Litratong Pinoy – Lugar

66/365 days of blogging.

Ang Federal Hill

Ito ang Federal Hill sa Baltimore City.  Sabi nila, mayayaman lang daw ang makakatira dito.  Hindi ganun kalalaki ang mga bahay, kung tutuusin para lang silang mga apartment,  pero dahil sa lokasyon,  mahal ang mga bahay dito.  Ang Federal Hill Park and pasyalan at ginagawang jogging spot ng mga tao dito.

(Nakita 67990 beses ng 12025 bisitors)

Artes Huwebes – Livebrush Doodling

49/365 days of blogging.

Si Lovely at Si Sef

Ang bilis ng araw, nag-Huwebes na ulet!  At artehan tayo ulet!

Naalala nyo ba nung sinabi kong gagawa na ako ulet ng mga drawings sa Wacomm Tablet ko dahil may nakuha akong Bamboo Dock na application?  Huwell, sinubok-subok ko ang mga applications sa Dock.  Hindi pa ako masyadong nakakagamay, pero naaliw lang akong mag-doodle.  Sinasanay ko lang ulet ang hand-eye coordination ko.  Kasi nga hindi mo talaga pinagmamasdan ang kamay mo habang gumagalaw ito kasi sa monitor ka nakatingin.

Ineexperiment ko lang yung Livebrush na application.  Nakakaaliw yung mga decorations nya.  Pero I’m sure, marami pa akong hindi pa nadidiskubre kasi minsan, gusto kong ibahin yung background, gusto kong ibahin ang strokes.  Hindi pa abot ng huwisyo ko ung mga ganung kaeklatan nya.  Pero aliw pa rin sya.

Chynna en Coco

Sinubukan kong paglaruan yung mga picture-elya ng mga sisteraka.  Kasi nga doodling lang muna aketchiwara.  Mistulang kunwari nagtetelebabad lang ako tapos may hawak akong ballpen at papel at ikot lang ng ikot ang ballpen ko sa papel.  Mga ganun lang ba.  Andyang lagyan ko ng bagong buhok si Sef o di kaya nagtae raw yung red ballpen  ko.  Mga ganung kachorvahan lang.

Di bale, nek taym, mas maganda na.  Tumitingin ako ng mga gallery ng livebrush, ang gagaling nila!  Wish me luck, harinawa, ipagkaloob ni Lord na gumaling din aketch.  Ang sarap ng Artes Huwebes talaga!

(Nakita 65774 beses ng 11143 bisitors)

Litratong Pinoy Challenge

39/365 days of blogging.

(Grabe, talo Ravens kagabi.  Nek taym di na ako talaga manonood.  Malas ata ako…)

Gusto ko na ulet bumalik sa pagkuha ng litrato.  Sa tutuo lang, ang daming beses na gusto kong kunin ang camera ko at kumuha ng mga magagandang litrato na tulad ng dati pero hindi ko nagagawa dahil sobrang nag-busy ang lola nyo.

Kaya simula ngayon, magkukukuha ako ulet ng litratiks.  At ang unang ginawa ko eh sumali ulet sa Litratrong Pinoy.  Kaya twing Lunes, yan ang challenge ko sa sarili ko – maghanap o kumuha ng litratong isasali ko sa weekly challenge nila.  Tulad nito…

Kuha ko ito nung nagpunta kami ni Bossing sa Virginia.  Wala lang.  Nagbakasyon lang kasi purgang-purga na kami sa snow.  Nagkataon may trans show nung araw na nagpunta kami sa Virginia Beach.

So ito ang unang entry ko (pagkatapos ng pagkaaaaaaaaaahaba-habang panahon) sa kanilang “Bukas” Theme for the week.

Ang Bukas Na Kotse

(Nakita 13340 beses ng 3080 bisitors)

Oi, Little Christmas Tree

37/365 days of blogging.

Naghahanap ng puno

Grabe ang lamig!! Naknangtokwa! Eh fall pa lang, ah! Thirty-two degrees farenheit! Nagpapatawa ba? Bakit parang gusto ata ni mader neyture na talunan ang fall at gusto na nyang mag-winter. Nagmamadali?? May nag-aantay na taksi? Kaloka!

