8th Win Para Sa Pambansang Kamao!

16/365 days of blogging.

Nag-doubt ka ba ever na Winnie Santos siya?

As in, really, pumasok ba talaga sa isip mo everlu na malu-Luz Valdez sya? 

Wala.  Wala sa hinagap na uuwi syang luhaan sa Pinas at magluluksa ang buong sambayanang Pilipino.  Ever.

Andun sya sa rurok ng kalusugan, ng kanyang porma.  Hindi talagang pwedeng matalo.

Congratulations sa Pambansang Kamao!!! Congratulatons, Cong. Manny Pacquiao!! Ikaw, no doubt, ang best boxer of our lifetime!

O, Kongreso na ulet… hehehehe



(Nakita 13047 beses ng 2925 bisitors)

Tigilan Na ang Krumping!

13/365 days of blogging.

Sana wala nang Krumping. Parang awa nyo na!

Nung una, aliw na aliw ako sa Showtime ng ABS-CBN.  Ang novel kasi ng idea.  Parang level up ng Saturday Edition ng That’s Entertainment o yung mga group performances/contests na ginagawa sa mga eskwelahan twing may talent’s night.  Kahit nga kami ni Bossing talagang yun ang pinapanood namin kapag naaabutan namin sya pag uwi namin pagkasundo nya sa akin sa trabaho.

Kaya lang lately, uyam na uyam na ako.  Puro na lang Krumping!  Alam nyo yung sayaw na laging galit na galit, padyak ng padyak, hiyaw ng hiyaw.  Tapos ang mga itsura nila puro mga nagngi-ngitngit ang mga ipin at akala mo laging natitibi at hindi matae.  Feeling mo tuloy, lagi ka ring galit atsaka sumasakit na ang ipin ko kasi lagi akong prang stressed at tensyonada.  Sa tutuo lang, sa una, ok lang.  Pero hellers, ilang buwan na, puro na lang ganun, puro na lang ganun.  Nakakasawa na.  I’m sure, hindi lang naman ako ang ganito ang reaksyon.  KAsi umuungos na naman ang Eat Bulaga.  Ibig sabihin, ang madlang pipol, hindi na rin masaya. Lumilipat na ng ibang channel.

At feeling ko ramdam ng production staff nila na parang hindi na sila ang nauuna sa ratings.  Kasi kung anik-anik na mga bagong portions ang nilalagay nila, pero hindi maganda.  Nawawala na yung orignal essence ng show.  Hindi ako naaaliw din sa mga nagsa-sampol na mga audience.  At hindi ako naaaliw sa contest na sampol.  Panyet.

Nung umuwi ako sa Pinas, gusto ko lang manood nun kasi gusto kong makita sina Anne at Vice at gusto kong magpakuha ng picture (bilang fan lang).  Pero the show, hindi ako talaga ganun ka-excited.  Unfortunately, hindi ako naipasok ni bradir sa show kasi nga sobrang dami raw ng tao dun. Ang hirap pumasok.  Sabagay, hindi naman nakabawas sa bakasyon ko.  Nakita at nakakwentuhan ko si Aga Muhlach.  Ok na yun.  MWahahahahaha!!

At irony of it all, kapag nagju-judge si Vice, lagi nyang sinasabi na nagsasawa na sya sa mga ganung style, wala namang mga bagong steps.  Pero hellers, yun pa rin ang laging nanananalo.  So paano titigil ang mga contestants na magsayaw ng ganun kung winner pa rin sila pagkatapos ng show?  Labo, diba?

Kaya hindi na muna ako manonood ng Showtime.  Mag-isip muna sila ng ibang production numbers.

(Nakita 12535 beses ng 2784 bisitors)

Tele-Novela

9/365 days of blogging.

Juana Eat A Banana? (Photo courtesy of PhilStar)

Nagbago ba ang programming schedule ng GMA at TFC?  Kasi bakit naaabutan ko nang panoorin ang mga telenovela nila sa madaling-araw?  O ako lang ba ang nagigising ng sobrang aga na ngayon?

Kasi magmula ng bumalik ako galing ng Pinas, nagigising ako ng alas kwatro ng umaga at napapanood ko tuloy ang Koreana, Grazilda, Beauty Queen, Ilumina.  Not to mentnion for some reason updated na rin ako sa Immortal at Juanita Banana. 

