Vacation’s All I Ever Wanted! (Part 1 of Wit Ko Know Kung Gaano Sya Hahaba)

Plano na talaga namin ni Bossing na magbakasyon. Dapat sa Niagara Falls at Toronto kami pupunta kaya lang, nagkaaberya. Bad trip galore yun kasi talagang gobingo na gobingo na kami sa Kaneyda kaya lang ayokong mapraning pagkatapos pabalik sa Jameyrika. Pagkatapos maalis ang pagka-im, naisip namin gumorrah na lang sa Virginia.  Not a bad idea kasi hindi pa naman namin napupuntahan na mag-dyowa ang Virginia.  Kaya pagkatapos kong alisin ang mga makakapal na spring outfit at palitan ng mga almost-summer dresseseses sa mga bagahe, pagkatapos mag-pack ng adobong morena, go-sago na kami-pasouth!

Bridges Connected to Bridges Connected to Bridges As Far As The Eyes Can See
Continue reading Vacation’s All I Ever Wanted! (Part 1 of Wit Ko Know Kung Gaano Sya Hahaba)

(Nakita 34249 beses ng 6042 bisitors)

Think About What You Saw (Da Huwik Dat Hwas Part 2)

“… in spite of everything, I still believe that people are really good at heart. I simply can’t build up my hopes on a foundation consisting of confusion, misery, and death. I see the world gradually being turned into a wilderness, I hear the ever approaching thunder, which will destroy us too, I can feel the sufferings of millions and yet, if I look up into the heavens, I think that it will all come right, that this cruelty too will end, and that peace and tranquillity will return again.” – Anne Frank

To continue…

Nakakaburniks na kapag laging sobrang malamig, puno ng ulap o marami ng isno o yelo sa paligid. Magkaka-“cabin fever” ka na talaga. Kaya ayun, ang bossing nagyayang mag-gala. Nung una, Virginia sana kaya lang alam namin, malamig pa rin sa VA kaya isip namin, balik na lang kami ng DC at go-sago kami sa mga myu-seum na hindi pa namin visit.

Ang gustong-gusto kong puntahan eh ang Holocaust Museum. Ang dami ko nang narinig tungkol dito sa museum na ito. Formally called United State Holocaust Memorial Museum, living memorial sya ng Holocaust ng mga paghihirap na nangyari sa mga Jews nung panahon ni Hitler. Sabi sa website nila, “…the United States Holocaust Memorial Museum stimulates leaders and citizens to confront hatred, prevent genocide, promote human dignity, and strengthen democracy.”

Nung high school, pinag-aralan namin sa world history ang ginawa ni Hitler sa mga Hudyo. Pero hindi naman ako talaga affected kasi parang pakiramdam ko, ang layo nun sa ginagalawan kong mundo, wala akong kilalang Hudyo at, siempre, ang tagal na kaya nung Word War II. Di ko masyadong kinebs.

Nung makarating ako dito at may nakikilala na akong mga Hudyo at napapanood mo na sila sa TV at pelikula, medyo mas nadadagdagan pa ang alam ko na para ngang sobra-sobra ang ginawa ni Hitler sa kanila. Napanood ko rin Schindler’s List. Pero medyo detached pa rin ako. Mas aware, pero detached pa rin.

Pero nung pumasok ako sa loob ng museum, pag-akyat pa lang namin sa unang level (3 levels sya) at nagbabasa pa lang ako ng mga nakalagay sa displays, paunti-unti, nararamdaman ko na, hindi ito magiging ordinaryong museum lang para sa akin. Isa sa una kong binasa ay ang explanation nila ng definition ng “Holocaust”. Sa buong museum, marami akong na-sight na mga lumang gamit, mga litrato, mga collection ng iba’t-ibang damit, manood ng mga videos, basahin ang mga notes at posters at paunti-unti mas umuukit na sa puso ko ang mga nangyari sa kanila. At hindi lang sa kanila kundi sa lahat pa ng ibang naging biktima ni Hitler na tingin niya eh may racial inferiority – ang mga gypsies, disabled, mga Poles, Russians at iba pang Slavic na mga lahi, ang mga Komunista, Socialista, Jehovah’s Witness at mga homosexuals (pati ba naman ang mga sisters ko????).

Pero pinakaprominente sa lahat ang mga Hudyo. Anim na milyong mga hudyo ang pinapatay ng mga Aleman magmula hanggang 1945. Dinala nila ang mga Hudyo sa mga concentration camps at mga ghettos. Pinapatay sa pamamagitan ng Euthanasia, sa mga killing centers, mga gassing facilities, hanggang sa gawin na nila ang “Final Solution”.

Ang pinaka-umantig sa damdamin ko ay nung makita ko yung modelo ng pinakamalaking crematorium na tinayo ng mga Aleman. Nilansi nila ang mga Hudyo na tatanggalan sila ng mga kuto at kailangang pumasok sila ng nakahubad sa isang malaking shower room. Ang hindi alam ng mga Hudyo, pagpasok nila sa loob, ini-ispreyan pala sila ng Zyrkon – isang gas na pumapatay – ilang minuto lang… patay sila agad. Pagkatapos nilang buhusan ng nakamamatay na gas, ikakarga sila sa mga crematoriums kung saan dun sila lahat susunugin.

Bakit nangyari ang Holocaust? Bakit pumayag ang mga Hudyo na gawin sa kanila ito? Nung una hindi ko rin maintindihan. Naiisip ko kasi ang history ng mga Pinoy. Kung tayo nga umaaklas tayo hindi pa man din natin naranasan kalahati ng nangyari sa mga Hudyo. Bakit sila, parang pumayag lang sila… May mga umalsa naman pero hindi pa rin ganun kalaki. Hinanap ko sa internet ang sagot, at dito na ata ang pinaka-may saysay na mga dahilan.

