Goodnight…

In mourning ako ngayon…

Two icons of my generation.  Farrah will always remain the beautiful Farrah to me with her never-to-be-forgotten poster-pose na naka-red na swimsuit.  And her hairdo na talagang sobrang ginagaya ko nung bata ako.
 
And Michael… 
 
Even with all the weird stuff they were saying about Michael, I always had a defense for him.  He had a magnificent life… but a very sad one.  Tsk…
 
I guess, if God would’ve asked me, I would also choose that He take him like He did – fast, sudden.  Living up to his icon image.  I don’t think I could take to hear news that he was suffering or in much pain… hindi si Michael yun.  This is how he really should go. (Altho in disbelief pa rin ako… hindi ko pa rin mareconcile.)  I always had this secret wish inside me that he would surpass all these negativity that surrounded him.  Na one day, aangat sya ulit.  Na hindi pa sya tapos – mamahalin sya ulit ng tao.   Na hindi ka weirdong titingnan kapag sinabi mong “I love Michael Jackson.” 

I guess, in a way, dininig ang dasal ko – now people choose to remember him for the greatness he was.   For the genius he will always be.
 
God, I’m really gonna miss Michael Jackson.  OA man, naluluha ako talaga while I write this.  
 
And like when Mike Francis and Francis Magalona died, buong araw akong makikinig ng mga Michael Jackson songs ko today.
 
Ps.
Isnt’ it weird… first, si Mike Francis, then si Francis Magalona, kahapon si Michael Jackson.  Naghanap ng kadamay si Mike Francis – mga kapangalan nya.

At seryus nga ako, English halos ang buong entry na ito…

(Nakita 26945 beses ng 5261 bisitors)

Vacation’s All I Ever Wanted

O sya… nadiscover ko na pwede palang unlimited upload sa multiply kaya dun ko na lang sa multiply account ko in-upload lahat ng mga pictures namin ng vacation namin sa Virginia. Marami akong gustong isulat kaya lang medyo pagod pa ako sa kaka-Farm Town sa FezBuk kaya ito na lang muna ang tingnan nyo. hehehehe…

Gusto ko lang sabihin na sobrang saya namin ni Bossing nung bakasyon namin na yun. Relaxing kasi… walang pressure. Nun ko lang nakita ang asawa ko na trested na rested. Nakapag-picture taking ng sobra. Reflected sa mga pictures nya yung focused na focused ang mind nya sa pagkuha ng mga litrato. Very rare yun for him. Madalas kasi yan, laging akala mo nagmamadali sa isip nya. Kaya masaya ako nun. Hindi sya preoccupied with anything else. Na-enjoy nya yung moments na early in the morning, mag-isa sya ng naglalakad sa boardwalk at kuha lang sya ng kuha ng litrato. Karamihan ng mga beach pictures dyan, kuha nya. (Pwera ata dun sa nasa beach kami at nagbababad sa araw… yun lang ata ang mga kuha ko).

Yung sa Williamsburg, pareho na kaming kumukuha ng mga pictures. Enjoy na enjoy din kami dun kasi very historical naman yung isang araw namin na yun.

I would love for us to go on another vacation na kaming dalawa lang ulit. Altho enjoy naman kami ng may mga kasama kaming mga kamag-anakan at mga kaibigan, minsan iba pa rin yung kayong mag-dyowa lang ang lumalabas. Ako? Talagang savored ko yung bakasyon namin na yun. I would think that this is probably one of the best vacations I’ve had with him. Msaya ako na nakita ko syang masaya…

O sya, klik nyo na lang ito for the pictures…

(Nakita 44414 beses ng 7173 bisitors)

Bilib Yu Mi, Ay Em A Gerl

Bago ang lahat gusto ko lang sabihin…

Woohoo!!! Nasa Google List na kami ulit!!!! Thanks the God!!!

Ok, pagkatapos kong tumalon-talon sa tuwa, balik tayo sa mga kwento.

