Digi-Scrapping And More

Rovil Tupas-Villas

Isang buwan na akong nakakabalik galing Canada.  Tatlong linggo na rin akong naghahanap ng trabaho – minimum requirement: maximum distance – within the 15-mile radius around the White Marsh area. Ayoko na ng malayo kasi parang gusto kong may magawa pa pag-uwi ko galing trabaho.  Kapag malayo ang trabaho mo parang dun na lang nauubos ang oras mo.

Ay, meron pala.  I’ve returned to digi-scrapping.  And I’ve discovered, ang mga freebie kits ngayon, ang gaganda na.  Kaya di na ako bibili ng scrap kits (as much as I can help it).  Kumbakit naman kasi naiwan-iwan ko ang external hard drive ko sa Calgary eh nandun ang mga kits ng She’s Full of Scrap ni Greta at Patring.  But I’ve done so many na hindi

My Lola

mo aakalain puro freebies lang sila.  I’ve been scrapping about my friend’s daughter, Rovil (who passed away recently because of leukemia) and my lola (who also passed away a few months ago because of old age – 97 na sya nung mag-goodbye sa amin).  Pero magdidigi-scrap din ako ng ibang tao sa mga susunod na araw.

There’s something very therapeutic about scrapping.  Mas lalo na kung in the zone ka, parang wala kang worries in the world kasi ang iniisip mo lang, paano mo pagagandahin yung page.  Plano ko na rin baguhin yung childhood albums ko.  At ibang karir yun kasi physical scrapbooks na yun.  Pero who knows… (Good luck, Matet!)

Rovil at Two Years Old

Pero I have to do some more things aside from digiscrapping.  Yung mga bagay na di ko magawa dati kasi nga wala akong time.  At ngayon na may time na ako, dapat isip-isipin ko na kung ano-ano yung mga yun na gusto kong gawin.  Ang problema, di ko maisip kung ano-ano sila.  Kakaloka, diba?  Teka… alam ko na, mag-attempt ulet gumawa ng macarons, umpisahan na ang business plan para sa gusto kong business at umpisahan na ang layout planning at costing para sa kitchen renovation.

Lolang Maganda

So I guess, I have to start on those now.  Gusto ko nang magtayo ng sarili kong party supplies business, gusto ko nang makagawa ng perfect macarons para sa desert tables na business at kailangan ko ng bagong kusina para mas masarap ang baking ko.  Kaya I leave you with all these other LOs.  Marami pang magiging pinsan yang mga yan in the days to come.

Hasta la vista, masahista!

My Sister-Friend Cristy
Mercy, Rovil's Mom
Julia, Rovil's Sister
Saskia, Rovil's Cousin and Cristy's Daughter

(Nakita 110423 beses ng 21099 bisitors)

Artes Huwebes – Christmas Cards

42/365 days of blogging.

Ang mga Krissmass Kards 2010

Artes Huwebes na naman! Kaya para sa Huwebes na ito, papakita ko lang yung nagawa ko na (so far) na mga Christmas Cards for this year.  Thank y ou, Lord, at hindi drowing na naman itong year na ito.

Actually matagal ko nang gustong gumawa ng personal Christmas cards. Hindi lang ako nagkakaroon talaga ng enough time to do it (ergo, laging drawing). By the time na oks na oks na ako, ngork… tapos na ang Pasko. Wala nang kwenta. Alangan naman kasing magpadala pa ako ng pamasko na card kung Valentaym’s day na ang pinaguusapan, davah?? Panyet. Mistula na akong retarded nun.

