about
... ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya.

Ito ako...

Writings
Dear Ate Sienna...
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Natawa Ako Dito :)
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Samo't-Sari
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Nakakayamot!
1 2 3 4 5 7 8 9
My Peborit Pansit
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Para Kay Girlie
4 5 6 7 8 9
Lumang Indeks
1 2 3 4 5 6 7 8 9

FA-Q

Home

Pictures

Links

Archives

Manilena Logo

Nung Panahon ni Maria Clara...

(Para Kay Girlie Isyu 6, January 26, 2003)

Nung huling isyu ng Para Kay Girlie, nagkwentuhan tayo ng tungkol sa ligawan, style Generation-Y. Minsan nga, wala pang ligawan at kay bilis magpalit ng mga bi-ep at gi-ep. Tingnan nyo na lang itong alembong kong dyulalay na si Be-be (aksent on da last Be), ayun, beynte-singko anyos pa lang eh nakaka-limampung bi-ep na ata, isama mo pa dyan yung mga ka-M. U. (Mag-Un??) lang daw nya. Sus, eh kung susumahin, para ba'ng nakaka-dalawang nobyo sya taon-taon simula ng pinanganak sya. Kung panahon pa ito ng ating mga kalola-lolahan, aym sure, matagal nang sinunog ng buhay sa plaza itong si Be-be dahil aakalain nila na nasasaniban siya ng mga espiritu ng mga malilibog na demonyo! (Hmmm.. teka.. hindi nga kaya?!?!)

Ano nga ba ang ligawan nung panahon nila Maria Clara? Ibang-iba, mga girlies. Siguro sasabihin ninyo, "How corny naman that syle naman. Nobody does that na anymore naman, Ate Sienna! Over! As-if!" Hmp! Narinig ko na naman yang mga boses ninyong tinalo pa si Kris Aquino sa sobrang sing-song! Pero mabalik tayo... Para lang ba alam ninyo, mga girlets na walang alam kundi pindutin ang mga selpown ninyo at makipag-text mate. Isa-isahin natin ang ligawan nung bata pa ang mga ingkong at impo ninyo...

Ang tinaguriang dalagang Pilipina ay malihim at hindi kelanman na magsasalita ng tungkol sa nararamdam nya sa isang binata. Merese pang deads na deads sya kay Pedro, wah sya talk kahit na kanino.

Nung mga panahon na yun, usong-uso ang harana. Yun yung dadalaw ang manliligaw (o nais manligaw) sa bahay ng girlet na may kasamang marunong mag-gitara. Kakantahan ni boylet (o ng pinakiusapang manganganta) ang girlie sa tapat ng kanyang bintana. Kung feel sya ni girlie, watch sya mula sa bintana ng bahay, kung hindi, deadma sya to the world, ni hindi pagbubuksan ng ilaw ang namamaos na at pinuputakti sa lamok na mga naghaharana.

Kung type sya ni girlie o may boses naman pala siya, paaakyatin sya sa bahay. Pagka-akyat naman ni boylet, may-I-gibsung na sya agad sa mga magulang, lolo't lola ni girlie at pati mga kapatid ng mga pasalubong. In other words, ultimo pamilya ni girlie, dapat nililigawan ni boylet para malakas sya sa mga yun. Pagdating sa loob ng bahay ni girlie, madalas yan, nasa salas din ang buong pamilya ni girlie kaya wa pa rin spluk si boylet. Tinginan lang silang madalas at kapag inabot na ng isa-dalawang oras si boylet sa balay ni girlie, magpaparinig na ang mga oldies na inaantok na sila. Minsan pa nga, maglalatag pa si ingkong ng banig dun mismo sa salas para lang iparamdam kay boylet na "Taym is ap... uwi ka na!" (Naririnig ko na ang side comment ng dyulalay ko, "Haw rude naman is dat lolo of hers, ha!!!)