Ano nga ba…

Isip…

Isip…

Isip…

Alam nyo, madalas, kapag hindi ako nakaharap sa laughtaff ko, ang dami-dami kong naiisip na isusulat. Pero kapag hinarap ko na ang blog ko, nawawala syang parang bula. So is-tsufid! Ang hina na talaga ng memorya ko. Hindi na kasi ako kumakain ng mani (Side note: diba sabi ng mga masyo-syonda, kapag nag-aaral ka raw, ngumuya-nguya ka ng mani para raw gumana ng husto ang jutakis mo at madali mong makabisa yung mga kinakabisa mo.)

Hemingweys, eto na.. bumabalik na sa akin yung isa sa mga gusto kong isulat.

Si Bb Gandanghari.

I love this bi-atch! Nung buhay pa si Rustom, hindi ko sya feel talaga. Pakiramdam ko kasi, nuon pa, parang may kulang sa karakter ng lulurking itech. Parang x-factor na hindi mo ma-explain. Tapos pa nga, kwento pa ng isang kaibigan kong itatago ko na lang sa pangalang Eufemia, na schoolmate ni Rustom sa SLU sa Baguio, na sumali nga raw ng isang gay beauty pageant nun si Rustom sa Bagiuo. Add to that, may mga chismax na nga na naglilipana na bayotipul girl nga raw talaga sya. Kaya nga shock-ka-khan ako nung malaman kong bi-ep na siya ni Carmina at after eh nag-pakasal pa sila. Sukdulan ang pag-hide-and-seek na drama ng reyna-closeta.

Hemingweys, that was then. Ikanga ng lola nyo, “Rustom is dead. BB is here to stay.” Pumalakpak talaga ako ng todo-todo nung pinapanood ko ito sa The Buzz. Feeling ko, happing-happy ako sa kanya kasi finally nagpakatutuo na sya. Grabe, ang hirap siguradong lumabas ng aparador mas lalo na kung puro kaya bradugul ang mga syupatiders mong lalake at direktor pa ng action movies ang faderaka mo. Mistulang magpaka-thumbelina para dumaan sa butas ng karayom at mag-out sa mundo!

Ganun kahirap yun. Pero isipin mo din kung gaano kahirap na humarap ka sa salamin araw-araw at tinitingnan mo ang sarili mo na alam mong hindi ikaw yun. At hindi mo mailabas ang tutuong ikaw kasi takot ka sa sasabihin ng tao, moreso, sa sasabihin ng pamilya mo.

Kaya naman talagang masaya ako para sa kanya – sa guts, sa willpower at sa beauty within (huh? naging parang commercial ng Lux). At kongrats sa kanya, nagpakatatag sya at sinabi nya sa mundong, HELLERS, WORLD! I AM ALIVE! I AM WHAT I AM! TAKE IT OR LEAVE IT! FLANGGANA!!! Diba, yun lang, mabibilib ka na sa kanya.

Nung sinabi nyang una syang “nag-out sa Diyos”, naniniwala ako sa sinseridad ng mga salita nya. Naniniwala ako sa Diyos na hindi nanghuhusga at alam kung ano talaga ang importante sa buhay. Na mas bibigyan Nya ng importansya ang buti mong nagawa at iniwan sa mundo kesa sa kung ano o sino ka.

Which leads me to the 6 million dollarseseses question ng mga utaw – ano sya? Transgender? Transsexual? Transvestive? Drag Queen?

Hindi!

She is a girl. Moreso, she is a WOMAN.

Welcome to the world, BB Gandanghari… sana maging prenship kita.

The Mysterious, Wonderful, Beautiful BB

(Nakita 13374 beses ng 2785 bisitors)

Mike Francis, 1961 – 2009

Patay na si Mike Francis

Oo, affected ako sa death nya. Sobrang national anthem kaya naming magkakaibigan ang mga kanta nya – “Survivor”, “Let Me In”, “Friends”, “Nighttime Lady”, “Dusty Road”, “Don’t Start Giving Up”, “Features of Love”, “Together”, “Suddenly Back To Me”, “Dreams of a Lifetime”, “Cover Girl”, “Check It Out With The Groove”, “Lovely Day”. You name it, lahat yan may mga memories kami – kanya-kanya atsaka collective.

