Image 1
Image 2

« April 2005 | Main | June 2005 »

May 26, 2005

In Celebration of Blogging (The Pinas Veykeyshen Kronikels Part 3)

Medyo tatalon lang ako sandali at fast forward ako sa ilang mga okasyon pa na nakasama ko ang Blogkada. Bakit? Wala lang... Kasi ang nakaraang entry ko eh tungkol nga sa kanila kaya i-segue ko na dito (bitin kasi ang unang kwento ko).

Nung nagkaroon ng Philippine Blogging Summit sa UP, talagang sinigurado ko na pupunta ako. Bakit? Kasi magsasalita ang isa sa mga blogkada kong si Sassy Lawyer. Curious ako sa kanya. Nagkaka-emailan na kami sa email group namin. Tawang-tawa ako sa mga one-liner na hirits nya kay Tito Rolly. Nakakaloka din yung mga sagutan nila ng aking labs na huwan hap couple na si Fafa Jay (na kabiyak sa puso ng aking sister-prenship na si Ateng).

Pero bago dumating si Connie, a.k.a. Sassy Lawyer, dumating din sa venue ang iba pa sa mga blogkada - sina Mec and si Jojo (na malapit nang ikasal), si Mari (na very unassuming, biglang-bigla eh magkakafunny comments), at ang aking bagong teddy bear na si Tito Rolly. (labs na labs ko talaga yan kasi very endearing ang dating nya sa akin.)

After another 30 minutes, dumating na nga ang Connie at nung magyakap kami, nagkakwentuhan at nagngisihan, dun ko prove na mabait nga sya at warm na tao sa personal. Strong-willed and intelligent, pero mababaw din ang kaligayahan. I know I've found another friend. :)

Nung huling gabi ko naman bago ako umuwi ng LA, nagkita kami ulit ng ka-blogkada - si Bongk at Doc Emer na kasama na ngayon ang kanyang Soulmate Jane. Taya ako. (Hehehe, malakas loob ko kasi may backer akong nagbigay ng budget ng pang-kain namin that night).

While we were talking, sa gitna ng masarap na pulutan, tawa ako ng tawa kay Doc Emer at Bong. They banter with each other at deep inside me, naisip ko, maswerte akong makilala sila na may bonus pang soulmate Jane. Si Doc Emer na sobrang bait at matulungin, si BongK na very prolific magsulat at marami ding bejewelled experiences sa buhay.

Naisip ko the past few days that I had the chance to see good, good friends na sa email ko lang dati nakakausap. Masaya talaga kapag ang mga taong dati'y sa blogs lang at emails mo nakaksalamuha ay makasama mo, nakakausap mo ng harapan, naririnig mong tumawa at magsalita, nahahawakan mo, nayayakap mo pa.

Naisip ko din si MisisP na pareho kami ng bading-wave-length, si Apol na eversince, believe ako sa determinasyon na i-pursue ang mga ambisyon sa buhay, si Karla, ang bunso ng blogkada na very refreshing for me tingnan kasi makikita mo yung promise of the future sa aura nya, si Ajay, na naka-blend ko rin dahil, wala lang. blend lang kami talaga.

Sayans, hindi kami nagkita ng iba pang blogkada sa pinas na sina Watson na palagay ko marami ding pwedeng ikwento, si Tanya na i'm sure, makaksundo ko sa pagiging kikay, ang poet na si Jardine, si Joyce (na Jimenez ang apelyido, I kid you not!), at si mommy Toni.

Pero marami pa akong bloggers na gusto pang makilala na kasama sa blogkada - and mga iba pang kasama ng "mommy brigade" na sina Jade-n-Mom, Sachiko, Tingaling, Zennor, Jop, Ruthie at Svelte Rogue. Andyan pa rin sina KiwiPinay, PinayHekmi, Ca T, at Polo.

Sigurado, kapag nakita ko na silang lahat, masasabi ko nang nag-full circle na ako sa buong blogkada.

Masarap ang blogging. Altho may detractors na nagsasabing, waste of time lang daw ito o isang internet Fad lang na sooner or later, mawawala din. Para sa akin, for all it's worth right now, I've gained so many friends because of it - some i've even begun to be very, very close with na parang mga kapatid ko na rin sila.

I blog for so many reasons. Isa na dun ang mailabas ang mga kulisap ko sa utak (hehehe). Pangalawa, para malaman naman ng mga kamag-anakan ko ang tungkol sa mga nangyayari sa akin. Pangatlo, dahil ingles na ang usap sa trabaho, ingles pa sa bahay, sabik na sabik akong magtagalog - kaya nga sa wikang Pilipino na may touch of bandingerz ang blog ko. Kasi ganito ako talaga magsalita.