Kaya dish-yir, wala pang Thanksgiving, nagsimula na akong gumawa.  Medyo harang pa nga sa Michael’s at Joann’s nuong una kasi mga pang-Thanksgiving pa ang mga scrap materials nila.  Wala masyadong pamasko.  Mabuti na lang, marami talaga akong gamit ng scrapbooking kaya may nagawa pa rin ako.  (Kaya nyong i-spell ang “hoarding”?) Nung pumasok na ang Disyembre, ayun, nakabili pa ako ng konti pang pwede kong magamit.  Hay naku, nakakaloka talagang magpunta ng arts store.  Kasi mapapabili ka ng kung anik-anik.  Eh hellers, kamustahin nga ang mga gamit ko, davah?? Lahat na lang (halos) meron ako.  Kung hindi lang ako natatakot sa banta ng Bossing ko na ipadadala nya lahat sa Goodwill at mahihirap ang mga gamit ko, sobrang dami na siguro ng mga ito ngayon.  Pero hellers, tama na!! kapag naubos ko na lahat tsaka na talaga ulet.

Ang Isa Pang Set

Pero nung nagplano ako kung ano ang gagawin kong card, ang isang dapat isipin, kailangan, wala masyadong arte ang gagawin otherwise, carreer na gumawa ng 50 cards at baka next year ka na matapos.  Eto nga lang na 15 pa lang ang nagagawa ko, feeling ko gusto ko nang kumanta ng “Malayo Pa Ang Umaga”.  Kakaloka.  Ang dami pala ng 25!   At para hindi ako mabaliw, iba-ibang papel ang gamit ko.  Iba-iba din ang mga lagay ng stickers at mga ribbons.  Para lang hindi ako mabagot kasi pakiramdam ko, iba-iba ang ginagawa ko.  OO, may pagka-ADHD ata ako, maiksi ang attention span ko pagdating sa ganito.  Kailangan laging may variety.

Anek-anek na materyales-fuertes ang gamit ko? Eh di siempre, andyan ang papel (cardstocks, pang card na 5X7, ang envelopes).  Ready-made na ang pinaka-base na card at ang envelopes.  Hellers, ikarir ba ang gumawa ng card pa at envelopes?? Saka na kapag meron na ako nito.

Merry Christmas!

Ang mga foam stickers na binili ko ng muring sa Michael’s ang isa sa pinakagood idea.  Kasi una, mura sila, pangalawa, ang dami nila (bang for the buck talaga), at pangatlo, nagbibigay sya ng dimension (oo, parang dos por dos lang)  sa card mo.  Kasi nga hindi sya flat na tulad ng papel.

Ang mga stamp pads ko na mga 2 taon ko na ring iniipon (na nabibili ko ng mura sa mga sales at auctions).  Mga embossing ink pad, iba’t-ibang kulay na embossing powder at ang aking embossing heat tool na ang laki na ng mga pakinabang sa akin.  May ginagamit din akong distressing ink na tinanong ko pa sa syupatiders ko kung paano gumamit kasi syunga-syunga ako dun.  Isama mo pa ang mga ribbons na nakakadagdag din sa dimensions ng card.

Kaya, ayan.  Tulad ng sabi ko, mga 15 pa siguro ang gagawin ko.  Gudlak sa akin.  Merry Christmas na lang talaga!

Kaya titigilan ko na ito at kailangang bumalik na ako sa pag-gawa ng cards.  Mistulang slave labor lang naman.  Walang break at hindi pa nagtatanghalian.

Ay, magtatrabaho muna pala ako.  I porjat may tutuong trabaho pala ako, hehehehe.

(Nakita 21764 beses ng 4289 bisitors)

Artes Huwebes

35/365 days of blogging.

Artsy Thursday!!!

Sa Tagalog, ARTES HUWEBES!!

Magmula ngayon, para lang hindi chaotic ang mga entries at tipong may sense of purpose (mwahahaha), maglalabas ako twing Thursday ng mga ginagawa kong mga pang-arte.  Este… ART pala.  So for the first day ng Artes Huwebes gumawa ako ng mga digiscrap ng mga kutinggots (mga anak ng mga mommy goats. hehehehe) .  As usual, ang mga digiscrap kits na ito ay makikita nyo sa tindahan namin – She’s Full of Scrap.  Kung type nyong mag-ganito at hindi nyo alam kung paano sisimulan, tanungin nyo lang ako – hahanapan ko kayo ng mga youtube videos na magtuturo sa inyo kung paano gumawa nito. Hehehehehe.

