OK!!!!!!!

Olrayt!!!! Pagkatapos ng pagkaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa haba-habang pamamahinga at pagkawindang, ako ay bumalik!!! At marami akong surpresa para sa inyo, mga prenships ko!

Una, ang PANSITAN community portal ay bukas na! (Parang “Stargate” ang dating nun, pramis!) At narun din po ang mga bagong miembro ng pansitan.net! O, wag kayong mamangha… dahil sa kakulangan ng oras, hindi po ako ang nag-design ng website. Pero mistulang para na rin ako gumawa ng bagong template sa tagal ng paghahanap ko ng tatamang design para sa website.

Ok, balik sa members. Tweynti-siks subdomains na po ang nasa pansitan.net. Medyo may mga naka-hiatus sa kanila pero marami rin pong alayb en kiking pa rin. Ang sampu sa kanila ay mga bagong tenants. Sana po bisitahin nyo naman, mga lola ko, ang kani-kanilang mga websites para i-welcome nyo po sila. May mga ibang bagong members na nag-lilipat pa kaya dadami pa kami. Exciting, diba?

So bakit ko ginawang portal ang main page? Na-windang kasi ako ng pagkatagal-tagal at hindi ko napapansin ang stats nya, pero alam nyo bang ang url na “www.pansitan.net” lang eh nag-a-average ng 718 hits a day and 298 visits a day? Na-lukring ako talaga dun. Isip ko, pakshet, tapos panis na panis na ang dating splash page na nakalagay dun???? As in, mga lumang tenants pa ng halos dalawang taon na kayang hindi nagpapansit pa ang links nun.

Ano ang kaibahan ng “hits” at “visits”? Gusto ko sanang i-explain pero hahaba ang diskusyones noo yok kaya ditech nyo na lang i-site: Webalizer.

Kaya mukhang karapat-dapat lang na pakinabangan ng mga members ng pansitan ang banner page, diba? Ano-ano ang pwede nilang gawin?

1. Pwede silang gumawa ng teaser sa “stargate pansitan portal” na naka-link sa website nila na dun nyo mababasa ang buong entry.

2. Pwede silang mag-announce ng mga happenings sa paligid nila – mga birthdays, binyagan, graduation, reunion, fiestas, intramurals, concerts, book launching, album launching, stage plays, painting exhibits, art exhibits, seminars, website launching, gimiks, EBs, etc, etc, etc… (hayyyyyy.. kakahingal). In other words, kahit na anong happenings, welcome na welcome!

At hindi lang para sa kanila, para din sa mga kamag-anak, kaibigan, kabarkada, ka-batch mates, ka-room mates, kapit-bahay, ka-org member, ka-eskwela, ka-opisina, *hingaaaaallll*.

3. Pwede silang bumati sa lahat ng kakilala (ayoko nang i-enumerate at hinihingal na ako).

So anything goes. Kaya kung kayo man ay may mga gustong i-announce, kontakin nyo lang ako o kahit na sino sa pansitan members at ipopost nila yun para sa inyo. :)

Ang isa pang pinagkawindang ko ay ang pag-revive ng Manilena.com! Hayyyy… ang manilena. Ilang beses ko nang inayos, ilang beses ko ring binitawan. Hirap na hirap akong i-launch ang website na yun! iba-iba na ang naging porma nun, pero iisa ang kinalabasan – napanis. Kaya naisip ko, teka… gawin ko na kaya syang art blog ko – blog ng website designs na nagawa ko na, photography blog, digiscrap blog at kung anik-anik pa na pinagkakaabalahan ko.

Kaya ayun, naloka din akong ayusin sya. Hindi ko pa rin design ang template na gamit ko ngayon (pero inabot pa din ako ng syam-syam para lang makahanap ng template) kasi nga wala akong utak para gumawa ng HTML at CSS ngayon. Kaya, entonces, nanghiram muna ako sa iba.

Sa madali’t-sabi, relaunching din ng Manilena.com!!! Tanannnnn!!!!!

Ano kaibahan nya sa blog na ito? Inglessera yun, swardspik itech. Bakit? Wala lang… mag-practice ng eng-glis? I-karir kong mag-english blog kasi never in my 6 years of web life, never kong na-experience mag-ingles-ingles. Carry ko naman, dibatch? Of course, golf course…

At siempre pa… ang pinagkakaabalahan namin ng mga sisterettes ko, ang digiscrap blog naming She’s Full Of Scrap. Kaloka!

Sa true lang, dito ako nawindang ng matagal! Ang giraffe mag-setup ng online business at hanggang ngayon, nawiwindang pa rin kaming magsyusyufatid. Hindi pa nga ako, kasi moral support lang ako. Si Greta ang mas windang! Kaya, kung kayo po ay nagdi-digiscrap o balak nyo… i-check nyo po ang aming website. Pramis, matutuwa po kayo sa mga ginagawa namin :)

Kaya sana naman po, mapatawad nyo na ako sa pagkatagallllll-tagallllllllllllll kong pagkawala. Sobrang nakakawindang lang talaga. At hindi pa nga po ako tapos dahil tinutulungan ko pa po ang mga members na mag-setup sa pansitan. Pero at least… sabi nga nila “I’m back!” (sabay pakita ng likod ko!)

