Image 1
Image 2

« August 2005 | Main | October 2005 »

September 15, 2005

Melanisms in the Happy September Month

Teka, bago ang lahat, mga taus-pusong pagbati at announcement ng inyong Ate Sienna na hatid sa inyo ng Dutch Boy Quality Paints Milk, ang gatas ng mga mang-uubos ng lakas:

Ultra happy birthday sa aking mga lab ones magmula pa nung Agosto. Mega-announce lang ako ng mga happenings sa pilipinas kasi, as usual, Happy September month ulit sa pamilya Zaragosa:

August 14 - 6th birthday ni Maki boy ko
Sept 10 - 3rd birthday ni Chynna girl ko
Sept 17 - 'ty-7th birthday ng kapatid kong si Greta
Sept 21 - 1st birthday ni Coco boy ko,
Sept 21 din - nth birthday ni bradir-in-lo Paolo, dyowawis ng kapatid kong si Patring
Sept 24 - *ummp* birthday ni Inang ko.
September din gagawin ang binyag naman ni Sef baby ko.

Happy Birthday, Happy Christening, Happy-happy talaga sa amin! (At abangan nyo rin nga pala ang concert ni Be-be sa Tayabas, Quezon, sa Norzagaray, Bulacan at sa Kidapawan, Cotabato.)

Atsaka nga pala... nakikita nyo yung maliit na icon na yun sa kaliwa na may nakalagay na "Pinoy Top Blogs"? Paki-click nyo naman at paki-boto nyo naman ang lola nyo. Kada-buwan kasi yan nag-i-initialize ang counter ng Pinoy Top Blogs ng Pinoyblog.com. Hindi yan search for Ms. Gay Philippines (na pwedeng-pwede kong salihan, pramis!), search for the Top Pinoy Blogs yan.

Kaya sige na, klick nyo lang, ha? ha? ha? Para masaya, diba? (hehehe gusto ko lang malaman kasi kung marami akong kamag-anak na nagbabasa.)


OK... We're back! (sabay talikod!)

Medyo mag-i-invisibility cloak lang ang iyong lola sandali at lilipat kasi kami ni Andres ko sa bagong dyapartment itong weekend na itich.

Excited na akesh kasi talagang feeling ko para akong si Jasmine na kumakanta ng "A Whole New World" habang sakay sa magic carpet ni Alladin. Kasi mas maganda sya. Feeling ko nga pag pasok pa lang ng balay eh kumakanta na rin ako ng "Ang gaan-gaan ng feeling..." Kumbaga sa baretang Mr. Clean - bigger, improved at mas marami ang nalalabhan! (Bakit nga ba si Mr. Clean mukhang genie? Pwede na syang pang-Alladin. hehehehe)

Habang ga-wait kayo ng updates sa inyong super gandang lola (tuk mo yun????), baunan ko na lang kayo ng isang damukal na Melanisms (na pinadala sa akin ni Ate Taba na sexy na ngayon. HI NANICH!!!! Magpakita ka sakin, lukresia!)

Nawa'y mas lalo kayong maloka at iisipin nyo na mabuti na lang mas tuwid siguro kayong mag-ingles (at mag-tagalog) kesa sa hitad na itich!

M E L A N I S M S
Just For Fun by Melanie Marquez

"I won't stoop down to my level."

"Hello? Bulag ka ba? Bingi ka ba? Are you dep?"

"'Yung STD, baka sa maruming toilet lang niya nakuha yan."

"Eh, ikaw ba naman, durugin ang ari mo... Pag di ka naman manutok ng
baril."

"We are lovers, not fighters."

"My brother is not a girl; he's a gentleman."

"That's why I'm a success, it's because I don't middle in other
people's lives."

"Don't judge my brother; he's not a book."

"Kapatid ko pa rin siya. We are one and the same."

"I don't eat meat. I'm not a carnival."

(During her acceptance speech at a Metro Filmfest awards night where her bioflick, directed by her late father Temyong Marquez, won an award.) "Eto na po ang pinakamaligayang pasko at manigong taon sa inyong lahat."

"Sumasakit ang migraine ko."

"Ang tatay ko ang only living legend na buhay!"

(When asked on S-Files if her present husband, Adam Lawyer, is her Mr. Right.) "Period na talaga; wala nang exclamation point."

(At a talk show after her break-up with Derek Dee, Melanie was asked if she had some words for Derek's mother whom she partly blamed for the separation). "Oo nga," said Melanie, "pero i-English-in ko para
maintindihan niya." She looked into the camera and, with the
peremptoriness of royalty, said, "And to you, Mrs. Dee, I have two words for you. Ang labo mo!"

When asked for a message to her daughter who was allegedly abused by
their houseboy: "Don't worry little angel, big angel is here."

On what they should do to the houseboy who molested her kid: "He
should be put behind bar."

"You can fool me once, you can even fool me twice, you can even fool
me thrice. But you can never fool me four"

While waiting backstage during a noontime show, after watching Nikki
Valdez do her dance number. "Nikki, you're so galing. You should go to the States. You will sell hotcakes"

Babushka na! Makakuha ng diatabs at sumakit ang migraine ko!

Posted by atesienna at 03:22 PM | Comments (23)

September 04, 2005

Pinoy Blog of the Week

"Pinoy Blog of the Week" sa Pinoyblog.com ang baby naming Blogkadahan!

Una, maraming-maraming salamat sa Sassy Lawyer na si Connie Veneracion na syang nagmamay-ari sa popular houseonahill.net at pinoycook.net (yes, be-be, THE Atty. Connie Veneracion ng Manila Standard) at kay Abe Olandres (na mas kilala sa pangalang "Yuga") ng yugatech.com. Silang dalawa ang bumubuo ng Pinoyblog.com. kung blogger din kayo at gusto nyo ng exposure, magandang pangdagdag ng mga bisita ninyo ang sumali sa pinoyblog. Marami pa kayong makikilalang mga beterano at mga bagong pinoy bloggers. Ako mismo, humahaba ang buhok ko kapag nakakapag-post ako ng mga entries ko sa pinoyblog kasi marami silang narerefer na visitors sa pansitan.net.

Again, maraming-maraming salamat, Conning-ning at Yuga!

Ispiking of THE Pinoy Blog of the Week, medyo umidlip lang po ng konti ang magbo-blogkada ng Blogkadahan for many domestic and personal reasons, pero buhay na buhay na po kami ulit! (Maraming salamat kay prenship Tingaling ng World Class Cuisines) for picking up where Fafa Batjay and I cannot handle for the moment. Tenchuberimats, prenship!)

Nakwento ko na sa inyo ng maraming beses ang blogkadahan dati, diba? Sana bisitahin nyo rin sya madalas kasi marami kayong mapupulot na mga kakatuwa, kaka-aliw at may katuturang mga kwento at opinion sa site na ito. Filipinos from different careers, lifestyles, places have joined to give you a treat and a peek into their thoughts on voted on topic. Collective effort namin sya. Marami na kaming pinag-daanan na mga gusot pero nakatayo pa rin ang mga nakatayo.

...basta, bisitahin nyo kaming lahat. Pandagdag kaalaman at aliw.

(Thank you ulit sa Pinoyblog.com at kongratyuleymen sa mga prenships sa blogkadahan! Inspirasyon para sa atin ito, mga kafatid.)

Posted by atesienna at 04:31 PM | Comments (8)