Needless to say, forever nang mauukit sa utak at puso ko ang nakita ko sa Holocaust Museum. Ngayon mas alam ko na…

Kung makarating kayo ng Washington, DC at may panahon kayo, sana mapuntahan ninyo ang Holocaust Museum – libre sya, walang entrance fee. Ang hirap i-kwento lahat ng nalaman ko, lahat ng naramdaman ko habang nandun ako sa loob. Sana mabisita nyo sya… I will guarantee, pagkatapos nun, mababago nga ang tingin ninyo sa lahat ng ibang lahing makakaharap ninyo.

Bago kami pumasok sa museum, may nakita akong nakapaskel sa harap:

THINK
The next time you see injustice
ABOUT
The next time you witness hatred
WHAT
The next time you hear about genocide
YOU SAW
AT THE HOLOCAUST MUSEUM

(Nakita 16905 beses ng 3203 bisitors)

I Wanna Dance With Somebody (…sa bahay ng may bahay)

Minsan may mga reality checks sa buhay na kapag dumating sa iyo, oks na oks na palang tanggapin. Kahit nagugulantang ka pa rin sa reality check. hehehehe

Eh piano naman, nitong nakaraang linggo, nag-imbita si Pareng Benjie (college pare ni Bossing na andito rin sa Maryland) na sumama sa kanya at maki-celebrate ng birthday ni Rosemarie, yung isang nurse na staff nya na magbi-birthday ng Vyernex. Eh naka-join na rin namin si Rosemarie nung nag-go kami sa beach para icelebrate naman ang birthday ni Abundio. “Abundio” (Ah-bun-jo, aksent on the last “jo”) ang tawag namin kay Pareng Benjie kasi, a) nakakatawa ang tunog at b) kasi yun ang tutuo nyang pangalan. Pramis, walang halong chorva, “Abundio” nga ang pangalang binigay ni Inang nya sa kanya.

Hemingweys, eh di kasama din namin sa gimik ang mag-asawang Veck at Conrad at si Rose na asawa ni Abundio at si Leo. (Ay, may kwento ako tungkol kay Leo pero mamaya na…)

So ayun, sa bar daw sa Washington, DC ang farty ni Rosemarie (ay, rhyme!). Go naman kami. Ang expected ko, kainan, inuman at kantahan. Nung papalapit na kami sa entrance nung venue, napansin ko, aba, may linya papasok. At ang mga girlashes mga naka backless, plunging neckline, pantsless, paldaless… ang mga boylets, isputing, . teka… parang nakita ko na itong mga eksenang ito somewhere in my past (hello, Julie Vega, are you with us???) Avah! Dance club ito, ah!!! (syet, Maribeth Bichara, is that you????)

Kaloka… Eh heller, mistulang walong taon na atang hindi nakakapasok ang lola nyo ng diskotek (hehehe). Eh di pagkatapos ng konting ka-chorvahan, nakajosok na rin naman kami (nasa VIP list ang pangalan ng Abundio – so shala!). Tapos go-sago na kami sa loob with matching escort pa papuntang taas. Shala! Private party pala. Dun kami sa taas na kita namin ang dance floor sa baba. May sarili pang bar. So shalang-shala talaga!

Eh kamusta naman ang mga eksena sa baba? Hiphop at electronica ang tugtog. So medyo ganun pa rin. Ang mga danz lights ganun pa rin, walang bago. May smoke machine, may fog lights, strobes… ganun pa rin. Walang bago.

Pero ang freaky dance nila, mas freaky na ngayon! Mas nakakaloka na ang mga movements – mistulang iumpog na ng pwet ng babae ang jewels ng boylets. Pero si Bossing nagmamalaki, “huuuu.. hanggang ganyan lang yang mga yan. Sa tutuong buhay bano yang mga yan.” (O diba, si Bossing, feeling He-man na may powers ni Greyskull. Hehehe)

Nung sinabi ko nga kay Veck na malamang alam ni Ina at Charlon (ang mga anak nyang binata at dalaga) ang freaky, inambahan ako ng ina at ang tili “subukan nila”. Mwahahahaha… Ako man kasi, maloka ako kung magsayaw ng ganun ang anakis ko. Latayan ko na lang ang buong katawan nya para hindi na sya makapagdiskotek.

Mga alas dos pa lang, nag-siuwi na ang mga wranglers. (Read: kami yun.) Naisip ko, syet, tumatanda na nga ako. As much as ok lang naman sya, hindi ko na kebs ang eksena. Mas layk ko na yung tsikahan, inuman, kainan, chorvahan… pero wala nang ilaw na kumukutikititap, wala nang usok-usok at wala nang maingay na tugtugan.

Case in point, nung isa pang Sabado, nandun kami kina Conrad dahil birthday ng junakis nilang si Ina. Masaya pa nga yun. May kaldereta, kanin at fried chicken. Tapos nagkantahan. Dun namin nakilala si Leo as in Leo Cagape. Sa mga hardcore ska fanatics sa Pinas, knows nyo sigurong keyboardist sya ng dating Put3ska. Kerek… ang nagpasikat ng Manila Girl. (Too bad, wala na ang Put3ska.) Pero ang tindi ni Leo mag-keyboard! At ang ganda pa ng boses! Kaya nga ang tatlong itlog (Abundio, Conrad at Bossing) feeling nila, sikat sila at panay ang kanta sa mga tinutugtog ni Leo. Nag-paplano na nga kaming bisitahin si Leo sa susunod nyang tugtog dito sa city. Siguro nek wik. Kung walang pasok si Abundio.

Hemingweys… yun nga. Mistulang kapag tumatanda ka nga, nag-iiba na ang definition mo ng gimik. Buti na lang, nagka-chance ang lola nyo na magsawa sa nightout nung kabataan nya (nyarrrrrrrkkkkkkk… para akong lola ko, anoba!!!!). Kaya wala namang kawalan ang mabawasan ang nightlife. Mas masaya na akong may konting mga kabarkadang kasama, may kantahan, may inuman, may lafangan, may pang-aasar na kasama at maraming-maraming tawanan.

