Samo’t-Saring Mga Wala Lang (The 2nd Chafter)

46/365 days of blogging.

perez_hilton_52281sWala Lang #5 Makulong kaya si Perez Hilton dahil sa walang kagatol-gatol na pag-labas nya sa Twitter account nya ng feekshur ni Miley Cyrus na wala raw pan-teh sa salang child pornography daw?  Eh kasi naman sa sobrang gustong magpaka-sensational, hindi na naisip na disi-siete lang ang katikaterang bida ng Hannah Montana. Eh ngayon ang sabi nya, may pan-teh naman raw, at gusto lang nyang pagsabihan ang bagets.  Hello, nanay ka ni Miley, ‘teh?  Feeling moral upholder ka, lola? Anuba, aminin na lang kasi na ginawa mo yun para lumakas lalo ang blog mo.  Naman, noh.  Eh di ngayon mas lalo nang nalukring ang badetch kasi nagpull-out ang ABC sa pag-bayad ng header banner nya sa blog nya.  Luz Valdez!

At si Miley?  Baka feel lang ng baklita na mapreskuhan.  Hmmm… wit ko atang feel tumabi sa lukersha kasilag kapag nag-blow ang hanging amihan.  Baka himatayin ako sa malanghap ko.

Wala Lang #6 Kapag nakakakita ako ng ibon, kinikilig ako.  Hindi yung kilig na parang nakita ko si Lloydie o si Binoy at niyakap ako.  Eto yung klase ng kilig na kinikilabutan ako at diring-diri ako!

Black_Vulture_1Tuwing umaga na hinahatid ako ni Bossing papasok sa opisina, dumadaan kami ng I97.  Ang kagandahan sa daan papuntang Annapolis, mapuno at marami pang mga lugar na hindi pa nababalahura ng tao.  Ilang beses na yan na nakakakita kami ng magagandang mga ibon – wren, heron, stork, hawk, falcon, eagle.  Jokot na jokot ako sa ibon mas lalo sa malapitan.  Pero may mga ibon na nagagandahan naman ako sa itsura, wag mo lang ilalapit sa akin, otherwise freakout ako. Minsan nga, litrato pa lang ni hindi ko mahawakan, hindi ko matingnan.

Yung mga ibon na nakita ko sa highway, mga panyet.   At marami sila, parang magbabarkadang Justice League of America.  Kahapon nung mapagmasdan ko yung isa habang mabagal ang traffic sa highway, ‘taragis, vulture ang itsura na itim ang ulo.  Leche, kinilig ako sa diri.  As in kahit ngayon na naaalala ko sila, parang may paa ng ibon na tumatapak sa likod ko paakyat-pababa ng spine ko.  Shet?!?!!?!?!  ‘Nyeta!

Kaya ang $6M question ngayon, kung syokot ako sa ibon, piano kaya kami go-go-sago ni Bossing sa Vatican sa Roma nek yir kung afreyd nga ako?? Pwede bang mahiram ang pope-mobile ng Papa habang andun kami???

Wala Lang #7 Conversation namin ng kaibigan kong si Vecky habang nag-hahagilap kami ng mga pictures ng dyunakis nyang maganda para sa 18th birthday nung bata.

Aketch: (habang hawak ang isang picture ni bagets nung bata pa sya) Eto, ilang taon sya dito?

Vecky: Ah… mga 10 sya dyan.

Aketch: (Humawak naman ng ibang litrato pagkatapos i-file ang unang litrato) Eto, mas bata sya dito, ilang taon?

Vecky(Pagkatapos mag-compute ng date na naka-print sa litrato) Hmmm… 8 ata sya nyan.

Aketch: (Hawak ang isang sanggol na picture) Ayy…. eto… baby sya dito???

Vecky: (Tiningnan ako, hindi sumagot)

Aketch:  Hindi, ‘teh… 18 na sya dyan, nagbabataan-bataan lang sya.  (Ako na rin ang sumagot sa tanong kong walang kakwenta-kwenta)

Vecky(sa thought balloon) Parang syu-syunga itong kaibigan ko minsan.  Maganda sana…

(Nakita 21669 beses ng 4638 bisitors)

Kailangan Ko Lang Ilabas

9/365 days of blogging.

