Tawagin Nyo Akong Angeli

63/365 days of blogging.

Thank you, Newsflash.org

(Eksena magmula kagabi ng 9:00 pm)

*Tunog ng doorbell*

Pumasok sa loob ng bahay si Bossing na nakabusangot ang mukha at naka-hukot ang likod at hindi pantay ang balikat.  Imaginine nyo si Hunchback of Notre Dame, ganun ang itsura nya.

“O, ano nangyari sa iyo?”  Tatawa-tawa pa ako sa kanya ng pinagbuksan ko sya ng pinto.

“Mylaaaabbssss… ang sakit-sakit ng likod koooooo!!!  IISSSSSHHHHHH”  Nakangiwi na nyang sabi sa akin.

Hindi na bago sa akin itong mga ganitong eksena kay bossing.  Kapag inaatake kasi sya ng arthritis nya dahil sa psoriasis nya, talagang matindi ang sakit na nararamdaman nya.  Isip ko, hindi na naman kasi sya nakainom ng gamot nyang Voltaren kasi nga buong araw syang wala at bumibyahe.  Pero ngayon lang yun na sa may leeg at likod na balikat nya ang nirereklamo nya.  Madalas kasi  yan either sa tuhod nya o sa mga sakong nya ang sakit.

Kaya pagkakain namin, hindi voltaren ang ininom nya kundi yung isang pain reliever na gamot.  Mind you, hindi yun basta-bastang Alleve o Tylenol o Motrin lang.   Matapang-tapang na rin yun kasi prescribed yun at hindi basta-basta binibigay yun ata kung makikita ng doktor na may tendency kang maging drug dependent.  May prescription si Bossing nun, pati yung isa pang mas matindi dun, in the extreme cases na matinding-matindi ang sakit ng arthritis nya.

So since hindi naman sanay si bossing sa mga gamot na ganun, madalas yan, pinapahiga ko na sya at binabantayan na kapag umiinom sya nun.  In fact, hindi sya pwedeng umiinom ng mga gamot na yun kung wala ako sa bahay kasi may tendency syang mag-hallucinate at ma-praning.  As in, literally, napa-praning sya – fear trip talaga.

Unfortunately, kagabi, sa kasamaang palad, matindi ang tama ng arthritis nya.  Hindi sya mapakali, hindi nya malaman kung paano syang pupwesto.  Twing gagalaw sya, maya-maya, sisigaw sya sa sakit.  Kapag nakapwesto na sya, bumilang ka lang ng sampu, gusto na naman nyang umikot kasi hindi raw tama ang higa nya.  As in, ibig nya sigurong sabihin, hindi sya makumportable. Kasi nga sa may leeg/balikat nya ang sakit hirap syang makahanap ng pwesto. Maya-maya, iiyak na sya – sa sakit, sa pagod, at siguro sa inis na hindi nya malaman kung paano ang gagawin nya para makatulog.  At maya’t-maya, tatayo at pupunta sa banyo.  Mga ilang segundo pagkatapos, maglalakad-lakad sa paligid ng kwarto.  Mamaya, uupo dahil hindi raw sya makahiga, magpupulupot ng tuwalya at iiikot sa leeg nya na parang neck cushion tapos uupo sa wicker chair sa kwarto at mapipikit na. Pero bumilang ka ng ilang segundo, tatayo na naman sya at maglalakad-lakad ng paika tapos iiyak na naman – sa sakit, sa inis, sa antok at sa gamot.  Minsan pa, kapag akala mo nakakatulog na sya, sisigaw na naman sya – nagsa-spasm na sya.  Kaya magigising na naman sya.

And all these time, andyang aalalayan ko syang tumayo galing sa pagka-upo, tutulungan ko syang mag-pwesto ng mga unan para suportahan ang likod o ang balikat nya.  Andyang, kumuha ako ng tubig sa kusina kasi nauuhaw daw sya.  O mamasahihin ang balikat nya ng muscle rub ointment para medyo mawala ang sakit.  O ibabalot ng wrap yung kinuha nyang yelo sa fridge at ilalagay sa balikat nya pagkatapos susuutan sya ng sweatshirt.  Tapos tatanggalin na naman ang wrap dahil sobra na raw lamig ng yelo – sa loob ng sweatshirt.  Pipikit akong konti pero siempre hindi ako makatulog ng husto kasi alam ko gising sya.  Na kapag nakaupo sya sa wicker chair, kailangan gising ako kasi ayokong half-asleep sya at walang nagbabantay sa kanya.  And para hindi ako makatulog, kailangan nakaupo na rin ako sa kama, tinitingnan sya madalas at manunuod ng TV para hindi ako antukin.

