Archive for the ‘Beauty Tifs’ Category

PostHeaderIcon Do’s and Do Nut’s (Pashion En Byuti Tifs Part 2)

So kahapon, naisipan kong magpalipas ng oras sa mall.  Balak ko kasing bumili na ng makina dahil super extended version na ang makina ng biyenan ko sa amin.  Mahihiya na ako kung sya pa ang manghingi nung pabalik.  So hemingweys, since nasa mall na ako, naisipan ko na rin mamasyal.  Matagal ko na ngang hindi ginagawa ang mag-shopping mag-isa.  At kahapon, I really needed some good retail theraphy. (Chos!)

Lumalamig na, naka-sale na ang mga summer clothes, pumapasok na ang mga pang malamig na mga damit.  And guess what, uso na naman ang leggings and tights!  I know, I know -  love it or hate it itong attire na ito.  Ako, personally, tayf ko sya.  Kasi minsan kapag tamad-tamaran akong mag-jeans, mas feel ko ang leggings.  At kapag malamig na, nakakapagsuot pa rin ako ng mga dresseseses kapag may suot akong tights sa ilalim.  Kaya lang, masyadong panic-y magsuot nito.  Maraming do’s and don’t’s.  At aaminin ko, at one point en anader, naging biktima din ako ng mga “fashion faux pas” ng leggings at tights.  Kaya para hindi kayo (ay… “TAYO” pala) pagtawanan, eto ang mga pashion do’s en don’t’s ng pagsuot ng mga two-legged legs (hehehe) na ito.

Read the rest of this entry »

(Nakita 11173 beses ng 2414 bisitors)

PostHeaderIcon Pashon en Byuti Tifs

Eto walang halong chorva…

Background muna: ang lahat ng alam kong mga gimikan, pagkakaabalahan at kakikayan, sa mga kapatid ko nanggagaling lahat yun. Mereng spanning 2 continents en 3 kawntris na kami ngayon, madalas pa rin ang chika namin. Ang mga lukring ang nag-pasimuno sa buhay ko ng internet nung unang panahon pa, circa 1997 pa ata yun at dial-up pa ang buhay ng internet. Hanggang ngayon ganun pa rin – ang skinny jeans, ang glass slippers, ang mga borloloys sa katawan, ang divisoria shopping, ang scrapbooking, ang korean telenobela – lahat yan, kanila galing!

Ispiking of korean telenobelas, kung nakakapanood kayo ng mga ito nakikita nyo naman ang itsura ni Jeon Ji-hyun sa My Sassy Girl at il Mare: A Love Story, o si Shin Eun-kyung sa My Wife Is a Gangster, diba sobrang ganda ng fez nila? As in parang porselana? As in tinatanong nyo sa sarili nyo, “paano kaya magkakaganyan ang fez ko????”

Hayyyy naku, look no further! In the tradition op da syupatiders impluwensya sa buhay ko (ispesipikali, si Greta), alam ko na ang sikret. Nag-uusap kami ni Greta nung minsan sa internet at sabi nya, dalawa sila ni Patring (na nasa Canada naman) ang nagkakandalokang tumingin sa internet ng bagong kinalolokohan. BB Cream!

A BB Cream, aka Blemish Balm, ang pinaka-in na byuti fradak ngayon sa Eysha. Galing raw ito sa Germany at gamit ng mga pasyente na katatapos lamang ng laser skin surgery. Eh nadiskubre ng mga koreana. Ginamit na pang-muk-ap, pang-even out ng skintone, pang-tanggal ng mga eyebags, pang-alis ng acne at acne scars at pampa-glow ng fez. At ang verdict ng Greta – “I swear, ang haba ng buhok ko sa ganda ng skin ko!”

Eh di naloka na naman aketch! Eh kasi wit nilang binebenta sa Jameyrika ang fradak kaya kada-hanap ang lola nyo sa ebay at kung saan-saan pa. Kakaloka! Scared akong bumili sa Ebay at alam nyo naman dun, sumasalimpadpad ang mga dyapeyks. As in, wit sya sa mga muk-ap stores. Isnabin ang Sephora, wit sya nagpapa-keri dun! Mga dalawang linggo ata akong panay ang tanong sa mga korean stores hanggang may nagsabi sa akin na may isang store sa malapit sa H-mart ang nagbebenta ng mukap na korean. Kaya go-sago kami ni Bossing (sa pretense na gusto kong mamalengke) at nag-go sa masyundang muk-ap vendor at sure enough, meron sya! Akala ko makakamuring ako kasi nga fez to fez shopping, pero pareho lang ng presyo sa internet.


At taran!!! Sanghwang BB Cream! Mga isang linggo ko na syang gamit, at pramis! Talagang unti-unti nakikita ko na ngang gumaganda ang skin ko! As in wala na akong ibang suot na foundeyshen, concealer, fress fawder. BB Cream lang talaga. Konti lang ang nilalagay at buong araw, sobrang glowing ang fez ko. Naglalagay lang ako ng usual na moisturizer ko bago ang cream, pero yun lang… wala nang iba. Lagay lang ako ng eyebrow, eye-liner – wit pa ngang eye shadow, konting blushon, at lipistik… hayyyyyy… ang haba-haba ng heyr ng lola nyo! Kamukha ko na si Eugene Kim. (Leche, walang basagan ng triff!)

Sabi ni Greta, i-try ko raw yung BRTC na brand kasi nga maganda rin daw yun. So kapag naubos na ang Sanghwang ko, yun na ang oorderin ko – sa internet na.

Kaya ang mga sisterettes na nag-tatanong kung ano ang secret ng maganda kung kutis ngayon… isa lang ang sasabihin ko, “I wear BB Cream… and nothing else”.

At as usual, ito ang inyong Ate Sienna na nagsasabing, “Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.”

Babush, prenships!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 4033 beses ng 869 bisitors)

Archives