Nung bandang huli, gusto kong i-share sa iba ang tsansa na magkaroon ng mas magandang tahanan sa blogging kaya't ginawa ko ang pansitan.net - no strings attached, walang bayad - newbie o hindi. Bakit? Wala lang. Gusto ko lang magshare ng ano mang pwede kong i-share sa mga pinoy na mahilig mag-blog. Siguro kapag nagkaroon pa ako ng pagkakataon, mas malaking server space at oras, magdadagdag pa ako. Sana...

Sa ngayon, miss na miss ko na ang mga kapatid ko kasi nakabalik na ako Kalipornya. Balik na ako sa mundo ko. Malungkot ba ako? OO. Miss ko na ulit ang pamilya ko. Kaya nga si Andres ko, ang blogging at ang internet na ulit ang makakapagpasaya sa akin. Blogging talaga ang nakakapag-bigay sa akin ng aliw because of the friends I've met along the way.

Di bale, now that I'm back, may mga blogkada pa nga pala akong makakasama na ulit na naghintay naman (sana!) sa aking pagbalik - si G at si Tatang Romes. (Advance Happy Birthday, G)!

Thank God for friends!

Posted by atesienna at 02:11 PM | Comments (31)

May 21, 2005

Gimik!!! Gimik??? (The Pinas Veykeyshen Kronikels Part 2)

Bago ang lahat: Maraming salamas po sa lahat ng mga nagiwan ng mga comments sa mga entries ko magmula ng umuwi ako ng Pinas. Pasensya na kayo at hindi ako nakakasagot.. Siempre, bisi-bisihan ang lola ninyong bakla habang nasa pinas sya. Pero pramis talaga, from this day on sasagutin ko na ulit ang mga comments ninyo.. with matching bisita na ulit sa mga blogs ninyo.. Pramis!

Nung April 29, nag-EB ulit ang philippine chapter ng email group na blogging berks, ang henyong tropang nasa likod ng sumisikat nang group blog na blogkadahan.com (ehem, ehem, kasama ako dun). Siempre, dahil bakasyon engrande ang beauty ko sa philippines my lab, apir ako sa happy event. Sa wakas nakilala ko na rin ang mga labs kong sina ajay, mari, karla, misisp, apol, tito rolly, bongk at doc emer.

i'm sure yung mga nag-e-eb na sa inyo, alam nyo yung feeling ng finally makilala in the flesh ang mga taong nakakausap at nakaka-gaanan nyo ng loob sa sulatan lamang. sa mga di pa alam ang feeling, parang nag-full circle na ang inyong pagkakakilala kasi, finally, there is a face to the email writer and name. nung una nagtitimplahan pa kayo at nag-iisip ng kung ano ang sasabihin. pero ilang minuto lang yun. pagkalipas nun at nag-simula na kayong magtawanan, feeling na ninyo, matagal na kayong nagkikita ng mata sa mata (Eye Ball nga, diba?)

hemingwey (ika nga ni mecsy na hindi nakasipot katulad ni Sassy). kainan galore muna ang nangyari. aba, dad's-saisaki-kamayan sa megamall ba naman ang venue - all you can eat pa, di ka ba naman kakain ng super dami??? ang baklitang misispi, aba, at may-i-teach pa sa amin ng mga unique na japanese na mga dishes na special request pa nya sa waiter. talaga namang super kwentuhan, super tawanan at super takam ng mga tsokolateng pinadala ni tatang romes para sa kanilang lahat.

Bago kami umalis ng Saisaki may-i-give pa si Tito Rolly sa akin ng painting na ginawa nya. Touched na touched ako. Gifted artist si Tito Rolly. To be given a personal gift like this from him makes me feel very honored. Salamat ng marami, Tito Rolly. Papa-frame ko na't ilalagay sa apartment namin ang painting na bigay mo.

pagkatapos nun, go na kaming lahat sa ia pang venue para magkape. Tawanan pa rin, kwentuhan galore. Kung wala nga lang akong kasamang buntis at dalawang tsikiting, baka hindi pa kami nag-uwian.

Pero ang sarap-sarap talaga ng feeling. Pramis. When you get a chance to meet up with people that you've begun to feel a certain closeness with, you don't pass on the chance. You grab it! I'm really, really happy I did!

Ok na sana, diba? Hapi-hapi na sana. Kaya lang, na-Rita Gomez ako! Bakit?

A day or two after the EB, narealize ko, nawawala ang eyeglasses ko. Alam ko, naiwan ko sa Dad's yun kasi naibaba ko yun sa upuan ko at all the time, wala na akong suot na salamin. Tawag pa kami sa Dad's at ang sabi ng kausap ko, hindi nila makita pero dumaan daw ako at ako mismo ang tumingin dun sa lost and found nila.