May mga dialogue pa syang, “mylabs, bababa ako sa basement, hahanapin ko ang insurance ko.”  Na siempre, pipigilan ko at sasabihin ko, “bukas na.  Pahinga ka lang dyan. Magpa-kalma ka lang para gumana na ang gamot.”  Alam ko, mahirap yun.  But I think he has to hear na kalmado lang ako and I have the situation under control para hindi na sya mapraning pa lalo.

Ilang beses din na tumayo ako at sasabihing dadalhin ko na sya sa ER pero aayaw sya.  On hindsight, ayaw ko rin syang dalhin sa ospital na medyo drugged sya kasi baka mas lalo pa kaming mapahamak sa kalye – at madaling araw pa naman yun, malamig pa sa labas, ang daming pwedeng mangyaring masama.  Pero kung hihingin nyang magpadala sa ER, nagreready akong gagawin ko yun.

Pagdating ng alas tres ng umaga, 6 na oras magmula ng pumasok kami sa loob ng kwarto at una syang uminom ng gamot, nanghingi sya ulet ng isa pang tableta.  Masakit na masakit na raw.  So since naka-anim na oras na, binigyan ko na sya ulet pagkatapos nyang kumain ng isang slice ng tinapay.  Maya-maya, nagbalot na naman sya ng kanyang “neck cushion” at dun daw sya matutulog sa sofa.  Nung una, ayaw ko kasi malamig sa labas, pero nakiusap syang, dun na lang daw.  Naisip ko, malambot ang sofa, at kukumutan ko na lang sya, para buong likod na rin nya ang nakalapat.  Pumayag na ako pero nagdala rin ako ng sarili kong kumot at dun ako pumuwesto sa loveseat.  Nakaharap sa kanya para nararamdaman ko pa rin sya kung tumayo sya.

At awa ng Diyos, for the first time the whole night, maya-maya, nakatulog na sya.  Nakaupo man, pero naririnig ko na syang humihilik.  Hindi pa rin ako natutulog ng husto.  Naghintay pa ako ng mga 15 minutes pa siguro, just to make sure na diretso na ang tulog nya saka lang ako talagang bumigay sa antok ko.  Mag-a-alas kwatro na ng umaga.

Alas syete y medya ng umaga kanina, nagising ako at chineck ko agad si Bossing.  Tulog pa rin at nakaupo pa rin sa sofa.  So naka-apat na oras na rin sya ng dire-diretsong tulog.  Di ko alam kung gigisingin ko sya dahil baka naman pati likod nya eh sumakit o pababayaang matulog pa.  Mas nanaig sa akin yung awa kaya pinabayaan ko na lang syang matulog pa ng mas matagal at feeling ko, antok pa rin kasi ako.

Kuha sa Ospital

Mga isang oras pa, nagising na sya.  Masakit pa rin ang balikat.  Inalalayan ko syang dun na sa kama mahiga at baka nga kasi sumakit pa ang likod, mas lalaki pa ang problema.  Pagdating sa kwarto, hindi naman sya makahiga pa rin.  Pag upo nya sa wicker chair, sumandal na sa akin at sabi ng sabi na ang sakit-sakit pa rin ng balikat nya.  Pinahiran ko sya ulet nung muscle rub at minasahe ang leeg at balikat nya.  Matagal kaming nakapwesto ng ganun – magkaharap at nakasandal ang ulo nya sa dibdib ko at minamasahe ko ang leeg at balikat nya.  Maya-maya sinasabi na nya sa akin na parang mataas ang BP nya.  Sure enough – 180/100.  Kumuha ako ng bawang, mini-crowave at gumawa din ng toasted bread para kainin nya kasama ng bawang.  Maya-maya kinunan ko sya ulet – 160/100.  Maya-maya sinabi ko, “punta na tayo ng ER.”  Aayaw pa sana pero nung sinabi kong, “ikaw rin, pag tumumba ka dito or what, hindi kita mabubuhat.”  Nag-isip siya at pagkatapos sinabi, “ok…”

Umo-o na sya.  Yun na ang huling proof na talagang masakit na masakit ang nararamdaman nya at nararamdaman nya yung need for it – pumapayag na syang magpunta ng ER.

