Bermuda

Para sa aking **th birthday, niregaluhan ako ni Bossing ng cruise trip to Bermuda. Excited nga kaming dalawa kasi we’ve never been on a cruise at sa presyong nakuha namin ($499++) each, bakit hindi pa namin gawin, diba? Kaya nung April 21-26, go na kami sa Inner Harbor ng Baltimore at sumakay ng napakalaking barko ng Royal Caribbean Cruise Line.

Sa Pool Deck

Sobrang ganda ng barko.  Kapag nakasakay ka na, parang hindi mo maaalala na nasa tubig ka sa sobrang laki until magpunta ka sa deck at nakikita mong pinapaligiran ka ng tubig.  Walong malalaking pools at whirlpools, casino, theater, ilang dining rooms and buffets, ilang bars, lahat ito sa 11-deck na barko.  At pinakamaliit pa nga raw itong “Enchantment of the Seas” na ito.  Can you imagine kung gaano pa kalaki ang mga ate nitong barkong ito?

Gabi-gabi may party, oras-oras may nangyayari.  May bingo, may games, may live theater shows, may karaoke (na talagang nag-enjoy si Bossing kasi sikat sya dun), may dances sa atrium at pool side.  Walang sawa.

At  lahat, andyan na sa harap mo – ilang beses kang pwedeng lumafang ng masarap na pagkain ng libre, pagbalik mo sa cabin mo galing sa labas, laging maayos at malinis, bago ang mga tuwalya at bed linens.  Pati nga mga damit at sapatos mo, inaayos pa nila.  Grabe.  Spoiled na spoiled ka sa crew.  Lahat sila laging nakangiti sa iyo.  Kaya parang sobrang tigas mo na kung hindi mo sila bibigyan man lang ng tip.  Altho I’m sure kaya nga sila mabait sa iyo kasi nga para maganda ang tip mo sa kanila.  But then again, I don’t really care whatever their intentions are.  Basta ako, pinasaya nila, ok na yun.

Ang Supervisor ng Housekeeping, si Mang Peping

Proud din ako kasi ang dami-dami-DAMING Pinoys na nasa crew.  Special meniton pa nga sila nung parade of nations sa last day kasi nga isa sila sa pinakamarami sa population, aside from India and Jamaica.  That only goes to show, world-class ang working ethics at service reputation ng mga Pinoy.  (Sana nga lang kahit sa ‘Pinas, world-class din ang service nila sa sarili nilang mga kababayan.)  Kahit na saang parte ng barko andun sila – sa engineering, sa restaurants, sa cabins, sa entertainment – puro Pinoy.  Kaya naman special ang alaga ng crew kapag alam nila na Pinoy ka rin.  Ang assistant waiter namin sa main dining room, binigyan pa ng pangalawang lobster si Bossing nung last dinner namin.  Ang pinaka-dinudumog na club show eh yung isang banda na Pinoy na retro ang mga kanta.  Ang supervisor ng housekeeping sa deck namin, Pinoy na galing na rin sa iba’t-ibang hotel sa ibang bayan bago lumanding sa barko namin.  Ang dalawang dancers sa mga theater shows, mga bagets na Pinoy din.

Masarap silang kakwentuhan.  Kinukwentuhan ka nila ng buhay nila sa barko – gaano kasagana sa pagkain, pero malungkot din daw mas lalo na nga at puro tubig ang nakikita nila day in and day out.   At walang uwian ng mga 6 to 10 months. Pero kung marunong ka raw sa pera, makakapag-ipon ka talaga.  Hindi masyado galing sa sweldo mo ang majority ng kikitain mo, kundi sa mga tips – mas lalo na kung nasa housekeeping at dining crew ka.