Hindi ko na feel ang mag-pole dancing, pramis!

O sya, para sa may mga amnesia, eto ang “Manila Girl” ng PUT3SKA.



(Nakita 22967 beses ng 4006 bisitors)

Friends We Meet Along Life’s Road



Sabado ng hapon nakarating na sa akin ang balita tungkol sa classmate ko ng 3rd year at 4th year HS sa CCS. Apat daw silang papunta ng SM, Pampanga at nakasakay silang lahat sa kotse ng kaklase ko. Galing sila ng Nueva Ecija kung saan dun sya nagpa-practice ng kanyang Pediatric Medicine. Paakyat ng tulay ang kotse nya kung saan nakaupo sya sa likod ng driver’s seat, nahead-on sila ng isang bus na nag-overtake galing sa kabilang lane. Dahil sa natamong head injuries, hindi nakaligtas ang kaibigan namin. Dead on the spot.

Iyak ako ng iyak. Magmula Sabado ng hapon nung marinig ko ang balita hanggang kinabukasan nung nagsindi ako ng kandila para sa kanya sa simbahan. (Hanggang ngayon na sinusulat ko ito, parang gusto pa ring tumulo ng mga luha ko.) Malapit ang kalooban ko sa kaklase naming ito – kahit nung HS pa. Mas lalo kaming naging malapit sa isa’t-isa nung nagkakausap-usap na kami ulit para sa reunion. Nakakwentuhan ko pa sya ng matagal nung bumisita sya sa California at tumuloy sya ng isang gabi sa kaklase din naming si Dith. Palagi kaming nag-e-email-an.

Ang sakit mawalan ng kaibigan. Ganun kabilis, binawi sya sa amin. Dasal ko rin sa Diyos bukod sa pamamahinga ng kanyang kaluluwa, sana alagaan Niya ang nanay nya. Nag-iisa lang syang anak, wala na rin ang tatay nya.

Mahal na mahal ka ng mga kaibigan mo, Nene. I know masayang-masaya ka ngayon kapiling ng ating Maykapal.

Pero sobrang mami-miss ka namin…

@-}-}———- @-}-}———- @-}-}———-

Ito ring weekend na ito, sa pagitan ng pag-iyak, pag-uusap namin nila Dith at isa ko pang kaklase nung HS na si Cristy na nasa Quebec, pinilit ko nang tinapos yung video ng summer reunion naman ng mga taga-CCS Batch 80 (Batch 81 kami ni bossing) na mga nasa North America na ngayon.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na masilip ang reunion nila na ginawa sa Connecticut nung weekend ng June 29 dahil hinatid namin ang Diche’ng-in-law ko na si Edna na kasama sa Batch 80. Hindi naman kami totally na sumama sa kanila dahil OP (out of place) kaya kami dun. Pero marami sa kanila kakilala namin ni Bossing at Ninang Judy (na Batch 78 naman). Kaya natuwa din kami na makita sila.

Kinunan ko sila ng maraming litrato. Ang mga nakuha ko at nakuha ni Dicheng Edna, pinagsama namin at gumawa ako ng video nila.

Ang saya ng reunion nila. Labing-anim lang sila in total na nagkita-kita pero nararamdaman mong very genuine ang kanilang tawanan, ang kanilang samahan. Kinuwento ko nga ang observation ko kay Dith kasi ang napangasawa nya eh ka-batch ni Diche’ng Edna na kasama rin sa reunion na ito.

Importante ang mga reunion kasi its a celebration of your almost-forgotten youth, a celebration of friends you’ve met during a time of teenage angsts and confusions. It also keeps you connected and grounded as to how you were before and is a big piece of who you are now. Pero kailangan, you also have to check in your egos at the door. Kasi this time around, pantay-pantay na kayong lahat. It doesn’t matter anymore kung matalino ka ba, muse ka ba, star player ka ba. Reunions are the opportunities to rekindle old friendships, and make new ones with schoolmates you never had the chance to connect with before.

Sadly hindi laging ganun ang sitwasyon. May mga instances na nagdadala ng disappointments ang reunion. Minsan kasi may mga taong hindi pa rin pala napagbago ng panahon (kung asshole nung HS mas mukhang aso na ngayon) o kung ok kayo dati, malulungkot ka dahil parang hindi na kayo ganun.

Pero kahit na ganun, may hidden gems pa rin. Kung mapagkumbaba ka at open ka sa lahat, makakakuha ka ng mga bagong ka-close o marerekindle ninyo ang inyong muntik nang malimutan na pagsasamahan. Kaya nga dapat walang super-big egos, diba?

Feeling ko, this weekend, binigay talaga sa akin ng Diyos ito na ganito ang situation ng mundo ko – to look back, to reflect about people I’ve met when I was so much younger and to give thanks (despite all my tears for the loss of a friend) that I did have an interesting and lesson-full teen-age life, that despite my teen-age angst, there were so many names from my past that I can still happily remember and connect with.

Salamat sa CCS Batch 80 North America Summer Reunion attendees sa pag-accept sa aming family nung weekend na yun. Sana hindi kami naka-gulo masyado sa inyo. I had so much heartfelt fun reconnecting with all of you – mas lalo na dun sa mga nung HS pa lang eh nakakausap ko na or magkakilala tayo sa mukha.

Thank you very much. This is for you…

(Nakita 13553 beses ng 2517 bisitors)

Ang Pagbabalik

I’m bek! *sabay talikod*

Dun po sa mga nag-koment sa dalawang huling entries, wait lang kayo ha… sasagutin kayo lahat ng lola nyo. Natambakan lang akesh.

Pramis ko pikshurs, davah? Well, eto… Mistulang alas dyes na ng gabi ngayon at gigising pa ako ng por-porty-payb eyem dahil aalis ako ng payb-piptin eyem papuntang opis. Pumasok kasi si boksing sa trabaho ngayong gabi at bukas pa ang uwi. Kaya, commuter-friendly ang drama ko bukas.