Sa ospital, 160/90 na ang BP nya, medyo ok na raw sabi ng nurse pero mataas pa rin.  Pinag-X-ray sya ng doktor para malaman kung saang parte ang sakit at para maconfirm kung ano nga ang sakit nya.  Pagkatapos ng X-ray, confirmed – psoriasis arthritis sa C3/C4/C5 ng spine nya (o C2/C3/C4 ba yun?? Basta, maraming C’s).  Binigyan kami ng bagong reseta ng pinakamatindi nyang gamot.  Sinabihan na wag magdrive habang nakainom ng gamot (duh!) at wag iintaying grabe na ang sakit bago uminom, otherwise, hindi na gagana ang gamot.   Mag-a-ala-una na ng tanghali.  Tumawag na sya sa trabaho na hindi na sya makakapasok ngayong gabi.

Bumili na kami ng gamot at dumaan kami ng Filipino store para bumili ng isda na ulam.   Kumain na kami ng tanghalian at pagdating ng alas dos ng tanghali, pagkatapos nyang uminom ng gamot, pinatulog ko na sya.  Sa awa ng Diyos, tulog sya kaagad.  Medyo umuungol at nagsasalita sya habang tulog, epekto ng gamot yun, pero tulog.  Hindi ko pa rin sya hinihiwalayan kasi nga nagsasalita at medyo restless ang tulog nya kasi pagising-gising pa rin sya pero hindi na sya umiinda ng sakit.  At mahaba naman ang duration ng tulog nya.

Nung kasalukuyang bumibili kami ng gamot at pagkain, nag-usap kaming mag-asawa.  Napagusapan namin na may mga bagay na talagang hindi na nya pwedeng gawin – isa na dun ang pagbyahe na matagal na hindi sya makakatayo o makakapag-stretch ng madalas.  Ok pa nga ang eroplano kasi every so often pwede kang tumayo at maglakad basta hindi naka-fasten seatbelt sign.  Pero ang road trips, medyo hindi na. Hindi na nya kaya.  At magmula ngayon, pinramis ko na sa sarili ko na kapag umaangal na sya ng sakit, hindi ko na pababayaan na tuluyan nang sumakit bago sya bigyan ng gamot.  Whether he likes it or not, iinom sya.  And from now on, iiwasan na namin ang mga bagay na makakataranta sa kanya, makaka-stress sa kanya, makaka-yamot at makaka-galit sa kanya.

Oo, lalabas akong kontrabida at lalabas akong antipatika, pero papayag na ako, para sa asawa ko.  Kaya nga, ako ang Angeli Pangilinan sa asawa kong ala-Gary Valenciano na may sakit.  Si Bossing na lang ang lumabas na mabait, ako na ang mahigpit, if it will mean na walang syang karamdaman.  Ok lang naman na mahirapan ako, ok lang sa akin ang mag-alaga sa kanya dahil asawa ko sya at magkasama kami thru thick and thin,  hindi ko irereklamo yun.  Pero hindi ko matiis na umiiyak ang asawa ko sa sakit.  It’s not fair and he doesn’t deserve being in pain, as much as I can help it.

Sinusulat ko ito, para ma-journal ko rin ang nangyari at para na rin maintindihan ng mga tao kung bakit minsan magiging kontrabida ako o pagbabawalan ko sya sa mga ibang aktibidades na alam naming dalawang makaksama na sa kanya dahil nga pakiramdam at fear ko, nagiging advanced na ang sakit ng asawa ko.  Matagal nang mawala ang mga lesions nya, mas napapadalas na ang sakit ng mga joints nya.  Just to give you an idea, Humira na ang iniinject nya to lessen the lesions.  Right now, pwedeng ako na ang nag-aadminister nito.  Kasi nga iba na ang syringe nya.  Unfortunately kasi nung naka-Enbrel pa sya, talagang syringe ang gamit nya.  Takot ako dun, hindi ko ma-take na pumapasok sa katawan nya ang karayom, nanlalata ako. Pero ngayon dahil para nang pen ang gamit ng Humira, ako na ang mag-iinject sa kanya from now on.  Para hindi na sya masyadong masaktan.  Sabi ng dermatologist nya, parang hindi na masyadong gumagana ang Enbrel kasi.

Sinusulat ko rin ito para rin may idea ang mga tao kung ano ang ibig sabihin ng may psoriasis arthritis ang isang tao.  Hindi naman kasi nagkukwento ang asawa ko at kung magsabi man syang ina-arthritis sya, parang bale-wala lang ang tono nya.  Ako lang ang nakakakita kung paano sya ngumiwi, sumigaw sa sakit, at umiyak.  Kaming dalawa ang magkasamang nagpupuyat kapag inaatake sya at hindi sya makatulog.  Kamay ko ang nangangawit at umaamoy gamot sa pag-masahe ng mga joints nya.  Ako ang nakakaramdam ng helplessness minsan kasi hindi ko na malaman kung paano ko pa sya pakakalmahin, pakukumportablehin o tatanggalan ng sakit.  Nobody has any idea what really happens.

