Image 1
Image 2

« July 2005 | Main | September 2005 »

August 31, 2005

The (Mis)Adbentyurs of Tobitch

O sya.. tama na ang pa-Maala-ala Mo Kaya effect. Hindi kikita sa sinex ang drama ko.

Eto na lang... Si Tobitch, asawa ng kaibigan kong si Owel ns bespren ni Naning. (Si Naning, natatandaan nyo? Yung gumawa ng montage ng mga pictures na magaganda ng lola ninyo.) Mga prenships ko yan from way, wayyyyyyyyyyyyyyyyyyy back. (As in!)

Si Tobitch, asa Japan ngayon. Dun rumamrampa si papa at nangangalukay ng mga hapon. Once in a while may mga anecdotes yan sya na pinapadala sa email group namin tungkol sa mga everyday na nangyayari sa kanya dun. Very witty yun sya magsulat kaya enjoy basahin ang mga story-telling nya. Minsan nga mga one-liner lang ang hirit nyan sa email group namin pero tawang-tawa ako sa kanya.

Katulad na lang nito. (Take note, tutuong nangyayari sa kanya itong mga ito)

Biiter Pills, Ecstatic Moments

A married lady friend asked for a shoulder to cry on. Our talk composed of how she is being psychologically maltreated by the husband - not talking with her, or getting angry at every little thing she does or does not do

After a period, which seemed eternal, of sad stories, I asked, what do you think caused this?

In between sobs, she confided she has a boyfriend - and that her husband got to know about her illicit relationship from an unknown telephone caller.

Trying to make the conversation lighter, i asked,

Toby: Kumusta naman ang hitsura ng boyfriend mo, mas gwapo ba yan sa akin?
Friend: (Still with swollen eyes, but now with a tinge of smile on her face) Maayos naman sya, pero syempre mas maayos ka don tingnan.
Toby: Eh ang katawan nyan, mas maganda ba yan sa katawan ko, gymfit ba yan?
Friend: (Still with some eyeliner blotches, she quipped!) Toby, ang abs! Makakalimutan mo ang lahat!!!

Indeed, the bucketfull of tears forgotten...

I'm doing some crunches...

Virginal

An ageing, single lady friend met a westerner over the net. They became friends, then in months became lovers.

After 7 months, was invited to the westerner's country to be introduced to her boyfriend's family. She applied for a visa, got denied. She applied again after a month, denied, of course.

Tears flowed.

The westerner boyfriend suddenly decided he needed to be in the Philippines. Here, the friend went ga-ga, hotels booked, an iPod for a gift purchased, everything needed to be in order.

The glorious day came, the westerner arrived. He stayed for a week.

Asking the friend how it went, "Promise, hindi kami nag-all the way!"

Tsk, tsk...


Ungrateful

I wanted to do something different one weekend in Tokyo, and thought I should be attending a yoga class. I asked around the office, and our accountant said she is attending one that coming weekend, and that she'd be happy to tag me along. I was relieved.

I checked over the net how much the session costs. Hmmm, the 90-min session costs Y3000. A bit pricey.

Off to the class I went, I was disgusted with how the 'studio' looked. No locker rooms, and that the place where we will be doing our tantric poses looks a bit cramped. The white man, who I was introduced to as the yoga teacher, immediately asked for the Y3000. Hmmm, its beginning to be horrible. Magbabayad agad ako? E bahay lang ito e.

Some attendees were already doing their stretching on yoga mats - so I helped myself to a mat. I was told by the white man - it costs Y300. Huh? I need to pay again? Para sa rubber na yan? I paid.

Then the class started, he blabbered long in Japanese, and started his first word in English - hmmm, I felt, salamat, ita-translate na din ang sinabi nya.

"This is a Japanese class, and therefore those who do not understand the language will just have to follow the moves of the others".


More from Toby next time. :)

Posted by atesienna at 03:04 PM | Comments (8)

August 26, 2005

Bagoong at Isda

Minsan, without you knowing, circumstances unfold before you, surprising you... no, shocking you, actually.

Tama nga ata yung sinasabi nilang ang bagoong, takpan man daw, aamoy at aamoy pa rin. At ang isda, sa bibig nahuhuli.

