Live For Today… Bikini Party Tonight!

50/365 days of blogging.

Hindi ako madalas nagpo-post ng mga emails na natatanggap ko sa blog ko.  Wala lang… hindi kasi ako naniniwala sa mga chain emails.  Pero natawa lang kasi ako sa comment ng syupatembang kong si Greta.  Nilagay nya yung note nya sa unahan ng email, pero for theatrical purposes, sa baba ng story ko ilalagay.

juicyA friend of mine opened his wife’s underwear drawer and picked up a silk paper wrapped package:

‘This, – he said – isn’t any ordinary package.’ He unwrapped the box and stared at both the silk paper and the box.

‘She got this the first time we went to New York , 8 or 9 years ago. She has never put it on , was saving it for a special occasion.

Well, I guess this is it.

He got near the bed and placed the gift box next to the other clothing he was taking to the funeral house, his wife had just died.

He turned to me and said: ‘Never save something for a special occasion.

Every day in your life is a special occasion’. I still think those words changed my life.

Now I read more and clean less.

I sit on the porch without worrying about anything.

I spend more time with my family, and less at work.

I understood that life should be a source of experience to be lived up to, not survived through.

I no longer keep anything.

I use crystal glasses every day…

I’ll wear new clothes to go to the supermarket, if I feel like it.

I don’t save my special perfume for special occasions, I use it whenever I want to.

T he words ‘Someday….’ and ‘ One Day…’ are fading away from my dictionary.

If it’s worth seeing, listening or doing, I want to see, listen or do it now….

I don’t know what my friend’s wife would have done if she knew she wouldn’t be there the next morning, this nobody can tell..

I think she might have called her relatives and closest friends. She might call old friends to make peace over past quarrels.

I’d like to think she would go out for Chinese, her favorite food.

It’s these small things that I would regret not doing, if I knew my time had come..

Each day, each hour, each minute, is special.  Live for today, for tomorrow is promised to no-one..

(Tapos may chorva-chorvang  mga pang-chain emails)

Ang note ni Greta:

i don’t really send chain emails. so just disregard that part. pero maganda yung message.. dapat suotin ko na talaga yung mga two pc bikini ko kahit habang nag lalaba ako…  =)

Wala kasi kaming maid of honor ngayon sa Pilipinas kaya all-around ang beauty nya.

(Nakita 32176 beses ng 5391 bisitors)

AIMS Human Resources and Immigration Inc.

47/365 days of blogging.

Grabe! Three thousand years akong hindi nakapag-blog! At maraming nangyari… kaya paunti-unti, installment, ikukwento ko sa inyo. Para makahabol sa chika.

Pero eto muna, public service.

Ang AIMS HUMAN RESOURCES AND IMMIGRATION INCORPORATED, na pag-aari tyahin ko at ng kaibigan nyang si Miss Mary ay isang Canadian immigration consultancy and human resources staffing service para sa Canada na based sa Calgary, Alberta. Medyo matagal na rin sila at marami na nga silang natulungan na makapunta sa Canada (pramis, marami na talaga!)  Ang maganda kasi, si Miss Mary ay member ng Canadian Society of Immigration Consultants at lisensyadong Immigration Consultant. So sigurado talaga na alam nila ang ins and outs ng immigration laws ng Canada.

So hemingweys, alam ko, marami sa inyong gustong mag-migrate sa Canada. ‘Kasamaang-palad, hindi na ito kasing dali na tulad ng dati. Nung panahon ko, anim na buwan lang, basta kasama ka sa listahan ng skilled workers, ma-a-ayos na papeles mo, ni hindi mo na nga kailangan ng consultant.  Pero hindi na raw kasi ganun ngayon. Mas mabusisi na raw ang immigration, mas mahigpit na ang embassy. Kaya marami sa atin ang gumagamit ng immigration consultant. Ang problema, hindi lahat ng consultancy eh legit. Marami na tayong naririnig na tinatakbo na lang ang pera nyo, tapos wala na. One-two-three, goodbye-laway.

Kaya dapat pinag-aaralan ninyo ang pakikitunguhan ninyo na agency.  Siguraduhin nyo na may magandang track record.  Magtatanong-tanong kayo.   Garantisado, legit ang AIMS.   Hellows… palagay nyo kaya, ilalagay ko sila sa website ko kung hindi sila legit???   (Eh institusyon na ang pansitan.net, kaya?  True yun! Pramis! Itanong nyo pa sa mga lolo nyo.)  Atsaka alagang-alaga ng mga tyahin ko ang mga immigrants at workers nila.  Sinusundo pa from the airport pag dating nila, tinutulungan na makakuha ng matitirhang apartment at may socials pa sila palagi.  May human touch ang pag-papatakbo nila ng opisina nila.  Which is how it should be, diba? Ay naku, proof na lang yung mga postings nila sa Facebook page nila.  Hit na hit, bilib yu mi.

Mga prenships, ipagkalat nyo pa sa iba, ito ang agency  na makakatulong sa inyong Canadian Immigration needs.

flyer1

flyer2

(Nakita 16257 beses ng 3528 bisitors)

Merry Christmas Na!!!