Ergo, alam ko na tuloy ang mga istorya nila.  Kakaloka!!

Speaking of tele-novela, tama bang patayin si Louie sa Magkaribal??? Bakit??? That was so unnecessary!  Sa tutuo lang, hindi ko napanood ang Magkaribal habang nasa Pilipinas ako.  Nayamot ako ng pinahaba ang istorya.  En besides, mas mamatamisin ko pang mag-greenhills, mag-shoemart at mag-divi kesa umupo sa balay at manood.  Andun ang priorities ko, keri??  Pero napanood ko last week ang last episodes ng Magkaribal. (Kaya nga alam kong chinapter nila si Louie…).  At dun natapos yun.  Ok lang… Naiyak ako sa reunion nilang magkapatid.  Pero ok na rin.  Mas maganda sya kesa sa ibang telenovelang kasabay nya.

Si Ate (Photo courtesy of GMA TV website)

Ang tawang-tawa ako ngayon, yung Juanita Banana.  I have to admit, pinapanood ko sya dahil kay Bekimon.  Atsaka naaaliw kasi ako kay Bianca Manalo.  Ok na rin sa funny factor.  Pati istorya, ok pa naman.  Hindi nakakainis at hindi nakaka-baba ng intelligence (oo, meron naman ako kahit konti.  Tsk, sobra…).

At aamin na ako, kaya lang ako nanunuod ng Koreana kasi inaabangan ko lang ang paglabas ni Ate na mabait sa tutuong buhay at hindi katulad ng character nyang si Madam Sandra. Labs ko yan si ‘teh, eh.  BFF nga ni Greta yan.  Sila ang laging magkatelebabad.   Sila-sila ng syupatiders kong si Ringo ang laging nagkikita.  Pati si Gela na dyunakis nya, labs ko na rin kasi funny atsaka labs nya si Sef namin.

Kaya nga kahit na gusto ko pang matulog kapag nagising ako ng alas kwatro ng umaga, hindi ako makatulog kasi baka lumabas sya.  Wala lang, namimiss ko lang sila.

(Nakita 20038 beses ng 3758 bisitors)

Shembot Na!

6/365 days of blogging.

Patawa talaga itong pinapauso ng Eat Bulaga.  Aliw na aliw ako dun sa shembot nila.  Ang catchy kasi ng tono tapos patawa talaga yung sayaw.  Wala lang, nakaka-engganyo shumembot.

Marami na silang pinagawa nito sa Eat Bulaga pero ang pinakapaborito ko ung kina Aljur na version ng sayaw. Atsaka siempre yang kina Bossing, funny lang kasi. hehehehehe

Hemingweys, walang makatalo talaga sa Eat Bulaga. Matatanggal sila sa no. 1 spot for awhile pero bumabalik at bumabalik pa rin sa unahan ng pwesto. May sa-salamanka ata etong sina Bossing at Joey. Kahit na anong gawin ng kahit na anong channel na katapat nila, hindi pa rin nila mapatumba ng husto ang EB. Kahit na saang channel pa mapunta ang Eat Bulaga. Ilang taon na ba sila sa ere? 31 years??? Grabe. Pero tama, 14 pa lang ako, Eat Bulaga na yan sila. Sa tutuo lang nagkaroon din ng show ang syupatiders ko na tumapat sa Eat Bulaga. Nag-parehas din sila sa rating, pero wala pa rin.

Sa ngayon, babalik at babalik pa rin ako sa Eat Bulaga. Wala eh, wala pa rin kasing makapantay sa sense of humor ng mga tao dito. Iba talaga…

Maturuan ngang shumembot si Bossing ko, hehehehe…

(Nakita 9577 beses ng 2372 bisitors)

Showbiz Lang

4/365 days of blogging.

O tutuo pala talaga ang sinabi ni Mahal na bading ka?

Showbiz na kwento lang.  Mga nakakainis at nakakatawang mga isyu lately.

