Wonderful News!

Pakiusap ko po, kung mababasa nyo ito at kaibigan ko kayo sa FACEBOOK,  please, I really request that your comments be discrete there.  Pasensya na po… I don’t think I have a lot of followers anymore sa blog ko so this is the only avenue I have to write what I feel.  Kaya dito na lang po kayo mag-comment sa blog ko.  We’re still trying to control the people who know of it dahil nga po may lola pa po ako na 91 years old na at hindi alam ang nangyayari.  Eh 91 na naman po kasi sya… Kahit nga po ang uncle ko sa Pilipinas na nag-aalaga sa kanya, walang alam.   Sana po, maintindihan ninyo…
Thank you po…

————————————–

I have been so happy and thankful and ecstatic and teary-eyed since yesterday…

Pagkatapos kong mag-rosaryo kahapon nakatanggap ako ng email galing kay inang.

GOOD NEWS!!!!!

Ate’s tumor almost gone!!! THANK YOU LORD!!! Pero (sic) may konting bad news , staying in the hospital cause of bloodclot so she’s taking bloodthinner now cause daw ito ng chemo at piccline nya so may gamot sya para d maapektohan ang heart .continue praying. Facetime mosya now love u

Ate Chynna, Day 22

Umiyak talaga ako sa laki ng pasasalamat ko kay Lord. I knew He would listen to all our prayers. Hindi pwedeng hindi kung parang Vatican twing Linggo sa dami ang nagdadasal para kay Chynna. Nagpadala agad ako ng private message sa mga kaibigan namin na alam ang nangyayari at alam kong pinagdadasal kami one way or another. I know they would all be happy to hear this good news.  After almost a month, wala na ang tumor ni Ate.  Thank you talaga, Lord!!

Ate doing her quilt

Nung makausap ko si Patring, one (1) cm na lang nga raw ang tumor ni Ate at hahayaan na ng doctor na ang katawan na nya ang magfu-flush out nito. Wala na rin yung pamamaga ng kidneys nya. She still has to undergo chemo kasi nandun pa raw ang cancer cells nya, but I would take ANY good news now as a blessing. She has to take heparin shots for the blood clot and she now has a porta cath inside her upper chest kasi dun na padadaanin ang chemo nya. In a way, maganda yun kasi freely nang makakagalaw si Ate. Swimming pa kung gusto nya.

Binalita sa akin ni Ate na pwede na nyang makita si Bruce, yung alaga nyang aso. Pinayagan na sya ng doctor nya makita si Bruce. Kinailangan kasing ipagbakasyon muna si Bruce kina Wowa kasi nga unstable pa nun ang conditions ni Ate. Hindi pa sya makakauwi pa rin kina Ate pero pupunta na sila sa Bragg Creek this Monday for a few hours. Bonding time silang mag best-friend.

Lalabas na si Ate ngayon sa hospital after her heparin shots.  On Tuesday, balik chemo sya and, this time, 4 days a week for about two weeks.  Pagkatapos nun, isho-shorten na yung occurence ng punta nya for chemo depende kung ano ang findings ng mga doctors.  I know, hindi sya binibitawan ni Lord.  Ate is getting well.

Si Patring with Chynna and Coco at the park

Nakapag-Facetime pa kami kahapon while she was in the hospital.  Ang una nyang sabi sa akin, “When are you coming here?”  I know may surprise sya sa akin kasi nga akala nya hindi ko alam kung kelan darating si Greta eh may secret sila ni Greta na surprise ang dating nya.  Eh lagi kong jino-joke sa kanya na walang money kasi si Greta kaya nag-iipon pa ng money na pamasahe sa plane.  Natatawa sya.

She was telling me kung anong klaseng wig ang kukunin nya, atsaka anong kulay.  Niloloko ko nga sya na dapat blonde na ang kunin nya katulad nung binili ni Wowa sa Singapore.  Tawa sya ng tawa.  She said she needs a wig kasi they don’t allow caps in school.  Yes, she is going to attend school.  She needs the normalcy.  It will do her emotions and mind good to still have a normal routine.

She also told me na ang taba ng cheeks nya (which I noticed but didn’t want to let her know that I do until she mentioned it).  And that her cousin, Sef, was happy kasi pareho silang puro pisngi.  Pero sabi nya, pag hindi na sya umiinom nung steroids nya, babalik na sa dati ang face nya.  Sabi ko, wawa naman si Sef, sya na lang ang big cheeks.  Tawa rin sya ng tawa.

On retrospect, nagpapasalamat pa rin ako.  Ang dami-dami ko pa ring dapat ipagpasalamat.  Ate is winning the big fight against cancer.  I have nothing else to ask for kay Lord.  Recently, I have read a news on a childhood friend’s facebook page na pumanaw na ang 11 years old nya na anak.  Nung mabasa ko yun, dun ko narealize sobrang sakit pala nun talaga.  I realized because of what has transpired in my life for the past month, no matter how much pain I feel for her loss and it won’t still be as much as what she is experiencing right now,  masakit mawalan ng mahal sa buhay.  Mas lalo na kung anak.  Eto nga lang na pamangkin ko na muntik-muntikan na, halos maloka na ako… paano pa sya?   Wala… walang kasing sakit.

We really have to love life… cherish each day we see the sun rise.  Be thankful for all the blessings.  At kung hindi man obvious ang mga gifts, hanapin… halughugin ang buong buhay.  Sigurado at siguradong makakahanap at makakahanap ka ng maraming bagay na dapat ipagpasalamat at ikasaya.

Kasi ganun talaga ang buhay…

Ate Chynna and Bestfriend, Bruce

(Nakita 145637 beses ng 26024 bisitors)

Even Heroes Have The Right To Bleed

Pakiusap ko po, kung mababasa nyo ito at kaibigan ko kayo sa FACEBOOK,  please, I really request that your comments be discrete there.  Pasensya na po… I don’t think I have a lot of followers anymore sa blog ko so this is the only avenue I have to write what I feel.  Kaya dito na lang po kayo mag-comment sa blog ko.  We’re still trying to control the people who know of it dahil nga po may lola pa po ako na 91 years old na at hindi alam ang nangyayari.  Eh 91 na naman po kasi sya… Kahit nga po ang uncle ko sa Pilipinas na nag-aalaga sa kanya, walang alam.   Sana po, maintindihan ninyo…

Thank you po…

————————————————————————–

Sometimes fate has a way of challenging you and testing what you’re made of. Minsan hindi mo alam kung ano ang gustong palabasin.

Previous to this, when I would go to Mass on Sunday and pray, it will most always be a prayer of gratitude. Except for the few times I pray for my husband’s and my health problems, mostly, laging pasasalamat. Salamat sa patuloy na biyaya ng magandang trabaho, hindi lang para sa aming mag-asawa kundi sa buong pamilya ko. Pasasalamat sa patuloy na dagdag sa buhay ng lola kong 91 years old na. Pasasalamat sa lahat ng blessings na binibigay ni Lord sa amin. Na may mga problema man kami, laging may solusyon lahat.

