Author Archive
Tiyanak!
17/365 days of blogging.
“This baby kills, but can anyone kill this baby?”
Nung lumipat kami sa present housing project namin sa Boston St. Cubao, nagkaroon na kami ng kanya-kanyang kwarto. Akshuli, balay yun ni bradir. Pero inampon nya kaming lahat siempre kasi, hellers, lungkut-lungkutan naman sya kung sya lang mag-isa dun.
So limang kwarto yun kasama yung sa maid’s quarters, tatlong floors. Nasa first floor ang lola ko, nasa pangalawang floor ang kwarto ko at ang kwarto ng dalawa ko pang sisterette pati kwarto nila inang. Nasa pangatlong floor si Bradir, yung pinakamalaking area ng balay.
So si inang, yung landing papuntang kwarto ni Bradir, dinispleyan ng mga posters ng mga pelikula niya. Ok lang naman. Maganda nga. Kaya lang ang problema, pati yung horror na pelikula ni Bradir, nandun. Eh naging ugali ko na nung dalaga ako na dun ako nanunuod ng TV sa kwarto nya kasi malaki ang TV atsaka naka-aircon sya. Minsan tumatambay ako dun habang naglalaro sya ng mga video games nya. Madalas inaabot ako ng syam-syam sa kwarto nya. Nayayamot na nga yun minsan kasi dun ako nakakatulog sa sahig nya. Siempre naman, paano na ang privacy, davah? Kaya mga hatinggabi, kukurap-kurap at pupungas-pungas bababa na ako sa kwarto ko.
(Nakita 110 beses ng 67 bisitors)
Showbiz Bits
15/365 days of blogging.
So magkagalit si Kres at si Ropa at si Tita Annabelle eh sumasawsaw? Baka kailangan ng fanfare para panoorin ang bagong show ni Ropa? Gamitan lang naman yan…
So hindi nanalo ng Vest Feektyur ang Avatar. Napanood ko ang Avatar, na-enjoi ko sya. (Sabagay, mababaw ang kaligayahan ko pagdating sa pelikula. As in, can you say “Binibining K,” flis?) Pero masaya ako na hindi sya nanalo kasi kung nagkataon yayabang na naman yang si lolo James Cameron nyo. Irita Avila!
Nakakalokang nabalita sa radyo na na-deads ang brother-sung ko. Hindi po tutuo ang chismis. Hindi sya yung sinasabing taga-That’s na namatay kundi si Marco Polo Garcia. Anak ni Rodolfo “Boy” Garcia at Lucita “Girl” Soriano. Condolences po…
Big Brother’s Melai at Jason – “MELASON”?? Anubetch???? “MELASON”??? Parang nakakainis yung combi na yun… Kakaloka! Parang naglolokohan tayo nun, eh.
Hindi nga…
Pramis…
“MELASON” talaga?
(Nakita 273 beses ng 132 bisitors)
Peace!
14/365 days of blogging.
Fayong sisterette sa inyo, mga readers.
May mga utaw na hindi masayahin.
Keri lang.
May mga utaw na sobrang palakihin ang mga problema nila.
Keri pa rin.
May mga utaw na mahilig gumawa ng problema.
Keri pa rin ever.
Kung ako ang tatanungin ninyo, ok lang sa akin yung mga taong yun. Kanya-kanyang trip yan eh. Kung wit silang makitang maganda sa life at gusto nila ng dramang “it’s a small world after all”, hayaan sila. Ang reminder ko lang, wa na mang-damay ng iba sa pagka-imbyerna.
Hindi porke’t hindi ka happy ever after, gusto mo, join na ang mga people in the neighborhood sa unhappiness-sadness Lovely Ness. Feelingerang hanapan ng kasamaan ang iba kahit na bait-baitan ang mga utaw na ito sa inyo. Or pagdudahan ang kalinisan ng labada ng iba at ikumpara sa mga naunang labada. Eh hellers, pwedeng gumagamit na ang utaw ngyaon ng Tide, Bossing sa Kaputian sa kanilang labada. Walang mansta, tanggal ang lahat ng libag sa leeg!