When I wrote my entry last Wednesday, iba ang isyu ko - believe me, as in malayong-malayo. Only to find out during that same day, may nangyayari na pala na wala akong kamalay-malay. Tinakpan ng husto ng kaibigan ko ang bagoong. Lunes pa lang, alam kong may bagoong, hindi ko lang alam kung anong klaseng luto. Knowing ang ugali ng kaibigan ko na ito na hindi naman sya talagang masalita pag may problema sya, nirespeto ko ang anumang isyu nya. Ang sinabi lang nya sa akin "Enough to say na nagkakaintindihan tayo." No more, no less, yun lang ang sinabi nya.

Naging busy akong masyadong sa upisina magmula nung lunes. Praning ako. May high-profile akong project. Kumakain ako ng lunch pero minsan sa lugar ko lang ako kumakain. Miyerkoles ng umaga, naisipan ko lang mag-hinga ng sama ng loob na matagal ko na naman talagang dala kaya lang dahil feeling ko, maliit na bagay lang naman, hindi ko naman masyadong pinapansin, lest I accuse myself of being trivial. Pero since ako lang ang nakakaalam nun (at si Andres nga pala), kelangan ko lang syang ilabas. Nagsulat ako ng entry sa blog ko.

Pagkatapos ng ilang oras pagkasulat ko nung entry ko, may pumiyok sa sinulat ko. Gulat ako. Bakit sya pumiyok? Ni sa hinagap, kung babasahin mo ang entry ko, hindi mo malalaman kung ano ang isyu ko at kung kanino. Pero tinamaan daw sya. Tinanong ko kung bakit at ano ba ang ginawa nya sa akin na pakiramdam nya sya yun. Sa loob-loob ko, kabado ako. Ano ang kasalanan nya sa akin. The words that slowly unravelled shocked me...

Kinonfirm ko sa kaibigan ko yung mga sinabi nung pumiyok. Dun lang sya nagsalita. "At least, sa kanya na nanggaling, hindi sa akin." So... yun pala ang nangyari.

Nung gabing yun, nagusap kami ng kaibigan ko. Habang sinasabi nya sa akin ang mga nangyari at naglalabas sya ng sama ng loob, naiyak ako. Hindi para sa akin, kundi para sa kanya. Yung nangyari sa akin, masakit man, kaya kong dalhin. Yung nangyari sa kanya, yun ang mas nakakatulala. Hindi ko akalain na aabot sa ganung salitaan. Mabait ang kaibigan ko, hindi umiimik yun. Kakaunting beses lang yun na mang-e-enkwentro sya kapag may sigalot. Kaya sa akin, nasaktan ako lalo. Una dahil pakiramdam ko, masyado syang nabastos sa nangyari. Pangalawa, hindi nya deserve yun.

Kaya ngayon, naisip ko, kung nangyari sa kanya ito na mas mabait syang di hamak sa akin, paano na lang ako na mas mahirap daw ispelengin kesa sa kanya? Malaki ang possibility na magkaka-enkwentro din kami ng ganito. And I don't think makakaya ko yun.

Normally, hindi ako nagsusulat ng ganito ka-detalyado ng mga ganitong events sa blog ko. May pribado pa rin naman akong buhay. Pero I think I have to make an exception right now. Alam kong nagbabasa yung pumiyok ng blog ko. I am writing this to let that person know why we are doing what we are doing now - keeping silent. And I want to send that person a heartfelt message. (Imaginin nyo na lang na parang si Ate Charo ang nagsasalita, malumay at puno ng emosyon.)

"Hindi ako galit na katulad ng iniisip mo sigurong galit ako. Kung may emosyon ako ngayon para sa'yo, siguro, panghihinayang yun - sa pinagsamahan, sa lahat ng masayang pagkakataon, sa lahat ng pagdadamayan. Hindi ka masamang tao, alam namin yun. Marami kang bait sa loob ng puso mo, alam na alam din namin yun. Siguro naging sobrang pamilyar ka na lang sa amin na pakiramdam mo, kahit na ano, pwede mong sabihin, kahit na ugaling mali, pwede mong gawin. Dahil siguro akala mo, mag-sorry ka lang, ok na kami. Pasensya ka na, mas matagal ko na syang kaibigan. Bagets pa lang sya, kilala ko na sya. Siguro nga mas mahal ko syang kaibigan kaysa sa'yo kasi mas marami na kaming pinagsamahan, mas marami na kaming moments na heart to heart talk kami. Kaya nga ramdam na ramdam ko yung sakit na ginawa mo sa kanya. Pero hindi ibig sabihin na hindi rin kita minahal. (And more than once, pinakita ko sa'yo kung paano kita mahalin.) Pero bago ako masaktan na katulad ng ginawa mong sakit sa kanya (dahil probable yun, dahil mas madalas kang mapikon sa akin kaysa sa kanya), lalayo na lang ako."