Hemingwey, hindi yun ang foynt. Ang foynt ko, marami-rami pa akong pikshurs sana na ipapakita sa inyo pero dahil hindi naman pwedeng i-karir ko ng husto ang pagdisplay ng pikshurs ngayong gabi, dahil di ko naman feel na magmistulang lantang gulay sa trabaho, dahil maganda ako, davah??? Hehehehe. Kaya pagdamutan nyo muna itech. Meron pa sa nek issue, hokey?

Spring, Spring, Spring

spring2007Labs na labs kong mag-pikshurs ng mga bulaklak. Mas lalo na kapag isfring. Makukulay kasi ang mga bulalak. As in matitingkad ang mga kulay nila. Kaya eto pa ang isa pang installment ng mga bulaklak na kinukunan ko. Mga tanim yan ni Boksing. Ang ganda, davah? May green thumb kasi yun. Ako, witchelles nang tanungin. Kaya nga kukunan ko na lang sila. Period.

New York Trip

spring2007Say ko lang na itong trip na ito sa New York ang pinaka-enjoy ko… ngayon. Tatlo lang kami – ako, si Boksing at si M. Perstaym naming mag-trip ng tatlo lang kami. Fly kami ni Boksing ng Philadelphia ng Huwebes ng gabi, nanuod ng show ni M, nag-dinner kaming tatlo nung gabi. Nagtrabaho ako ng Byernes sa isang recovery site sa Philadelphia, nagbonding ang mag-ama, nagdinner kami ulit, nalasing si Boksing at pinagtatawanan namin sya ni M pauwi. M_bwKinabukasan fly na kami ng New York. Unlike other trips, this time, nag-park si Boksing sa garahe ng bahay ng kaklase nya ng college sa FEU na nakatira sa Queens, at nag-subway na kami papuntang NYC. Nanuod kami ng Avenue Q (at panoorin nyo dahil sobrang nakakatawa sya!). Pagkatapos, nakipagkita si M sa kaibigan nya, at namasyal naman kami ni Boksing. Mga ilang beses na kaming nagpupunta sa Nooyok, pero ngayon lang ako may mga litrato dito.

Bakit ako nag-enjoy? Dahil nga nagpark si Boksing sa Queens at hindi namin dinala ang van, nagkaroon kami ng pagkakataon na maglakad-lakad at umikot-ikot. Ang galing… ang sarap… talagang masasabi mong I LOVE NOOYOK!!! At perstaym nga, nag-liwaliw kaming tatlo ng kaming tatlo lang. It was good. Wala kaming ginawa kundi maglakad, magliwaliw, kumain, tumawa at magkwentuhan. couple_bwPagod man kami pagdating na ng Sabado ng gabi pag-uwi namin, feeling ko, it was a fruitful trip. Di bale nang medyo mahirap yung trabahong ginawa namin sa Philly, the whole time with Boksing and M was so worth it. :) I enjoyed them both that whole weekend. It felt like family. And I really looked forward then to the time that M would be home for her summer vacation. (Ay, inglesera ang lola nyo. Ibig sabihin seryoso ako nung sinabi ko yun. Carry nyo?)

At ispiking of boksing-pikshurs, yung pangalawang set of pictures, si Boksing ang kumukuha nyan. At yung dalawang pics na nakikita nyo dito, mga kuha pa rin ni Boksing na nilagyan namin ng effects… ang galing, diba? Bigyan ng masigabong palakpakan ang dyowawis ko! hehehehe…

O sya… sa susunod ulit kasi alas onse na kaya??? Marami pang pikshurs sa susunod, marami pang kwento. Abangan…

(Nakita 14905 beses ng 2628 bisitors)

Summer Natin ‘To…

Na-sight nyo na ba ang bagong station ID ng ABS-CBN for Summer? Wala lang… Baka spluk nyo na kasi andyan si bradiraka kaya tipis ko. Slightly, yes.. hehehehhe… Pero in fairview, maganda gumawa ng ganitech na mga gimik ang ABS. Remembers nyo yung pamasko nila, davah? Maganda din yun.

Pero napansin namin ni Bossing, wai si Mega at si Willie. Si Willie, keber ko kung wala, si bossing lang ang nakapansin nun. Pero aketch, feel na feel kong wala wala ang presence ng Mega. Why-Liwayway??? Busy sa campaign???? Siguro nga.

Sya, wala lang… feel lang.

Ay… type nyo pa ng pictures, here pa, o.. pictures nila madir at pudra sa:

Annapolis
New York
Washington, DC

O davah, bongga si mudra at pudra sa pag-posing. Miss ko na yan sila ulit :) Eh piano naman, arrive ng Mierkules, go-sago na ng Linggo. Ang taray!! Kakaloka! Kaya naman mega-lagare ang mga sights na papasyalan. Pa-happy birthday daw nila sa akin ang guest appearance nla ditech. Pero type na rin kahit na maigsi lang ang vakey nila kasi miss ko na sila eh. May gibsung pa silang mega-over magandang regalix. Sobrang ganda!

At speaking ulit of bradiraka, salamat po sa lahat ng prenships na nanood ng “Maala-ala Mo Kaya” dun sa “Lapis” episode nila at mga nagtext sa akin. Wala lang… touched lang po ako at na-touched kayo. Pa-aabot ko po ang mga pagbati ninyo sa kanya. Thank you :)

Hayyyyy.. Summer na sa Pinas… Spring na ditech. Ito ang mga araw ko talaga! (hehehe, sobra to the max nang plugging!)

(Nakita 12826 beses ng 2480 bisitors)

Ate Moshel’s Visit

Hayyy.. after 48 thousand years, nakapag-update na rin!