"My Boys" Digiscrap Kit
"My Little Princess" Digiscrap Kit

"Remembering Mariette" Digiscrap Kit
"Isn't It Romantic" Digiscrap Kit

(Nakita 13201 beses ng 3402 bisitors)

Kelan Kaya? (Malapit Na, Pramis!)

20/365 days of blogging.

Drawing Ko Yan!

Nung Christmas 2008, ang regalo sa akin ni Bossing ay isang Wacom Bamboo Tablet.  Pang-freehand drawing sya.  There was a time na nung aktibo pa ako sa pag-supporta sa mga shupatembangs sa aming digiscrap store, sinubukan ko ring mag-design.  Unfortunately, hindi ko masyadong nakarir ang intrigahan at iritabelles na mga mujer ng iba’t-ibang digiscrap store world kaya umexit muna aketch.  Pero twing makikita ko ang Bamboo Tablet ko, parang gustong-gusto ko na syang gamitin at paglaruan ulet.  Kaya lang, as usual, wala akong time.

Pero naisip ko, this time, may panahon na ako.  Gagamitin ko na sya ulet.  So sinubukan kong magpunta sa site ng Wacomm para i-link sa site ko.  Aba! Maraming bago!  Ang mga tablet, iba na ang itsu.  Pero ang maganda at exciting sa lahat, may mga mini-applications na sila na pwedeng pang-enhance ng iyong Wacomm table time – pang-drowing, laro, pang-modify ng mga photos, etc.  At dinownload ko sya! At gumana sya sa tablet ko!  Winnie Santos!!!!

Yun din kasi ang naging problema ko nung una kong ginagamit ang Wacom ko.  Parang hindi ko pa ma-coordinate ang mata ko sa kamay ko pagdating sa tablet ko.  Feeling ko, parang hindi tama ang calibration ng tablet at pen para sa akin.  Tapos ang ginagamit ko pa nun, Photoshop.  This time, may mga Mini’s na na pwedeng gamitin with your tablet.  Winner ang Mini!  Nakakaaliw!  Kailangan lang i-calibrate ko ang tablet sa kamay ko.

Ang Aking Wacomm Bamboo Fun

Kaya expect-in nyo na na gagana na ulet ang aking mga imajineyshen sa pag-gawa ng mga things and all other chuvaneseses.   Magbabago na ako ng Manilena.  Magkaka-time na akong gumawa ulet ng mga templates, gumawa ng digi-scrap, mag-drawing at gumawa ng mga cards.  Kasi nga, wala nang event of the year (hehehe, I lab yu, Ina!!).  I want to do a lot of things na hindi ko nagawa for the past year or so.  This time, pin-ramis ko na sa sarili ko na dapat, as in DAPAT, paganahin ko na ang ibang skills ko.  Not for anything else, pero para na rin sa sarili ko.  A deeper sense of wholeness.  A deeper indulgence for the left-side of my brain (hehehe).

I love technology!!

Ang Bagong Bamboo Dock

(Nakita 18101 beses ng 3238 bisitors)

Bilang Inggitera Lang

12/365 days of blogging.

Traditional Scrapbooking

Matagal na akong nagsa-scrapbook. Kung siguro mga 8,000 years na? At wag nang tanungin kung magkano na ang nagagastos ko kasi sa true lang, ang laki na ng investment ko sa kanya. Lahat ng papel, lahat ng mga gamit, lahat ng kung anik-anik na embellishments. Lately nga, hindi na lang scrapbook ang ginagawa ko – pati mga cards, birthday invitations, wedding invitations, at mga memo books. Pangarap ko na gawin nang kapaki-pakinabang (as in, pagkakakwartahan) ang hobby ko na ito. Hindi lang ako magka-time-time talaga, paramis!