Pagpasensyahan nyo muna ang template ko.  Nagbababagong-anyo ako ulit – parang si Valentina.  Kaya habang pasko, deck the halls muna.

Marami pa akong pictures at mga anik-anik na ipopost kaya lang dahil pasko, sobrang toxic ang environment – trabaho, social life, love life.  Medyo bumababa na ang treshold ng wallet ko dahil sa pasko pero keri pa rin.  Christmas comes just once a year.  Na-blizzard kami nung Sabaders kaya si Bossing, nakatulog sa kakashovel ng driveway.  Katatapos ko lang magbalot ng mga regalo at maayos na ulit ang salas namin.  Tatlong linggo nang nakatayo ang Christmas tree at winner ang decor.  Nakapag-bake na ako ng mga christmas cookies at naipamigay na ang first batch sa mga prenships.  Idedeploy ako sa kabilang building sa trabaho kasi simula na ang toxic kong training.  Baka mas lalo na akong hindi maka-hawak ng internet sa opis kapag napunta na ako sa bagong cubicle ko.

Pero dahil Pasko pa rin naman, ito na lang muna ang ibibigay ko sa inyo.  Mga pamangkin ko ito kay Patring na nasa Calgary.  Nung pinapanood ko ito, tawang-tawa ako pero tulo ng tulo ang luha ko at sipon.  Halos murahin ko si Patring sa fexbuk kasi nga pinaiiyak ako. Sa true lang, miss na miss ko na naman ang pamilya ko – sa Canada at Pinas.  Kung pwede lang talaga si Bossing umalis, nasa Calgary na kami ngayon. Pero di bale, this year, magkikita-kita kami ulit – baka sa pinas pa. *crossing fingers, legs and eyes*

Kaya, para sa inyo, harinawang masaya ang Pasko nyo at kasama nyo ang inyong mga mahal sa buhay, harinawang kasama nyo silang rumarampa sa mga malls, sa mga gimik at kung saan-saan pang mga parties.  Harinawang masaya kayo ngayong Pasko.  Merry Christmas mula sa akin at kay Bossing ko :)

(Nakita 27529 beses ng 4708 bisitors)

Every Cloud Has A Silver Lightning

BossingLaughter is the best medicine.  Specially if you have no money to buy your medicine.  Ikanga, tawanan mo ang iyong problema.

Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos na binigay Nya sa akin si Bossing.  OO, my answers have been prayed talaga!  Kasi si Bossing ang nagpapasaya ng araw-araw ko.  Kahit na nga mainit ang ulo ko, kapag nag-joke yun hindi pwedeng hindi ako matawa.  Mas lalo kapag nasa mood syang maging komedyante.  Kasi nga feeling nya, kalbo sya.

Continue reading Every Cloud Has A Silver Lightning

(Nakita 49700 beses ng 8183 bisitors)

Do I Make You Proud?

Kakainis… nagningans-kogon ako sa pagpapakita ng triff namin ni bossing sa Virginia.  Kakaloka kasi mag-edit ng mga pictures kasi sobrang dami kaya?  Pero gagawin ko yun… pramis.  Give me time lang. hehehehe

Hemingweys, araw ng mga mudra kahapon.  Binati nyo ba ang mga inang nyo? I’m sure, ang iba sa inyo, medyo hindi ka-prenship ang mga inang nila ngayon.
Continue reading Do I Make You Proud?

(Nakita 27691 beses ng 5050 bisitors)

Birds Of The Same Feather

Hemingweys, nag-promise ako ng feekshurs ng birthday chuvaneses ko. Nag-expire na yung guest invite ko sa flicker ni papa Gerald at hindi naman pala ako nakakuha ng magagandang feekshurs nung gumora kami kina Veck. Kaya churva-churva nyo na lang ang nakuha kong mga pics namin.

Ang Breakfast Club barkading ni bossing.  Mayo, Bossing, Lani en Myra
Ang Breakfast Club barkading ni bossing. Mayo, Bossing, Lani en Myra

Continue reading Birds Of The Same Feather

(Nakita 28117 beses ng 4792 bisitors)

Happy Birthday, Lola Dear!!!

Birthday ng Lola Idad ko today. Eighty-eight na sya. Grabe, 88 years old na sya pero malakas pa rin sya. Straight-body pa nga rin daw sya, sabi ng doktor nya (Thanks, Boniva, hehehehe). Labs na labs ko ang Lola Idad ko kasi spoiled ako dun nung maliit ako. Magkasunod kami ng birthday – 3 sya, 6 naman ako. Kaya napag-usapan namin ang edad. Sabi nya kalahati na raw ako ng edad nya. Tapos bigla akong nag-isip (minsan lang yun…) – nung 44 years old sya, apo na nya ako!

Syet-da-pwet!!! Ako, pwede nang maging LOLA?!?!?!?!?!? Etong ganda bata edad kong ito???? Anoba!!!!!
Continue reading Happy Birthday, Lola Dear!!!

