Kapamilya Beauty, Kapuso!

O eto, hindi dahil sa nasa bakuran nila ang syupatiders ko, pero for some reason iba ang projection ng mga Kapamilya stars sa TV kesa sa Kapuso.  Paano ba i-e-explain…

Kung napapanood nyo ang Channel 2 at Channel 7, parang iba ang quality ng registration sa screen ng mga artista ng Channel 2.  Paras mas pino, mas may glow ang mga mukha.  Quality ba ng broadcasting? Pero bakit sa Eat Bulaga, na nasa Channel 7, gandang-ganda ako kina Julia, Pauleen at Pia?  Dahil ba outside production ang Eat Bulaga?

Tulad na lang  ni Iza Calzado.  Maganda naman sya talaga.  Crush nga ata ni Mylabs ko yun eh.  Pero parang mas gumanda sya nung lumipat sya ng Channel 2.  Parang naging sosyal ang aura.

Si Jessica Sanchez kaya? Kapamilya o Kapuso?

Pero ha hindi lahat ng artista sa Dos eh uma-aura.  May mga artusta sila na hindi ko talaga feel kahit na nga ang ganda ng quality ng broadcast nila. Mas lalo na yung mga bagets na walang K.  Nganga!  At may mga magagaling naman na mga artista sa Siete.  Yung magkakapatid at magpipinsan na galing sa angkan nila Cherrie Gil, Mark Gil at Michael de Mesa – yan gusto ko sila.  Si Alessandra de Rossi, gusto ko.  Si Lovey Poe, gandang-ganda ako.  Marami din…

Altho, aminado, mas magaganda ang storya ng mga tele-novela sa Kapamilya network.  Hindi ko sasabihing sobrang wala nang maipipintas sa mga storya at dialogue ng mga soap opera nila, kasi may mga flaws din ang mga istorya minsan at nakakarinig din ako ng mga corny na scripts.  Pero true lang, taob na taob ang Kapuso sa kanila.  Altho, gusto ko ang Legacy ng Channel 7 atsaka yung dating Beauty Queen.  On the other hand, ayaw ko ng Wako-wako ng Dos.  Ganun ba…  Nakakasawa na kasi minsan ang mga plots and turns na ginagawa ng Siete.  Pare-pareho.  Pati yung mga characterizations nila, parang very stereotypical.  I really wish medyo magka-reality check ang mga writers nila kung anong dekada na ba tayo.

Kahit ang mga showbiz talk shows, mas magaling ang Dos.

Ang maganda sa Siete, ang mga news and information shows nila.  Mas interesting ang mga topics, mas masinsin ang mga detalye.

Kaya ako, hindi pwedeng isang Filipino channel lang ang meron sa TV namin.  Kulang kapag wala yung isa.  Pero eto na, ang station ID ng Channel 2 na talagang tuwang-tuwa akong panoorin sya.  (Kahit nga sa station ids, pwera na lang dun sa video ng Siete ng mga newscasters nila, mas maganda pa rin ang sa Dos)

Take note lang ha… yung eksena ni Piolo simula 3:06 hanggang 3:19… iba yung pantalon ni Piolo bago nagdive sa tubig, iba yung shorts pag-dive nya (which means baka hindi sya, siempre, yung nag-dive) at iba pa rin ang shorts nya pag-ahon nya sa tubig.  Edting lang…

(Nakita 42567 beses ng 7467 bisitors)

Sa Paligid-Ligid

Ang mga nagaganap sa pali-paligid at kung ano naman ang masasabi ko.

1.  Nag-IPO na ang Fezbuk.  Kaloka, bakit hindi ako bumili ng stocks nila???  Pero on sekontot, parang hindi naman ata magtatagal ito kasi unang araw pa lang ng public offering nila, $0.23 lang ang itinaas tapos ngayon 9% na ang binaba.  “Dud” nga ata ang Fezbuk IPO eh

2.  Patay na si Donna Summers at Robin Gibb.  Tumatanda na nga ata ako… lahat ng mga idol at paborito kong mga personalities, paisa-isa, natsutsugi na sila.  Hindi ko keri!!  Wala na ang tinaguriang Queen of Disco at ang natitirang Gibb na lang ay si Barry… at si Janno (Salamat Mark Serrano sa joke, mwahahaha!)

