Image 1
Image 2

« December 2005 | Main

February 03, 2006

Change Can Be Good

Minsan dumarating ang mga pagbabago sa buhay ng hindi mo inaasahan. Minsan magandang pagbabago, minsan naman, hindi. Kapag medyo sintunado ang mga changes sa buhay mo, minsan masakit man ang dinaranas, kung alam mo namang pulutin ang mabuti sa masama sa mga nangyayari, winner ka pa rin kung ipapasok mo sa isip mo ang magagandang aral na nakuha mo dito.

Kung kaaya-aya naman ang nagyayaring pagbabago sa buhay mo, ang una mong dapat gawin, magpasalamat ka. Kung naniniwala ka sa Diyos, mag-tenchu ka sa biyayang bigay Nya. Kung wala ka namang kinikilalang diyos, whisper a breath of "thank you" to the air so that whoever or whatever swayed the winds of good fortune your way would hear your appreciation and gratitude.

Chinese New Year last weekend. The official start of the Year of the Yellow Dog was January 29, 2006. The Chinese consider this an important day. Personally, I prefer January 28, 2006. Bakit? Kasi eve of the Chinese New Year. May sense ba sa inyo? Wala? Hehehe, ok lang yun - everything doesn't always have to make sense to everyone. :)

I am looking forward to this new year. Maraming bagay ang nangyari na at marami pang mahahalaga at masasayang bagay na mangyayari pa. Unag buwan pa lang ng taon, masyado nang ma-aksyon ang paligid. Pero ok lang.. kumbaga sa bilyar, "preparasyon" lang para sa susunod pa na tira. Malapit nang matapos ang lahat-lahat-lahat ng mga pinagkaka-paguran. Malapit na malapit nang umayos ang lahat. I am definitely looking forward to the new things that will happen for the year. This will be a big one. This is my year...

Kwarenta'y uno na ako itong taon na ito... Tama lang... dapat lang umuwi na ako nang makapagpahinga na. Uuwi na ang pagod kong puso.

Posted by atesienna at 06:18 PM | Comments (0)