Eh nauso pa ang digital scrapbooking, diba?  Meron din ako nyan at yung mga syupatiders ko nga eh may store pa ng digital scrapbooking namin  sa Gottapixel.net.  May website din kami na hindi na nga namin na-u-update kasi nga, sobrang busy ang mga bruhilda kong mga syupatiders.

Bakit??? Bakit may ganito at hindi ko sya pwedeng bilhin????

This year, balak ko na talagang gumawa ng family christmas card. First time.  Naghahanap-hanap ako ng mga idea sa internet para may inspiration. At bigla naisip ko na naman ang pinakita sa akin ni prenship Naning. Grabe, ang galing. Ang sarap magkaroon nun kasi maraming pwedeng gawin na hindi mo na kailangang mawindang sa kaka-gupit kasi ang galing nyang gumupit.

At nayamot na naman ako. Kasi hindi ko pa sya pwedeng bilhin. Ang mahal nya kaya! Grabe, $300! Anuba! Kahit maghanap ako sa craigslist ng mga magbebenta nito ngayon, feeling ko, hindi ko siya malalagay sa budget ko kasi nga, it’s christmas time once again at give love on christmas day ang drama ko. Paano na?? May concert pa si Vice sa Baltimore at pangrap kong manood nito. PAANO NAAAAAA?????

Pero soon, magkakaroon din ako nito. Paramis. At para sa ngayon, magsisilbing inggitera na lang ako. At maggugupit ng mga embellishments ko gamit si gunting.

(Nakita 13889 beses ng 2883 bisitors)

Save The Date

24/365 days of blogging.

sdate_webSo nakwento ko ba sa inyo na nag-aasikaso ako ngayon ng debut ng dyunakis ng prenship ko?  Umo-o ako kasi, una, labs ko yung prenship ko na yun.  Pangalawa, labs ko yung dyunakis nyang wating.  Pangatlo, wala lang… alam nyo namang mahilig akong umeksena ng mga ganitong events.  Hehehehe.

Nung isang taon pa kami nagpa-plano.  48  years no?  At ang catch, sa September pa ang birthday ng bagets.  Kaya lang, all things being considered, mahirap talaga mag-plano ng venue, ng decor, ng damit, invitations, etc.  Mas lalo na kung may budget ka pero ayaw mong masa-id ang balon ng anda.  Pero, sa wakas, nakakita na kami ng venue, may style na ng damit ang debutante, may caterer na, may prototype na ng centerpiece na gagamitin ko, may idea na kung paano na gagawin ang invites at souvenirs.  May materials na rin kami na pang-invites pero maraming materials na gagamitin sa centerpieces, table linens, stage materials na manggagaling ng pinas na inorder na at iintayin na lang namin dumating pag-uwi ng madirsung ni prenship galing pinas.  Not to mention ang outfit ng bagets, dun din namin pinagawa.  Mas mura kasi at pihadong unique at mas maganda ang pagkagawa.  Hay naku, kumbaga, ang tawag dun “custom-made”.  In other words, sa mga puti, mamahalin at pinasadya.  Dito, kapag custom-made kasi, mas mahal.  Eh kasi nga the land of instant  milk en honey itong Jameyrika ni Pareng Barack.

Habang nag-oorder si prenship ng mga gamit sa pinas, dun ko narerealize, shet, ang sarap talaga sa atin.  Lahat andun.  Ultimo lugar, hindi ka mahihirapan na maghanap kasi kahit na low-budgeted ka, maganda pa rin ang mga choices mo.   At ang Tutuban at Divisoria para sa materials mo, walang katulad.  Miss na miss ko sila.  Pramis.  I lab da mother land talaga.  Walang katulad.   *walang kasing lalim na buntong-hininga*

Hemingweys, isa sa sagot ko eh yung pag-design ng save-the-date nya.  Anetchiwara ang save-the-date?  Maliit na card yun na nakalagay ang event at kung anong araw yung event na binibigay mo sa mga invited mo about 6 months before the actual hataw day.  Para, yun nga, ma-save na nila yung date na yun para sa iyo.  Wala na silang magiging ibang lakad.  Binigbigyan ka na ng 48,000 years para planuhin kung makakasama ka o hindi para pag-dating ng actual invitation sa iyo, alam mo na agad kung makakapunta ka o hindi at masasabihan mo ang nag-invite kung a-apir ka ba sa eksena o hindi.   O diba, walang rason para indyanin mo pa ang party.  O walang ka-abi-abisong hindi ka naman pala pupunta.