3.  Boycottin daw si Lady Gaga.  Hindi raw kasi naaayon ang mga kanta.  Labag daw sa Diyos ang mga kanta nya.  Andyang idedemanda pa raw nila si lola.  Hellers, eto na naman sila.   Bakit ba tayo may “selective censorship”?  Bakit, ang pangongotong, ang pag-nakaw ng kaban ng bayan, ang pagkakaroon ng mga kabit at maraming asawa ng mga pulitiko, hindi ba kasalan din sa Diyos yan?  Bakit hindi yang mga pulitikong pulpol nayan kaya ang idemanda nila??? If I know, sumasakay lang sila sa katanyagan nil lola para mapag-usapan sila.

4.  Sana manalo si Jessica Sanchez sa American Idol. Deserving naman sya eh.  Altho kung tatanungin nyo ako, at opinyon ko lang ito, ang galing ni Jessica ng pagkanta, in-born na sa ating mga Pinoy na magkaroon ng ganyang exceptional na talent.  Ang kulang ng mga singers natin, bonggang exposure sa international market at manager na backers at managers na katulad ni Oprah at David Foster.  Hindi ba, Charice?

5. Palabas pa rin ang Every Breath You Take ni Angelica Panganiban at Piolo Pascual. Na kasama si Smokey Manaloto.  Siempre, kailangan i-plug ko!

Yun na!

Bow.

O, ayan... showing pa rin sa sinehang malapit sa inyo

(Nakita 42570 beses ng 7281 bisitors)

Pinoy Celebrities and Twitter

Spoof Twit ni Marian

Naalala ko yung panahon nung hindi pa artista ang kapatid namin at nakiki-usyoso lang ako sa balitang artista (mga panahong 80s).  Sa akin nun, parang milya-milya ang layo ng mga artista – ikanga ng kanta ni Joey Albert – “You’re a star, a million miles away from me”.  Napapanood mo lang sila sa TV at pelikula.  Naririnig mo lang yung mga kanta nila sa radyo.  Nababalitaan mo lang ang buhay nila sa mga magazine na tulad ng Kislap at yung nababasa mo eh kung ano lang yung gusto nilang malaman ng publiko.   Kapag paminsan-minsan na nakikita mo sila sa mga mall at sinehan, kilig na kilig ka pa kasi nga nakakita ka ng artista!

Nung pumasok na si syupatiders sa showbiz, unti-unti, nakakakilala na ako ng mga artista sa personal na level.  Nakakasama ko sila, nakakatawanan, nakakatsismisan.  Minsan, may mga gimik pa na kasama sila.  Dun ko narealize, ay, tao din sila – may mga feelings din, umiiyak din, nalulungkot din, kumakain ng kinakain mo, umiinom ng iniinom mo.  Pero may privacy pa rin.   Hindi lahat ng bagay pinapakita sa mga fans, hindi lahat ng iniisip sinasabi sa harap ng mga tao.  At kahit nga kami, minsan kalkulado rin ang galaw pag sa harap ng ibang tao na hindi namin masyadong kilala – kasi nga sabi ng nanay ko, kahit papaano, dala namin ang pangalan ng kapatid ko.  Mapulaan kami, pati sya pwedeng makitaan ng mali.

