Fall Na

29/365 days of blogging.

Goodbye, mga dahon...

Fall na. Actually simula last week, nagbabagsakan na ang mga dahon sa paligid namin. Pero dahil huling naglabasan ang mga dahon ng mga puno namin nung spring, huli din syang naglalagas ngayon.  Last in, last out.  So ngayon, wala nang mga dahon ang mga puno namin.

Nagsisimula na ring lumamig ng lumamig.    Kaninang umaga nung sinundo ko si Bossing sa trabaho medyo chilly na sa labas.  At dahil nga black friday, naisipan namin ni Bossing na magpunta ng Best Buy at bilhin na yung home theatre system na gusto namin.  Fifty percent off, san ka pa?? At para mas maganda ang panonood, bumili ako ng dalawang bala ng blue ray.  Pagkatapos nun, umuwi na kami at sinet-up na namin.  Pero hindi pa ganun kaganda ang itsura kasi nga kailangan pa ng HDMI cable.  Sa tutuo lang ha, hindi ba harang yun na hindi pa kasama sa buong sistema ang mga magandang kable.  Harang.  Kakainis.

Hemingweys, dahil may josok pa si Bossing sa trabaho nya, hindi pa kami bumili.  Madali na lang naman yun.  Baka next week pag wala na syang pasok.

Nung hapon, naisip ko, kailangan ko ng boots kaya go-sago naman ako sa Macy’s habang tulog si Bossing.  Nakabili ako ng dalawang pares sa halagang – dyarannnnnnnn  $81!  Ang galing, diba? Kung hindi black friday, aabutin ako ng almost $200 para dun sa mga yun.  At para hindi mayamot si Bossing, may dalawa akong boots na ibibigay ko na sa junakis ng prenship namin kasi nga ka-paa ko sya.  At baka kasi totohanin na ni bossing na dalhin ang mga japatos ko sa goodwill.  Kakaloka!!

(Nakita 16538 beses ng 3587 bisitors)

Calling All CCS Batch 81 Graduates!

8/365 days of blogging.

Ang bagong CCS Batch 81 Website

So natapos ko na ang website ng batch namin nung HS.  Matagal na napengga yun kasi medyo nagkaproblema ako sa “a small few” sa mga ka-batchmate ko.  Wala.  Mga tsismoso at tsismosa lang kasi.  Atsaka may iba pang mga issue pero amin na lang yun.  Kaya ang tagal kong hindi inupdate ang website namin.  Pero hindi na naman kailangan pang balikan.  Past is past.

Pero ngayon, nabuhayan ako ulit na tumulong.  Iba na ang chairman at iba na ang mga hahawak.  Kaya panibagong pagtitiwala ang binibigay ko sa kanila.  Atsaka nakikita ko naman na ginagawa nila ang lahat para mabuo ang batch para sa ika-30 anibersaryo ng batch namin.  Definitely, kailangan lang na bigyan sila ng chance na ipakita nila ang kaya nilang gawin sa batch at suportahan dahil ang succes nila ay success ng lahat.  (Tarush…)  Naniniwala ako sa kakayahan nila.  Kaya excited ako na umuwi next year para sa 30th anniversary nga namin.  Sana nga makauwi kami.

Ang mga high school o college reunions minsan nakakapraning at nakakatawa.  Kung nakalimutan nyo na, kaya nga kami nagkita at naging kami ni bossing ay dahil sa aming silver jubillee.  Pero yung nangyari sa amin, hindi na orig yun.  Marami nang magkakaklase na nagkita sa kani-kanilang mga reunion na narekindle ang kanilang pag-iibigan o naging mga magboyfriend.

Pero bukod sa love angle, may mga anggulong pang-prenship – ang pagkawala at ang pag-yaman ng mga pakikipagkaibigan.  Minsan kasi habang nag-aaral ka, hindi ganun kalaki ang mundo mo.  Aaminin ko, ganun ako.  Maniwala o hindi, mahiyain ako nung HS.  Hindi ako baranggay kapteyn atsaka dala na rin ng awkward years ko, hindi ko naging kaibigan ang mga kabatchmates ko.  Mabuti na lang, dahil sa mga ganitong pag-prepare sa reunion, madidiskubre mo na marami kang mga kaklase at kabatch na magiging malalapit mong mga kaibigan.  At masasabi ko, marami akong nadiskubreng mga bagong prenship sa mga kabatchmates ko.  Mga taong hindi ko akalain na magiging mga ka-close ko kasi ang liit ng mundo ko nun.