(Nakita 33668 beses ng 5455 bisitors)

Leche!

… ilang linggo din akong hindi nakapag-blog, ah!

Nagbirthday na si Krungkrung-girl, nag-birthday na si Greta, nag-birthday na si Coco at si bradir-in-lo, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nagkagalit na si Willie at Joey, nag-sorry na si Willie, di pa rin tinanggap ni Joey, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Bumalik na si Malu Fernandez sa Manila Standard, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nag-premiere na ang Marimar, nasa ABS-CBN na si KC Concepcion, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nagrerenovate na kami ni bossing ng kusina, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nag-anniversary na ulit ang pagbagsak ng Twin Towers, magrerecall na raw sila ng mga sundalong nasa Iraq, nag-rerecall na sila ng mga laruan na galing ng china, hindi pa rin ako nakapag-blog.

May bipolar disorder daw si Britney Spears, kinulong at lumabas na si OJ, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Mag-aannounce na ako ng mga bagong taga-pansitan, hindi ko man lang nabo-blog.

Leche!

Nakakaloka kasi ang digital scrapbooking!

Ps. Sa mga nag-comment sa aking close encounter with the panyet kind (read previous entries), maraming salamat! Truelalang kahindik-hindik, kasuka-suka, kaokray-okray. Pero awa ng Diyos, dahil bumalik na ako sa dating oras ng pag-alis ko sa balay para mag-commutateyshen at sa unahan na ako ng train at bus sumasakay, hindi na ako nakakakita ng pitotoy na hindi kanais-nais.

Di na ako sasagot sa mga comment nyo, mga prenships, bibisitahin ko na lang mga blogs nyo this weekend – dun ko na lang kayo chichikahin! At tutuo ang basa ninyo, maglilinis na naman ako ng blogroll at mag-aannounce na ako ng mga bagong neybors ng pansitan next week!

Babushka!

(Nakita 23832 beses ng 3943 bisitors)

Happily Scrapping

Oist, may trabaho na ang lola ninyo!!! Kaya di na ako tambay sa balay at working girl na ako ulit! Pero saka na ako story ng work ko dahil may iba akong gustong i-share sa inyo.

Dati, nung wit pa ako work, mistulang housewife ang drama ko – Mega Star ako! Mega-plantsa, mega-linis, mega-luto, mega-pinta. Pero tulong naman kami ni bossing kaya ok lang na i-karir ko ang pagiging maybahay. At kapag fly na si bossing sa gabi papuntang jospital at tapos ko na syang asikasuhin, ako naman, magsisimula na nang “quiet ME time”.

Yung “quiet ME time” ko, ito yung mga oras na ginagamit ko para sa sarili ko. Maghahanap na ako ng kaaabalahan na habang gumagana ang kamay ko, gumagana din ang isip ko – minsan two-gether, minsan naman magka-iba ng mundo. At look forward ang lola ninyo sa mga ganitong mga oras. Wala lang… pang-ground ko yun. Pang-detoxify. Kasi kahit naman tulog si Bossing sa hapon bago pumasok sa trabaho, trabaho pa rin ang nasa isip ko – mga dapat gawin para sa reunion namin, mga dapat kong lutuin, mga dapat linisin, at iba pang pang-may-bahay na gawain. Kaya naman sa gabi, selfish time ko na yun.

At dahil siguro tahimik ang gabi at masarap ang may kinukutingting habang naririnig ko ang TV na nakatutok sa mga paborito kong telenovela, ang dami kong nagagawang mga scrap pages ko twing gabi. Sisimulan ko ito sa pagbuklat ng maliit kong album ng pictures, mamimili ng type gawan ng page. Pagkatapos, hahakutin ko lahat ng mga magazine ko ng scrapbook at mamimili ng inspirasyon na layout. Kapag nakita ko na yung layout na gusto ko, hahalungkatin ko na lahat ng mga papel ko at titingnan ko na kung ano ang bagay sa pictures ko. Madalas yan, kumukuha ako ng kulay galing sa picture, mapa-background, mapa-damit ng mga tao sa litrato. Mag-aayos-ayos, magbabagay ng mga embelishments, at magsisimula na akong mag-layout. Madalas, hindi ko naman nagagaya ng husto yung nasa magazine ko. Ang lumalabas din, sarili kong layout. At bago mag-ala-una ng umaga, tapos na ang mga telenovela at cartoons na sa adult swim ang nasa TV, pagkatapos ng tatlong tawag na minsan sa akin ni bossing para paalalahanan ako sa gamot ko, matutulog na ako. Kinabukasan, pagkatapos kong pagmasdan ang ginawa ko nung gabi, nilalagay ko na sya sa scrap album ko.