Sa tulong ng She’s Full of Scrap digiscrap store ng mga shupatembangs ko, nakagawa ako ng save-the-date ng super sweet (pero super wating) na si Ina-ketch.  At oo, I love this girl sooooo much…

(Nakita 24936 beses ng 4772 bisitors)

Happy Valentayms!!!

Tayo... Hanggang Huli
Tayo... Hanggang Huli

Alam mo, Mylabs, di kita babatiin ng Hafi Valentayms kasi kahit hindi Valentayms, labs na labs pa rin kita. Now and Forever… Emen. Di naman natin kailangan ng valentayms para ipakita sa isa’t-isa ang pagmamahal natin, diba? Nagkakaroon man tayo ng mga pagsubok sa buhay natin, alam naman natin na kakayanin natin lahat yun. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin at sana kahit papaano, nasusuklian ko rin sya ng pag-aalaga sa iyo.

Kahit masyosyonda na tayo, kahit na sumakit na lahat ng mga buto nating dalawa, hindi magbabago ang pagmamahalan natin. I look forward to our plans… alam ko, magagawa natin lahat ng mga plano natin.

(The digiscrap kit is from Feels Like Autumn by She’s Full of Scrap – a digiscrap brand by me and my sisters.)


(Salamat kay Mec sa ginawa nyang photoslideshow na ito ng mga Berks. Touched na touched ako, Mec… Nung nanghihingi ka pa lang ng mga pictures at nakita ko yung mga binigay sa iyo na mga litrato ng ibang berks, paborito ko na yung thread na yun. So much love going around…)

(Nakita 27751 beses ng 4794 bisitors)

Happy New Year Na!

Huli-kaw, 2009 na!

Eh kamustahin naman ang bakasyon ko sa Canada?

We Are Family

Masaya… as in. Nung makita ko ang kapatid ko na inaabangan ako paglabas ko ng eroplano, naluha na ako. Nayakap ko ang itang ko, nabuhat pa nga ako (yes, Santa Klaws, pumayat na kasi ako) Nagkita rin kami ng tyahin ko at ng pinsan ko – nagkita-kita kasi kami dun dahil sinundo naman ng tyahin ko ang pinsan ko na galing ng San Diego. Pag-uwi ko, tuwang-tuwa akong yumakap kay inang. At mangiyak-ngiyak na ako nung biglang-bigla nagsigawan ang mga pamangkin ko, yumakap sa akin habang magkayakap pa kami ng inang ko. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasaya ang puso ko nung makita ko silang lahat.

Be Proud!

Nagkita-kita rin kami ng mga kaibigan ko. Ang mga pukersha kong mga barkada na frawd na frawd ako dahil may kanya-kanya na silang mga major accomplishments. Mga sariling bahay, mga anak, mga magagandang trabaho. Parang kelan lang eh broke pa kaming lahat at pangarap lang ang coach at louis vuitton na mga bag. hehehe

Nagkita rin kami ng isang mabuting kaibigan na itatago ko na lang sa pangalan na “Cecil” at isang kaklase nung high school na itatago ko na lang sa pangalang “Angie”. Pramis, hindi nila mga tutuong pangalan yang mga yan. hehehe

Proud din ako kasi ang daming Overseas Filipino Workers akong nakilala. Mga alaga sila ng tyahin ko na may sarili nang human resources agency sa Calgary. Masaya silang kasama. Mapapalapit talaga ang puso mo sa kanila.

Kung gusto nyo ng mga pictures, hanapin nyo na lang sila sa facebook ko at sa facebook ng syupatid ko.