Naisulat ko na ba ito dati sa blog na ito?

Isa sa pinaka-ayaw ko na ginagawa ng pinoy, yung ang bati sa iyo eh ang tungkol sa pangangatawan mo. As in, “hoy, tumataba ka!” or “Hoy, bakit ang payat-payat mo!” Sa tutuo lang, bakit tayong mga pinoy ang laki ng preoccupation natin sa pangangatawan? Nakakayamot. Oo, nasasaktan ako, kasi ever since I could remember, may obsession ako sa katawan ko – I was never happy with how much I weighed. Kahit na nung panahon na sobrang payat ko na, feeling ko pa rin sa sarili ko, mataba pa rin ako. Alam ko, sasabihin ninyo may psychological implication yun. Aminado ako, hindi ko masyadong mahal ang sarili ko nun. Pero aside from that fact na may mga issues nga ako nun, nayayamot pa rin ako pag sinasabihan ako ng tungkol sa weight ko. Hindi nakakatulong.

Hindi ko naririnig sa mga puti yan. Kahit na kelan, wala akong puting kaibigan na nagsabi sa akin, “Hi, my… you’re getting huge!” Kasi sa kanila, rude yun. At sa true lang, korak sila. Ang naririnig ko lang na sinasabi ng mga puti, kung alam nilang talagang nag-ta-try kang magpapayat, binibigyan ka nila ng encouragement, “You’re looking good!” At kung walang nangyayari, hindi na lang sila kikibo, kesa masaktan ka.

Kaya kapag nakakarinig ako ng bati na tungkol sa timbang sa ibang pinoy, kahit na hindi ako ang binabati, nayayamot ako. Parang gusto kong sabihin, “bakit, sexy ka?” At kahit na sexy ka, or mas lalo na kung sexy ka, walang rason para pansinin mo ang pangangatawan ng ibang tao. Hindi mo ba naiisip na baka nawawala na rin nga ang confidence nila sa katawan nila, dadagdagan mo pa at parang niyayabang mo pa na kasi maganda ang katawan mo? Malay nyo kung may mga personal na struggles na sila sa buhay nila tungkol sa timbang nila, or may ibang rason na ang naging epekto eh apektado ang timbang nila. Kung tutuusin nga, kung magkaibigan talaga kayo, may bearing ba sa pagkakaibigan ninyo kung mataba sya o payat?? Diba, dapat wala?

Ang masama pa, kapag rumesbak ang mga taong nasasabihan ng tungkol sa timbang nila, ang sasabihin pa, pikon sila, o bastos. Kaya ang iba, kunwari, ngingiti na lang o minsan makikitawa na lang. Pero deep inside, nasasaktan na rin sila. Diba, unfair?

Kaya please lang, kung nababasa nyo ito at nagagamit ninyong bati ito, please lang, pakitigilan na. Sana maisip ninyo na alam ng pinagsasabihan ninyo kung ano ang itsura nila at hindi nyo na dapat sabihin pa sa kanila. Wag nang i-state ang obvious. Don’t remind your friend of a trait they have that they’re not really happy about anyway. That’s not what friends are for.

Yun lang.

(Nakita 20224 beses ng 3638 bisitors)

Winter Pa Rin

jan0810(Commercial muna:  Naghahanap ako ng mga bagong borders sa pansitan.net.  Kontakin nyo ako sa atesienna at gmail dot com kung interasado kayo.)

Winter pa rin. 

Ekshuli, unusual itong winter na ito kasi masyado syang malamig.  Kung kachika ko si pareng Al Gore, ang sasabihin nun, “Global Warming yan, lukersh.” 