Una na itong si Jimboy na Jimgirl na ngayon na lumabas ng naka-damit babae sa The Buzz.  Katawa-tawa na lang sana. Feeling BB Gandanghari lang?  Kaya lang nainis ako ng sinabi nyang siguro sa kakalive-in nya sa mga bakla, ‘nahawa’ na sya sa kabaklaan nila.  Binara tuloy sya ni Tito Boy A. na hindi sakit ang pagka-bakla  na nakakahawa.  Anuba, lahat ng true-blue baditch, sasabihin na hindi naman nakakahawa ang pagkabading.   So iisipin mo bang tutuo sya?  Cheapenix.  Ang panget ng gimik…

Si Janice Jurado nag-guest naman sa Pilipinas Win na Win.  Umiiyak sya dahil may stigma na sya sa lahat ng tao na addict sya.  Lahat na lang daw ng tao yun na lang lagi ang sinasabi at hindi na sya pinagkakatiwalaan kasi nga addict daw sya.  Sympathetic ako, ha… pero kasi siempre minsan hindi mo maaalis sa mga tao na hindi magtiwala mas lalo na kung paulit-ulit, palagi-lagi ganun ang eksena.  Mahirap talagang ibalik ang kumpyansya sa iyo.  Pero sana nga tutuo na ngayon na talagang nagbago na sya.  May panahon pa.  May chance pa sya.  Yung nakuha nyang pera sa Win na Win, sana nga gamitin nya sa mabuti. Gudlak.

Bakit ba kapag humihiwalay o hindi na nirerenew  ng artista ang kontrata nya sa manager nya, bakit ginagawan ng isyu?  Bakit laging pinepersonal?  Business lang naman yun, diba?  Kung natulungan naman ng manager ang isang artista, eh may nakuha naman silang kumisyon sa mga binigay nilang raket sa mga alaga nila, diba?  Di ko kasi maintindihan yung sobrang reaksyon ni Annabel Rama nung hindi na nag-renew si Heart Evangelista.  Pareho lang naman silang nakinabang sa relasyon nila, diba?  Kahit yung pag-alis ni KC Concepcion sa dati nyang manager na si Shirley Kuan iniintriga.  Mabuti na lang grasyosa naman si Shirley Kuan at hindi sya Bitter Ocampo.  (Dahil ba Star Magic ng ABS-CBN ang kausap nya at mahirap kalabanin ang ABS??)  Pero mabalik kay Heart Evangelista.  Feeling ko, may mas malalim na rason bakit umalis si Heart sa kwadra ni Annabel at may rason balik angry si Annabel.  Feeling ko lang…

At ano ang masasabi ko sa mga celebrity twitters na fino-follow ko:

  • Ang taray talaga ni Kris Aquino sa twitter account nya.  Biruin mo, wala syang fina-follow na ibang tao pero 402,169 ang followers nya.
  • Si Kay Brosas, nakakatawa ang mga twits.
  • Si Ogie Diaz, funny ang twits kasi very witty ang mga sagot nya.
  • Si Jim Paredes, mga mapupulot ka ng mga thoughts sa twits nya.
  • Si Chokoleit, ok lang.  Minsan funny, pero minsan hindi.  Masyado nya rin kasing sineseryoso ang sarili nya.
  • Si Ton Hanks, nakakatuwa kasi may mga videos siyang kasama sa twit nya at maririnig mo boses nya over the video. Parang friend mo lang sya.

(Nakita 15951 beses ng 2913 bisitors)

Magkaribal

57/365 days of blogging.

Alam nyo, inis ako sa tele-novela ng ABS-CBN na Magkaribal. Nakakainis sya, ha!

Nakakainis yung mga suot ni Gretchen Barretto na mga damit. Sobrang nagmamaganda! Oo nga’t maganda sya, kailangan bang i-enhance pa ang ganda nya ng mga designer na mga damit??? Ano, nireremind na lang ba nya ako palagi na hindi dyosa ang kagandahan ko at kelan man, hindi magiging?

Not to mention, nakakainis din ang mga sapatos nyang nagmumurang mga Chanel at mga Prada at mga anik-anik pang high fashion. At sobrang nanlilimahid sa Hermes ang mga eksena nya. Nakakapikon!

Nakakayam din yang si Angel Aquino. Sobrang nagmamagaling. Kung makatirik ng mata sa galit parang kakain ng tao. Masyadong conniving, masyadong insecure, masyadong mapang-lait.  Parang ang sarap sabihan ng, “Anoba, eh diba nga pinatay mo nanay nya!  Inagaw mo tatay nya!  Ano naman ine-expect mo, maging mag-bestfriend kayo???”  Bilang brat lang naman pala!