Ang kulang lang talaga sa bakasyon ko eh si bossing. Kaya naman nung bumalik ako, kulang na lang hindi na kami lumabas ni bossing ng kwarto – kasi nga ang daming pinagkukwentuhan. Kayo, malisyosa ang mga utak nyo!

Hemingweys, madali’t sabi, recharged ako sa pagbalik ko.

In other news, gusto ko pong pasalamatan ang lahat ng bumoto sa akin sa nakaraang contest ng Top 10 Pinoy Expats/OFW Blog of the Year 2008 ng Thoughtskoto. Nanalo ang lola nyo ng 2nd Top Pinoy Expats/OFW Blog pagkatapos ni Apo Jim. At Top Pinoy Expats/OFW Blog sa US en Canada.

Maraming-maraming salamat sa mga judges, sa lahat ng bumoto at kay Kenji sa isang nakatataba ng pusong parangal.

At salamat din sa inyong lahat… panibagong taon, panibagong mga happenings. Maraming salamat sa inyong pagbisita, pag-comment at pagsubaybay. Pangako, mas marami pang kwento sa taong ito :)

(Nakita 30377 beses ng 5913 bisitors)

Imbayts en Tags

Bisi-bisihan ang lola nyo.

Eh piano ang mga chikiting-gubs na sina Pearl en Gabe eh magbi-birthday sa a-beynte-singko. Sik yirshold na si gel, 3 yirshold na si boylet. Disi-otsong mga chuvaneknek na mga bata-batuta na mga kaklase ng Pearl ang imbitado. Kaya ayun, ilang weekends na akong busy sa pag-gawa ng imbiteyshen at kanina naman, yung tags ng loot bags nila ang ginawa ko.

Enjoy akong gumawa ng mga ganito. Gustong-gusto kong nagkakalikot ng mga papel, mga ribbon, at mga istikers. Kaya nga hobby ko rin ang mag-scrapbook. So eniweys, balak kong ikarir ito. Kumukuha lang ako ng mga samples ko at kapag naka-ipon ako ng marami-rami na, baka makapagbukas ako ng online store.

Hekshuli, may onilne store na kaming magsisisterakas. Pero ang manager at chief chuvalulu designer namin eh si Greta. Nung mga 2 weeks ago lang, gumawa kami ni Patring ng isang kit na collaboration naming dalawa.

Kaya ayun. Kung magkatime ako (ma at pa nga lang kung kelan pa yun), harinawang makapagbukas ako ng sarili kong online store ng one-of-a-kind na mga invites at cards-chuvalu. May nagawa na ako dating wedding invitation ng kaibigan ko at mga birthday cards ng mga prenships. May isa pa akong gagawing malaking birthday party para sa isang taon. Pero for now, word of mouth pa lang ang sales talkies ko.

Hemingweys. Excited na rin ako sa birthday ni Pearl en Gabe. Nagdodownload na ako ng mga kantang gagamitin namin. Nung weekend kanda hanap kami ng costume ng lukring na babaeng bagets at wala kaming makita sa thrift store. Kaya nagpunta kami ng BigLots at dun kami nakakuha ng Belle costume! Ang cute-cute. Siguro this weekend kukunan ko si Pearl ng naka-costume.

O sya… sa susunod ulit. May isa pa akong raket na ginagawa. Hehehehe, hirap kumita ng pera. Kaloka!

(Nakita 28986 beses ng 5145 bisitors)

Para Kay Itang on Father’s Day

(Bago ang luma, Happy Father’s Day sa LAHAT ng Tatay… special mention na sa bossing ko… Ang inyong mababasa ay open leyter ko kay Itang ko.)

Father's Day Layout

Itang, happy father’s day!

Binalak ko talagang gawin itong layout na ito para sa iyo nung makita ko yung picture nating dalawa na 2 years old lang ako. Ang payat mo pa nun at ang cute ko pa rin! In fairness… (hehehehe)
Continue reading Para Kay Itang on Father’s Day

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 25773 beses ng 4459 bisitors)