Hindi lang ito basta arthritis, mas matindi ito, mas masakit.  May mga taong meron nito na sa sobrang sakit nagpapakamatay.  Ayokong mangyari sa asawa ko ito.  Ayokong dumating ang point na yun kasi hindi dapat.  Chicken and the egg ang cycle ng psoriasis at arthritis para sa asawa ko kasi psoriasis can be triggered by stress and kung masakit ang mga buto nya, nasestress sya sa sakit, the more he stresses, the worse his psoriasis becomes.  At a certain point, it has to stop.

At kapag naka-Humira (kahit na nung naka-Enbrel na sya), prone to other sickness na sya.  Mababa na ang resistance nya sa TB, lupus at allergies.  Much worse, pwede rin ang heart failure. At nakaka-atake ng puso kaya ang stress.  In my husband’s case, tumataas ang BP nya.  Nakaka-depress din ang mga gamot na ito.  Kaya, bakit ko sya isu-subject sa mga kundisyon at eksenang malungkot o nakakayamot?  Never again for him, for me, and more so, for the both of us.

So bakit pa rin kailangan ng gamot?   The positive effects of the medicine still outweigh the negatives kaya, no choice, he has to take the medicine.  Kahit papaano, nakonontrol pa rin nito ang pagkalat ng psoriasis sa katawan nya.

Hindi ko sinasabing hindi kami nag-aaway ng asawa ko at hindi ako nakadagdag sa stress nya.  But I’ve learned so much with the five years we’ve been married na kapag nag-aaway kami, alam ko nang pakalmahin ang sarili ko at eventually pakalmahin sya para hindi tumagal at lumala ang away namin.   Pero in my defense, alam ng asawa ko na kapag nagalit ako, may rason at mabigat ang rason.  Hindi ako basta-basta nagagalit, pero kapag nangyari yun, kagalit-galit talaga.

Mabait ang asawa ko.  Kaya nga, “Gary V.”  Sa pagsasama namin,  tulad ko, iniiwasan na rin nyang matagal kaming magka-away.  Pero ang mga nangyayaring external sa aming dalawa ang mas hindi ko makokontrol pero iiwasan kong mapagitna kaming dalawa dun from now on.  Kapag alam kong ikase-stress naming dalawa o nya ang magiging sitwasyon, pipigilan ko nang mangyari pa.  Pasensya na po, kailangan lang.

Kaya sige na, ako na ang kontrabida.  Para sa asawa ako at sa (pagkontrol sa) sakit nya… papayag na akong tawagin nyo akong “Ma’am Angeli”.   Basta buhay at stress-free ang asawa ko.

Happy New Year sa inyong lahat!!

(Nakita 87767 beses ng 14395 bisitors)

Bilang Librarian Lang…

48/365 days of blogging.

Picture 102
Happy Birthday, Mylabs!!!

(Backgrounder:  si Bossing mahilig sa psychology.  Para sa kanya, ang ginagawa ng tao, madalas may psychological explanation.  In a way, tutuo yun.  Kasi ako man, ang isip ko, ang lahat ng tao may “sayds” (in another words, “sayad”).  Iba’t-ibang level nga lang.  And iba, kayang kontrolin ang sayds nila, samantalang ang iba, medyo hindi nakakaya kaya bumibigay.)

Nung isang umaga, habang hinahatid ako ni bossing sa trabaho, napag-usapan namin ang mid-life crisis.  Wala lang.  Kapag kasi syumosyonda ka na (oo na… aaminin ko na, leche!) ma-iisip mo kung ano na ba ang na-accomplish mo sa buhay mo.  Mas lalo na kung mga 40-50 na ang edad mo at nangangalahati na ang takda mong oras sa mundong ibabaw, minsan mag-iisip ka talaga.  Ganun talaga.  Kahit papaano, gusto mo may kapararakan din naman ang buhay mo sa mundo.  Eh ang iba, biglang nagkakaron ng panic-attack.  Siguro kasi hindi matanggap ang realidad ng buhay na tumatanda na sila at biglang-bigla parang gustong pigilan ang panahon.  Entonces, the term, “nagmumurang kamyas”.