On the other hand, may mga pakikipagkaibigan din na malalaman mo na medyo sumesemplang mas lalo na kung may mga sikretong tinago sa iyo na malalaman mo na lang after so many years na ikaka-shock mo. Actually hindi na importante yung sikreto eh, ang nakakainis lang, may ganung element. Kakaloka.  Pero ok lang… keri lang.  Sabi nga nila, hindi kawalan…

So anyways, plugging na entry lang naman para sa mga batchmates ko.  Mamaya na ulet…

Babushka!!

(Nakita 15018 beses ng 4122 bisitors)

April 1, 2010 – Pansitan.Net For Sale

26/365 days of blogging.

aprilfoolsYep, ibebenta ko na ang Pansitan.net.  Matagal-tagal ko na ring hawak ang domain na ito.  Kung mga 8 years meron na sya.  Pero I am moving on to greener pastures.  I was contacted by a big noodle company sa Pilipinas at ang sabi nila, gusto ilang i-buysung ang domain ko para sa isang product nilang ila-launch by the end of June.  Since alam nila na malaki ang traffic ng Pansitan.net, they think this could be a good avenue for them to introduce their new product to the people.

As far as the subdomains of pansitan are concerned, pumayag pa rin ang noodle company na iretain ang mga ito, provided that they carry a big banner on the front of their pages advertising the product.  The owners of the subdomains will still be compensated for this and they promise that it will not in anyway intrude with the contents of the respective subdomains.   I will have to let my boarders know if they want this or not.

So everyone might be asking anong noodle company ito?  I am not in the liberty to tell you anything since in the works pa sya.  Ano itong bagong product nila?  Ang alam ko, parang noodles ata na pwede nang itanim ng mga tao na ang bunga, noodle-like fruit na pwedeng pakuluan at yun nga, gawing pansit.  Matagal na raw nilang pinag-aaralan itong product na ito and they will need all the media exposure they would need.  Magkano ang ibabayad sa akin?  Secret.  Pero let me tell you this, enough na sya para makauwi na kami ng bossing ko sa Pinas and give us a comfortable life in the Philippines.  The company even offered that they can help us finance a business to put up a restaurant using their products.

So saan ka pa, diba?  Bossing and I cannot turn down the offer.  A new life in the Philippines.  So baka by the end of the year, nasa Pinas na kami.  That would be nice. :)   Thank you sa noodle company na ito.

Gusto kong pasalamatan lahat ng mga tao na naging bahagi ng pansitan.net, simula pa nung umpisa.  Sa lahat ng naging bloggers, lahat ng bumisita, lahat ng tumulong sa akin na palaguin ang pansitan.net.  Maraming-maraming salamat.  Kung hindi dahil sa inyo, hindi mangyayari ito.  MAlaki ang utang na loob ko sa inyo.

(Nakita 26602 beses ng 5623 bisitors)

Happy New Year!!!

Happy Holidays!So matatapos na ang unang dekada ng 2000. Ang bilis, davah? Eh parang kelan lang kailangang tumambay ng dyopisina kasi nag-aantay kami ng pwedeng maging problema ng pagpalit ng taon sa year 2000. Y2K, naalala nyo ba yun? Yun pati raw microwave eh sasabog. Eh eto at 2010 na – ang huling taon ng new decade. Ang dami na kayang nangyari magmula ng year 2000?? I swear! Masyadong umeksena ang past decade sa buhay ng lola nyo. Mistulang para akong si Manylin Reynes na tinaguriang “Star of the New Decade” sa dami ng mga anitch-anitch na nangyari. Pero kwidaw lang, wit ko tipis matulad kay Mane dahil hindi pa natatapos ang bagong dekada, medyo nawala na sya. Hmmmm…

At dahil bagong taon, bagong template. Hindi ko kasi na-feel yung template ko bago yung christmas template. Parang walang dating at hindi maganda ang aura. Kaya binreyk ko ang bad vibes, nagpalit ng christmas template at itong template na ito na ang sasalubong sa 2010. Malinis, malamig sa mata. Op kors andyan pa rin ang aking doggie na si Kitty na nagbagong anyo. Just to signify na hindi naman ako ganun ka-choosy. Pwede sa akin kahit na hindi Cavalier King Charles. Altho yun pa rin ang number 1 choice ko. (Harinawang bago matapos ang taon dumating na si Kitty sa buhay ko.)

At segueway to that, nagrerecruit ako ng mga bagong members. Marami nang nawala, marami na rin ang hindi nagbo-blog na tatanggalin ko na – as in taon na ang binibilang. So kung type ninyo, sabihin nyo lang sumali at masama sa Pansitan community, email nyo ako sa atesienna at gmail dat kom. Ang requirement ko lang, harinawang masipag kayong mag-blog at kung ayaw nyo ng mag-blog, which happens, sabihan nyo lang ang kasera ninyo. (Aketch yun!)