King's Wharf, Bermuda

Kamustahin naman ang Bermuda?   Ay naku, girl, ang ganda!  Hindi ko pa nga naligid lahat kasi almost 24-hours lang kami dito pero the beach, the houses, the views, wala akong masabi kundi – ang ganda!  Ang malaking harang lang talaga sa Bermuda – sobrang mahal ng lahat.  Kasi raw, sabi ni Bossing, halos lahat ng products ng Bermuda, iniimport pa nila,  Kung meron man sila, hindi yun nakakasapat.  Kaya siempre, kung  imported lahat, mas malamang ang kamahalan.  Ang main industry lang talaga nila is tourism.

Horseshoe Bay lang ang napuntahan naming beach ni Bossing pero sulit na sulit.  Pink ang sand, walang kalat, walang commercialism.  Heaven on earth.  Parang Palawan…

Horseshoe Bay

Experience talaga itong cruise na ito.  Kaya sabi nga namin ni Bossing, uulitin namin ‘to.  Mas matagal, mas masaya.  One of my best experiences ever.  Happy Birthday to me!

(For more pictures at friend kita sa Facebook, visit my Bermuda Cruise Album.)

(Nakita 18437 beses ng 3536 bisitors)

Litratong Pinoy – Lugar

66/365 days of blogging.

Ang Federal Hill

Ito ang Federal Hill sa Baltimore City.  Sabi nila, mayayaman lang daw ang makakatira dito.  Hindi ganun kalalaki ang mga bahay, kung tutuusin para lang silang mga apartment,  pero dahil sa lokasyon,  mahal ang mga bahay dito.  Ang Federal Hill Park and pasyalan at ginagawang jogging spot ng mga tao dito.

(Nakita 67991 beses ng 12025 bisitors)

Gusto Ko Nito!

14/365 days of blogging.

Keri nyong umihi sa ganyan??

Nung umuwi kami ng Pilipinas, Japan ang isa sa stopover namin papunta at pabalik.  Aliw ako sa airport ng Japan kasi hi-tech.  Atsaka alam nyo naman ako, I love everything Japani.  Kasi nga one of a kind talaga ang mga hapon.

Ano ang choice mo?

Pero ang ultimate ng aliw factor ng Narita Airport ay nasa banyo nila.  Isa, nasa sahig at isang ordinaryong toilet bowl. Sa tutuo lang, naubusan ako ng powers na subukan yung nasa sahig kasi nakakalokang magbaba ng panty at umupo sa inidorong ka-level ng paa mo.  Hindi ko kinaya.  So pinasok ko ang cubicle ng may inidoro.  At naaliw ako kasi electronic ang bidet nila!  At ang choices ha – “Spray”, “Bidet” at meron pang “Flushing Sound”.  Kakaloka!  Naintindihan ko yung misty spray sa pwet para siguro maginhawaan ang mga pisngi ng pwet mo.  Ang bidet eh para sa paglinis ng harap at likod.  Pero ang flushing sound????  Para may epek na tunog?  Bakit nga ba hindi ko sinubukan kasing pindutin yung button na yun??? Kakainis.

Pero ha, alam nyo ba kung magkano ang ganun? Almost $500!! Anuba! For 500,000 dollarseseses???  Kakaikot ng ulo!  Paano na?  Paano na ang pangarap kong magkaroon ng ganyan sa banyo namin sa kwarto?  Eh ang sarap pa naman ng meron nun.  Una, tipid sa toilet paper, pangalawa, wala nang use for tabo (na apat-apat ang dinala namin pabalik dito), at pangatlo, hindi mo na hahawakan ang pwet mo para linisin sya!  Winnie Santos, davah?

Meron kaya nyan sa Craigslist?  Mwehehehehehehe

(Nakita 13020 beses ng 2889 bisitors)

Sobrang Tagal…

1/365 days of blogging (ulet…)

Bohol Beach Club

Ang tagal, grabe!  Tatlong buwan na hindi nag-update!  Anong karapatan na ituloy ang dating countdown ng days of blogging.  Ang kapal ko naman diba? Kaya balik tayo sa umpisa.  Count 1 ulet.