So ayun nga, nagda-drive kami, tsnitsika sa akin ni Bossing yung isang page na nabasa nya na ini-enumerate ang symptoms ng mid-life crisis.  Eh nagkataon may kilala kaming lalaki na pinagdadaanan ito.

Bossing: So nabasa mo ba yung website na sinabi ko sa iyo?

Ako: Oo.  Parang si ***** talaga, no?

Bossing: Oo nga eh.  Ganun na ganun ang ginagawa nya eh.  Parang… ano nga ba tawag dun??? Anong term yun??? Yung ang ibig sabihin “typical na example”???

Ako: Ano? English ba?  Tao ba sya? Pangyayari? Kinakain?  Parte ng katawan?? (Welcome to Pinoy Henyo!!!)

Bossing: Hindi…  ah, alam ko na – pocketbook example!

Ako: Huh?? Pocketbook??

Bossing: Pocketbook example!  Yung, ang symptoms nya typical dun sa meron nun.

Ako:  (May umilaw na bumbilya sa ulo ko) Textbook example kaya yun! Anuba!!

Bossing:  Textbook, pocketbook, notebook, workbook… it’s ol da seym!

Hehehehe… Happy Birthday, Mylabs!!!

(Nakita 16130 beses ng 3784 bisitors)

Esmyus Islip

To who you are concerned:

Plis esmyuski me for not writing in this beautiful blog of mine for 23 days and counting. My bossing is sick and tired with the arthritis. He kenot walk tall and proud and he is on life support of the cratches for the means time being when he want to go to the toilet or around-robin the house. I am being a good bitter half and acting as if a Florence Nightingbird (the paytoll saint of nursing) taking care of himself in his hour of need, and mind you me, he has so many needs and wants in his hour of need… and wants.

Furthermore on the topic of absenceseses, it is very addicting to the mind this game called Farm Town in the FezBuk. That’s why in the middle half of things and stuffs, I am busy with my Bossing and playing like a farmer with a small land reform – plawing, planting and harvesting my plants and whatever else around my land of my vision. I am also tendering the farms of my neighborhood – watering their plants, cleaning the leaves from the tornadoes, this and that – its a hard job and some one is to do this.

But this I promise you everybody and all my relatives combined, I will go back now to writing in this beautiful blog. I am to go back to making your day a complete routine from this day forward till death us apart.

As what Doglas Macartur said when he swam to the beach that is Leyte, “I shall returns!”

And before I forgets to remember,  Happy Father’s Day to all the fathers, most especially and with special mention to my dear Itang and my Bossing.

My Proud Farm

(Nakita 48755 beses ng 9853 bisitors)

Every Cloud Has A Silver Lightning

BossingLaughter is the best medicine.  Specially if you have no money to buy your medicine.  Ikanga, tawanan mo ang iyong problema.

Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos na binigay Nya sa akin si Bossing.  OO, my answers have been prayed talaga!  Kasi si Bossing ang nagpapasaya ng araw-araw ko.  Kahit na nga mainit ang ulo ko, kapag nag-joke yun hindi pwedeng hindi ako matawa.  Mas lalo kapag nasa mood syang maging komedyante.  Kasi nga feeling nya, kalbo sya.

Continue reading Every Cloud Has A Silver Lightning

(Nakita 49699 beses ng 8183 bisitors)

Help Me Make It Through The Night

So alam nyo naman ang tough hits ng bossing ko, davah? Etong bago nyang casualty eh ilang araw na naming kinakanta. Mistulang langaw na umaali-aligid sa utak ko na hindi maalis-alis. Nung una ko ngang narinig ito na kinakanta nya, sabi ko sa kanya, “Alam mo ikaw, hindi ko talaga alam kung saang parte ng utak mo nanggagaling yang mga kalokohan mo!” Na sinagot nya ng “Mylab, lumang joke na yan. Sige, hanapin mo sa Google.” With all seriousness yun, ha.

Eh ako naman, nag-search nga sa Google. Siempre, hindi ko nakita. Kaya talagang minsan gusto ko nang batukan ang sarili ko, eh. Masyado akong gullible sa mga sinasabi ng asawa ako. Mistula pwede akong awardan ng “loyalty” award ng Famas.

For sure narining nyo na itong kantang ito:



Maganda, diba? Si Kris Kristofferson ang composer nyan. Pero dahil medyo nagpapa-wrangler ang asawa ko, ang natatandaan nyang version eh yung kay Willie Nelson. (Basta ako, ang namulatan ko nang version eh yung kay Martina McBride. Chorva-chorva-bang-bang! Wit kokontra. Ang kumontra, pupugutan.)