Spoof Twit

Lately, may mga isyu tungkol sa artista kaugnay sa mga sinasabi nila sa Twitter.  Hindi naman lahat, pero may mga artista kasi na sobra-sobra pa sa dapat na sabihin ang tini-tweet.  Parang akala mo, ang ka-usap lang eh mga kaibigan lang nila at nasa loob sila ng dressing room sa studio.  Di ko alam kung aware ba sila o talagang sinasadya nila, na yung mga twits nila minsan personal na.  Yung ibang artista akala mo laging naghahanap ng basag-ulo, laging war freak, lahat ng ibang artista inaaway.  Ang iba naman, may sasabihin sa twitter, tapos maya-maya ireretract.  Parang yoyo.

Marami ring sumusunod sa mga twitter accounts ng mga artistang ito ang sobra na rin bastos.  Dahil hindi nila tunay na pangalan, at nakakapagtago sila ng tunay nilang katauhan sa internet, kung makapanglait, magkomento, parang hindi nag-aaral.  Na kung sa kanila gawin yung ginagawa nila, puputok siguro ang bulkan sa galit nila.

Spoof Twit

Kaya hindi ko rin masisis ang mga artista kung lumaban sila sa mga nambabastos sa kanila, kasi nga tao lang sila, nasasaktan.  Pero kung ako kasi sa kanila, wag na silang mag-twit din kasi ng sobra pa sa dapat na ilabas nila sa publiko.  Kung hindi nila kaya ang mga nambabastos, wag na silang sumali sa social networking.  Kung hindi nila kayang mag-restrain ng mga sarili nila sa mga sasabihin nila, na nagmumukha na silang mga palengkera, magkipagchat na lang sila sa YM o sa Facebook chat.  OR katulad nga ng ginagawa ng iba, bino-block na lang yung user, or dedma sa baranggay ang drama.  At dun naman sa mga taong sumusunod sa kanila, baka naman pwedeng kung wala na silang magandang sasabihin, wag na silang magsasalita.  Tutal hindi naman siguro magiging kawalan sa buhay nila kung hindi na sila magrereact o hindi sila manlalait.  Minsan kasi, feeling ko, itong chumochorvang mga taong ito, feeling nila, kapag nanlait sila ng artista para na silang mas mataas na uri na nilalang sa ginagawa nila.  Kasi nga naman, artistang hinahangan ng mga tao, eto at naaalipusta nila to the high heavens.

Spoof Twit

Kung ako ang tatanungin ninyo, yang mga social networking sites na yan, nakakaalis ng misteryo ng mga artista.  Ok lang ako na gamitin nila ito na pang-promote ng mga shows nila, ng mga pelikula nila. Ang maglabas ng mga nakakatawang bagay, o mangalap ng suporta para sa kawanggawa, payag ako dun.  Kasi malakas talaga ang hatak nila sa tao.  Matagal nang napatunayan yan.  Pero yun nga, sana hanggang dun na lang.  As much as sinusundan ko ang mga tweets ng iba sa kanila, (oo, dahil likas akong tsismosa), kapag sobra-sobrang kung ano-ano na ang nilalabas nila tungkol sa sarili nila, in a way, natu-turn off na rin ako.  Kasi nga, artista sila eh.  Dapat kahit na sandamakmak ang mga fans at araw-araw may fans day sila, para na rin sa respetong ibibigay ng publiko sa kanila, kailangan may misteryo pa ring nababalot sa pagkatao nila.  Ikanga, familiarity breeds comtempt.

Diba?  Kasi, otherwise, kanino na lang idededicate ang kanta ni Joey?


(Nakita 27786 beses ng 4964 bisitors)

Flashback Friday

43/365 days of blogging.

Ang Isa sa Pinaka-kilalang Pose Ni Shaun Cassidy

Ok.  Flashback Friday ulet tayo!  Grabe, naka-isang linggo na magmula ng unang episode ng FF?  Ang bilis talaga ng panahon.  Baka mamaya, pag-gising ko, sitenta anyos na pala ako.  Kakaloka!

Hokey, dahil napaguusapan natin ang edad, eh magreminisce tayo nung kabataan natin (aruuuuuuuuuu!!!).