"I guess marami kang mga isyus sa pribado mong buhay na kailangan mong i-settle. Mga personal na conflicts na kailangan mong harapin. Siguro, kung matatanggap mo lahat ng isyus mo tungkol sa personal mong buhay, baka unti-unti matanggap mo na ng matiwasay ang lahat ng ikaw. Come to terms with your past, accept your present and be grateful for it. And maybe by then, your future will see you happier, more serene and at peace with yourself. At itong mga isyus na sa mga pagkakataong katulad ng mga nakaraang pangyayari, hindi na siguro mag-ma-manifest."

"Like I said, hindi ako galit sa'yo. Alam ko, ang kaibigan ko, sa malao't madali, mawawala din ang galit nun. Pero siguro for now, kelangan munang magpahinga sa isa't-isa. And I know my friend and I both wish you at peace with all that worries and haunts you. I will pray for that... for you."

Posted by atesienna at 09:02 PM | Comments (10)

August 24, 2005

It Shouldn't Really Matter

Teka, seryus ako...

Sa tanda kong ito, dapat matibay-tibay na ang self-confidence ko. Kumbaga, may marinig man akong kahit na anong sabihin na hindi maganda tungkol sa akin, wala na akong pakialam kasi kilala ko na naman ang sarili ko. Actually, nagagawa ko naman ito. Kasi nga, what matters more eh kung ano ang sasabihin ng pamilya ko o ni Andres o ng mga piling respetadong mga kaibigan - at ng sarili ko.

Pero, once in a while, chaka-khan pa rin ako kasi may maririnig ako na biglang-bigla, masasaktan ako. And you know what bothers me aside from the fact na hindi ako makapaniwalang nangyari yun? It's the fact na kinakagat ko ang dila kong magsalita pabalik para magising-gising sila.

Bakit ko pinipigil? Because I would say something about where it hurts the most to them. At hindi ko magawang manliit sila dahil dun. (Plus, hindi ko magugustuhan ang sarili ko pagkatapos kong sabihin yun) Kasi siguro lumaki akong hindi nangmamata o nagtatawa sa tao tungkol sa kabuhayan nila, saan at paano sila namumuhay, ang pinag-aralan nila, ang kaanyuan nila. Off-limits yun na maging basis ng pakikipag-kaibigan. Kasi alam ko, hindi naman ako galing sa mayamang pamilya din, nakaranas din kami ng hirap, ordinaryo lang naman ang mga eskwelahang pinasukan ko, ordinaryo lang din ang mga gamit namin. Kaya wala akong karapatang matahin o pagtawanan ang kahit na anong kaya lang ng kaibigan ko.

Hindi ako santa. Salbahe din akong tao. May mga exceptions to the rule ako. Minsan nanunuya din ako pero kumporme sa tao. Kumbaga, piling-piling mga tao yun na ginanun ko. Hindi ako madalas magkaroon ng mga nakakasalamuhang ganun - pero nagkakaroon. Hindi man tama ang ginagawa ko. Pero yun nga, hindi naman kasi ako santa.

Pero kung kaibigan kong tinuring, anumang pinansyal o pisikal na makakaya lang nya, hindi ko minamata o pinagtatawanan, ni hindi pinag-uusapan. Kaibigan ko sya. Hindi importante sa akin yun. Ang mas importante sa akin, kaibigan rin ba nya ako? Tanggap din ba nya lahat ng ako at makakatulog ba akong mag-isip na kahit wala ako sa paligid nya, respetado nya ang lahat ng ako?

Kaya eto ako, habang naliligo o nag-iisa, mistulang kahit para akong si Ate Vi o si Ate Shawie na inuulit-ulit sa sarli ko ang pwede kong i-dialogue, hindi ko pa rin masasabi sa tutuong buhay. Hahayaan ko na lang na unti-unti mawala ito sa isip ko.

Pero hindi ko alam kung mababalik ko pa ang karinyo, respeto at pagtitiwala ko sa mga taong ganito...