Backgrounder lang yang version ni Martina. Kasi mas patok dyan ang version ni Bossing:

Yesterday, kahapon lang
And tomorrow, bukas pa
It’s so sad, nalulungkot
Help me make it, tulungan mo

Refrain:

I don’t care, walang paki
I will try, subukan ko
Let the devil, demonyo ka
For tonight, ngayong gabi…

Ganda nya, diba?

This is another Bossing tough hit brought to you by Pansitan ni Ate Sienna, makers of special leche flan and puto with matching pancit palabok and dinuguan on the side.

(Nakita 24100 beses ng 4813 bisitors)

Ang Pambomba, Kaning Lamig at si Bossing

Hay halayhay… Tama na muna ang ilusyon na si Bea Alonzo ako at may drama sa Maging Sino Ka Man. Baka sabihin nila kung ano na namang opyo ang nasinghot ko. Kaka-lukersh yun eh.

Eto na lang. Kagabi sa bus, habang nayayamot ako dun sa dalawang lasing na pasahero, inaaliw ko na lang ang sarili ko sa pag-isip-isip. Ng biglang pumasok sa isip ko, may gumagamit pa kaya ng mga pambomba ng lamok? And siempre corollary tu dat towt, may gumagamit pa kaya ng katol?

Wala lang. Pumasok lang sa isip ko.

Ay, si Fafa Jay, kilalang-kilala nyo sya davah? Lumabas na ang next libro nya – Mga Kwento ng Batang Kaning Lamig. I’m sure nagustuhan ninyo ang una nyang libro. Kaya magugustuhan nyo rin ito. Komiks ang format nya. Kaka-aliw. Kung gusto nyo pa ng ibang screen captures ng komiks, tingnan nyo ito.

Binalita din sa amin ni Fafa na go-sago sya sa Pinas para nga sa launching ng MKNBKL sa April 14 2008, Monday nang 3pm sa FULLY BOOKED sa THE FORT. Lunes yun, pero sana mapuntahan nyo sya at masuportahan. Para sa mga ate at lola ko, gusto ko lang sabihin sa inyo na gumwapo lalo si Fafa Jay ngayon! Slim na slim kaya naman mas lalong lumabas ang kapogian. Hehehehe, magwatir-watir kayo dun! At para sa mga boylets, naman siempre repapips si Fafa kaya peace man kayo dun. Eniweys-hiweys, huwateyver the case, go kayo sa launching ha.. buy ng book, at papirmahan sa kanya. At kapag nakita nyo na sya, sabihin nyo, representative ko kayo, at manghingi kayo ng kiss para sa akin. Mwehehehehehe…

At ang last but not the least, siempre pa, ang aking Bossing. Lumabas na po ang kanyang website – Kuya Fuji, The Journal of the Piano Man. Ay, wag raw madala, hindi kasing seryus ng title ng blog ang mga entries. Ikanga ni Melanie Marquez, “Don’t judge my brother, he is not a book!” hehehehe… harinawang matuwa din kayo sa kanya. I-link nyo sya ha… at pakisabi sa kanyang nilink nyo sya para masama nya kayo sa links nya. Naghahanap pa ng mga prenships sa pagbo-blog si Bossing kaya naman medyo naji-jiya pa sya. Pero bisitahin nyo ha. Para matuwa din kayo :)

Hmmm…. di ko pa rin masyadong feel ang bago kong template. hmmmmm…..

(Nakita 27289 beses ng 5358 bisitors)

Simon… Simon…

Nung isang umaga, nagdadrive kami ni Bossing papunta sa opis ko at nag-du-duet kaming mag-dyowa to the tune ng mga kantang nasa Zen ko na pinatutugtog namin sa aking karu nang bigla syang tumigil ng pagkanta at nagkwento. (hayyy.. nakakahingal yung sentence na yun, ha!)

“Diba nung mga bata tayo, uso nun ang songhits?” sabi nya habang nagsisimula na syang ngumisi.

“OO. Bakit?” sagot ko sa kanya, at medyo slight, napapatawa na rin ako kasi funny ang mukha nyang pinipigil ang bungisngis.

“Nung bata ako, hinihiram ko yung songhits ng katulong namin pag nagpupunta ako ng banyo…”

(STOP lang ha.. Major thought balloon – KARUMALDUMAL, diba???!?? Gamit ng may gamit, babasahin habang jumejebs! Kakaloka talaga itong si Bossing! OK. Back to your regular programming.)