Ate Chynna

Pero this time, my family and I are facing a challenge that we have to fight as one. Three weeks ago, my niece, our one and only princess, our 10-year-old sweet, innocent little girl, was diagnosed with Lymphoblastic Lymphoma. It’s a cancer of the lymphatic system.   How did she get it?   Hindi namin alam and with cancer, who really knows how you get it?.  She was getting the on-and-off fever, she was losing weight, and to cut the story short, she was brought in for an x-ray and they found a lump on her lung the size of a dinner roll.  And that’s when our whole world turned upside-down. 

Sabado nun at papunta ako sa Toronto.  On a stopover, tumawag lang ako nun sa kapatid ko dahil alam ko nga na nagpa-x-ray si Ate, aalamin ko lang kung kamusta ang X-ray.  Hindi na nya sinasagot ang phone nya, hindi na rin sinasagot ng nanay ko ang kanya.  Tumawag ako kay Papi, ang bayaw ko, dun ko nalaman lahat.  Nagsasabi sa akin ng mga details si Papi, ang tanong ko puro na “bakit?”  May parts na akong hindi ko maintindihan kaya nag-speaker phone na ako para marinig ng asawa ko.  Kasi marami na akong hindi naiintindihan.

“Ano’ng lymphoma?  Diba, cancer yun?”

“Anong stage?” 

“Paanong nangyari yun?  San daw galing? Paano nagsimula?”

Hindi ko makausap ang kapatid ko.  Ayaw akong kausapin.  Si Ate, kinausap ko.  Alam ko scared sya.  Pero maganda ang boses ko, maayos.  Ayokong marining nyang ngarag ako.  Basta sabi ko lang, “Ate, be strong, ok?  You know what, you’re in a very good hospital and the doctors there are very, very, very good.  They will make you well whatever it is you’re sick of.  And we’ll pray to Papa Jesus, ok?  I love you so much!”

Ano pa ba ang masasabi mo? 

Sumunod, tinawagan ko ulet ang mommy ko, tinawagan ko ang tiyahin ko.  Puro iyakan.  Yung takot, yung kaba, yung lungkot, yung uncertainty, in the real meaning of the word – nakakaloka ang mga emotions namin.  Without her saying it, I understand na hindi kaya ng kapatid kong kausapin ako. Totally, naintindihan ko yun. Kailangan huwag syang magpakita ng pagkapraning kay Ate kasi takot si Ate, confused.  At kapag nagpakita ng laglag na emotions ang kapatid ko, hindi yun kakayanin ni Ate.  Ang hirap ng kalagayan ng kapatid ko nun.  I don’t even think I could’ve mustured half the strength she had at that moment.  From either Papi or her, hindi ko kakayanin yung strength nila during that time.

At the end of the trip from Baltimore to Toronto, medyo may idea na ang buong pamilya, magmula Canada, Amerika at Pilipinas, sa side ni Pia at sa side ni Papi, on what’s going on, and more or less, what treatment Ate has to go thru immediately.  Hindi pa confirmed ang ibang details but basically, alam na namin na Stage 3 Lymphoma ang cancer ni Ate at kailangan nya ng steroids para lumiit yung mass na nasa lungs nya.  Marami pang test ang kailangan gawin to know kung ano pa ang affected.  But what we know was enough for the meantime.

Alam nyo yung “state of disbelief” – na feeling nyo nananaginip lang kayo?  Na ang wish nyo, pagbukas ng mata nyo, tapos na ang masamang panaginip?  Tutuo pala yun.  Tutuo palang nararamdaman ng tao yun kapag may mga balitang ganito.  Pilit kong pinipikit ng mahigpit ang mga mata ko, nagdadasal na pag-buka nito, gising na ako at iba ang realidad ko.  Hindi pala yun pang-telenovela lamg. Nangyayari pala yun sa tutuong buhay.   Yung tinatanong mo ang Diyos ng “bakit??”, yung nakikipag-bargain ka sa Kanya na sana ikaw na lang,  yung pilit mong iniisip kung nakuha ba ito sa genes nyo o sino ba sa inyo ang nagka-cancer na ng ganito.  Yung sinasabi mo ng paulit-ulit, “hindi ko kaya ‘to!”  Akala ko, masyado nang stereotypical na pang-soap opera yung ganun.  Pero guess what, tutuo pala.  Without me knowing or being aware, at that point in time, walang panama si Ate Vi sa drama ko.  Hindi ako hysterical, pero dire-direcho ang iyak ko. 

Pero alam nyo, despite that, hindi ko nagawang magalit sa Kanya.  Naisip ko, bound na mangyari ito sa amin.  At dahil alam ng Diyos yun, ginawa Niya ang lahat para mas maging madali sa amin na daanan ang crisis na ito.  Nasa Canada sina Ate, nasa Alberta, kung saan nandun ang isa sa pinakamagaling na hospital na pangbata sa buong North America.  Sabi nga nila, a center of excellence in pediatric healthcare.  May magandang healthcare insurance si Papi, maraming health and financial benefits na maibibigay ang province of Alberta at ng bansa ng Canada.  Na nasa magandang katayuan kaming magkakapatid para at the drop of a hat, mabibisita namin agad-agad si Ate, para aliwin sya, aliwin si Coco ang kapatid nya at irelieve si Pia at Paolo sa mga gawaing bahay para mas maalagaan nila si Ate.  Na nasa Canada ang nanay at tatay ko at ang tiyahin namin.  Na si Mama Noli, ang nanay ni Papi, nasa Amerika at madaling makausap si Papi.  Na ang kapatid nyang si Ina, doktor, naeexplain kay Papi ang mga ginagawa kay Ate.  Silang lahat, napakalaki ng tulong at suportang binibigay sa pamilya ng kapatid ko.  

Kung hindi ito tulong ng Diyos sa amin para mas madala namin ang problema, hindi ko na alam kung ano pa.

Nung makausap ko si Gretch, may mga insights sya na tinanggap kong tama. 

Hindi kami dapat magtanong bakit si Ate pa?  Kasi, bakit hindi?  Ano naman ang espesyal sa amin na hindi kami pwedeng dapuan ng ganitong klaseng karamdaman?  Masyado naman kaming magpapaka-arogante kung iisipin namin na hindi kami pwedeng magkasakit ng grabe.  Tao lang, diba?  Kung magkakasakit, ganun talaga ang buhay.  Atsaka, ang sakit na nararamdaman namin, hindi mo naman gugustuhin na maranasan ng ibang tao – kasi, yun nga, masakit.  Ang selfish kung iisipin mong sana ibang tao na lang. 

