Doll Coordinate Recipe

67/365 days of blogging.

Doll Coordinate Recipe 9

HUWAT?!?!?!?!?!  May mga bagong Doll Coordinate Recipe mooks (Oo, “Mooks”  as in Magazine-Books.  shalla, diba???)  na hindi ko alam???!!!  Ano ba naman yan???!!!!

(Grabe, nakaka-hingal yang sentence na yan, puro exclamation points at question marks na marami.  Ang OA ko talaga!) 

Eh kasi naman, na-excite ako talaga mas lalo na nung makita ko yung mga damit na nasa loob ng magazine.  Kakaloka! Hindi na naman ako mapapakali sa mga ito hangga’t hindi ko sila napapasakamay. (MWahahahaa!!!  Para kontrabida lang naman ang dating nung “napapasakamay”)

Eh ang nakakaloka pa sa lahat, ang mahal kaya nilang tinitinda itong mga ito.  Presyo ng libro kasama ang shipping, aabot ng almost $50 isa.  Anuba! Mas mahal pa sa sampung kilong karne sa Costco ang presyo na makakapag-pakain na ng isang batalyong homeless.  (Exags, alam ko.  Pero still you get the picture…) 

Doll Coordinate Recipe 10

Ito namang kasing mga hapon na ito, kumbakit sinasamantala ang pagiging lukaret ng mga babaeng kana na nagluluka-lukahan sa mga mooks na ito.  Pati tuloy ako nadadamay eh Pinay naman ako.   Nakakatawa pa kasi wala kang mabilhan dito sa US.  Kahit yung mga manyika wala.  As in talagang pinapaikot nila ang pwet ng mga lukreshiang mga kana.   

Samantalang mga $18 lang naman ang mga ito kapag kinonvert mo yung Y1500.  Diba, harang masyado.  Kaya kahit na gusto ko silang bilhin ng sabay-sabay, hindi pwede kasi sobrang mahal.   (Not unless… magpabili kaya ako sa pinsan kong nasa Japan? O kay Mama Sachiko??  Hmm… may sense.)

Nasubukan ko na kasi itong mga mooks na ito.  Talagang ang mga patterns nila lapat na lapat sa mga blythes ko.  Hindi katulad nung mga una kong binibili na mga patterns ni Skipper (yung kapatid ni Barbie) na sobrang laki at kahit na kay Barbie mo isukat, malaki pa rin at wala sa proportions.   Ang weird talaga nun…

Doll Coordinate Recipe 11

Itong mga ito, swak na swak ang sukat.  Dinala ko pa nga sa Pinas yung dalawa kong DCR (1 and 8)  at pinakita ko sa lola ko kasi nga mananahi ang lola ko at nagpatulong akong intindihin yung mga patterns.  Japanese kasi ang sulat sa mook kaya iintindihin mo na lang talaga yung pattern at yung mga pictures.  Eh sanay ang lola ko sa ganun kaya ang dami nyang naturo sa akin. 

Ayan, parang gusto ko na tuloy gumawa talaga ng mga damit ulet ng manika ko.  Actually nagmumuni-muni na nga ako ulet kung ano pa ang dapat kong gawin sa kanila eh.  May mga dapat akong irepair sa kanila plus kailangan na nila ulet ng bagong spa treatment – shampoo, make-up, eyelash implants.  The works.  Kaya siguro next week, pwede na ako ulet.  

Tumitingin na nga ako ng isang katawan para dun sa isa kong blythe na lelembot-lembot ang katawan. Naghahanap ako ng tutorial kung paano aayusin yung T-bar ng mata nung isa na nasobrahan ko ng kaskas kaya sumobrang liit kaya naman ang mata nya mistulang tumitirik na parang si Exorist.  At kailangang lagyan ko sila ulet ng mga pilik-mata.  Naubos kasi nung pinack ko sila pauwi dito galing Pinas.

In other words, they badly need a treatment!  Kaya next week, busy na ako ulet.  Mananahi na ako, mangungulot, magme-make-up at magmemekaniko.  Maloloka na naman sa akin si Bossing kasi ilalabas ko na naman ang mga blythes kong kinatatakutan nya!
Mwahahahaha!!!! 

(Nakita 70231 beses ng 11979 bisitors)

Blythe Sewing Time!

45/365 days of blogging.

Ilang beses ko nang inulit-ulit na buntung-hininga tuwing makikita ko ang mga dollies ko na hindi ko na sila nalalaro.  In fact, hindi ko pa naaayos ulit ang mga damit nila, ang mga tela, ang mga sapatos at ang mata ni Matet na hindi kumukurap!  Walang ka-time-time ang ate nyo at sobrang hectic ng schedule.  Pero nung isang araw, hindi ko na matiis – the whole weekend, nagkataon na walang pupuntahan, pagkatapos mag-linis ng bahay, nilabas ko ang makina ko at inayos ko lahat ng mga tela ko.  Kailangan kasi maayos ko muna ang mga paraphernalia bago ko atakihin itong addiction na ito. Hehehehe

Ang Sewing Machine Kong Di Ko Pa Napicture-an Para Kay Mudra
Ang Sewing Machine Kong Di Ko Pa Napicture-an Para Kay Mudra

So pagkatapos nun, namili na ako ng pattern na gagawin.  May mga Simplicity Patterns ako na 19-kopong-kopong pa na pang Skipper Doll.  Nabili ko ang mga ito sa Ebay.  Kung nag-ba-blythe kayo, alam nyo na isa ang mga damit ni Skipper na kasya kay Blythe.