At yan ang nangyayari sa buong gabi ko.

Share ko lang sa inyo. Makikita nyo rin ito sa page ko sa Scrapbooks.com. Kung mapapadaan kayo dun, comment kayo sa layouts gallery ko, ha. Naaaliw din ako na makita kung ano yung mga LOs (layouts) ko na madalas bisitahin. Kasi na-no-knows ko din kung whichelles yung pleasing sa eyes ng ibang utaw.

Hay naku… irerevive ko na nga yung aking scrapblog. Malapit na. Mga 48 years na lang. Marami pang mga kafatid yang mga LOs ko, pero eto na lang muna. In 48 years, kapag narevive ko na ang aking website ng scrapbook, makikita nyo na lahat. Pramis.. near na.

(I-klik nyo lang yung thumbnails kung gusto nyo ng mas malaking pikshur.)

(Nakita 32977 beses ng 6118 bisitors)

“A Flower That Blooms”

“A Flower that blooms in adversity
is the most rare and beautiful of all.”

From the movie, “Mulan”

I have been soooo looking forward to finishing my real estate classes during the last two weeks of May. Sobrang aral, sobrang pressure. (Sa sobrang pressure, ngayon lang ako nakapag-blog ulit!) I had been studying every night and trying to keep in mind everything that was being discussed in class that day. Nakakaloka na isang buong libro with 500 pages and a real estate law book with 200 pages had to be read, retained to memory for only two weeks. Sabagay, pasado naman ako… actually, pasensya na po kayo, magyayabang lang ako ng konti. Konti lang. Naka-81% po ako sa Maryland Law at 94% sa Real Estate Principles final exams. Hehehehe, pasensya na po. I couldn’t help telling you that because, in all honesty, I wasn’t expecting to pass the finals sa hirap. I’m really glad that Bossing was very supportive all the way, even cooking and cleaning the dishes because I couldn’t. Bossing’s family and my mom and dad were also behind me the whole time, giving me a lot of encouragement. How can you not love them for that?!?!?

And because that was done, I needed to do something with the left side of my brain before I buckle down to study, this time for the PSI (Real Estate Board) Exam. I had been craving to do some scrapping for so long now that I can not resist the bug anymore. I had to scrap and I knew just what I wanted to scrap about.

The picture above is one of the scrap pages I featured in our Blogkadahan topic. (I am moderating this round which we entitled “Leisure Moments”, the things we do to keep us sane. And I am writing this here because I still have to revamp my Scrapbook Girl website because I can’t use Movable Type anymore, as demanded by my webhost.) I did this while Bossing was at work and I had some quiet time for myself. This page is about his daughter, M.

I guess, the reason why I created this page was because I wanted to show how much Bossing loves his one and only child – more than anyone will ever know. But like so many fathers and daughters, they’ve had their ups and downs. And they’re still trying to weave their way on some things. The both of them went through a lot of trials in life. And the most major of them happened when M was still quite younger than her current 18 years in age. I can still remember what I was like when I was a teenager and I have to admit that trying to fit in and trying to discover what you are and who you should be can already be a challenge as is. Having to face a lot more problems outside of that can already be a lot for someone as young. But M is an intelligent and strong-willed girl. And I pray that sooner or later, these same difficulties will be her tools to make her a more matured and sensitive person as she gets older.

I have to admit that I am still groping my way around her. Like all teenagers, she has her moods and when these happen, I do what I would like to be done to me when I’m in my moods – give her space and just keep quiet. I know that she’s still trying to adjust to the new situation as much as I am also trying to figure out this new life that I have. So I can actually say that, in a way, I understand her. I do appreciate the times when she tells me and her dad things. When she sits with us at the dining table and recounts her experiences in Philadelphia or what she wants in life or the going ons in the plays that she’s been in. I enjoy those and it’s a way for me to let her know that I can be her friend. I also like it when she sings while she plays the piano in the basement. Quietly, I sing along with her (admitting that my voice cannot even be considered karaoke-quality). She’s very talented and I really hope she’d really be what she’s been working so hard to be.

It might still take a while for us to really be comfortable with each other… but hey, Rome wasn’t built in a day. And it is wayyy easier to build structures made of stone than to build relationships with people.

Will we end up being friends in the end? I do hope so… I would like so much for that to happen. She can never be my own flesh and blood, but it would be nice to treat her like a daughter, considering also that I will never be able to have children of my own. But for now, I just have to remember what the fox said to the little prince:

“Just that,” said the fox. “to me, you are still nothing more than a little boy who is just like a hundred thousand other little boys. And I have no need of you. And you, on your part, have no need of me. To you I am nothing more than a fox like a hundred thousand other foxes. But if you tame me, then we shall need each other. To me, you will be unique in all the world. To you, I shall be unique in all the world. . .”

I know this will happen. In my heart, I know…

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 13174 beses ng 2942 bisitors)