At isa pa yang si Erich na yan ha. Ang mga coiffure sa mga events, sobrang sosyal! Mapagmataas (kasi sobrang taas ng hair)! At ang mga Chanel na mga bag nya – lagi na lang ba syang naka-Chanel??? Nakakairita-belles!

At oo, kahit na mahirap ang labas ni Bea dun, inis pa rin ako sa kanya! Hellers, nakita nyo ba yung episode na rumarampa sya sa catwalk?!?!? Anuyun???? Masyado naman syang nagmamaganda dun sa suot nya na damit. Eh hello, mistulang kung debutante ako, iinggitin pa nya ako kasi mga ganung klaseng damit ang gusto kong isuot. Anuba, mang-inggit pa ba???

At ang mga outfit nya. Oo nga, hindi couture, pero mayayamot kang isipin na saan naman kayang ukay-ukay o tindahan sa Divisoria meron nun??? Pati yung accessory nya na malalaking mga bulaklak na mga brooches, ano, meron sya nun pero wala pa akong nakikita nun dito? Feeling jetset, ganun??? Nakakainis naman talaga!

Ang mga babaeng yan, sobrang rumatsada ng mga damit at mga bag at sapatos! Kailangan bang sumasalipadpad ang mga gawa nila Jojie Loren, Inno Sotto, Ivarluski Aseron, Frederick Peralta, at Michael Cinco?  Inno Sotto????  Frederick Peralta???? Kailangan talaga sumobrang haba ng buhok nila sa kakarampa sa TV? Sobra na talaga!

OO nga pala, yan pang Derek Ramsey na yan! Feeling ba nya, dahil sa gwapo sya, ganun na lang syang rumampa sa mga eksena na nakahubad pa! Anuba, mistulang nang-aakit ng babae??  Hindi na nga ako tumitingin, no! Nagkaka-kasalanan pa ako sa dyowa ko ng lagay na yan!  Nakakapang-init ng laman!

At kailangan relate-table lagi ang storya, ganun? Kailangan realistic ang takbo ng mga eksena? Hello, kelan pa nangyari yun sa history ng telenovela na parang tutuong buhay ang mga nangyayari?  Na iisipin mo, oo nga, pwedeng mangyari yan… Kelan pa naging hindi ilusyonado ang isang tele-serye? Kelan pa?!?!?!?!

At ipapahamak pa ako ng show na yan!  Mistulang kailangan mapanood ko sya sa youtube ng iPhone ko kaya kahit sa trabaho, nasisilip ko sya. Pang-ilang episode na nila ang pinapalabas nila??  Nakaka-16 episodes na sila!  Alam ko yun dahil mabilis pa sa alas singko na nag-u-upload yung pineborit ko pang user channel sa yuchubelles.

Hellers, kung telenovela nga ng syupatiders ko, hindi ko alam ang number kapag pinapanood ko!  Nakakahiya!  Kelan pa na tumutok ako sa telenovela na wala dun ang kapatid ko. Kelan pa???? 

Leche, tama na nga!  Manonood pa ako ng episode 17 sa channel ni Bunjoyz sa yuchubelles.   Ano na naman kayang kulay ng Hermes ang ipapakita ni Barretto?? Sumosobra na sya talaga!

(Nakita 41130 beses ng 6728 bisitors)

Samo’t-Saring Mga Wala Lang (The 2nd Chafter)

46/365 days of blogging.

perez_hilton_52281sWala Lang #5 Makulong kaya si Perez Hilton dahil sa walang kagatol-gatol na pag-labas nya sa Twitter account nya ng feekshur ni Miley Cyrus na wala raw pan-teh sa salang child pornography daw?  Eh kasi naman sa sobrang gustong magpaka-sensational, hindi na naisip na disi-siete lang ang katikaterang bida ng Hannah Montana. Eh ngayon ang sabi nya, may pan-teh naman raw, at gusto lang nyang pagsabihan ang bagets.  Hello, nanay ka ni Miley, ‘teh?  Feeling moral upholder ka, lola? Anuba, aminin na lang kasi na ginawa mo yun para lumakas lalo ang blog mo.  Naman, noh.  Eh di ngayon mas lalo nang nalukring ang badetch kasi nagpull-out ang ABC sa pag-bayad ng header banner nya sa blog nya.  Luz Valdez!

