Image 1
Image 2

« June 2005 | Main | August 2005 »

July 29, 2005

Naning's Montage of Your Lola

Si Nanning, kaibigan ko yan sya for about 11 or 12 years na ata... bespren ni Owel yan na asawa ni Tobitch. Mga kaibigan ko rin sila. Nakilala ko sila thru Ronald nung nasa Ayala pa ako. Nung lumipat ako ng Far East, dun kami mistulang naloka kasi magkakasama na kami nun sa IT. Magkasama kami ni Owel sa floor kasi client-server aplikeyshens kami, si Nanning naman counterpart namin na team sa mainframe. Kami ni Naning, mereseng umaattend ng mga client meetings na product presentation, on the side at pabulong, kung ano-ano naman pinagkukwentuhan namin. Andyang nagpapakitaan kami ng mga dyulahases sa may tabi o nag-iisip kung saan kakain pagkatapos. Kapag biglang tinanong ng client, mega-smile kami at sasagot kaming parang walang nangyayari. Nagkakataon, tama naman yung mga sinasagot namin sa kanila. hehehehe

Kapag naman overnight na trabaho sa opis at nagtetesting kami ng sistema, lokang-loka ang mga bagets (tawag namin sa staff namin) sa amin kasi super dance of joy kami kapag tumatama ang testing namin ng mga sistema namin. Siguro isip ng mga bagets para kaming mga lukring.

Marami na kaming pinagdaanan nila Owel at Naning. Minsan may mga bagay kaming hindi kami eye-to-eye pero mas madalas, magkakapareho kami ng tabas ng utak.

So eniweys-hi-waist, si Nanitch (Naning), nasa Minnesota na ngayon. At nung huling long weekend nag-go ng California ang lola at binisita namin siya ni Mars. Mega-kwento ng mga kalalakihan namin at kung anik-anik pang tsismax. Ending na-uwi kami sa landian. Magaling kasing kumuha ng potraits si Naning kaya naman, mega ayos kami ng mga mukha, nagpunas ng mga oily faces at re-apply ng mga lipstick. Ang labas... dyaran!!! Sangkatutak na mga litrato. At dahil nga matagal na kaming hindi nagkikita, inabot ata kami ng alas tres ng madaling araw kaka-chika. Linggo pa nun ha... may pasok pa kami ng Lunes.

Pinadalhan ako ni Nanitch ng ginawa nyang photo montage na ang instructions ng lukring, ipa-blowup ko raw sa Kinko's. Muring lang daw. Sabi ko, yes, Lola... Si Mars din, ginawan din nya. At talaga namang for one of the fewest moments in my life, natuwa ako sa mga litrato ko. hehehe...

OO, hindi ako kagandahan. Pero pagbigyan nyo na ang lola ninyo. Natuwa lang akong over sa mga kuha ng lola ko sa akin na type ko lang syang i-share sa inyo. Yang mga fixtures sa baba, parts lang yan ng photomosaic na ginawa nya. Ano yung software? Naku, wis ko knows. Nakuha ng lola ko yan sa greenhills at dinala nya sa Minnesota. (Salamat, Naning. Pinaligaya mo ang mga ate mo ng over-over! Mag-iingat ka dyan sa Minnesota. At ang mga kalalakihan, wag mo naman masyadong paiyakin. hehehehe)

Posted by atesienna at 03:19 PM | Comments (28)

July 23, 2005

Four Juice For Sun Tow...

... kainit po dine ngayon!

Sabi ng Weather.com, 96F (36C) daw ang highest ngayon. Susme, ilang araw nang ganito ang tempereytyur. Feeling ko, para akong baboyitang nilelechon sa loob ng oven sa init! Ang pinagtataka ko lang, bakit sa Pinas, uminit man ng ganito, hindi naman ako masyadong bothered?

Ay.. weyt lang.. OA naman ata ako. Affected din pala ako dun...

Kasi nung nasa ospital na si Greta the night before sya manganak, natulog akong katabi ni Popoy sa kwarto nya (kasi minsan nagigising yun ng madaling araw at nagche-check kung mag-isa lang sya sa kwarto). Hindi ako nakatulog magdamag nga pala sa sobrang init. Mistulang ang soundtrack ko nung gabing yun "Malayo Pa Ang Umaga".