Wa na ever na mandamay sa iba ng pagka-Bitter Ocampo. Wa na sa pag-intriga na parang laseng na naghahanap ng basag-ulo. Wala na lahat ng kainuman at dis-oras na ng gabi. Uwian na…
Atsaka, kawawa naman ang mga utaw sa paligid na wala namang ginagawang masama at ang wish lang kay Bro eh mamuhay ng tahimik. Wa nang magpaka-Donya Amalia Montenegro, kawawa naman si Bendita. Bigyan ng kaligayahan ang mga utaw. Mag-join na lang sa Peace Rally ng mga madre.
Kung nag-iisip ka ng masama sa ibang people, pray ka na lang. I-pray mo kay Bro na sana hindi tutuo ang mga hints mo at kung tutuo man, wag nang ikaw ang gawin Nyang kasangkapan para maglabas ng baho. Ang bagoong naman kasi, takpan man daw, mangangamoy at mangangamoy pa rin. So kung hindi man manggaling sa megaphone mo ang announcement na may bagoong, may ibang mag-aannounce nyan. Not unless nga, gusto mo, bida-bidahan ka na ikaw ang may dala ng bagoong.
Sabi nga nila, the bearer of bad news always has a big responsiblity – 1.) make sure that the facts are correct and true and 2.) that he will take care of the effects the bad news will bring the receivers. Grabe, ang bigat nun diba? Kaya ba ng kunsensya mo na magdala ng balitang hindi naman tutuo tapos sumabog ang buong kalawakan dahil sa pagkakamaling yun? Wa na… panget, eh. Matagal nang nabuwag ang Justice League of America nila Superman, Wonder Woman, Aquaman and the likes. Hindi na nila mababalik pa ang mga bagay na masasalanta mo.
Kaya ayan, mga sisterette, ang payo ni Ate Sienna sa inyo for tudey. Magpakabait lagi. Maigsi lang ang buhay, wag nang pa-iksiin pa lalo.
Yun lang. Alis na ako…
(Nakita 785 beses ng 241 bisitors)
“Why I Will Vote For NoyNoy – Winnie Monsod’ IS A HOAX!
13/365 days of blogging.
I like Winnie Monsod. Kapag may iniinterview sya, na-aaliw ako sa kanya kasi hindi sya tatanggap ng bull shit kahit na kanino. She calls a spade a spade and she goes direct to the point kung alam nyang nambobola ang kausap nya.
Sa mga hindi nakakaalam, Si Mareng Winnie ang Cabinet Secretary of Socio-Economic Planning magmula 1986 hanggang 1989 (nung termino ni Tita Cory). Sya rin ang Director-General ng National Economic and Development Authority (NEDA), yung economic policy research agency ng gobyerno.
So at first, nung finorward sa akin ng kaibigan ko itong email na ito, I accepted it na galing nga kay Lola Winnie. Pero ako kasi kapag nag-ku-quote ng mga ganyang article, I want to link the original source of the article. Kung nakalagay ito sa column nya, it’s got to be on the internet and I can put a link back to it.
At sa kakahanap ko ng site kung saan nakasulat, legitimately, itong article na ito ito ni lola, napunta ako dito sa column nya sa Inquirer.net, at ito ang sabi ni Mareng Winnie:
(To whom it may concern: I am not the author of an e-mail going around titled “Why I will vote for Noynoy—Winnie Monsod.” To the real author/s: Hiding behind others is cowardly. Stand up and be counted. To everybody else: Any statement attributed to me can be very simply checked by referring to this column, or my column in BusinessWorld [Calling A Spade], or a blog under my name in GMA News.TV.)
Ang haba ng buhok nya, davah?? I lab my lola :)
Hindi ko na i-ko-quote ang alleged article kasi proliferation lang ng basura yan sa internet – ang daming naglipana nun sa internet. Sayang lang ang bandwidth ko.
(Nakita 1130 beses ng 321 bisitors)
Isang Umaga
12/365 days of blogging.
So kaninang umaga nag-commute ako kasi may pasok si bossing kagabi. Eh medyo tinamad akong pumasok ng maaga kaya nakaalis ako ng bahay, alas sais na. Isip ko, late na lang ako uuwi.
