“Mga Frikwentli Askd Kwestyons”

Ano ba ang Pansitan.com?
Ang Pansitan.com ay isang websayt na nilikha ni Ate Sienna para sa mga Pinoy. Feel ng Pansitan.com na magbigay ng aliw, katatawan at pasulpot-sulpot na aral para sa mga napapatambay o napapadaan sa harapan ng Pansitan.

Sino naman si Ate Sienna?
Ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa! (hehehe.. joks lang) Isa akong binibini (hindi binabae, ha!) na gustong magkaroon ng saysay ang maghapon kong pagharap sa computer. Naisipang magka-website para may outlet ng mga nasa isip at opinyon para hindi ako mapanisan ng laway.

Bakit Pilipino ang usapan sa Pansitan.com? Mas maraming maaabot na tao pa kung ito’y nakasulat sa wikang Ingles.
Marami nang website na gawa ng Pinoy na nasa wikang Ingles. Naisip ko lang na mas magiging effective kung bilingwal ang Pansitan.com. Hindi ko naman inambisyon na maging pang-international ang “beauty” ko. Talagang ginawa ang Pansitan.com para sa mga Pinoy. Atsaka, may direct translation ba ang “okray”, “wis”, “popak”, “praning”, “jologs” sa wikang Ingles na ganun din ang effect sa tao?

Wan-taym lang ba na websayt ito?
Hindi ah! Mukha na nga akong monitor dahil twing ika-dalawang buwan (sana!) halos ang update ng Pansitan.com.

Bakit Pansitan.com ang pangalan ng websayt?
Kasi meron nang may-ari ng unang gusto kong pangalan sana. Pero ika nga ni pareng William (Shakespeare, hindi Martinez) “A rose by any other name would smell as sweet.”

Eh bakit hindi nalang “Rose.com” ang ipangalan mo sa websayt?
Uy, nagpapatawa ka, ha!

Ano-ano naman ang mga pinagsususulat mo sa Pansitan.com?
Kung anik-anik. Kung ano ang maisip ko na gusto kong isulat o kung ano ang request ninyo sa mga i-meyl nyo sa akin. Tulad ng:

Samo’t-sari – kung ano-anong may social relevance na mga isyu hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo
Nakakayamot! – mga bagay-bagay na nakakahigh-blood o mga dapat punahin
Natawa Ako D2! – mga bagay na funny, hindi man kayo ma-ihi sa katatawa eh mapapangiti naman kayo
Dear Ate Sienna – dito nakalagay ang mga i-meyl ninyo sa pansitan. kasama na ang mga problema o maski paps na mga tanong tungkol sa kahit na ano ander da san
Wat’s Yur Feyvorit Pansit – mga kwento ng buhay-buhay ng mga tao na may kuneksyon sa pansit
Puro na lang Ako! – nag-fi-feature ng mga katangi-tanging websayt ng gawa ng ibang Pinoy sa internet.
Para Kay Girlie – mga bagay-bagay na pang-babae, para sa babae
Say Mo? – ang discussion board ng Pansitan.com (Sana sumulat naman kayo…)

Taga-saan ka ba, Ate Sienna? Nasa Pilipinas ka ba?
Hayyy naku.. sana nga, kung hindi lang mahirap ang buhay. Minsan nasa Canada ako. Minsan naman nasa Amerika. Pero ang pinaka-ambisyon ko, manirahan na ng permanente sa Amerika kasama si Andres ko.

Sino si Andres?
Ang pag-ibig ng buhay ko. (Translation: Da lab op mai layp)

Mga tutuong tao ba ang mga binabanggit mo sa Pansitan.com?
Depende. May mga tutuong tao, may mga bunga rin ng malikot na pag-iisip.

Pwede ka bang masulatan?
OO naman. I-imeyl mo ako sa ate_sienna@pansitan.com at sasagutin ko yon, pramis.

Pwede rin ba akong magsulat para sa Pansitan?
Ay, bongga! Sige, write ka na at send mo sa akin sa ate_sienna@pansitan.com at kung tama sa panlasa at hindi sya kasaam, ipa-publish sya ni Ate Sienna dito sa Pansitan.com

Kahit kontra sa opinyon mo, ok lang?
Siempre naman! Naniniwala ako sa “fri ispits” (free speech) sa internet. Ebribadi hapi. Basta wag lang syang tungkol sa racism, prejudism o pornograpia.

Kelan ko naman malalaman kung may bagong isyu? May meyling list ba ang Pansitan.com?
Ay op kors, sali ka na para lagi kang-updated at hindi ka tawaging “natutulog sa Pansitan”

May iba pa bang ma-o-order dito bukod sa pansit?
Meron – sarsi. Masarap na kombinasyon yon.

May iba pa bang tanong?
Wala na siguro. Hala, umorder ka na sa aking super julalay na si Be-be (aksent on the last “be”) at magpalaboy-laboy ka na sa bakuran ng Pansitan.com

(Nakita 18069 beses ng 4526 bisitors)