Landmark of my youth yang si Mike. Nung panahong usong-uso ang mga parties sa Co-re (Corinthian Gardens), Valle (Valle Verde), pati sa Greenhills, talagang hit na hit ang dance floor kapag mga kanta na nya ang tinutugtog. Sya rin ang madalas na maririnig mo sa mga kotseng dala-dala namin nun. Driving music din kasi sya eh. Swabe lang pero klik na klik sya sa amin. Sadly, wala syang concert sa pinas na pinanood ko. Eh piano, nasa Canada na ako nun. At ang mga kaneydyan hindi sya kilala. True-lash, hindi sya kilala sa North America. Big lost for them.

Ano ang pinaka-peborit ko? LAHAT! Pwera OA, LAHAT talaga. Pwede nga akong makinig ng Mike Francis ng paulit-ulit buong araw, at sasayawan ko pa lahat, paulit-ulit din. At habang pinapakinggan ko, reminiscing na lang ako ng mga gimik at artehan naming magbabarkada nung mga panahon na yun. Sa true lang, kapag si Mike Francis na ang pinapakinggan ko, naroromanticize ko na ang kabataan ko – wala na yung lungkot, wala na yung hirap. Ganun ang epekto ng mga kanta nya sa akin ngayon.

At para sa iyo, Mike, maraming-maraming salamat sa lahat ng mga parte ng buhay-bagets namin na nalagyan mo ng soundtrack. Forever ka naming maaalala…

I lab Mike Francis talaga!!! (Hikbi…)


(Nakita 21630 beses ng 5126 bisitors)

Happy New Year Na!

Huli-kaw, 2009 na!

Eh kamustahin naman ang bakasyon ko sa Canada?

We Are Family

Masaya… as in. Nung makita ko ang kapatid ko na inaabangan ako paglabas ko ng eroplano, naluha na ako. Nayakap ko ang itang ko, nabuhat pa nga ako (yes, Santa Klaws, pumayat na kasi ako) Nagkita rin kami ng tyahin ko at ng pinsan ko – nagkita-kita kasi kami dun dahil sinundo naman ng tyahin ko ang pinsan ko na galing ng San Diego. Pag-uwi ko, tuwang-tuwa akong yumakap kay inang. At mangiyak-ngiyak na ako nung biglang-bigla nagsigawan ang mga pamangkin ko, yumakap sa akin habang magkayakap pa kami ng inang ko. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasaya ang puso ko nung makita ko silang lahat.

Be Proud!

Nagkita-kita rin kami ng mga kaibigan ko. Ang mga pukersha kong mga barkada na frawd na frawd ako dahil may kanya-kanya na silang mga major accomplishments. Mga sariling bahay, mga anak, mga magagandang trabaho. Parang kelan lang eh broke pa kaming lahat at pangarap lang ang coach at louis vuitton na mga bag. hehehe

Nagkita rin kami ng isang mabuting kaibigan na itatago ko na lang sa pangalan na “Cecil” at isang kaklase nung high school na itatago ko na lang sa pangalang “Angie”. Pramis, hindi nila mga tutuong pangalan yang mga yan. hehehe

Proud din ako kasi ang daming Overseas Filipino Workers akong nakilala. Mga alaga sila ng tyahin ko na may sarili nang human resources agency sa Calgary. Masaya silang kasama. Mapapalapit talaga ang puso mo sa kanila.

Kung gusto nyo ng mga pictures, hanapin nyo na lang sila sa facebook ko at sa facebook ng syupatid ko.

Ang kulang lang talaga sa bakasyon ko eh si bossing. Kaya naman nung bumalik ako, kulang na lang hindi na kami lumabas ni bossing ng kwarto – kasi nga ang daming pinagkukwentuhan. Kayo, malisyosa ang mga utak nyo!