Hindi rin ako naniniwalang bigay ng Diyos ang karamdaman.  Tao nga kasi, diba?  Hindi perpekto, may mga sakit sa mundo, evolution yun… biology. Pasalamat na lang ako na si Ate nabuhay sa isang panahon na leaps and bounds na ang discovery tungkol sa cancer.  At hindi porke’t stage 3 sya, ending na.  Mas lalo pa ang lymphoma.  Napakaraming bata na ang gumaling sa klase ng cancer na ito.  Stage 3 sya kasi ibig sabihin lang nun, mas marami lang ang dapat na gawing gamutan sa kanya para gumaling sya.  At dito ako naniniwala, na hangga’t hindi ka bumibitaw, hangga’t patuloy kang naniniwala sa kapangyarihan Niya, walang impossible.  Na tutulungan ng Diyos ang mga duktor nya na malaman ang nararapat na gamutan para kay Ate.

Tutuo nga ang kasabihang “lahat ng Santo tatawagin mo” kasi ginagawa ko yan ngayon.  Si St. Therese of the Child Jesus, si St. Peregrine na patron saint ng mga may cancer, si St. Jude, ang patron ng mga impossible, ang Divine Mercy, ang Lady of Medjugorje, lahat yan, dinadasalan ko.  Ang rosaryo ko, tumaas ang mileage ng gamit ngayon.  Pero hindi na ako katulad ng una na parang natataranta na ako kung ano ang uunahin ko.  May schedule na sya – si St. Jude twing Linggo dahil dun kami nagmimisang mag-asawa, ang Divine Mercy na maiksing dasal twing alas 3 ng hapon kasama ng ibang kaibigan ko.  Ang rosaryo ko at sa Lady of Medjugorje, twing nagbyabyahe ako sa Annapolis, kasama na dun si St. Peregrine.  Si St. Therese, hawak ko ang stampita nya palagi.  Si St. Francis, kapag naaalala ko, dinadasalan ko rin siya.

Sure enough, dahil sa dami ng nagdadasal para kay Ate, lumiit na ang mass sa lungs nya.  At wala pang isang linggong gamutan yun.  She still continues to take steroids and she has to undergo chemo once a week.  I have no other reason not to be positive.  Right now, Ate still is functioning very well and normal.  Medyo mataba ang pisngi nya dahil sa steroids, pero despite that, gumagana ang steroid sa katawan nya.  And however she is right now, blessing na sa amin yun.  Enough to thank God for everything. 

At yan ang buhay ko ngayon.  Unti-unti, binabalik ko na sya sa normal.  Kumukuha na ako ulet ng order ng cakes.  Pinipilit kong isipin na ok lang ang lumabas kasama ang mga kaibigan kasi kailangan ko ng sense of normalcy para mas maging matapang ako kapag kausap ko si Ate sa Facetime.  Nagtetext na kaming magkapatid, nagkausap minsan sa Facetime pero siempre hindi dramatic.  And I don’t want that.  Magkaiyakan man kami,  kapag personal na lang akong nagpunta sa Calgary sa August. 

Matagal pa ang byahe namin until gumaling si Ate.  Kaya naman, patuloy akong nagpapasalamat sa lahat ng nagdadasal para sa amin.  Sa lahat ng kumukumusta… sa lahat ng dumadalaw sa bahay ng kapatid ko sa Calgary, maraming, maraming, maraming salamat po.  Now we realize na kapag sinabing “pinagdadasal namin kayo,” nafi-feel talaga namin ang value nya, lumalakas ang loob namin.  Ang pakiusap ko lang po, kung dadalaw kayo, medyo itaon nyo po na weekend para tapos na ang chemo ni Ate at malakas sya.  At kung pwede pong wag po maramihan, para po medyo hindi naooverwhelm si Ate.  Kung hindi po namin nasabi sa inyo kaagad ang nangyayari, sana po, pagpasensyahan nyo na.  Kasi kailangan po naming maging malakas muna at maging matatag bilang isang pamilya para naman po pagdalaw ninyo, ma-appreciate ni Ate yung masayang vibes na dala ninyo para sa kanya.  And again, thank you very much for EVERYTHING.  For even the smallest thing you extend to us, we appreciate it a lot.  Ate appreciates it so much.

God bless us all…

(Nakita 5647 beses ng 1970 bisitors)

My Little Princess

65/365 days of blogging.

Si Ate Chynna

Nung dumating yung package galing kina Inang at Itang nung Christmas, may nakasingit na isang papel sa mga damit.  Nung una nga hindi ko masyadong napansin kasi nga akala ko resibo lang ng mga sweaters.  Isip ko pa nga, “funny talaga itong sina Itang. Nakalimutan pang tanggalin ang resibo.”  So ayun, hindi ko pa pinupulot sa sahig.  Wala lang.  Tinamad lang.

Nung makausap ko si inang nung gabi, ang tanong nya sa akin, “nakita mo ba yung sulat sa inyo ni Ate?”

Si “Ate” ay ang 8 years old kong pamangkin na babae kay Patring na si Chynna.   Ang third in command (dahil mas nauna sa billing sina Kuya Pancho at Kuya Maki ni Greta) pero ang kaisa-isang prinsesa ng Familia Zaragoza… so far.

Si Ate, madrama yan.  Sa sobrang drama, marunong gumawa ng script yan na siya ang writer, sya ang director at sya ang bida.  As in, ha.  Kailangan umupo ka at manood dahil talagang may play at one-woman act kasi lahat ng characters sya ang nagpo-portray.  At ang pinaka-blockbuster nyang play ay either “Ang Sampaguita” o “Ang Pansit”.  Na halos pareho ang ending kasi namatay ang nanay sa huli.  Pero blockbuster talaga.  Kahit si Ringo, hindi kinaya ang drama nya.

Ang Survey Form ni Ate

Madaldal din yang si Ate eh.  Actually ang term namin sa kanya “Mahadera”.  Kaya naman aliw na aliw akong kausap yan sa telepono kasi ang daming kwento.  As in hindi nauubusan.  Madalas may kasama pang tsismis ng mga tao sa bahay.  Ang bestfriend nyan sa bahay, si Itang.  Si Itang ang nakaka-alam ng kung sino ang mga crush nya sa school o yung mga boylets na naiinis sya.  Kaya kapag nagbulungan na silang mag-lolo, madalas mga secrets nya yun na hindi nya sinasabi kay Mimi at Papi nya. Hehehe

At ang isa pang hobby ni Ate ay ang sumulat ng love letters.  Lagi yan may love letters yan sya.  Kaya nga nung umalis yan at nagpunta na silang mag-iina sa Canada, iniwanan nya ng sulat lahat ng tao sa Pinas at ayun, kapag nakikita ni Lovely ang sulat ni Ate sa kanya, umiiyak pa rin ang bakla kong shupatembang. 