Continue reading Happy New Year!!!

(Nakita 33742 beses ng 5999 bisitors)

Nuffnang Blog Awards

Once again, the Pinoys are doing really outstanding in the field of blogging. Vote nyo naman, (every 2 hours, kung pwede lang naman, :) ang sariling atin sa Nuffnang Regional Blog Awards. You would have to vote for a nominee for each category for your vote to count. Pero don’t forget the following pinoys:

1. Octwelve (Best Original Blog Design)
2. Kitchen Cow (Best Food Blog)
3. En Route (Best Travel Blog)
4. Bryan Boy (Best Fashion Blog)
5. Jehzlau Concepts (Best influential blog).

And of course, my blogkada…
Wifely Steps (Best Parenting Blog)

And Pansitan.net’s one and only…
Jim Paredes of Haring Liwanag for Best Celebrity Blog

Good luck to everyone!! O vote na kayo ha…

(Nakita 45805 beses ng 7464 bisitors)

Esmyus Islip

To who you are concerned:

Plis esmyuski me for not writing in this beautiful blog of mine for 23 days and counting. My bossing is sick and tired with the arthritis. He kenot walk tall and proud and he is on life support of the cratches for the means time being when he want to go to the toilet or around-robin the house. I am being a good bitter half and acting as if a Florence Nightingbird (the paytoll saint of nursing) taking care of himself in his hour of need, and mind you me, he has so many needs and wants in his hour of need… and wants.

Furthermore on the topic of absenceseses, it is very addicting to the mind this game called Farm Town in the FezBuk. That’s why in the middle half of things and stuffs, I am busy with my Bossing and playing like a farmer with a small land reform – plawing, planting and harvesting my plants and whatever else around my land of my vision. I am also tendering the farms of my neighborhood – watering their plants, cleaning the leaves from the tornadoes, this and that – its a hard job and some one is to do this.

But this I promise you everybody and all my relatives combined, I will go back now to writing in this beautiful blog. I am to go back to making your day a complete routine from this day forward till death us apart.

As what Doglas Macartur said when he swam to the beach that is Leyte, “I shall returns!”

And before I forgets to remember,  Happy Father’s Day to all the fathers, most especially and with special mention to my dear Itang and my Bossing.

My Proud Farm

(Nakita 48754 beses ng 9853 bisitors)

Google Woes

San Ka Pa?
San Ka Pa?
Ok… medyo yamot ako sa mga bagay-bagay sa Google.com ngayon.

Nung minsan, pinadalhan ako ng Google ng email:

“Direst Ate Sienna,

How is you? I hope yur ok. As a matter op pak, we are writing to you this email becoz your websayt, pansitan.net, is cloaking some spams. Not the de-lata but some kinda hackers put the text about the Viagra en the Tarmadol en da Cialis en da Online Pussy. So because we don’t want those in the google search, we are suspending your site. Not tagal naman, only 30 days. If you clean up, you tell us and we will do our best to put you back. But you wait, we have so many labadas to do.

Lab en kisses,
Google”

Paano nangyari yun? Eto, warning na rin sa inyo, mga syupatiders sa pananampalataya. Kung kayo po ay may WordPress at type ninyong mag-install ng mga bagong templates sa website nyo, medyo ispat-ispatan nyo lang muna ung mga files nyo sa header at footer. At kung may mga encrypted chorvala ditech na hindi nyo maintindihan (sipatin ang header at footer kung is there is a “eval(base_64)” chuvanetch), malamang sa malasado, hindi nyo dapat ilagay sa site nyo. Pramis. Maniwala kayo.

Dun nagsimula ang problema.

Balik sa kwento.

So ako naman, nataranta… naglinis ng mga files SA LAHAT ng subdomains. Sinilip ang lahat ng mga files ng mga boarders at tinanggal ang mga medyo kabading akong may problema. Humingi ng ako ng tawad sa Google at nagmakaawa na ibalik kami. Pero malas, ganun pa rin – tinanggal kami sa listahan nila. Kaya ngayon kanda-intay ako ng 30 days at baka naman ibalik na kami pagkatapos. Mistula kaming grounded ngayon.

At habang naghihintay, naglilinis pa rin ako. Naghahanap pa rin ng mga malisyus na mga buset na mga files. (Maglilinis tuloy ako ng mga patay na na subdomains. Wala lang… naisipan ko na lang, it’s about time.) Pati sa hosting ko, nagpapatulong na ako. Baka may alam silang hindi ko alam.

