirma na!

Tuwang-tuwa na ako... kukunin ko na ang bago kong tiket sa Lugar Ng Mga Tala at makikipagkita rin kay Tatang Romes dahil ihahatid nya raw ako pauwi. Sa tuwa, binasa ko ulit ang sulat na ginawa ko na may pirma ng Kataas-taasang Kuba. Nanlata ako ng mapansin ko - magkaiba ang mga petsa sa sulat para sa mga gwardya sibil ng unang araw ng simula ko sa sulat para sa akin ng kumpanya na ipapakita rin sa mga gwardya.

Alas kwatro na... wala nang pipirma...

itutuloy bukas

Posted by atesienna at 03:35 PM | Comments (9)

April 16, 2005

Bulong

Dapat nasa Pinas na ako...

Pero andito pa rin ako sa lupaing Kano-plin.

Mahabang istorya.

Uuwi ako dahil gusto kong makita ang Lola Idad ko at makasama ang pamilya ko. Naisip kong umuwi ng Abril dahil matatapos na ang bisa ng paglagi ko sa lupaing Kano-plin. At naisip kong tamang-tama, pag-balik ko galing sa bakasyon, dun ako hihingi ng bagong bertud para makapasok ulit sa lupang ito.

Alam kong kelangan ko ng bagong papeles na ipapakita sa mga nagbabantay sa pinto ng Kano-plin kaya't go ako sa Babeng-patpat sa babang lungga para sabihing igawa nya ako ng bagong kasulatan. Ang lukresia kasilag na Babaeng-patpat na walang silbi, pina-alis ako at sinabing "Alamin mo kung ano ang kailangan para igawa kita". O diba, trabaho nya yun, pero sa akin nya pinagagawa. Eh alam kong meron kaming dating katrabaho sa Kaharaian ng Engkantasia na pareho ko ng bertud. Tinanong ko ang babaeng patpat kung hindi ba pwedeng ipareho na lang ng dokumento dun sa isang katrabaho namin - wala raw syang kopya nun.

Umalis ako sa lungga nya na yamot. Naghanap sa internet ng pwedeng ipareho sa sulat at kung ano pa ang kailangan. Bigla kong naisip din, tumawag kaya ako sa pinto ng Kano-plin at itanong ko sa isa sa mga gwardiya sibil sa pinto ng El-Ey kung ok lang na sa kanila magpa-ayos ng bertud (dahil maraming nagsasabing kelangan daw dapat galing ka sa Lupaing Mehika sa baba o Lupaing Kanda sa taas)? Pinatawag ko si Andres ko para mas magkaintindihan sila at ingles kasi ang usapan. Nataranta ako lalo sa sinabi ng gwardya: kelangan raw pagpasok ko ulit sa Kano-plin sa Mayo, hindi pa paso ang bertud ko. Entonces, kelangan magpunta ako sa karatig-bansang Mahika (na syang pinakamalapit sa El-ey) at dun humingi ng bagong bertud sa pintuan sa pagitan ng Kano-plin at Tia-Juana, Mahika. (Maraming iba-tibang pintuan sa paligid ng Kano-plin).

Kaya, tarantacious-galore, bumaba ako ulit sa lungga ng babaeng patpat. Wala sya, wala rin ang inahin nya. May naka-paskel sa pintuan nila "Type mo ng Help? Wa kami now. Go ka kay Estepanya sa mini-kaharian ng Irwinsya. Sya ang kalabugin mo." Kagaling diba? Wala na ngang silbi, lagi pang wala ang mag-inang kutis bayag.

Kaya tawag ako kay Estepanya. Gibs ko raw sa kanya at titingnan nya. Sa may-i-fax ako ng dating sulat sa kanya. Aba, isang oras na, ni-ha-ni-ho, walang tawag mula kay Estepanya. So tawag ako... Ay, alam mo, darling, dehin ako nagawa ng ganitong sulat, dapat sa kataas-taasang kaharian sa Mayamang Birhen ka humingi. Kol mo itong number na ito. Pinakol na naman ako samantalang trabaho nila yun. Akong uto-uto, kol naman ako. Sabi ng isang tao sa Mayamang Birhen, "Sino'ng say na kami ang do nyan. Dapat dyan yan sa Engkantasia gawin dahil di namin knows kung hanggang kelan ka dyan." O diba, kayamot-yamot?

So kol ako ulit kay Estepanya. Ang sabi ba naman, "May baryus ang PC ko eh, di ko ma-sight ang records mo." Tinamaan diba??? Sinabi ko kay Estepanya na kinukulang na ako sa oras at kelangan ko na ng sulat.

"Sige, i-faks mo na lang sa akin ang sulat", ani nya.
"Teka, finaks ko na sayo kahapon, diba?"
"Eh may baryus nga ang PC ko, di ko ma-sight. Eto yung isang numero, dito mo i-faks." Manaka-naka, gusto ko nang sabihin "Eh faksyu ka eh! Ang tamad-tamad ninyo ng kapatid mong si Babaeng-Patpat. Dapat kayo'ng nag-aasikaso nito!"

Pero dahil hirap akong makipag-away sa ingles, may-i-faks na lang ako. Sinamahan ko pa ng sample na dokumento kung paanong gumawa ng sulat sa mga gwardya sibil. May nakalagay pang "Sampol lang ito ha, kinuha ko lang ito sa Internet". Wa man lang kol ang Estepanya na getching nya ang faks kaya kol ko na naman sya.

"Ay, di ko pwedeng gawin ito. Tumawag ako sa inang namin ni Babeng-Patpat at sabi ni Inang, baka raw ma-engri ang mga abo-gago sa Mayamang Birhen kapag di ko pinadaan sa kanila yung sulat mas lalo na sulat ito para sa mga gwardya-sibil. Delikado raw. Pinadala ko na sa Mayamang Birhen yung mga binigay mo sa akin"

Nanghina na ko. Tatlong oras na mas maaga ang Mayamang Birhen sa Kahariang Enkantasia. Byernes na ng hapon. Nekwik na ang alis ko. Kapag dumaan pa sa Kataas-taasang lupain ang sulat, ibig sabihin nun i-pe-fedex pa at pagkatapos kinabukasan ko pa makukuha. Huwebes ang alis ko, dapat Martes makuha ko ang dukumento para makaalis ako papuntang Tia-juana sa Miyerkoles. Gahol na gahol na ako.

itutuloy bukas...

Posted by atesienna at 02:59 PM | Comments (7)