Persopol, tenchu beri mats po sa lahat-lahat ng mga nagbigay ng kanilang well wishes, prayers, doneyshens at contribyushens (joks lang.. walang nagpadala ng anda, hehehe) para kay Bossing. Inalis na kahapon ng surgeon nya yung katorse nyang titanium na staples sa tyan pero hindi po naibigay sa akin ni Doc kasi may koleksyon din pala sya. (O, joke pa rin yung kuleksyon. Baka akalain ninyo eh binebenta sa magbabakal yung mga gamit na staples). Nakakapag-drive na rin po si Bossing simula pa nung Byernix. Medyo mahapdi pa rin daw minsan pero palagay ko, ok na sya kasi panay na ang sayaw at kanta eh.

Sekonopol, babatiin ko lang ng Happy Birthday ang aking huwan en onli bradir na si Ringo! Grabe, kapag kino-comfyut ko ang edad nya, hindi pa rin ako makapaniwala na masyonda na rin pala sya. At mas lalong hindi ko ma-take na dahil nga mas una akong pinanganak sa kanya, mas sobrang syonda ko pa! (Hoist, alam ko busy ka, pero tatawagan kita this weekend, hokey??? Ilabsyu!)

Sufer-init nitong nakaraang linggo! Umabot na kasi sa amin ang heatwave kaya naman halos matunaw na lahat ng bilbil namin ni Bossing sa sobrang init. Eh mantakin nyo pang injured pa nga sya kaya naman talagang panay ang punta namin sa mall at naka-dalawang panood na kami ng sine para nga hindi pawisan ang hiwa nya. Gaano kainit?? Umaabot ng almost 100F (38C) kaya? Eh humid pa naman ng sobra kaya talagang tumatagaktak lahat ng mantika ko sa katawan – at hindi pa ako gumagalaw nun, ha!

Pero, awa ng Dyos, tapos na raw ang heatwave at mukha ngang nakakaramdam na ang aking epidermis ng hangin galing sa labas. Iniintay ko na lang na umulan ng konti para naman pati mga halaman at mga isda eh sumaya na rin. (Salamat nga pala kay Nanay sa pag-ampon sa amin nung isang gabi. Labyu, Nay! ;)

Sandamakmak na fixtures ulit. Kaaalis lang kasi ng 16-year-old na pamangkin sa pinsan ni Bossing na si “Ate Moshel” pabalik ng Saipan. Akshuli, “Rochelle” ang tutuong pangalan nya, pero kasi si Pearl-kulit, hindi kayang sabihin yun kaya “Moshel” ang nasasabi nya. She was here for a month-long training at Princeton University at sinundo ng kanyang Ninang Judy para makapamasyal naman kasama namin dito sa Balto. O diba, matalino ang pamangkin ni Bossing, training sa Ivy League! Hindi ko sya nakasama nung una syang dumating kasi nga na-jospital si Bossing. Pero nung last week na nya at maigi-igi na si Bossing, dun ko sya naka-jamming ng husto. Sobrang bait na bata, very bright pero she’s very low-key and soft-spoken. Ikanga, low-maintenance na bata kaya masarap syang kasama. So ayun nga, the whole 2 weeks she stayed with Nanay, naipasyal sya ng mga pinsan nya sa kung saan-saan – nadala sa water park, nadala sa The Mall sa DC, nasamahan magpaayos ng buhok at shopping, etc. Kami naman, dinala namin sya nila Ninang, at Jeremiah sa Basilica, Franciscan Monastery, Grotto at Gettysburg. And the day before she left, kasama naman si Ninang, Nanay at Pearl, sa Ellis Island at Liberty naman.

I hope Rochelle comes back soon. Bossing and I, as well as Bossing’s family, are also hoping that she and her sister and brother would be able to come and go to school here sa mainland. That would really be very, very nice :)

Basilica Basilica of the National Shrine of the Immaculate Conception
Washington, DC

Ang National Shrine ang pinakamalaking Catholic church at pinaka-kilalang Marian Shrine sa US. Ang dami-daming iba’t-ibang replica na imahen ni Mama Mary na galing sa iba’t-ibang bansa ang nandito. Dalawang palapag ang simabahan at nakapalibot sa dalawang level ang mga mas maliliit na mga adoration shrines ni Maria. At ang pinakamaganda pa nito – kasama ang isang replica ng Nuestra Senora dela Paz y Buen Viaje (Our Lady of Peace and Good Voyage) ng Antipolo.

St. Francis Mount St. Sepulchre
Washington, DC

Ang National Historic Site na Mount St. Sepulchre ay isang Franciscan Monastery and Commissariat of the Holy Land in America. Dito, makikita ninyo ang ginawa nilang replica ng Holy Land at mga catacombs sa ilalim ng churches na pinareho din sa sinasabing pinaglakihan at kinamatayan ni Jesus.

Grotto National Shrine of Our Lady of Lourdes
Emmitsburg, MD

Ito ang version ng Maryland ng grotto natin sa Novaliches. Nandito ang bawat yugto ng Way of the Cross, ang iba’t-ibang misteryo ng Holy Rosary. May isang pond sa gitna ng grotto kung saan andun ang imahen ni Maria at marami ang kumukuha ng tubig. Sabi nila, milagrosa raw kasi ang tubig.

Gettysburg Gettysburg, Pennsylvania

Sa malas, naubusan na ako ng space sa camera ko kaya ito na lang ang nakunan ko sa last leg ng pasyal namin kay Rochelle nung araw na yun sa Gettysburg. Di bale, sa susunod, kapag alam na ni Bossing ang Gettysburg Address ni Abe Lincoln na hindi kasama sa address si Julius Ceasar at Romulus at Remus, babalik kami dito.