Eh di siempre, mga last punggol ng dekada sitenta, mga dose-trese na ako nun.  Uso na sa amin nun ang mga “crushes”.  Pero ang matindi sa amin nun, yung naloloka sa mga teen idols na jameyrikan.

Sus, kilalang-kilala namin nun ang Teen Beat, Tiger Beat, 16 pati na ang TV Times.  Yun ang mga bibliya namin nun kasi nga dun kami nakakakuha ng balita tungkol sa mga idol namin.  At ang mga mainit na mga boylets nun sa amin?  Si Shaun Cassidy, Leif Garrett, Scott Baio, Andy Gibbs, etc.

Kaya 2nd year high school ako nun, ang labs na labs ko si Shaun Cassidy. As in lokang-loka ako dun.  Lahat ng pwede kong bilhin sa naipon kong baun ko na mga magazine na local na andun sya buysung ko. Mereng maubos ang baon.  And take note, wala akong masyadong baon nun.  Pati mga 33 rpm na LPs (as in plakang long-playing album), meron ako nun.  Hindi ko nga maalala paano ako nagkakaroon nun, eh kung mga apat na album nya, meron ako.  Eh mahal din ang album nun ha.  Hindi ko alam kung niregalo ba sa akin ng mga magulang ko at mga tyuhin at tyahin ko, pero meron ako nun.

At siempre pa, dahil fan ako ni Shaun Cassidy, suki ako ng “The Hardy Boys” nila si Parker Stevenson.   Kapag ipapalabas na yun sa TV, nakatutok na ako.  At selosa ako nun, ha.  Ayokong may mga kapartner syang babae.  Di ko feel.  Parang kinakaliwa ako nun. Hehehe

Leif Garrett

Basta alam ko nun, halos lahat ng kanta nya, alam ko.  Memorize ko yun.  Mereng, masira na ang mga plaka ko, paulit-ulit ako nun na tinutugtog sila.  At dahil may mga magazine akong napapadala ng tyahin ko nun, nakikipag-swap pa ako ng mga posters ng ibang artista nun kapag may tine-trade silang mga litrato din ni Shaun.   Uso sa amin yun.

Kung tutuusin, siguro si Shaun ang puppy love ko nun.  At sobrang puppy love yun.  Makikpag-away ako sa mga fans ni Leif Garrett.  Kasi nga pinagpipilitan nilang mas gwapo si Leif kay Shaun.  Eh hellers, nung mga panahon na yun, mga mga kuha syang mukha syang masyoho.  At ang balita pa nga, nung bumisita dito si Leif at nag-guest sa Student Canteen nun, may putok raw.  At yun ang lagi kong pinang-aasar sa mga fans nya nun.  Eh siempre, si Shaun, mabango. (Kahit walang makapag-patunay na mabango sya).  Like that talaga.

At ano ang gustong-gusto ko kay Shaun?  Ang buhok!

Eto na lang tingnan nyo.  Hindi ba naman kayo maloka sa lalakeng ito??? Eh kaya nga heartthrob ang tawag sa kanya, diba?



(Nakita 17604 beses ng 3716 bisitors)

Sobrang Gandang Divas

31/365 days of blogging.

Ang dalawang diva!

So yun nga, nanood kami ng concert ni Lani Misalucha at Vice Ganda sa Hippodrome nung Linggo.  In fairness sulit yung bayad namin kasi sobrang tawang-tawa kami at hangang-hanga sa galing nilang dalawa.  Ang hirap din ng ginawa nila kasi pangatlong leg na kami ng East Coast nila – una ang Chicago, pagkatapos ang Toronto.  Siempre, kung galing ka ng Pinas, hataw pa yun sa jet lag and all.  (Pero on second thought, kung kumita ka naman ng sandamakmak na kwarta dahil dito, sus, papayag na ako sa jet lag, no…)