Eh bakit nga ba kasi sobrang nagbisi-bisihan?

Una, nagprepare na ng toxic sa debut ni Czarina.  Sobrang kinarir kaya.  Lahat ng decor sa mga mesa, ang backdrop ng stage, ang invitations, isama mo pa ang pag-repair ng gown.  Sobrang karir.  At sabihin pang mahigit isang taon na pin-repare, na-toxic pa rin sa huli.  Pero ang haba ng buhok namin ng nanay nya pagkatapos, kasi ang ganda ng debut ni Ina.  SOBRANG. GANDA. Yun lang.

Blood Compact Memorial

Pangalawa, wala pang ilang araw pagkatapos ng debut, fly na kami ni bossing sa ‘Pinas.  Nag-Cebu (sobrang educational!), nag-Bohol (sobrang ganda!), nag-Divisoria (sobrang miss ko!), sangkatutak na punta sa Greenhills (sobrang aliw!), sanlibong beses atang nagpunta sa Cainta para makipagkita sa mga kaklase nung high school (sobrang lasing!), sampung libong beses atang kumain ng Baliwag, Lechon Cebu, TJ’s at Crystal Jade  (ang sarappppp, grabe!!), nakipagkita sa mga kumareng barkading at ilang daang libong oras ng bonding time kasama ang syupatiders, pamangkin at lola – sa loob ng isang buwan.   Bilangin nyo yun.  Toxic pero sobrang saya ko.  Limang taon akong hindi umuwi.  Hindi nakakatawa yun, kaya hindi na dapat maulit na hindi umuuwi ng ganun katagal.  Dapat yun Mortal Sin.  Hindi na dapat gawin ulet.

Chocolate Hills

Pangatlo, wala nang pangatlo.  Yun lang talaga ang nag-okupa ng mga oras ko magmula ng huli akong nag-blog.  Kaya’t dapat lang, ibalik ko ulet sa number 1 ang bilang ko ng blogging.  Ulitan kung ulitan.

At ano ang mga naobserbahan ko sa isang buwang bakasyon na kasama si Bossing (na tatlong linggo lang ang bakasyon kaya may isang linggo ako all by myself)

1.  lahat na lang halos ng commercials na gawang pinoy puro celebrities ang endorsers magmula kay Bossing Vic hanggang kay Piolo hanggang kay Michael V.   Naisip ko na nga, gagawa ako ng listahan ng mga commercials na artista ang mga endorsers eh.  Siguro next entry…

The Sisterhood of the Logbook (4/6)

2.  mainit pa rin, pero wala nang babago pa dun.  Kung mag-snow dun magtaka pa ako.  End of the world na.

3.  aircon na ang LRT at aliw na aliw akong sumakay sa kanya.  Eh paano ang bilis eh.  Minsang nagpunta ako ng Makati ng Byernes ng naka-taxi at sobrang traffic inokray pa ako ng syupatembangs ko dahil ang tanga ko raw.  Kung nag-LRT ako hindi sana ako inabot ng isang oras papuntang Makati galing sa amin sa Cubao.  Pero hellers, kamustahin naman kaya ang damit ko pagkatapos – hahabulin na ako ng plantsa sa sobrang gusot kasi people power malamang sa LRT ng alas kwatro ng hapon.

Ang High School Friends (Kasama si Ate at Kuya)

4.  mukha nang Makati ang Greenhills, pero I love the tiangge!!  Walang makakatulad talaga.  Maliban sa Divisoria, but then again, Divi is Divi and Greenhills is Greenhills.  Apples and oranges.  At mistulang naloka ako sa sobrang quadruple class A na mga pekeng Louis Vuitton!!  Kung hindi ka marunong tumingin, mapepeke ka talaga.  Ako pa ang nahiyang dalhin ang LV ko sa Greenhills. Dahil nakaka-insecure.  Dahil pumapasok sa isip ko baka fake din ang bag ko.  Dahil orig ang LV ko.  Aruuuuuu….