Ellis Island Ellis Island and the Statue of Liberty
New Jersey, New York

At last but not the least, bago umuwi si Ate Moshel, dinala namin sya ni Bossing, Ninang, Nanay at Pearl sa New Jersey. Habang rumarampa sina Ninang at Nanay, kami naman, nagpunta sa Ellis Island Immigration Museum at sa Statue of Liberty. Kinakailangan mong sumakay ng ferry to get to both islands. Nung nasa Ellis Island ako, parang ramdam na ramdam ko ang feeling ng mga taong nag-migrate nung dekada 20. Makikita mo kasi yung mga pictures nila, mababasa mo ang ilang mga journal entries ng mga tao, at pati ang mga gamit na dinala nila papuntang America. Papunta naman ng Statue of Liberty, medyo na-disillusion ako kasi hindi pala sya ganun katangkad. Sabi nga namin ni Bossing, photogenic lang pala si Lady Liberty kasi sa tutuong buhay, medyo maliit sya, medyo mashobis at green na green. Pero despite that, eto talaga ang isa sa mga lugar na kapag nakita mo, masasabi mo sa sarili mo, eto na… eto na ang America.

(Nakita 17006 beses ng 2891 bisitors)

Clicker Happy

Ka-windang-windang!

Ang shamung pikstyurs na pala akong wiz nalalagay ditech! As in! So, etech na, inayos ko na syang lahat. Yung iba dyan na album tulad ng birthday ni Bossing baka hindi nyo ma-feel kung hindi naman kayo kamag-dyanakan o prenship at di nyo knows ang mga utaw sa album. Pero kung type nyo, i-sight nyo na lang. Pero wis na okray na di nyo know ever ang cast of characters pero placing ko po rin ditech at winarningan ko na kayo na mga dyumag-anak at prenship chorvas namin sila. Hokey?

WADCMarch, 2006
Washington, DC

Perstaym (pramis, perstaym talaga!) na nakarampa ako sa Washington, DC. Dinala akesh ni Bossing ditech at may-i-walk kaming mag-jowa sa kahabaan ng Union Station hanggang Lincoln Memorial. Sa true ha, dito ako nakaranas (maliban sa San Francisco, CA) na na-say ko sa self ko, “Huwaw!!! Eto ang Jameyrika!!” Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin sa Union Station, halos halikan ko ang lupa dahil so beyutipul talaga! Nirampa namin ang kahabaan ng Capitol hanggang Lincoln Memorial na kung tawagin nila ay National Mall. Marami-rami pa akong hindi pa napuntahan sa mga tatlong beses ko nang punta dito kasi medyo mas malayo-layo na sya sa mall. Pero babalik pa ako. Marami pang prenships na dadalhin sa lugar na ito.

WADCApril, 2006
Cathedral of Mary Our Queen

Isa sa pinakamagandang gift na naibigay sa akin ni Bossing sa pagkikita namin muli ay yung aktong pagsimba. Medyo wiz kasi ako naga-go to church na nun. Pero-ngunit dahil ito ngang pagkikita naming muli eh somehuwat tinalaga ni Batman, isip ko, wala ibang pinaka-bonggang pagpapasalamat kay Lord kundi ang bumalik na sa pagsisimba at talagang saloobin ang pagmimisa. (oh, ha.. santa ako! hehehe). Madalas sa St. Joseph o sa St. Jude kami nasimba. Pero minsan, dahil nga pareho kaming layas, sumusubok din kami ng ibang simbahan. At ito ngang Cathedral of Mary Our Queen ang isa sa nagustuhan ko. Gothic na gothic ang itsura nya sa loob pero napakadramatic pagdating sa kodakan.

WADCMay 20, 2006
Preakness Balloon Fest

Sabado morning, ang aga-aga naming umiskyerda ng balay. Nanood kami ng hot air balloons sa may Oregon Park. Isa ang event na ito sa maraming activities celebrating the Triple Crown thoroughbred race (Preakness Stakes). Yung mga kabayong nakikita nyong kumakarera dito, yun yung mga kumakarera din sa Kentucky Derby at isa pang hindi ko na matandaan. Hehehehe. Di naman ako sugarol pero like ko ang horse-racing. Exciting. Minsan nga makapag-outfit ng may sumbrero pang parang Pretty Woman tapos manonood ako nun.

WADCMay 20, 2006
Sa Isang Grocery…

Nung araw din na yun, dahil na-Tom Jones kami, naghanap kami ng makakainan na malapit Oregon Park. Pero dahil super-early pa in da morning, naisipan muna namin na mag-grocery. At dahil dala ko ang kamera mega-kuha ako ng pictures sa loob ng grocery. At ako’y may nadiskubre. Alam nyo bang bawal palang mag-kuha ng mga pektyurs ng mga tinda sa loob ng grocery? Why-bakit? Di ko knows… Kaya nga wiz ko na spluk sa inyo kung saan ko kinuha itech at baka ma-okray-okray ako ng management nung grocery na pinuntahan namin. hehehe

WADCMay 2006
Havre de Grace

Huwan morning, medyo sad ang drama ko nun. Na-dyisip tuloy ni Bossing na para naman matuwa daw ako at maibsan ang pagka-Lukresia Kasilag ng lola nyo, fly kami sa Havre de Grace (rifit apter me: Ha-ver-du-greys). Umagang-umaga pa nun at low-tide pa ang Susquehana (rifit apter me ageyn – Sos’-ke-ha-na)River na dumadaloy sa Cheseapeake Bay (rifit apter me once more taym – Che-sa-pik’). Alam nyo namang takot ang lola nyo sa mga dyibon, pero ok naman ako kahit sobrang dami nila kasi medyo malayo naman sila. Pero nung kumukuha ako ng mga pikstyurs at talaga namang para na silang putakti sa dami, kinilabutan na ako at hinila ko na si Bossing palayo.

Maganda ang Havre De Grace, hindi nga masyadong magaganda ang kuha ko. Pero kung mapapadako kayo dun, makikita nyo kung paanong kahit na papaano eh na-erase ng konti ang pagka-windang ko nung araw na yun.

WADCJune 2006
Ocean City

Summer na summer na sa init! Kaya naman isang araw, go kami ni Bossing sa Ocean City. Ay, super-duper mega-over jinit! As in HHWW (jologs! Holding Hands While Walking) lang kami ni Bossing sa boardwalk pero tumatagaktak ang pawis naming dalawa at natusta kami sa jinit ng sun above the sky! Pero enjoy naman kami. Balak sana naming dun mag-sleepover pero change our mind kami at kumain na lang kami sa Phillips. Nabusog na kami, nakapanood pa ako ng Let’s Go nung hatinggabi! (Uyyy.. plugging!!)

