515 Facebook Friends is Too Much!

3/365 days of blogging.

Ok, nagbawas ako ng mga facebook “friends”.

Piano naman kasi, nagulat ako na umabot na ng 515 ang mga “kaibigan” ko na inisip ko, teka muna.. eh ilan lang naman sa kanila ang talagang pinupuntahan ko. Yung iba sa kanila, walang profile picture, at parang 10,000 years nang hindi nabibisita ang facebook account nila. Ang iba, naisip ko, eh hindi ko naman sila naging friends nung magkasama kami sa isang eskwelahan o isang subdivision o isang kumpanya o isang bansa. Ang iba naman na links ko, mga fan pages lang naman na, sa tutuo lang, hindi ko na kebs ngayon.

So ang tanong, eh bakit kailangang patagalin pa sa facebook ko? Naisip ko, kung hindi ko sya nakakausap sa online, sa telepono, o harap-harapan at I’m sure wa naman sya kebs sa akin, vhaket fa, davah? Eh kaya ka nga nag-facebook eh para makapag-balitaan kayong magkaibigan/magkamag-anak/magkaklase.

At ang isa pang hindi ko na gagawin, yung mag-accept ng mga facebook requests sa mga utaw na wit akong ka-konek-konek. Ni online friends na konek, wala. Isip ko kasi, hindi kita kilala, hindi mo ako kilala, bakit gusto mong ilagay ako sa facebook mo? Kung nagbabasa ka ng blog ko, mag-message ka man lang sa akin na reader ka ng blog ko para ma-tanggap kita.

Hindi naman ako suplada, hindi rin ako choosy. Basta chikahin nyo lang ako na reader ko kayo, ok naman sa akin yun. Facebook-friends tayo… for sure, pramis.

Kaya kagabi, habang nanunuod ng marathon ng Simpson at Family Guy, nagdelete ako ng ibang links ko sa Facebook. Ngayon, 490 na lang ang friends/relatives/online connections ko.

490… Konti na lang sila.

(Nakita 18475 beses ng 3758 bisitors)

Blogkadahan Is Back!

2/365 days of blogging.

blogkadahan_screenMatagal na naming hawak ang domain ng blogkadahan.com.  “Namin”, meaning isang grupo ng mga pinoy bloggers from around the world na naging magbabakarda na for about  5 years.  Hindi pa kami nagkikita ng lahat-lahat.  May mga bloggers kaming hindi ko pa nakikita magmula nung magkakasama kami.  Mga nakakausap ko lang sila sa email pero alam nyo yung feeling na kumportable ka na from the get-go.

Marami na rin ang umalis, marami na rin ang nangyari sa loob ng email group namin.  Unfortunately, hindi lahat maganda, pero mas lamang pa rin ang good vibes kesa sa bad ones.

Siempre kung may grupo ka ng bloggers, hindi na malayong magkaroon kayo ng group blog.  So pinanganak ang blogkadahan.com.   Marami-rami na rin kaming napag-usapan sa blog namin.  Kaya lang, nahirapan kaming mag-maintain ng regular scheduling ng paglabas ng mga entries, at dahil na rin siguro sa dami ng mga nangyayari sa kanya-kanya naming mga buhay, medyo nalagay sa isang tabi ang blog namin.

HeartOfMine1_600-300x300Nadiskubre namin recently, ang dami na ring gumaya sa blog namin, pati na ang pangalan.  Medyo nakaka-im, pero marerealize mo rin, hindi naman namin binili ang pangalan at being copied is still the best form of flattery.  Kaya ok na rin.  Sige na, gayahin nyo na… ikanga ni Ate Luds, “the original is still the best”.

At nung malaman namin na kailangan nang i-renew ang domain, napag-desisyunan na hindi namin pwedeng i-let go na lang basta-basta ang domain namin.  At kung hindi namin sya bibitiwan, hindi rin naman pwedeng hindi namin gamitin na ulit.  Kaya ayun, nagbago ng format, nag-iba ng template at mas niluwagan ang pag-blog.  Ngayon, may mga categories na kami na kahit na kelan, kahit na anong subject, pwede na naming i-blog.  Wala nang hintayan, hindi na kailangan i-moderate.

Sana dalawin nyo kami.  Marami pa akong kailangang i-dagdag sa bagong blog pero eto na sya.  Eto na ang bagong Blogkadahan.