5.  may McKinley Hills na na sobrang sossy.  Sa tutuo lang, bakit ba panay ang pagawa nila ng mall sa Pilipinas?  Third world pa tayo nang lagay na yan ha… Di ko macompute talaga.

High School Friends (Part 2)

6.  wala na ang Magnolia House, ang St. Paul’s College, St. Paul’s University na, ang Immaculate Conception Church sa amin, Immaculate Conception Cathedral na.  May Greenbelt 5 na.  Iba na ang itsura ng SM sa Makati, muntik na akong maligaw.  Wala na rin ang Fiest Carnival, Shopwise na sya ngayon.  May Telus na call center na sa Cubao (the same Telus na phone company ng Canada).  Di ko pinuntahan ang MOA, kasi wala naman akong bibilhin sa kanya.  At COD display twing pasko, nasa bubong na ng walkway sa Greenhills magmula Ortigas Avenue papuntang loob ng Unimart.  Ang munisipyo ng Cainta wala na sa main road ng A. Bonifacio, nasa loob na sya malapit sa Teacher’s Village.  At hindi na sya Cainta Catholic School – Cainta Catholic College na sya.

High School Friends (Part 3)

7.  lahat ng tao naka-cellphone.  May mga station pa na pwede kang mag-charge ng cellphone mo sa 7-11 kung sakaling na-low batt ka na.  Ang laki ng tiangge ng bilihan ng kung anik-anik sa cellphone sa Greenhills, naloka akong bumili ng cover ng iPhone ko.  At ang daming naka-iPad.

8.  ang Brookside Subdivision sa Cainta na kung saan kami lumaking magkakapatid, hindi mo na makikilala.  Hindi ko na halos nakita ang landmark na bahay na bilog kasi may inuman na sa harapan nito (na hindi ko alam, pag-aari pala ng mga kababata namin sa Brookside).  Ang St. Francis Subdivision na kung saan naman lumaki si Bossing, malaki na rin daw ang pinagbago.  Medyo na-sad sya kasi luma na yung bahay nila dun.

High School Friends (Part 4)

9.  masarap pa rin ang fishballs, ang squidballs, ang cuapao, ang Baliwag Lechon.  Isama mo pa ang mangga, atis, lanzones, at rambutan.  Masarap pa rin ang isda, iba pa rin ang lasa ng manok, baboy at baka – siguro kasi wala masyadong kemikal, hindi katulad ng mga karne dito.

10.  dumilim ang Aurora Blvd. Siguro kasi dahil sa LRT.  Mixed emotions ako sa LRT, malaki talaga ang tulong at pakinabang nya, pero on the other hand, ang mga daan kung saan sya tinayo, pumangit.  Kailangan ba talagang isakripisyo yun?  Nawala na nga ang Arcegas sa may amin.  Siguro nga kasi wala na ring bumibili ng bike.  Iba na ang hilig ng mga bata.  Ang Santolan kung saan bumababa para sumakay ng jeep papuntang Makati, di ko talaga malaman, hanggang ngayon, kung ano yun dati.  Nabura na ata sa memory ko yung parteng yun ng buhay ko.

San ka pa???

11.  hindi pa rin nagbabago ang itsura ng kapatid ko.  At ang gwapo pa rin ni Aga Muhlach.

Ang dami… ang daming highlights.  Hindi ko na nga nakunan ng litrato lahat ng mga bagay na nangyari sa amin.  Bigla kong narealize kulang pa ang mga litrato dahil wala pala kaming kuha ng lola ko na maganda.  Pero di bale, next year, mas maraming pictures.