Siempre, diba, smart kayo?  Eh di narinig nyo na for sure ang term na yan.  Pero para lang mavalidate ang mga alam natin, kinunsulta ko ang walang kamatayang Google definition.  At ang sabi nya, ang Global Warming ay ang unti-unting  pagtaas ng temperatura ng mundo at ang pagbabago ng “pattern” ng klima sa buong mundo gawa ng greenhouse effect.   Ang greenhouse effect naman, ayon pa rin sa Google definitions ay ang pag-enter ng solar radiation sa atmosphere ng mundo pero natatrap ang outgoing infra-red rays sa ating atmosphere at hindi nakakalabas sa outerspace.  Entonces, umiinit na sa earth.   Ok lang ang natural na greenhouse effect.  Ang nakakasama, yung man-made like polusyon, ang deforestation (leche talaga kayong mga illegal loggers kayo!), yung sobrang pag-burn ng fossil fuels, oil, coal at gas ng ibang malalaking industriya ng kemikal, langis at mga like that, vah.  At lahat ito, dahil na  rin sa pagdami ng tao sa mundo.   (Causes of the Greenhouse Effect)

Ang isa sa pinaka-dangerous daw na effect ng global warming ay ang pag-tunaw ng polar ice caps.  Isipin nyong matunaw sila, dadami ang tubig sa dagat, tataas ang level ng tubig.  Maraming lugar ang malulubog, magbabago ang mapa.  (Mawawala daw ang San Francisco, New York at kalahati ng Florida.)

At dahil fresh water ang ice caps, made-desalinate ang tubig, maraming marine life ang mamatay, magbabago ang ocean currents, lalamig sa ibang bansa, iinit sa iba.  Lalaganap lalo ang sakit dahil sa pag-init, mawawalan ng tubig sa ibang bansa kung saan iinit.   Magiging extinct din ang ibang mga animals.   At dahil nagbago ang klima at environment, magbabago ang economic standing ng mga bansa.  Pwede pa silang maglabo-labo at baka dumami ang gyera.

So naisip nyo siguro, bakit naman biglang mistulang environmentalist ang drama ng lola nyo at nagsulat ako tungkol sa climate change? 

Ito kasing katabi ko sa cubicle ko, hindi naniniwala sa Global Warming at greenhouse effect.   Hoax lang daw ito.  Eh feeling ko, yung ibang arguments nya, tama.  As in gusto kong umupo dun sa upuan na ginagamit sa Pinoy Henyo at sumigaw ng “Pwede!! Pwede!!”  Kaya mamayang gabi, magbabasa ako kung may basis ba si Sarah Palin na sabihin na “bogus” daw lahat ito.  At kung marealize ko na tama sya, tatanggapin ko sa loob ko na may konting utak din pala sya.  At pasasalihin ko pa sya sa Pinoy Henyo. 

“”Tao ba sya???”  “Pwede!!!!!”  “Russia ba ‘to???” 

Ha??????

(Nakita 29614 beses ng 5063 bisitors)

Hay Naku… Hindi Ako Excited, No!

Go-sago kami sa Florida ng 9 days (parang novena kay St. Jude, hehehe) simula itong Sabaders.   Pupuntahan namin si Spidey sa Universal Studios sa Orlando at magpapakasasa at magpapa-tan sa Clearwater Beach

Excited ba ako?  Hindi, no!  Excited ba yun…

Nakaka-tatlong linggo lang naman akong bumibili ng mga outfits sa Macy’s, Old Navy, Gap at Gabriel Brothers?

Panic buying lang ako sa Old Navy ng mga summer t-shirts ni Bossing na half-off ang presyo dahil puro dark colors pala ang mga t-shirts nya (siempre para hideaway ang mga bulges at bilbil)?

Limang swimsuits lang nga ang dala ko? (kung excited ako eh di anim na swimsuits ang dala ko… teka, may isa pa pala akong swimsuit na pwedeng dalhin)

Nakaimpake lang naman ang halos lahat na ng outfits sa mga duffle bags namin nung isang linggo pa?

Nilagay ko lang naman sa spreadsheet ang mga menu at mga toka naming pagkain nila Veck at Rose?

Naghahagilap lang ako ng mga music at sinex na ilalagay ko sa iFod ko para hindi ako mainip sa byahe?  Ever!

Tingin lang naman ako ng tingin ng website ng Universal para sa discounted tickets at nagpaplano lang naman ako ng mga magiging shots ko sa Clearwater? 

Sus, hindi ako atat, no!  