So for the longest time yan, nagrerequest ako ng sulat galing kay Ate.  Kasi ganun naman ako talaga, mahilig akong mag-urot sa mga pamangkin ko ng mga love letters.  Kasi cute.  Tapos itatago ko.  Souvenir ng mga panahong mistula pa silang mga anghel.  Bago humaba ang mga sungay nila.  Mwahahahaha!!! Joke.  Mababait ang mga pamangkin ko.  Pramis!  Mana sa akin.

At yun nga.  Yung akala kong resibo ng Roots na hindi ko pinulot kasi nga nakatiklop na papel, yun pala ang love letter sa amin ni Ate.  At natawa ako kasi parang census lang, may phone-in questions kasi. 

“Questions for Ninang Gigi and Tito Jun:

1.  What would you like for Christmas?

2.  Are you going somewhere for Christmas?

3.

4.”

Naloka ako kasi may 3. at 4.  pero walang tanong.  Iniisip ko tuloy, yun ba ang space to write the answers o kailangan gumawa din ako ng sarili kong questions?  Kakaloka talaga si Ate…

Kaya ayun – naka-dikit ngayon sa ref sa bahay ang survery form/Christmas letter ni Ate.  Pero kapag nakababa na ako sa basement at naisabit ko ulit yung corkboard ko, dun ko na sya ilalagay.  Kasama nung kay Sef na love letter din sa akin.  Ang cute, diba?

Miss ko na yang si Ate… 

At si Coco…

At si Sef…

At si Kuya Maki…

At si Kuya Pancho…

"Bestfriends"

(Nakita 69180 beses ng 12160 bisitors)

Gifts! Gifts! Gifts!

64/365 days of blogging.

Christmas is for kids, even when they're fast asleep

Kamusta naman ang Pasko?  In fairness, despite yung aming eksenang blockbuster sa FB, na pagpunta ni bossing sa ER nung Dec. 31, masaya naman ang holidays.  Ang daming regalong pinamigay at tinanggap, maraming pagkain galing sa mga prenshps na hindi kami masyadong nagluto at may mga party na inattend-an na napakasaya.

May regalo pa kaming natanggap ni Bossing na galing kay Inang at Itang sa Canada!  Sweatshirts at sweaters na Roots!!  Na nung gabing yun, sinuot ko na yung isa nung nagpunta kami ng Philadelphia para manood ng Peter Nero and the Philly Pops dahil kasama sa chorale si M.  Ang galing nung concert na yun!  Puro mga Christmas songs ang mga kinanta at tinugtog nila, very festive talaga.  Sabi nga namin ni Bossing dapat every Christmas ginagawa namin yun para ma-feel mo talagang Christmas na.

Para Kay Bossing

So ayun nga, tigatlong sweater/jackets kami ni Bossing galing kina Inang at may dagdag pa akong gloves, scarf at bonnet.  Ang saya!  Tuwang-tuwa ako sa bagong scarf!

Ewan naman kasi, for some reason, nahilig ako ngayon sa mga scarves.  Mistula na nga akong nagho-hoard ng mga scarves na pang-winter.  Wala lang.  Ang cute lang kasi atsaka nakaka-extend ng wardrobe.  So sa Pinas pa lang nung umuwi kami, marami na akong binili.  Eh ang mura kaya.  Tapos may niregalo din ang prenship naming si Malou sa amin itong Christmas na mga scarves din.  Oo, nao-obssess ako sa kanila.

At si Bossing naman, matagal ko na ngang balak na bilhan sya ng mga sweatshirts kasi nga kapag winter, yun naman ang pinakamasarap na suotin.  Eh ang Roots, ang kapag ng mga sweatshirts pero hindi mabigat.  Kaya tuwang-tuwa talaga ako na niregaluhan kami nila Inang nun.  Tipid na ako. hehehehe

Bagong wardrobe!

May mga regalo din kaming mga gamit sa bahay tulad ng twalya, baunan na may MP3 player (ang galing nun!), iba pang mga sweatshirts at mga long-sleeves na polo.  May gift card para sa isang steak house (salamat, Judy!).  Niregaluhan din ako ni M ng gift certificate sa isang spa.  At thank you talaga para dun kasi kailangan ko nang ipa-spa ang mga paa ko.  Kaya kumalma lang ang schedule, pupuntahan ko na talaga yung spa na yun.  Umiiyak na ang mga talampakan ko sa sobrang dry nya! hahahaha!!!

May natanggap din kaming mga chocolate na masarap, may bago rin akong jewelry box at photo frames na itatabi ko muna kasi dapat dun magandang ambience na lugar ;)

Ano ang regalo ko kay Bossing?  Cellphone.  Diba nga, sobrang luma na at sobrang kailangan na nya ng bagong cellphone.  Sa sobrang tuwa nya sa regalo ko ninenerbyos syang gamitin ito at baka raw masira.  Kinailangan ko talagang lagyan ng case at protector para ma-confident syang gamitin. Ang cute diba? hehehehe

Ang outfit

Ang Pasko para sa akin is a yearly occassion, bukod sa kani-kaniyang birthdays,  na nagiging instrumento para ipakita mo ang appreciation mo sa tao.  Hangga’t kaya, no matter how small a token, kahit na nga Christmas card lang ang pwede kong ibigay, tina-try ko talagang magbigay ng regalo sa mga taong who mattered so much to us the whole year.  And I have to say I’m getting better at it, kasi nga this year, may kasama pang Christmas Cards, diba?

And appreciative ako sa mga regalong natatanggap namin ni Bossing.  The thought itself na naalala ka nila, sa dinami-dami ng mga nireregaluhan nila, it’s a big thing already.  At the effort they spend on thinking what to give you and going out to buy it, at ibabalot pa ng wrapper, malaking bagay na yun.

So para sa akin, it’s not the price, but the thought itself.   Touched na ako nun.  And mind you, hindi ako nagrerecylce ng regalo – yung tinatago yung regalo at pinangreregalo sa iba.  Hehehe, kasi lahat ng regalo ng mga prenships gusto ko.

Hanggang January yan, nagbibigay ako ng regalo kasi ang scheduled kong binibigyan ng regalo pag January ay ang mga kapatid at pamangkin at lola ko sa Pilipinas.  Kaya January na, may mga regalo pa ring natatanggap ang mga bagets sa Pinas. :)

You Can Never Go Wrong...

At ano ang regalo ni Bossing sa akin?   Sabi nga nila, you can’t go wrong with jewelry.  May istorya pa nga.  Kinuwento nya na ang gusto nya sanang bilhin eh topaz, pero dahil na-out of stock ang topaz, ruby na lang ang binili nya dahil yun ang birthstone nya.  Nung sinabi nya yun, naisip ko, “Eh???”