WADCJuly 4, 2006
Bossing’s Birthday

Kahapon, (supposedly) suprise birthday celebration ni Bossing ko. Eh bakit kanyo supposed-to-be surprise? EH kasi si Bossing parang sira. Natunugan na may surprise party kami para sa kanya, aba, hindi nalang r-um-ide on at nag-pretend na na-surprise, umikot sa likod bahay nila mother at ako ang ginulat. Tama ba??? Aba, sa sobrang tawa ko, tears of joy ako sa inis (huh??? meron nun, lukring!)

Pero success ang farty namin! Salamat sa mabait kong maderaka-in-law na si Mother at sisteraka-in-law na si Ninang na kasama kong nag-frefeyr at tenchu din sa mga naki-join sa celebreyshen at nagdala pa ng pagkain ang iba. Tenchu po.

At si Bossing, sa sususnod, hindi na ako malulusutan nyan. I will revenge! Mabuti na lang nung gabi habang nanonood kami ng fireworks kinunan nya ito. Vongga, davah?? May tinatagong pang-aasim si Bossing!

(Nakita 17648 beses ng 3064 bisitors)

The (New York) Morning Report

(Click thumbnails to enlarge)

Noo Yok, Noo Yok!

Nung May 6 go kami sa “City That Never Sleeps” say nga ni Ol’ Blue Eyes. (Pero diba dapat Vegas ang lugar na di uso ang tulog? Anyways…) Overnight lang. Type lang naming mamasyal ng konti, mag-flea market. Hindi rin naman kasi sya kalayuan. Mga tatlong oras lang na byahe magmula sa amin. May kasama pang side-trip yun papuntang Philly dahil sinundo namin si M, dyunakis ni Bossing, na dun nag-aaral.

Wala masyadong pictures akong nakunan. Kakaloka kasi ang Vig Afol (“Big Apple”) – walang maparadahan! As in, singkwenta porsyenteyj ata ng oras namin nauwi sa paghanap ng farking. At luluha ka ng dugo kapag nakakita ka ng farking speys kasi mahal ang per kinse minutos nya! Pero dahil kasama namin ang sumisikat na rin sa pansitan (na tulad ng mga pamangkin ko) na si Pearlyn, kailangan dala namin ang sasakyan kasi maawa ka naman sa bagets kung palalakarin mo ng ala-Boston Marathon yun all over. Eh madami din kami – si Ninang Judes, si M, si nanay, si Pearl nga, ako at si Bossing.

Pero eniweys-my-way, hafi ako, ha! Nakita ko ang famous new year’s eve venue na Times Square, ang Broadway, pati mga kung anik-anik na mga marquees ng mga theatre performances sa NY. Ganun pala yun. Akala ko kasi dati tabi-tabi yung mga pinaglalabasan ng mga plays na yun kaya hop along ka na lang from one to the other. Hindi pala.. kahit na magkakalapit pa rin sila, relatively, iba’t-ibang kalye pala sila minsan. At ang pinakamasarap sa lahat, ang highlight ng Sabardey ko ay ang pagnood namin ng Lion King! Nakakaloka! Ang galing ng costumes, ang galing ng sets, ng mga props. Talagang minsan iisipin mo yung mga puppets ang nagsasalita at hindi yung mga may taong may hawak o may suot sa kanila. Ang ganda-gandang sobra!

Isa sa pinakapaborito kong Disney movie ang Lion King. All-time favorite namin yan na magkakapatid. Nung uso pa ang laser disc player, isa ito sa pinaka-unang LD na binili ng kapatid ko. At hulaan nyo kung ilang ulit naming pinanood ito? Ako na lang, mga dalawampung beses ko na ata itong napanood, mas matindi pa si Ringo sa dami. Kaya sa kaka-paulit-ulit, mistulang naka-dikit na ng epoxy sa utak ko ang dialogues nito ever! At yun pa ang nakakatuwa sa play, halos 90% of the dialogues came from the movie.

Pero, meyn, payo lang.. kung aabutin ng higit sa tatlong oras ang panonoorin nyong broadway play, wag kayong mag-e-SRO (standing). Mistulang dumami ata ang varyus (varicose) veins ko pagkatapos. Pero no complaints, ha, kasi sulit ang play. Pero eto, nagbibilang na nga ako ng varyus veins sa legs ko. hehehehe

Pagkatapos naming manood ng matinee, maya-maya nag-ikot-ikot pa kami ulit (para nga sa farking, ageyn) at ang next stop, St. Patrick’s Cathedral para makapagsimba na. Ang laki ng St. Patrick’s Cathedral. Ito nga kasi ang largest catholic cathedral sa Jameyrika. Mukhang mga dalawang libo siguro ang maiuupo dito. Nagkataon pa nga, nung nagsimba kami, Filipino pa ang paring nagmisa. Bongga! Nung una may-i-surprise ako kasi naka-cordon ang paligid ng seating area ng simbahan. Tinatanong pa ng mga ushers kung magsisimba ba kami. Nung tapos na ang misa at tinanong ko ito kay Bossing, sabi nya, kasi nga, magmula ng 9-11 talagang naghigpit na pati ang security ng simbahan. Sabagay, kung ito nga naman ang pinakamalaking catholic church pwede ngang maging target din ito ng terorismo.

Dun kumuha ako ng maraming pictures. I’m beginning to love taking pictures of churches. Mas lalo na yung mga gothic na tulad ng SPC. Hmmmm.. alam nyo, gagawin ko nga yan. Magkukukuha ako ng pictures ng mga simbahan. Mas lalo dito sa MD, ang daming iba’t-ibang klaseng simbahan. Magawang “Church Project” (hmp.. para namang ang dami ko raw projects na hindi pa tapos kaya???)