(Nakita 16506 beses ng 3399 bisitors)

Nuffnang Blog Awards

Once again, the Pinoys are doing really outstanding in the field of blogging. Vote nyo naman, (every 2 hours, kung pwede lang naman, :) ang sariling atin sa Nuffnang Regional Blog Awards. You would have to vote for a nominee for each category for your vote to count. Pero don’t forget the following pinoys:

1. Octwelve (Best Original Blog Design)
2. Kitchen Cow (Best Food Blog)
3. En Route (Best Travel Blog)
4. Bryan Boy (Best Fashion Blog)
5. Jehzlau Concepts (Best influential blog).

And of course, my blogkada…
Wifely Steps (Best Parenting Blog)

And Pansitan.net’s one and only…
Jim Paredes of Haring Liwanag for Best Celebrity Blog

Good luck to everyone!! O vote na kayo ha…

(Nakita 45803 beses ng 7463 bisitors)

HDR Testing


HDR Test 1
Eto kasing si Jun L. nakakainggit ang mga pictures.

Sa true, maganda mag-compose ng feekshur yang internet prenship ko na yun – may drama, may istorya.  Yun ang isa sa mga unang dahilan kung bakit balik ako ng balik sa blog nya.  (Bukod pa sa gusto ko ang mga entries nya.  Bukod pa nga sa pareho ata kami ng tabas kasi ng dila, mwehehehehe.)   Matagal nang misteryo sa akin na hindi lang composition nya ang magaling, kundi yung buong effect ng feekshur mismo.  Dumating na nga yung point na nayayamot na ako sa galing nya na tinitingnan ko pa lang ang mga litrato nya, mura na ako ng mura (Tang-inis talaga itong si Jun… bakit ang galing nya??? Leche!!!!”).  Joke yun, pero may tabas ng true, mwahahahaha.
Continue reading HDR Testing

(Nakita 31107 beses ng 5795 bisitors)

Google Woes

San Ka Pa?
San Ka Pa?
Ok… medyo yamot ako sa mga bagay-bagay sa Google.com ngayon.

Nung minsan, pinadalhan ako ng Google ng email:

“Direst Ate Sienna,

How is you? I hope yur ok. As a matter op pak, we are writing to you this email becoz your websayt, pansitan.net, is cloaking some spams. Not the de-lata but some kinda hackers put the text about the Viagra en the Tarmadol en da Cialis en da Online Pussy. So because we don’t want those in the google search, we are suspending your site. Not tagal naman, only 30 days. If you clean up, you tell us and we will do our best to put you back. But you wait, we have so many labadas to do.

Lab en kisses,
Google”

Paano nangyari yun? Eto, warning na rin sa inyo, mga syupatiders sa pananampalataya. Kung kayo po ay may WordPress at type ninyong mag-install ng mga bagong templates sa website nyo, medyo ispat-ispatan nyo lang muna ung mga files nyo sa header at footer. At kung may mga encrypted chorvala ditech na hindi nyo maintindihan (sipatin ang header at footer kung is there is a “eval(base_64)” chuvanetch), malamang sa malasado, hindi nyo dapat ilagay sa site nyo. Pramis. Maniwala kayo.

Dun nagsimula ang problema.

Balik sa kwento.

So ako naman, nataranta… naglinis ng mga files SA LAHAT ng subdomains. Sinilip ang lahat ng mga files ng mga boarders at tinanggal ang mga medyo kabading akong may problema. Humingi ng ako ng tawad sa Google at nagmakaawa na ibalik kami. Pero malas, ganun pa rin – tinanggal kami sa listahan nila. Kaya ngayon kanda-intay ako ng 30 days at baka naman ibalik na kami pagkatapos. Mistula kaming grounded ngayon.

At habang naghihintay, naglilinis pa rin ako. Naghahanap pa rin ng mga malisyus na mga buset na mga files. (Maglilinis tuloy ako ng mga patay na na subdomains. Wala lang… naisipan ko na lang, it’s about time.) Pati sa hosting ko, nagpapatulong na ako. Baka may alam silang hindi ko alam.

Hakshuly, tiningnan ko ang Yahoo search engine kung apektado ba sila ng nangyari sa amin sa Google. Shet, andun pa rin kami. Tumataginting na amin ang #1 slot kapag tinayp mo ang “Pansitan”. Kami rin ang #1 sa Lycos, Altavista.com, Alexa.com, Live.com, Dogpile.com. So leche, why-liwayway ba akong natataranta?!?!?!?!

Dapat nga bang katakutan ang Google? Eh weno naman kung wit ka sa listahan nila? May mawawala ba? Mala-Dyos ba sila na kapag nawala ka sa listahan nila eh naglaho ka na sa balat ng internet??? Diyos ba sila na lahat ng bagay pwede na nilang malaman?? Na mistulang si Taning, kailangan ng super skills para malansi mo sila. Tsk… kahit saan nandun na sila. Saan ka pa, Lukresia?