 Actually, kapag iniisip ko ang logistics, wala namang lugi talaga ang artista kapag mga ganitong raket eh.  Ang knows ko nga, based sa experience ng shupatembang ketch, hindi umaakyat ng stage ang mga yan ng hindi kumpleto ang mga bayad.  Kaya nga in the olden days, may mga nasusuba rin na mga produ kasi binayaran na’t lahat ang mga jortista, pag minalas ka sa kinuha mo, hindi aapir.  Kaya ang ginagawa nila ngayon, 50% lang ang down payment, at pag nakita mo na sa concert day itself, dun mo lang ibibigay ang huling bayad.  Patas.  At kahit na nga malugi pa ang promoter o ang produ dahil wala masyadong tiket sales o sponsors, hindi pa rin lugi ang jortista.  Bayad sila kahit na anung mangyari.  At ang masakit pa, kung hindi magaling ang performance ng jortista, ang promoter pa rin ang minalas kasi baka hindi na sya makakuha ng ibang shows sa uulitin.  

Ang sarap ng harap na harap!

 Hemingweys, hindi naman yan ang case ng show nila Vice.  Sobrang galing ng script, ng mga kanta, ng mga damit nila.  At dahil nasa unahang-unahan ako (dahil hindi nakasama ang asawa ni Myra) talagang ultimo panty ni Vice, kitang-kita ko.  Si bossing at si mudaks nya, nasa second row sa likod namin.  Dapat dun ako uupo pero since hayok ako kay Vice at Lani, tiniis ko munang hindi katabi ang jowa ko.  

 At sa sobrang lapit namin, na-alaska pa ako ni Vice.  Kaloka talaga si bakla.  At ang mga punchline, ang bilis talaga ng utak.  Halata mong matalino.  Sa tutuo lang, hindi ka pwedeng maging magaling na stand-up na komedyante kung wala kang utak.  Kasi paano kang sasalo ng mga usapan kung hindi ka mabilis mag-isip ng joke.  Para sa akin, yung bilis na yun mag-isip ng katatawanan, gift yun.  Hindi lahat may ganun. 

I love this shot! (Kuha ni Bossing!)

 Pero kung nakakaihi si Vice, nakakasira naman ng ulo ang boses ni Lani M.  Leche, wala na ata… as in wala na talagang babaeng singer ngayon na makakatulad sa boses ng bilat na ito – mas lalo na sa Pilipinas.  Grabe… ang mga maninipis, makakapal, matataas, mababang mga nota, walang kasayad-sayad, walang palpak.  Pero hindi bumibirit.. hindi masakit sa tenga. Walang sinabi sina Regine, o yang sina Charice at Sarah.  Sya talaga ang tutuong DIVA.  Wala nang iba. 

 Kaya sulit.  Sulit talaga.  Nung kinuwento ko ito kay Inang, naalala daw nya si Lani nung hindi pa ito sikat.  Mga 10,000 years ago nung nasa That’s Entertainment pa ang syupatembang ko.  Kinuha raw nila itong kumanta para sa production number ng Thursday group.  Ang sabi pa ni Inang, yun ata ang first time na lumabas si Lani sa TV.  O diba, bongga.  Pero hindi sila ang nakadiscover kay Lani ha… At that time, hataw na hataw na sya sa pag-gawa ng mga multiplex and all and it was just a matter of time na makikilala na sya.  Kaya lang ang sarap isipin na at one time, nung hindi pa sya ganun kakilala, kilala na siya ni syupatembang.  

O diba, background lang ang Viceral

Si Vice?  Wala akong konek sa kanya maliban sa inasar nya ako sa concert kasi nga sobrang tawang-tawa ako sa jokes nya, mukha raw akong ina-ano.  Lecheng bakla!  Pero lab ko sya.  Altho nung meet and greet (na naging hit and run na photo-op lang), hindi na namin sila nakausap.  Paano nga pinatayo lang kami sa likod nila, kinunan ng picture, tapos yun na.  Wala na.  Sabagay, pagod na sila.  Ako man ang tatlong araw nang ngumagawa, puyat pa ako, may jet lag pa.  Kamustahin naman.  Kaya ok lang.  Hindi naman yun ang importante.  Ang mas ok yung binigyan nila kami ng sulit na show.  What’s more, kasama ko pa ang mga Florence Nightingales kaya ang sarap :)

Pagkatapos ng show, bumalik kami kina Myra para kumain ulet.  Kasi nga birthday nga ng lola ko kaya tinuloy namin ang naunsyaming kain ng alimango at ang cake na sobrang sarap.  Ang saya talaga. 