At eto lang, kahit bagu-baguhin pa nila lahat, kahit bali-baligtarin, kahit mag-labo-labo na sila, eto pa rin ang mahal kong Pilipinas.  Eto pa rin ang babalik-balikan ko.  At manalo lang ako ng Lotto, babalik na kami ni Bossing sa Pinas.  Kasi tutuo, there’s no place like home…

Sa Pilipinas Lang...

(Nakita 30765 beses ng 5198 bisitors)

Tara Na’t Mag-INTERCOURSE

34/365 days of blogging.

intercourse4Anoba’t hindi ko nasabi sa inyo na nung birthday ko eh dinala ako ni Bossing sa Pennsylvania? Biglaan na plano – umalis ng Lunes ng gabi ng a-singko, bumalik ng Maryland ng a-sais. At ang pinuntahan namin ni Bossing?

Intercourse.

Sa Pennsylvania.

Ang galing ng pangalan diba? Isa syang Amish county sa Pennsylvania.  Mga isang oras at kalahati lang na walang ka-strees-stress na byahe magmula dito sa bahay namin.  Amish.  Yung mga taong, dahil sa relihiyon nila, hindi gumagamit ng kahit na anong modernong mga kasangkapan at bagay.  Mga naka-karitela kapag nag-ba-byahe, gumagamit ng mga kabayo para sa pag-bungkal ng lupa, walang pridyider or washing machine at dryer sa bahay, hindi gumagamit ng internet, TV, cellphone at kung anik-anik pang gawa ng modernong teknolohiya dahil hindi naman raw kailangan yun sa buhay.  May point… pero mahirap yun, eh.  Mawalan ba ng koryente, ng cellphone?  Ng TV? At higit sa lahat, ng INTERNET????  Mamamatay ako.  Pramis.

intercourse1Ang sarap ng byahe namin kasi ang gaang ng drive – walang traffic.   Nung nasa bukana na kami ng Intercourse, tinuturo na sa akin Bossing yung mga Amish na nakakaritela.  Aliw na aliw ako.  At akala ko nakatira lang sila sa mga maliliit na mga bahay kasi, wala lang.  Akala ko lang kasi.  Pero hellers, ang mga bahay, sobrang lalaki kaya?  Hindi sya magarbo, hindi sya mukhang palasyo, pero malalaki.  Madalas nasa gitna ng malawak na mga bukid na ang sabi sa akin ni Bossing, pag-aari din nila.  So hellers, hindi tutuong Purita Kalaw sila.  Hindi lang talaga nila feel ang technology.   At diba nasabi ko na sa inyo na wala silang mga washer at dryer, hellers, kamustahin mo, ang haba ng mga sampayan.   Pero ang isa pang mapapansin ninyo, walang mga matitingkad na kulay ng damit sa sampayan.  At hindi uso ang mga backless, mga tirante, mga gown.  Isang style lang ang mga damit nila.  Plain, walang print, kulay blue, itim, puti at brown.  Hindi nila alam ang spelling ng neon orange, fuschia pink, at mello yello.  Ganun sila.

intercourse5Nagkataon, nung naghahanap na kami ng hotel na tutulugan, ginabi na kami.  Ang masama, ang tinuturo ni Manang (ang aming GPS navigator) na kung saan kami dadaan, isang mahabang-mahabang kalyeng bato-bato na walang kailaw-ilaw sa paligid.  May manaka-nakang mga bahay pero madilim sa paligid.  (Eh kasi nga diba, hindi sila gumagamit ng electricity)  Mistula bang parang maya-maya, may mga children of the corn na lalabas kung saan at papatayin kami.   Wala lang, OA lang talaga ang imagination ko.  At habang freak out na ako, tawang-tawa lang si Bossing sa akin.  Wala lang.  Trip lang nya.  Ang saya lang, diba?