So medyo sad ako kasi hindi naman Muriah Carey ang salamin ko. Kinailangan ko nang bumili ng salamin na mahal para makuha ko yung leftover ko pa na allowance sa medical savings-chuchu ko for last year.

Pero kahit na feeling ko wiz ko na sya mage-gets go parin kami ni sisteraka sa Megamall. May nakausap kaming parang PR ng Dad's at tinuro kami sa isang kahera na syang nagtatago raw ng mga luz valdez na mga gamit. Aba, ang wrangler na kahera, hindi pa man din, wa daw syang na-sight na salamin na ganun. At suplada pa ang mashonda ha, akala mo naman maganda sya! Paalis na kami ng lumapit yung manager at tinanong kung kami kung ano ang problema. So si sister, explain na naman at may-i-turo pa kung saan kami nung gabing yun nakapwesto.

Aba, maya-maya, walang sabi-sabi, may I bukas ng cabinet ang majonders at naghalungkat sa isang maliit na paper bag. Naglabas ng mga shades at salamin na galing sa bag at pinakita sa mane-ger nya.

Ang potek na yan! Andun ang salamin ko! Vinerify lang ng manager yung date kung kelan namin sya nawala at pagkatapos eh binigay na sa amin ang salamin ko. Sa sobrang tuwa ko na nakuha ko sya, hindi ko na nagawang shoray-shorayan ang wrangler na kahera.

Isip tuloy namin ni sisteraka, ano ang gimik ng masyondang kahera? Kung hindi pa dumating ang mane-ger, baka hindi umayos-ayos yung wrangler na yun at umuwi kaming luhaan. Ano feeling nya, wa na syang tipis na ibalik talaga ang salamin ko at gamitin na nya ever!

Powtek sya, hindi naman bagay sa kanya yung salamin ko, no! Mamaya yan, bumangon si Gianni at pagsasasampalin sya left and right!

Kaya kung magagawi kayo ng Saisaki all-you-can-eat sa Megamall at may nakita kayong kaherang mashonda sa may likod na cubicle na okray ang byuti, paki-sampal nyo na lang para sa akin. Pasalamat na lang sya at sobrang galak ko at mabait ang mga kasamahan nya dun, kundi, mas lalo nang na-okray-okray ko sya!

Pero happy ako talagang makita ang mga blogging prenships ko :)

Posted by atesienna at 09:57 AM | Comments (32) | TrackBack

May 11, 2005

Pictures! (The Pinas Veykeyshen Kronikels Part 1)

Nasa huling linggo na ako ng aking bakasyon sa Pinas. Sa Lunes, fly na ulit ako papuntang Jameyrika. Pero bago mangyari yun, dadalaw ako ulit ng 168 Mall sa Divisoria, makikipagkita pa sa ilan pang mga kaibigan, at iwe-welcome pa sa balay namin ang bagong kutinggot ng pamilya na anak ng kapatid kong si Greta - Si Josef Joakim Sanchez na pinanganak nung May 10, 2005.

Sa mga nag-aabang ng mga fiksyurs ng bakasyon ko sa Pinas (in other words, si Inang at Itang) eto na po ang ilan. Marami pa pong susunod...

Si Lola Idad ko at ako - swimming party sa Forrest Hills, Cogeo.

Si Chynna, panganay ni Patring

Si Patring at ang bunso nyang si Coco

Si Popoy at Mokong ni Greta

Posted by atesienna at 02:17 AM | Comments (17)

May 04, 2005

Pahabol

Narito na po ang link sa article na sinulat ni Ms. Annalyn Jusay sa kanyang column na Blog-o-rama ng Manila Bulletin tungkol sa inyong lingkod.

http://www.mb.com.ph/TECH2005050533939.html

Sana po mabisita ninyo at mabasa.

Thanks again ng napakarami, Ajay!

Posted by atesienna at 06:14 PM | Comments (16)

May 03, 2005

Bulong (Part 3)

Natahimik ako ng makita ko yung dalawang sulat. Hindi na ako mapakali. Kung mapansin ng mga guwardya sibil na magkaiba ang petsa tatanungin ako ng mga yun at pihado pababalikin ako ng mga yun sa kaharian para magpakita sa kanila ng panibagong sulat.

Naiyak na ako. Sinabi ko kay Tatang Romes na ako na lang ang magpapalit. Nag-iisip na ako kung paano ko papalitan. Isa-scan ko ba ang pirma? Isa-scan ko ba ang letterhead? Buburahin ko ba yung numero ng petsa at dadaanan ko ulit sa printer namin sa bahay?