“…tapos dun ako kumakanta.” Natatawa-tawa na sya.

“Eh yun,” dugtong nya, “eh diba sa songhits meron nung C-apostrophe-M-O-N?” Habang sina-sign language sa akin yung mga letra na feeling ko gusto ko syang ilagay sa “Kapwa Ko, Mahal Ko” at ipwesto dun sa bilog sa baba ng TV screen. Pero gets nyo ang ibig nyang i-spluk, diba? – C-‘-m-o-n equals C’mon.

“OO…?” Sabi ko, nag-iisip na ako kung ano punchline ng asawa ko.

“E alam mo yung kanta ni Diana Ross na When Will I See You Again, diba?” At kumanta na sya nung last part ng kanta.

“When will I see you agen?
Si-mon… Si-mon… Sweet, sweet love…
When will I see you agen?
Si-mon… Si-mon… ”

“Huh??? Anong Si-mon???” Magtanga-tangahan daw ako.

“Kasi basa ko sa C-apostrophe-M-O-N eh Si-mon

At hanggang makapasok ako sa opisina, umiiyak ako sa kakatawa habang kumakanta ng “When Will I See You Again”.

(Nakita 16360 beses ng 4018 bisitors)

Very 80s Orange Juice

As yuswal, habang mega-drive kami ni Bossing kung saan-saan, chikahan galore kami nun. As in. Sobra. Kaya wag na kayong magtaka na always kaming naliligaw. Mistula! Kung may GPS kuning-kuning kami, I’m sure, laging paos yun sa kakasigaw sa amin ng:

“Left on Silver Spring Road.
Left… on… Silver… Spring… Road!
LEFT ON SILVER SPRING ROAD!!!!
SINABI NG LEFT ON SILVER SPRING ROAD! ANOBA!!!! PANAY KASI ANG PLAPLA NYO!!!”.

Naiimagine nyo na?

Kagabi, walang change. Pauwi galing simbahan at papunta kina Nanay para ihatid namin yung kanyang Lee Kum Kee na binili namin sa chinatown ng Philadelphia nung magpunta kami dun nung mga nakaraang araw (ay, pa-sight ko sa inyo ang mga fixtures sa next entry… mga three days from now), nag-flasbak na naman ang mga utak namin.

So umiinom ako ng Sobe Lifewater na Blackberry Grape (dahil nagiinarte ako at ayaw ko ng fleyn hwater) at nakiki-inom sa akin si Bossing (siempre, sweet kami kaya share-share ang drama namin lagi – mapa-tubig, Coke o arroz caldo pa!).

“Lasang Grape Julep ito,” sabi ni Bossing, “Naalala mo ba yung Julep? Iniinom namin yun nung bata kami.”

Alam naming dalawa na hindi ito yung Kentucky Derby na Mint Julep, ha. True-Blue 1980s juice drink ito.

“OO naman, naalala ko yun! Pero kasi ang mas madalas na nakikita ko sa bahay nun, Tang,” sagot ko sa kanya. Feeling sosyal ang lola nyo. Taray, diba? Mahal ang Tang nun. hehehehe.

“May isa pa… ano nga ba yun… Sun… may Sun sa pangalan?”

“Sun… sunkist?? Yung pa-triangle ang tetra-pak?”

“Hindi, iba pa…”

“AY!!! Alam ko na, Sunquick!”

O, naaalala nyo ba yung Sunquick? Sabay pa naming kinanta ni Bossing yung jingle:

“Sunquick, over 40 glasses of Sunquick.
You can taste them real so good.
In every glass, in every way…

TEYKASUNGKWIKTUDEY!”

As in. Ganun kabilis at kabigat sinasabi yung huling linya nun dapat.

“May isa pa nga eh… ano nga ba yun??? May jingle din…” tanong ni Bossing.

“Ay… alam ko din yun!!” excited ko pang sabi. Yung:

“Sunny orange, I love you
Lemon, grape and strawberry…
Sunny orange tasty drink,
Sunny orange, super-quality!”

Tapos nagkatingin kami ni Bossing, “bakit super-quality????”

Feeling namin parang jingle ng YC Bikini Brief:

“YC Bikini Brief, YC Bikini Brief.
For the brand new fashion wardrobe
YC’s got fashion.
YC’s got colors.
YC’s got beauty and comfort
YC is for you.
YC Bikini Brief. YC Bikini Brief.
YV Bikini Brief!”