Mamatay na ang excited!

(Nakita 35493 beses ng 6307 bisitors)

Vacation’s All I Ever Wanted

O sya… nadiscover ko na pwede palang unlimited upload sa multiply kaya dun ko na lang sa multiply account ko in-upload lahat ng mga pictures namin ng vacation namin sa Virginia. Marami akong gustong isulat kaya lang medyo pagod pa ako sa kaka-Farm Town sa FezBuk kaya ito na lang muna ang tingnan nyo. hehehehe…

Gusto ko lang sabihin na sobrang saya namin ni Bossing nung bakasyon namin na yun. Relaxing kasi… walang pressure. Nun ko lang nakita ang asawa ko na trested na rested. Nakapag-picture taking ng sobra. Reflected sa mga pictures nya yung focused na focused ang mind nya sa pagkuha ng mga litrato. Very rare yun for him. Madalas kasi yan, laging akala mo nagmamadali sa isip nya. Kaya masaya ako nun. Hindi sya preoccupied with anything else. Na-enjoy nya yung moments na early in the morning, mag-isa sya ng naglalakad sa boardwalk at kuha lang sya ng kuha ng litrato. Karamihan ng mga beach pictures dyan, kuha nya. (Pwera ata dun sa nasa beach kami at nagbababad sa araw… yun lang ata ang mga kuha ko).

Yung sa Williamsburg, pareho na kaming kumukuha ng mga pictures. Enjoy na enjoy din kami dun kasi very historical naman yung isang araw namin na yun.

I would love for us to go on another vacation na kaming dalawa lang ulit. Altho enjoy naman kami ng may mga kasama kaming mga kamag-anakan at mga kaibigan, minsan iba pa rin yung kayong mag-dyowa lang ang lumalabas. Ako? Talagang savored ko yung bakasyon namin na yun. I would think that this is probably one of the best vacations I’ve had with him. Msaya ako na nakita ko syang masaya…

O sya, klik nyo na lang ito for the pictures…

(Nakita 43028 beses ng 7003 bisitors)

Ano Ikamo, Bart????

Pramis, bukas yung mga bertdey feekshurs ko.  Eto muna, kasi yamot ako…

Kaninang umaga, nagbukas ng thread ang friend kong si Mec sa blogkadahan egroup namin tungkol sa isang blog entry ng isang blogger categorizing bloggers for, what seems at first, a guide for companies who want to use bloggers as a marketing venue for their products. 
Continue reading Ano Ikamo, Bart????

(Nakita 27944 beses ng 4848 bisitors)

Blah-Blah-Blah-Blah-Blah

Minsan, naiisip ko lang…

Bakit si Ate Vi laging may hawak na panyolito?

Bakit ang tao kapag may naamoy na mabaho, kailangan ipaamoy pa sa kausap? (Pakshet! Ang baho nito… amuyin mo, oh!)

…At bakit si Leonardo deCaprio nakakamukha na ni Ramoncito Guttierez???


Leonardo diCaprio Ramoncito Gutierrez
(O, hindi ba… para silang kambal?)

(Nakita 18060 beses ng 3419 bisitors)

WHAT THE *TOOT*?!?!?!

Pasensya na kayo… Kailangan ko lang ilabas ito. Kung hindi, mabubuhol ang mga bituka ko, madedehydrate ako at mako-comatose ang brain cells ko. Alam ko, hindi naman ako syunga-syunga mag-ingles. Kahit papaano nakakausap ko naman ang mga KANOplin dito sa opis ng maliwanag. Pero hindi ko talaga nakarir ito. Hindi ko kinaya. Kaya ilalabas ko lang, parang awa nyo na, explika nyo sa akin kung ano ang ibig nya talagang sabihin????



At kung medyo para kayong ako na kailangan ko ng subtitles kapag nanonood ako ng mga kumplikadong mga dialogue (dahil nga mahina ako sa ingles… siguro), eto ang transcript:

KATIE COURIC: Why isn’t it better, Governor Palin, to spend $700 billion helping middle-class families who are struggling with health care, housing, gas and groceries; allow them to spend more and put more money into the economy instead of helping these big financial institutions that played a role in creating this mess?