Hemingweys, madali’t sabi, recharged ako sa pagbalik ko.

In other news, gusto ko pong pasalamatan ang lahat ng bumoto sa akin sa nakaraang contest ng Top 10 Pinoy Expats/OFW Blog of the Year 2008 ng Thoughtskoto. Nanalo ang lola nyo ng 2nd Top Pinoy Expats/OFW Blog pagkatapos ni Apo Jim. At Top Pinoy Expats/OFW Blog sa US en Canada.

Maraming-maraming salamat sa mga judges, sa lahat ng bumoto at kay Kenji sa isang nakatataba ng pusong parangal.

At salamat din sa inyong lahat… panibagong taon, panibagong mga happenings. Maraming salamat sa inyong pagbisita, pag-comment at pagsubaybay. Pangako, mas marami pang kwento sa taong ito :)

(Nakita 30399 beses ng 5920 bisitors)

OO, Inaamin Ko – Member Ako Ng Cucci Gang!

(Kakaloka! Buong weekend, ang template ko ang inaayos ko. At di pa ako tapos ilagay ang lahat ng plugins. Pero mas gusto ko na ito. Harinawang mas magustuhan nyo rin ito.)

OO… ako ang reyna ng Cucci Gang. “Cucci” as in “Cuchina”. Ako ang reyna, preysident, vice-preysident, seykretari, treysyurer, fi-r-o, sargent at arms. Ako rin ang muse at ang escort na rin! Pero, wala akong 70 kiyaw na utang kahit na kaninong afam. Wit rin akong buysung ng shabu (eh pang-rugby nga wala, shabu pa!). Ang tambayan ko, yung pansitan ko na pinalitan ko na ang pangalan ngayon – “Em-bihon-sy”. Vonggah, diba? Pero bukod sa pansitan ko, type na type ko ring kumain sa Andok’s. (Hindi katulad ng iba dyan… uhummmm!)

Wish ko lang gawan din ako ng libro ni Kitty Go. Ava, may K naman akesh – very elitista din naman ako. Di nga lang ako shumashambay sa Bora kasi anditech ako sa yu-es-ey. Pero in fairview, napuntahan ko na rin naman yun. Requirement ang LV na bag, pero pwede na rin ang dyapeyk. Ang Hermes, pwede rin ang hermes-hermes-san. Pero mas maganda kung wala na lang. Sus, kesa mag-buysung ako ng Hermes, buys na lang ako ng bagong car-u – Chedeng… dalawa pa kung type mo. (Yes, Viring, ganun kamahal ang mga lintek na mga Hermes na vag-ey na yan!)

Pero true nga, pramis, peks man, elitista ako! As in, marunong naman akong gumamit ng fork en spoon. Alam ko naman ang kaibahan ng red wine sa white wine at knows naman akong gumamit ng tissue at toilet paper. Inglisera din ako, “as in, like an assumptionista, really!”

Hay naku, pagtakhan pa ba’ng Cucci Gang ako? Eh ang apelyido ko eh Zaragoza nga, from the every famous Familia Zaragoza. Pinsan ko si Jackie Madrigal at si Celine Magsaysay. Fla! May mas sosobra pa bang name-dropping pa dun? Ako si Sienna Zaragoza y Madrigal y Magsaysay. Ang kilay ko nasa high heavens na nga kapag sinasabi ko ang pangalan ko, anovah!

Kaya, OO, sapulin nyo man ako ng mga panlalait nyo, wala kayong magagawa. Wala rin akong magagawa. – Ako ang Cucci Gang! I was born on a silver spoon!

(I hope I get my message across the bridge.)

(Nakita 14973 beses ng 2889 bisitors)

Nothing’s Gonna Change My World

Nag-impulse buying ako nung isang araw sa Best Buy. Kaloka!

Eh piano naman, nung isang gabi, pinakita sa TV yung isang commercial ng “Across the Universe”. Eh naaliw ata ako dun sa mga kanta, na-impulse akong bumili nung video at nung soundtrack album. Anobah! Tama ba yun?