Kinalingguhan, go naman kami sa flea market. Di ko na maalala kung saang flea market ito pero malaki sya. hehehe.. sa maliit na halaga, marami kang mapapamili. Kaya ako, next to Divisoria, flea markets sa Jameyrika ang gustong-gusto kong puntahan.

Babalik kaming dalawa ni Bossing sa NY. Kasi marami pang lugar dun ang hindi ko pa napuntahan at gusto akong ipasyal ni Bossing. Aba, sa malayo ko lang nakita si Li-ber-te. At ang isla ni Coney, di ko pa rin sight. Alam na alam ni Bossing ang NY, dito kasi sya unang napadpad nung dumating sya sa Jameyrika. This time, leisure walking na kaming dalawa – mag-su-subway na kami papuntang NYC :)

At bago ako magbabush for this morning, papa-happy birthday kiss lang ako sa dalawa kong pamangkin na magkasunod ng birthday twing May. Happy Birthday Pancho and Sef… I love you so much and I miss you!!! At Belated HAPPY MOTHER’S DAY sa aking huwan en onli Inang… mahal na mahal kita. (At sa inang din ni Bossing at kay Patring at Greta at Lola Idad ko. At sa lahat ng mudras sa buong mundo!)


Pancho and Sef (sitting) with their brother, Maki

(Nakita 16544 beses ng 3157 bisitors)

“Did You Or Did You Not Order the Code Red?!?!”

(Pictures enlarge when clicked)

One week nang bakasyon si Bossing itong nakaraang isang linggo at tuloy-tuloy yun hanggang sa a-dose. Pinlano nya talagang magbakasyon kasi ilang linggo na rin naman na lagi syang apat hanggang limang araw na pumapasok eh 12-hour shifts kaya sya? Kakaloka yun, diba? Kaya naman, ehyun, nag-ayos ng schedule at mag-o-off daw sya ng isang linggo. Siempre, ok sa akin yun kasi sa true lang, na-e-engri ako minsan kapag dumidiretso sya ng tatlo araw na trabaho tapos minsan liliban lang ng isang araw para magpahinga tapos trabaho na naman ng isa/dalawang araw. To top it all, ang yema sa loob ng sansrival pa nun, pang-gabi pa sya! Sabi ko nga sa kanya, mashonda na sya, noh! Hindi na sya katulad nung bagets pa sya na pwede syang magpuyat ng magpuyat. Sisingilin na sya nun. Kaya usapan namin talaga pag working girl na ako ulit, magpapang-umaga na sya. Iba pa rin kasi ang tuloy-tuloy na tulog sa gabi. Believes you me, ina magenta ako ng 8 hours of sleep for beauty rest. Altho naiintindihan ko naman na dala ng pangangailangan ang kanyang pagtrabaho – ang pangangailangan na mabuhay at bumuhay. Kaya naman, talagang pray na lang akong maging ligtas sya kapag nagmamaneho at nasa trabaho.

So anyways-high-waist, naisip ni Bossing na i-lamyerda ako sa Annapolis dito sa MD nung pangalawang araw ng bakasyon nya. Mga forty-five minutes na drive ata yun galing sa amin dito sa Baltimore. Ang pinuntahan namin mismo ay yung United States Naval Academy. Dun gumradweyt si former US Preysident Jimmy Carter at Ross Perot at marami pang iba. Ang ganda-ganda ng naval academy. Ang ganda ng tanawin at kaga-gwapo ng mga student cadets. Sabi nga ni Bossing dito nga raw nag-shooting ng “You Kent Handel Da Trut!”

Pinuntahan namin yung magandang chapel sa loob ng naval academy, yung ilang dorms nila, yung isang hall nila. Hindi pa nga namin napuntahan yung grounds mismo kasi nga matatapos na yung parking time namin. Pero feeling ko, kapag nakabili na ako ng digital SLR ko, magrerequest ako kay Bossing na ibalik nya ako dun para makunan ng pictures ang mga cadete… este, ang lugar pala! (hehehehe)

Pagkatapos nun, nagpunta kami sa City Dock to look at the pier atsaka yung mga nakadaong na mga yachts. May regatta ata that weekend kasi maraming nakapark na mga sailboats na pang-karera. Dun na kami kumain sa malapit sa dock. Ang sarap… pisda at shrimpon.

Inikot din ako ni Bossing sa circumferential road ng city. Ang gaganda ng mga brick houses, ang mga lumang 17th/18th century buildings. Habang nagdadrive kami paikot, nakakakita pa nga kami ng mga guided tours ng mga bata at ang nagfafacilitate ng tour akala mo si Benjamin Franklin ang itsura. Nasabi ko na ba sa inyo? I love the east coast!

Iba rin ang beauty ng Annapolis. Alam ko, pang-turista yung mga pinuntahan ko, pero yung mga sights already tell you a story of how the old American people probably lived during those centuries. It has a special character of its own. Feeling mo talaga baka maya-maya eh makasalubong mo si pareng George Washington or yung tropa ng mga pumirma ng Declaration of Independence. So kaka, diba?

O sya… Tigilan na muna ang wentong turista. Mega-linis kami ni Bossing bukas at in need of a cleaning na ang house is a home namin. May matching planting bahay-kubo style pa siya din bukas at harinawang tapos na nga ang pollen season at nang hindi sya humahatsing ng matindi twing pumapasok sya ng balay. True lang, nakakaloka kapag nahatsing yang si Bossing. Mistulang may scat na ala-Al Jarreau na kasama. Eh ok sana kung paminsan-minsan lang. Pero kapag dire-diretso na akala mo long-playing na plaka, parang ikaw na ang mapapagod at talaga namang parang gusto mong mag-vaccuum sa garden nang ma-vaccuum na lahat ng pollen sa mundo!

Nektaym naman ulit. Da kontinuwing istory ng bakasyon ni Bossing. Destination: Noo Yok!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 15318 beses ng 2910 bisitors)