Hemingweys, hindi naman yun nakapigil sa amin ni Bossing. Tumuloy pa rin kami ng Home Depot para bumili ng puno na pang-Christmas tree. Pangalawang taon na namin ito. At may dagdag na decor kami this year, bibili din kami ng ilaw para sa puno sa labas at may parol na kami na binili nga namin sa Pinas na akala namin muring na. Nung sinabi ko sa mga batchmates namin nung HS na natawaran pa namin at naging P900 na lang, pinagtawanan kami at mahal pa rin daw yun kasi maliit lang naman ang parol namin. Pakshet.

At ang nanalo...

Pero di bale na. Masaya pa rin kami. $20 lang yun no. Aangal pa ba??  Napag-isip-isip ko nga, dapat pala bumili pa ako ng isa pa, or mas malaki.  Kapag nasa Pilipinas ka kasi parang ang mahal na nun kasi marami ka na ring mabibili sa ganung halaga.  Pero kapag andito ka na ulet at iko-convert mo sya, dun mo marerealize na, pucha, eh dapat pala dalawa na binili ko.  Katulad nga ngayon… Pero ok lang. Nektaym…

So ayun nga, go-sago kami sa Home Depot para sa aming annual Christmas Tree picking.  Actually, may bilihan din ng puno dun sa kanto naming vacant lot pero sabi ni Bossing mas sariwa raw kasi ang mga puno sa Home Depot kaya dun na lang kami.

Pagpasok pa lang namin dun sa may lot ng Home Depot ng mga puno, ang bango-bango – pine fresh scent. Kasi nga puro pine tree (obviously, diba?).

May iba’t-ibang klaseng mga pine tree dun – may douglas fir, colorado spruce, scotch pine, at kung anik-anik pa.  Ang actually gusto kong klase yung fraser fir kasi mas maganda ang mga needles nila, pero pinakamabango at pinakamura ang douglas fir kaya yun ang binibili namin.

Ang sandamakmak na mga douglas fir

Kapag namimili kami ng puno, ang gusto lang namin yung mga 5.5 ft. hanggang 6 ft. lang kasi mababa ang kisame namin.  At hindi masyadong mataba kasi nga maliit lang ang house.  Pero ang nakakaloka kasi sa puno kapag nilagay mo na sa stand, nalagyan mo na ng trimmings at decor at nakabagsak na ang mga dahon, at nilagay mo na sa tuktok ang tree top, parang lumalapad at tumatangkad pa rin.  Kaya ang pinipili ni Bossing yung maliit lang talaga.

Nakakaaliw ang pagbili ng puno kasi pagkatapos mong mamili sa dami ng mga puno sa  lote, dadalhin mo sya dun sa mga taong nagaapyos ng pinakailalim ng puno – tatanggala ng ibang mga branches at ile-level ang pinakapuwit para kapag nilagay mo sya sa stand, tutuwid ang tayo.

Ang Tree Packer

Pagkatapos ayusin ang puno, idadaan na sya sa isang machine na magbabalot na sa kanya.  Aliw yun kasi pagdaan sa bilog nakabalot na ng net ang buong puno, ready for take-out.

Ang iba, sa taas ng kotse nila nilalagay ang mga puno nila.  Very traditional yun.  Nakakatuwa kapag nakakakita ng ganun.  Nung time na yun, ang dami naming nakikitang galing ng Home Depot na may puno sa bubong ng kotse nila.  Pero kami ni bossing sa loob ng kotse nilagay.  Natakot kami kasi baka magka-gurlis ang kotse atsaka hellers, kapag nahulog yun sa daan, bubuhatin namin?? Kakahiya, cause of delay ng buong madlang pipol sa highway.  Wag na lang, kaya…

So nung pinasok sa kotse, malalanghap mo ang bango ng puno.  Very Christmas-y ang feeling.  Mas lalo na kung nakikinig pa kayo ng Christmas carols sa radyo.  Pag-uwi nilabas ko na lahat ng mga decor at nagsimula na akong mag-ayos ng puno.  Siguro mga 12:30 ng gabi na rin ako natapos – shet, pitong oras, magmula pagbili hanggang sa matapos.  Alam nyo naman ako, may O-C disorder (hahahaha) kaya gusto ko masinsin ang mga ilaw.  Ilaw pa lang ata, isang oras na akong naglalagay.  Tapos ang mga angels, christmas balls, christmas chords at ribbon.  At ng matapos ako, napabuntong-hininga ako, at nasabi ko sa sarili ko, “Yup, I did it again…”

Merry Christmas Na!!