“Kung ang habol mo eh birthstone, bakit topaz???”   At ang sabi nya, “eh diba yun ang iyo??”  Narinig nya pala kaming nag-uusap ng mga prenships pero yung nagsabing topaz ang birthstone, inakala nya, ako yun.  Eh hello, April ako.  Diamonds kaya?  Funny, diba? Nagmarunong. hehehehe

Pero ruby, topaz, o diamonds.  It doesn’t matter.  Maganda pa rin yun for me dahil galing yun sa kanya.  Uyyyyy…. (Pramis, tutuo yun…)  At magmula nung binigay nya yun sa akin nung Pasko, kanina ko lang hinubad kasi nga kinunan ko ng litrato.  Para ma-share lang.

So yun nga.  Happy ang Christmas.  Nagpapasalamat ako kay Baby Jesus na blessed kaming mag-asawa para bumili ng mga regalo sa mga mahal naming kamag-anak at mga kaibigan.  Thankful kami na marami kaming mga kaibigan na kasama namin the whole year.  Na andyan sila for us everytime.  Na nandyan ang mga pamilya namin na lagi kaming sinusuportahan.  Na mawala man ang lahat ng tao sa mundo, andyan pa rin sila para sa amin.  And that’s what family will always do – thru thick and thin…

Maraming salamat sa lahat ng mga kaibigan na nagpadala ng card, regalo, wishes sa FB. Maraming salamat at hindi nyo kami nakakalimutan…

Kaya belated Merry Christmas sa inyong lahat.  Isang video sa inyong lahat nung party ng mga prenships sa Silver Spring.  At take note, regalo ni M sa tatay nya yang Flip video na gamit namin.  Na labs na labs ni Bossing yang regalong yan.  Thank you very much, M.

(Nakita 75590 beses ng 12751 bisitors)

Tawagin Nyo Akong Angeli

63/365 days of blogging.

Thank you, Newsflash.org

(Eksena magmula kagabi ng 9:00 pm)

*Tunog ng doorbell*

Pumasok sa loob ng bahay si Bossing na nakabusangot ang mukha at naka-hukot ang likod at hindi pantay ang balikat.  Imaginine nyo si Hunchback of Notre Dame, ganun ang itsura nya.

“O, ano nangyari sa iyo?”  Tatawa-tawa pa ako sa kanya ng pinagbuksan ko sya ng pinto.

“Mylaaaabbssss… ang sakit-sakit ng likod koooooo!!!  IISSSSSHHHHHH”  Nakangiwi na nyang sabi sa akin.

Hindi na bago sa akin itong mga ganitong eksena kay bossing.  Kapag inaatake kasi sya ng arthritis nya dahil sa psoriasis nya, talagang matindi ang sakit na nararamdaman nya.  Isip ko, hindi na naman kasi sya nakainom ng gamot nyang Voltaren kasi nga buong araw syang wala at bumibyahe.  Pero ngayon lang yun na sa may leeg at likod na balikat nya ang nirereklamo nya.  Madalas kasi  yan either sa tuhod nya o sa mga sakong nya ang sakit.

Kaya pagkakain namin, hindi voltaren ang ininom nya kundi yung isang pain reliever na gamot.  Mind you, hindi yun basta-bastang Alleve o Tylenol o Motrin lang.   Matapang-tapang na rin yun kasi prescribed yun at hindi basta-basta binibigay yun ata kung makikita ng doktor na may tendency kang maging drug dependent.  May prescription si Bossing nun, pati yung isa pang mas matindi dun, in the extreme cases na matinding-matindi ang sakit ng arthritis nya.

So since hindi naman sanay si bossing sa mga gamot na ganun, madalas yan, pinapahiga ko na sya at binabantayan na kapag umiinom sya nun.  In fact, hindi sya pwedeng umiinom ng mga gamot na yun kung wala ako sa bahay kasi may tendency syang mag-hallucinate at ma-praning.  As in, literally, napa-praning sya – fear trip talaga.

Unfortunately, kagabi, sa kasamaang palad, matindi ang tama ng arthritis nya.  Hindi sya mapakali, hindi nya malaman kung paano syang pupwesto.  Twing gagalaw sya, maya-maya, sisigaw sya sa sakit.  Kapag nakapwesto na sya, bumilang ka lang ng sampu, gusto na naman nyang umikot kasi hindi raw tama ang higa nya.  As in, ibig nya sigurong sabihin, hindi sya makumportable. Kasi nga sa may leeg/balikat nya ang sakit hirap syang makahanap ng pwesto. Maya-maya, iiyak na sya – sa sakit, sa pagod, at siguro sa inis na hindi nya malaman kung paano ang gagawin nya para makatulog.  At maya’t-maya, tatayo at pupunta sa banyo.  Mga ilang segundo pagkatapos, maglalakad-lakad sa paligid ng kwarto.  Mamaya, uupo dahil hindi raw sya makahiga, magpupulupot ng tuwalya at iiikot sa leeg nya na parang neck cushion tapos uupo sa wicker chair sa kwarto at mapipikit na. Pero bumilang ka ng ilang segundo, tatayo na naman sya at maglalakad-lakad ng paika tapos iiyak na naman – sa sakit, sa inis, sa antok at sa gamot.  Minsan pa, kapag akala mo nakakatulog na sya, sisigaw na naman sya – nagsa-spasm na sya.  Kaya magigising na naman sya.

And all these time, andyang aalalayan ko syang tumayo galing sa pagka-upo, tutulungan ko syang mag-pwesto ng mga unan para suportahan ang likod o ang balikat nya.  Andyang, kumuha ako ng tubig sa kusina kasi nauuhaw daw sya.  O mamasahihin ang balikat nya ng muscle rub ointment para medyo mawala ang sakit.  O ibabalot ng wrap yung kinuha nyang yelo sa fridge at ilalagay sa balikat nya pagkatapos susuutan sya ng sweatshirt.  Tapos tatanggalin na naman ang wrap dahil sobra na raw lamig ng yelo – sa loob ng sweatshirt.  Pipikit akong konti pero siempre hindi ako makatulog ng husto kasi alam ko gising sya.  Na kapag nakaupo sya sa wicker chair, kailangan gising ako kasi ayokong half-asleep sya at walang nagbabantay sa kanya.  And para hindi ako makatulog, kailangan nakaupo na rin ako sa kama, tinitingnan sya madalas at manunuod ng TV para hindi ako antukin.

May mga dialogue pa syang, “mylabs, bababa ako sa basement, hahanapin ko ang insurance ko.”  Na siempre, pipigilan ko at sasabihin ko, “bukas na.  Pahinga ka lang dyan. Magpa-kalma ka lang para gumana na ang gamot.”  Alam ko, mahirap yun.  But I think he has to hear na kalmado lang ako and I have the situation under control para hindi na sya mapraning pa lalo.