GOV. SARAH PALIN: That’s why I say I, like every American I’m speaking with, were ill about this position that we have been put in where it is the taxpayers looking to bail out. But ultimately, what the bailout does is help those who are concerned about the health-care reform that is needed to help shore up our economy, helping the–it’s got to be all about job creation, too, shoring up our economy and putting it back on the right track. So health-care reform and reducing taxes and reining in spending has got to accompany tax reductions and tax relief for Americans. And trade, we’ve got to see trade as opportunity, not as a competitive, scary thing. But one in five jobs being created in the trade sector today, we’ve got to look at that as more opportunity. All those things under the umbrella of job creation. This bailout is a part of that.

Kaya flis lang, paki-explika sa akin ang sinabi nya… utang na loob, parang awa nyo naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!

(PS: Kung ako si Katie Couric ng mga oras na ginagawa ko itong interview na ito, ang thought balloon ko siguro, “Punyeta, bakit ba hindi na lang ako ang lumaban na VP???”)

(Nakita 19298 beses ng 3517 bisitors)

Para Kanino Itech?

Ola, hafi nyu nir tu ol! At sa mga bumati sa dyuhok ng lola ninyo, tenchu! Umani ng tagumpay sa dyopis and hairlalu ko. As in sobrang ganda to the max ang feeling ko. At timing din ang pagkagupit ko, kasi umpisa pa lang ng taon, sandamakmak na ang trabaho ko na wishing ko lang “leche, sana naman hindi ganito ka-toxic buong taon.” Enjoy naman ang ginagawa ko, pero, jingle lang talaga pahinga ko. Pero ikako nga, better working than not. Kaya blessing ang buhok kasi kahit toxic, maganda pa rin. hehehehe

O, since bagong taon na, which means ang mga lolo’t lola na pinanganak ng dekada 60 eh tumatanda na lalo (ouch, talaga!) meron akong faf quiz para sa inyo. I’m sure, nung mga nonoy at nene pa kayo at konti pa lang ang mga dyortistang pwedeng pagkalukringan at hindi pa uso ang mga telenovela, may mga kantang tumatak sa isip nyo na kapag tinutugtog ito, may mga naaalala kayong showbiz pinoy. Hindi sila ang mga orig na kumanta ng mga kanta, pero kumbaga “trademark song” nila itech.

Testingin natin ang galing ng mga utak at memorya ng mga lolo’t lola nyo. Sa mga kantang sumusunod, kanino sya kilalang-kilala? Na minsan mas natatandaan pang kanila yun kesa sa mga orig na mga songers.

At para mas maisip ninyo ang mga memories, isinama ko ang video ng mga kanta. O siya.. game na!

1. “Just an Illusion” ng Imagination. May smoke effect pa yan nung sinayaw nila sa pelikula nilang “Forgive and Forget”.

Continue reading Para Kanino Itech?

(Nakita 22566 beses ng 4053 bisitors)

Eh Kasi Naman…

Nababasa nyo yung mga ganitong chuchu, davah:

“This website is best viewed at 1024 x 768 or 1152 x 864 monitor resolutions or 800 x 600 but will require scrolling. Also best viewed using Internet Explorer but better with Mozilla Firefox. If you have AOL, open up a separate IE browser.”

Hay naku… kung hindi ba naman. Website mo na nga ang bibisitahin, marami pang requirements-chorva. Magmaganda pa ba?

Naisip ko, bakit kaya hindi na lang:

“This website is best viewed on your computer.” (Kasi baka sa oven mo sya tinitingnan.)

O di kaya:

“This website is best viewed on the internet.” (Kasi baka nasa computer ka nga pero wala pala kayong internet.)

O pwede rin:

“This website is best viewed while awake.” (Kasi baka naman sleepwalking ka sa harap ng computer mong nakakabit sa internet.)

At hebs din:

“This website is best viewed with eyes open.” (Kasi baka naman, gising ka nga sa harap ng computer mong nakakabit sa internet pero nakapikit ka.)

Hay… Yun lang… Dyabu!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 16480 beses ng 3647 bisitors)