Habang kausap ko si Tatang at sinasabi ko sa kanya ang mga plano ko, biglang may parang bumulong sa akin, "Hayaan mo na yan... Kapag binago mo yan, magkakaproblema ka pa. Ako na ang bahala sa'yo." Pagkarinig ko nun nagsalita ako kay Tatang, "Tatang, hindi ko na babaguhin. Bite the bullet na lang ako."

Bago kami naghiwalay ni Tatang, niyakap nya ako at sinabing ipagdadasal raw nya ang paglapit ko sa mga gwardya-sibil ng Kanoplin.

Kinabukasan, alas-kwatro ng umaga, lumarga na kami ni Andres ko papuntang pintuan ng Kanoplin at Tia Juana. Ang byaheng kung naibang panahon eh aabutin ka ng apat na oras sa daan, inabot lang kami ng dalawang oras at kalahati dahil walang kahit na anong karuwahe sa daan. Pagdating ng pintuan, mag-isa ko na lang tinahak ang paglakbay sa ginintuang pintuan. Maaga pa, alas sais kwarenta'y singko pa lang, nasa harapan na ako ng pintuan, eh alas otso pa ang bukas ng mga gwardya. Kaya narun ako, nakapilang mag-isa, at minamatyagan ang libo-libong taga-Tia Juana na pumapasok sa kaharian ng Kanoplin. Araw-araw daw, ginagawa nila ito - mga manggagawa, mga mag-aaral. Ang sabi pa nga mga 800,000 daw araw-araw ang mga pumapasok sa Kanoplin araw-araw galing ng Tia Juana. Habang dumadaan silang lahat sa harapan ko, patuloy pa rin ang dasal ko dahil nga sa mga papeles kong palpak ang petsa.

Alas otso, eksakto, bumukas ang upisina ng mga gwardya-sibil ng Kanoplin. Bungad pa lang ng pinunong gwardya, muntik na akong himatayin... Taga-Lupa!!!! Ang Pinunong Gwardya Sibil ng araw na yun eh katulad kong Taga-Lupa!!!

Nang makita nya ako, nilapitan nya ako at tinanong kung ano ang kailangan ko. "Magpapalit po ng bertud para makapag-trabaho pong muli sa Engkantasia."

Pinapasok nya ako, pati na ang mga nakapila sa likod ko na mga taga-Tia Juana na nangangailangan din ng bertud papasok ng Kanoplin. Nang makita ko ang Pinunong Gwardya, napadasal na ako ng pasasalamat. Mas lalo na nung sinimulan na nya akong kausapin sa wikang Taga-Lupa.

Wala pang trenta minutos, natapos na nyang ayusin ang papeles ko - walang tanong-tanong, walang kwestyon. Ni hindi nya napansin ang papeles kong magkaiba ng petsa. Magpunta na raw ako sa kahera nila at magbayad na ng limampung pirasong sigay. Pagkatapos nun, tinatakan kinabit na ng kahera ang papeles ko sa aking pasaporte.

May bago na akong bertud! Maiyak-iyak ako. At habang pabalik na ako sa naghihintay kong Andres sa kabila ng pintuan, may sa-anong bumulong na naman sa akin, "Kita mo yan... Diba, sabi ko naman sa'yo Ako na ang bahala?"

Sobra-sobrang pasasalamat ko talaga sa taas. Nung makita ko si Andres, napayakap ako ng mahigpit sa kanya.

Kina-Martesan, lumipad na ako patungong Pinas at pagkakita ko sa aking Lola Idad, napaiyak naman ako talaga. Sa dinami-dami ng paghihirap, pag-ka-nerbyos at pagkatensyon, natapos na rin lahat - may bago na akong bertud at nakauwi na ako't nakasama at nayakap muli ang mga kapatid at pamangkin ko.

Moral op da istori? Paminsan-minsan, kahit na ano pa ang sabihin nyo, may mga bulong na dapat pinapakinggan. Mas lalo ka kapag biglaan ang pagkakarinig ninyo rito at alam nyo, sa puso nyo, tama lang na sundin na ninyo... ang bulong...

------0 o 0 o 0--------

Proud na proud po akong sabihin na ang inyong Ate Sienna eh na-feature po sa Blog-o-rama ng Manila Bulletin kahapon (May 2, 2005). Sana po ay mabasa ninyo. Kapag po lumabas ang column na ito ni Ms. Annalyn Jusay sa online version, ipapaalam ko rin po sa inyo.

Sana po nabasa ninyo ang column kahapon ni Ms. Ajay.

Maraming-maraming salamat, Ajay. It was so much of an honor :)

Posted by atesienna at 06:36 AM | Comments (9)