Bukas ang parol naman.

(Nakita 14872 beses ng 3385 bisitors)

Eh Kanino Pa Ba Ako Magmamana??

34/365 days of blogging.

O, December 1 na!  Ang tindi diba?  Any monument pasko na.  Parang nakakainis na nakakapraning.  Hindi pa ako ready, Isabel!!!

At ang pinakasign na nagbabadya na ang Pasko?  Kapag gumagawa na ng mga electronic postcards ang syupatiders kong si Greta.  At dahil galing siguro sa bagong mga digiscrap nya ito, nagpadala sa facebook ng sampol.  So siempre, inasar ko.  At sumagot naman.  At itong mga two-liners lang naming dalawa, dun mo na malalaman, malaki talaga ang sira ng mga ulo ng buong angkan namin.  At take note, normal na usapan lang yan.  Hindi pa talaga nagj0-joke yan.

(Pero ok na rin ito… kesa naman para kaming tele-novela na puro drama at iyakan na lang.  Keri na ‘to, ‘teh.)

Ang pinakitang picture
Ang walang kakwenta-kwentang sagutan

Ps.  At ang inang ha… “boxes are coming” daw.  Ano naman, maglalakad???

(Nakita 15747 beses ng 3494 bisitors)

Goldilocks, Dreadlocks

33/365 days of blogging.

The dreaded dreadlocks

Ang mga itim (African-American, kung tipis nyong maging politically-kerek), iba ang texture ng mga buhok.  Sa kanila nga nauso ang afro, hindi ba?  Kasi by nature, hindi malambot ang mga buhok nila, actually ang katulad nya, eskoba.  Sa true lang yun.  Walang OA. 

Bihira lang sa kanila ang may buhok na katulad ng asian – yung tipong pang-pantene na commercial.  Eh meron pa ngang shampoo dito na pang-itim lang talaga.  Kasi nga iba sila.

Kaya sila, iba-iba ang ginagawa sa buhok.  As in itirintas, sadsarin (kahit mga babae) lagyan ng wig ang mga ulo, at kung anik-anik pa. 

One time sa bus, may umupo sa harapan ko na lalaking naka-dreadlocks.  Yung mga buhok na pinagsasama-sama at akala mo mga uod.  Hindi ko na napigilan ang sarili ko na titigan ang buhok nya.  Kasi nga hindi pa ako nakakita nun ng malapitan. Kaya kinuha ko ang iphone ko ang kinunan ko ng pic.  Isip ko, “ahhh… ganito pala itsura nito.  parang uod na tinubuan ng buhok ang buong katawan”. 

Pramis.  Like dat talaga. 

ARRGGGHHH Sinusugod na ako ng mga uod!!!!

Pero medyo may amoy ang buhok nya.  Hindi mabaho pero alam nyo yung amoy na sobrang tinding pabango na masakit sa ilong?  Ganun sya.  Hindi malakas ang amoy, pero amoy pa rin.  Kumbakit naman kasi ang sinasabi nila, kapag raw kasi nakaayos ng ganito ang mga buhok nila, hindi pwedeng araw-araw liguan.  Eh sabi sa dreadlocks.com, hindi naman tutuo yun.  Kaya ayun, para hindi majoho, kung anik-anik ang nilalagay nila sa buhokelya nila.  ‘Kakaloka. 

Pero diba, aliw tingnan? Talagang hindi matapos-tapos ang tingin ko sa buhok nya.  Parang any monument, tatayo sila at sasagpangin ako kasi ang rude ko at tinititigan ko sila.  (With maching kuha pa ng picture!)

I love my commute life talaga…

(Nakita 15832 beses ng 3267 bisitors)

Sobrang Gandang Divas

31/365 days of blogging.

Ang dalawang diva!