(Nakita 15228 beses ng 3319 bisitors)

Darling, I Will Miss You… (hehehe, Ang Korni Nun!)

Eleven days to go, nasa Calgary na ako.

Masaya ako’t malungkot. Masaya, kasi after almost 4 years, magkikita kami ulit ni Patring. Mayayakap ko na ulit sina Chingching at Coco. Almost 3 years old lang si Chingching nung huli ko syang makita, ngayon, 6 na sya at may kaklaseng “Gold” ang buhok, sabi nya. Si Coco, kinakarga pa nun, ngayon naglalaro na ng Gameboy.

Masaya, kasi after a year and a half, magkikita na kami ulit ng inang at itang ko. Nakakamiss naman sila talaga… Kahit matanda na ako, kailangan ko pa rin ang mga magulang ko – hindi na financial, emotional na ngayon.

Makikita ko na rin ulit ang bayaw kong si Papi, ang pinsan kong si Mark na nasa US Navy na ngayon, ang tyang Alma ko at lahat ng mga barkading. Excited na ako…

At may bonus pa! Baka dumating pa ang hipag kong si Ditse at ang anak nyang peborit ko rin (kapatid ni Bossing si Ditse na nakatira sa Victoria, BC). Masaya yun. Matagal ko na ring hindi nakikita si Ditse, mga isa’t kalahating taon na rin siguro. Magkapareho kami na magkabaliktad ni Ditse, sya naman ang nasa Canada, at ang magulang at mga kapatid nya, andito naman. Ang dalas naming magtawagan nyan. Lately nga, magkatelebabad kaming palagi. Wala lang… buhay-buhay.

On the other hand as much as excited ako, malungkot din ako, kasi hindi kami magkasama ni bossing. Maiiwan sya dahil kailangang pumasok ng Pasko at hindi sya mabigyan ng bakasyon pagkatapos nun.

Bakit aalis pa rin ako kahit wala sya? Kasi alam ni bossing na miss na miss ko na ang pamilya ko – saksi sya dun. Nilalabanan ko na lang nga ang lungkot ko tungkol dun kasi nga andito naman ang asawa kong mahal ko at mahal ako. Sya na siempre ang priority ko. Kaya nagkakasya na lang akong kausap lang ang pamilya ko sa telepono at sa webcam at sa chat. Malungkot, pero ganun talaga ang buhay. Mabuti na lang mabait ang mga parientes at kapatiran ni Bossing, hindi ako tinuring na iba. Mas lalo si Nanay, parang nanay ko na rin talaga.

Mabait ang asawa ako. Hindi ako nagdalawang salita nung sinabi kong baka pwedeng dun kami magholidays na dalawa sa Calgary. Yun nga lang, tawag ng pangangailangan, hindi sya makakasama. Kaya ako lang ang aalis. Alam ko, gusto ring nyang makita at makasama ang mga kamag-anak ko. Excited rin naman sya nung malaman nyang parating na si Patring. Lagi syang interesado sa mga plano tungkol sa mga kapatid ko. At pareho pa kaming nakikipag-usap sa webcam sa Calgary para makita namin ang mga bagets. Anak, kapatid, tiyuhin rin ang turing sa kanya ng pamilya ko.

Worried din akong aalis ako kasi iniisip ko na, sino na ang mag-aasikaso sa kanya habang wala ako? Yung mga susuutin nya, yung baon nya. Sino na ang mag-aasikaso nun? Kapag may sumakit sa kanya, tapos wala ako, paano na sya? Kaya nung Sabado talagang pinilit ko na syang magpa-checkup na rin sa doktor namin. Bukas magpapa-blood test kaming dalawa ng sabay.

Kahapon nung nagligpit ako ng mga nilabhan, tinuro ko sa kanya kung nasaan yung mga bago nyang pantalon na binili ko nung Black Friday sa Hagerstown, nag-balumbon na ako ng katakot-takot na mga medyas at pinagsama-sama ko lahat ng mga sando nya. Pinagsama-sama ko rin sa hangeran nya lahat ng uniporme nya para hindi na sya maghanap.

Isesetup ko nga ang webcam at mic ko sa computer nya para lagi rin kaming makapagusap. Bibili rin ako ng phonecard para mas hindi hassle ang pag-uusap. Baka kasi lumaki lalo ang cellphone bill.

Kaya kakainis ang feeling ko ngayon. Masaya na malungkot. Malungkot na masaya.

Pero ok lang yun. Kung ang balak ko sa buhay eh maging forever Mrs. E****** E. R******, Jr., a mere two-week/three-weekend time is nothing :) It’s just one Christmas compared to a lifetime of other Christmases together. Hindi mawawala ang tambalang kasing tibay ng Fernando Poe, Jr.-Susan Roces. (Mereng patay na ang Da King.)

Kaya paalala lang po, hindi po tutuo ang tsismis sa radyo na matitibag na ang loveteam. Going strong pa rin kami – habang buhay, hanggang libing.

Yun na!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 21032 beses ng 3743 bisitors)