(hmmm… wala namang ‘super-quality’ dun, ah. Bakit nga ba yun ang naaalala namin dun?)

Bigla tuloy akong nag-flashback dun sa iba pang mga jingles na madalas kong marinig nung bagets pa akesh. Tulad na lang ng mga itech:

“Seiko,Seiko wallet…
Ang wallet na maswerte!
Balat nito ay genuine!
Iternational pa ang mga design!
Ang wallet na maswerte!
Seiko, Seiko wallet.
Seiko, Seiko wallet!”

Seiko Wallet. Ang wallet na maswerte!

Eh yung:

“V.O.S. VOS Brandy
VOS Brandy, pang-romansa
Ang lasa at maligaya
Punong-puno ng pag-asa
VOS Brandy, pang romansaaaaaaaa!”

“VOS Brandy, 5 years old. Pangromansa. Espesyalllllll”

At yung:

“Labadami.. labango…
New mr clean.. power plus too!!
Labada’y labalinis.
Dulot mo’y Labadami, labango!”

O diba?? Mereseng talagang i-date ko na ang layf ko sa mundo, sobrang reveleyshen na itech! Pero for your reading aliw-ness, my kiddies, sige na, pina-knows ko na sa inyo ang mga commercials nung bagetchina pa ang lola nyo. Sobrang kesi-simple ng mga beat at lyrics, davah (en may i add, na sobrang jologs)? Pero hanep sa retention powers, kasi almost chu-chu years na ang nakaraan eh memorize pa rin ng tao.

Kayo, ano’ng naaalala nyong mga jingles nung bata pa kayo?

At habang andyan kayo, medyo stufid kwestyon number 4: please lang, PLEASE LANG… may nakakaalala ba sa inyo nung Beatles na crackers na may palaman na may caricature na mukha nung mga beatles sa balat nyang plastik? Kaloka yan, wit kasing nakakremember nun. Feeling ko tuloy, super wrangler na kaya ako???

(Nakita 23851 beses ng 4818 bisitors)

Para Sa Aking Bossing


Hindi po ako yang kasama ni Bossing (I wish!) Si Juniper (Eda Nolan) po yan ng Let’s Go!

For the man who loves me with all his heart, who I love with all that I have and who made me laugh so hard like never before. This is for him. May our days be filled with more love and laughter, may we always see the sunshine beyond even the biggest and darkest of clouds…

Tagalog Translations of English movies

1. black hawk down – ibong maitim sa ibaba

2. dead man’s chest – dodo ng patay

3. i know what you did last summer – uyy… aminin!

4. love, actually – sa totoo lang, pag-ibig

5. million dollar baby – 50 million pisong sanggol (it depends on the exchange rate of the country)

6. the blair witch project – ang proyekto ng bruhang si blair

7. mary poppins – si mariang may putok

8. snakes on a plane – nag-ahasan sa ere

9. the postman always rings twice – ang kartero kapag dumutdot laging dalawang beses

10. sum of all fears – takot mo, takot ko, takot nating lahat

11. swordfish – talakitok

12. pretty woman – ganda ng lola mo

13. robin hood, men in tights – si robin hood at ang mga felix bakat

14. four weddings and a funeral – kahit 4 na beses ka pang magpakasal, mamamatay ka rin

15. the good, the bad and the ugly – ako, ikaw, kayong lahat

16. harry potter and the sorcerer’s stone – adik si harry, tumira ng shabu

17. click – isang pindot ka lang

18. brokeback mountain – may nawasak sa likod ng bundok ng tralala /bumigay sa bundok

19. the day of the dead – ayaw tumayo (ng mga patay)

20. waterworld – basang-basa

21. there’s something about mary – may kwan sa ano ni maria

22. employee of the month – ang sipsip

23. resident evil – ang biyenan

24. kill bill – kilitiin sa bilbil

25. the grudge – lintik lang ang walang ganti

26. nightmare before christmas – binangungot sa noche buena

27. never been kissed – pangit kasi

28. gone in 60 seconds – 1 round, tulog

29. the fast and the furious – ang bitin, galit

30. too fast, too furious – kapag sobrang bitin, sobrang galit

31. dude, where’s my car – dong, anong level ulit tayo nag-park?

32. beauty and the beast – ang asawa ko at ang nanay nya

33. the lord of the rings – ang alahero

To more love and laughter in the years to come… I love you, mylabs…


Hindi na po si Eda yang kasama ni bossing. Ako na po yan :)

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 18849 beses ng 3955 bisitors)