So yun nga, nanood kami ng concert ni Lani Misalucha at Vice Ganda sa Hippodrome nung Linggo.  In fairness sulit yung bayad namin kasi sobrang tawang-tawa kami at hangang-hanga sa galing nilang dalawa.  Ang hirap din ng ginawa nila kasi pangatlong leg na kami ng East Coast nila – una ang Chicago, pagkatapos ang Toronto.  Siempre, kung galing ka ng Pinas, hataw pa yun sa jet lag and all.  (Pero on second thought, kung kumita ka naman ng sandamakmak na kwarta dahil dito, sus, papayag na ako sa jet lag, no…)

 Actually, kapag iniisip ko ang logistics, wala namang lugi talaga ang artista kapag mga ganitong raket eh.  Ang knows ko nga, based sa experience ng shupatembang ketch, hindi umaakyat ng stage ang mga yan ng hindi kumpleto ang mga bayad.  Kaya nga in the olden days, may mga nasusuba rin na mga produ kasi binayaran na’t lahat ang mga jortista, pag minalas ka sa kinuha mo, hindi aapir.  Kaya ang ginagawa nila ngayon, 50% lang ang down payment, at pag nakita mo na sa concert day itself, dun mo lang ibibigay ang huling bayad.  Patas.  At kahit na nga malugi pa ang promoter o ang produ dahil wala masyadong tiket sales o sponsors, hindi pa rin lugi ang jortista.  Bayad sila kahit na anung mangyari.  At ang masakit pa, kung hindi magaling ang performance ng jortista, ang promoter pa rin ang minalas kasi baka hindi na sya makakuha ng ibang shows sa uulitin.  

Ang sarap ng harap na harap!

 Hemingweys, hindi naman yan ang case ng show nila Vice.  Sobrang galing ng script, ng mga kanta, ng mga damit nila.  At dahil nasa unahang-unahan ako (dahil hindi nakasama ang asawa ni Myra) talagang ultimo panty ni Vice, kitang-kita ko.  Si bossing at si mudaks nya, nasa second row sa likod namin.  Dapat dun ako uupo pero since hayok ako kay Vice at Lani, tiniis ko munang hindi katabi ang jowa ko.  

 At sa sobrang lapit namin, na-alaska pa ako ni Vice.  Kaloka talaga si bakla.  At ang mga punchline, ang bilis talaga ng utak.  Halata mong matalino.  Sa tutuo lang, hindi ka pwedeng maging magaling na stand-up na komedyante kung wala kang utak.  Kasi paano kang sasalo ng mga usapan kung hindi ka mabilis mag-isip ng joke.  Para sa akin, yung bilis na yun mag-isip ng katatawanan, gift yun.  Hindi lahat may ganun. 

I love this shot! (Kuha ni Bossing!)

 Pero kung nakakaihi si Vice, nakakasira naman ng ulo ang boses ni Lani M.  Leche, wala na ata… as in wala na talagang babaeng singer ngayon na makakatulad sa boses ng bilat na ito – mas lalo na sa Pilipinas.  Grabe… ang mga maninipis, makakapal, matataas, mababang mga nota, walang kasayad-sayad, walang palpak.  Pero hindi bumibirit.. hindi masakit sa tenga. Walang sinabi sina Regine, o yang sina Charice at Sarah.  Sya talaga ang tutuong DIVA.  Wala nang iba. 

 Kaya sulit.  Sulit talaga.  Nung kinuwento ko ito kay Inang, naalala daw nya si Lani nung hindi pa ito sikat.  Mga 10,000 years ago nung nasa That’s Entertainment pa ang syupatembang ko.  Kinuha raw nila itong kumanta para sa production number ng Thursday group.  Ang sabi pa ni Inang, yun ata ang first time na lumabas si Lani sa TV.  O diba, bongga.  Pero hindi sila ang nakadiscover kay Lani ha… At that time, hataw na hataw na sya sa pag-gawa ng mga multiplex and all and it was just a matter of time na makikilala na sya.  Kaya lang ang sarap isipin na at one time, nung hindi pa sya ganun kakilala, kilala na siya ni syupatembang.  