At si Miley?  Baka feel lang ng baklita na mapreskuhan.  Hmmm… wit ko atang feel tumabi sa lukersha kasilag kapag nag-blow ang hanging amihan.  Baka himatayin ako sa malanghap ko.

Wala Lang #6 Kapag nakakakita ako ng ibon, kinikilig ako.  Hindi yung kilig na parang nakita ko si Lloydie o si Binoy at niyakap ako.  Eto yung klase ng kilig na kinikilabutan ako at diring-diri ako!

Black_Vulture_1Tuwing umaga na hinahatid ako ni Bossing papasok sa opisina, dumadaan kami ng I97.  Ang kagandahan sa daan papuntang Annapolis, mapuno at marami pang mga lugar na hindi pa nababalahura ng tao.  Ilang beses na yan na nakakakita kami ng magagandang mga ibon – wren, heron, stork, hawk, falcon, eagle.  Jokot na jokot ako sa ibon mas lalo sa malapitan.  Pero may mga ibon na nagagandahan naman ako sa itsura, wag mo lang ilalapit sa akin, otherwise freakout ako. Minsan nga, litrato pa lang ni hindi ko mahawakan, hindi ko matingnan.

Yung mga ibon na nakita ko sa highway, mga panyet.   At marami sila, parang magbabarkadang Justice League of America.  Kahapon nung mapagmasdan ko yung isa habang mabagal ang traffic sa highway, ‘taragis, vulture ang itsura na itim ang ulo.  Leche, kinilig ako sa diri.  As in kahit ngayon na naaalala ko sila, parang may paa ng ibon na tumatapak sa likod ko paakyat-pababa ng spine ko.  Shet?!?!!?!?!  ‘Nyeta!

Kaya ang $6M question ngayon, kung syokot ako sa ibon, piano kaya kami go-go-sago ni Bossing sa Vatican sa Roma nek yir kung afreyd nga ako?? Pwede bang mahiram ang pope-mobile ng Papa habang andun kami???

Wala Lang #7 Conversation namin ng kaibigan kong si Vecky habang nag-hahagilap kami ng mga pictures ng dyunakis nyang maganda para sa 18th birthday nung bata.

Aketch: (habang hawak ang isang picture ni bagets nung bata pa sya) Eto, ilang taon sya dito?

Vecky: Ah… mga 10 sya dyan.

Aketch: (Humawak naman ng ibang litrato pagkatapos i-file ang unang litrato) Eto, mas bata sya dito, ilang taon?

Vecky(Pagkatapos mag-compute ng date na naka-print sa litrato) Hmmm… 8 ata sya nyan.

Aketch: (Hawak ang isang sanggol na picture) Ayy…. eto… baby sya dito???

Vecky: (Tiningnan ako, hindi sumagot)

Aketch:  Hindi, ‘teh… 18 na sya dyan, nagbabataan-bataan lang sya.  (Ako na rin ang sumagot sa tanong kong walang kakwenta-kwenta)

Vecky(sa thought balloon) Parang syu-syunga itong kaibigan ko minsan.  Maganda sana…

(Nakita 21678 beses ng 4643 bisitors)

How Cool Is This????

42/365 days of blogging.


Talagang napaliit na ng internet ang mundo.  Yung mga feeling mo super out of reach, ayun at makikita mo in their most casual moments.

Isipin nyo, isang super-dooper-megastar (hindi si Mega), mababasa nyo ang mga nasa isip nya, makikita nyo ang ginagawa nya sa labas ng mga pelikulang ginagawa nya, maririnig nyo ang boses na hindi scripted ang sinasabi.

Tom Hanks.

One of the actors I love sooo much.  Nasa Twitter, nasa MySpace.  Ang galing, diba?  It makes you really believe, tao din sila.  May buhay din pala sila sa labas nung nakikita mo sa TV at pelikula.

I know, si Ashton Kutcher at Britney Spears milyon-milyon ang mga followers sa twitter. Follower nga rin ako ni Ashton. Pero hindi ako ganun ka-thrilled eh.  Iba pag isang Tom Hanks ang parang barkading mo lang na nag-u-update sa iyo ng mga activities nya for the day.  Wala pala kaming pinag-iba.  Alam din nya ang TwitVid at TwitPic, parang ako.  Kakaaliw.