Ilang beses din na tumayo ako at sasabihing dadalhin ko na sya sa ER pero aayaw sya.  On hindsight, ayaw ko rin syang dalhin sa ospital na medyo drugged sya kasi baka mas lalo pa kaming mapahamak sa kalye – at madaling araw pa naman yun, malamig pa sa labas, ang daming pwedeng mangyaring masama.  Pero kung hihingin nyang magpadala sa ER, nagreready akong gagawin ko yun.

Pagdating ng alas tres ng umaga, 6 na oras magmula ng pumasok kami sa loob ng kwarto at una syang uminom ng gamot, nanghingi sya ulet ng isa pang tableta.  Masakit na masakit na raw.  So since naka-anim na oras na, binigyan ko na sya ulet pagkatapos nyang kumain ng isang slice ng tinapay.  Maya-maya, nagbalot na naman sya ng kanyang “neck cushion” at dun daw sya matutulog sa sofa.  Nung una, ayaw ko kasi malamig sa labas, pero nakiusap syang, dun na lang daw.  Naisip ko, malambot ang sofa, at kukumutan ko na lang sya, para buong likod na rin nya ang nakalapat.  Pumayag na ako pero nagdala rin ako ng sarili kong kumot at dun ako pumuwesto sa loveseat.  Nakaharap sa kanya para nararamdaman ko pa rin sya kung tumayo sya.

At awa ng Diyos, for the first time the whole night, maya-maya, nakatulog na sya.  Nakaupo man, pero naririnig ko na syang humihilik.  Hindi pa rin ako natutulog ng husto.  Naghintay pa ako ng mga 15 minutes pa siguro, just to make sure na diretso na ang tulog nya saka lang ako talagang bumigay sa antok ko.  Mag-a-alas kwatro na ng umaga.

Alas syete y medya ng umaga kanina, nagising ako at chineck ko agad si Bossing.  Tulog pa rin at nakaupo pa rin sa sofa.  So naka-apat na oras na rin sya ng dire-diretsong tulog.  Di ko alam kung gigisingin ko sya dahil baka naman pati likod nya eh sumakit o pababayaang matulog pa.  Mas nanaig sa akin yung awa kaya pinabayaan ko na lang syang matulog pa ng mas matagal at feeling ko, antok pa rin kasi ako.

Kuha sa Ospital

Mga isang oras pa, nagising na sya.  Masakit pa rin ang balikat.  Inalalayan ko syang dun na sa kama mahiga at baka nga kasi sumakit pa ang likod, mas lalaki pa ang problema.  Pagdating sa kwarto, hindi naman sya makahiga pa rin.  Pag upo nya sa wicker chair, sumandal na sa akin at sabi ng sabi na ang sakit-sakit pa rin ng balikat nya.  Pinahiran ko sya ulet nung muscle rub at minasahe ang leeg at balikat nya.  Matagal kaming nakapwesto ng ganun – magkaharap at nakasandal ang ulo nya sa dibdib ko at minamasahe ko ang leeg at balikat nya.  Maya-maya sinasabi na nya sa akin na parang mataas ang BP nya.  Sure enough – 180/100.  Kumuha ako ng bawang, mini-crowave at gumawa din ng toasted bread para kainin nya kasama ng bawang.  Maya-maya kinunan ko sya ulet – 160/100.  Maya-maya sinabi ko, “punta na tayo ng ER.”  Aayaw pa sana pero nung sinabi kong, “ikaw rin, pag tumumba ka dito or what, hindi kita mabubuhat.”  Nag-isip siya at pagkatapos sinabi, “ok…”

Umo-o na sya.  Yun na ang huling proof na talagang masakit na masakit ang nararamdaman nya at nararamdaman nya yung need for it – pumapayag na syang magpunta ng ER.

Sa ospital, 160/90 na ang BP nya, medyo ok na raw sabi ng nurse pero mataas pa rin.  Pinag-X-ray sya ng doktor para malaman kung saang parte ang sakit at para maconfirm kung ano nga ang sakit nya.  Pagkatapos ng X-ray, confirmed – psoriasis arthritis sa C3/C4/C5 ng spine nya (o C2/C3/C4 ba yun?? Basta, maraming C’s).  Binigyan kami ng bagong reseta ng pinakamatindi nyang gamot.  Sinabihan na wag magdrive habang nakainom ng gamot (duh!) at wag iintaying grabe na ang sakit bago uminom, otherwise, hindi na gagana ang gamot.   Mag-a-ala-una na ng tanghali.  Tumawag na sya sa trabaho na hindi na sya makakapasok ngayong gabi.

Bumili na kami ng gamot at dumaan kami ng Filipino store para bumili ng isda na ulam.   Kumain na kami ng tanghalian at pagdating ng alas dos ng tanghali, pagkatapos nyang uminom ng gamot, pinatulog ko na sya.  Sa awa ng Diyos, tulog sya kaagad.  Medyo umuungol at nagsasalita sya habang tulog, epekto ng gamot yun, pero tulog.  Hindi ko pa rin sya hinihiwalayan kasi nga nagsasalita at medyo restless ang tulog nya kasi pagising-gising pa rin sya pero hindi na sya umiinda ng sakit.  At mahaba naman ang duration ng tulog nya.

Nung kasalukuyang bumibili kami ng gamot at pagkain, nag-usap kaming mag-asawa.  Napagusapan namin na may mga bagay na talagang hindi na nya pwedeng gawin – isa na dun ang pagbyahe na matagal na hindi sya makakatayo o makakapag-stretch ng madalas.  Ok pa nga ang eroplano kasi every so often pwede kang tumayo at maglakad basta hindi naka-fasten seatbelt sign.  Pero ang road trips, medyo hindi na. Hindi na nya kaya.  At magmula ngayon, pinramis ko na sa sarili ko na kapag umaangal na sya ng sakit, hindi ko na pababayaan na tuluyan nang sumakit bago sya bigyan ng gamot.  Whether he likes it or not, iinom sya.  And from now on, iiwasan na namin ang mga bagay na makakataranta sa kanya, makaka-stress sa kanya, makaka-yamot at makaka-galit sa kanya.

Oo, lalabas akong kontrabida at lalabas akong antipatika, pero papayag na ako, para sa asawa ko.  Kaya nga, ako ang Angeli Pangilinan sa asawa kong ala-Gary Valenciano na may sakit.  Si Bossing na lang ang lumabas na mabait, ako na ang mahigpit, if it will mean na walang syang karamdaman.  Ok lang naman na mahirapan ako, ok lang sa akin ang mag-alaga sa kanya dahil asawa ko sya at magkasama kami thru thick and thin,  hindi ko irereklamo yun.  Pero hindi ko matiis na umiiyak ang asawa ko sa sakit.  It’s not fair and he doesn’t deserve being in pain, as much as I can help it.