O diba, background lang ang Viceral

Si Vice?  Wala akong konek sa kanya maliban sa inasar nya ako sa concert kasi nga sobrang tawang-tawa ako sa jokes nya, mukha raw akong ina-ano.  Lecheng bakla!  Pero lab ko sya.  Altho nung meet and greet (na naging hit and run na photo-op lang), hindi na namin sila nakausap.  Paano nga pinatayo lang kami sa likod nila, kinunan ng picture, tapos yun na.  Wala na.  Sabagay, pagod na sila.  Ako man ang tatlong araw nang ngumagawa, puyat pa ako, may jet lag pa.  Kamustahin naman.  Kaya ok lang.  Hindi naman yun ang importante.  Ang mas ok yung binigyan nila kami ng sulit na show.  What’s more, kasama ko pa ang mga Florence Nightingales kaya ang sarap :)

Pagkatapos ng show, bumalik kami kina Myra para kumain ulet.  Kasi nga birthday nga ng lola ko kaya tinuloy namin ang naunsyaming kain ng alimango at ang cake na sobrang sarap.  Ang saya talaga. 

 Ayan. Wala lang. 

 Napagkukwentuhan lang. 

Ang photo op na hindi pa kinunan lahat ng tao. Kaloka!

(Nakita 24112 beses ng 4217 bisitors)

Cake Pops!

30/365 days of blogging.

Cake Pops!

Nalagay ko ba dito na gagawa ako ng cake pops na sinuggest sa akin ng aking syupatembang na si Minicake (a.k.a. Patring).  Nakita nya ito sa site ni Bakerella.  Actually, maraming websites na nagpapakita ng mga instructions kung paano gumawa nito kaya wit ko na ilalagay ditech kasi, hellers, mag-goggle na lang kayo.

Kaya pakitaan ko na lang kayo ng mga picturelya ng mga ginawa ko.  Aliw syang gawin atsaka ang bilis lang. Kaya gagawa pa ako nito.  Praktis pa lang itech.

At ang sarap nya ha!  Itong batch na ito, devil’s food cake ang ginamit ko na cake.  Sa susunod gagawa ako ng angel’s food cake atsaka red velvet cake para may variation. Atsaka gagamit ako ng ibang pang-decor kasi madikit yung nilagay kong icing eh.

Type nyo ba?  Order na lang kayo sa akin. Hehehehe.

(Nakita 16891 beses ng 4083 bisitors)

Fall Na

29/365 days of blogging.

Goodbye, mga dahon...

Fall na. Actually simula last week, nagbabagsakan na ang mga dahon sa paligid namin. Pero dahil huling naglabasan ang mga dahon ng mga puno namin nung spring, huli din syang naglalagas ngayon.  Last in, last out.  So ngayon, wala nang mga dahon ang mga puno namin.

Nagsisimula na ring lumamig ng lumamig.    Kaninang umaga nung sinundo ko si Bossing sa trabaho medyo chilly na sa labas.  At dahil nga black friday, naisipan namin ni Bossing na magpunta ng Best Buy at bilhin na yung home theatre system na gusto namin.  Fifty percent off, san ka pa?? At para mas maganda ang panonood, bumili ako ng dalawang bala ng blue ray.  Pagkatapos nun, umuwi na kami at sinet-up na namin.  Pero hindi pa ganun kaganda ang itsura kasi nga kailangan pa ng HDMI cable.  Sa tutuo lang ha, hindi ba harang yun na hindi pa kasama sa buong sistema ang mga magandang kable.  Harang.  Kakainis.

Hemingweys, dahil may josok pa si Bossing sa trabaho nya, hindi pa kami bumili.  Madali na lang naman yun.  Baka next week pag wala na syang pasok.

Nung hapon, naisip ko, kailangan ko ng boots kaya go-sago naman ako sa Macy’s habang tulog si Bossing.  Nakabili ako ng dalawang pares sa halagang – dyarannnnnnnn  $81!  Ang galing, diba? Kung hindi black friday, aabutin ako ng almost $200 para dun sa mga yun.  At para hindi mayamot si Bossing, may dalawa akong boots na ibibigay ko na sa junakis ng prenship namin kasi nga ka-paa ko sya.  At baka kasi totohanin na ni bossing na dalhin ang mga japatos ko sa goodwill.  Kakaloka!!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 15848 beses ng 3498 bisitors)