Da thing is, nakasanayan na talaga ang Google. Gusto mong malaman kung paano gumawa ng bomba gamit ang sanitary napkin, o gusto mong magluto ng Bicol Express na hindi maanghang, i-google mo. Gusto mong malaman kung paano pagagalingin yang buni mo sa leeg o yang cancer mo sa utak, i-google mo. Gusto mong malaman kung paano pupunta ng Paris galing ng Noo Yok ng hindi sasakay ng eroplano – i-google mo! Lahat yan, nasa Google!

Kaya nga nagkaroon pa ng panahon na sinasabi ko, kung wala ka sa Google, you don’t exist. Pero dati yun – nung hindi pa nagaala-Diyos ang Google.

I heb to admits, malaking tulong talaga ang mga lolo mo sa googles sa pansitan.net. Marami silang pinapasok sa aming mga parukyano. I heb to admits also, bababa ang traffic namin dahil nga kebs kami sa kanila ngayon.

Pero may magagawa ba ako? I-stress ko ba ang sarili ko? Hindi na lang. Iintayin ko na lang na maisipan nilang mababait pala kaming tao at ibalik nila ang grasya nila sa amin. Thirty days of darkness lang naman daw. Harinawang tumupad sa pramis. Pero kung hindi, wit akong magagawa… I em not da God!

At naisip ko, kung visitor ka naming madalas, medyo alam mo na kung paano ka makakarating sa site namin o di kaya eh nasa bookmarks nyo naman kami. At kung hindi mo kami matandaan, medyo tyagaan mo lang ang paghahanap at andyan pa rin kami – sa mga website ng mga kaibigan. Pasensya na po, talaga lang pong nagkadelubyo ng konti. At kung medyo windang pa rin kayo, hanapin nyo na lang muna po kami sa Yahoo, Altavista, Lycos at kung anik-anik pang search engine. Hindi kayo uuwing luhaan…

Maraming salamat sa lahat ng panahon na pagtangkilik nyo sa lahat ng mga boarders ng pansitan. Paki-kalat nyo na lang po na medyo nasibak lang kami sandali, pero buhay na buhay naman po kami.

Sya… dyan muna kayo. Mag-aayos lang ako ng mga google ads ng mga websites ko. Iiwanan ko na lang po kayo ulit ng word of wisdom:

Nothing in this world is perfect except the word “change”.

(he, he, he)

(Nakita 32901 beses ng 7480 bisitors)

Have a Lovely Day

Powtah… tawang-tawa ako dito! At inulit-ulit ko pa. At tawang-tawa pa rin ako.

Salamat sa iyo, fafa, pinaligaya mo ako. hehehehehehe

Para sa iyo ito, Itang, dahil birthday mo kahapon. I love you very much and I hope you had a lovely day. Patingnan mo ang foot mo, hokey? :) (Ise-send ko na yung Amazon.com gift certificate mo, hehehehehe.)

(Nakita 11963 beses ng 2808 bisitors)

Four The Record

ayan… na-tag ng anak-anakan kong Bastardo kaya may-i-sagot akesh. Baka i-disown ang ina, eh. hehehehehe

FOUR JOBS I HAVE HAD
1. Research Assistant
2. Programmer/Analyst
3. Messenger
4. Tutor

FOUR MOVIES I HAVE WATCHED OVER AND OVER
1. LION KING!!!!
2. Harry Potter series
3. A Few Good Men
4. Finding Nemo

FOUR PLACES I HAVE LIVED:
1. Espiritu St. Singalong
2. Brookside Hills, Cainta
3. Lantana and Boston Sts., Cubao
4. Calgary, Canada

FOUR TV SHOWS I LIKE TO WATCH:
1. South Park
2. Simpsons
3. Family Guy
4. Maging Sino Ka Man (love your own)

FOUR PLACES I HAVE BEEN ON VACATION:
1. Boracay
2. British Columbia, Canada
3. San Francisco, California
4. Romblon

FOUR OF MY FAVORITE FOODS:
1. Dark chocolates
2. Ube at Leche Flan
3. Lechon Kawali
4. Alimango, Alimasag, Talangka

FOUR PLACES I WOULD RATHER BE RIGHT NOW:
1. Home with Bossing
2. Manila
3. Boracay
4. Paris

FOUR PEOPLE WHO WILL ANSWER THIS MEME
1. melai of manilenya.com
2. fionixe of fionixe.juansolutions.net
3. kathycot of buhaymisisnikathy.blogspot.com
4. greta of gretch.pansitan.net

Ayan… das it… this weekend, picture-show-off ulit… :)

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 14792 beses ng 3303 bisitors)