 Ayan. Wala lang. 

 Napagkukwentuhan lang. 

Ang photo op na hindi pa kinunan lahat ng tao. Kaloka!

(Nakita 24106 beses ng 4217 bisitors)

Dyaram-dyaram Dya-dyaram!

28/365 days of blogging.

Thanksgiving day ngayon. Busy akong magluluto kaya iiwan ko kayo ulet. Pero siempre hindi pwedeng iwan ko ulet ang aking jowa at mudaks (ang dadalawa kong avid readers) ng walang pagkakaaliwan.

Naalala nyo ba itong kantang ito? At ang ever-famous na dance step nya? Kapag napapanood kaya ni Donna itong mga video na ganito, natatawa rin kaya sya? Tinuruan na kaya nya ang anak nya ng dance step na ito na pinasikat nya?? Dyaram-dyaram talaga!



(Nakita 12231 beses ng 3074 bisitors)

Thursday Group Ngayong Araw Ng Miyerkoles

27/365 days of blogging

Mamimili ako ng mga kailangan ko pa para sa Thanksgiving bukas kaya busy ako ngayon. Pero dahil ayaw ko namang iwan ang mga readers ko – dadalawa lang sila – ang dyowa ko at mudaks ko, eto na lang ulet (maaaliw si madir ditech).

That’s Entertainment anniversary show nila. Circa 90 ito. Harinawang maaliw kayo. Andyan ako nyan at nasa backstage. Kakaloka… Naalala ko ito kasi talagang lahat ng Laser Disc (oo, laser disc ang uso nun) ni Kuya Germs na pang-Disney, hiniram ni shupatembang para magresearch. Pati mga costumes talagang siniguro na parehong-pareho sa pelikula. Partikular talaga si shupatiders pag sa ganun. Kaya Winnie Santos sila nito.

Wala lang ulet… *Ay, at buhay na buhay pa si Rudy Fernadez ditech…*



(Nakita 14106 beses ng 3201 bisitors)

Where’s Da Par-teh???

26/365 days of blogging.

Parang gusto ko nang umuwi.  Last day ng pasok namin itong linggong ito.  Bukas, service reduction day, sa Huwebes, Thanksgiving, sa Byernes, Black Friday.

Kumbaga sa palengke, matumal ang benta.  Pero hindi naman pwedeng umuwi ng maaga.

Hay naku, mag-che-check na lang nga ako ng mga Black Friday ads sa internet.

… walang kwenta rin itong entry na ito.  (hehehehhe)  Eto na lang ang panoorin ninyo.



(Nakita 11920 beses ng 2956 bisitors)

Ang Ganda, Diva?

24/365 days of blogging.
Ang Baltimore Poster ng Ang Ganda, Diva?

Wala akong ibo-blog.  Nag-iisip na ako ng outfit ko para sa concert ni Lani Misalucha at Vice Ganda mamaya.  Maglilinis pa ako ng kusina at magtitiklop ng damit habang natutulog muna si bossing.  Magkikita-kita ang mga barkading na mga Florence Nightingale mamayang tanghali bago kami gumorra lahat sa Hippodrome.  May kainan kasi birthday din ng isang magandang babaeng itatago na lang natin sa pangalang Myra Aung!

Excited na ako.  Nasa pangalawang row kami sa Hippodrome sa gitnang-gitna mismo. Sobrang saya itong gabing ito, for sure.

Maraming pictures.  Paki-abangan na lang…

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 16639 beses ng 3624 bisitors)