Dahil nga dalagang Pilipina si girlie, wah sya say kung type ka nya. Pakipot muna sya siempre. Hindi pwedeng hawakan ang kamay, hindi pwedeng babaran kung kausapin sa kanto at hindi ka sasagutin agad-agad. Madalas, buwan at taon bago man lang malaman ng boylet na type pala sya. Kaya't para lang mas lalong lumapad ang papel, ga-work ang boylet sa housing ng girlie. Paninilbihan ang tawag dito. May-I-salok ng tubig galing sa igiban, may-I-sibak ng kahoy para sa kalan, may-I-tulong sa bukid ng sakahan ng amang ni girlet at kung ano-ano pang pasakit ng katawan para lang masabing malinis ang intensyon nya kay girlie. (Magtyaga ka nga naman ba, kung feel mo lang simsimin ang kabanguhan ng girlet at iwan pagkatapos. Dehin na, diba?)

So sabihin na natin na pagkatapos ng limang taong paninilbihan at kandapaos-paos nang paghaharana, sinagot na rin ni girlie si boylet. Uy, hindi ibig sabihin nun eh pwede nang halikan ni boylet si girlie ng basta-basta na lamang. Aabutin na naman sya ng ilang buwan, bago nya mahagkan man lang sa pisngi si girlet. I'm syur.. bitin na bitin na si boylet... pero malinis ang intensyon nya kay girlie kaya, pilit at pasensyoso syang naghihintay. Hindi rin sila pwedeng mag-date ng mag-date. Sa bawa't labas nila, kailangang ipagpaalam ni boylet si girlie sa kanyang mga magulang at dapat yun justified ang pag-alis nila! ("Eh sasali lang po kami sa pasayawan sa plaza." "...Opo, bago po mag-alas nuwebe eh nasa bahay na po si Clara.") Hindi pa nasiyahan si amang, pasasamahin pa si junior para chaperone nila. At bawa't galaw ng magkasintahan, mistulang Ogie Diaz ang junior na irereport sa amang ang lahat ng nakita at narinig nya.

Kaya't sa laki ng hirap madalas ni boylet kay girlie, hindi nya magawang sirain o basta na lang itapon ang lahat ng "emotional investment" nya kay girlie. Madalas, kapag naging kasintahan na nya si girlie, istik tu wan na sya. Wah na "on-da-sayd" pa yun dahil nga, tsong, sa laki ng hirap mo sa babae, sirain mo pa ba?!?!? Pagkaraan pa ng ilang taon, ito rin madalas ang babaing hinaharap nya sa dambana. At itong mga ito ang inyong nagiging mga lolo't lola na madalas na ang dialogue sa inyo eh "Kuuuuu... nung panahon namin, hindi pwedeng ligawan sa kalye ang babae!". 'Yun yun.

Nakakaaliw kapag nagkwekwentuhan ang mga lola tungkol sa kung paano sila nagligawan nung kabataan nila. Madalas nga yun, etong mga nobyo nilang ito ang kanilang napapangasawa at nakakasama sa habang-buhay. Ibig ba'ng sabihin nito na dapat tayong bumalik sa gawi ng panahong iyon dahil mas mukhang mas matatag ang kanilang mga samahan nun kesa ngayon? Samantalang itong mga panahong ito, sandamukal na ang nagiging bi-ep ninyo eh parang puro palaka pa rin ang nahahalikan ninyo at wala pa ring lumalabas na prince charming?

Ako, hindi siguro yan sa modus ng ligawan. Kahit na nga siguro mas nanghihinayang ang mga noy-pits kung ganun na katagal at kalaki ang panahong ginugol sa babae. Pero hindi ibig sabihin na saksespul na ang relasyon ninyo dahil dito. Nasa pag-uugali pa rin yan... nasa pananaw mo kung ano ang depinisyon mo ng "ka-partner sa buhay" (lifetime partner). Maaring katulad ka ng dyulalay ko na palipat-lipat ng dyowa. Pwedeng nangyayari lang ito dahil nga medyo mali ang mga lalaking napipili mo. Pero ang mas importanteng bahagi nun, may nakukuha ka bang aral sa bawa't nagiging relasyon mo na syang magsasabi sa utak at puso mo na "sa susunod na bi-ep ko, hindi na ganun ang gagawin ko"? Katulad nga ng lagi kong sinasabi kay inang.. kung dalaga ka at marami kang nagiging bi-ep, ok lang yun dahil dalaga ka at may karapatan kang mamili. Ang hindi maganda yung, nagsasabay-sabay ka ng bi-ep. Yun, kaswapangan na yun. Maniwala kayo sa karma.