I love the internet!

(Nakita 18955 beses ng 3617 bisitors)

Tama Na, Willie!

36/365 days of blogging.

resign
Photo from "LET WILLIE REVILLAME RESIGN ON ABS-CBN!!!" page on Facebook

Nakakainis na. 

Nung una, may nilabas akong entry tungkol kay Willie nung nagka-aberya sya sa pagkamatay ni Tita Cory dati pero  dahil sabi ng board of censors ko eh masyado raw akong brutal, tinanggal ko yung entry. 

Pero this time naman siguro, pwede na akong magsalita. 

Walang masama na magkaroon ng konting pride… mas lalo na kung alam mong may malaki kang “achivement” (kung achivement ngang matatawag na maraming nanonood ng Wowowee, dahil nagpapa-kalat ng pera), pero meron ding oras para mag-pakita ng pagmamalaki at merong style ito na hindi ka magmumukhang sobrang yabang.

Ang ginagawa ni Willie na pag-announce niya thru Wowowee ang kanyang pagbibigay ng ultimatum sa ABSCBN na pinamimili nya ang management between him and Jobert Sucaldito eh isang  pagpapatunay na nilalagay nya sa alanganin ang management.  At pagwawalang bahala ng respetong dapat ibigay sa mga taong nagpapakain sa iyo, kahit na nga ba ang laki ng inaakyat mong pera sa kanila.  Eh in the first place, mangyayari bang dumami ang pera mo, kung hindi ka rin naman binigyan ng show? 

Hindi ko sasabihin na hindi sya dapat mag-demand.  Wala akong kebs kung feel nyang mag-demand.  Kanya-kanyang trip yan.  Kung feeling nya tama sya at nasa estado sya para magdemanda ng gusto nyang mangyari, eh di gawin nya sa isang meeting.  Bakit kailangang i-ere?  Dahil ba feeling nya, pag hindi pinaalis si Jobert, ang sasabihin ng publiko, napakasama ng ABS at nag-akyat na nga ng milyong-milyong pera sa kanila, hindi pa nila binigyan ng pansin ang request ni Willie?  Na walang utang na loob ang ABS sa kanya?  Dahil sa na rin mismo ang nagsabi “Nananawagan po ako sa management ng ABS[-CBN]. Wag niyo naman hong payagan na tinitira ‘yung show natin. Ang laki ng kita ng ‘Wowowee’ para sa ABS. Mamimili na kayo. ‘Pag hindi ninyo ‘yan tinanggal ako ang magre-resign dito sa ‘Wowowee.”

So dahil ang laki ng pinapasok na pera ng Wowowee, kailangan siya ang masunod at tanggalin si Jobert? 

I am not siding with Jobert, kebs ko dun.  Altho he has the democratic right to air his opinion, as long as hindi naman sya nambabatos.  Pero kung ang tingin mo nga sa sarili mo eh giant star ka ng network, papatulan mo ba ang isang “ga-kuko nga lang siguro ang perang pinapasok” na empleyado ng station?  Kahit naman pagkatagal-tagal na syang sinisiraan ni Jobert, eh mere naman? Kung hindi naman nagma-matter ang opinion nung tao at alam naman nyang hindi naman malaki ang clout nun, bakit binibigyan ng pansin?  Willie doesn’t know which battles he need to fight.  Iharap mo naman sya sa isang Joey de Leon, wala naman syang masabi.  Naiipit ang ba*ag nya.  So katulad lang ng format ng show nya, ang kaya lang nyang patulan at pagtawanan at gawing object ng mga pang-iinsulto nya eh yung mga maliliit na tao.

Kaya ako, member ako ng page na ito. Sana kayo rin mag-member na.  At basahin nyo na rin ito.

Harinawa, wag na syang bumalik.  Hindi lang naman sya ang nag-aakyat ng pera sa ABS, kahit na ba malaki ang inaakyat ng show nya.  Sus, mawawala ba ang ABS kapag nawala si Willie?  I don’t think so…  Andyan pa rin naman si Kris Aquino, ah!  :P

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 21543 beses ng 4197 bisitors)