Pero ok lang.  Keri na rin.  Sa haba-haba ng daan, natunton din namin ang kabihasnan.  May mga ilaw at mga restawran.  Nung makakain na kami, nakakita na rin kami ng hotel.  At yun, the whole night nakatutok ang TV sa isang amish channel na pinapakita nila yung mga spots at pwedeng gawin sa paligid.  Kinabukasan, nag-buggy-trip kami ni Bossing at niligid kami nung buggy sa paligid ng Intercourse.  At ang daan nung gabi na sobrang dilim, ang ganda pala nya sa araw kasi puro mga bukid, mga sinampay, at mga amish na lalaking nagbubungkal ng mga lupa nila gamit ang mga kabayo.  Nakakaaliw talaga.

intercourse3Nung hapon, siempre, naghanap na ako ng outlet mall sa may bandang labas na ng Intercourse. Mistulang very cultural man ang field trip, dapat present pa rin ang outlet, hindi pwedeng wala.  Kasi wala lang… dapat lang meron. hehehehe

Eto ang trip na regalo sa akin ni Bossing. Masaya kami, na-aliw kaming dalawa at bonding to the max kami.  Dagdag na naman namin ito sa marami pa naming magiging mga road trip.  Yun ang sarap ng kasama ni Bossing.  Walang arte, walang maraming plano.  Walang maraming requirements.  Basta pwede, hindi sya mahirap yayain atsaka hindi nauubusan ng idea.  Maarunong syang maghanap ng mga nakakaaliw na mga mapupuntahan na hindi masyadong gagastos.  Eh bagay kami kasi kaladkarin akong babae, hindi ako maarte (altho marunong akong mag-inarte hehehe) at ok sa akin yung hindi magastos na mga trip.

Ang sarap mag-birthday talaga.

(Nakita 25679 beses ng 4946 bisitors)

Live From Daryl’s House

19/365 days of blogging.



So nakita ko itong video ng “Can We Still Be Friends,” na kinanta dito ni Todd Rundgren at Daryl Hall, sa facebook page ng sisterette kong si Greta. Lab et, lab et, LAB ET!!!

(Ako lang ba o ibang klase talaga itong song na ito? Magmula noon hanggang ngayon, pakiramdam ko, may pinaghuhugutan ako lagi kapag naririnig ko sya. Kahit wala na syang konek pa sa buhay ko ngayon, parang affected na affected pa rin ako kapag naririnig ko sya. Isa ito talaga sa “hanggang mamatay ako” favorite song ko. Pwedeng isama sa soundtrack ng buhay ko.)

Akshully, itong video na ito eh part ng web series ni Daryl Hall na “Live From Daryl’s House“. Ang galing-galing nito, ha! Kanina pa ako nanunuod nito. Sa sobrang galing, nakalimutan ko nang may nilalabhan nga pala ako sa baba. Pero ang galing talaga kasi. Tipong once a month ata, may iniimbita si Daryl Hall na performer sa bahay nya tapos wala lang, kakanta lang sila kasama ng banda ni Daryl. Mistulang parang jamming lang.

Ay naku, I tell you… panoorin ninyo. Mas lalo na kung mahilig kayo sa banda kasi ang husay. Eto ang nangyayari kapag pare-parehong professional na mga band players ang nagsasama. Parang wala lang, pero ang lakas ng dating.

I love “Live From Daryl’s House”!!!

(Nakita 20012 beses ng 4207 bisitors)

Bago Mawala sa Ala-ala (Dahil Operada Ako)

Nangako ako ng mga pictures ng punta namin ng Florida.  Actually, 25,000 years na syang nasa Multiply site ko at sinisimulan ko na rin syang ilagay sa Fezbuk ko.  (Pero karir mag-upload sa Fezbuk, kaya di pa ako tapos.)  But hemingweys, dahil baka di nyo feel ang multiply at wit kayo sa friend’s list ko sa Fezbuk, ilalagay ko rin ang mga links ditech.