Hakshuly, tiningnan ko ang Yahoo search engine kung apektado ba sila ng nangyari sa amin sa Google. Shet, andun pa rin kami. Tumataginting na amin ang #1 slot kapag tinayp mo ang “Pansitan”. Kami rin ang #1 sa Lycos, Altavista.com, Alexa.com, Live.com, Dogpile.com. So leche, why-liwayway ba akong natataranta?!?!?!?!

Dapat nga bang katakutan ang Google? Eh weno naman kung wit ka sa listahan nila? May mawawala ba? Mala-Dyos ba sila na kapag nawala ka sa listahan nila eh naglaho ka na sa balat ng internet??? Diyos ba sila na lahat ng bagay pwede na nilang malaman?? Na mistulang si Taning, kailangan ng super skills para malansi mo sila. Tsk… kahit saan nandun na sila. Saan ka pa, Lukresia?

Da thing is, nakasanayan na talaga ang Google. Gusto mong malaman kung paano gumawa ng bomba gamit ang sanitary napkin, o gusto mong magluto ng Bicol Express na hindi maanghang, i-google mo. Gusto mong malaman kung paano pagagalingin yang buni mo sa leeg o yang cancer mo sa utak, i-google mo. Gusto mong malaman kung paano pupunta ng Paris galing ng Noo Yok ng hindi sasakay ng eroplano – i-google mo! Lahat yan, nasa Google!

Kaya nga nagkaroon pa ng panahon na sinasabi ko, kung wala ka sa Google, you don’t exist. Pero dati yun – nung hindi pa nagaala-Diyos ang Google.

I heb to admits, malaking tulong talaga ang mga lolo mo sa googles sa pansitan.net. Marami silang pinapasok sa aming mga parukyano. I heb to admits also, bababa ang traffic namin dahil nga kebs kami sa kanila ngayon.

Pero may magagawa ba ako? I-stress ko ba ang sarili ko? Hindi na lang. Iintayin ko na lang na maisipan nilang mababait pala kaming tao at ibalik nila ang grasya nila sa amin. Thirty days of darkness lang naman daw. Harinawang tumupad sa pramis. Pero kung hindi, wit akong magagawa… I em not da God!

At naisip ko, kung visitor ka naming madalas, medyo alam mo na kung paano ka makakarating sa site namin o di kaya eh nasa bookmarks nyo naman kami. At kung hindi mo kami matandaan, medyo tyagaan mo lang ang paghahanap at andyan pa rin kami – sa mga website ng mga kaibigan. Pasensya na po, talaga lang pong nagkadelubyo ng konti. At kung medyo windang pa rin kayo, hanapin nyo na lang muna po kami sa Yahoo, Altavista, Lycos at kung anik-anik pang search engine. Hindi kayo uuwing luhaan…

Maraming salamat sa lahat ng panahon na pagtangkilik nyo sa lahat ng mga boarders ng pansitan. Paki-kalat nyo na lang po na medyo nasibak lang kami sandali, pero buhay na buhay naman po kami.

Sya… dyan muna kayo. Mag-aayos lang ako ng mga google ads ng mga websites ko. Iiwanan ko na lang po kayo ulit ng word of wisdom:

Nothing in this world is perfect except the word “change”.

(he, he, he)

(Nakita 32908 beses ng 7483 bisitors)

Mike Francis, 1961 – 2009

Patay na si Mike Francis

Oo, affected ako sa death nya. Sobrang national anthem kaya naming magkakaibigan ang mga kanta nya – “Survivor”, “Let Me In”, “Friends”, “Nighttime Lady”, “Dusty Road”, “Don’t Start Giving Up”, “Features of Love”, “Together”, “Suddenly Back To Me”, “Dreams of a Lifetime”, “Cover Girl”, “Check It Out With The Groove”, “Lovely Day”. You name it, lahat yan may mga memories kami – kanya-kanya atsaka collective.

Landmark of my youth yang si Mike. Nung panahong usong-uso ang mga parties sa Co-re (Corinthian Gardens), Valle (Valle Verde), pati sa Greenhills, talagang hit na hit ang dance floor kapag mga kanta na nya ang tinutugtog. Sya rin ang madalas na maririnig mo sa mga kotseng dala-dala namin nun. Driving music din kasi sya eh. Swabe lang pero klik na klik sya sa amin. Sadly, wala syang concert sa pinas na pinanood ko. Eh piano, nasa Canada na ako nun. At ang mga kaneydyan hindi sya kilala. True-lash, hindi sya kilala sa North America. Big lost for them.