So eniweys-hi-waist, may magagawa ba ako? Wis na ako reclaims kasi mas choose ko na ang hot weyder kesa naman nagmumumura ako sa lamig twing naglalakad ako sa labas kapag winter sa Kaneyda. Kaya bago ako batukan ni Lord dahil marami akong chuva-chuva, may I thank you na lang ako kasi mas maraming taong mas malaki ang problema ngayon keysa sa weyder. (Emen!)

In other newseses...

Nag-anibersari ang aking inang at itang nung July 18. Mega-41 years na sila of wedded bliss. Kaya Hafi Anibersari, Inang at Itang! We love you so much and we're ever grateful that you're our parents and we cannot ask for anything more. May you live life to the fullest surrounded by the love of all your children and apos. (May utang pa akong gips sa inyo, ha.. di ko porgets yun...)

potpot.jpg Tapos ko na ang Harry Potpot en de Hap Blad Prins! Oo, sawang-sawa at sukang-suka na kayo kasi lahat na lang halos ng blogs na ikutan ninyo ito ang pinag-uusapan. Kaya wa na ang mega-spluk at sasabihin ko lang sa inyo na cry ako sa ending (slight lang naman) dahil ito na ata ang pinakamalungkot na installment sa buhay ni Harry Potpot. At, oo nga pala, nabili ko sya ng half the price sa walmart ($15.99 lang). At nung nagpunta kami ni Mars sa Costco kagabi, halfed price din sya dun. Yun lang ang sasabihin ko tungkol sa librong ito!

On to other things...

constantine.jpgMiembro na kami ni Andres ng Netflix. Medyo mas mahal sya kesa sa membership namin sa Hollywood Video ($19.99 versus $14.99). Pero naman, at least ang netflix, wa na ako go sa video store. Klik lang ako ng klik sa internet. Tapos wis pa late fees kahit na more than 5 days of darkness na bago namin maisoli ang video. Siempre wis sila gibsung ng iba pang titles sa list mo, pero at least, wa naman kami pay pa rin ng late fees. Tapos ang return envelope, postage-paid pa! AT ang netflix, kahit na new release on video pwedeng hiramin ng matagal. Ang MVP-chu-chu kasi ng Hollywood video witchelles mo pwedeng jiramin ang new release nila. So saan ka pa? Winner na, davah?

hitch.jpgKaya this weekend, mega-nuod kami ng Constantine ni Papa Keanu ko at Hitch ni Papa Will.

Huwat else to do?

Maglilinis ako (ay, teka, KAMI dapat pala ni Andres) ng balay at kusina, mega-iscrapbuk ako ulit, (sale nga pala nung mga Creating Keepsakes na mga libro sa Costo, hard-bound pa at more than half price pa yung iba), mega-update ng Manilena, mega-luto for the week.

So, in other words, another weekend I cherish so much and will be thankful for happening...

Yun lang... Babushka!

Posted by atesienna at 03:08 PM | Comments (26)

July 15, 2005

Napag-uusapan Lang Naman...

How do you actually know na ang kaibigan mo ay kaibigan mo nga come hell or high water? Ang dali kasing sabihin "Tsong, kahit na anong mangyari, walang iwanan," kung okey-okey pa kayo. (Kung hindi pa nagkakauntangan at hindi pa nagkakasingilan. hehehe) Seryus, in the most unexpected times, dun mo malalaman talaga kung magkaibigan nga kayo o hindi.

Hindi ko isasama yung kunwa, namatayan ang isa sa inyo at nandun ang prenship mo para damayan ka. Hindi ko isasama yung panahong malungkot ka dahil naghiwalay kayong mag-asawa o mag-dyowa at tinutulungan ka ng kaibigan mong magsaya at makalimutan ang hinayupak o ang bruha mong ex. Hindi yun... Madali pa nga ring dumamay sa kaibigan kung ganun lang ang problema. Kahit nga may sakit ang isa sa inyo, madali pa ring dumamay nun.

Pero eto ang number 1 classic eksampol ng magkaibigang nagkakasiraan.

Marami na kayong narinig, o baka nga nangyari na sa inyo, na ng dahil sa pera nagkakalimutang marami silang pinagsamahan. Bakit nga ba pagdating sa anda, nagkakasiraan madalas ang mga bestpren eber daw na mga prenships?

Kunwari, manghihiram ng medyo malaking halagang pera, tapos pagdating ng bayaran nagkaka-magic powers ng invisibility. O, kunwa, aawayin ka na lang para hindi na nya bayaran ang pinautang. At siempre dahil nagkaka-dedmahan at yamot na, nauuwi sa demandahan. Mag-prenship yan ha... wala raw iwanan hanggang libing.