Ang sarap actually ng alis namin na yun.  Altho si Bossing sumasakit pa rin ang psoriasis arthritis nya, masaya pa rin.  Mas masaya sana kung wala syang sakit kasi hind sila masyadong nakapagfishing ni partner Conrad nya.  Pero ok naman sya na.  Tsaka ko na ikukwento sa inyo ang arthritis ni bossing at isang buong entry na naman yun.

Continue reading Bago Mawala sa Ala-ala (Dahil Operada Ako)

(Nakita 30991 beses ng 5896 bisitors)

Hay Naku… Hindi Ako Excited, No!

Go-sago kami sa Florida ng 9 days (parang novena kay St. Jude, hehehe) simula itong Sabaders.   Pupuntahan namin si Spidey sa Universal Studios sa Orlando at magpapakasasa at magpapa-tan sa Clearwater Beach

Excited ba ako?  Hindi, no!  Excited ba yun…

Nakaka-tatlong linggo lang naman akong bumibili ng mga outfits sa Macy’s, Old Navy, Gap at Gabriel Brothers?

Panic buying lang ako sa Old Navy ng mga summer t-shirts ni Bossing na half-off ang presyo dahil puro dark colors pala ang mga t-shirts nya (siempre para hideaway ang mga bulges at bilbil)?

Limang swimsuits lang nga ang dala ko? (kung excited ako eh di anim na swimsuits ang dala ko… teka, may isa pa pala akong swimsuit na pwedeng dalhin)

Nakaimpake lang naman ang halos lahat na ng outfits sa mga duffle bags namin nung isang linggo pa?

Nilagay ko lang naman sa spreadsheet ang mga menu at mga toka naming pagkain nila Veck at Rose?

Naghahagilap lang ako ng mga music at sinex na ilalagay ko sa iFod ko para hindi ako mainip sa byahe?  Ever!

Tingin lang naman ako ng tingin ng website ng Universal para sa discounted tickets at nagpaplano lang naman ako ng mga magiging shots ko sa Clearwater? 

Sus, hindi ako atat, no!  

Mamatay na ang excited!

(Nakita 35522 beses ng 6313 bisitors)

Vacation’s All I Ever Wanted

O sya… nadiscover ko na pwede palang unlimited upload sa multiply kaya dun ko na lang sa multiply account ko in-upload lahat ng mga pictures namin ng vacation namin sa Virginia. Marami akong gustong isulat kaya lang medyo pagod pa ako sa kaka-Farm Town sa FezBuk kaya ito na lang muna ang tingnan nyo. hehehehe…

Gusto ko lang sabihin na sobrang saya namin ni Bossing nung bakasyon namin na yun. Relaxing kasi… walang pressure. Nun ko lang nakita ang asawa ko na trested na rested. Nakapag-picture taking ng sobra. Reflected sa mga pictures nya yung focused na focused ang mind nya sa pagkuha ng mga litrato. Very rare yun for him. Madalas kasi yan, laging akala mo nagmamadali sa isip nya. Kaya masaya ako nun. Hindi sya preoccupied with anything else. Na-enjoy nya yung moments na early in the morning, mag-isa sya ng naglalakad sa boardwalk at kuha lang sya ng kuha ng litrato. Karamihan ng mga beach pictures dyan, kuha nya. (Pwera ata dun sa nasa beach kami at nagbababad sa araw… yun lang ata ang mga kuha ko).

Yung sa Williamsburg, pareho na kaming kumukuha ng mga pictures. Enjoy na enjoy din kami dun kasi very historical naman yung isang araw namin na yun.

I would love for us to go on another vacation na kaming dalawa lang ulit. Altho enjoy naman kami ng may mga kasama kaming mga kamag-anakan at mga kaibigan, minsan iba pa rin yung kayong mag-dyowa lang ang lumalabas. Ako? Talagang savored ko yung bakasyon namin na yun. I would think that this is probably one of the best vacations I’ve had with him. Msaya ako na nakita ko syang masaya…

O sya, klik nyo na lang ito for the pictures…

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 43070 beses ng 7011 bisitors)