So andun na ako sa Cromwell, huling istasyon ng tren at abangan ng mga apat na iba’t-ibang linya ng bus. Dun ako bumababa sa pagkasakay ko ng tren at dun din ako maghihintay ng bus papuntang Annapolis. At dahil nga late na akong umalis, marami-rami nang tao sa istasyon. Malamig pa kasi kaya nandun ako sa shed nag-hihintay. Since nababalutan ng matigas at makapal na plastic (parang fiber glass) ang waiting shed, kita mo ang paligid. At sa likod ko, may dalawang lalaki mukhang nagtagpo. After a few minutes, paglingon ko ulit sa kanila, parang may binigay ang isang lalaki dun sa isang lalaki. Maliit na plastic. At since medyo mabagal yung pinagbigyan na itago yung binigay sa kanya, napansin ko na maliit syang ziplock na bag (parang yung pinaglalagyan ng alahas ng mga alahera) at may shreds ng mistulang tuyong dahon sa loob. Alam ko na kung ano yun at bigla akong tumalikod. Natakot akong makita nilang tinitingnan ko sila.
Marijuana. Dun sila nagpalitan. Medyo chika pa sila ng konti pagkatapos, maya-maya, nawala na silang pareho. Tuloy ang ikot ng mundo.
Kaloka, diba?
(Nakita 1407 beses ng 364 bisitors)
Kakakilig ‘To
11/365 days of blogging.
Nagdo-download ako ng mga kanta para sa i-Fad ko. Na-fixate ako sa kanta ni Bituin Escalante na “Kung Ako Na Lang Sana”. Paulit-ulit ko na syang pinatutugtog. At may version pa ako ni Sarah at Mega na nadownload sa LimeWire. At bongga! Kaya ko syang kantahin. Mamaya nga, mahanap ito sa magic sing namin at matesting kung makanta ko rin sya dun. At makasali sa sing-a-long sa Sabaders kapag nagkita ang mga prenships. Madedicate ke Bossing. hehehehehe
Hemingweys, tumitingin ako sa YouTube ng kanta ni Bituin nung makita ko itong version na ito. Nakakakilig kasi ginawang duet. Ang galing nung nag-mix, at ang ganda ng boses nya. Conrad Mananes ang pangalan, ata. Graphic designer sa araw, wedding singer sa gabi. Eto ang mga boses na masarap pakinggan kasi hindi lumalawit ang ngala-ngala kapag kumanta. Cool lang. So eto na lang ang panoorin ninyo. Kakatuwang version. Hayyyyyy… sarap talaga ng in-lab :)
(Nakita 1699 beses ng 417 bisitors)
Pahabol Para Kay Kenny… Rankin (1940 – 2009)
10/365 days of blogging.
Kagabi, um-attend kami ng birthday dinner ng anak ng mag-asawang kaibigan namin. The usual kwentuhan, tawanan, asaran. Until nabanggit ng isa pang kaibigan namin na patay na si Kenny Rankin. Nagulat ako. Matagal na nga raw patay, last year pa. Hindi ako makapaniwala. And a part of me, despite the continued merriment, a part of me became so sad that whole time after.
Kakabit ng matamis-slash-mapait kong pag-ibig, Ate Charo, ang mga kanta ni Kenny. Soundtrack ng buhay ko ang mga kanta nya. Ang una kong pers lab, si Kenny ang paborito. Ang “Silver Morning” na tape (oo, tape pa nun, pramis!), na bigay ni perslab, gasgas na gasgas sa kakapatugtog ko. Kaya lang nung nag-break kami, sinunog ko yun, kasama ng iba pang bigay nya.
Nung nagta-trabaho na ako, mga kanta pa rin ni Kenny ang naging soundtrack ng masalimuot at problematic kong relasyon naman kay boypren-boyprenan. At ulit, bumalik ang “Silver Morning” na tape (oo, tape pa rin kasi mahal pa ang CD nun) na bigay naman ni boypren-boyprenan ngayon at may dalawa pang dinagdag – “After the Roses” at “Hiding in Myself”. “Hiding Inside Myself” naman ang paborito ni boypren-boyprenan. Pa-senti kasi. Pa-mysterious effect ang drama ng lukring. (Siya. Hindi ako.)
Read the rest of this entry »
(Nakita 2073 beses ng 486 bisitors)
Kailangan Ko Lang Ilabas
9/365 days of blogging.
Naisulat ko na ba ito dati sa blog na ito?