Pero in fairview, maganda naman ang video at ok na ok naman ang soundtrack. Eh sus, Beatles kaya yun, ano? Pero magaganda rin naman ang mga versions nila. Ang naaliw pa kami ni bossing, yung isang girlash sa pelikula, pinay! Yung nag-akting ng Prudence dun palikuliks na ang true na namesung eh TV Carpio. Dyunakis sya nung Teresa Carpio na kilalang singer sa Jongking na ang fathersung eh Pinoy na ang fangalan eh Fernando. Hmmmm… Fernando Carpio. Dynanap ko sya sa internet. Eto nga ata sya.

Ang galing, diba? At ang ganda ng boses ni TV Carpio. Kaya naman proud ako kasi sumasalipadpad na naman ang kapa ng pinay. Sobrang haba ng buhok natin, davah?

Eniweys, balik sa pelikula, medyo nakakawindang sya. Feeling mo para syang isang napakahabang psychedelic trip. Yung tipong, tame ang umpisa, tapos kumukulay, o nagiging collage ang mga eksena, tapos makulay ulit, tapos kakalukring ang mga fifol kasi nagso-song en dans, tapos paunti-unti naging tame na naman sya, parang sasabayan ang pagbaba ng amats mo.

Ganun ang tripping ng pelikula. Pero ok pa rin sya. (Akshuli, nakakaaliw yung nagsa-psychedlic ang kulay.) Tapos appear din si Bono, Joe Cocker, Selma Hayek at si Eddie Izzard. Eh nung pinanood namin ito, di ko knows na may mga cameo roles ang mga bakla kaya minsan nagte-take two pa ako ng “Hmmm… Si Selma Hayek ba yun?” At si bossing ang spluk “Si Bono ata ito…”

Magugustuhan nyo ba ang muvlaks? Depende… kung hard core Beatles fan kayo na ang jisip nyo eh wit nang makakakanta ng mga kanta ng mga Beatles kundi ang Fab Four, medyo baka hindi nyo ito feel. Kung medyo olds na kayo at na-aalala nyo at nagustuhan yung Sargeant Pepper’s Lonely Hearts Club Band na pelikula na ang BeeGees at si Peter Frampton ang bida, baka ma-type-an nyo rin itech. So depende sa kumporme talaga.

Pero ako, oks na oks na rin sya. Hehehe, sulit na rin yung impulse buying ko.

(Nakita 14180 beses ng 2968 bisitors)

Leche!

… ilang linggo din akong hindi nakapag-blog, ah!

Nagbirthday na si Krungkrung-girl, nag-birthday na si Greta, nag-birthday na si Coco at si bradir-in-lo, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nagkagalit na si Willie at Joey, nag-sorry na si Willie, di pa rin tinanggap ni Joey, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Bumalik na si Malu Fernandez sa Manila Standard, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nag-premiere na ang Marimar, nasa ABS-CBN na si KC Concepcion, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nagrerenovate na kami ni bossing ng kusina, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Nag-anniversary na ulit ang pagbagsak ng Twin Towers, magrerecall na raw sila ng mga sundalong nasa Iraq, nag-rerecall na sila ng mga laruan na galing ng china, hindi pa rin ako nakapag-blog.

May bipolar disorder daw si Britney Spears, kinulong at lumabas na si OJ, hindi pa rin ako nakapag-blog.

Mag-aannounce na ako ng mga bagong taga-pansitan, hindi ko man lang nabo-blog.

Leche!

Nakakaloka kasi ang digital scrapbooking!

Ps. Sa mga nag-comment sa aking close encounter with the panyet kind (read previous entries), maraming salamat! Truelalang kahindik-hindik, kasuka-suka, kaokray-okray. Pero awa ng Diyos, dahil bumalik na ako sa dating oras ng pag-alis ko sa balay para mag-commutateyshen at sa unahan na ako ng train at bus sumasakay, hindi na ako nakakakita ng pitotoy na hindi kanais-nais.