Posted by atesienna at 01:55 PM | Comments (21)

August 02, 2005

Dis Entri is Labingli D-D-K-Ted tu Ringo

Hay naku, so long... so tagal. Hindi ko alam kung dahil summer o dahil sa edad, para bang pag dating ng weekend, walaaaaaaaaaaaaaaa akong katorya-toryang umupo sa computer. Siguro rin dahil maraming trabaho mas gusto ko na lang humilata sa kama at manood ng TV o vi-de-yo pag uwi ko. Hayyyyyyyy.... ver bad talaga!

Mga dalawang linggo ko nang ginagawa ito na nag-aayos ng mga fictyurs. Show ko lang kayo ng mga pictures nung trip namin sa San Francisco nila Jet at G nung March 2005 at yung Disneyland pasyal namin ni Mars en Effols (hehehe, Apple yun actually) nung last week ng July.

Labingli D-D-K-Ted itong entri na ito sa aking huwan en onli bradir na si Ringo kasi kinukumbinsi namin na imbes na mag-trip ng opening ng Disneyland Jongking eh go na lang sya here sa California. Sabi ko nga sagot ko gastos nya dito, sagot nya pamasahe nya. Kaya gusto ko syang bigyan ng preview ng SF at Disneyland. Sabi ko nga dito na lang sya makipag-kita kay Mickey Mouse kesa sa Jongking. At least dito, magkakakaintindihan sila ni Goofy (si Mickey kasi, ok lang, kasi all languages alam). Kasi sa Jongking, nakakalimutan ata ni Goofy na hindi sya inchik at inchik lang ang natatandaan na lenggwahe. O diba, sasakit ang ulo mo nun makipag-usap para lang magpakuha ng picture. Kaloka!

Yung trip namin ni Jet and G, ang highlight sa akin nun, bukod sa nag-bonding kami ng dalawa kong labs na mga prenships eh yung fact na nabisita ko ulit ang SF. Labs na labs ko kasi ang lugar na yun. Ang laki-laking difference nya talaga sa LA at kung magkakaroon ako ng pagkakataon, mas gugustuhin ko dun kesa dito. Oo nga't sa LA, maraming beaches at andyan ang Hollywood, ang Disneyland at kung ano-ano pa, pero para sa akin, asphalt jungle dito - kulang sya sa character at puso. Ang San Francisco, hindi man ganun ka-stariray ang mga attractions nya, pero iba ang dating - magmula sa mga victorian-like houses, ang mga parks, kahit na ang downtown at chinatown nila. Mas at home ako dito. I will always love this city...

On the ader hend, matagal na akong hindi nagpupunta ng Disneyland sa Anaheim. Nung huli kong punta ng 1997, wala pang California Adventure nun. Kaya naman dahil nag-50th birthday ang Daga, sabi ko sa sarili ko, kelangan eh mabisita sya ulit. Plus, makapanood ng parada, fireworks at Fantasmic na hindi ko nakita napanood nun. Nagwelga ata ang mga duwende ni Snow White kaya walang palabas na ganun nung araw na nagpunta ako.

Grabe ang Disneyland! Kapag nasa loob ka talaga, makakalimutan mong may mundo pala sa labas. Nung pumasok kami nila Mars, mga alas 10 ng umaga, nung lumabas kami, mag-aa-ala-una na ng umaga. Paglabas namin, para kaming kagigising lang sa isang mahabang panaginip. Hehehe, kakaloka na kapag inisip mo, parang may subliminal hypnosis pagkapasok na pagkapasok mo sa loob. Hmmm.... ibang kwento yun... Nek time.

Pero naiyak pa rin ako nung mapanood ko ang parada, ang fireworks at ang Fantasmic. Nung perstaym kasi na-mangha na ako kasi nga perstaym ko. Feeling ko kasi, grabe... andito ako! Kasi nung mga dose anyos ako ang wish ko sa falling star makarating ako ng Disneyland. Hanggang ngayon na-o-over whelm pa rin ako. Tutuo ang sabi ng Fairy Godmother ni Pinocchio - "Dreams come true" talaga pa rin.

Kaya, Ringo, namnamin mo itong mga litratong ito! Para maisip mo na dapat talaga dito ka na lang magbakasyon nek yir!

The SF Trip with Jet and G
The Disneyland Trip with Mars and Apple

Posted by atesienna at 06:38 PM | Comments (11)