Ano ang pinaka-peborit ko? LAHAT! Pwera OA, LAHAT talaga. Pwede nga akong makinig ng Mike Francis ng paulit-ulit buong araw, at sasayawan ko pa lahat, paulit-ulit din. At habang pinapakinggan ko, reminiscing na lang ako ng mga gimik at artehan naming magbabarkada nung mga panahon na yun. Sa true lang, kapag si Mike Francis na ang pinapakinggan ko, naroromanticize ko na ang kabataan ko – wala na yung lungkot, wala na yung hirap. Ganun ang epekto ng mga kanta nya sa akin ngayon.

At para sa iyo, Mike, maraming-maraming salamat sa lahat ng mga parte ng buhay-bagets namin na nalagyan mo ng soundtrack. Forever ka naming maaalala…

I lab Mike Francis talaga!!! (Hikbi…)


(Nakita 21631 beses ng 5126 bisitors)

Happy New Year Na!

Huli-kaw, 2009 na!

Eh kamustahin naman ang bakasyon ko sa Canada?

We Are Family

Masaya… as in. Nung makita ko ang kapatid ko na inaabangan ako paglabas ko ng eroplano, naluha na ako. Nayakap ko ang itang ko, nabuhat pa nga ako (yes, Santa Klaws, pumayat na kasi ako) Nagkita rin kami ng tyahin ko at ng pinsan ko – nagkita-kita kasi kami dun dahil sinundo naman ng tyahin ko ang pinsan ko na galing ng San Diego. Pag-uwi ko, tuwang-tuwa akong yumakap kay inang. At mangiyak-ngiyak na ako nung biglang-bigla nagsigawan ang mga pamangkin ko, yumakap sa akin habang magkayakap pa kami ng inang ko. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasaya ang puso ko nung makita ko silang lahat.

Be Proud!

Nagkita-kita rin kami ng mga kaibigan ko. Ang mga pukersha kong mga barkada na frawd na frawd ako dahil may kanya-kanya na silang mga major accomplishments. Mga sariling bahay, mga anak, mga magagandang trabaho. Parang kelan lang eh broke pa kaming lahat at pangarap lang ang coach at louis vuitton na mga bag. hehehe

Nagkita rin kami ng isang mabuting kaibigan na itatago ko na lang sa pangalan na “Cecil” at isang kaklase nung high school na itatago ko na lang sa pangalang “Angie”. Pramis, hindi nila mga tutuong pangalan yang mga yan. hehehe

Proud din ako kasi ang daming Overseas Filipino Workers akong nakilala. Mga alaga sila ng tyahin ko na may sarili nang human resources agency sa Calgary. Masaya silang kasama. Mapapalapit talaga ang puso mo sa kanila.

Kung gusto nyo ng mga pictures, hanapin nyo na lang sila sa facebook ko at sa facebook ng syupatid ko.

Ang kulang lang talaga sa bakasyon ko eh si bossing. Kaya naman nung bumalik ako, kulang na lang hindi na kami lumabas ni bossing ng kwarto – kasi nga ang daming pinagkukwentuhan. Kayo, malisyosa ang mga utak nyo!

Hemingweys, madali’t sabi, recharged ako sa pagbalik ko.

In other news, gusto ko pong pasalamatan ang lahat ng bumoto sa akin sa nakaraang contest ng Top 10 Pinoy Expats/OFW Blog of the Year 2008 ng Thoughtskoto. Nanalo ang lola nyo ng 2nd Top Pinoy Expats/OFW Blog pagkatapos ni Apo Jim. At Top Pinoy Expats/OFW Blog sa US en Canada.

Maraming-maraming salamat sa mga judges, sa lahat ng bumoto at kay Kenji sa isang nakatataba ng pusong parangal.

At salamat din sa inyong lahat… panibagong taon, panibagong mga happenings. Maraming salamat sa inyong pagbisita, pag-comment at pagsubaybay. Pangako, mas marami pang kwento sa taong ito :)

(Nakita 30401 beses ng 5920 bisitors)

Paalam, Mimay…

Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo na ang isa sa aming mahal na ka-pansitan, si Mimay ng Coatable Coats ay biglaang sumakabilang buhay. Lubos pong nakikiramay ang buong Pansitan.net community sa mga minamahal na naiwan niya.

Hinihiling po namin na sana po’y maisama nyo sya sa inyong mga dasal…

(As a tribute and to pay homage to a sweet and wonderful woman, I am keeping her site up for as long as Pansitan.net is alive so that her relatives and friends can always come back and read her entries while she was still with us.)

Mimay

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 20840 beses ng 4584 bisitors)