Di na ako sasagot sa mga comment nyo, mga prenships, bibisitahin ko na lang mga blogs nyo this weekend – dun ko na lang kayo chichikahin! At tutuo ang basa ninyo, maglilinis na naman ako ng blogroll at mag-aannounce na ako ng mga bagong neybors ng pansitan next week!

Babushka!

(Nakita 23845 beses ng 3948 bisitors)

Some Kinda…

Some kinda this Angel Locsin en da mane-ger.

Magreklamo ka bang “pagod” ka na sa kakatrabaho? Mabuti nga may trabaho kang “kinapapaguran” na kung ibang dyortista yan, gabi-gabi nang naglalakad ng paluhod sa simbahan ng Quiapo para magpasalamat at may assignment sila. Mabuti nga at “pagod” ka dahil hindi ka kinakalimutan ng mother studio mo na bigyan ng projects. May-i-cry pa ba ang drama nya. Kinawawa ba sya? Sa lahat naman ng kawawa, sya lang ang naka-afford ng Hummer. At pati ang manager, nakiki-cry? Bakit??? Feeling nyang magka-telenovela din?!?!?!?

Tapos lilipat sa kabilang istasyon.

Ewan ko. Siguro ako lang. Pero nung pinanood ko sya sa ASAP (mamila kayo, ASAP o Regine???), may mga instances na nahuli ng kamera na parang smug na smug ang reaksyon nya. Parang “dito ako dapat, kasama ng mga sikat kasi sikat ako.” Nainis ako sa buong slant ng mga production numbers. Pati mga kanta, walang kwenta. Kantahan ba sya ng “One Sweet Day” eh pang patay yun. Magtanga-tangahan ba ang musical director? Anoba! Pinatay ko na lang ang TV. Nakakainis lang…

Some kinda this Ruffing en Ylmaz.

Nag-away sa publiko at kung ano-ano pa ang mga pinagsasasabi sa isa’t-isa, magkakabalikan din pala. Kung may respeto sila sa bawat isa at sa mga anak nila, maglabasan ba ng mga baho in public?

Mga lukring…

… At dyan po nagtatapos ang isa na namang edishen ng “Some Kinda…”, ang walang katuturan, walang kahihinatnan, hindi pakikinabangang mga opinyon sa kung anik-anik ng inyong Ate Sienna.

1-4-3-4-4-5-2-5-4. Saranghameda, Bo… sing!

(Nakita 15681 beses ng 2971 bisitors)

“Matakot Ka Sa Karma”

(*In-update ko ang entry ko. Hehehe, wala pa pala akong closure dun sa una kong ginawang entry.)

O, watch nyo ba ang “The Buzz” at yung isa pang showbiz talk show sa channel 7 (na di ko knows ang title kasi di gaanong kagandahan) tungkol sa Gretchen Barreto-John Estrada kissing scene? Na kinunan sa telepono ni John Estrada pero kumalat sa internet?

O diba… parang type kong magplay ng soundtrack na “karma karma karma karma-kamilyonnnnnnnn”

Nakaka-imbudo yung pa-interview ni Ruffa Mae, halatadong very showbiz. Pwede ba, kung wit namang sasabihin na may sense, wag nang nagpapainterview. Pwede namang sabihin ang walang kamatayang linyang-showbiz na, “no comment ako dyan”. Etong Ruffa Mae, magno-no comment nga sa isang istasyon tapos lalabas naman sa kabilang istasyon. Kakalurka!