Sinusulat ko ito, para ma-journal ko rin ang nangyari at para na rin maintindihan ng mga tao kung bakit minsan magiging kontrabida ako o pagbabawalan ko sya sa mga ibang aktibidades na alam naming dalawang makaksama na sa kanya dahil nga pakiramdam at fear ko, nagiging advanced na ang sakit ng asawa ko.  Matagal nang mawala ang mga lesions nya, mas napapadalas na ang sakit ng mga joints nya.  Just to give you an idea, Humira na ang iniinject nya to lessen the lesions.  Right now, pwedeng ako na ang nag-aadminister nito.  Kasi nga iba na ang syringe nya.  Unfortunately kasi nung naka-Enbrel pa sya, talagang syringe ang gamit nya.  Takot ako dun, hindi ko ma-take na pumapasok sa katawan nya ang karayom, nanlalata ako. Pero ngayon dahil para nang pen ang gamit ng Humira, ako na ang mag-iinject sa kanya from now on.  Para hindi na sya masyadong masaktan.  Sabi ng dermatologist nya, parang hindi na masyadong gumagana ang Enbrel kasi.

Sinusulat ko rin ito para rin may idea ang mga tao kung ano ang ibig sabihin ng may psoriasis arthritis ang isang tao.  Hindi naman kasi nagkukwento ang asawa ko at kung magsabi man syang ina-arthritis sya, parang bale-wala lang ang tono nya.  Ako lang ang nakakakita kung paano sya ngumiwi, sumigaw sa sakit, at umiyak.  Kaming dalawa ang magkasamang nagpupuyat kapag inaatake sya at hindi sya makatulog.  Kamay ko ang nangangawit at umaamoy gamot sa pag-masahe ng mga joints nya.  Ako ang nakakaramdam ng helplessness minsan kasi hindi ko na malaman kung paano ko pa sya pakakalmahin, pakukumportablehin o tatanggalan ng sakit.  Nobody has any idea what really happens.

Hindi lang ito basta arthritis, mas matindi ito, mas masakit.  May mga taong meron nito na sa sobrang sakit nagpapakamatay.  Ayokong mangyari sa asawa ko ito.  Ayokong dumating ang point na yun kasi hindi dapat.  Chicken and the egg ang cycle ng psoriasis at arthritis para sa asawa ko kasi psoriasis can be triggered by stress and kung masakit ang mga buto nya, nasestress sya sa sakit, the more he stresses, the worse his psoriasis becomes.  At a certain point, it has to stop.

At kapag naka-Humira (kahit na nung naka-Enbrel na sya), prone to other sickness na sya.  Mababa na ang resistance nya sa TB, lupus at allergies.  Much worse, pwede rin ang heart failure. At nakaka-atake ng puso kaya ang stress.  In my husband’s case, tumataas ang BP nya.  Nakaka-depress din ang mga gamot na ito.  Kaya, bakit ko sya isu-subject sa mga kundisyon at eksenang malungkot o nakakayamot?  Never again for him, for me, and more so, for the both of us.

So bakit pa rin kailangan ng gamot?   The positive effects of the medicine still outweigh the negatives kaya, no choice, he has to take the medicine.  Kahit papaano, nakonontrol pa rin nito ang pagkalat ng psoriasis sa katawan nya.

Hindi ko sinasabing hindi kami nag-aaway ng asawa ko at hindi ako nakadagdag sa stress nya.  But I’ve learned so much with the five years we’ve been married na kapag nag-aaway kami, alam ko nang pakalmahin ang sarili ko at eventually pakalmahin sya para hindi tumagal at lumala ang away namin.   Pero in my defense, alam ng asawa ko na kapag nagalit ako, may rason at mabigat ang rason.  Hindi ako basta-basta nagagalit, pero kapag nangyari yun, kagalit-galit talaga.

Mabait ang asawa ko.  Kaya nga, “Gary V.”  Sa pagsasama namin,  tulad ko, iniiwasan na rin nyang matagal kaming magka-away.  Pero ang mga nangyayaring external sa aming dalawa ang mas hindi ko makokontrol pero iiwasan kong mapagitna kaming dalawa dun from now on.  Kapag alam kong ikase-stress naming dalawa o nya ang magiging sitwasyon, pipigilan ko nang mangyari pa.  Pasensya na po, kailangan lang.

Kaya sige na, ako na ang kontrabida.  Para sa asawa ako at sa (pagkontrol sa) sakit nya… papayag na akong tawagin nyo akong “Ma’am Angeli”.   Basta buhay at stress-free ang asawa ko.

Happy New Year sa inyong lahat!!

(Nakita 86214 beses ng 14163 bisitors)

Party! Party! Not!

41/365 days of blogging.

Wala raw kaming Christmas luncheon sabi ng mga sekretarya namin.  Paano raw puro mga busy ang mga tao at walang mag-aasikaso.  Isip ko, bakit kaya hindi sila ang mag-asikaso.  Lahat inaaasa nila sa mga programmers.  Samantalang dati, yung Admin Assistant ng kataas-taasang Konde ang gumagawa nito – walang reklamo.  Ang problema nag-retire na kasi sya. Hayyyyyyy.. ayoko man isipin, pero… ay naku, hindi ko na lang iisipin.

At para sa inyong lahat out there na mga namamahala na may mga utaw na pinamamahalaan, sana itong mga bagay na itech, wit ninyong ini-ignore.  Kasi sa true lang, parang pasasalamat nyo na rin ito sa mga piyon na nagtrabaho ng isang buong taon.  Mga ganitong bagay lang naman ang gusto nila – konting kainan, konting salo-salo, mga isa o dalawang oras na may break sila sa sobrang daming trabaho nila.  Wag ninyong kakalimutan ‘to.  Kasi nakakademoralize na maiisip namin, konting sakripisyo para sa amin, hindi nyo pa magawa.  Wag kayong magkakaroon ng mentality na “pasalamat nga kayo’t may trabaho pa kayo.”  Hayaan nyong ang mga piyon nyo mismo ang mag-isip nun sa mga sarili nila.  Na “nagpapasalamat kami dahil may mga trabaho pa kami”.  Tungkulin ninyong paisip sa mga utaw ninyo na appreciated ninyo ang mga ginagawa nila.  Mas lalo na sa mga panahong ito  ng budget cuts, salary cuts, cold cuts, german cut at kung anik-anik pang mga cuts na naiimbento para lang hindi gumastos.  Ngayon tayo dapat na positive pa rin ang kaisipan at pakiramdam.

Kaya ayun, kami-kami,nag-plano kami na maglu-lunch out.  Keri na rin.  Galing sa mga bulsa namin ito pero kasi kailangang merong ganito eh.  Mas lalo na ngayong back to normal na lahat.  Importanteng marenew yung camaraderie at samahan.  Group dynamics din ito.

Kaya kayo ha… next time, mas alam nyo na ang gagawin ninyo.  Hmp! Simberguenza!  Imbey!  Taltal M!

