Flashback Friday

43/365 days of blogging.

Ang Isa sa Pinaka-kilalang Pose Ni Shaun Cassidy

Ok.  Flashback Friday ulet tayo!  Grabe, naka-isang linggo na magmula ng unang episode ng FF?  Ang bilis talaga ng panahon.  Baka mamaya, pag-gising ko, sitenta anyos na pala ako.  Kakaloka!

Hokey, dahil napaguusapan natin ang edad, eh magreminisce tayo nung kabataan natin (aruuuuuuuuuu!!!).

Eh di siempre, mga last punggol ng dekada sitenta, mga dose-trese na ako nun.  Uso na sa amin nun ang mga “crushes”.  Pero ang matindi sa amin nun, yung naloloka sa mga teen idols na jameyrikan.

Sus, kilalang-kilala namin nun ang Teen Beat, Tiger Beat, 16 pati na ang TV Times.  Yun ang mga bibliya namin nun kasi nga dun kami nakakakuha ng balita tungkol sa mga idol namin.  At ang mga mainit na mga boylets nun sa amin?  Si Shaun Cassidy, Leif Garrett, Scott Baio, Andy Gibbs, etc.

Kaya 2nd year high school ako nun, ang labs na labs ko si Shaun Cassidy. As in lokang-loka ako dun.  Lahat ng pwede kong bilhin sa naipon kong baun ko na mga magazine na local na andun sya buysung ko. Mereng maubos ang baon.  And take note, wala akong masyadong baon nun.  Pati mga 33 rpm na LPs (as in plakang long-playing album), meron ako nun.  Hindi ko nga maalala paano ako nagkakaroon nun, eh kung mga apat na album nya, meron ako.  Eh mahal din ang album nun ha.  Hindi ko alam kung niregalo ba sa akin ng mga magulang ko at mga tyuhin at tyahin ko, pero meron ako nun.

At siempre pa, dahil fan ako ni Shaun Cassidy, suki ako ng “The Hardy Boys” nila si Parker Stevenson.   Kapag ipapalabas na yun sa TV, nakatutok na ako.  At selosa ako nun, ha.  Ayokong may mga kapartner syang babae.  Di ko feel.  Parang kinakaliwa ako nun. Hehehe

Leif Garrett

Basta alam ko nun, halos lahat ng kanta nya, alam ko.  Memorize ko yun.  Mereng, masira na ang mga plaka ko, paulit-ulit ako nun na tinutugtog sila.  At dahil may mga magazine akong napapadala ng tyahin ko nun, nakikipag-swap pa ako ng mga posters ng ibang artista nun kapag may tine-trade silang mga litrato din ni Shaun.   Uso sa amin yun.

Kung tutuusin, siguro si Shaun ang puppy love ko nun.  At sobrang puppy love yun.  Makikpag-away ako sa mga fans ni Leif Garrett.  Kasi nga pinagpipilitan nilang mas gwapo si Leif kay Shaun.  Eh hellers, nung mga panahon na yun, mga mga kuha syang mukha syang masyoho.  At ang balita pa nga, nung bumisita dito si Leif at nag-guest sa Student Canteen nun, may putok raw.  At yun ang lagi kong pinang-aasar sa mga fans nya nun.  Eh siempre, si Shaun, mabango. (Kahit walang makapag-patunay na mabango sya).  Like that talaga.

At ano ang gustong-gusto ko kay Shaun?  Ang buhok!

Eto na lang tingnan nyo.  Hindi ba naman kayo maloka sa lalakeng ito??? Eh kaya nga heartthrob ang tawag sa kanya, diba?



(Nakita 17601 beses ng 3714 bisitors)

Flashback Friday

36/365 days of blogging.

Ang sarap talaga ng Byernes!!!  Kasi weekend na, walang josok ng dalawang araw at time para mag-unwind.  At mag-rewind.  Kaya twing Byernes, magfa-flashback tayo.  Kasi nga 30 years na pala kami ni bossing na graduate ng high school!!  Kaya ang Flashback Fridays ay dedicated ko sa aking mga ka-batchmates sa CCS circa 1981.  Basta flashback ng era namin, pag-uusapan natin twing Byernes.  Para maiba rin naman ang 365 days of blogging project ko.

So kahit na ano – laruan, fashion, TV, artista, commercial, music, lumang pictures  – kung anik-anik lang nung mga panahon ng dekada 70, 80 at 90, yun ang ilalagay natin dito.  Wala lang.  Minsan kasi ang sarap mag-rewind ng panahon.  Nung medyo simple pa ang buhay…

At para sa unang FF entry, pag-usapan natin ang mga commercials.  Pinaka-mabilis na tumatak sa isip ng tao ang isang brand kung maganda ang ad sa TV at may slogan na talagang hindi mo kakalimutan.  Tulad na lang ng pag sinabi mong:

“… isang platitong mani”  – San Miguel Beer Commercial

“…das a lat op nonsens!”  – commercial ni Pugo sa white westinghouse

“… may underarm odor si Fe!” – Veto

“I can feel it!”  – Alice Dixon sa Palmolive

“You’ll like it very mucho!”  – Fress Gusto ni Gary V.

At maraming-marami pa.

Ang isang di ko makakalimutan, yung slogan na “Order Ni Misis”.  Baguio Oil Commercial.  Kasi kahit na si Ringo na ilang taon lang nun, kinakanta yun, paulit-ulit.  Wala lang.  Parang last-song-syndrome.  Parang parrot lang.

“Order ni Misis, Baguio Oil.  Order ni Misis, Baguio Oil!”

Habang naglalaro ng mga “patung-patung” nya (mga building blocks nya yun) o anything na ginagawa nya na pwede syang kumanta, parang mangkukulam lang na panay ang bulong ng “order ni Mrs”.  Natatawa na lang ako kasi Baguio Oil ang kinakanta nya.   Naalala ko tuloy na ang Baguio Oil nun, hindi naka-sachet o naka-plastic na bote – nakalata!

Yun ang magaling na commercial – yung kahit batang maliit kayang sabihin at tandaan ang jingle o slogan ng produkto.  Pero iba ang commercial nun, parang mas simple lang ang production, hindi kumplikado ang mga dialogue.  Sabagay, marami pa ring magagandang mga commercials ngayon.  Pero iba ang appeal ng mga commercials na kinalakihan ko.  Kasi nga maraming memories na kasama.   At may halong nostalgia.

Nahagilap ko itong commercial ng Baquio Oil sa youtube.  Maraming salamat sa mga taong nag-tya-tyagang mag-upload ng mga ganitong videos.  Thanks for the memories…

At take note, yung asawang lalaki sa commercial ay ang nasirang Jerry Pons. (Natatandaan nyo pa ba sya??)


Related Posts with Thumbnails

(Nakita 14798 beses ng 3903 bisitors)