Sige, sabihin na natin na tutuo ang sinabi ni Greta na wala silang relasyon. Sight ko yun. Kung wranglers nga naman ang sinamaham mo, baka nga maghanap ka paminsan-minsan ng medyo banat pa ang balat. You’re only human – of flesh and blood you’re made, say nga Human League. Pero dyuskokuryu! Gets ka rin lang naman ng PK (pang-alis kati) mo, why-liwayway naman isang chippangacious pa? Na jiniwan ang jowawis (Janice de Belen) ng apat na dyunakis para sumama sa isang bagetchina (Vanessa del Bianco) para lang din may-i-leave after masamsam ang bango. So Loser ha!!! *With matching “L” sign sa noo*

Kung nagpapasosyal ka at ang mga damit mo eh mga Prada, Gucci, Lhuillier, Lanvin (“The Buzz” mismo nagsabi nun), bakit sa choice mo ng lulurking kakaskasan mo por a huwayl, sumemplang ka, “girl”? Maganda ka, “girl”, sobrang haba ng hair mo… sandamakmak ang mga lulurking mas di hamak na may class at pera na pwede mong pagpalipasan at siguradong hindi magsasalita dahil “educated boys don’t tell”, “girl”.

At kung gagawa ka naman ng milagro, “girl”, huway-liwayway naman kasi nagpapakuha ka pa ng picturettet, “girl”? Eh di kung in the future eh type mong ideny na nangyari ang karumaldumal na affair (dahil i’m sure in the future sasabihin mo, “girl” “yakkkkkk… why did i make sama-sama and make halik-halik ba that guy!!!!! so kadiriiiiiiii!!!!”), wala ka nang lusot ngayon – may picture sya ninyong dalawa… magkatabi… naghahalikan. Sobrang linaw na ebidensya, “girl”. Hindi consistent ang mamahaling damit mo sa personal taste and personal judgement mo, “girl”.

At mereseng lasing na lasing ka, “girl”. (Sabi nga ng dyunakis mo, wish nya on a falling star, sana raw wit ka na fly home ng lasing gabi-gabi). Pero “girl” wag mo namang sabihin na hindi mo na alam ang ginagawa mo. Knows mo yun!! Pero wit ka na sa huwisyong tumutol. Uy, ha.. Hindi ako nagmamalinis. Sobrang dami na rin ang lola mong ginagawang kalokohan sa ilalim ng ispiritu ng alak. Ang di ko lang feel, “girl”, eh yung ginagawang rason ang si San Miguel sa mga kagagahang ginagawa. Hindi nakaka-amnesia ang markang demonyo, “girl”, pinapadulas ka lang ang utak at katawan mo.

At ang John Estrada, nagsosorry?? For what-poknat? “I’m sorry nabuko tayo” o “I’m sorry nalaman mong pinagkalat ko ang mga pictures?” I’m sure, may pinag-send-an sya ng mga pic. Ang hindi nya knows, tatraydorin pala sya ng mga pinagbigyan nya at kinalat sa mga prenships nila, na kinalat ng mga prenships nila sa iba pa nilang mga prenships. O diba? Para saan pa kasi ang picture?

Kakaawang Tony Boy. May-i-laugh na nga ang alta-sosyedad sa back nya, with matching “ayan, kumuha pa kasi ng bata” or “ayan, nakaganti na ang Denise Yabut sa iyo!”, ang kinuha pa ng asawa nyang yuyurak at titiris-tiris at papadyak-padyak sa pangalan nya eh isang hamak na John Estrada lang fala. Itech ba ang lulurking katapat nya? Sana mang lang isang Zobel o isang Ayala, o Araneta o Berenguer at kung sino-sino pang kachica ni Maurice Arcache man lang. At least, diba…

Yun lang ang masasabi ko.

Ay, itech ung birthday interview kay Gretchen Barreto a few weeks ago. Parang maiisip nyo talaga, “Hellerrrrrrr, super showbiz! Super plastik, super fake.”

Hay naku, super tawang-tawa siguro si Dawn Zulueta ngayon. And huway not-coconut? Eh inokray-okray sya ni Gretchen in public. Pagkakataon na rin ang gumanti for her. Ano ng aba yung comeback movie daw ni Greta? “Matakot Ka Sa Karma”???? MWAHAHAHAHAH!!! I LAB ET!!!!!

O sya.. balik na ako sa mas makabuluhang mundo – ang pagtaas ng gasolina at paglala ng digmaan sa Iraq.

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 18665 beses ng 4786 bisitors)