Eto na lang, para masaya na ako ulet. Gumawa na lang ako ng elf christmas namin ni Bossing at mga pamangkin ko kay Greta. Meron din sa mga junakis ni Patring. Happy Miyerkules!

(Nakita 15371 beses ng 3519 bisitors)

Eh Kanino Pa Ba Ako Magmamana??

34/365 days of blogging.

O, December 1 na!  Ang tindi diba?  Any monument pasko na.  Parang nakakainis na nakakapraning.  Hindi pa ako ready, Isabel!!!

At ang pinakasign na nagbabadya na ang Pasko?  Kapag gumagawa na ng mga electronic postcards ang syupatiders kong si Greta.  At dahil galing siguro sa bagong mga digiscrap nya ito, nagpadala sa facebook ng sampol.  So siempre, inasar ko.  At sumagot naman.  At itong mga two-liners lang naming dalawa, dun mo na malalaman, malaki talaga ang sira ng mga ulo ng buong angkan namin.  At take note, normal na usapan lang yan.  Hindi pa talaga nagj0-joke yan.

(Pero ok na rin ito… kesa naman para kaming tele-novela na puro drama at iyakan na lang.  Keri na ‘to, ‘teh.)

Ang pinakitang picture
Ang walang kakwenta-kwentang sagutan

Ps.  At ang inang ha… “boxes are coming” daw.  Ano naman, maglalakad???

(Nakita 15745 beses ng 3494 bisitors)

Tele-Novela

9/365 days of blogging.

Juana Eat A Banana? (Photo courtesy of PhilStar)

Nagbago ba ang programming schedule ng GMA at TFC?  Kasi bakit naaabutan ko nang panoorin ang mga telenovela nila sa madaling-araw?  O ako lang ba ang nagigising ng sobrang aga na ngayon?

Kasi magmula ng bumalik ako galing ng Pinas, nagigising ako ng alas kwatro ng umaga at napapanood ko tuloy ang Koreana, Grazilda, Beauty Queen, Ilumina.  Not to mentnion for some reason updated na rin ako sa Immortal at Juanita Banana. 

Ergo, alam ko na tuloy ang mga istorya nila.  Kakaloka!!

Speaking of tele-novela, tama bang patayin si Louie sa Magkaribal??? Bakit??? That was so unnecessary!  Sa tutuo lang, hindi ko napanood ang Magkaribal habang nasa Pilipinas ako.  Nayamot ako ng pinahaba ang istorya.  En besides, mas mamatamisin ko pang mag-greenhills, mag-shoemart at mag-divi kesa umupo sa balay at manood.  Andun ang priorities ko, keri??  Pero napanood ko last week ang last episodes ng Magkaribal. (Kaya nga alam kong chinapter nila si Louie…).  At dun natapos yun.  Ok lang… Naiyak ako sa reunion nilang magkapatid.  Pero ok na rin.  Mas maganda sya kesa sa ibang telenovelang kasabay nya.

Si Ate (Photo courtesy of GMA TV website)

Ang tawang-tawa ako ngayon, yung Juanita Banana.  I have to admit, pinapanood ko sya dahil kay Bekimon.  Atsaka naaaliw kasi ako kay Bianca Manalo.  Ok na rin sa funny factor.  Pati istorya, ok pa naman.  Hindi nakakainis at hindi nakaka-baba ng intelligence (oo, meron naman ako kahit konti.  Tsk, sobra…).

At aamin na ako, kaya lang ako nanunuod ng Koreana kasi inaabangan ko lang ang paglabas ni Ate na mabait sa tutuong buhay at hindi katulad ng character nyang si Madam Sandra. Labs ko yan si ‘teh, eh.  BFF nga ni Greta yan.  Sila ang laging magkatelebabad.   Sila-sila ng syupatiders kong si Ringo ang laging nagkikita.  Pati si Gela na dyunakis nya, labs ko na rin kasi funny atsaka labs nya si Sef namin.

Kaya nga kahit na gusto ko pang matulog kapag nagising ako ng alas kwatro ng umaga, hindi ako makatulog kasi baka lumabas sya.  Wala lang, namimiss ko lang sila.

(Nakita 20031 beses ng 3758 bisitors)

Game 2 World Series 2010 – 2 Minutes of International Moment

2/365 days of blogging.

Mark Armada, Far Right

Hindi araw-araw na may malapit kang kamag-anak na nakikita sa World Series. Kaya pagbigyan nyo na ang lola nyo na magyayabang lang.

Ang pinsan naming si Mark Armada, na nasa US Navy, ang isa sa nag-Military Colors sa opening ng Game 2 ng World Series.  Lady Antebellum lang naman ang kumanta ng Star Spangled Banner.  At oo, WORLD SERIES.  So galing, diba?? Siempre, proud lang kami.  Sabi nga ni Tito Danny na nasa US Navy din, hindi lahat ng sundalo nabibigyan ng ganitong chance.  I guess, may magandang reason bakit sya ang napili, diba?

On the big screen of the AT&T Baseball Stadium in San Francisco, CA

Unfortunately, hindi ko napansin ang shoutout ni Mark sa FB at hindi ako nanuod ng World Series. (Palpak kasi ang baseball team ng Baltimore.)  Pero even then, hinanap ko talaga sa youtube,com at baka may nakapagvideo.  Luckily meron pero hindi nga lang maganda ang anggulo kasi natakpan sya sa big screen.

Pero mere… ang galing pa rin, diba?  Eto si “Mark Armada” na every two years eh nagbabakasyon sa amin sa Pinas galing Canada simula pa nung 3 years old sya.  Ang makulit na batang lumalambitin sa kapatid ko twing nakikita nya at kumpleto sa lahat ng mga pets (pusa, aso, bibe, sisiw, tutubi at salagubang) pag nasa Pilipinas kasi wala sya nun sa bahay nila sa Canada *maliban sa aso at pusa*.   Eto ang “Mark Armada” na sobrang napaka-thoughtful kasi pilit syang nagpapabili ng toilet seat na may kutson sa nanay nya kasi wala raw toilet seat sa banyo ng apartment namin sa Cubao.   Eto ang “Mark Armada” na nagkakanda-matay sa Bad na album ni Michael Jackson at halos mamatay sa kakaiyak kasi ayaw ibili ng nanay nya. Si “Mark Armada” na nasa US Navy nga at talagang proud na proud kami sa kanya – world series or not.

So hemingweys, proud lang talaga ako sa pinsanenses ko (ano pa ba kasi ang synonym ng “proud”????)  Hindi naman araw-araw na may pinagmi-Military Colors sa World Series na kamag-anak, diba?  Kaya wala lang. Keri lang. Proud (ulet!) lang.


Related Posts with Thumbnails

(Nakita 15863 beses ng 3299 bisitors)