Isa sa pinaka-ayaw ko na ginagawa ng pinoy, yung ang bati sa iyo eh ang tungkol sa pangangatawan mo. As in, “hoy, tumataba ka!” or “Hoy, bakit ang payat-payat mo!” Sa tutuo lang, bakit tayong mga pinoy ang laki ng preoccupation natin sa pangangatawan? Nakakayamot. Oo, nasasaktan ako, kasi ever since I could remember, may obsession ako sa katawan ko – I was never happy with how much I weighed. Kahit na nung panahon na sobrang payat ko na, feeling ko pa rin sa sarili ko, mataba pa rin ako. Alam ko, sasabihin ninyo may psychological implication yun. Aminado ako, hindi ko masyadong mahal ang sarili ko nun. Pero aside from that fact na may mga issues nga ako nun, nayayamot pa rin ako pag sinasabihan ako ng tungkol sa weight ko. Hindi nakakatulong.
Hindi ko naririnig sa mga puti yan. Kahit na kelan, wala akong puting kaibigan na nagsabi sa akin, “Hi, my… you’re getting huge!” Kasi sa kanila, rude yun. At sa true lang, korak sila. Ang naririnig ko lang na sinasabi ng mga puti, kung alam nilang talagang nag-ta-try kang magpapayat, binibigyan ka nila ng encouragement, “You’re looking good!” At kung walang nangyayari, hindi na lang sila kikibo, kesa masaktan ka.
Kaya kapag nakakarinig ako ng bati na tungkol sa timbang sa ibang pinoy, kahit na hindi ako ang binabati, nayayamot ako. Parang gusto kong sabihin, “bakit, sexy ka?” At kahit na sexy ka, or mas lalo na kung sexy ka, walang rason para pansinin mo ang pangangatawan ng ibang tao. Hindi mo ba naiisip na baka nawawala na rin nga ang confidence nila sa katawan nila, dadagdagan mo pa at parang niyayabang mo pa na kasi maganda ang katawan mo? Malay nyo kung may mga personal na struggles na sila sa buhay nila tungkol sa timbang nila, or may ibang rason na ang naging epekto eh apektado ang timbang nila. Kung tutuusin nga, kung magkaibigan talaga kayo, may bearing ba sa pagkakaibigan ninyo kung mataba sya o payat?? Diba, dapat wala?
Ang masama pa, kapag rumesbak ang mga taong nasasabihan ng tungkol sa timbang nila, ang sasabihin pa, pikon sila, o bastos. Kaya ang iba, kunwari, ngingiti na lang o minsan makikitawa na lang. Pero deep inside, nasasaktan na rin sila. Diba, unfair?
Kaya please lang, kung nababasa nyo ito at nagagamit ninyong bati ito, please lang, pakitigilan na. Sana maisip ninyo na alam ng pinagsasabihan ninyo kung ano ang itsura nila at hindi nyo na dapat sabihin pa sa kanila. Wag nang i-state ang obvious. Don’t remind your friend of a trait they have that they’re not really happy about anyway. That’s not what friends are for.
Yun lang.
(Nakita 2267 beses ng 516 bisitors)
*Singhot*
9/365 days of blogging.
May sipon na naman ako. Sa sobrang sipon na sumasakit na ang ulo ko at tulo ng tulo ang uhog ko, hindi ako pumasok nung Martes. Wa poise kasi. Ang ganda-ganda ko (charot!) tapos singa ako ng singa at bahing ako ng bahing. Diba kadiri to death??
Kaya tambay na lang ako sa bahay, katabi ang isang rolyo ng tissue at ilang basong tubig. Ang nakakainis, nung Lunes ng gabi, mistula akong may sinat. Pagdating ng umaga ng Martes, ok na ang pakiramdam ko kahit may sipon pa rin ako. Pero nung gabi may sinat na naman ako. Weird, diba?
Ang siste, hindi na ako pwedeng mag-absent kasi naka-miss na nga ako ng isang araw na training class kaya pumasok na ako ng Huwebes. Pero hinintay ko na lang si Bossing at hinatid nya ako sa trabaho. Hindi rin kasi maganda ang forecast ng weather. Baka matuluyan na naman ako ng sakit kung nag-hintay ako ng bus sa bus stop.
Hay…. Hatest ko talaga ang sipon. :(
(Nakita 2354 beses ng 524 bisitors)