May iba pa nga dyan papasok kunwa ng negosyo. Wala pa nga yung perang kikitain (na limpak-limpak kunwa), nag-aaway na. Nakaka-tanungan na na bakit ganun ang magiging hatian. Wala pa ngang pera yan, ha... the promise pa lang of a not even sure profit, nagkakasiraan na ang prenship for life daw.

Ang mas masakit pa nga na gawain ng iba, kapag nag-away-away na, nagbibilangan na ng mga pabor at tulong na ginawa nila sa isa't-isa. Ultimo yung kaliit-liitang singko na pinandagdag para makabili ng sopisdrink yung isa, inuungkat. At hindi lang mga pabor, pati mga secrets na pramis-pramis pa, cross my heart, cross my heart pa, hindi raw ipagkakalat kuning-kuning, biglang-bigla na lang, ultimo kapit-bahay alam yung mga nangyayaring personal sa buhay ng kaaway. May mga iba pa nga, talaga namang sisimulan ng umaga ng alas syete hanggang kinagabihan, tatawagan lahat ng mutual prenships, ultimo mga kasamahan sa trabaho ng kaaway eh bubulabugin para lang siraan ang mga nakaaway. Magkaibigan daw yan, ha... mas pa raw sila sa magkapatid, chenes.

Sabagay, hindi naman lahat... may mga prenships na masasabi talagang tutuong magkakaibigan. Tipong, nagsama sa isang negosyo, nag-invest ng malaki-laking pera, bumagsak ang bisnis, naubos ang puhunan, pero in the end, magkaibigan pa rin sila. At hindi rin naman masasabing mayayaman sila. Isip kasi nila, like that talaga ang negosyo.

Pero sadly, iilan lang yang ganyan. Kaya ang iba, para hindi masira ang pakikipag-kaibigan nila, hindi nila pinapasok ang pera sa kanilang relasyon. Wise decision... kumbaga iwas-pusoy na sila. Hindi naman sa hindi nila pinagkakatiwalaan, sa ngayon, ang mga prenships nila, pero ikanga, bakit gagawa ng paraan para magkaroon ng tsansa na masira ang tiwala.

Basta ang sabi ng inang ko, kapag raw gumawa ka ng mabuti sa kaibigan o sa kahit na sino, pagkatapos na pagkatapos mo syang gawin, kalimutan mo na na ginawa mo yun para sa kanya. Masama raw yung nagbibilang ng binibigay na "buti" sa iba... na-e-engri raw si God kasi hindi pala bukal sa loob ang "buti" na pinakita. Kasi nga naghahanap ka ng kapalit.

Kapag may naka-away ka naman daw, kahit na anong mangyari, shut-af ka na lang. Hayaan mo na raw na ang panahon at pagkakataon ang gumanti para sa'yo (kung pakiramdam mo nga raw eh naisahan ka). Mahirap pa raw yung nagkaka-sanga-sanga na ang mga usap-usapan... Isip ko nga, when all is said and done, minsan nga napagtatawanan na lang ng ibang nakukwentuhan ng magkaka-away na partida ang mga nag-kakaaway kasi parang, helo, anobayun, ultimo panting butas nauungkat o ang kulangot na naiwan sa pisngi eh pinagkwekwentuhan. Sino nga naman ang lalabas na mababaw, hindi baga? At worse case, nawawalan na rin ng mga taong nagtitiwala sa kanila kasi, kung nagawa sa isang matalik nga raw na kaibigan ang ganyang siraan, mas lalo na sa kanila.

Eto lang ang akin, mabigat dalhin sa buhay at sa karma ang naninira ng ibang tao, ang nagkakalat ng tsismis at ang maraming mabigat na saloobin sa puso. Mabigat dalhin, mabigat ding pasukan ng swerte...

Yun lang... Happy weekend sa lahat!

Posted by atesienna at 09:32 PM | Comments (20)

July 10, 2005

Totohanan Na, Ha!

Bago ang lahat, Happy Birthday sa pinaka-gwapo at pinaka-mabait na daddy sa lahat - ang aking Itang! I labs yu, nine million times a dey!

Yahooooooo!!! Gawa na po ang PC ko!! ang laughtaff na bigay ng aking nagbirthday na itang. Gulat kami ni Andres kasi isang linggo lang pagkatapos kong ipadala sa DHL, natanggap na namin sya galing sa Gateway. Mga ilang araw ko na syang tine-test drive. Magpatugtog ng WinAmp ko, mag-download sa LimeWire, may Photoshop na nakabukas, nakabukas ang dalawang Firefox na browser at may SmartFtp na gumagana - all at the same time.