Pattern Instructions
Pattern Instructions

Ayan ang instructions nung damit at feel ko kasing gawan ng gown ang triplets ko,  minus the strap.  Madali lang naman, diba???

Continue reading Blythe Sewing Time!

(Nakita 23334 beses ng 5207 bisitors)

Welcome, Miss Iggy Badjee!

6/365 days of blogging.

The Travelling Igorota
The Travelling Igorota
Hekshuli, matagal nang dumating si Iggy Badjee, ang travelling Igorota ko na pinadala sa akin ni prenship GingNaMaganda. Unfortuneytli, dahil sa weather at kung anik-anik na mga aktibidades na umikot sa mundo ko recently, hindi ko sya naaasikaso. Andun sya, nakatayo kasama ng aking tatlong bebis na hindi ko na rin napag-tutuunan ng kebers. Kaya ayun, ilang buwan nila akong tinititigan at parang binubulungan ako ng, “Mamu, paano naman ang mga bagets metch???? Luz Valdez na kami ditech!”

So kanina, binihisan ko si Minicake at sinabi kong bitbitin nya ang kanyang bagong cousin na si Miss Iggy Badjee at magpi-picture taking kami sa labas. Ta-daaaaaa!!!! Mga 10 minutes pa lang ata, enter na ulit kami sa housing project. Hindi ko kinayang naka-ballet shoes lang akong lumabas ng bahay at magpunta sa driveway. Hak-hak-hak! (Kasi naman, feelingerang hindi ma-aapektuhan ng lamig. Yun pala, bibigay din! Kaloka!) Hayaan nyo, kapag gumanda-ganda na ang weyder-weyder sa labas, picture taking galore na kami ulit ng mga dyulaga ko. Naghahanap na nga ako ng magandang paglalagyan sa kanila while travelling in style. Baka makakuha ako ng pattern sa internet at pwedeng gawan ko sila ng carry-on. Kasama na ang change of wardrobe, change of shoes, suklay, pabango, salamin, rollers, camera at baon na tsitsirya at sago.

Keri, davah? O sya… hanggang sa muli!

Miss Iggy and Minicake
Miss Iggy and Minicake

(Nakita 17019 beses ng 3474 bisitors)

I Miss My Dollies

Miss ko na ang mga dollies ko.  Ilang linggo ko na rin silang hindi nahahawakan at napaglalaruan.  Ilang linggo ko na silang hindi nagagawan ng damit.  Dumating na nga si Lovely, hindi ko pa siya naaayos.  Hindi pa ako naka-order ng bagong mata, hindi pa ako nakabili ng bagong eyelashes at hindi ko pa naaalis ang oiliness ng fez.  Kakaawa naman…

Matagal na nga akong hindi nakakakuha ng mga bagong pictures nila.  Busi-busihan kasi aketch.  Gumawa ng kurtina (karir yun, ha!).  Gumagawa ng throw pillow.  Nag-reresearch ng kung ano ang gagawin ko sa kauna-unahan naming Christmas tree ni Bossing.  (Jewel-toned ba?  Fairies ba?  Angels ba?  O maski-paps na lang kasi dukha lang ako at hindi ko maafford ang mga kemamahal na mga ornaments na type ko?)

Continue reading I Miss My Dollies

(Nakita 22978 beses ng 4770 bisitors)

Ang Mga Mata… Ni Angelita

eyes1So dumating na nung lunes ang mga eye chips ng mga manyika ko.  Bago pa man din dumating ang mga mata ni angelita, talagang mega-aral na ako kung paano ko sya ilalagay kay Matet at Minicake.  Ten kasi ako na baka kailangan ko syang buksan eh feeling ko, “I’m not ready”.  Mabuti na lang, salamat sa YouTube, nakakita ako ng pag-gawa sa kanya na glue-stick lang ang gagamitin. Bumili din ako ng pilik-mata para palitan yung stock nila na manyikang-manyika ang dating na pilik-mata.  May libre pa akong isang pares pa ng eye chips.
Continue reading Ang Mga Mata… Ni Angelita

(Nakita 28967 beses ng 5456 bisitors)

Blythie-Blythe-Blythe!

SI MinicakeSo nung nakaraang linggo, dumating na ang mga order kong Blythe galing ng Japan.  Sa tutuo lang, naloka ako ng husto kakahanap ng maganda pero muring na manyika.  Mabuti na lang katulong ko si Mama Sachiko, ang aking butihing kaibigan-ka-blog-ka-berk na nakatira sa japan at marunong mag-nihongo.  Sya ang kumausap sa mga japok para mabili ko ang manyika sa isang store dun.

Una kong nakita itong mga manyikang ito kay Ging Maganda.  Naloka ako bigla kasi ang dami palang pwedeng gawin sa mga Blythe na ito.  Bukod sa nabibihisan mo, napapalitan mo sya ng kulay ng mata, nalalagyan mo sya ng ibang buhok, napapalitan mo ang katawan, name-make-up-an mo.  Marami.  Ang dami pang websites na tungkol sa kanila.  Sa Y ouTube, ang daming mga how-to videos kung paano mo siya i-mo-mode.  Sa Flickr ang daming accounts na puro blythe lang talaga ang pinapakita nila. Nakaka-engganyo talaga na nakakatuwa syang bihisan atsaka landiin.  Eh hindi sya katulad ng Barbie kasi nga ang laki ng ulo kumpara sa katawan, ang laki ng mata, ang laki ng nuo. (Hello, Christina Ricci, istatue??) Love it or hate it.
Continue reading Blythie-Blythe-Blythe!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 40691 beses ng 7384 bisitors)