At hindi sya nag-shu-shut-off!! Oh-ha... bonggadera! So back to normal na lahat. Nagawa ko na yung mga dapat kong gawin.

At dahil bagong gawa ang PC ko, nagagawa ko na yung mga dapat kong gawin. (ay... parang echo yun...) Por eksampol, rumrampa na ang new and improved (at mas consistent na update na, pramis!) ng Manilena.com! OO, ginawa ko na syang blog format para mas kitang-kita ang mga layouts ko. Plus, para may rason ako para mag-update lagi. Medyo pinasok ko pa muna lahat ng templates ulit at may mga ilan-ilan pang hindi ko pa napapasok kaya medyo in the making pa rin. Pero full-speed ahead na sya!

Pangalawa, going on na ang isa pang blog ko. Ang bagong Scrapbook Blog na Scrappin' About galing ng www.scrapbook-girl.com. Tine-test drive ko na sya. At mukhang ok naman. Ano plano ko sa bagong website? Ipakita ang aking resulta ng aking bagong hobby - at siempre pa, dahil nga addik ako sa blog. Future plans? Hehehe, marami. Abangan nyo na lang!

Sa mga nag-e-expect na makikita nyo ang kabaklaan ng lola nyo sa dalawang site. Medyo ingles po ang usapan sa dalawang blogs (kahit na hirap na hirap ako at panay ang gamit ko ng online dictionary ng webster, hehehe). Bakit? Para po mas wider ang audience ng lola ninyo. The more audience, the manier... este merrier pala.

Pero wag po kayong malungkot. Bakla pa rin ako. Makikita nyo naman sa mga designs ng template at scrapbook layouts ko. Hindi pa rin nawawala ang mga pagpapa-cute at pagmamaganda. Kaya ako pa rin po yun.

Kaya sana po, bisitahin po ninyo palagi ang Manilena.com at ang bagong Scrapbook-girl.com. Maaaliw naman po kayo talaga... pramis!

Posted by atesienna at 03:33 PM | Comments (12)

July 06, 2005

Temporarily Out of Commission

Hay naku... Bad trip at sira ang laughtaff ko!!! Matagal na akong may problema na bigla na lang nag-o-off ang laughtaff ko kapag sobrang trabaho na ng CPU. Pero ok lang ako at save na lang ako ng save, mas lalo na kapag nagpo-photoshop ako. (Kahit na minsan eh nafu-frustrate ako kasi nga bigla na lang papatayan nya ako.) Pero may mga games akong hindi ko malaro kasi nga CPU-inteynsib sya.

Nung isang linggo... ewan ko... sa kasagsagan ng isang game na galing sa yahoo, naisipan kong kumuha ng crackz ng game. hay naku... BIG MISTAKE! Ayun, sandamakmak na spywares at kung ano-ano pang chuva ang nakuha ko. T#$%-inis na yan. (Ako... Ako ang may kasalanan ng lahat, Judge!)

Eniweys-high-waist, sabi ko, no problem, restore na lang ako ng hard disk ko. mabuti pa nga ng malinis na. Naloka akong lalo! Dahil nga nagloloko ang CPU ko, pagdating ng pangalawang CD bigla na lang syang nade-deads. Kaya callya ako ng tech support, entonces, ipadala ko raw sa kanila dahil yung model ko, talaga raw may saltik ang CPU na nakalagay dun. Pag ditish ko raw pinagawa sa LA, magbabayad pa raw ako ng farts en leybor kasi nga out of warranty na ang aking belabed laughtaff.

Kaya ayun... nung byernes, sumalipadpad na ang laughtaff sa van ng DHL patungong Ohio. Kelan magagawa? Hmmmm... mga tatlong linggo raw sabi ng baklitang taga-customer service nila.

Kaya eto ako.. walang PC. Nakiki-singit kay Andres ko kapag islifing sya o nasa trabaho pa o kapag nanunuod ng tebelisyones. Wala akong masyadong productivity sa kahit na anong mga dapat kong gawin.

Hayyyy... kaya yan ang istory kung bakit ngayon lang ako nakapag-update ng blog ko. Tang-inis na yan... ang dami ko pa namang kalandiang este ka-artes-san na dapat na ginagawa.

*singhot*

Posted by atesienna at 07:04 PM | Comments (8)